Kabanata 32
[Kabanata 32]
'Carmela'
Hindi ko maalis ang titig ko sa pangalan ko sa kuwintas na gawa sa kahoy na binigay sa akin noon ni Juanito. hindi nagawang mahalin ni Juanito si Carmelita pero bakit nahulog siya sa'kin?
Dahil sa pag-ibig na ito mas lalong nagiging mahirap ang misyon ko. ang tanging kailangan ko lang gawin ay siguraduhing mabuhay si Juanito pero dahil sa mga pangyayari kailangan ko na din protektahan ang pamilya Montecarlos lalo na ang ipinagbubuntis ni Maria na pagmumulan ng aming lahi.
Nagulat ako nang biglang kumatok at pumasok si Josefina sa kwarto ko at may dala-dala siyang mga halamang gamot. "Kamusta na ang iyong sugat? Dumudugo pa rin ba?" tanong niya habang naglalakad papalapit sa akin at umupo sa tabi ng kama ko.
"Kamusta na si Maria?" tanong ko, napahinga naman ng malalim si Josefina. "Kakagaling ko lang sa kwarto niya, hindi siya maaaring makalabas dahil ipinagutos ni ama na ikulong siya sa kaniyang kwarto hangga't hindi pa nila alam kung kailan siya ipapadala sa Laguna, sa tahanan ni Tiya Rosario" sagot ni Josefina at inumpisahan na niyang gamutin ang sugat sa tuhod ko.
"A-aray!" hindi ko mapigilang mag-react kasi sobrang hapdi talaga ng sugat ko at hindi ako makalakad ng maayos. "Bakit ipapadala sa Laguna si ate Maria?" nagtataka kong tanong. Sa totoo lang, duda na ako at unti-unti nang nawawala ang tiwala ko kay Don Alejandro.
"Malaking kahihiyan sa oras na malaman ng lahat na buntis si Maria at hindi pa siya kasal, kung kaya't sa tingin ko nais siyang itago ni ama sa malayong lugar, malayo dito sa San Alfonso kung saan pinapangalagaan talaga niya ang pangalan natin" paliwanag pa ni Josefina habang hinuhugasan ang sugat ko.
"pero natatakot ako na baka ipalaglag ni Don Alejand----ah este ni ama ang anak ni ate Maria?" sabi ko pa kay Josefina, napa-iling-iling naman siya.
"Nangako ka naman na ikaw na lang ang magpapakasal sa mga Flores, at dahil sa ginawa mo nailigtas mo si Maria at ang anak niya, at sa tingin ko hindi naman magagawa ni ama na ipapatay ang magiging apo niya" tugon pa ni Josefina at binalot na niya ng puting tela ang magkabilang tuhod ko. "Sa ngayon ipahinga mo muna ang iyong paa para madaling gumaling ang iyong mga sugat, si Esmeralda muna ang magsisilbi sa iyo habang wala pa si Theresita" sabi pa ni Josefina. At iniligpit na niya yung mga gamit na ginamit niya sa paggamot sa sugat ko.
Tama nga si Josefina. Dahil sa pagpayag ko na magpakasal na sa mga Flores, nawala na ang pag-aalinlangan ni Don Alejandro.
"Pero bakit kay Gobernador Flores pa ipapakasal si Maria? hindi ba pwede si Leandro?" tanong ko, nagulat naman si Josefina.
"A-ayos lang sa iyo ikasal ang dating nobyo mo sa iyong kapatid?" gulat na tanong ni Josefina. Oh! Gosh! Oo nga pala! May past si Carmelita at Leandro huhu.
"Huh? h-hindi naman sa ganun pero kasi... m-masyadong matanda si Gobernador Flores" sagot ko pa, napaisip naman ng malalim si Josefina.
"Huwag kang maingay ah... ngunit sa iyo ko lang sasabihin ito" sabi pa ni Josefina at lumapit pa siya sa'kin para bumulong. "Napag-alaman ko mula kay Eduardo ayon kay Laura ang tagapagsilbi ng mga Flores na matapos maudlot ang kasunduang kasal niyo ni Leandro at magtungo ka sa Cebu ay kinausap ni ama si Gobernador Flores at sinabing si Maria na lamang ang ipapakasal ni ama kay Leandro pero tumutol si Leandro, mataas na rin ang katungkulan ni Leandro bilang Heneral kung kaya't hindi na ganoon kadali ang pilitin siya sa ipinagkasundong kasal, ayon din kay Laura sinabi daw ni Leandro na kung hindi lang ikaw ang papakasalan niya, walang iba sa aming mga Montecarlos ang papakasalan niya, hindi naman ako pwede dahil ganap na akong madre" bulong pa ni Josefina, at dahil dun hindi ako nakapagsalita. Tunay nga na mahal na mahal talaga ni Leandro si Carmelita.
"At alam mo ba bago pa pala mamanhikan si Heneral Leandro dito sa atin ay iminungkahi na pala ni Gobernador Flores dati pa na nais niyang magpakasal kay Maria, ngunit hindi iyon natuloy dahil ang kasal niyo talaga ni Leandro ang pinagtutuunan ng pansin ni ama at nang maudlot ang kasal niyo wala ng nagawa si ama kundi pumayag na lang sa kagustuhan ni Gobernador Flores na maikasal kay ate Maria... dati pa alam iyon ni Maria ngunit hindi niya lang naikwento sa iyo" patuloy pa ni Josefina. Gosh! kaya pala nung namanhikan sila dito sa bahay at sinabi ni madam Olivia na hindi ako maaaring ikasal, hindi masyado nag-react si Gobernador Flores dahil okay lang sa kaniya.
Bigla ko tuloy naalala yung sinabi sa akin ni Maria bago kami sumakay ng barko nila madam Olivia papunta sa Cebu...
"Mag-iingat ka Carmelita ah, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin at gagawin namin ang lahat para sa iyo" sabi pa ni Maria at niyakap niya din ako ng mahigpit. "Hangad ko ang walang hanggang kaligayahan niyo ni Juanito"
Ibig sabihin alam na niya noong mga araw na iyon na ipapakasal siya kay Gobernador Flores kung hindi matutuloy ang kasal namin ni Leandro pero hindi niya pa din ako pinigilan at nagsakripisyo siya para sa kapakanan ko at ni Juanito.
Napayuko na lang ako, na-guiguilty ako kasi dahil sa kagustuhan kong makasama si Juanito nalagay sa problema si Maria.
"Sige na magpahinga ka na... sigurado akong bukas na bukas kakausapin na ni ama si Gobernador Flores at magpapadala na ito ng sulat kay Heneral Leandro na nasa Cavite ngayon" sabi pa ni Josefina at tuluyan na siyang umalis.
Kinabukasan, nagising ako dahil sa pagpasok ni Esmeralda sa kwarto ko. "Binibini... hinihintay na po kayo ni Don Alejandro at Donya Soledad sa hapag-kainan" sabi niya. napaupo naman ako sa kama. At isinuot ko muli yung kuwintas na bigay ni Juanito.
"Pakisabi hindi ko pa kaya bumangon... dito na lang ako kakain sa kwarto----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang nagsalita si Esmeralda.
"Hindi po maaari Binibini... ipinagutos po ni Don Alejandro na sumabay kayo sa kanila sa pagkain" matigas niyang sagot. Napapikit na lang ako sa inis. Gusto ko sana siyang sagutin pero naalala kong siya pala ang mayor doma at pinakapinagkakatiwalaan ni Don Alejandro na kasambahay namin dito at dahil mainit pa ang dugo sa'kin ni Don Alejandro for sure si Esmeralda ang kakampihan niya. haaays!
Wala na kong nagawa kundi bumangon na lang kahit masakit pa din yung mga tuhod ko pinilit kong tumayo at maglakad, inalalayan naman ako ni Esmeralda.
Pagdating namin sa hapag-kainan naabutan kong nakaupo na doon si Don Alejandro, ina at Josefina. Wala pa din si Maria dahil ayaw siyang palabasin ni Don Alejandro sa kwarto niya.
"Magandang umaga anak" bati ni ina at agad siyang humalik sa pisngi ko. "Kamusta na ang iyong tuhod? Ibig mo bang magpatawag na ako ng manggagamot?" nag-aalala niyang tanong, napa-iling naman ako. tumayo naman si Josefina at inalalayan na din ako makaupo sa upuan ko habang hindi naman kumibo si Don Alejandro at abala pa din siya sa pagbabasa ng diyaryo.
Habang kumakain kami, walang kumikibo sa amin, tahimik lang kaming apat lalong-lalo na si Don Alejandro. Kahit pa masaya siya dahil napapayag na niya ako magpakasal kay Leandro alam kong masama pa din ang loob niya dahil sa pagtatalo namin noong mga nakaraang araw at kagabi.
"Uhh--- ama... ina... isa po ako sa itinalaga ni madam Olivia na mamuno sa sama-samang pagdadasal sa plaza sa araw po ng mga patay" masayang tugon ni Josefina, napangiti naman si ina at napangiti ng kaunti si Don Alejandro.
"Masayang-masaya ako para sa iyo anak... alam kong tama ang desisyon ni madam Olivia na ibigay sa iyo ang responsibilidad na iyon" nakangiting tugon ni ina. At napangiti na din ako. "Congrats----Ah! Este nagagalak din ako para sa iyo ate Josefina" sabi ko. napangiti naman si ina at Josefina sa akin. Gosh! muntik na ko dun ah.
Bigla namang nawala yung mga ngiti namin nang biglang may putik na binato sa bintana ng hapag-kainan sa likod ni Don Alejandro. At dahil biglang napatayo si ama at narinig namin ang kaguluhan sa labas.
