Kabanata 5

[Kabanata 5]

"FELICES Fiestas mis amigos" (Happy Fiesta my friends) bati ni Don Mariano Alfonso saka itinaas ang wine glass na hawak niya.

"Tayo'y magsimula nang kumain" patuloy niya habang nakangiti. Naupo sa tabi niya ang kaniyang pamilya. Nagulat ako nang umupo si Juanito sa tapat ko. Napatingin muna siya sa'kin bago siya nagsimula kumain.

Naalala ko tuloy ang mga nakakahiya at pinagbabawal na gawin ng babae sa lalaki na ginawa ko sa kaniya noong unang gabi na nagkita kami. Naalala pa rin kaya niya? Dapat ba ko mag-sorry? No way.

Hindi ko alam pero parang naiilang ako sa kaniya. Mas presentable ang hitsura at porma niya ngayon. Bakas na bakas sa kaniya ang isang disenteng anak ng kilala at mayamang pamilya.

"Carmelita, ang iyong pagkain ay..." bulong ni Josefina na nakaupo sa kanan ko. Huli na nang mapansin ko na nahulog sa plato kong adobo at namantsahan ang puting sapin ng mesa.

Pa-simple kong hinulog sa sahig ang isang pirasong karne ng adobo at ipinatong ko ang aking plato sa bahagi ng mantsa para kahit papaano ay matakpan ito. Nagulat naman si Joesfina sa ginawa ko, nginitian ko na lang siya.

Ilang saglit lang, naramdaman ko na may gumagalaw sa ilalim ng mesa at may tumama sa binti ko. Yumuko ako upang silipin ang ilalim ng mesa at laking gulat ko nang makita ang puting aso ni Juanito, si Sampaguita!

Agad akong napatayo sa gulat dahilan para matamaan ko ang mesa at maalog ito. Nahulog sa sahig at plato at baso ko. Napatigil din ang lahat at napatingin sa akin. Tumigil din sa pagtugtog ang orkestra.

"Carmelita anak, anong nangyari?" narinig kong tanong ng lalaking may bigote, naalala ko na siya pala si Don Alejandro na tatay ni Carmelita. Agad tumayo si Doña Soledad at inalalayan ako. Pinagpagan niya ang damit at kamay ko, "Ikaw ay kumilos nang marahan, Carmelita" paalala niya.

Dumating na ang ilang kasambahay at nilinis ang nabasag na plato at baso sa sahig. "Hija, ikaw ba ay nasugatan?" tanong ni Don Mariano. Napalunok na lang ako sa kaba, nakatingin pa rin silang lahat sa akin at sobrang tahimik.

Napatikhim ako, ituturo ko sana ang ilalim ng mesa kung saan nagtatago ang aso ni Juanito pero nahagip ng mata ko ang likod ni Juanito na dahan-dahang naglalakad sa gilid hila-hila ang aso niya upang itakas ito.

Gusto kong isumbong si Juanito pero nakatakas na siya. Muli akong tumingin sa kanila lalo na gobernadorcillo. Tumingin ako kay Madre Olivia na tahimik lang na nakaupo sa aking, wala siyang reaksyon. Gusto ko siyang kalabatin baka-sakaling tulungan niya ako makaisip ng paraan paano lulusutan ang nakakahiyang sitwasyon na ito.

"Don Mariano. May mga bakas po ng paa ng aso sa sahig" sabi ng isang kasambahay na naglinis ng nabasag na plato at baso. Napahawak na lang sa noo si Don Mariano, "Juanito!" sigaw niya, agad namang tumayo ang babaeng nasa tabi niya na sa tingin ko ay asawa niya. Sumenyas ito sa orkestra na muling tumugtog ng musika.

"Kapitan Corpuz. Iyong hanapin si Juanito" utos ni Don Mariano sa isang lalaki na matangkad, malaki ang tiyan at may bigote na halos ka-edad niya rin.

"Sir...Ah! Eh, Don Marino... Ah! Mariano, may langgam po kasing kumagat sa paa ko kaya napasigaw ako" palusot ko, kahit papaano ay natakot din ako sa reaksyon niya lalo na nang isigaw niya ang pangalan ni Juanito sa harap ng maraming tao. Strict pala ang parents ni Juanito.

