ILYS 10: Leisure Time

Iniligpit ko ang mga libro at ilang notebooks sa harapan ko. Isinilid ko sa aking pulang backpack ang isang binder at isinukbit iyon sa likuran ko bago tumayo. Feeling ko tuloy, napaka-huwaran ko ngayon.



Naghahanda na ako para umalis dahil dismissed na ang klase namin ngayon. Uwian. Iyon ang pinakapaborito kong subject sa eskwela. Excited ako tuwing sumasapit ito dahil nabawasan na naman ng isang araw ang bubunuin ko. Pero mas excited ako dahil alam kong kaunting tiis na lang, summer na! Mukhang dininig na ang aking matagal nang panalangin, except for one –makulay na love life.



"Tara na, Lee."



"Saglit lang, Eros. Dadaan muna 'ko sa locker room."



"O sige, kita na lang tayo sa labas."



Binaybay ko ang hallway ng second floor papunta sa dulo niyon. Nandoon ang locker room. Pakiramdam ko, isa akong walking library sa dami ng bitbit kong libro.



Habang naglalakad, sinisigurong kumpleto ang mga gamit ko. Hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko kaya't hindi ko namalayan na may nabangga ako.



"Sorry," I mumbled. Nakatuon pa rin ang atensiyon ko sa mga librong kumawala mula sa pagkakahawak ko.



Isa-isa kong pinulot ang mga iyon.



Natigilan ako nang makita ang isang pares ng itim na sneakers na tumambad sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin. "I-ian, ikaw pala! Sorry hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko."



"You need help?" Tanong ni Ian. I was trying to get my composure dahil sigurado akong nangangamatis na ang mukha ko sa hiya.



Hindi ko na nakuhang sumagot. He kneeled down at pinulot niya ang mga nagkalat na papel.



"Ang dami mong dala. Saan ka pupunta? Ihahatid na kita," patuloy niya. Ilang segundong wala akong kakurap-kurap sa pagtitig sa kaniya. It was like seeing a Ken doll talk. I told you, he really is bashful at para sa akin he'll get to spill his heart out when pigs fly, mali pala ako.



Tumikhim siya kaya't napakurap ako. Agad siyang tumayo. Hindi ko inasahan na maglalahad siya ng kamay para alalayan ako sa pagtayo ko. Nagdalawang isip pa ako kung tatanggapin ko pero tinanggap ko pa rin sa huli. Nang makatayo ako, agad kong binitiwan ang kamay niya. I don't know why and I don't get it. What's with the odd sensation?



"Thank you." Sambit ko.



Hindi ko mapigilan na suriin ang hitsura ni Ian. Matangkad siya. Hanggang balikat lang niya 'ko. Suot niya ang isang puting long-sleeved polo. Naka-rolyo ang mga sleeves nito hanggang sa siko niya. Isang dark grey hoodie ang nakasabit sa isang balikat niya, isang itim na backpack naman sa kabila. Nakasuot din siya ng itim na slacks. I can't deny the fact that a number of girls drool over this guy dahil sa misteryosong dating nito. But wait, what makes me think to check him out? Weird.



Sinamahan niya ako hanggang sa locker room. Mula sa bulsa ng uniform ko ay kinuha ko ang susi ng locker ko. Pagkabukas ko niyon ay nakita ko ang maraming pack ng marshamallows sa loob. Wala akong natatandaang bumili ako ng marshmallows. Sigurado akong hindi ako ang naglagay niyon.



"Holy mother of clover chips! Sino naglagay nito?!" Hindi ko namalayang naisatinig ko pala ang iniisip ko. I felt that Ian fixed his eyes on me.



"What's wrong?" He asked.



"May nagbukas ng locker ko! Iniwan 'yon o!" I pointed the packs of the marshmallows inside the locker and he averted his gaze from me.



"Someone might have a spare key to your locker." Someone said. Agad naman naming nilingon ni Ian ang nagsalita.



"Neth," Ian walked towards the transferee and gave him a fist bump. "Nandito ka pala."



