Kabanata 26

[Kabanata 26]


"Carmelita... Oo nga pala may ibig sumama sa iyo sa Maynila" sabi pa ni Josefina, tapos napangiti silang tatlo. Napalingon naman ako sa likod at nanlaki yung mga mata ko nang makita si... Juanito.

Nakatingin siya ngayon sa'kin at dahan-dahang napangiti. "Magandang umaga mga Binibini... pinaghintay ko ba kayo ng matagal?" tanong ni Juanito, napa-iling naman silang tatlo.

"Ayos lang kami Ginoong Juanito... ngunit mukhang si Carmelita ay napagod sa paghintay sa iyo" narinig kong sabi pa ni Josefina na may halong pang-aasar. Agad naman siyang kinurot ni Maria at binigyan siya ni Maria ng wag-mong-sirain-ang-moment-nila-look. Kaya napatahimik na lang si Josefina pero pinipilit niyang itago na natatawa na siya.

Napangiti naman si Juanito sabay tingin sa'kin "Maraming salamat sa inyong lahat... lalo na sa iyo Binibining Carmelita, napagalaman ko na ibig mo talagang tulungan ang aking ama" sabi pa ni Juanito, napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya pero hindi ko napigilang mapangiti. At mas lalong natawa si Josefina dahil mukha akong naistatwang tulo laway sa harapan ni Juanito.

"Uhmm---Binibini... kinakausap po kayo ni Ginoong Juanito" narinig kong bulong ni Theresita at dahil dun natauhan ako. "Huh? Ah---Ayos lang yun! Teka! P-pano ka pala nakatakas sa mga guardia civil?" tanong ko kay Juanito syempre gusto ko na din ibahin yung topic kasi mukhang hindi titigil si Josefina sa kakatawa.

"Tinulungan ako ni Eduardo, alam niya rin ang sikretong daan papunta sa aming tahanan" sabi ni Juanito habang nakangiti pa din siya. nagtaka naman ako, paano nalaman ni Eduardo yung lagusan?

"Pasenisya na po Binibini, wala na po kasing oras upang ipagpaalam ko po sa inyo na ituturo ko po kay kuya Eduardo ang sikretong daan papunta sa hacienda Alfonso" narinig kong sabi ni Theresita at naka-bow siya sa'kin. Ahh! Oo naalala ko na! sinama ko nga pala si Theresita noong gabing umakyat ako sa bintana ng kwarto ni Juanito at doon kami dumaan sa sikretong lagusan sa hacienda Alfonso. 

Hindi ko alam pero parang lumuwag ang pakiramdam ko, nakakatuwang isipin na pinapahalagahan ako ng mga tao dito sa panahong to "Ayos lang yun Theresita... maraming salamat sa tulong mo" sagot ko at niyakap ko siya.

"Payakap din kami" narinig kong sabi ni Josefina at Maria, at nag-group hug na naman kami. "Mag-iingat ka doon Carmelita, wag kang mag-alala susunod sa inyo si madam Olivia sa Biyernes, may kailangan pa kasi siyang asikasuhin ngayon kung kaya't hindi siya makakasama" paliwanag naman ni Maria at niyakap nila ulit ako.

Natigil naman yung group hug namin nang biglang dumating si Don Buencamino "Mga Binibini at mga Ginoo kailangan na po naming umalis, paalis na ang barko sa loob ng limang minuto" sabi ni Don Buencamino. Nagpasalamat na din ako sa kanila lalo na kay Theresita at Eduardo na ngayon ay kailangan ng umuwi agad-agad dahil baka hanapin sila sa bahay.

Pero bago kami umalis biglang tumakbo si Maria papalapit sa'kin at nilagyan niya ng malaking belo ang ulo ko. "Carmelita! Tandaan mo ang pagkakaalam nila ama at ina ay nasa Sugbu (Cebu) ka kung kaya't huwag mong hahayaang may makakita at makakilala sayo na kaibigan ni ama sa Maynila" bilin pa sa'kin ni Maria, napatango naman ako sa kaniya.

Nagpasalamat na din si Juanito kina Maria, Josefina, Theresita at Eduardo. Nagsuot din ng malaking sombrero si Juanito upang hindi makita ng mga tao ang itsura niya. Agad na naman kaming pinasunod ni Don Buencamino papasok sa lihim na pinto sa barko.

Nanlaki yung mga mata ko nang marealize ko kung saan kami pumasok, nasa pinakailalim na part kami ng barko ngayon kung saan may malalaking pugon na nilalagyan ng madaming uling upang umandar ang barko. Oo nga pala hindi pa uso ang kuryente sa panahong to. At parang steam boat pa ang sistema ng mga barko dito.

"Binibini... takpan mo ang iyong ilong" narinig kong sabi ni Juanito, napalingon naman ako sa kaniya at nakita kong tinatakpan niya ang ilong niya. Gosh! Dahil sa sobrang amaze ko sa nakikita ko nakalimutan kong mausok nga pala dito, magsasalita na sana ako kaso nagulat ako nang bigla akong akbayan ni Juanito at tinakpan niya ang ilong ko gamit ang kamay niya.

Dugdugdugdudgdug!

"Bilisan na po natin, masyado pong mausok dito" sabi naman ni Don Buencamino at nagmamadali siyang maglakad, napalingon naman sa'min yung mga trabahador na naglalagay ng uling sa mga pugon. Balot na balot ng kulay itim na uling ang buo nilang katawan. Grabe! Hindi ko akalaing masasaksihan ko din ang mga taong kabilang sa pinakamababang uri sa panahong to.

Nasa ilong at bibig ko pa din ang palad ni Juanito, parang nakukuryente ang buong katawan ko dahil nakaakbay siya sa'kin ngayon at inaalalayan niya ako maglakad ng mabilis para makalabas agad kami sa mausok na part ng barkong ito.

Hindi ko akalaing talagang may super gentleman ang nageexist sa mundong to, mas inuna niya kasing takpan ang ilong ko kaysa sa sarili niya. Kyaaahh!

"Dito muna kayo, maghahanap ako ng bakanteng kwarto para sa iyo Binibini" sabi ni Don Buencamino, nandito kami ngayon sa kwarto niya dito sa barko. Nagkatinginan naman kami ni Juanito bago isara ni Don Buencamino yung pinto.

Kahit hindi siya magsalita feel ko pa din na medyo naaawkardan siya kasi nasa iisang kwarto lang kaming dalawa, naaalala na masyado nga palang konsebatibo ang mga tao sa panahong to, hindi normal sa kanila ang magkasama ang isang babae at lalaki sa iisang kwarto. kung nasa modern world lang kami siguradong nag-vivideo games kami ni Juanito sa kwarto ko at walang malisya doon.


Sandali muna kaming nakatayo doon at parehong hindi makatingin sa isa't-isa. at dahil alam kong may conservative siya kaysa sa akin, ako na ang babasag ng awkwardness na ituu. naglakad na ako papapunta sa isang malaking shelves na puno ng libro at kumuha ako ng isang libro doon at nagfeeling bookworm. Gosh! Bakit ba kasi nakakahawa ang pagiging conservative ng mga tao sa panahong to eh! 

kung pwede lang kanina ko pa ni-wrestling dyan si Juanito para lang mawala yung pagka-ilang namin sa isa't-isa. haays.

ilang sandali pa nakita kong inilapag na ni Juanito yung sombrero niya sa mesa ni Don Buencamino at napupo na siya, mukhang nahimasmasan na siya ah.

ibinalik ko na yung librong hawak ko doon sa shelves at naglakad ako papunta sa bintana. Gosh! Hindi ako makahinga, sobrang lakas ng tibok ng puso ko lalo na pag naiisip ko na kaming dalawa lang ngayon dito sa iisang kwarto. Waaahh!

Haays! Omygoshh! Carmela! Wag ka nga mag-isip ng kung ano-ano dyan! Ughh!


Naramdaman kong biglang gumalaw na ang barko, at dahil medyo malakas yung impact napaatras at na-out balance ako, buti na lang nahawakan ni Juanito yung waist ko, My gosh! Di ko namalayan na nasa likod ko na pala siya Waaahh!

Dugdugdugdug.

Naistatwa na lang ako nang marealize ko na magka-eye to eye contact kami ngayon habang nakahawak pa din siya sa baywang ko, napatitig din ako sa mga labi niya at napalunok na lang dahil sobrang nakakaakit talaga------WHUT? OMG! ERASE! ERASE! ERASE!

"A-ayos ka lang Binibini?" sabi niya at bigla siyang napabitaw sa akin, at dahil dun bigla akong natauhan at inayos ko na ang sarili ko. "Huh? Ah---Oo n-naman" sagot ko na lang sabay balik ng tingin sa bintana. Gosh! Sobrang init ng pisngi ko huhu.

Nagulat naman ako nang bigla siyang tumabi sa'kin at nakatanaw na din siya ngayon sa bintana, medyo maliit yung bintana kaya nakasiksik siya doon sa dulo dahil hindi pwedeng magdikit ang mga balikat namin. "Binibining Carmelita... Hindi mo naman kailangang umiwas sa akin... tanggap ko naman na hindi mo kayang suklian ang pag-ibig ko sa iyo" sabi niya sabay tingin sa'kin, dahilan para bigla akong mapatulala sa kaniya. HUWAAAAT? ANONG SABE NIYA?


Pag-ibig ko sa iyo.


Dugdugdugdugdug!


MY GOSH! Bakit ang straight-forward niya? WAAAAHHH!


"Gaya nga ng sabi ko hangad ko ang kaligayahan mo... kung saan at kanino ka masaya, masaya na rin ako para sa iyo" sabi pa niya pero this time nakatanaw na ulit siya sa bintana. Shocks! Iniisip niya pa rin siguro na si Leandro ang mahal ko.