"Ngunit paano nangyaring may bakas ng paa ng aso..." hindi na natapos pa ni Don Mariano ang sasabihin niya dahil agad nagsalita ang babaeng nasa tabi niya. "Mariano, iyong narinig ang sinabi ni Binibining Carmelita, huwag mo na sana pagdudahan pa ang kaniyang tugon" wika ng babae saka ngumiti sa akin. Kung hindi ako nagkakamali ay baka siya ang nanay nila Juanito na si Doña Juanita Alfonso.

"Bueano, ang mahalaga ay hindi ka nasaktan, hija. Ako'y nakatitiyak na hindi makakapayag ang iyong ama na madapuan ka ng kahit anong insekto sa mundong ito" saad Don Mariano, tumawa na siya tingin kay Don Alejandro.

Tumawa na rin ang lahat ng bisita. Tumawa na lang din ako kahit hindi naman talaga nakakatawa. Ang bagal din ng proseso ng utak ko sa lalim ng pananalita nila.

"Ang mabuti pa ay magsimula na muli tayong kumain" patuloy ni Don Mariano. Tumango ang lahat at bumalik ulit sa kani-kaniyang kwentuhan na parang walang nangyari. Umupo na lang ulit ako sa silya, tumingin ako kay Madre Olivia na poker face pa rin. Bakit walang call a friend option dito?


"HINDI pa ba tayo uuwi?" tanong ko kay Maria, kanina pa kami natapos kumain. Narito na kami ngayon sa napakalawak na salas ng mansion ng pamilya Alfonso. Karamihan sa mga bisita ay magkakakilala na kaya may grupo-grupo sila at nagkwekwentuhan. Magkakasama naman sina Doña Soledad, Josefina at Madre Olivia na nagdasal sa altar ng mga Alfonso.

Naiwan kami ni Maria sa salas, nakasandal kami sa bintana. Mabuti na lang din dahil hindi na bumalik si Juanito matapos ang nakakahiyang nagawa ko kanina sa dinner. Baka natatakot siyang makalbo ng tatay niya.

Naiinip na ako at nangangalay na rin ako sa kakatayo. Gusto ko nang umuwi at matulog. "Carmelita, iyong nababatid na ngayon na lang muli nagkita sina ama at si Don Mariano kaya pagbiyan na natin sila" paliwanag niya. Nahalata niya siguro na hindi na ko mapakali.

"Bakit?" hindi ko alam pero iyon ang unang salitang lumabas sa bibig ko. Nagtaka naman si Maria saka tumingin sa kinaroroonan nila ama at Don Mariano na nagkwekwentuhan at nagtatawanan sa isang sulok. "Iyo bang nakaligtaan? Sila ay magkaibigan na mula pagkabata. Madalas na abala rin si ama sa ating kabuhayan kung kaya't hindi na sila nakakapag-usap nang ganito" tumango na lang ako. Pareho pala sina Dad at Don Alejandro, busy masyado sa trabaho.

"Carmelita, iyong ayusin ang iyong saya at itaas mo rin ang iyong abaniko upang hindi matitigan ng mga kalalakihan dito ang iyong mukha" paalala sa'kin ni Maria. Napahinga na lang ako nang malalim nang ayusin niya ang suot ko at ikumpas ang abaniko at pinahawak iyon sa akin. Bakit ba bawal kami titigan ng mga lalaki? Nakakamatay ba ang tingin? Anyway, wala pala ako sa modern world para magreklamo at makipag-debate.

Mayamaya lang nagulat ako dahil biglang may isang puting kalapati na nag-landing sa bintana kung saan kami nakasandal. Muntik na akong mapatalon sa gulat, buti na lang dahil malakas ang tunog ng piano at violin kung kaya't hindi ako masyado napansin ng iba.

"Shoo!" itataboy ko sana ang ibon kaso pinigilan ako ni Maria. Nagulat na lang ako nang hawakan niya iyon at may kinuha siyang maliit na papel sa nakasipit sa paa nito.

Hindi ako makapaniwala na totoo palang ginagamit nilang messenger ang ibon dati. Napansin kong napangiti si Maria nang mabasa niya ang nakasulat sa maliit na papel, "Patingin nga---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil niyang tinago sa bulsa niya ang papel.

"Huwag mo itong sasabihin kay ama o kahit kay ina gaya ng dati ha, Carmelita" utos niya sa'kin. May pagtatakip na palang nagaganap noon pa man. "Pero----" hindi na naman ako makasabat kasi nagsalita siya ulit.

