ILYS 1: My Princess

Mula sa pwesto ko dito sa isang fast food chain, pinanonood ko ang paglapit ni Eros, ang gwapong gwapo kong best friend. Lumapit siya sa table ko sabay dampot sa ilang piraso ng french fries.



Tinapik ko yung kamay niya.



"Madamot!"



"Ano ba?! Bakit nakikikain ka? Bumili ka nga ng sa 'yo." Nanggagalaiting sabi ko nang bigla na lang siyang sumipsip sa straw ng softdrink ko. "Kadiri ka! Nilagyan mo ng germs yung softdrink ko!"



"Ang arte mo. Best friends tayo 'di ba? Ba't diring diri ka?"



Hindi ko na lang siya pinansin. Um-order ako ng isa pang value meal tapos binigay ko sa kaniya yung binawasan niya.



Hindi ko mapigilan na hindi siya pagmasdan. Si Eros na nga yata ang Pinoy version ni Kim Soo Hyun na isang sikat na Korean Actor. Kung hindi ko lang alam kung ano ang sikreto niya, malamang, crush ko na siya.



"Kanina mo pa 'ko tinitignan, Lee." Kitang kita ko kung paano tumaas ang isang kilay niya na kasalukuyang nakaupo sa tapat ko.



Sa mga oras na ito, kung sino mang makakarinig at makakakita sa amin, aakalain sigurong may relasyon kami. Marami ngang nagsasabi na "perfect couple" daw kami sa eskwelahang pinapasukan namin.



As usual, ngiti lang ang isinasagot namin pero deep inside, natatawa talaga ako. Si Eros, madalas na napapangiwi habang tutop ko naman ang bibig ko para hindi magkaroon ng tunog ang paghagalpak ng tawa ko.



"Assumera." Sabi ko.



Inirapan niya 'ko. 'Yon ang reaksiyon na nagpapaalala sa akin sa tunay na kulay niya. Bukod kasi sa nandidiring ngiti ay wala na siyang ibang gestures, mannerisms, o kahit ano na magpapahiwatig sa itinatago niyang pagkatao. Husky ang boses niya, buong buo. Sinadya niya raw na huwag baguhin ang pitch para mas mapadali ang pagpapanggap.



"B.I. ka talaga! Ba't ka nag-cutting? Dinamay mo pa 'ko."



"Ang boring eh. Alam mo namang Mental Abuse to Humans yung subject kanina!" Inis na sabi ko.



"Okay na rin 'to. At least, makaka-sightsung tayo ng mga fafa!" Nag-high five kami.



Ilang beses ko na ring dinamay si Eros kapag nagka-cutting class ako. Siya lang naman kasi ang kumukunsinti sa akin kapag nagbo-boy hunting ako. At kaysa ilugmok kami sa dusa ng Pythagorean theorem, hahagilapin ko na lang ang Prince Charming ko.



Kasalukuyan kaming nasa mall, hindi ito kalayuan sa school. Napagpasiyahan muna naming mag-ikot ikot dito bago umuwi. Papunta sana kami sa sinehan nang may nakita akong pamilyar na tao.



"Sh*t, Eros!"



"Bakit?" Halos lumuwa ang mga mata ko nang may makita ako. Salamat sa stall na pumupukaw sa atensiyon nito ngayon. Pansin kong nakatingin lang sa'kin si Eros.



"Katapusan ko na." Para akong itinulos sa kinatatayuan ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Sa di kalayuan, tanaw na tanaw ko si Kuya Marc na pinsan ko at nagsisilbing guardian ko. Hindi malabong mangyari na malalaman niya ang kalokohan ko na nandito ako sa mall at nag-cut ng klase. Isusumbong ako nito kay Mama at Papa. Malamang.



"Omo!" Ramdam kong na-tensiyon din si Eros nang dumako ang tingin niya kay Kuya. Sabit din kasi siya sa kamalasan ko 'pag nagkataon. Saglit na nawala ang kaba ko. Tinakpan niya ang bibig gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay ipinapaypay sa sarili. "Lagot tayo, Lee! Kinakabahan ako! Nakakalurkey!"



"Kinakabahan din ako. Pero, bago ka mag-inarte, mag-isip ka ng gagawin, pwede?!"



"Pagbilang ko ng tatlo, tatakbo tayo." Hinigit nya ang kamay ko. "Isa –" pero bago makarating sa tatlo ang bilang niya, hinila ko na siya at kumaripas ng takbo.



