ILYS 12: Eros and Psyche

"Talaga?! Crush mo yung baklang 'yon?" gulat na tanong ko kay Ella.



"Oo." Pasalampak na umupo siya sa chaise longue ng sala. Nasa bahay ko siya ngayon. Madalas na wala ang pamilya ko sa bahay kaya feel-at-home niyang nilalantakan ang mga pagkain na nasa refrigerator namin. Dating gawi. Ngayon naman, inabot niya ang platter ng cheese-flavored na French fries na nasa center table at inumpisahan na ang pagkain sa laman niyon.



"Grabe ka, Ella! Totoo ba 'to? Bakit naman si Eros pa?" mababakas sa mukha ko ang disgusto sa rebelasyon niya. Inabot ko sa kaniya ang isang baso ng lemonade bago umupo sa tabi niya.



"E, na-'crush at first sight' ako. Masama ba 'yon?"



"Seryoso? Nagka-crush ka nga sa totoong tao, pero sa kalahating tao at kalahating sirena naman. Kung hindi ba naman may katok ka rin sa ulo, friend."



Hindi talaga madaling magkagusto si Ella sa mga lalaki. Simula nang mahilig siyang manood ng mga Koreanovela sa TV, mag-abang ng mga bagong hollywood movies sa torrent at magbasa ng mga pocketbooks, pulos fictional characters na ang gusto niya.



Tumaas nang tumaas ang mga standards niya sa mga lalaki. Hindi lingid sa kaalaman niya na mahirap hanapin ang mga lalaking close to perfection kaya't walang kaduda-duda na hanggang ngayon, single din siya. Until she met Eros yesterday...



Ang sabi niya noon, hindi siya magkaka-boyfriend hangga't hindi pa kami graduate ng college. 



Tila nag-iba ang ihip ng hangin, hindi na niya gusto ang mga fictional characters! Nawalan na siya ng amour at pagnanasa sa mga posters ng mga K-Pop boy groups na nasa bawat sulok ng kwarto niya. Nang makasabay namin si Eros kahapon sa pila sa cashier sa convenience store, boom! Crush na raw niya agad si Eros! Iniisip pa lang daw niya na si Eros ang hero sa paborito niyang romance novel, kinikilig na siya. What more daw kung siya naman ang heroine?



"Lalaki pa rin naman si Eros."



"As if naman papatulan ka niya. Ang gusto niya, kawangis ni Adonis, hindi kalahi ni Eba."



"Ouch ha?"



"Wow ha? Kahapon mo lang na-meet, crush mo na agad? Ella, ilang bote ba ng rugby ang nasinghot mo? Isa pa, alam mo namang hindi kayo talo."



"Crush lang naman. Ano pa bang ipinuputok ng butsi mo?"



"Nakakatakot ka kasi magka-crush, nauuwi sa obsession. Tapos pag na-brokenhearted ka, mas matagal pa sa Semana Santa ang pagmu-move on mo. Naalala mo yung crush mong Hallyu star na kasal na ngayon? Kung maka-move on ka para namang naging kayo! Hindi nga siya aware sa existence mo e."



"Sa tingin mo ba, magkakagano'n ako kay Eros?"



"Alam kong 'no boyfriend since birth' ka, friend. Alam ko rin na sa course na pipiliin natin sa college at sa propesyong susuungin natin in the future, mahirap nang makahanap ng boyfriend 'pag nagtatrabaho na. Sabi ko sa 'yo dati, tantanan mo na 'yang kahibangan mo sa mga artista at sa mga bida sa nobela at i-try mong maghanap ng potential boyfriend na totoong tao. Pero hindi naman si Eros ang tinutukoy ko. Alam mo, pressured ka lang. Huwag kang magmadali, pumili ka ng iba. There are so many fishes in the ocean."



Isang araw, ikinwento niya sa'kin ang chika-han nila ng favorite teacher niya. Nasabi raw nito na dapat, ngayon pa lang, maghanap na siya ng boyfriend bago pa siya malulong sa paperwork at sa mga makukulit na estudyante. Education kasi ang gustong kurso ni Ella sa college. Karamihan sa mga guro na nanatiling single after graduation, nasa marrying age na nang mahanap ang mga true love nila. Yung iba naman, naiwan na ng huling biyahe. Ayaw niyang maging ganoon ang kapalaran niya.