"Kasalanan ko ang lahat ng ito, malinaw sa atin simula pa lang na hindi dapat tayo mahulog sa isa't-isa, alam kong may sarili kang dahilan kung bakit gusto mo akong mapalapit kay Helena upang hindi matuloy ang kasal natin, minsan hinihiling ko na sana hindi ko na lang nalaman na may ibang laman ang puso mo, sana hindi na lang ako umasa na magugustuhan mo ako at sana hindi ako natakot sabihin sayo ang totoong nararamdaman ko sa simula pa lang" dagdag pa ni Juanito. napahinga na lang ako ng malalim. Gosh! hindi ko inexpect na ganito pala ka-tense sa feeling kapag may nagconfess sa iyo ng harap-harapan na may gusto siya sayo kyaahh!

Gusto kong sabihin sa kaniya na nagkakamali siya dahil siya naman talaga ang gusto ko pero... hindi ko alam kung paano ko sasabihin at hindi ko rin alam kung anong pwedeng mangyari kapag sinabi ko ang totoo.

Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti pero may luhang namumuo sa mga mata niya "Naalala mo ba noong sinabi ko sayo noon na magkita tayo sa daungan bago ako magtungo ng Maynila?" sabi pa niya, napatingin lang ako sa kaniya, parang may nakabara sa lalamunan ko dahilan para hindi ako makapagsalita.

"Bukod sa gusto kong ibigay sa iyo ang kuwintas na ginawa ko... may nais din akong sabihin sa iyo noong araw na iyon" tugon pa niya, pero napaiwas siya ng tingin sa akin at nakita kong pinunasan niya yung mga mata niya.

"Pasensiya na, sumakit ang mga mata ko dahil sa usok kanina" sabi pa niya pa, alam ko namang nagpapalusot lang siya, ayaw niyang makita ko na umiiyak siya. Tama nga sila, masakit sa kalooban ang makita mong umiiyak ang taong mahal mo. 

Sa mga oras na ito, kahit papaano gusto kong tulungang mabawasan ang bigat na nararamdaman niya kung kaya't hinawakan ko yung balikat niya at dahil dun napalingon siya sa'kin.

Pinunasan ko yung mga luha niya "Hindi mo naman kailangan itago ang mga luha mo sa akin, gusto kong saluhin ito mo bago pa man ito bumagsak sa lupa" sabi ko, magkahalong awa at konsensiya ang nararamdaman ko ngayon. 

"Alam mo ba kapag nalulungkot ako at umiiyak lagi akong pinapatahan ni daddy----Ah! Ang ibig kong sabihin ni ama, pinupunasan niya ang mga luha ko at ginagawa niya rin ito" sabi ko sabay yakap sa kaniya. sabi nga nila, ang yakap ay nakakagaan sa bigat ng kalooban.

"Gumagaan ang pakiramdam ko kapag ginagawa niya ito sa akin at parang nawawala yung mga problema ko kapag tinatapik din niya ang likod ko" sabi ko pa tapos tinapik ko ang likod niya habang yakap-yakap ko siya.


Aalis na sana ako sa pagkakayakap sa kaniya kaso nagulat ako nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit "Kahit sandali lang... kahit limang minuto lang" narinig kong bulong niya at dahil dun parang naistatwa tuloy ako at hindi na makagalaw pa. Gosh! friendly hug lang yung binigay ko sa kaniya kanina at wala akong naisip na malisya doon pero bakit ngayon... meron na! Kyaah!

Hindi naman ako makaalis sa pagkakayakap niya kasi baka ma-offend siya. "Oh d-siba? M-mabisa ang paraang ito para m-mawala ang bigat na nararamdaman mo, h-hindi man ako nag-aral ng medisina tulad mo pero kaya kitang p-pagalingin" bulong ko din sa kaniya, gusto ko magtunog normal pero bakit nauutal ako? Nooo!

"Tama ka, sa tingin ko ikaw lang ang magpapahilom ng sugat sa puso ko" bulong niya pa. hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil sa sinabi niya My gosh! Kinikilig ako kyaaahh! buti na lang magkayakap kami ngayon at hindi niya nakikita na kinikilig na ako hahaha!

"Kahit hindi mo man ako sinipot sa daungan noon, sana nagkaroon pa din ako ng lakas ng loob na hilingin sa iyo na ituloy na ang kasal natin dahil... nahuhulog na ako sa iyo" bulong niya pa at naramdaman kong mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin.

Waaaahhhh!

So ibig sabihin... sa simula pa lang gusto na niyang matuloy ang kasal namin? Sa simula pa lang may gusto na siya sa'kin?



Kinagabihan, nandito na ko sa maliit na kwarto na pinagdalhan sa'kin ni Don Buencamino, parang kasing laki lang ng banyo ang laki ng kwartong ito at isang kama, kumot, unan lang ang meron dito sa loob. Mas safe daw ako doon kasi hindi masyadong pumupunta ang mga mayayamang tao sa lugar ng mga mahihirap. Puro mayayamang pamilya ang kaibigan ng aming pamilya kung kaya't hindi masyado kilala ng mga ordinaryong tao ang itsura ko lalo na dahil hindi naman laging lumalabas ng bahay si Carmelita.

Samantalang sa kwarto naman ni Don Buencamino nagstay si Juanito.

Lumipas ang tatlong araw na byahe sa barko nang hindi ko man lang nakikita si Juanito, mas mabuti daw na hindi muna kami lumabas sa mga kwarto namin para hindi kami makita ng mga tao. 

Haays. Grabe! namimiss ko na siya, kung may cellphone lang sa panahong to siguradong textmate na kami ngayon haha!


Pagdaong ng barko sa Maynila, sinundo ako ni Don Buencamino sa kwarto at kasama na niya si Juanito. nagkatinginan at napangiti kami sa isa't-isa. Ewan ko ba kahit sa simpleng ngitian lang namin feel ko sinasabi niyang namiss niya din ako Waaahh!

Omg! Carmela nagiging cheesy ka na din!


"Maraming salamat Don Buencamino" tugon ni Juanito nang makababa na kami sa barko, nakataklob na ako ngayon ng belo at nakasuot din siya ng malaking sumbrero.

"Walang anuman... ibig ko ring suklian ang lahat ng kabutihan ng iyong ama sa aming pamilya" sagot ni Don Buencamino kay Juanito, tunay nga na napakabuting tao ni Don Mariano kaya marami siyang tunay na kaibigan na gustong tumulong sa kaniya.

napatingin naman sa akin si Don Buencamino at napangiti "Huwag kang mag-alala Binibini... ang iyong pagtakas sa iyong ama ay ililihim ko" sabi niya, napangiti naman ako at napa-bow sa kaniya.

Nagpasalamat kami ulit kay Don Buencamino saka tuluyan nang umalis, agad naman kaming sinalubong ni Ignacio sakay ng isang kalesa.


"Juanito! kamusta na?" bati ni Ignacio at nagyakap sila. Napangiti naman ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Nakakatuwang isipin na maging si Juanito ay madami ring mga kaibigan na handang tumulong sa kaniya.

Nakasakay na kami ngayon sa kalesa "Nasaan nga pala si Sonya? Alam na ba niya?" nag-aalalang tanong ni Juanito, napabuntong hininga naman si Ignacio, magkatabi sila ngayon at nasa tapat nila ako.

"Nagpadala ng sulat si Heneral Seleno sa aming bahay at magpapadala raw siya ng mga tauhan sa susunod na araw hangga't hindi pa napapatunayan na walang kasalanan ang inyong ama" sagot ni Ignacio. Oo nga pala, sa panahong to kapag nasira ang pangalan ng isang miyembro ng pamilya damay lahat ng pamilya at kamag-anak nito.

"Madali pa man din damdamin ni Sonya ang mga problema, hindi makakabuti ito sa kaniya" sabi ni Juanito. kilalang-kilala talaga niya ang mga kapatid niya, syempre naman close na close sila sa isa't-isa.

"Oo nga eh, lalo na ngayong hinala ko na nagdadalang tao siya" tugon pa ni Ignacio, agad kaming napatingin ni Juanito sa kaniya. "TALAGA?" sabay pa naming sabi, bigla namang napangiti ng todo si Ignacio.

"Hinala pa lang... hindi pa naman ako sigurado" natatawa niyang sagot. Omg! It's a baby! Napatingin ako kay Juanito at mukhang masaya din siya sa magandang balita na hatid ni Ignacio.

Pagdating namin sa bahay nila Ignacio at Sonya, agad kaming sinalubong at niyakap ni Sonya. "Kuya Juanito! Carmelita!" sigaw niya at dali-dali niya kaming binusog ng yakap.

Agad niya kaming inimbatahan sa bahay nila, Malaki din yung bahay nila at may tatlo silang kasambahay. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang buong bahay nila, Hindi naman mansyon yung bahay nila pero ito yung mga katulad ng mga makalumang bahay talaga na gawa sa kahoy, yung mga pang-horror film. 

Grabe! Magkasing-edad lang kami ni Sonya at nakikita kong sobrang saya at kontento na siya sa buhay may asawa niya.

"Tara... tayo'y kumain na, naghanda ako ng paborito mong ulam kuya Juanito, pasensiya na kung hindi iyon luto ala Montecarlos ah" pang-asar pa ni Sonya at inilapag na niya ang isang malaking mangkok ng Kaldereta sa mesa.