"Yeah. May kinuha kasi ako sa locker ko. By the way," the transferee looked at me. "Sino pa bang may spare key ng locker mo?" He inquisitively asked.



"Wala." I curtly said. He was feeling close. My stillness a while ago turned to a raging feeling.



Kinuha ko ang mga marshmallows sa loob ng locker. While getting rid of those inside my locker, isang papel ang nakita kong nalaglag mula roon. I picked it up.




My Princess,

Marshmallows for you <3 You love these, right? I know a lot of things about you, Lee. I hope you don't mind. :)

Sweets and love,

Your Prince





The note sent shivers to my system. He had a key to my locker! He's invading my privacy! Sino ba talaga siya?



"What the hell." Bulalas ko.



"Lee, okay ka lang?" Tanong ni Ian.



"Oo... Pero ito," tukoy ko sa note na nakuha ko. "Tinatakot ako."



"I'm sure it wasn't a grave thing, was it?"



Hindi ako kumibo.



"Ian, why don't you ask Lee for tonight?" The transferee butt in, obviously trying to make me forget about my tensed reaction.



"O-oo nga pala!" Ian's mood suddenly brightened. "Punta ka sa gig namin mamaya. You can ask someone you want to come with you."



"Gig?"



"Yeah. May banda kami. Tonight would definitely be fun. Pangtanggal ng stress. Since hell week is approaching, it would be great if we could refresh our minds bago ang last quarter exam." Sabi nung Kenneth.



"Gano'n ba? Sige. Pag-iisipan ko muna."



"Lee!" Eros went inside the locker room and approached me. "Ang tagal mo naman! Kanina pa kita hinihintay!" Halos nakalimutan ko na ang pakay ko sa locker room. Agad kong inilagay sa locker ko ang mga gamit ko.



I handed him the marshmallows. "Sa 'yo na lang."

I love those pero I won't risk my life eating it. Paano kung may lason pala 'yon? I know it's irrational pero safety first.



"Ano? Mamaya?" Tanong nung transferee.



Eros seemed to recognize what he was referring to. "Pupunta kami, don't worry."



"Cool. See you later!" Inakbayan nito si Ian bago tuluyang lumabas ng locker room. I caught him winking at me. I noticed the glaring Ian beside him but he just laughed whilst shaking his head.



"Trip ka nun." Biglang sabi ni Eros pagkaalis nung dalawa.



"Ano?" It took me ample amount of time to digest what he just said. "Haha. Utot mo blue. Hindi 'yon!"



"Basta alam ko, trip ka nung pogi na 'yon. A hottie is on your tail, babe! Akalain mo ba namang magkagusto sa 'yo si Kenneth? Iba ka, bakla!"



"The feeling is not mutual."



"Ay! Choosy ka nga pala."





***





Malapit lang ang bistro kung saan lagging may gig sina Ian at Kenneth sa bahay namin. Mukhang madalas na nandito si Eros dahil halos kilala na niya ang lahat ng mga servers. Hindi naman katataka-taka dahil may hitsura ang mga iyon. Eros likes the place. Maganda kasi ang view – the hot and gorgeous male servers!



Naputol ang pag-uusap namin ni Eros nang marinig namin ang tatlong binibini sa mesang kaibayo ng sa amin. I know that it's rude to eavesdrop but we can't help it. Animo'y milya ang pagitan nila kapag nagsasalita sila.



"He's gonna sing tonight." Sabi ng isa.



"OMG! That good-looking oppa? The feels!!! OMG! OMG!" Tili ng isa pa. I feel sorry for my ears.



"O, good heavens! He's coming." Eros and I looked sa sino mang may-ari ng masculine pronoun na iyon. Then there stood next to us was JB.



"Lee, you made it!" He cheerfully said.



"Yep!" I popped the 'p' "Si Eros kasi eh. Pinilit ako."



"Nagpapilit ka naman eh." Giit ni Eros.



"Anyways, it's good to see you here."