Hindi ko lubos maisip kung bakit si Eros pa ang napili niyang magsalba sa kaniya sa nakapangingilabot na realisasyon niya. Pero mas nakapangingilabot nga naman ang sinabi ko sa kaniya - hindi naman sila talo. She still felt this urge na mapansin din siya ni Eros. Eros' bright disposition is always a welcome breeze. Lalo na kahapon. She took an instant liking at him.



"Tigilan mo na, hangga't maaga pa. Masasaktan ka lang." Babala ko sa kaniya.



"Eros is such a nice guy. He's friendly, he's good-looking, he's –"



"Gay, not a guy," putol ko sa sinasabi niya. "Hindi man halata, pero baklang bakla 'yon. Ayaw mo naman siguro sa Po-Gay."



"Gusto ko nang magka-boyfriend. I could be her Psyche." My mouth formed a big O.



"Kahapon mo lang siya nakilala."



"Technically, matagal ko na siyang kilala. You make kwento of him kaya nung nasa London ako. Kahapon ko lang siya na-meet personally but I already knew him long ago."



"Bakit si Eros? Mas malambot pa nga 'yon kaysa sa 'yo. Siya, marunong at mahilig maglagay ng kolorete sa mukha at pang-superstar ang fashion taste..." sabi ko habang iniisip pa ang susunod na sasabihin. Iniisip ko ang mga tamang salita para hindi siya gaanong ma-rub the wrong way. "Kung magiging kayo man ni Eros, mukhang siya pa nga yung babae, hindi ikaw."



"Oo na. Alam ko naman 'yon. Wala ka nang magagawa, crush ko na siya, eh."



"Anong plano mo?"



"Tutulungan mo 'kong gumawa ng plano ko."



"'Nak ng! 'wag mo 'kong idamay."



"Pumayag ka na. Nang magkaroon naman ng kaliwanagan ang 'crushlife' ko."



"Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo. Gutom ka lang yata, eh. Marami pang pagkain sa kusina. Ikukuha kita."



"Hindi ako gutom." Iningusan niya 'ko. Kinuha niya ang pitsel na nasa center table at nagsalin ng lemonade sa baso niyang wala nang laman. Kapagkuwan ay mataman niya akong tinitigan.



"Lee, sige na please, tulungan mo na 'ko. Close kayo 'di ba? Baka naman may chance pa na bumalik siya sa dati – na maging lalaki siya ulit. Baka may chance rin na magustuhan niya 'ko, or he'd see me in a romantic way. That would be great, I guess!"



"Ohoho! Umaasa ka talaga diyan, ha? See? Unti-unti nang lumalala yang 'crush syndrome' mo. Kaunting kendeng na lang, obsession na 'yan. Ang hirap talaga magkaroon ng kaibigang weird."



"Masama bang umasa?"



"Adik ka na naman sa pag-asa, eh. Naka-droga ka ba, friend? Try mo kaya suminghot ng realidad. Mahirap baguhin ang taong ayaw magbago. Mananatili siyang bakla dahil 'yon ang gusto niya. Hindi mo siya mapipilit na gustuhin ka rin dahil alam mo namang Hindi. Kayo. Talo." Sabi ko na mariing binanggit ang huling tatlong salita.



"Lee, please..." aniya sa tinig na nagsusumamo. "I know you can help me at hindi mo 'ko matitiis. That's what best friends are for, right?"



"Huwag mo 'ko daanin sa puppy eyes mong 'yan, Ella Aquino. Hindi kita susuportahan sa kahibangan mong 'yan."



"I always believe in the impossible, kapatid. Alam mo 'yan."



Pareho kaming natigilan dahil sa tunog ng doorbell. Tinungo ko ang pintuan at binuksan iyon. Napamaang ako nang iluwa niyon si Eros.



"Speaking of ..." I muttered.



Sa unang tingin, aakalain ng iba na tunay na lalaki ito, straight at walang bahid ng karakter ni Eba.



His hair was tousled. But it didn't mess up with his unblemished, immaculate face. He looks absolutely handsome with his black T-shirt on. He loves to wear black kapag wala ito sa school. Para kay Eros, black does not only offers a natural slimming effect, it can also be pooled with almost every other piece in the wardrobe. Ngayon, he throws one on with a pair of slim cream shorts and a pair of sneakers.



He's both trendy and casual. Mababakas dito na mahilig nga itong mag-ayos ng sarili. Ella liked that trait. Kung titingnan ang built nito, he's very masculine unless magsasalita ito.



"Hi, sister!" bati nito Eros sa 'kin kasabay ng marahang pagtapik nito sa braso ko. Pumilantik pa ang mga daliri nito. For goodness sake!