Nagkatinginan naman kami ni Juanito pero agad siyang napaiwas ng tingin, nahiya ata haha. "Nakatanggap ako ng sulat mula kay Maria noong isang araw na darating kayong dalawa ngayon sa Maynila" tugon pa ni Sonya nakaupo na kami ngayon sa hapag-kainan. Magkatabi kami ni Sonya at nasa tapat naman namin si Juanito at Ignacio. Nagulat ako nang biglang hawakan ni Sonya ang kamay ko. "Maraming salamat Carmelita... hindi ko akalaing magagawa mong tumakas sa iyong ama upang tulungan kami... bukod sa matalik mo akong kaibigan at napalapit na din ang pamilya namin sa iyo, gagawin mo ba ito dahil napamahal ka na din sa aking kuya?" pang-eecheos pa ni Sonya. Nanlaki naman yung mga mata ko at napatingin sa kanila. Nakangiti ng todo ngayon si Sonya at Ignacio samantalang napayuko at uminom naman ng isang basong tubig si Juanito, na-fefeel niya rin siguro ang tense sa mga oras na to. Waaahh!

"Huh? ahh-Oo naman mahal ko kayong lahat... at k-kaya ko ginagawa to dahil... naniniwala ako na walang kasalanan si Don Mariano at katotohanan dapat ang nananaig" sagot ko pa at inemphasize ko talaga yung huli kong sinabi na katotohanan dapat ang nananaig, para maiba ang usapan. Napatango agad si Sonya at Ignacio bilang pagsang-ayon

Hindi ko naman ngayon magawang tingnan si Juanito, Haays. Tama nga si Sonya, ginagawa ko to para kay Juanito dahil kailangan niyang mabuhay upang magtagumpay ako sa misyon ko.

"Iyan din ang laging sinasabi sa'kin ng aking ama, katotohanan dapat ang laging nananaig" sabi naman ni Ignacio. Bigla namang napayuko si Ignacio at Sonya parang bigla silang lumungkot nang mabanggit sa usapan si Kapitan Corpuz.

"Nasa Espanya na si Kapitan Corpuz hindi ba?" tanong ni Juanito, napa-iling naman si Ignacio. "Nasa byahe na siya papuntang Espanya nang harangin siya bago makadaan ang barkong sinasakyan niya Suez Canal dahil ipinagutos ito ni Heneral Seleno bago pa dakpin si Don Mariano" malungkot na sagot ni Ignacio.

"Ano? Bakit? Nasaan na siya ngayon?" gulat na tanong ni Juanito. "Marahil ay makabalik na ang barkong sinasakyan niya ngayon dito sa Maynila sa Linggo, hindi rin malinaw sa amin kung bakit siya pinabalik" sabi ni Ignacio at bakas sa mukha niya na nag-aalala siya para sa kaniyang ama.

Gosh! Doble pala ngayon ang kinakaharap na problema ni Sonya at Ignacio, parehong nasa panganib ang mga pamilya nila.

"Oo nga pala Juanito napagalaman kong ikinulong si Sergio sa Cavite at balak din siyang imbestigahan tungkol sa mga armas at baril na nakuha sa inyong tahanan" sabi ni Ignacio. Napatulala naman si Juanito. "Alam kong mahirap paniwalaan pero may kutob ako na may taong gustong sumira sa inyo, kilala ko si Don Mariano at Sergio, matulungin at mababait sila sa kanilang kapwa nguniti hindi nila magagawang konsentihin ang mga rebelde sa karahasang ginagawa ng mga ito" sabi pa ni Ignacio, Napahawak naman si Juanito sa noo niya, mukhang hindi na niya alam ang gagawin niya.

"Nabalitaan ko din na ang magiging abogado ni Don Mariano sa korte ay si Ginoong Ocampo na itinalaga lamang ni Heneral Seleno, may kutob ako na balak nilang ipatalo ang kaso ni Don Mariano kung kaya't ako na mismo ang magtatanggol sa inyong ama" sabi ni Ignacio. Gulat naman kaming napatingin sa kaniya.

Oh my gosh! Abogado pala si Ignacio. 


Ahh! Oo nga pala! nabanggit niya noong may ipapakilala siya sa aking mga kaklase niya sa pag-aabogasya. 


"Sigurado ka ba diyan mahal?" gulat na tanong ni Sonya. Mukhang ngayon lang din niya nalaman ang desisyon ng asawa niya.

"Ignacio, paano kung----" hindi naman na natapos ni Juanito yung sasabihin niya kasi mukhang buo na ang desisyon ni Ignacio. "Sigurado ako, at kailangan kong gawin ito upang manaig ang katotohanan na pilit itinatago ni Heneral Seleno" sabi pa ni Ignacio. At napatingin siya sa'kin nung sinabi niya yung word na Manaig ang katotohanan. 


Hindi ko alam pero parang natatakot at kinakabahan ako sa pakikipagsapalaran na gagawin ni Ignacio. Gaya nga ng sabi niya, mukhang na-frame up lang si Don Mariano, pero paano mapapatunayan ito?


Kinagabihan, isinara na nila agad ang mga bintana at sinabihan din ang mga katulong na huwag sasabihing may mga bisita sila, abala naman si Juanito at Ignacio sa pagpaplano kung anong mga hakbang ang gagawin nila habang naghuhugas naman kami ng plato ni Sonya.

"Carmelita... nabalitaan ko din ang nangyari sa inyo ni kuya Juanito? hindi ko akalaing magagawa kayong ilaglag ni Helena" sabi ni Sonya, napatigil naman ako sa paghuhugas ng plato dahil sa tanong niya. Tama nga si Sonya, nilaglag nga kami ni Helena, kahit hindi ko man lubos na kilala si Helena, hindi ko naman akalain na magagawa niya iyon kay Juanito at sa akin, kahit pa hindi naman ako si Carmelita na matalik niyang kaibigan.

"Siguro dala na rin ng paninibugho kaya niya nagawa iyon, alam naman nating lumaking wala ng ina si Helena kung kaya't sabik siya sa pagmamahal, nagkataon nga lang na maling lalaki ang minahal niya, hindi naman sa sinasabi kong maling lalaki si Kuya Juanito... ang ibig kong sabihin hindi siya para kay kuya Juanito dahil ang puso ng kuya ko ay nasa iyo" sabi ni Sonya at napangiti siya. Nanlaki naman yung mga mata ko. My gosh! Like brother like sister... bakit ang straight forward nila? Waaahh!

Teka! Paninibugho? Selos yun diba? Tama ba? Gosh! Nosebleed na ko dito huhu.

"Matagal ko nang alam na may gusto na sa iyo si kuya Juanito, napansin ko iyon nang makita namin kayo ni Leandro sa isang kainan, ngunit hindi ko lang sinabi dahil nakiusap sa'kin si Kuya Juanito na siya mismo ang magsasabi sa iyo" sabi pa ni Sonya, napatingin naman ako sa skills niya sa paghuhugas ng plato, Grabe! ang galing niya, mabilis siyang maghugas pero sobrang maingat ang pagkakahawak niya sa mga plato. Subject din ba nila yan? 

"Oo nga pala, pasensiya na Carmelita nasabi ko kay kuya Juanito ang tungkol sa relasyon niyo noon ni Leandro, hindi ko naman akalain na mahal mo pa din si Leandro eh" sabi pa ni Sonya, itatanggi ko sana kaya lang biglang napahawak si Sonya sa noo niya at nabasag yung platong hinuhugasan niya. Agad ko siyang inalalayan dahil muntikan na siyang matumba.

"Sonya! Ayos ka lang?" nagpapanic kong tanong, nakapikit lang siya at parang hinang-hina. "N-nahihilo ako" mahina niyang sabi at dahil dun agad akong napasigaw at tinawag ko sina Juanito at Ignacio.

Dali-dali naman silang tumakbo papunta ng kusina at inalalayan si Sonya. "Anong nangyare?" nag-aalalang tanong ni Ignacio at parang namutla siya nang madatnan ang asawa niya na nakahandusay sa sahig.

"N-nag-uusap lang kami kanina t-tapos bigla siyang nahilo at---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang binuhat na ni Ignacio si Sonya papunta sa kwarto nila at inutos niya sa isa sa kanilang kasambahay na tumawag ng doktor.


Gabi na, nasa kusina lang kami ni Juanito dahil si Doktor Hidalgo pala ang doktor nila Ignacio at Sonya kung kaya't hindi niya kami pwedeng makita dito. Nang makaalis na si Doktor Hidalgo agad kaming nagtungo ni Juanito sa kwarto nila Sonya.

"Kamusta? anong sabi ng doktor?" nagpapanic na tanong ni Juanito, agad naman akong tumakbo papalapit kay Sonya at hinawakan ang kamay niya. pero nagulat kami ni Juanito kasi biglang napangiti si Sonya at Ignacio at tumawa sila "Uhm--- ayos lang ba kayo?" nagtataka kong tanong, mukha kasi silang baliw na tatawa-tawa diyan.

"Tama nga ang hinala ko! tatlong linggong nagdadalang tao ang aking asawa! Magiging ama na ako!" proud na sabi ni Ignacio at niyakap niya si Sonya. Nanlaki naman yung mga mata namin ni Juanito at napangiti ng todo sa kanila habang pinagmamasdan ang mga ngiti sa kanilang labi dahil magkakaanak na sila. 

"Masaya ako para sa inyo" bati ko sa kanila at makiki-group hug sana ako sa kanilang dalawa kaya lang naalala ko na mayayakap ko din si Ignacio kapag ginawa ko iyon at syempre bawal yun, Haays! kung nasan modern world lang kami tropa-tropang group hug lang to.

bigla namang hinawakan ni Sonya ang kamay ko. "Maraming salamat Carmelita... hinihiling ko na maging kasingbuti at kasingganda mo ang magiging anak ko kung sakaling babae ito" sabi ni Sonya habang hinihimas niya ang tiyan niya napangiti siya sa'kin.