Agad dumungaw sa bintana si Don Alejandro samantalang sumunod naman kami sa kaniya, "ANG KAPAL NG MUKHA MO ALEJANDRO! ANONG KARAPATAN MO IPAKULONG AT IPATAPON ANG ANAK KO!" galit na sigaw ni Mang Raul, babatuhin pa sana niya kami ng putik kaya lang bigla siyang napigilan ng mga guardia personal, tinutukan ng baril at pinadapa.
Nakita ko namang napapikit sa galit si Don Alejandro. "Mahal ko, huwag mo na lang ito pansinin, hayaan mo na lang, makakasama pa sa puso mo kapag pinatulan mo si Mang Raul, ako na lang ang bahalang kumausap sa kaniya" pakiusap ni ina habang nakahawak sa braso ni Don Alejandro. Hindi naman natinag si Don Alejandro at agad siyang naglakad papalabas ng pinto at pinuntahan si Mang Raul.
Agad naman kaming sumunod sa kaniya, "HINDI NILA SINASADYA ANG NANGYARI KUNG KAYA'T HAYAAN MO NA LANG SILA!" sigaw pa ni Mang Raul pero agad siyang hinampas ng baril sa bibig nung isang guardia personal sa utos ni Don Alejandro dahilan para magdugo ang bibig ni Mang Raul.
"Malakas na ang iyong loob at nagagawa mo na akong sigawan at pagsalitaan ng ganyan dahil alam mong papaalisin na rin kita rito..." panimula ni ama at hinampas niya din si Mang Raul.
"Wag!" pagpigil ko kay Don Alejandro pero agad akong hinawakan ni ina at Josefina para pigilan. "Carmelita, huwag mong hayaang magalit na naman sa iyo ang iyong ama!" suway sa'kin ni ina dahilan para mapaluha na lang ako at panoorin na lang ang pambubogbog ng mga guardia personal kay Mang Raul.
"N-nasaan si Eduardo?" tanong ko kay Josefina, napayuko naman siya. "Kaninang umaga ko lang din nabalitaan na pinadakip ni ama si Eduardo at ipinakulong ito sa bayan sa ilalim ni Heneral Seleno at inakusahan ni ama si Eduardo na may balak na masama kay Maria" sagot ni Josefina.
Ano?
Gagawan na naman nila ng kwento ang isang inosenteng tao?
Gustong palabasin ni Don Alejandro na may masamang balak si Eduardo kay Maria upang makulong ito at malayo kay Maria. at nag-protesta si Mang Raul na ama ni Eduardo at Theresita.
"IKULONG ANG HAMPASLUPANG IYAN! AT HIHINTAYIN KO ANG UTOS MULA KAY GOBBERNADOR FLORES KUNG PAANO DAPAT TAPUSIN ANG MATANDANG YAN!" utos ni Don Alejandro sa mga guardia personal, agad nilang pinatayo si Mang Raul na duguan at hinang-hina na dahil sa pambubogbog nila.
"T-tandaan mo... isinusumpa kong babalikan kita!" matapang na tugon ni Mang Raul habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Don Alejandro, at dahil dun sinuntok siya ni Don Alejandro sa mukha.
"Ito ba ang kapalit ng pagtanggap ko sa iyo at sa mga anak mo dito sa tahanan ko? ito ba ang kapalit ng pagbigay ko sa inyo ng marangal na trabaho at maayos na pamumuhay? Kung pagbabanta at pagsumpa mo sa akin ang kapalit ng lahat ng kabutihang pinakita ko sa iyo marapat lamang na kunin ko ang buhay mo bilang bayad sa lahat ng utang na loob mo sa aming pamilya!" galit na tugon ni Don Alejandro. Hindi naman natinag si Mang Raul at dumura pa ito sa sahig. Puno na ng dugo ang laway niya.
"Trabaho at tahanan lamang ang binigay mo sa amin ngunit kailanman ay hindi mo kami trinato at pinasweldo ng maayos kung kaya't wala kaming utang na loob sayo!" banat pa ni Mang Raul, at dahil dun inutos ni Don Alejandro na bugbugin pa siya ulit.
"Wag! Tama na!" sigaw ko pa pero pilit akong hinila nila ina, Josefina at Esmeralda papasok sa loob ng bahay. Pagdating sa loob, narinig kong sumisigaw si Maria at kinakabog niya yung pinto ng kwarto niya sa itaas.
"Ama! Wag niyo po saktan si Mang Raul! Parangawa niyo na!" sigaw pa ni Maria. pupuntahan sana namin siya kaya lang pinigilan kami ni ina. "Ako na ang kakausap kay Maria, bumalik na kayo sa mga kwarto niyo, magagalit ang inyong ama kung pati kayong dalawa ay manghihimasok sa problema niya kay maria" tugon ni ina, wala naman kaming nagawa ni Josefina kundi sumunod sa kaniya.
Kinabukasan, nagpaalam si Josefina na magtutungo kami sa simabahan sa bayan upang magdasal at makatikim din ako ng sariwang hangin sa labas para mabawasan ang mga problema ko. pumayag naman si Don Alejandro pero pinasama niya sa amin ang sampung guardia personal niya.
"Carmelita... alam kong inaalala mo si Juanito, nais mo bang magpadala ng sulat sa kaniya? Hihingi ako ng tulong kay madam Olivia" sabi ni Josefina, napailing naman ako habang nakatanaw ngayon sa bintana ng kalesa. Nasa byahe kami ngayon papunta sa simbahan sa bayan. At sa kabilang kalesa naman na kasunod namin nakasakay yung mga guardia personal na pinasama sa'min ni Don Alejandro.
"Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya kung kaya't hindi na ako nagtangkang magsulat pa, hindi ko kayang ipaliwanag sa kaniya na hindi ko na matutupad pa ang pangako ko... at kung makita ko man siya muli, hindi ko rin alam kong anong gagawin ko, wala na akong mukhang ihaharap sa kaniya" sabi ko habang nakatulala sa labas. Napahinga naman ng malalim si Josefina at napatanaw din siya sa bintana.
Napadaan kami ngayon sa isang malawak na lupain na kung saan nakatanim ang libo-libong bulaklak ng sampaguita. Bigla ko tuloy naalala yung araw na binigyan ako ni Juanito ng bulaklak na iyon, yung mga araw na akala ko walang hanggang ang tuwa na nararanasan namin.
Sumalubong sa amin ang mahalimuyak na bango ng sampaguita at dahil dun nakita kong napangiti at napapikit si Josefina habang dinadama ang malamig na hangin at mabangong paligid.
"Narinig mo na ba ang alamat ng Sampaguita?" tanong sa'kin ni Josefina. Narinig ko na dati pero hindi ko na maalala. Napailing na lang ako, ngumiti naman si Josefina at nagsimulang magkwento...
Sa isang malayong bayan sa Norte ay may isang napakagandang dalaga na Liwayway ang pangalan.
Ang kagandahan ni Liwayway ay nakarating hanggang sa malalayong bayan. Hindi naging kataka-taka kung bakit napakarami ng kanyang naging mga manliligaw.
Mula sa hilaga ay isang grupo ng mga mangangaso ang nagawi sa lugar nina Liwayway. Sa kasamaang palad, si Tanggol, isa sa mga ito ang inatake ng baboy-ramo. Ang binata ay dinala sa ama ni Liwayway para mabigyan ng pang-unang lunas. Iyon ang naging daan ng paglakalapit nila.
Umibig sina Liwayway at Tanggol sa isa'y isa sa maikling panahon ng pagkikilala.
Nang gumaling si Tanggol ay nagpaalam kay Liwayway at sa mga magulang niya. Anang binata ay susundin ang ama't ina upang pormal na hingin ang kamay ng dalaga.
Puno ng pangarap si Liwayway nang ihatid ng tanaw si Tanggol.
Subalit dagling naglaho ang pag-asa ni Liwayway na babalik si Tanggol tulad ng pangako. Ilang pagsikat na ng buwan mula nang umalis ito ngunit ni balita ay wala siyang natanggap.
Isang dating manliligaw ang nakaisip siraan si Tanggol. Ikinalat nito ang balita na hindi na babalik si Tanggol dahil may asawa na ito.
Tinalo ng lungkot, pangungulila, sama ng loob at panibugho ang puso ni Liwayway. Nagkasakit siya. Palibhasa ay sarili lang ang makagagamot sa karamdaman kung kaya ilang linggo lang ay naglubha ang dalaga at namatay.
Bago namatay ay wala siyang nausal kungdi ang mga salitang, "Isinumpa kita!... sumpa kita!"
Ang mga salitang "Isinusumpa kita!... sumpa kita!" ang tanging naiwan ni Aniway kay Tanggol.
Ilang araw makaraang mailibing si Liwayway ay dumating si Tanggol kasama ang mga magulang. Anito ay hindi agad nakabalik dahil nagkasakit ang ina. Hindi matanggap ng binata na wala na ang babaing pinakamamahal.
Sa sobrang paghihinagpis, araw-araw ay halos madilig ng luha ni Tanggol ang puntod ni Liwayway. Hindi na rin siya bumalik sa sariling bayan upang mabantayan ang puntod ng kasintahan.
Isang araw ay may napansin si Tanggol sa ibabaw ng puntod ni Liwayway. May tumubong halaman doon, halaman na patuloy na dinilig ng kanyang mga luha. Nang mamulaklak ang halaman ay may samyo iyon na ubod ng bango. Tinawag iyong sumpa kita, ang mga huling salitang binigkas ni Liwayway bago namantay. Ang sumpa kita ay ang pinagmulan ng salitang sampaguita.
Hindi ko alam pero parang mas lalong bumigat ang pakiramdam ko, ang alam ko lang 'Sumpa kita' ang ibig sabihin ng Sampaguita, hindi ko alam na may malungkot palang istorya sa likod ng napakabango at napakagandang bulaklak na iyon.