"Hi, Ella," kapagkuwan ay binati rin niya ang bisita ko. Nang banggitin ni Eros ang pangalan niya, she froze. She then smiled at him. Tinugon rin nito ang kaniyang ngiti. Gosh! His killer smile obviously stunned Ella.



"Hay naku, Eros! Hindi ko alam kung matutuwa ako na dumating ka na o maiinis ako dahil dumating ka pa." sabi ko.



"Bakit naman?" tanong ni Eros. "Saka, ano yung sabi mo kanina? Speaking of? Bakit? Pinag-uusapan niyo ko?" patuloy nito.



It's weekend. At dahil wala kaming pasok sa araw na ito, pinapunta ko si Eros sa bahay dahil magpapaturo ako sa kaniya para sa summative test namin sa Social Studies. Eros is undeniably smart. Consistent top 1 ito sa klase namin. Ayaw nga lang niyang magpalipat sa Special Science Class dahil ayaw niyang lumayo sa 'kin. Lucky me!



"Oo. Pinag-uusapan ka namin," walang kaabog-abog na sabi ko. I could feel Ella flinch. Muling sinalinan ni Ella ang baso ng lemonade niya at mabilis na ininom iyon.



"Really? Bakit?"



"Crush ka raw niya." Muntik nang maibuga ni Ella ang ininom niyang lemonade, mabuti na lang at nakapagpigil siya. Agad niya akong pinukol ng isang wala-namang-laglagan na tingin.



Hindi nakaimik si Eros. Isang matipid lang na ngiti ang iginawad nito sa akin. Hindi ko mawari kung naniwala ito sa sinabi ko o deadma lang ito roon.



"Review na tayo," anito.



Habang may isinusulat si Eros sa notebook ko, nahuli ko ang pasulyap-sulyap na si Ella na tuloy pa rin ang pagkain sa pagkain ko. Sa totoo lang, matigas talaga paminsan-minsan ang ulo niya. Kahit hindi pwede, ipinipilit. Kahit imposible, maniniwala. Kapag may gusto, ayaw magpapigil. She's too stubborn. However, we both knew we were alike ever since. Kaya nagkakasundo kami.



My iPhone buzzed. It was a message from my stalker.


Prince

Another Princess-less day </3

Lee

?

Prince

It's getting hard for me to spend days without seeing you...

Lee

gagawin ko?

Prince

Can I borrow a kiss?

Lee

Tae ka! Pinagsasasabi mo?

Prince

I promise I'll give it back. :)

Lee

-_-

Prince

Kung maging subject ka gusto ko ikaw ang pinakamahirap

Lee

?

Prince

Para sayo lang ako babagsak <3

Lee

taena

Prince

Toyo ka ba?

Lee

?

Prince

Kasi I dedicate all my love toyo :)

Lee

What's with the pickup lines?

Prince

Wala lang hahahahahaha

Lee

Last mo na yon. Korni mo

Prince

Eh kung i-unfriend kaya kita sa Facebook?

Lee

Edi masaya

Prince

PICK-UP LINE YUN EH.

Lee

MALAY KO BA. BAT GALIT KA?

Prince

HINDI AKO GALIT

Lee

HINDI? BAT NAKA-CAPS LOCK KA?

Prince

Napindot ko lang yung capslock. sorry.

Yung pick-up line kasi </3

Lee

Akala ko seryoso yun eh. Magpapa-party na sana ako.

Prince

</3

Lee

Ulitin mo na

Prince

:)

Eh kung i-unfriend kaya kita sa Facebook?

Lee

Bakit?

Prince

Kasi, ang tingin ko naman sa 'yo, more than friend ;)





I never expected that I wouldn't be too much grumpy in one of our conversation. Pupusta ako nang malaki na sa google niya lang hinalungkat yung mga pickup line niya. I can't help but smile. Hindi ko na siya ni-replayan dahil kinausap ako ni Eros tungkol sa nire-review namin.



Alas singko na ng hapon nang magpaalam si Eros na uuwi na. Wala akong ibang ginawa kundi ang makinig sa lecture nito at titigan ito habang nagsasalita maghapon. I knew that Ella's fondness of him will not grow fainter easily. Bagkus ay lalo lamang sisidhi iyon.



"Got to go na, Lili, babush! See ya!" at nag-fly away na ang bakla. Ni hindi man lang nito pinansin si Ella. I cringed at the thought.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top