"Naalala mong pinagtakpan din kita noon kay Leandro" dagdag pa niya. Napakunot ang noo ko. Who the heck is Leandro? Bakit ba pinapaalala siya sa'kin ng dalawang kapatid ni Carmelita.

"Aalis muna ako, dito ka lang. Sa oras na hanapin ako ni ama, iyong sabihin na nagtungo lamang ako sa palikuran" wika niya saka nagmadali na siyang umalis. Nakita kong nahulog ang maliit na papel na hawak niya kanina sa sahig ng pintuan. Hindi niya namalayan na nahulog iyon dahil dire-diretso lang siyang lumabas. Pa-simple ko namang pinulot ang papel at binasa ito.

Aking sinta, narito ako ngayon sa ating dating tagpuan.

Sa ilalim ng puno ng mangga na saksi ng ating pag-iibigan.

Ako'y naghihintay na masilayan muli ang iyong kagandahang

Walang tutulad sa buong mundo at gandang magpakailanman.

Napakunot muli ang aking noo at parang kinilabutan ako. Ang bolero at ang corny naman ng nagsulat nito, Gandang walang tutulad sa buong mundo?'Bakit? Nakita na ba niya lahat ng babae sa buong mundo?

Halos kalahating oras din ang lumipas ngunit wala pa rin si Maria. Nakasandal pa rin ako sa bintana. Halos gising pa rin ang lahat ng tao at may ilaw pa ang bawat bahay dito sa San Alfonso.

Ang alam ko, dalawang araw pinagdiriwang ang fiesta ng San Alfonso. Seven years old ako nang unang beses kong maranasan ang fiesta rito. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ngiti ni Mommy at Daddy habang sumasayaw sila kasama ang ibang bisita ni Lola Carmina. Kompleto at masayang pamilya.

Natauhan ako nang hawakan ni Josefina ang braso ko, hindi ko namalayan na tumabi na siya sa akin. "Carmelita, nasaan si Ate Maria?" bulong niya.

"Ha? A-ano..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi dahil lumaki ang mata ni Josefina. "Kasama niya ba si Eduardo?" gulat niyang tanong. Who the heck naman si Eduardo?

"Nakipagkita muli siya kay Eduardo ngayon?" ulit ni Josefina. Hindi ako sigurado pero tumango na lang ako. Mukhang alam din naman ni Josefina ang sabwatan nilang magkakapatid.

"Makinig ka, malapit na tayong umuwi, puntahan mo na si Ate Maria at bumalik na kayo rito bago pa siya hanapin ni ama, Ikaw ay magmadali! Lilibangin ko muna sila" patuloy ni Josefina. Bakas sa mukha niya na kabadong-kabado siya dahilan para mahawa rin ako sa pag-papanic niya.

"Bakit 'di na lang natin sabihin ang totoo? Malalaman din naman nila..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinawakan mulini Josefina ang braso ko. "Hindi maaari, mapapaslang ni ama si Eduardo!" bulong niya pero halos mabingi na ako.

"Okay. Okay. Gets" sinubukan kong kumawala sa mahigpit na pagkakahawak niya sa braso ko. Mukhang hindi naman niya narinig ang sinabi ko dahil nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita.

"Iyong nababatid nagmula lamang sa maralitang pamilya si Eduardo kung kaya't hindi makakapayag si ama na magkaroon sila ng relasyon. Hindi tulad ng sitwasyon niyo ni Leandro, mabuti na lamang dahil nabibilang sa mayamang angkan si Leandro" paliwanag ni Josefina.

Gusto ko sanang itanong sa kaniya kung sino at anong meron kay Carmelita at Leandro pero parang ang weird naman kapag tinanong ko iyon. Sarili kwento ng buhay ko, hindi ko alam.

"O'siya, ikaw ay humayo na. Punatahan mo na sila bago pa magkagulo ang lahat" dagdag pa ni Josefina. Agad siyang bumalik sa tabi nina Doña Soledad at Madre Olivia.

Binasa ko ulit ang puting papel. Wala namang nakalagay dito kung saang lugar ang tagpuan nila. Puno lang ng mangga ang sabi niya. Saan ko sila hahanapin? Marami kayang puno rito! Kailangan ko pa bang tingnan ang bunga para malaman ko kung mangga ang puno? Wala rin akong google map ngayon o kahit anong mapa para hindi ako maligaw.

Wala namang tao sa labas. Pa-simple akong naglakad papalabas pero nagulat ako nang harangin ako ng isang lalakig malaki ang tiyan. Namukhaan ko siya, siya si Kapitan Corpuz na inutusan ni Don Mariano na hanapin si Juanito kanina.