"Carmelita... ayokong matulad sa istorya ni Liwayway at Tanggol ang pag-iibigan niyo ni Juanito... nag-aalala ako na baka isipin ni Juanito na hindi na siya mahalaga sa iyo sa kabila ng matiyaga niyang paghihintay sa iyo, tulad ni Liwayway na hindi binigyan ni Tanggol ng paliwanag sa lalong madaling panahon ay naghinagpis siya" sabi ni Josefina at dahil napatingin ako sa kaniya. Hinawakan naman niya ang kamay ko.
"ang pag-iwas ay hindi solusyon sa mga problema at ang hindi pagpapaliwanag sa isang tao ay mag-iiwan ng isang malaking katanungan na dadalhin niya habambuhay" dagdag pa ni Josefina. Kung sabagay, tama siya. kung hindi ako magpapaliwanag kay Juanito habambuhay niyang hahanapin ang sagot sa tanong na kung bakit ko hindi tinupad ang pangako ko sa kaniya.
At ayokong mangyari na isumpa ako ni Juanito dahil sa gagawin ko.
Pagkatapos ng tanghalian, umakyat na ako sa kwarto ko at napagdesisyunan ko ng magsulat ng liham para kay Juanito at agad kong inabot ito kay Josefina. Pero bago ako bumalik ng kwarto ko napadaan ako sa kwarto ni Maria. naka-kandado yung kwarto niya at alam kong na kay Don Alejandro ang susi at hindi niya ako papayagang makapasok sa kwarto ni Maria. Napalingon ako sa paligid, walang ibang tao, mukhang nagsisiyesta ang lahat.
Naglakad ako papalapit sa pinto ng kwarto niya at itinapat ko ang tenga ko doon. Wala akong marinig, parang sobrang tahimik ng kwarto niya. napalingon ako muli sa paligid bago kumatok.
Pagkatok ko narinig ko ang yapak ng mga paa sa loob ng kwarto. "Ate Maria... ako ito si Carmelita" bulong ko sa maliit na butas sa gilid ng pinto at itinapat ko ulit yung tenga ko sa pinto.
Narinig ko namang bumilis yung yapak nung mga paa sa loob ng kwarto at agad nagsalita si Maria. "C-carmelita! I-ikaw ba talaga iyan?" narinig kong tanong niya na halos pabulong din.
"Oo ako to, k-kamusta ka na?" tanong ko sa kaniya, ilang Segundo din siyang hindi muna sumagot. "Ate Maria?" tanong ko pa ulit. Kinakabahan ako na baka biglang lumabas ng kwarto si Don Alejandro at makita niyang nandito ako tapat ng pinto ni Maria. i
"N-nasaan si Eduardo? A-anong ginawa ni ama kay Mang Raul?" tanong ni Maria na may halong paghikbi, umiiyak na siya ngayon.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, paano ko ba sasabihin na pinakulong at kinasuhan ni Don Alejandro si Eduardo? At paano ko sasabihin na halos mamatay na si Mang Raul kanina dahil sa walang awang pambubogbog sa kaniya?
Napapikit na lang ako at napahinga ng malalim. Ayokong magsinunggaling kay Maria pero kung sasabihin ko ang totoo baka makasama sa batang dinadala niya.
Magsasalita na sana ako kaso inunahan ako ni Maria "K-k alimutan mo na Carmelita... hindi ko na dapat itanong pa kung ayos lang sila dahil alam kong hindi titigil si ama hangga't hindi sila napaparusahan" sabi niya at kahit hindi ko siya nakikita ngayon alam kong magang-maga na ang mga mata niya sa kakaiyak, at dahil dun hindi ko na rin napigilan pa ang pagpatak ng mga luha ko.
"P-patawad ate Maria... d-dahil kung nung una pa lang pumayag na ako na makasal kay Leandro, hindi ka na sana maipapangako kay Gobernador Flores at hahayaan na lang ni ama ang pagbubuntis mo dahil wala na siyang magagawa pa, dahil sa akin nalagay sa peligro ang buhay ng anak niyo ni Eduardo" tugon ko pa, at tinakpan ko na lang ang bibig ko dahil baka may makarinig ng pag-iyak ko.
"W-wala kang kasalanan Carmelita... kami ni Eduardo ang nagkamali, hindi na dapat namin ginawa ang bagay na alam naming pagsisisihan namin, kasalanan ko ang lahat ng ito" tugon pa ni Maria habang patuloy din siya sa pag-iyak.
"Hindi pagkakamali ang magiging bunga ng pag-iibigan niyo ni Eduardo... dahil ang batang iyan ang pagmumulan rin ng mga taong pinapahalagahan ko" tugon ko pa, kahit hindi man maintindihan ni Maria na ang anak niya ang pagmumulan ng lahi ng mga mahal ko sa buhay, nais kong malaman niya na hindi aksidente o pagkakamali ang pagbubuntis niya. dahil lahat ng batang pinapanganak sa mundong ito ay landas na tatahakin at misyon sa buhay na dapat gampanan.
Kinahapunan, ibinalita sa akin ni Josefina na narinig niya na ipinag-utos ni Don Alejandro na patayin si Mang Raul mamayang hatinggabi ng palihim. Dadalhin daw sa kabundukan si Mang Raul at doon papatayin sa pagtaga ng itak si Mang Raul ng mga guardia personal ni Don Alejandro.
Hindi maaari!
Mabait, tapat at mapagmahal na ama si Mang Raul, naalala ko noong una ko siyang nakita tumulong siya sa amin sa kusina noong tinuturuan ako nila ina, Maria at Josefina na magluto ng agahan at kaldereta.
Pinaglalaban lamang niya si Eduardo na gustong ipakulong at ipatapon ni Don Alejandro, siguradong magdadalamhati si Eduardo pag nalaman niyang brutal na pinatay ang ama niya.
Palagi pa man din ako tinutulungan ni Eduardo sa tuwing kailangan kong tumakas upang puntahan si Juanito, siya din ang nagpapaabot ng mga sulat namin sa isa't-isa. At siya din ang ama ng pinagbubuntis ni Maria, si Eduardo ay ninuno ko din.
At dahil dun napag-desisyunan ko na kailangan ko silang tulungan ni Mang Raul. Sumang-ayon naman si Josefina at agad kaming nagplano.
Kinagabihan, hindi naman kami nahirapan tumakas ni Josefina dahil wala si Don Alejandro at ina sa bahay, dumalo sila sa kaarawan ni Heneral Seleno sa bahay nito sa bayan. Nasa Maynila naman si Gobernador Flores dahil pinatawag siya ng Gobernador-Heneral. Samantalang, sakay na ng barko si Leandro pabalik dito sa San Alfonso nang mabalitaan niya na matutuloy na ang kasal namin, ayon kay madam Olivia. At naipadala na rin niya yung sulat ko para kay Juanito.
Si Josefina ang pumasok sa opisina ni Don Alejandro para kunin yung susi, nasa kulungan ng hacienda Montecarlos si Mang Raul, hindi pa naisusuko ni Don Alejandro si Mang Raul dahil wala pa ang pahintulot ni Gobernador Flores na dalhin ito sa bayan sa ilalim ng pamamahala ni Heneral Seleno.
9 pm na ng gabi, nakuha na namin ni Josefina yung susi at dali-dali kaming lumabas ng bahay at nagtungo sa pinakadulo ng hacienda Montecarlos, na kung saan tinatapon ang mga sirang gamit.
Pagdating namin doon, naabutan naming tulog na tulog na ang mga guardia personal. Kanina bago mag-hapunan, palihim naming nilagyan ang mga alak na inumin ng mga guardia personal na nakalagay sa kusina, walang kamalay-malay si Esmeralda na ang pagkain at inuming inihanda para sa mga guardia personal na magbabantay ngayong gabi sa selda kung saan nakakulong si Mang Raul ay may halong pampatulog.
Dahan-dahan at maingat kaming dumaan sa pagitan nung mga tulog na tulog na mga guardia civil sa labas ng kulungan kung nasaan si Mang Raul. "Ikaw na ang kumausap kay Mang Raul, magbabantay na lang ako dito sa labas baka upang senyasan ka kung may paparating pang ibang bantay o baka mawala na ang epekto ng pampatulog na nainom ng mga bantay na ito" sabi ni Josefina, napatango naman ako at agad pumasok sa loob. sinindihan ko na yung gaserang dalda-dala ko, naabutan kong nakaupo lang at tulala si Mang Raul habang nakasandal sa pader.
"B-binibining Carmelita? A-ano pong ginagawa niyo dito?" gulat na tanong ni Mang Raul, ibinaba ko na yung gasera sa sahig at agad kong kinuha yung susi at binuksan yung kandado sa selda niya. "M-mapapahamak po kayo Binibini, sigurado pong mapaparusahan kayo ng iyong ama!" nag-aalalang tugon ni Mang Raul, tiningnan ko naman siya ng diretso sa mata.
"Huwag po kayong mag-alala Mang Raul, kayang-kaya ko po tiisin ang parusang ibibigay ni ama sa akin, pero hinding-hindi ko po kayang makita na malagay sa peligro ang buhay niyo" sagot ko sa kaniya, napangiti naman at napaiyak si Mang Raul.
Natanggal ko na yung kandado at agad kong binuksan yung pinto ng kulungan niya. "Tumakas na po kayo Mang Raul at magtago po kayo sa malayong lugar, sigurado pong ipapahanap kayo ni ama kung kaya't mag-iingat po kayo" bilin ko pa sa kaniya, magkahalong ngiti at iyak naman ang nangingibabaw na emosyon sa mukha ni Mang Raul.