"Sana lang hindi maging kasingkulit at kasingdaldal niya ang magiging pamangkin ko" pang-asar na sabat naman ni Juanito, at dahil dun binigyan ko siya ng what-the-hell-are-yah-talking-about-look. Pero tinawanan niya lang ako.

"Ibabalita ko na ito agad kay ama at kina Donya Juanita" excited na sabi ni Ignacio. At nag-kiss sila ni Sonya sa harapan namin ni Juanito.

Omg!

At dahil dun napaiwas ako ng tingin, ganun din naman si Juanito. mukhang na-feel niya din ang awkwardness na nangyayari sa mga oras na to. Waaahh!

"Pasensiya na... hindi ko lang talaga mapigilan ang saya na nararamdaman ko sa mga oras na ito, huwag kayong mag-aalala mararanasan niyo rin ang galak na ito sa oras na magkaanak na kayo" sabi pa ni Ignacio. At dahil dun nagkatinginan kami ni Juanito. My gosh! Mas lalo pa nilang pinalala ang awkward atmosphere eh!

Sabay naman kaming napaiwas ulit ng tingin, Shocks! Bigla ko tuloy naalala na 7 na anak ang gusto nila noon na maging anak namin ni Juanito. Omg! Makayanan ko kaya yun? Dejoke haha!

Nagising ako ng madaling araw dahil bigla akong nauhaw, share kami ngayon ng kwarto ni Sonya, samantalang nasa kabilang kwarto naman si Juanito at Ignacio.

Pagdating ko sa kusina agad akong kumuha ng isang basong tubig, pagkatapos ko uminom babalik na sana ako sa itaas kaya lang may narinig akong murmurings sa labas ng kusina.

Agad akong sumilip sa pinto at nakita kong magka-kwentuhan si Ignacio at Juanito sa likod ng bahay at mukhang nag-iinuman sila. "Parang kailan lang naglalaro pa tayo sa labas ng bahay niyo at naghahabulan sa lawa ng luha, pero ngayon magiging tatay na ako" narinig kong sabi ni Ignacio. Natawa naman sila. Ahh so nagrereminisce sila ng mga childhood memories. at dahil interesado ako sa mga masasagap kong chika umupo ako sa gilid ng pinto habang nakasilip pa din sa kanila. Medyo kulay asul na ang kalangitan sa labas dahil madaling araw na.

"Naalala ko pa nga kung paano mo asarin lagi si Sonya noong mga bata pa tayo kaya sobrang nagulat kami na itinakda siya sayo ipakasal ni ama" sabi naman ni Juanito. Grabe! Nakakainggit sila, marami silang mga shared memories, samantalang ako nagsisimula pa lang magkaroon ng mga memories kasama sila.

"Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil naging maganda naman ang pagsasama namin ni Sonya kahit pa hindi naging maganda ang samahan namin noong mga bata pa kami" sabi ni Ignacio. Hindi naman nagsalita si Juanito at napatahimik naman sila sandali.

"Pare, isipin mo na lang, kahit papaano kasama mo ngayon si Carmelita... kahit pa alam naman natin na iba ang tinitibok ng puso niya, pero kahit ganoon handa pa din siyang tumulong sa iyo, ibig sabihin mahalaga ka sa kaniya" sabi pa ni Ignacio. Napangiti naman ng konti si Juanito. Whuut? 

"Siguro nga hindi lahat ng itinatakda ipakasal ay nagkakatuluyan sa huli, baka hanggang magkaibigan lang talaga kami ni Carmelita... pero sa totoo lang kahit anong gawin ko, hindi pa rin siya mawala sa isipan ko at mas lalo akong nasasaktan sa tuwing naaalala ko na may iba na siyang minamahal" sabi ni Juanito at nilaklak niya yung alak sa wine glass na hawak niya. napatulala naman ako at napatitig sa kaniya habang nakasilip sa gilid ng pinto. Hindi ko matanggap na nalulungkot siya ngayon dahil sa akin.

"Alam mo ba, noong malaman kong may nakaraan si Carmelita at Leandro, inisip ko na lang na magagawa kong makuha ang puso ni Carmelita dahil mapapangasawa ko siya ngunit biglang naglaho ang pagkakataong iyon sa akin nang ipinag-utos ng aking ama na wala ng kasalan na magaganap" sabi pa ni Juanito at parang sinisisi niya ang sarili niya.

"Naiintindihan ko naman na may gusto ka noon pa kay Helena ngunit paano nangyaring nagbago na ang isip mo? At gusto mo ng matuloy ang kasal niyo ni Carmelita?" tanong ni Ignacio. Napasandal naman sa pader si Juanito, damang-dama ko ang bigat ng nararamdaman niya. 

"Sa totoo lang hindi ko alam, parang ang bilis ng mga pangyayari, gusto ko nga si Helena pero mula nang makilala ko si Carmelita hindi na siya maalis sa isipan ko, mas lalo akong nahuhulog sa kaniya sa tuwing inaasar ko siya at pinandidilatan niya ako ng mata, hindi ko rin alam kung bakit napapangiti na lang ako bigla sa tuwing nakikita ko siya kahit pa minsan sinusungitan niya ako, basta nagising na lang ako isang araw na biglang siya na ang tinitibok ng puso ko" sagot ni Juanito at nakangiti siya sa kawalan habang sinasabi niya ang mga salitang yun.

Dugdugdugdugdug!


Aalis na sana ako kasi baka marinig nila ang kabog ng puso ko kaya lang narinig ko pang nagsalita si Ignacio. "Kung ganoon, bakit ka pa nakipagkita kay Helena noong gabing nahuli kayo ni Don Alejandro na magkasama sa ilalim ng tulay? Pasensiya na ngunit nalaman ko ang balitang iyon sa mga nagtitinda sa palengke, kalat na kalat na ang balitang iyon" sabi pa ni Ignacio.

Oo nga, hindi ko pa pala natatanong kay Juanito kung bakit hindi niya ko sinipot sa pasasalamat noong gabing iyon.

"Papunta na ako sa pasasalamat noong gabing iyon nang bigla akong harangin ni Helena pagkalagpas ko sa tulay, kasama niya si Laura, pumayag naman akong makipag-usap sa kaniya, sinabi ko na din sa kaniya noong gabing iyon na si Carmelita talaga ang gusto ko at itutuloy ko na ang kasal namin kaya lang biglang napadaan ang sinasakyan ni Don Alejandro at Donya Soledad hinila ko si Helena para magtago ngunit hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya... pakiramdam ko nga sinadya niyang hindi umalis doon para mahuli kami ni Don Alejandro" sagot ni Juanito. napatakip naman ako sa bibig ko. My gosh! So ibig sabihin nilaglag talaga kami ni Helena!

Hindi ko akalaing magagawa ni Helena talikuran ang taong mahal niya at ang matalik niyang kaibigan. Bigla kong naalala si Shae, kahit pala saang panahon man ako dalhin narealize ko na hindi mawawala ang mga taong taksil. Pero ang mas masakit pa ay ang taong tinuring mo ng kaibigan ay magagawa kang pagtaksilan.


Kinabukasan, dumating sa amin ang balitang didinggin na ang kaso ni Don Mariano sa Audiencia Territorial de Manila, o ang Real Audiencia and ahensya na humahawak sa mga dinidinig na kaso. "Sasama ako" narinig kong sabi ni Juanito, nandito kami ngayon sa salas at naghahanda na si Ignacio at Sonya papunta sa trial na gaganapin mamayang tanghali para kay Don Mariano.

"Kuya Juanito, walang dapat makaalam na nandito ka sa Maynila" sabi ni Sonya, seryoso naman ang itsura ngayon ni Juanito. "Sasama ako, at walang ibang makakaalam" pagpipilit pa ni Juanito, tapos napatingin siya sa'kin at sa malaking cabinet nila Sonya na nasa likod ko.

Omg! Anong iniisip niya? kinakabahan ako. Waaahh!


"Seryoso ba kayo?" gulat kong tanong, nilabas agad ni Sonya ang mga magagarbo niyang damit na mga gowns pang-victorian era, mga accessories at make-up. Omg! "Ito lang ang naisip kong paraan para makapasok tayo sa loob" sagot naman ni Juanito. habang tinutulungan siya ni Ignacio magbihis ng magarbo din.

"Pero pano kung----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi mukhang desisdido na talaga sila magpanggap kami ni Juanito na mag-asawang bristish na nakilala ni Ignacio at Sonya noong nag-honey moon sila sa Espanya. My gosh!

"Hindi nila tayo mahuhuli, marunong ka naman magsalita ng ingles" nakangiting tugon ni Juanito. Nanlaki naman yung mga mata ko. Omg! Oo nga pala! Naalala ko noong una kaming nagkita tinarayan ko siya in English. Gosh! Naiintindihan niya pala Grabe!

"Talaga? Kanino mo natutunan ang lenggwaheng ingles Carmelita?" tanong ni Sonya sa'kin at manghang-mangha siya. Omg! Pano ko ba sasabihin to? hindi naman sila maniniwala kapag sinabi kong sasakupin din ng mga Amerikano ang Pilipinas after ng mga Espanyol. Kaya natuto din ang mga Pilipino magsalita ng English at naging second language pa ng Pilipinas ang English hanggang sa modern world.

"Uhmm---- t-tinuruan ako ni madam Olivia hehe" sagot ko na lang. My gosh! Kotang-kota na ko kay madam Olivia huhu. "Si madam Olivia talaga ang daming nalalaman, bilib nga ako sa iyo Carmelita eh dahil hindi ka takot lumapit kay madam Olivia, samantalang dati pareho tayong takot sa kaniya" sabi pa ni Sonya. Napangiti na lang ako, sabagay nung una nacreepyhan din ako kay madam Olivia pero siya lang ang taong nakakaalam ng totoong pinagdadaanan ko kaya parang siya na ang guardian angel ko.