"Binibini, saan kayo magtutungo?" tanong ni Kapitan Corpuz. Halos ka-edad na niya sina Don Alejandro at Don Mariano. Agaw pansin talaga ang tummy niya, gusto ko sana sabihin na i-try niya mag-yakult.

"Ah. Magpapahangin lang sana ako" saad ko, sinubukan kong ngumiti kahit pilit.

"Hindi maaari..." hindi na natapos ni Kapitan Corpuz ang sasabihin may nagsalita mula sa likuran ko. "Kahit pa kasama niya po ako?" ngiti ni Juanito. Gulat akong napalingon sa kaniya. Nakangiti siyang parang sira.

"Ipagpaumanhin niyo Señor Juanito ngunit wala kayong kasamang iba" inilibot ni Juanito ang kaniyang mata saka tinawag ang isang kasambahay. "Isasama namin si Nena, maglalakad-lakad lang kami sandali" saad ni Juanito saka ngumiti. Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Juanito at Kapitan Corpuz. Inuuto niya ba si Kapitan Corpuz gamit ang ngiti niyang 'yan?

"Ako na ang bahala" hirit ulit ni Juanito. Wala namang nagawa si Kapitan Corpuz, tumabi na lang siya sa gilid saka pinagpatuloy ang paghithit ng tobacco. Tumingin sa'kin si Juanito saka ngumiti na para bang sinasabi niya na I got your back!

Hindi ko na lang siya pinansin saka bumaba na sa tatlong baytang papalabas sa mansion nila. Sumunod sa akin si Juanito at ang dalagitang kasambahay nila na si Nena. Binilisan ko ang aking lakad, narinig kong kinausap ni Juanito si Nena at nang lumingon ako ay nawala na si Nena sa likuran namin.

Itatanong ko sana kung saan niya pinapunta ang kasambahay nila pero naisip ko na huwag na lang. Hindi pa ako ready na harapin siya ngayon. Naalala ko pa ang mga kahihiyang ginawa ko sa kaniya noong una kaming magkita. Parang uminit tuloy ang ihip ng hangin.

Napailing na lang ako saka nagpatuloy na sa paglalakad. Naiinis ako sa mahabang palda na suot ko, ang sakit din sa paa ng bakya. "Sandali!" tawag ni Juanito saka humabol sa akin at sinabayan ako maglakad.

"Anong ginagawa mo rito?" pagtataray ko sa kaniya. Nagtaka naman ang hitsura niya. "Sa aking pagkakaalam ay dito ako nakatira" tugon niya sabay turo sa mansion nila. Sumilay pa ang nakakainis niyang ngiti. Pilosopo.

"Bakit ka nga pala lumabas?" tanong niya. Kumpara sa'kin ay mas malalaki ang hakbang niya at siguradong mas komportable siya sa sapatos na suot kaya nasasabayan niya pa rin ako sa paglalakad kahit anong bilis ko. Tumigil ako sandali at tumingin sa kaniya.

Sandali ko siyang sinulyapan, masasabi kong may hitsura naman talaga si Juanito. Kaya siguro na-fall si Carmelita sa kaniya. "Binibini?" narinig kong tawag niya dahilan para matauhan ako. Hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa kaniya!

Agad akong umiwas ng tingin, hahanapin ko nga pala si Maria. Inilbot ko ang aking mata sa malawak na lupain ng kanilang hacienda. "May alam ka bang puno ng mangga rito?" tanong ko.

"Bakit mo naman naitanong?" tanong niya ulit. Na-weweirduhan ako sa kaniya ngayon, parang ang taas ng confidence niya. Walang bakas ng pagka-ilang kumpara noong una kaming nagkita. Baka naman he take me for granted kasi ang aggressive ng approach ko sa kaniya noong isang gabi!

Basta secret. Hindi ko pwede sabihin" sabi ko. Nanlaki naman ang mga mata niya. Ano na namang iniisip nito?

"Huwag mo sabihing... Ikaw ay tiyak na mapapaslang ka ng iyong ama sa oras na malaman niya!" wika niya, bakas sa mukha niya na hindi siya makapaniwala. Napaisip tuloy ako, "Mamamatay-tao ba si Don Alejan--Ah! Ang aking ama?"

"Tiyak na hahalughugin niya ang buong mundo mahanap lang ang lalaking naka-disgrasya sa iyo" saad niya na ikinagulat ko.