"Maraming salamat Binibining Carmelita!" tugon niya pa at agad na siyang dumaan sa likod at tuluyan na siyang nakaalis. Paglabas ko sa main door sa harapan, naabutan kong nakatayo at nagtatago sa ilalim ng puno si Josefina. Napangiti siya nang makita ako at agad kaming bumalik sa mansyon. Whew! Grabe sobrang nakahinga ako ng maluwag pagdating sa kwarto ko dahil matagumpay naming naitakas si Mang Raul.
Kinabukasan, nagising kami sa ingay at sigaw ni Don Alejandro, galit na galit siya nang malaman na nakatakas si Mang Raul. Agad akong kinatok ni ina sa kwarto at pinababa sa salas. Naabutan kong nakatayo at nakayuko sa harapan ni Don Alejandro si Josefina, Esmeralda at yung mga nakatulog na guardia personal.
"Alam kong isa sa inyo ang tumulong na makatakas ang walang modong Raul na iyon! Sino ang may kagagawan ng lahat ng ito?!" sigaw pa ni Don Alejandro, pero napatigil siya nang makita akong pababa na ng hagdan at papalapit sa kanila.
"Mukhang puyat ka ata Binibining Carmelita? Parang may pinagkaabalahan ka kagabi" sarcastic na sabi ni Esmeralda at dahil dun napatingin silang lahat sa'kin. "Esmeralda! Tandaan mo kung ano ang lugar mo sa bahay na ito" suway naman ni ina at tiningnan niya ng masama si Esmeralda, pero hindi natinag si Esmerlada at pilit niya pa din pinaparating na ako ang nagpatakas kay Mang Raul.
Tumayo na ako sa tabi ni Josefina at napayuko na lang. bigla namang hinawakan ni Josefina ang kamay ko na nanginginig na ngayon sa kaba.
"Donya Soledad paumanhin po ngunit kung titingnan po natin... si Binibining Carmelita lang po naman ang may pinakamalakas ang loob na sumuway at kumalaban sa mga utos ng kaniyang ama" banat pa ni Esmeralda, hindi naman nakasagot si ina dahil saksi siya sa madalas na pagtatalo namin ni Don Alejandro.
Biglang napatingin sa'kin si Don Alejandro. "Sa pagkakataong ito Carmelita... ang parusa dahil sa pagsuway sa utos ko bilang kanang kamay ng Gobernador ng San Alfonso ay pantay para sa lahat at kahit anak kita, hindi ka makakaligtas sa parusa" seryosong tugon ni Don Alejandro habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. bigla na lang akong napayuko, hindi ko alam kung anong sasabihin at gagawin ko.
"Sinasabi ko na nga ba... matigas talaga ang ulo ni Binibin----- " gatong pa ni Esmeralda pero hindi niya natapos yung sasabihin niya kasi biglang nagsalita si Josefina.
"Hindi sapat na dahilan para pagbintangan agad si Carmelita dahil lang sa madalas nilang pagtatalo ni ama!" matapang na tugon ni Josefina habang nakatingin ng masama kay Esmeralda. Naramdaman ko ang higpit nga hawak ni Josefina sa kamay ko dahil sa pagka-inis kay Esmeralda.
"Binibining Josefina... ang iyong reaksyon ay nagpapakita na marahil ay kasabwat ka rin Binibining Carmelita sa pagtulong sa pagkatakas ni Mang Raul" tugon ni Esmeralda. At dahil dun kumulo yung dugo ko. matagal ng sinusubukan ng babaeng ito ang pasensiya ko eh.
"Bakit Esmeralda? May ebidensiya ka ba? Paano namin matatakas si Mang Raul sa kabila ng mahigpit na pagbabantay ng mga guardia personal sa kaniya? Ha!" banat ko pa kay Esmeralda at dahil dun napatingin sa mga guardia personal ang lahat.
"Paano kayo natakasan ng matandang iyon?" seryosong tanong ni Don Alejandro sa mga guardia personal, napayuko naman sila at nagtuturuan kung sinong magsasalita. "Hindi niyo sasabihin?!" galit na sigaw pa ni Don Alejandro dahilan para magulat sila.
"D-don Alejandro... p-patawad po dahil hindi po namin nabantayan ang bihag dahil pare-pareho po kami ng mga kasamahan kong nagbabantay noong gabing iyon na nakaramdamn ng hilo, at nang magising po kami ay wala na po sa selda ang bihag" sagot nung isang guardia personal. Napapikit naman si Don Alejandro dahil sa inis.
"Bakit naman kayo mahihilo? Ano bang nakain niyo?!" galit na tanong ni Don Alejandro. Bigla namang napatingin yung mga guardia personal kay Esmeralda. "Tanging ang pagkain at inumin lang po na dala ni Esmeralda ang aming kinain kagabi" sagot nung guardia personal. Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Esmeralda.
"W-wala po akong kinalaman diyan Don Alejandro..." depensa ni Esmeralda pero tiningnan lang siya ng mabuti ni Don Alejandro.
"Kung gayon sino ba ang naghanda ng pagkain ng mga guardia personal?" sabat naman ni Josefina.
"A-ako po ang naghanda ng pagkain nila ngunit maaari pong may ibang tao ang naglagay ng pampatulog sa mga pagkain inihanda ko po, inutusan po kasi ako ni Donya Soledad na linisin po muna ang opisina niyo bago ko po ihatid sa mga guardia personal ang mga pagkain nila" paliwanag ni Esmeralda at napatingin siya sa amin ni Josefina ng masama.
"Sinasabi mo bang may ibang tao ang naglagay ng pampatulog sa mga pagkain upang ikaw ang pagbintangang nagpatulog sa mga bantay??" seryosong tanong ni Don Alejandro. Napatango naman si Esmeralda.
"Opo. Maaari pong ang gumawa niyon ay malayang nakakaikot sa mansyon" sagot ni Esmeralda sabay tingin sa'min ni Josefina. At dahil dun napatingin din sa amin si Don Alejandro.
"Paano naman mabubuksan ang selda ni Mang Raul?" tanong ko kay Esmeralda. At biglang nanlaki yung mga mata niya. alam ng lahat na ang susi ay nasa opisina ni Don Alejandro.
"H-hindi ko alam... bakit ako ang tinatanong------" hindi na natapos ni Esmeralda yung sasabihin niya kasi bigla siyang napatigil sa pagsasalita nang magets niya kung ano yung gusto kong sabihin.
"Sa iyo na mismo nanggaling na inutusan ka ni ina na maglinis sa opisina ni ama... kung gayon tanging ikaw lang ang nakapasok noong gabing iyon sa opisina ni ama" sabi ko. bigla namang natulala si Esmeralda at napaluhod siya sa tapat ni Don Alejandro.
"D-don Alejandro halos magtatatlumpu't taon na po akong naninilbihan sa inyo at sa inyong ama... kailanman ay hindi ko po kayo sinuway at nagawang pag-nakawan" sabi pa ni Esmeralda. Napaisip naman ng mabuti si Don Alejandro at napatingin sa amin ni Josefina.
"Halughugin ang gamit ng lahat! Hanapin ang susi!" galit Na utos ni Don Alejandro at dali-daling kumilos yung mga guardia personal at hinalughog ang mga kwarto namin. Napahawak naman ako ng mahigpit sa kamay ni Josefina. Inabot ko sa kaniya kagabi yung susi matapos namin maitakas si Mang Raul, at hindi ko alam kung saan niya nilagay. Gosh! baka nasa kaniya pa?
Napatingin ako kay Josefina pero parang relax na relax lang siya habang ako tense na tense na. hindi ko naman siya matanong kasi nasa harap pa namin sila Don Alejandro.
Ilang saglit lang may limang guardia personal ang bumalik kay Don Alejandro at inabot nila yung susi kay Don Alejandro. Hindi na ako ngayon makahinga dahil sa sobrang kaba "Don Alejandro, natagpuan po namin ang susing ito sa loob ng kwarto ni Esmeralda" tugon nung guardia personal at dahil dun biglang napayuko at paulit-ulit na lumuhod si Esmeralda sa harapan ni Don Alejandro.
"W-wala po akong kinalaman d-diyan! M-maniwala po kayo sa akin" pagsusumamo niya at nanginginig na siya sa takot. Napapikit naman sa galit si Don Alejandro.
"IPALIWANAG MO KUNG BAKIT MO PINATAKAS ANG MATANDANG IYON?!" galit na sigaw ni Don Alejandro kay Esmeralda. Napaiyak na lang si Esmeralda at paulit-ulit na nagmamakaawa.
"Hindi mo na pala kailangang ipaliwanag... alam naming magkaibigan kayo ni Mang Raul at hindi na ako magtataka kung sinuway mo ang utos ko! Lumayas ka na dito at huwag ka ng babalik pa!" sigaw pa ni Don Alejandro, tumalikod na siya at agad nagtungo sa opisina niya.
Agad namang dinampot ng mga guardia personal si Esmeralda na patuloy pa ding nagmamakaawa at umiiyak habang nakadapa sa sahig. "M-maniwala po kayo! Wala po akong kasalanan!" sigaw niya pa. lumapit naman si ina sa kaniya at tinulungan siyang makatayo.
"Tumahan ka na Esmeralda... at umuwi ka na sa inyo ng mapayapa" mahinahong tugon ni ina. Bigla namang napatigil si Esmeralda sa pag-iyak at tumingin ng diretso sa mga mata ni ina.
"Donya Soledad... ang kaaway po ng inyong asawa ay hindi lang po nasa labas dahil maging dito sa loob ng inyong tahanan ay may taksil na naninirahan" seryosong tugon ni Esmeralda sabay tingin sa'kin. at dahil dun pinag-utos na ni ina na hilahin na si Esmeralda papalabas ng hacienda Montecarlos, kinuha naman nung iba pang kasambahay yung mga gamit ni Esmeralda at inihatid sa labas.