"Tara na, aayusan na kita" sabi pa ni Sonya. Wala naman akong nagawa kundi sumunod na lang, Omg! Doble-doble na ang pagpapanggap na ginagawa ko huhu. Nagpapanggap ako bilang Carmelita tapos ngayon magpapanggap din akong super rich na british girl na anak ng isang propesor sa England, ayon kay Ignacio at Juanito.

Samantalang, ayon naman kay Sonya, isang scientist naman na may problema sa dila si Juanito kaya di siya nakakapagsalita para hindi siya kausapin ng ibang tao dahil hindi naman siya marunong mag-english, Omg! Naalala ko tuloy nung sinadya kong mapaos para mawalan ako ng boses at magkaroon ng dahilan para hindi masagot ang mga tanong ni tiya Rosario tungkol sa mga libro. eh kung magpapaos na lang kaya kami? Tsk. wala ng time.

Makalipas lang ang isang oras, handa na kaming lahat. Napanganga ako nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Omg! Hindi ko makilala ang sarili ko, sobrang kapal ng kolerete sa mukha na nilagay ni Sonya sa mukha ko at inilugay niya din ang buhok ko para mas lalong magmukhang mataray na mayaman.

Napatulala naman ako nang makita si Juanito, Gosh! Hindi ko rin siya makilala, may bigote at makapal na balbas siya, nilagyan din siya ni Sonya ng makapal na kolerete sa mukha. Ngumiti siya sa'kin pero hindi ko makita yung ngipin niya kasi natatakpan ng makapal niyang balbas. Bigla tuloy kaming natawa kasi mukha na siyang matanda haha!

Sana masaksihan ko ang pagbabago ng itsura niya habang tumatanda siya, sana magtagumpay ako sa misyon ko at mabuhay siya.


Pagdating namin sa korte kung saan didinggin ang kaso ni Don Mariano, agad kaming hinarang ng mga guardia civil na nagbabantay roon. "Buenos días, mi nombre es Ignacio Corpuz y voy a servir como abogado de Don Mariano Alfonso" (Good morning, my name is Ignacio Corpuz and I will serve as the lawyer of Don Mariano Alfonso) tugon ni Ignacio doon sa dalawang guardia civil na seryosong-seryoso ang itsura. May inabot na papel sa mga guardia civil si Ignacio, agad naman itong binasa ng guardia civil at napatingin kay Sonya. 

"Es mi esposa, Sonya Alfonso-Corpuz, hija de Don Mariano Alfonso" (She's my wife, Sonya Alfonso-Corpuz, daughter of Don Mariano Alfonso). patuloy pa ni Ignacio, nag-bow naman si Sonya sa punong guardia civil na nakaharang sa pinto. 

"Qué hay de ellos?" (How about them?) serysong tanong nung guardia civil sabay turo saming dalawa ni Juanito. napalunok na lang ako kasi mukhang kakainin niya ata kami ng buhay dahil sa tingin niya. 

Agad namang tinanggal ni Juanito ang sumbrero niya at iniligay ito sa tapat ng dibdib niya saka nagbow sa harapan nung guardia civil. Magsasalita sana siya kaya lang bigla siyang siniko ni Sonya sa tagiliran. Whew! nakalimutan niya siguro na pipe dapat siya.

"Oh! Son mis amigos de Inglaterra, están aquí para participar en el comercio del galeón" (Oh! they are my friends from England, they are here to participate in the galleon trade). sagot ni Ignacio, at mukhang dinadaan niya sa charm at pangiti-ngiti niya para mapaniwala yung mga guardia civil. 

Ang Galleon trade ay sistema kung saan ang malalaking barko ay naglululan ng mga produkto mula China gaya ng mga porcelain, silk etc. at dadalhin ito sa Acapulco (present day Mexico), at ang mga produkto naman sa Europa ay makakarating din sa Asya. naging pangunahing daungan ng mga barkong pangkalakal na iyon ang Pilipinas.

"Entonces, que van a hacer aqui?" (then, what are they going to do here?) nagtatakang tanong nung guardia civil. ako naman si pinagpapawisan na at nanginginig na sa nerbyos kasi hindi ko maintindihan yung pinag-uusapan nila, pero mukhang hindi pa din nakukumbinse ni Ignacio yung mga guardia civil.

napatingin naman sa akin si Ignacio at binigyan niya ako ng it's-your-time-to-shine-na-Carmelita-look, at dahil sa pagkabigla napa-bow ako sa harapan ng mga guardia civil, My gosh! Kinakabahan ako huhu. Bigla naman akong sinagi ni Sonya at dahil dun natauhan ako. "Oh! Hi! Goodmorning, we were just wondering If we could get in? I mean... if its okay?" tanong ko habang nakangiti ng todo, napatingin naman sa'kin sila Juanito, Ignacio at Sonya at gulat na gulat ang mga itsura nila. Hindi ko alam kong nagulat ba sila dahil sa pag-eenglish ko o nagulat sila dahil mukha akong desperadang flirt ngayon haha!

Nagkatinginan naman yung dalawang guardia civil at mukhang naweweriduhan sila sa akin. "By the way, I am Ashley Williams and this is my Husband George Williams, we're just here to----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi napakamot na lang sa ulo yung guardia civil at pinabuksan na niya kami ng pinto.

"Bien! Bien! Adelante!" (Alright! Alright! come in!) naiiritang tugon nung guardia civil at pinagbuksan na nila kami ng pinto. mukhang naiirita siya kasi di niya ata naintindihan yung mga pinagsasabi ko.

"Thank you very much, Sir!" sabi ko at mukha na kong haliparot na palaka ngayon dahil ang saya-saya ko na nalusutan namin sila haha! 


Medyo maraming tao na sa loob, may nakareserve naman na upuan para kay Sonya at Ignacio sa harap, samantalang dahil bisita lang kami ni Juanito, sa likod na lang kami umupo kasi yun lang yung bakante.

Ilang saglit pa dumating na ang judge at mga prosecutor, napatahimik ang lahat nang sunod-sunod na pumasok sa loob ang mga lalaking nasa edad 40s, yung iba mga nakapang-general outfit at yung iba naman ay naka-itim na coat at may matatas na sumbrero "Si hukom Emilio Fernandez ang tatayong hukom" narinig kong bulong ni Juanito sa'kin. tinutukoy niya yung matabang judge na nakaupo ngayon sa harapan. Omg! Parang nakita ko na siya!

Bigla kong naalala yung matabang may bigote na narinig kong kausap noon ni Donya Julieta sa burol ng kaniyang asawa na si Don Diosdado Valdez. Siya yung lalaking yun!

"Si hukom Emilio Fernandez ay kaibigan ni ama at Don Alejandro, ang pagkakaalam ko magkakaklase sila noong elementarya" bulong pa ni Juanito.

"Ibig sabihin maaaring panigan ni hukom Fernandez si Don Mariano?" bulong ko kay Juanito, napahinga naman siya ng malalim. "Hindi ko alam pero umaasa ako na naniniwala siya na walang kasalanan ang aking ama" sabi pa ni Juanito.

Napatingin naman ako sa katabi kong matadang babae na ang bihis ay katulad ng suot ko ngayon, Omg! hindi ko akalaing may makakakita ako ng kaparehong damit sa panahong to, Nakakaloka kaya kapag may nakasabay ka sa jeep o sa bus nakapareho mo ng damit, mukha kayong kambal na strangers. nakatingin siya sa amin ngayon. My gosh! Baka nakikilala niya kami? Alam ko na!

Bigla ko siyang nginitan "Oh! Hi! I think your hair is so lovely, who made it?" tanong ko sa kaniya, nagulat naman siya at iniwas na lang niya yung tingin sa'kin. Tss. buti na lang hindi niya rin ako maintindihan haha.

Ilang saglit pa dumating na ang dalawang guardia civil habang akay-akay si Don Mariano na nakaposas pa. pinaupo siya sa gitna, paharap sa hukom. At may pumasok pa na isang matangkad na lalaki na nakapusod ang buhok, payat na katawan maging ang binti niya at sobrang puti niya. Kasunod niya ay pumasok na din sa loob ng korte si Heneral Seleno "Anong ginagawa ni Maximo Rosalejos dito?" narinig kong galit na bulong ni Juanito, tinutukoy niya yung lalaking matangkad at nakapusod ang buhok.

"Bakit? Anong meron?" bulong ko naman sa kaniya pabalik. Napapikit sa inis si Juanito. "Si Maximo Rosalejos ang tatayong fiscal" bulong ni Juanito. fiscal means prosecutor diba?

"Si Maximo ay may matinding galit kay ama dahil nais niya noong gawing siyudad ang niyugan sa dulo na nasasakop ng lawa ng luha, hindi pumayag si ama dahil pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mamamayan ang mga puno ng niyog na nakatanim doon" sabi pa ni Juanito.

Omg! So ibig sabihin may personal na galit ang magsisilbing prosecutor sa kaso ni Don Mariano. Waaahh!

Tumayo na si Ignacio at nag-bow sa hukom. "Magandang umaga sa inyong lahat, narito ang mga ebidensya na magpapatunay na walang kasalanan si Don Mariano sa mga binibintang sa kaniya" panimula ni Ignacio at may pinakita siyang mga sulat.