"Hoy! Hindi ako buntis! Saan mo naman napulot 'yan? Ha!" sigaw ko dahilan para mapatingin sa'min ang ibang mga guardia personal na nagbabantay sa bawat sulok ng mansion. Nagulat naman si Juanito sa reaksyon ko at napakurap pa siya ng dalawang beses.

"P-paumanhin. Hindi mo ibig ibahagi sa akin kung kaya't ako'y nag-isip ng mga maaaring dahilan kung bakit ka naghahanap ng puno ng mangga" paliwanag niya. Hindi ko akalaing ang judgemental ng mga tao rito.

Napahinga na lang ako nang malalim. "Hindi ako buntis. Wala nga akong boyfriend... Ah, 'yung parang kapareho ng jowa" napahawak ako sa noo ko. "Basta 'yung parang ka-relasyon, parang gano'n" patuloy ko. Parang dudugo na ata ang ilong ko.

"Kasintahan ba kamo?" saad niya sabay ngiti. Anong nakakatawa? "Oo. 'Yan nga" saad ko saka nagpatuloy na sa paglalakad.

"Marahil kaya ikaw ay ubod ng sungit ay dahil hindi mo pa nararanasan umibig, hindi ba?" usisa niya. Sinabayan niya ulit ako maglakad. Judgmental na chismoso pa nga.

"Binibining Carmelita!" tawag pa niya pero hindi ko siya nilingon, kunwari ay wala akong naririnig. "Sa katunayan, ako ay humanga sa iyo sapagkat sa kabila ng mga sinabi mo sa akin noong una tayong magkita, malakas pa rin ang iyong loob na muli akong harapin" saad niya. Ang haba naman ng sinabi niya.

"Alam mo ba 'yung kasabihan na kapag sobrang nakakahiya ang isang pangyayari, mas mabutng isipin na lang natin na parang walang nangyari" wika ko, napaisip naman si Juanito.

"Tila hindi ko pa naririnig o nababasa ang kasabihan na iyan. Saan mo nabasa? O may nakapagsabi ba sa iyo?" tanong niya. Feeling niya siguro memorize niya lahat ng mga quotes sa buong mundo at parang alien s akaniya ngayon ang pinagsasabi ko.

"Basta narinig ko lang 'yon somewhere out there"

"Ha?"

"Sinabi sa'kin ni ama" palusot ko. Mukhang sasakit ulo ni Juanito sa mga naririnig niya sa'kin. Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Sandaling katahimikan. Mabuti na lang dahil may mga lampara sa bawat sulok ng daan.

"Ako rin ay nagtataka sapagkat hindi ka pa rin nagpapasalamat sa akin hanggang ngayon" narinig kong sabi niya dahilan para mapataas ang kilay ko.

"At bakit naman ako magpapasalamat sayo? Aber!" pagtataray ko sabay halukipkip. Ngumiti naman siya, "Una, niligtas kita sa kalesa muntik nang makabangga sa iyo. Pangalawa, hindi kita isinumbong kay Madre Olivia noong gabing ibig mong tumakas sa inyong dormitoryo. Pangatlo, narito ako ngayon upang samahan ka" ngiti niya, sandali akong napatulala sa kaniya at napakurap ng tatlong beses.

Sa totoo lang, bihira ako magsabi ng thank you sa isang tao. Hindi ako sanay. Ngunit dahil may makulit na lalaking wagas makangiti rito, hindi ko pa rin gagawin.

Nagpatuloy na lang ulit ako sa paglalakad. "Siya nga pala, walang puno ng mangga rito sa loob ng hardin namin. Ngunit may alam akong malapit na puno ng mangga rito sa labas ng aming hacienda" sabi niya habang nakangiti pa rin. Hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala sa lalaking 'to. He's a stranger and he might put me in danger! Never ako sasama sa kaniya! Ano ako? Uto-uto?


"MALAYO pa ba?" tanong ko. Namamanhid na ang binti ko. Halos apat na kilometro na siguro ang layo nang nalakad namin. Wala pa akong wristwatch para malaman ko kung anong oras na. Baka hinahanap na kami.

Dumaan kami sa likod ng hacienda Alfonso kung saan wala raw bantay doon ayon kay Juanito. Bago rin kami makalabas doon kanina ay kinuha niya ang isang lampara sa daan.