Tama nga si Esmeralda... nagagawa kong suwayin ang utos ni Don Alejandro na aking kapamilya.
Kinabukasan, nagulat ako pagbaba ko ng hagdan papunta sa hapag-kainan para mag-alumsal ay nakita ko si Leandro sa salas at kausap niya si ina.
"Magandang umaga anak... kanina ka pa hinihintay ni Heneral Leandro, pero ayaw ka niyang ipagising" bati ni ina, napangiti naman sa'kin si Leandro at inabot niya ang isang bouquet ng red roses.
"Handa naman po akong maghintay kay Binibining Carmelita kahit kailan" sagot ni Leandro. At napangiti naman si ina. Mukhang bet na bet na niya si Leandro.
"Oh sige... maiwan ko na kayong dalawa" paalam ni ina habang nakangiti ng todo. Umupo na kami ni Leandro sa salas. Alam ko na kung bakit nandito siya, natanggap na niya yung sulat ni Don Alejandro na matutuloy na ang kasal namin.
"Kamusta na Binibini?" nakangiti niyang tanong. Napangiti naman ako ng kaunti. "Ayos lang" sagot ko. pero parang naggtaka yung mukha ni Leandro.
"Sigurado ka? Ayos ka lang? bakit parang malungkot ang iyong mukha?" nag-aalala niyang tanong at dahil dun napahinga ako ng malalim. Hindi ko naman pwedeng sabihin na dahil namimiss ko na si Juanito.
"Si ate Maria kasi----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla siyang nagsalita. "Ahh... alam na namin ang tungkol kay Maria... nasabi na ni Don Alejandro kay ama" sagot ni Leandro, medyo awkward kasi kung pag-uusapan namin yung tungkol kay Maria. haays.
"Ikaw? Kamusta ka na pala?" tanong ko naman sa kaniya dahilan para mapangiti siya ng todo.
"Ayos lang naman... wala naman akong problema sa mga bagong sundalong sinasanay namin... at masaya din ako dahil nakabalik na si ate Natasha mula Espanya" sagot ni Leandro at dahil dun nanlaki yung mga mata ko.
"S-si Helena?" tanong ko sa kaniya. Naalala kong nagtungo si Natasha at Helena nung nalaman na ng lahat ang oplan tigil kasal.
"Naiwan sa Espanya si Helena... may isang kastilang binata mula sa kilalang pamilya doon ang nais pakasalan si Helena" sagot ni Leandro. Buti pa si Helena malapit na magkaroon ng happy ending, samantalang kami ni Juanito-----Haaays.
"Sa totoo lang nalulungkot ako dahil nasira na ang pagkakaibigan niyo ng aking kapatid na si Helena, ngunit umaasa pa din ako na muli kayong magkakabati at hindi rin sana maaapektuhan ng away niyo ang relasyon natin" sabi ni Leandro at dahil napatingin ako sa kaniya. Whut? Ano daw?
"R-relasyon? Natin?" nagtataka kong tanong bigla naman siyang napangiti. "Hindi ba nakatakda tayong ikasal? ... kung gayon ibig sabihin tayo na" diretso niyang sagot habang nakangiti ng todo. At dahil dun nanlaki yung mga mata ko. Whaaat?
Gosh! kami ni Juanito tapos... kami din ni Leandro?!
Wala akong kamalay-malay na two timer na pala ako Waaahhh!
"Huh? ahh-ehh kasi... ano... ganun ba talaga yun?" tanong ko sa kaniya. Omg! Hindi ko naman masabi sa kaniya na may Juanito ako. Oh noes!
Napatango naman si Leandro at hindi pa rin nawawala ang mga ngiti niya sa kaniyang labi. "Uhmm... Leandro... ano kasi... masyado atang mabilis... alam mo na----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi nagulat ako nang bigla niyang hawakan yung kamay ko.
"Mabilis o mabagal sa huli pag-ibig pa rin naman iyon... at isa pa mabilis rin naman naging tayo noon eh" sabi niya pa at dahil dun napanganga na lang ako habang biglang may alaalang pumasok sa isipan ko. isa sa mga alaala ni Carmelita kay Leandro...
Sa gitna ng lupain ng rosas masayang nakangiti sa isa't-isa at nagtititigan si Carmelita at Leandro. Dalagita at binatilyo pa lamag sila noon pero ang pag-ibig nila sa isa't-isa ay wagas. "Binibining Carmelita... marahil ay alam mo na sa umpisa pa lamang na agad akong nabihag ng iyong mapupungay na mga mata at matatamis na mga ngiti... sa umpisa pa lang ay agad nahulog ang puso ko sayo kung kaya't nawa'y tanggapin moa ng pag-ibig ko na buong puso kong iaalay sayo" pagtatapat ni Leandro at may inabot siyang pulang rosas kay Carmelita.
Napangiti naman ng todo si Carmelita at masaya niyang inamoy ang bulaklak na bigay ni Leandro. "Leandro... tinatanggap ko ang pag-ibig mo" sagot ni Carmelita, agad napangiti ng todo si Leandro at nagtatatalon siya sa tuwa. Napatakip naman ng mukha si Carmelita dahil sa sobrang kilig. Agad siyang niyakap ni Leandro at pinagsigawan sa buong mundo na mahal siya nito.
"Binibining Carmelita?... ayos ka lang?" tanong ni Leandro, at dahil dun bigla akong natauhan. "Huh? ah-eh nahihilo lang ako, iidlip muna ako saglit sa kwarto" paalam ko sa kaniya sabay tayo at umakyat pabalik sa kwarto ko. narinig ko pang tinawag niya pa ako pero hindi na ako lumingon.
Bago ako makapasok sa kwarto nakasalubong ko si ina "Oh? Tapos na kayo mag-usap ni Heneral Leandro? Nakaalis na ba----" hindi na natapos ni ina yung sasabihin niya kasi bigla niyang hinawakan yung mukha ko.
"Ayos ka lang ba Carmelita? Bakit parang namumutla ka ata?" nag-aalalang tanong ni ina at hinawakan din niya ang kamay ko. "at nanlalamig din ang mga kamay mo" dagdag niya pa.
Napapikit na lang ako, para kasing umiikot ang paningin ko. at sobrang lamig din ng pawis ko. "Tara na... magpahinga ka muna" sabi pa ni ina at inalalayan niya ako papasok sa kwarto at pahiga sa kama.
"Hindi ka pa ata nag-aalmusal... sige dadalhan na lang kita dito" narinig kong sabi pa ni ina at tuluyan na siyang lumabas sa kwarto. naiwan naman ako doon mag-isa, at nang iminulat ko ang aking mga mata, unti-unti nang naglalaho ang pagkahilo ko. napatingin ako sa labas ng bintana at napansin kong biglang lumakas ang hangin.
Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na may mangyayaring masama.
Hapon na ng magising ako, nakita kong inaayos ni Josefina ang pagkain ko. "Oh? Carmelita... hindi mop ala nagalaw ang almusal at tanghalian mo, mas lalo kang manghihina niyan" sabi ni Josefina at agad siyang umupo sa kama ko at inalalayan niya akong umupo.
"Ano bang nangyari sayo? Daig mo pa si ate Maria na mahilo ng biglaan... teka! Wag mo sabihing----" hindi na natapos ni Josefina yung sasabihin niya kasi binigyan ko siya ng what-are-you-talking-about-look.
"Hindi ako buntis... alam kong malaki ang respeto sa'kin ni Juanito kaya----" ako naman yung hindi nakatapos sa pagsasalita kasi biglang napailing-iling si Josefina with matching nakapamewang pa.
"Hindi natin masasabi iyan... sabi nga nila kapag parehong biglang bumugso ang init ng damdamin at pagmamahalan ng dalawang magsing-irog ay hindi na iyon mapipigilan pa" sabi ni Josefina. Naiwan naman akong tulala at walang masabi. Gosh!
"Siguradong mabubugbog ka din ni ama kapag nabuntis ka ni Juanito... tingnan mo hanggang ngayon nakakulong pa rin sa kwarto at hindi pa rin pinapansin ni ama si ate Maria" tugon ni Josefina. At nilagay na niya yung mga pagkain sa harapan ko.
"Anong balak ni ama kay ate Maria? kelan siya dadalhin sa Laguna kay Tiya Rosario?" tanong ko. napahinga naman ng malalim si Josefina. "Hindi ko pa alam, pero sa ngayon narinig ko na gusto munang mahanap ni ama si Mang Raul at sabay silang parusahan ni Eduardo" tugon ni Josefina. Parang biglang bumigat na naman ang puso ko. si Eduardo ay magiging asawa ni Maria at ang anak nila ay si Carmen at ang magiging anak ni Carmen ay si Lola Carmina at ang magiging anak ni Lola Carmina ay si Mommy Carmenia at ako ang magiging panganay na anak ni mommy at papangalanang Carmela.
"Kumain ka na... gusto mo bang ipainit ko pa ito?" tanong pa ni Josefina. Pero bigla siyang napatitig sa akin. "Carmelita... ngayon ko lang napansin na may balat ka pala sa likod ng batok mo" tugon niya, medyo nakababa kasi yung damit ko sa likod kaya kitang-kita yung likod ng batok ko.
Gosh! wala nga palang balat si Carmelita!
"Huh? peklat lang ata to, nakuha ko siguro to nung inaawat natin si ama nung binubugbog niya si ate Maria" palusot ko pero mas lalong napakunot yung kilay ni Josefina. "Pero dapat sugat pa yan... bakit biglang naging peklat agad----" hindi na niya natapos yung sasabihin niya kasi biglang bumukas yung pinto at pumasok si ina, may dala-dala siyang halamang gamot.