Walang lingon-likod na tinungo namin ang exit ng mall. Sabay kaming napa-cross fingers ni Eros dahil halos lumabas na sa ribcage ang puso naming dalawa sa kaba. Para kaming mga refugee na takot masakote.



Nang makalayo kami at hindi na namin matanaw si Kuya, nakahinga kami ng maluwag.



Hanggang sa mapadpad kami sa sakayan ng jeep.



"Muntik na 'yon. Nervous huh, babe?" Humagalpak na siya ng tawa. Mukhang nahimasmasan na.



"Oh shattap!" Hindi ko na pinansin ang parang totoong pagtawag niya ng 'babe' sa 'kin. Nasanay na rin ako sa madalas na paggamit niya sa endearment na iyon.



"Akala ko ba naman, wala kang kinatatakutan, babe." Dagdag pa ni Eros. Nine-nerbiyos pa rin ako. Lukot ang mukha ko habang tinatawanan lang ni Eros ang kamiserablehan ng hitsura ko.



"Babe-in mong mukha mo, Eris!" Sabi ko, pinagdiinan ko ang pangalang Eris. Napaubo si Eros. Ako naman ang humagalpak ng tawa.



"Saan na tayo pupunta? Umuwi na lang kaya tayo?" Tanong niya para maiba siguro ang topic.



"Huwag muna. Um-absent na rin lang tayo, sulitin na natin!" Suhestiyon ko.



"Hay nako, Jonna Lee Macasio! Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit sunud-sunuran ako sa 'yo."



"Dahil alam ko ang lihim mo. At kapag hindi ka sumakay sa trip ko, 'singbilis ng speed of light na mabubunyag ang sikretong pagkatao mo."



"Tinatakot mo ba 'ko?"



"Medyo? Hahaha."



"Bully ka." Inirapan niya 'ko.



Niyaya ko siya sa internet café na nakita ko sa 'di kalayuan. Pagpasok namin sa loob ng shop, ang daming mga estudyante, babae man o lalaki. Naglalaro ng RPG games, DotA, may nanonood ng Fliptop battles. Meron ding mga babad sa social media.



Pumwesto kami sa bandang dulo at nag-rent ng dalawang unit. Dahil ako ang nag-aya, nilibre ko si Eros.



Nanonood ako ng Cardcaptor Sakura saYoutube nang tumunog yung cellphone ko.    


Ella

Jonna Leeeeeeeee

Kafatid?

Pm moko if you're online ah! Missyouuuuuu :*





Kung may guy best friend ako, meron din naman akong girl best friend, si Ella.



Nakilala ko si Eros noong nasa umpisa kami ng stage of puberty. Si Ella naman, simula babyhood magkasama na kami. Yun nga lang, bago mag-high school, dinala siya ng mga magulang niya sa London para doon mag-aral. Miss ko na siya.



Lee

Kafateeeeeeeeeeed! Kelan ka uwi?

Miss na rin kita T_T

Ella

Konting kembot na lang kapatid! I'll be back soon! Mid-May siguro this year

Balita ko, hindi pa rin tapos yung misyon mong "Finding Prince Charming"

You're hopeless, kaps

Lee

*hopeless romantic*


Ella


May s-in-end na picture si Ella sa akin.



Ella    

Kita mo yan? Siya si Franz. Gwapo no? ;)


Lee

Boyfriend mo? :O

Ella

Of course not!

Just met him at Hampstead Heath last month

Pero aminin mo, gwapo diba???





Sinipat-sipat ko yung picture na pinadala ni Ella. Totoong gwapo nga yung Franz,






Ella

You don't like him?

Hmmm? How bout this one?



Lee


Ella

Naikwento kita sa kaniya. That's Zedd, btw. Met this guy at Vicky's park

He's looking forward daw to know you better

What do you think? Pasado na bang prince charming mo? Yieeee~

Lee

Minamatch-make mo ba kami?

Ella

Interesado ka? Yieeeee~






Anong pinagsasasabi nito? Napakamot ako sa noo ko.






Lee

wala kasi akong tiwala sa hilatsa ng mga puti. Baka masamang tao 'yan. Looks can be deceiving, kaps

Ella

Sus! Ngayon ka pa ba naging choosy? :P Kilala ko yang si Zedd. Mabait yan!






Tiwala naman akong magaling kumilatis ng lalaki si Ella. Pero mas gusto kong i-match make niya ako sa mga kalahi natin. Dapat tangkilikin ang sariling atin.