"Malapit na. Bakit hindi ka na lang nakiusap sa iba na manguha ng mangga para sa iyo? Ikaw pa talaga ang lumabas para..." hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang tumingin ako sa kaniya gamit ang aking matalim na mata na palaging kinaiinisan ni Shae.

"Hindi nga ako buntis. Adik talaga 'to" itinaas naman ni Juanito ang dalawang kamay niya na para bang sumusuko. "Opo. Binibini" tugon niya saka ngumisi. "Ano nga pala ang salitang iyong tinuran? Adik?" nagtataka niyang tanong.

"Adik ang tawag sa mga maginoong lalaki" saad ko, ngumiti naman siya. "Ako pala ay isang adik" ngiti niya na para bang proud siya sa bagong salitang nalaman. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano pero hinayaan ko na lang siya maging adik.

"Bakit nga pala nandito ka pa? Hindi naman ako nagpasama sayo" reklamo ko, kanina pa kasi siya nagrereklamo kaya ako naman ngayon. "Mahirap na baka mapahamak ka sa daan" sagot niya.

Napatigil ako at napakurap ng dalawang beses sa kaniya. Ito ba ang pick-up-line at galawang breezy sa panahon nila?

"Kayang-kaya ko ang sarili ko. Wala akong kinatatakutan kahit ano" pagmamalaki ko saka pinakita ko ang muscles ko sa braso. Batak 'to. Kahit madaling araw na ako nakakauwi galing sa party, hindi ako natatakot.

"Kahit pa may ibig nang kumain sa iyong paa?" sabi ni Juanito sabay turo sa lupa. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang nakakadiring itim na nilalang na ngumangat-ngat sa dulo ng palda ko.

Napasigaw ako at dali-daling tumakbo sa likod ni Juanito. Bukod sa aso ay ayoko rin sa daga!

"Akala ko ba ay wala kang kinatatakutan?" pang-asar ni Juanito sabay tawa nang malakas. Napatulala na lang ako. Parang kinikiliti ang leeg ko sa tuwing naaalala ko ang nguso ng dagang iyon.

Nnagulat ako nang umupo si Juanito at hinawakan niya ang daga "Huwag kang mag-alala munting kuneho, hindi na siya makalalapit sa iyo" sabi ni Juanito habang hinihimas-himas ang daga. Daga ba 'yon? Rabbit pala.

Pinakawalan na ni Juanito sa daan ang kuneho sabay tingin sa'kin. Ngumisi na naman siya dahilan para uminit ang ulo ko. "Muntik nang atakihin sa puso ang kunehong iyon dahil sa sigaw mo" saad niya sabay tawa. Inunahan ko na lang siya maglakad. Sana habulin siya ng rabbit na iyon at kagatin!


"NARITO na tayo" wika ni Juanito. Paakyat ang daan papunta sa puno ng mangga na nakapwesto sa tuktok ng isang burol. Nauuna maglakad si Juanito at inabot niya ang palad niya para tulungan ako pero hindi ko iyon pinansin. Kaya kong umakyat mag-isa.

"Heto na! Maaari ka nang magsaya sa rami ng bunga ng punong ito" ngiti ni Juanito nang makaaykat kami sa burol. Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid.

"Nasaan sila?" tanong ko, hindi ako makapaniwala. Wala naman dito sina Maria at Eduardo. Akala ko ba magkikita sila rito?

"Sinong sila?" nagtatakang tanong ni Juanito.

"Sigurado ka ba na ito 'yon?"

"Hindi ba't ang sabi mo ay puno ng mangga. Ito na ang pinakamalapit" tugon niya. Napahawak ako sa aking ulo. Magsasalita pa sana ako pero napatigil kami ni Juanito nang marinig ang paparating na mga kabayo sakay ang mga guardia personal ng pamilya Alfonso. Kasunod niyon ay may limang kalesa.

Naistatwa kami ni Juanito sa gulat nang makita sina Don Alejandro at Don Mariano na mabilis na lumundag pababa ng kalesa at ngayon ay tumatakbo na papalapit sa aming dalawa.

"Carmelita? Juanito? Anong ginagawa niyo rito?!" sigaw ni Don Alejandro. Sunod na bumaba sina Doña Soledad, Doña Juanito, Josefina, Madre Olivia at Maria. Halos lumuwa ang mata ko nang makita si Maria. So, nakabalik na pala siya sa mansion?!



*****************

#ILoveYouSince1892

I will block/mute spoilers here on wattpad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top