"Gising ka na pala anak... heto ginawan kita ng gamot, mainam ito upang gumanda ang pakiramdam mo at mawala ang pagkahilo mo" tugon ni ina at inabot na niya sa'kin yung gamot.
"Salamat po" tugon ko, napangiti naman si ina at hinimas-himas niya ang ulo ko. "Walang anuman iyon anak... Oo nga pala, aalis kami ng iyong ama bukas ng gabi, naatasan kasi siya ni Gobernador Flores na tingnan ang mga naaning bigas sa bayan at mukhang aabutin kami ng umaga bago matapos ang pagsusuri sa mga iyon, ipapadala kasi ang mga produktong iyon sa Maynila" tugon ni ina, at binigyan niya ako ng ngiti na makakapagpawala ng problema.
"Sige na magpahinga ka na, tayo na Josefina huwag mo ng guluhin ang kapatid mo, magbabasa tayo ngayon ng libro" sabi niya pa kay Josefina, agad naman nagreklamo si Josefina pero wala siyang magagawa dahil inutos iyon ni ina. Kahit pala si Josefina tamad din magbasa.
Kinagabihan, nakadungaw lang ako sa bintana habang tinatanaw ang madilim na kalangitan, wala akong makitang bituin ngayon sa langit. 10 pm na ng gabi, humiga na ako sa kama, hinayaan ko lang bukas ang bintana upang matanaw ko ang kabilugan ng buwan.
Ilang saglit pa dinalaw na ako ng antok, pinatay ko na ang gasera at ipinikit ko na ang aking mga mata pero nagulat ako nang bilang may kalabog akong narinig sa bintana at dahil dun agad akong napabangon.
"S-sino yan?" tugon ko, agad kong kinapa yung gasera pero nahulog ito sa sahig. Gosh!
Napatigil ako nang biglang may shadow akong nakita sa tapat ng bintana. Sisigaw na sana ako kaya lang biglang tumakbo papalapit sa'kin yung shadow at agad akong niyakap at tinakpan ang bibig ko. Waaahh!
"C-carmelita... ako to! si Juanito!" narinig kong sabi nung shadow at dahil dun napatigil ako sa pagpupumiglas. Bigla naman niyang kinuha yung gasera at sinindihan iyon. Natulala na lang ako at napanganga at hindi makapaniwala na nasa harapan ko ngayon si... Juanito.
Nakangiti siya at napakamot sa ulo niya. "Ano? Naniniwala ka na?" nakangiti niyang tanong, lumapit naman ako sa kaniya at agad kong hinawakan ang mukha niya. Whoa! Totoo nga!
"Hindi nga ako nananaginip!" tugon ko pa at agad ko siyang niyakap. Pakiramdam ko ligtas ako ngayon sa piling ng mga yakap ni Juanito.
"Pasensiya na kung ngayon lang ako nakarating... nahirapan kami ni Ignacio makahiram ng bangka papunta dito sa San Alfonso" tugon pa ni Juanito at dahil dun napatitig ako sa kaniya. "Kasama mo din si Ignacio? At bakit kailangan niyo pa ng bangka? Maaari naman kayong makapuslita sa barko" gulat kong tanong, hinawakan naman ni Juanito ang mukha ko at tiningnan ako ng diretso sa mata.
"Itatanan kita Carmelita" sagot niya at dahil dun biglang nanlaki yung mga mata ko. Whuut? Tama baa ng rinig ko?
"Mag-tatanan tayo at lalayo na tayo sa lugar na ito, pupunta tayo sa malayong lugar na kung saan walang ibang makakaalam at hindi tayo masusundan ng iyong ama" tugon pa ni Juanito. napayuko na lang ako at napabitaw sa hawak niya.
Halo-halong bagay ang naglalaro ngayon sa isipan ko. "Carmelita... nasabi sa akin ni Theresita na kaya hindi ka na nakapag-paalam bago ka umalis ay dahil itinakda ni Don Alejandro makasal si Maria kay Gobernador Flores... pero hindi ko akaling papayag ka na magpakasal kay Leandro, nang matanggap ko ang iyong sulat na pinadala ni madam Olivia hindi na ako nag-alinalangan pang sundan ka dito kahit alam kong delikado" tugon niya pa at niyakap niya ako mula sa likod ko. ramdam ko ngayon ang hininga niya sa leeg ko.
"Wala na kong magagawa... gustong ipapatay ni ama ang bata sa sinapupunan ni ate Maria dahil ipapakasal siya kay Gobernador Flores, ang tanging paraan lang para maligtas si ate Maria at ang anak niya ay ang matuloy ang kasal namin ni Leandro" sagot ko pa, naramdaman ko naman ang pagbuo ng mga luha sa mata ko. pero agad hinawi ni Juanito ang mga luha na papatak pa lang sana sa mga mata ko.
"Hindi mo naman kailangang gawin iyon... nakaisip kami ni Ignacio ng paraan, nalaman din namin na pinakulong ngayon si Eduardo sa bayan, itatakas namin si Eduardo bukas ng gabi at hihintayin namin kayo ni Maria sa dulo ng lawa ng luha, sa likod ng aming tahanan noon, doon namin itinago ang bangkang ginamit namin ni Ignacio" sabi ni Juanito. mas lalo namang nanlaki ang mga mata ko. Oo nga pala, kaibigan din nila ni Ignacio si Eduardo. At malaki din ang naitulong ni Eduardo sa amin.
"Ibig sabihin... magtatanan din si Eduardo at Maria?" gulat kong tanong sa kaniya. Napatango naman si Juanito. at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko "Kung kaya't sumama ka na sa akin... ilalayo kita sa iyong ama" sagot niya pa. napatitig naman ako kay Juanito at nakita kong may luhang pumatak sa kaniyang mga mata.
Kung sabagay... posible naman iyon. Kapag nailayo ko na si Maria kay Don Alejandro maliligtas na ang bata na nasa sinapupunan niya. at may dahilan na ako para hindi magpakasal kay Leandro.
"Ano? Sasama ka na sa akin?" tanong ni Juanito, halos wala siyang kurap na nakatitig sa akin ngayon. Napangiti naman ako napatango. "Basta ipangako mo sa akin na kahit anong mangyari... mabubuhay ka" sagot ko. bigla namang napangiti ng todo si Juanito at niyakap ako.
Napapikit na lang ako at niyakap ko siya ng mahigpit.
hindi dahil sa misyon ko kaya gusto ko mabuhay ka Juanito...
kundi dahil mahal na kita at ayokong mawala ka...
kinabukasan, maaga akong bumangon at nagtungo sa tapat ng pinto ng kwarto ni Maria. ipapasok ko sana yung sulat ko sa kaniya na tatakas kami mamayang gabi at sasama kina Juanito. pero napatigil ako nang marinig kong papalabas ng opisina si Don Alejandro at kausap niya si Maximo Rosalejos, ang abogadong nagbaliktad kay Don Mariano, Sergio at Kapitan Corpuz.
Agad akong nagtago sa likod ng isang malaking shelves ng libro sa labas ng kwarto ni Maria.
"Maraming salamat Don Alejandro! Asahan mong pagbubutihin ko ang aking trabaho... siya nga pala, balita ko hindi na natuloy ang kasal ni Maria at Gobernador Flores... naikwento pa man din sa akin ni Gobernador Flores na sobra siyang matutuwa kung maikakasal siya kay Maria" - Maximo.
"Sa ngayon, alam kong tayo pa lang nila Gobernador Flores ang nakakaalam na buntis ang aking anak na si Maria, ngunit nasabi sa akin ni Gobernador Flores na handa pa din niyang pakasalan si Maria kung ipapalaglag ang bata sa sinapupunan nito... may kakilala ka bang magaling na hilot?" tanong ni Don Alejandro kay Maximo. At dahil dun parang biglang gumuho ang paligid ko dahil sa narinig ko.
ANO? BALAK PA RING IPAPATAY NI DON ALEJANDRO ANG ANAK NI MARIA?!
"Ang aking asawa ay may kilalang magaling na hilot mula sa Norte, kailan mo ba nais ipatawag sila dito?" tanong pa ni Maximo.
"Sa tingin ko sa loob ng tatlong buwan kapag medyo malaki na ang bata sa sinapupunan ni Maria, maaari ng ipalaglag iyon... ipapadala ko muna siya sa Laguna upang itago siya sa mga tao at hindi na kumalat pa ang kahihiyang ito" sagot ni Don Alejandro at ilang saglit pa bumaba na sila ni Maximo.
napaupo na lang ako at napatulala sa likod ng shelves na pinagtataguan ko. Hindi ko akalaing malilinlang ako ni Don Alejandro, kahit makasal kami ni Leandro ay balak pa din niyang ipapatay ang anak ni Maria at ipakasal ito kay Gobernador Flores.
Agad akong dumiretso sa kwarto ni Josefina at sinabi ko sa kaniya ang lahat ng narinig ko sa pag-uusap ni Don Alejandro at Maximo kanina. Sinabi ko din sa kaniya na itatakas kami ni Juanito. agad namang pumayag si Josefina at sinabi niyang siya ang gagawa ng paraan para payagan siya ni Don Alejandro na makapasok sa kwarto ni Maria upang sabihan ito at makapaghanda na sila.
Sa aming tatlo, pinaka-pinagkakatiwalaan ni Don Alejandro si Josefina kung kaya't mas mapapadali ang pagtakas namin.
Kinagabihan, 7 pm pa lang ng gabi, pero pakiramdam ko parang ang bilis tumakbo ng oras. 10 pm kasi dapat nandoon na kami ni Maria sa likod ng hacienda Alfonso. Kaso 7 pm na nasa hapag-kainan pa kami at hindi pa umaalis sila Don Alejandro at ina.
Nakakulong pa din si Maria sa kaniyang kwarto kaya kami lang ni Josefina ang kasama ni Don Alejandro at ina sa hapag-kainan.