"Ang mga baril na nakuha sa kaniyang tahanan ay hindi pagmamay-ari ng kanilang pamilya, kahit isang opisyal ng hukbo si Heneral Sergio Alfonso ang panganay na anak ni Don Mariano Alfonso, wala siyang kapasidad na magkaroon ng ganoong karaming armas at baril na espesyal pa dahil gawa sa ibang bansa, ito ang ebidensya na bihira lamang magpunta ng San Alfonso si Heneral Sergio at ito ang mga boleto o tiket ni Heneral Sergio mula kay Don Buencamino, nakasaad dito na tanging dalawang bagahe lamang ang madalas na bitbit ni Heneral Sergio papunta at paalis ng San Alfonso" dagdag ni Ignacio. Binasa naman ni hukom Fernandez ang mga boleto o ticket na pinakita ni Ignacio.

"Pangalawa, ang mga bigas na natagpuan sa ilalim ng lupa sa bodega ng pamilya Alfonso ay hindi matibay na ebidensya, maraming nakakalabas pasok sa hacienda Alfonso lalo na sa tuwing sasapit ang fiesta at pasasalamat sa poon dahil bukas para sa lahat ang tahanan ng pamilya Alfonso, kung kaya't hindi natin masasabi na si Don Mariano Alfonso mismo ang nagtatago ng mga bigas na iyon" paliwanag pa ni Ignacio, Whoa. Grabe! ang galing niya! sobrang confident siya sa pagsasalita sa gitna, lakad pa siya ng lakad at sinisiguro niya na nakikinig sa kaniya ang lahat.

"At pangatlo, wala ring matibay na ebidensya na nagpapatunay na may koneksiyon si Don Mariano sa mga rebelde na lumalaban sa pamahalaan at nasa likod ng pagkamatay ni Don Diosdado Valdez, ang mga salitang binitawan ni Heneral Seleno ay pawang pagbibintang lamang, Hinihiling ko sa kataas-taasang hukuman na mapawalang-sala si Don Mariano Alfonso at patawan naman ng salang paninirang puri si Heneral Seleno dahil sa pagaakusa sa gobernador ng San Alfonso nang walang matibay na ebidensya!" matapang na tugon ni Ignacio. Nagpalakpakan naman ang mga tao lalo na si Sonya. My gosh! Ngayon lang ako nakapanuod ng live na trial at masasabi kong nakakakaba talaga.

Nag-bow naman si Ignacio at naupo na siya. "Ngayon maaari nang magsalita ang kabilang panig" utos naman ni hukom Fernandez, tumayo na si Maximo. "Magandang umaga sa inyong lahat, nais kong ipaabot ang pagbati kay Ignacio Corpuz dahil sa galing niya sa pagsasalita... ngunit hindi sapat ang galing sa pananalita upang maipagtanggol ang naakusahan" panimula ni Maximo. My gosh! Unang kita ko palang sa kaniya kumukulo na ang dugo ko.

"Naniniwala kami na si Don Mariano ay kaanib sa mga rebelde at mayroon kaming higit sa sapat na ebidensya na magpapatunay na balak niyang kalabanin at pagtaksilan ang pamahalaan" banat ni Maximo, At naglakad-lakad siya paikot kay Don Mariano.

"Una sa lahat, ang mga armas at baril na natagpuan sa tahanan ng pamilya Alfonso ay pagmamay-ari mismo ni Sergio, Pangalawa, ang mga bigas na natagpuan sa kanilang imbakan ay may mga patunay na ihahatid ito sa mga rebelde na nagkukubli sa gubat ng San Alfonso, dahil may ugnayan si Don Mariano at ang pinuno ng mga rebelde na umaatake sa Kamaynilaan at sa iba pang bayan na pinamumunuan ng mga principalia at peninsulares" sabi pa ni Maximo. Napatayo naman sa galit si Ignacio. "Nasaan ang iyong ebidensya? Ilabas mo ang mga patunay" sigaw ni Ignacio dahilan para sitahin siya ni hukom Fernandez.

"Huwag kang mainip dahil ipapakilala ko na sa inyo ang taong naging saksi sa pagtataksil na binabalak ni Don Mariano Alfonso sa gobyerno" sabi pa ni Maximo, at ilang saglit lang may pumasok na mga guardia civil habang akay-akay ang isang matanda at pinaluhod ito sa harapan ng hukom.

Nanlaki ang mga mata namin ni Juanito nang makilala kung sino ang matandang lalaki na sinasabi ni Maximo na magsisilbing witness at magpapatunay na may kasalanan si Don Mariano...

si Mang Pipoy.

"M-magandang umaga po h-hukom Fernandez..." panimula ni Mang Pipoy. Ang matandang nakilala namin noon sa Laguna na umampon kay Cristeta, ang isa sa mga anak ni Aling Trinidad. 

"Ipinapangako ko po na katotohanan at pawang katotohanan lamang ang aking sasabihin" sabi ni Mang Pipoy, inalalayan naman siya ni Maximo na umupo at humarap kay hukom Fernandez.

"Sige na magsimula ka na" sabi ni hukom Fernandez, napatingin naman ako kay Juanito na halatang kinakabahan na ngayon, napansin kong nanginginig din ang kamay niya sa galit, kaya hinawakan ko ang kamay niya.

Napatingin naman siya sa'kin at bumulong ako sa kaniya "Huwag kang mag-alala, magiging maayos din ang lahat" napangiti naman ng konti si Juanito nang marinig niya ang sinabi ko.

"Totoo pong kasapi si Don Mariano sa rebeldeng grupo na pinamumunuan ni Ca-tapang, ako po mismo ay miyembro din ng rebeldeng grupong iyon, at ako po ang tagapag-hatid ng balita at mga palitan ng sulat ni Don Mariano at Ca-tapang" panimula ni Mang Pipoy. Grabe! Hindi ako makapaniwala na magagawang magsalita ni Mang Pipoy laban sa pamilya Alfonso sa kabila ng pagkupkop at pagtulong ni Sergio sa pamilya niya.

"Sinunggaling!" sigaw ni Ignacio, hindi na niya makontrol ang galit niya. agad naman siyang sinuway ni hukom Fernandez. "Ang mga baril at armas po ay mula pa sa Tsina, at dinadala po iyon ng mga bangka ng mga mangingisda upang hindi paghinalaan ng mga opisyal, ang mga baril at armas pong iyon ay ibibigay dapat ni Don Mariano at Sergio sa amin upang gamitin sa pag-aalsang mangyayari sa susunod na buwan, kasabay rin po niyon ang mga sako ng bigas upang sustentuhan ang mga miyembro ng rebeldeng grupo ni Ca-tapang, at ito po ang mga kasulatan na magpapatibay na sinusuportahan po kami ni Don Mariano at Sergio Alfonso" dagdag pa ni Mang Pipoy tapos may inabot siyang isang kumpol ng mga sulat.

Binasa naman ito ni hukom Fernandez. Ilang saglit lang napatingin siya kay Don Mariano "Kailangan ko ng isang espesyalista sa panunulat at pagpipirma, gusto kong malaman kung sulat at pirma nga ito ni Don Mariano" sabi pa ni hukom Fernandez.

Makalipas lang ang kalahating minuto, dumating na ang isang matandang lalaki na puti ang buhok at tiningnan ng mabuti ang mga sulat na pinakita ni Mang Pipoy, kinumpara niya ito sa mga sulat ni Don Mariano.

"Masasabi ko pong Malaki ang pagkakahawig ng mga sulat ni Don Mariano at pirma niya sa mga dalang sulat ni Mang Pipoy" tugon nung espesyalista sa panunulat. Napa-iling naman at napabuntong-hininga si hukom Fernandez.

"Don Mariano, bibigyan ka namin ng sampung minuto upang ipaliwanag mo kung anong ibig sabihin ng mga sulat na ito" utos ni hukom Fernandez.

"Huwag mo nang subukan itanggi na hindi mo sulat ang mga iyan----" hindi na natapos ni Maximo ang pakikisawsaw niya kasi pinatahimik siya ni hukom Fernandez.

"A-ang mga sulat na iyan ay a-akin nga..." nakaluhod na sagot ni Don Mariano, nagsimula namang magbulung-bulungan ang mga tao dito sa loob.

"N-ngunit ang mga sulat na iyan ay para kay Sergio, nag-aalok ako ng tulong pinansiyal sa mga sundalong nasa ilalim ng pangangalaga ng aking anak" sagot ni Don Mariano. napaisip naman ng malalim si hukom Fernandez.

"Kung gayon, Mang Pipoy paano mo papatunayan na ang mga sulat na iyan ay para kay Ca-tapang?" tanong ni hukom Fernandez kay Mang Pipoy.

"S-sigurado po ako na ang mga sulat na ito ay para po kay Ca-tapang, ako po mismo ang naghahatid ng palitan ng usapan nila" sagot ni Mang Pipoy.

nagulat kami nang biglang tinaas ni Heneral Seleno ang kaniyang kamay upang magsalita "Maaari naman natin kompirmahin mismo kung totoong kaanib nga si Mang Pipoy sa rebeldeng grupo ni Ca-tapang" suhestiyon niya.

"Ang mga miyembro ng rebeldeng grupo ni Ca-tapang ay may marka ng maliit na ekis sa likuran sa bandang tagiliran" Sabi pa ni Maximo. agad na pinag-utos ni hukom Fernandez na hubarin ni Mang Pipoy ang damit pang-itaas niya.

"Kompirmado" tugon nung guardia civil na umusisa sa likod ni Mang Pipoy.

"Hukom Fernandez, nagsasabi po ako ng totoo, upang maniwala po kayo na kaanib din po namin si Don Mariano, tingnan niyo rin po ang likod niya" sabi ni Mang Pipoy sabay turo kay Don Mariano.

Napatingin naman ako kay Juanito na ngayon ay tulala na sa mga nangyayari.

"Tingnan ang likod ng nasasakdal" utos ni hukom Fernandez. sapilitan namang pinaghubad ng mga guardia civil ng damit pang-itaas si Don Mariano.