"Are you going to sing tonight?" Tanong ni Eros.



"I am."



"Lee!" Narinig kong tawag ni Edward. He stood in between me and Eros. Inakbayan niya kaming dalawa. "Mamaya, lalanggamin tayong lahat dito. I can't wait!"



He seemed so excited. "Anong ibig mong sabihin?"



"You'll see. Tara na sa backstage, J!" He lifted his arms away bago kinaladkad paalis si JB. I looked at Eros.



"Anong sinasabi ng mokong na yun na lalanggamin?"



"Ewan ko." We both have no idea. I tried to ignore it until something popped in my mind.



"Hindi ka na ba bitter?" Tanong ko kay Eros.



"Ha?"



"Kay JB?" Nag-aalangan pa 'kong tanungin siya. I was trying to ensure the sensitivity in my question.



He laughed. "Oo naman, Lee. Ayoko naman na laging pang-Biyernes Santo 'tong maganda kong fez."



"Ang bilis mo namang maka-move on. Parang nagpalit ka lang ng damit."



"Kailangan talaga gano'n bakla. YOLO. Kaysa naman magmukmok ako sa isang tabi knowing na hindi naman mababago nun ang katotohan 'di ba?"



He got a point there. Bilib na talaga ako sa kaniya.



Muling tumili ang tatlong mariang tinitingnan namin ni Eros kanina. May pamilyar na lalaking lumabas galing sa backstage. May suot itong antipara. May nakasukbit na gitara. Alam ko na kung sino iyon.



Nagsalita ang kasama niya, si Kenneth.



"Hello, everyone! Good evening. Thank you for coming. I really hope we could spend the lovely night as happy as it could be. So here's the band's vocalist and lead guitarist," inakbayan niya si Ian bago nagpatuloy sa pagsasalita. "To serenade us tonight, ladies and gentlemen."



Kenneth is the drummer. JB is on keyboards. He's also on the second vocals. Edward? Nah. He's on the camcorder, making sure that his best buds' performance is well documented.



Inayos ni Ian ang mikropono sa harapan ng entablado. He looks so manly tonight.



"Staring is rude." Sabi ni Eros na nasa tabi ko. "You're checking him out, Lee, I see."



I chuckled. "I wasn't. Nagagandahan lang ako sa Ray-ban niya." Was I?



Natigil lamang ang diskusyon namin nang magsalita si Ian.



"H-hi!" He really looked tensed. It was like he's trying to tell something but he can't muster the words. I saw Edward urge him to talk. "I-I hope you'll appreciate this. I mean, it's a song from the heart, my heart. For you."



He strummed the guitar. At first it was silence. Not until he sang the first few lines.



Matagal ko ng gustong malaman mo

Matagal ko ng itinatago-tago 'to

Nahihiyang magsalita at umuurong aking dila

P'wede bang bukas na

Ipagpaliban muna natin 'to

Dahil kumukuha lang ng tiyempo

Upang sabihin sa iyo



The crowd, they seemed to be like thunder deafeningly roaring in my head!



Makalaglag-panga ang performance nila. However, my gaze fell just on Ian. I was oblivious of his band mates at the moment. Ian's voice is angelic, and captivating. I could listen to it forever.



Kahit sinong babae, tinitilian ito. Naiinis ako dahil makabasag tainga ang tili ng mga ito. Buti na lang mas malakas ang sound system.



Tuloy pa rin sa paghiyaw ang audience lalo na nang mag-duet sa chorus si JB at si Ian.



Mahal kita pero 'di mo lang alam

Mahal kita pero 'di mo lang ramdam

Mahal kita kahit 'di mo na ako tinitignan

Mahal kita pero 'di mo lang alam



It was a feel good song. I wasn't a fan of rock music and it changed just now. And one more thing.



Dati, Ian was just someone I knew. Then everything went strange. He's actually not the timid guy I knew. He's just reserved and I think that he had a loving and cheerful side behind his mysterious facade. Now, I'm a fan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top