"Sa Linggo darating dito si tiya Rosario upang sunduin si Maria, nawa'y ayusin niyo na ang tutuluyan niya" tugon ni ina. Ibig sabihin may dalawang araw na lang kami bago ipadala si Maria sa malayo, kaya dapat maitakas na namin siya ngayong gabi bago mahuli ang lahat.
"Ipapaubaya ko na sa mga kasambahay ang pag-aasikaso kay Maria, abala si Josefina sa kaniyang paghahanda sa nalalapit na pag-aalay ng dasal sa araw ng mga patay... at ikaw Carmelita gusto kong magbutihin mo na ang paghahanda mo sa nalalapit niyong kasal ni Leandro sa katapusan ng Disyembre" tugon ni Don Alejandro, agad kaming napatingin sa kaniya, magrereklamo sana ako kaso biglang hinawakan ni ina ang kamay ko at sinenyasan akong wag nang simulan ang pagtatalo sa pagitan namin. Napahinga na lang ako ng malalim at napapikit sa inis.
Tama. Dapat talaga makatakas din ako ngayon.
8 pm na umalis sila Don Alejandro at ina sakay ng kalesa papunta sa bayan. Agad akong umakyat sa kwarto at inayos ko na ang gamit na dadalhin ko. ilang saglit pa, nakita kong pinatay na ng mga kasambahay ang ilaw sa salas, pinatay na rin ni Maria at Josefina ang ilaw ng gasera sa kwarto nila, at alam kong iyon na ang sign ng pagtakas namin. Pinatay ko na ang gasera sa kwarto ko at dali-dali akong dumaan sa bintana.
Pagdating ko sa baba, dahan-dahan akong nagtungo sa likod ng bahay, at nakita kong dahan-dahan ding bumababa sa hagdan si Maria at Josefina. Ilang saglit lang nandito na rin sila sa likod ng mansyon.
"Mag-iingat kayong dalawa ah! At kapag naayos na ang lahat... sulatan niyo ako at ako ang pupunta sa inyo" sabi ni Josefina, kahit madili nakita kong naluluha siya. agad namin siyang niyakap ni Maria.
"Pangako... hinding-hindi tayo magkakahiwalay" sabi ni Maria. at nag-group hug kami. "Sige na. umalis na kayo baka maabutan pa kayo ng mga guardia personal" tugon ni Josefina. Nilagyan kasi namin ulit ng pampatulog yung mga pagkain at inumin ng mga guardia personal, sinabi ni Josefina na siguradong malalaman ni Don Alejandro na kaming dalawa ang nagtakas noon kay Mang Raul dahil kami din ang nagbigay ng pampatulog sa mga guardia personal. Pero hindi na mahalaga iyon ang importante pareho kaming malayo ni Maria sa mga plano ni Don Alejandro.
Tig-isang bagahe lang ang dala namin ni Maria at sa likod ng mga puno kami dumaan, madilim at tahimik na din ang paligid at halos walang tao ang naglalakad sa daan. Isang kilometro lang naman ang layo ng hacienda Alfonso sa bahay namin kaya mabilis kaming nakarating doon, dumaan kami ni Maria sa sikretong lagusan papunta sa mansyon ng mga Alfonso na ngayon ay sarado na at halos walang katao-tao, mula ng mamatay si Don Mariano at mapatapon sa Bohol ang pamilya Alfonso, napunta na sa pangangalaga ng pamhalaan ang hacienda Alfonso at ang lahat ng ari-arian nila.
May sampung guardia civil lang ang nagbabantay ngayon sa hacienda Alfonso at halos lahat sila ay nasa gate at nagkwekwentuhan.
Agad kaming nakapasok ni Maria sa basement ng mansyon ng mga Alfonso, at nagtungo kami sa likod ng bahay nila na kung saan matatagpuan ang dulo ng lawa ng luha. Napatingin ako sa orasan na bigay ni Josefina, 9:30 na ng gabi.
"N-nasaan na sila?" bulong ni Maria, hawak ko ngayon ang kamay niya at ramdam kong kinakabahan at nanginginig siya.
"maya-maya lang darating na sila... at nangako si Juanito na itatakas din nila ni Ignacio si Eduardo" sabi ko kay Maria, naaaninag ko namang napangiti siya.
Umupo muna kami sa likod ng isang puno habang hinihintay sila, nagpalingon-lingon ako dahil hinahanap ko yung bangka na sinasabi ni Juanito pero hindi koi to makita.
11 pm na ng gabi wala pa din sila. Kinakabahan na kaming dalawa ni Maria. "Carmelita... paano kung napahamak na sila?" nag-aalalang tugon ni Maria at napayuko na lang siya sa sobrang kaba. Tinapik-tapik ko naman ang likod niya.
"Walang masamang mangyayari sa kanila... nangako sa akin si Juanito" sabi ko pa. at pilit kong hinihiling na tuparin ni Juanito ang pangako niya.
Ilang saglit lang bigla kaming napatigil ni Maria nang may marinig kaming yapak ng mga paa sa likod ng bahay. Agad akong napatayo at hinila ko si Maria upang magtago kami sa likod ng puno.
Bigla namang bumukas yung pinto sa likod ng bahay at tumambad sa harapan namin si Juanito at Ignacio na hingal na hingal habang akay-akay si Eduardo na hinang-hina na.
"Eduardo!" tawag ni Maria at agad siyang tumakbo papunta kay Eduardo at niyakap ito. Kahit puno ng pasa sa mukha ay nagawa pa din ni Eduardo ngumiti nang makita si Maria sa harapan niya. "Salamat sa Diyos at buhay ka pa mahal ko... at maraming salamat din sa inyo Juanito at Ignacio" tugon pa ni Maria habang yakap-yakap ng mahigpit si Eduardo.
Bigla namang napatingin sa'kin si Juanito at dahil dun tumakbo na rin ako papalapit sa kaniya at niyakap siya. "Akala ko hindi ka masaya na makita ako eh" pang-asar pa ni Juanito. at dahil dun kinurot ko siya. "Nakakainis... pinaghintay niyo pa kami... hindi mo lang alam kung gaano ako nag-alala sa inyo" sagot ko pa, bigla naman silang natawa ni Ignacio.
"Haay... Binibining Carmelita sabihin mo na kasing nananabik kang makita si Juanito at mahal mo din siya para hindi na humaba pa ang usapan" narinig kong pang-asar ni Ignacio. Pero agad siyang sinagi ni Juanito.
"Tumigil ka na nga pare, alam kong mahal naman ako ni Carmelita kahit di niya sabihin" parinig pa ni Juanito. napayuko naman ako, Gosh! never ko pa pala nasasabi sa kaniya na mahal ko din siya.
"Pero syempre iba pa rin kapag narinig mo mismo sa mahal mo ang mga salitang 'Mahal din kita" banat pa ni Ignacio, sabay tingin kay Eduardo at Maria. napangiti naman si Eduardo at Maria.
"Tara na nga... naiinggit ako sa inyo, wala dito ang mahal ko eh, hinihintay na niya ako kaya tayo na" sabi pa ni Ignacio at kinuha na niya yung bagahe namin ni Maria. "Sigurado kayo? Ito lang ang gamit na dadalhin niyo?" nagtatakang tanong ni Ignacio habang dala-dala yung tig-isang bagahe namin ni Maria.
"Oo naman... basta't kasama mo ang mahal mo, hindi na mahalaga kung ang mga materyal na bagay na mayroon kayo" sabi pa ni Maria. bigla namang napangiti ng nang-eecheos si Ignacio at napatingin sa'min ni Juanito.
"Ganoon rin baa ng pananaw mo Binibining Carmelita? Basta kasama mo si Juanito sapat na?" pang-asar pa ni Ignacio. Napatango na lang ako at napatakip sa mukha ko, Grabe! Hindi ako makatingin ngayon kay Juanito bakit ba kasi pinagtitripan kami ngayon ni Ignacio. Haays.
"Tama na yan Ignacio... nahihiya na tuloy si Carmelita" awat pa ni Juanito. tapos bigla niya akong inakbayan. "Tara na, mahal ko" bulong niya pa sa'kin. Dugdugdugdugdug!
My gosh! parang mahihimatay ako sa kilig! Waaahh!
"Nasaan ang inyong bangka?" tanong ni Maria at akay-akay niya ngayon si Eduardo. Habang nauuna namang maglakad si Ignacio dala-dala ang mga gamit namin.
"Itinago namin ni Juanito ang bangka kanina sa ilalim ng bangin na iyon, napag-alaman kasi namin na kada-dalawang araw kung mag-ikot ang mga guardia civil na nagbabantay dito" sagot ni Ignacio sabay turo dun sa bangin sa di-kalayuan.
"Gusto mo bang magpahinga muna? Medyo malayo pa ang ating lalakarin papunta doon" tanong sa'kin ni Juanito habang nakaakbay pa din siya sa balikat ko. Gosh! sobrang lapit niya sa'kin ngayon, ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya at ang tibok ng puso niya.
At kahit medyo madumi na ang damit niya, ang bango niya pa rin. Kyaahh!
"A-ayos lang kami... tumuloy na tayo para hindi masayang ang oras" sagot ko, napangiti naman si Juanito. "Sayang gusto ko pa man sana ikaw dalhin doon" sabi pa ni Juanito sabay turo sa ilalim ng puno na madadaanan namin.
Napataas naman yung kilay ko "Anong meron dun? Bakit mo naman ako dadalhin doon----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi nagulat ako nang bigla akong halikan ni Juanito sa labi. As in yung smack lang.
WAAAAHHHHHH!