Parang biglang tumigil ang mundo ko nang makita ko rin mismo sa aking dalawang mata na may marka nga ng ekis sa likod si Don Mariano. ANO?

"Ipaliwanag mo ngayon kung bakit may marka ka ng ekis sa likod?!" seryosong tanong ni hukom Fernandez. hindi na nakapagsalita pa si Don Mariano, maging siya ay gulat na gulat din sa nangyari.

napa-face palm naman si hukom Fernandez, halatang nahihirapan siya magdesisyon sa pagitan ng pagkakaibigan nila ni Don Mariano o ang batas na dapat sundin. 

"Bakit hindi mo ipagtanggol ang sarili mo ngayon Mariano?" serysong tugon ni hukom Fernandez kasi nakayuko na lang at hindi na nakapagsalita pa si Don Mariano dahil sa gulat. 



Ilang minuto pa ang lumipas at pilit pinapagsalita ni hukom Fernandez si Don Mariano pero hindi siya pinapansin nito, sa halip ay napapahikbi na lang ito habang nakayuko ng todo sa harapan ng hukuman, kung kaya't nagsalita na muli si hukom Fernandez, "Sa ngalan ng kataas-taasang hukuman ng Pilipinas, ang nasasakdal na si Don Mariano Alfonso ay hinahatulan ng hukuman na nagkasala sa gobyerno at sa bayan, ang katumbas na kaparusahan sa kaniyang kasalanan ay... Kamatayan!" tugon ni hukom Fernandez at sinara na niya ang kaso.

ANO?!

Naramdaman kong mas lalong nanginig sa galit si Juanito, tuluyan na ding bumagsak ang mga luha niya, tatayo sana siya para sugurin si Maximo, Mang Pipoy at hukom Fernandez pero agad ko siyang pinigilan. Hinawakan ko ng mas mahigpit ang kamay niya, at sa mga pagkakataong iyon nagkatinginan kami, kasabay nang pagpatak ng mga luha niya ay ang pagpatak din ng mga luha ko.

Nakita ko namang nahimatay si Sonya, buti na lang at nasalo siya ni Ignacio, napatulala naman si Don Mariano habang patuloy din ang pagbagsak ng mga luha niya, hinila na siya ng mga guardia civil at inalalayan papalabas.

Napatakbo naman papalabas si Juanito at agad ko siyang sinundan, nakita kong sumakay na siya sa kalesa na pagmamay-ari nila Ignacio at doon niya ibinuhos ang luha niya. pinagmasdan ko na lang siya mula sa bintana ng kalesa sa labas, alam kong sa mga oras na ito, hindi ko masasabi sa kaniya na magiging okay din ang lahat.



Kinagabihan, hindi ako makatulog, sobrang tahimik din ng bahay nila Sonya at Ignacio, nagkulong naman sa kwarto si Juanito, samantalang nasa salas naman si Ignacio at tulala din, si Sonya naman ay nasa kwarto at umiiyak at nasa kusina naman ako habang naghuhugas ng plato.

nagulat kami nang may biglang may kumatok sa pinto.

Binuksan na ni Ignacio ang pinto habang nakasilip naman ako sa likod ng pinto sa kusina, nagtaka din ako kasi walang tao sa labas, tanging may isang puting sobre lang ang naiwan sa tapat ng pinto. Agad naman itong dinampot ni Ignacio at isinara na niya ang pinto.

"Ano yan?" tanong ko sa kaniya, napa-kibit balikat naman siya at binuksan na niya yung sobre. Tumambad sa amin ang isang sulat na sinulat gamit ang dugo, sabay naming binasa ang laman ng sulat...

Dumating sa akin ang balitang nahatulan ang isang inosenteng tao ng kamatayan
Ginamit pa ang aking pangalan upang sirain ang kaniyang buhay ng walang batayan
Ako man at siya's kailanman ay hindi nagkita at nagpalitan ng sulatan
Handa ako at ang aking mga kasama na tumulong sa ngalan ng ating inang bayan
Hihintayin ko ang iyong sagot hanggang mamayang madaling araw
Iwan mo lamang ang iyong tugon sa tapat ng iyong pinto,
At ating pag-uusapan ang hakbang para ang kasamaan nila ay mahinto.

Ca-tapang.


Nanlaki ang mga mata namin ni Ignacio nang marealize namin kung kanino galing ang sulat na iyon.

Galing sa pinuno ng rebeldeng grupo na si Ca-tapang!


"Marahil ay nagpadala na rin sila ng sulat kina Donya Juanita, nais nilang ipagbigay alam sa lahat ng kapamilya ni Don Mariano na tutulungan nila tayo" sabi ni Ignacio. At agad niyang pinabasa kay Juanito at Sonya ang sulat na iyon.

Omg! So ibig sabihin wala ngang ugnayan si Don Mariano at Ca-tapang. Dahil sa nangyaring pagbibintang kay Don Mariano nais ni Ca-tapang tulungan siya. ang hindi ko maintindihan, bakit kailangang magsinuggaling ni Mang Pipoy? May sarili din ba siyang galit kay Don Mariano o sa pamilya Alfonso?

At sino ang nasa likod ng lahat ng to?


Kinabukasan, tanghaling tapat na pero nakasarado pa din ang lahat ng bintana sa bahay nila Ignacio at Sonya. Pinauwi na rin muna nila ang mga kasambahay nila dahil pupunta ngayon ang isa sa mga kinatawan na miyembro ng grupo nila Ca-tapang dahil tumugon sila Ignacio, Juanito at Sonya sa sulat ni Ca-tapang na sumasang-ayon sila sa plano ni Ca-tapang na itakas si Don Mariano.

Inabot na kami ng gabi kakahintay, Ilang saglit pa biglang may kumatok sa pintuan. Agad kaming napalingon lahat sa pinto, si Ignacio muli ang nagbukas ng pinto. "G-ginoong Valdez? A-ano pong ginagawa niyo dito?" gulat na tanong ni Ignacio. Napasilip naman kami sa pinto at nakita naming bihis na bihis si Ginoong Valdez at may kalesa at malaking kariton na nasa likod niya.

"Hindi niyo ba ako papapasukin? Kanina niyo pa ako hinihintay diba?" nakangiting tanong ni Ginoong Valdez. OMAYGASH! SO IBIG SABIHIN SIYA ANG KINATAWAN NI CA-TAPANG!

IBIG SABIHIN MIYEMBRO DIN NG REBELDENG GRUPO SI GINOONG VALDEZ?!

"Papunta ako ngayong gabi sa Fort Snatiago upang ihatid ang mga librong hiniling ni heneral Seleno na nakatalaga ngayon sa pagbabantay sa Fort Santiago" tugon pa ni Ginoong Valdez. "Hindi makakalapit ang mga kasamahan natin sa Fort Santiago at hindi rin sila makakapasok sa Intramuros dahil mahigpit ang ginagawang pagbabantay ngayon" dagdag pa ni Ginoong Valdez. nakaupo na kami ngayon sa mahabang mesa nila Ignacio at Sonya. nasa pinakagitna nakaupo si Ginoong Valdez, magkatabi naman kami ni Sonya at nasa tapat namin sina Ignacio at Juanito. 

Napatingin naman siya sa'kin "Binibining Carmelita... may nais ka bang itanong sa akin?" tanong ni Ginoong Valdez, napansin niya siguro na kanina pa may bumabagabag sa isip ko at alam kong siya lang ang makakasagot nito.

"Paano po kayo naging miyembro ng rebelde? Hindi po ba sinabi niyo noon na ang mga rebelde ang pumatay sa kapatid po ninyo na si Don Diosdado?" nagtataka kong tanong, naalala ko pa yung galit at lungkot sa mukha ni Ginoong Valdez noong araw na pumunta kami sa burol ni Don Diosdado, sinabi niyang hindi niya mapapatawad ang mga rebeldeng walang awang pumatay sa kapatid niya.

Bigla namang napangiti si Ginoong Valdez "Ang totoo niyan Binibini... kasinunggalingan lamang ang aking mga sinabi at ang mga luha ko nang araw na iyon, dahil hindi totoong mga rebelde ang pumatay sa aking kapatid, alam namin ni Donya Julieta na si Heneral Seleno ang dumukot kay Diosdado, inilapit namin ito sa Gobernador-Heneral at kay hukom Fernandez pero hindi nila pinansin ang pagkamatay ng aking kapatid, kung kaya't nakipag-ugnayan sa amin si Ca-tapang, at napagkasunduan namin na ipalabas na mga rebelde ang pumatay kay Diosdado upang matakot at mangamba ang pamahalaan at mabuhayan ang taong bayan na makiisa sa amin at kalabanin ang mga mapagsamantalang opisyal" sagot ni Ginoong Valdez. Halos pabulong lang ang pag-uusap namin dahil baka may makarinig sa amin mula sa labas.

"Magandang dahilan rin iyon upang hindi ako at si Donya Julieta paghinalaan na naging miyembro na kami ng grupo ni Ca-tapang" dagdag pa ni Ginoong Valdez at pinakita niya yung maliit na marka ng ekis sa likod niya. My gosh! Hindi ko akalaing malilinlang ako ng acting skills ni Ginoong Valdez noong nasa burol kami ni Don Diosdado.

"Pero bakit naman po ipapapatay ni Heneral Seleno si Don Diosdado?" tanong ko pa. 

"Aminado ako na alam kong nangungurakot ang aking kapatid at pinapatawan niya ng malaking buwis ang mga mamamayan, suportado naman siya ni Heneral Seleno at magkahati sila sa perang nakukuha sa bayan, ngunit ayon kay Donya Julieta anim na buwan daw na hindi nakapagbigay ng pera si Diosdado kay Heneral Seleno dahil ginamit ang pera sa pagpapagamot ni Donya Julieta at iyon ang nakikita kong dahilan kung bakit nagawang ipapatay ni Heneral Seleno si Diosdado" paliwanag ni Ginoong Valdez.