Kahit kailan, ang hirap ispelengin ni Ella. Kanina lang, mag-a-out na raw siya pero hayun! Ayaw akong tantanan tungkol doon sa Zedd. Mukhang hindi siya natitinag sa pang-i-snob ko sa kaniya.



Inabala ko ang sarili ko sa panonood kay Sakura nang biglang tumunog yung phone ko. May notification ako sa FB.






Prince Charming added you as a friend.

Accept Decline






Sino 'to?



Agad kong inalam kung may mutual friends kami. Si Eros.



Kinalabit ko si Eros na nasa tabi ko. Kasalukuyan siyang nakikipag-video chat kay JB, ang campus hearthrob at ultimate crush niya sa school namin.



"Hmm?" Mukhang hindi mapuknat ang titig niya sa screen ng kompyuter.



"Sino si Prince Charming?"



"Ewan."



Psh. Hindi maistorbo ang bruha.



"Ewan mo pero friends kayo?"



"Bakit ba?"



"May nag-add sa 'kin. Prince Charming pangalan. Ikaw yung mutual friend. Kilala mo?"



Iritableng lumingon sa akin si Eros.



"Hindi. I-accept mo na lang."



Wala sa sariling in-accept ko ang friend request. Maya-maya lang, may nag-pop-up na naman na [1] sa messages. Baka si Ella na naman iyon. Napilitan akong buksan ang message para patigilin na sa pangungulit si Ella pero nagulat ako nang hindi pala si Ella ang nagpadala ng message.



Prince

Thanks sa pag-accept, Lee!!!

(≧∇≦)/





Sino ba 'tong Prince Charming na 'to? Sorry na lang siya. I don't talk to strangers.

Another message popped up.





Prince

Lee?

Reply reply naman dyan! (^.^)/~~~

Y so snob?

Nagcutting classes ka na naman. Huwaran ka talaga

Jonna Lee?

Jonna Lee Macasio?






What the hell? Sino 'to? Paano niya nalaman na nag-cutting ako? Sino kaya 'tong prince na 'to? I posted a status on Facebook.









Prince

Sino tong nasa status mo?

Tama yan! Wag ka basta basta magtitiwala

Lalo na sa hindi mo pa masyado kilala

Hala baka di mo na ko pansinin (ToT)

Mabait ako. At kilala kita. Huhuhu notice me, crush

Hinahanap mo pa rin ba yung prince charming mo? Nandito na koooooo

Wag moko i-seen please







Sino kaya 'to?






Lee

Sino ka po?

Prince

OH.MY.HOLY.CLOVER.CHIPS.

Nagreply ka!!!



Lee


Sino ka nga po?

Ella ikaw ba yan? Pag nalaman kong pinagtirtripan moko, iuuwi kita dito!!!!

Prince

Hahahaha hindi ako si Ella pero kilala ko siya. Siya yung bestfriend mo diba?

Lee

Kimee? Isdatchu? Epal ka. Wag moko pagtripan! Hahahahahahaha ./.

Kae? Tae kayoooo? Wag niyo ko pagtripan please. Nananakit ako

Prince

Harsh :(

Lee

Sino ka ba?

Prince

Ako yung prinsipeng matagal mo nang hinahanap






Agad kong tinanong si Eros kung kilala niya ba itong Prince Charming na 'to. Pero itinatanggi niya. Duda ako roon lalo na't pakiramdam ko'y kilalang kilala ako nung Prince na yun.






Lee

Sino ka nga po? Magkakilala ba kayo ni Eros?

Edward?

Wtf? Si Edward ka no? Loko ka! Papa-salvage kita!!!

Prince

Hahahahaha hindi ako si Edward! Mas gwapo ako sa bampirang yon!

Ako nga si Prince

Bat ayaw mong maniwala, prinsesa? Umuwi ka na. Mag-aalas-sais na Bakit nasa comp shop ka pa?

Lagot ka na sa Kuya Marc mo






Paano kung si Kuya Marc tong nagcha-chat sa akin? Jusmiyo. Kinikilabutan ako.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Umaasa ako na may makikita ako na pamilyar na mukha pero wala.






Prince

Ganyan ka ba talaga ka-curious kung sino ako?

Lee

Prince

Umuwi ka na, my princess :)





Dali-dali akong nag-log out sa Facebook. Agad kong hinila patayo si Eros. Magmamaktol pa sana siya pero nahalata niya na namumutla na ako sa takot. Pakiramdam ko, nasa paligid lang yung Prince na yun. At kung totoong hindi nga iyon kilala ni Eros, dapat na nga siguro akong kabahan. Umuwi na kami.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top