"Para gawin sana yan... kaso pasensiya na hindi ko na napigilan pa" tugon pa ni Juanito habang nakangiti ng todo. Samantalang nasitatwa naman ako sa kinatatayuan ko at ramdam ko pa din yung pagdampi ng labi niya sa labi ko kahit parang 2 seconds lang yun.
Magsasalita pa sana ako kaso bigla ng kumaripas ng takbo si Juanito, alam niya sigurong makakatikim siya ng kurot at pangingiliti galing sa'kin kaya agad siyang tumakbo.
"Ikaw talagaa!" tawag ko pa sa kaniya, agad namang hinuli ni Ignacio si Juanito at isinuko siya sa'kin. "Oh ayan! Pagbayaran moa ng ninakaw mong halik kay Binibining Carmelita" pang-asar pa ni Ignacio at dahil dun bigla kaming namula ni Juanito sa hiya.
Omg! Nakita nila?
"Tss... kung maghahalikan lang kayo, doon niyo gawin sa pribadong lugar, hindi dito malapit sa amin" pang-asar pa ni Ignacio, napatingin naman kami kay Maria at Eduardo na ngayon ay natatawa na lang din. Omg! Nakita nga nilang lahat huhu.
At dahil dun agad kong kinurot si Juanito sa balikat."A-araay!" reklamo niya pa. "kaasar! Ayan nakita tuloy nila" reklamo ko pa sa kaniya. Bigla namang hinawakan ni Juanito ang kamay ko.
"Babawi ako..." pakiusap niya pa. in-erapan ko naman siya at napa-pamewang ako. "Paano? Ha?!" hamon ko pa sa kaniya. Pero nagulat ako nang bigla siyang ngumiti at hinawakan niya yung mukha ko at hinalikan ako ulit. KYAAAAAAHHHH!
"Oh! Binawi na niya yung halik niya... huwag ka na magalit" narinig kong pang-asar pa ni Ignacio. At dahil dun dalawa silang hinabol ko. "Kakalbuhin ko kayong dalawaaaa!" sigaw ko pa pero nagtatawanan at tumatakbo sila papalayo sa akin.
"Juanito! baka gusto pa ni Binibining Carmelita ng isang halik mula sayo-----" hindi na natapos ni Ignacio yung sinasabi niya kasi bigla kaming nakarinig ng putok ng baril at bigla siyang nadapa. At napasigaw habang nakahawak sa braso niya.
"Ignacio! Ayos ka------" hindi na rin natapos ni Juanito yung sasabihin niya at bigla din siyang natumba sa lupa at napayuko ng sunod-sunod kaming nakarinig ng putok ng baril at nakita namin ang isang dosenang guardia civil na papasalubong sa amin habang nakatutok ang kanilang mga baril sa amin.
Agad akong napadapa at napayakap kay Juanito. nakita kong wala namang tama ng baril si Juanito, samantalang may dalawang tama naman ng bala si Ignacio sa balikat at patuloy itong nagdurugo. Napatingin naman ako sa likod at nakita kong hawak-hawak na ng mga guardia civil si Maria at Eduardo.
Napatingin ako sa gilid pero nasa bangin na kami ngayon, wala na kaming matatakbuhan pa. "ANG LAKAS NG LOOB NIYO ITAKAS ANG MGA ANAK KO!" sigaw ni Don Alejandro at agad siyang bumaba sakay ng kabayo, naglakad siya papalapit sa amin at agad kaming hinila ni Maria. bumaba na rin sa kabayo si Heneral Seleno at Maximo.
"Aray!" reklamo ko pero tinulak lang ako ni Don Alejandro papunta dun sa mga guardia civil at agad nila akong hinawakan. "Ama! P-patawad po... huwag niyo po silang sasaktan!" pakiusap ni Maria at hawak na rin siya ngayon ng mga guardia civil.
Agad namang dinampot ng mga guardia civil si Eduardo, Ignacio at Juanito at pinaluhod sila sa harapan ni Don Alejandro.
"ANG KAKAPAL TALAGA NG MGA MUKHA NIYO!" sigaw pa ni Don Alejandro at tinutok niya yung baril kay Eduardo at ipinaputok ito.
"WAAAAAG!" sigaw ni Maria at agad siyang nagpupumiglas, tinamaan si Eduardo ng bala sa tuhod. Agad napasigaw si Eduardo dahil sa sakit pero hinampas lang siya nung guardia civil dahilan para mawalan siya ng malay. "AMA! TAMA NA! HUWAG MO SILANG SASAKTAN!" sigaw pa ni Maria. pero sinampal lang siya ni Don Alejandro.
"TUMIGIL NA KAYO!" sigaw ko pa kay Don Alejandro pero sinampal niya din ako. "Sinasabi ko na nga ba! Ang lakas talaga ng loob mo suwayin ang utos ko! hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayo! At ngayon sasama ka pa sa Juanito na yan! Hindi ba ikaw na rin ang nagsabi na si Leandro ang mahal mo?! Bakit sasama ka ngayon sa Alfonsong ito na naging dahilan ng kaguluhan ng lahat!" galit na sigaw sa'kin ni Don Alejandro. Napaluhod naman ako at nagmakaawa sa kaniya.
"Tama na po... huwag niyo po silang sasaktan" pagmamakaaawa ko pa, first time kong magmakaawa ng ganito at gagawin ko ang lahat para kay Juanito.
"Kung hindi dahil kay Esmeralda hindi ko malalaman na sasama kayo sa mga hampaslupang iyan! Hindi ko akalaing mas pipiliin niyo ang mga lalaking iyan kaysa sa pamilya natin!" sigaw pa ni Don Alejandro. Napatingin naman ako sa gilid at nakita kong nakatayo doon si Esmeralda habang nakangiti at tuwang-tuwa na nakikitang nahihirapan kami ngayon ni Maria.
Ibig sabihin... sinundan at minanmanan pala kami ni Esmeralda. Para makaganti sa ginawa namin ni Josefina sa kaniya.
"Paano ba iyan? Ignacio at Juanito... Nilabag niyo ang parusang ipinataw sa inyo ng batas" tugon ni Heneral Seleno at ipinagutos niya na dakpin na si Eduardo at ibalik sa kulungan. Samantalang naiwan namang nakaluhod si Ignacio at Juanito.
"kayong dalawa ay napatawan na hindi na ipatapon sa malayong lugar at hindi kayo dapat muling tumuntong sa lupaing ito... dahil ang katumbas iyon ng paglabag sa hatol sa inyo at ang kabayaran niyon ay... kamatayan" tugon pa ni Maximo.
Biglang tumigil ang pagikot ng mundo ko, at parang tumigil ang paghinga ko. Ang sinumang lumabag sa parusang exile ay mahahatulan ng kamatayan.
Biglang napayuko si Juanito at Ignacio. Naalala ko yung sinabi ni Juanito na hindi sila nagdalawang isip pumunta dito ni Ignacio sa San Alfonso para iligtas kami nila Maria at Eduardo kahit na alam nilang delikado.
Delikado sa puntong kapalit nito ay ang buhay nila.
"Heneral Seleno... patayin na sila" narinig naming sabi ni Don Alejandro. agad akong napahawak sa braso ni Don Alejandro. "A-ama... h-huwag po! G-gagawin ko po ang lahat... w-wag niyo lang po silang sasaktan" pagsusumamo ko pa pero inalis lang ni Don Alejandro ang kamay ko na nakahawak sa kaniya.
"Ama... pakiusap huwag niyo pong gawin ito" pakiusap pa ni Maria. pero hindi rin siya pinansin ni Don Alejandro. biglang humarap sa'kin si Don Alejandro at tiningnan ako ng diretso sa mata pero si Heneral Seleno ang kausap niya.
"Heneral Seleno... unahin si Juanito Alfonso... at siguraduhing susunod siya sa kaniyang namayapang ama at kapatid" seryosong tugon ni Don Alejandro. bigla naman akong yumuko sa lupa at paulit-ulit na nakiusap sa kaniya pero hindi siya nakinig.
Itinutok na ni Heneral Seleno ang kaniyang baril kay Juanito. "Paalam sa iyo Ginoong Juanit----" hindi na natapos ni Heneral Seleno yung sasabihin niya dahil agad naitulak ni Ignacio si Juanito sa bangin dahilan para hindi tamaan ng bala si Juanito at malaglag ito sa bangin diretso sa malawak na katubigan ng lawa ng luha.
"Waaaaaag!" agad akong nakakalas sa pagkakahawak ng mga guardia civil at napatakbo sa bangin, nakita ko ang pagbagsak ni Juanito sa lawa at agad pinaputukan ng mga guardia civil ang parte ng lawa na pinaghulugan niya.
Parang biglang bumagal ang takbo ng mga pangyayari, nabaril at hinampas sa ulo si Ignacio dahilan para mawalan din ito ng malay. Nakita ko namang nahimatay si Maria at binuhat na siya ng mga guardia civil na may hawak sa kaniya. Agad namang sumakay ng kabayo si Maximo at Don Alejandro upang sundan pababa ng bangin sa lawa ng luha si Juanito.
Nagsisisigaw naman si Heneral Seleno at pilit na pinag-uutos na paulanan ng bala ang lawa ng luha. Ilang saglit pa, bigla akong nanghina at parang tumigil ang pagtibok ng puso ko nang makita ko ang pagdanak ng dugo sa lawa ng luha.
Nabalot ang lawa ng luha ng mga dugo ni Juanito.
Dear Diary,
Sabihin mong hindi nangyayari ito!
Sabihin mong isang masamang panaginip lang ito!
Sabihin mong nagkakamali lang ako!
Hindi ko kayang tanggapin na... patay na si Juanito.
Nakikiusap,
Carmela
***********************
Source of Alamat ng Sampaguita: http://m.gintongaral.com/mga-alamat/alamat-ng-sampaguita/
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top