"Ngunit Ginoong Valdez baka nasabi na po ni Heneral Seleno sa Gobernador-Heneral at kay hukom Fernandez na hindi mga rebelde ang pumatay kay Don Diosdado" sabi naman ni Sonya.

"Siguro nga... nais lang muna namin gisingin ang mga tao na magkaisa at labanan ang mga mapagsamantalang opisyal, pero magsasagawa rin kami ng pag-atake sa lalong madaling panahon" tugon pa ni Ginong Valdez. At hinawakan niya sa balikat si Juanito at Sonya.

"Kailangan namin ang inyong ama, kailangan namin ang isang malaking pangalan na tulad ni Don Mariano Alfonso upang magising ang mga naaaping mamamayan na magkaroon ng lakas ng loob umanib sa aming pinaglalaban" sabi pa ni Ginoong Valdez. Sabagay, tama naman siya, maraming tao ang nagmamahal kay Don Mariano at kapag nalaman nila na papangunahan sila ni Don Mariano at Ca-tapang lalakas ang loob nilang lumaban sa mga mapang-aping mga opisyal at gobyerno.



Nandito na kami ngayon sa tapat ng Fort Santiago, nagtago kami ni Juanito sa loob ng malaking kariton kung saan nakalagay ang mga libro, kinailangan pa naming bawasan ang mga libro upang magkasya kami ni Juanito sa loob. Alam kong hindi dapat ako mag-inarte o siya dahil sobrang lapit namin sa isa't-isa ngayon, kalimutan na muna ang pagiging konserbatibo para naman to sa tatay niya.

Hindi naman makakasama si Sonya dahil buntis siya, samantalang kailangan naman magstay ni Ignacio sa bahay nila dahil pupunta si Hukom Fernandez mamayang hatinggabi upang makausap si Sonya.

Sa loob ng isang oras naming byahe, tahimik lang at nakayuko si Juanito, hindi ko naman siya magawang kausapin dahil hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya.

Sumilip ako sa maliit na butas ng kariton at nakita kong kausap ni Ginoong Valdez ngayon ang isa sa mga guardia civil na nagbabantay sa harapan ng Fort Santiago, ilang saglit lang may mga guardia civil ang lumibot paikot sa kariton kung nasaan kami ni Juanito. napayuko din ako, gosh! Hindi nila kami pwedeng makita!

Buti na lang at hindi na nag-usisa pa yung isang guardia civil dahil tinawag siya nung isa pang guardia civil. Ilang sandali pa, nakapasok na kami sa loob ng Fort Santiago. Nakasunod naman si Ginoong Valdez sa mga guardia civil habang hila-hila pa ng dalawang guardia ang kariton ng mga libro na pinagtataguan namin ni Juanito.

"Kailangan niyo po ba ng tulong Ginoong Valdez?" tanong ng isang guardia civil, napatigil na kami ngayon sa isang hallway. "Hindi na, kaya ko na ito, ako na ang bahala baka magulo ang mga librong ilalagay ko sa mesa ni Heneral Seleno" narinig kong sagot ni Ginoong Valdez, sumaludo naman sa kaniya yung mga guardia civil at nagmartsa na sila papaalis.



"Tara na Hijo at Hija" narinig kong bulong ni Ginoong Valdez at inalalayan na niya kami papalabas doon sa kariton. At may inabot siyang mapa sa amin.

"Sa pinakadulong selda sa kaliwa nakakulong si Don Mariano, ito rin ang bakal na maaari niyong gamitin upang masira ang kandado at eto ang daan kung saan nakontrol na ng grupo ni Ca-tapang, nakadamit sila pang-guardia civil ngunit makikita niyo ang itim na kuwintas na kanilang suot tanda iyon na kaanib natin sila" paliwanag pa ni Ginoong Valdez. At may inabot siyang maliit at matulis na bakal kay Juanito, Gosh! Parang ice peak yun ah.

"Tandaan niyo, kailangang mailigtas natin si Don Mariano, ito na lang ang huli nating pagkakataon" sabi pa ni Ginoong Valdez, napatango naman kami sa kaniya at tuluyan nang umalis.

Medyo madilim ang buong paligid ng Fort Santiago dahil may ilang gasera ang hindi sumisindi, kaya mas madali kaming nakapasok ni Juanito sa daan papunta sa selda ni Don Mariano. Pagdating naman doon, napatigil at nagtago muna kami ni Juanito sa gilid, may dalawang guardia civil na nakatayo sa tapat ng pinto. "Juanito! tingnan mo... nakasuot sila ng itim na kuwintas" bulong ko kay Juanito. napansin din namin na may konting talsik ng dugo sa sapatos ng mga guardia civil na nagbabantay.

Biglang hinawakan ni Juanito ang kamay ko "Dito ka lang, ako muna ang papasok" sabi niya, magrereklamo sana ako kaso bigla na siyang humakbang papunta sa mga guardia civil. Napatingin sila kay Juanito at sumaludo. Omg! So tama nga si Ginoong Valdez, nakontrol na nila ang ilang lagusan.

Lumingon si Juanito sa'kin at sumenyas siya na sumunod ako, agad naman akong naglakad papunta sa kanila at nag-bow sa mga rebeldeng nagpapanggap na guardia civil.

Pagpasok namin sa loob, sobrang dilim ng paligid, may tatlong apoy lang na nagbibigay liwanag sa mga selda. Bakante yung ibang selda. Napatigil naman ako sa paglalakad nang mabangga ako sa likod ni Juanito na napatigil din sa paglalakad nang marating na namin ang pinakadulong selda.

Tumambad sa harapan namin si Don Mariano na gutay-gutay ang damit at nakahandusay sa lupa. may sugat din siya sa noo, tanda nang pangugulpi ng mga tauhan ni Heneral Seleno sa kaniya. "J-juanito? i-ikaw ba iyan?" gulat na tanong ni Don Mariano at agad siyang gumapang papunta sa rehas. "AMA!" sigaw naman ni Juanito at agad niyang niyakap si Don Mariano kahit pa napapagitnaan sila ng mga rehas.

Naiwan naman akong nakatayo doon habang pinagmamasdan sila. "Juanito! anong ginagawa mo dito? Baka mapahamak ka!" nag-aalalang tugon ni Don Mariano, kung titingnan ko siya ngayon parang tumanda siya ng sampung taon dahil na rin siguro dami ng problemang iniisip niya.

"Itatakas po namin kayo ama!" sagot ni Juanito at agad niyang kinalikot yung kandado gamit yung parang ice peak na bigay ni Ginoong Valdez. "Huwag na anak... masaya akong makita ka, ngunit hindi mo na kailangan pang gawin ito" nakayukong sabi ni Don Mariano at napabuntong-hininga siya habang nakatulala sa kandado.

"A-ano pong ibig niyong sabihin ama? Hindi pa po huli ang lahat tutulungan tayo nila Ginoong Valdez at Ca-tapang kung kaya't------" hindi na natapos ni Juanito yung sasabihin niya dahil bigla siyang tiningan ni Don Mariano sa mata at hinawakan ang kamay niya.

"Ang tanging sinisisi ko sa pagkakataong ito ay ang sarili ko... sinisisi ko ang sarili ko dahil masyado akong nagtiwala sa mga taong tinuring ko nang kapatid" panimula ni Don Mariano. At ipinakita niya kay Juanito yung ekis sa likod niya.

"Pinagkatiwalaan ko ng buong puso ang taong nag-udyok sa akin magpalagay ng markang ito, sinabi niyang pareho kami magpapamarka ng ganito bilang tanda ng aming pagkakaibigan... ngunit hindi ko akalain nilinlang niya lang ako" dagdag pa ni Don Mariano.

"Sino po ang taong tinutukoy niyo ama? Ipaliwanag po natin kay hukom Fernandez ang lahat, hindi pa po huli ang lahat!" pagsusumamo pa ni Juanito. tinapik-tapik naman ni Don Mariano ang kamay ni Juanito. 

"Nailabas na ang hatol sa akin anak, wala na tayong magagawa doon, at kahit anong paliwanag natin hindi nagkataon ang lahat, napagplanuhang maigi ang gagawin sa akin kung kaya't tapos na ang laban" sabi pa ni Don Mariano, tuluyan nang bumagsak ang luha ni Juanito.

"Kung gayon, sumama na po kayo sa akin, ipinangako po ni Ca-tapang at Ginoong Valdez na tutulungan nila tayo!" pagpupumilit pa ni Juanito pero napailing lang si Don Mariano.

"Kung tatakas ako anak, magsisilbi itong patunay na kaanib nga ako sa mga rebelde at parang inamin ko na rin na nagtaksil ako sa gobyerno" sagot pa ni Don Mariano. Napahagulgol naman si Juanito at habang hawak-hawak ng mahigpit ang kamay ni Don Mariano.

"M-maging matatag ka anak, huwag mo hayaang lamunin ng galit ang iyong puso, at i-ipangako mong hindi uulitin ang pagkakamaling ginawa ko, a-ang pagkakamling magtiwala ng buong puso sa isang t-tao" naiiyak na sabi ni Don Mariano at tuluyan na ring bumagsak ang mga luha niya.

"M-mula ngayon, i-ikaw na ang bahala sa iyong i-ina at mga kapatid, s-sabihin mo sa kanila na m-mahal na mahal ko sila at h-huwag silang mag-aalala dahil maluwag kong tanggapin ang aking k-kapalaran" tugon pa ni Don Mariano. Napahawak naman ako sa bibig ko at napaupo, hindi ko mapigilan ang mga luhang dumadaloy mula sa mga mata ko.

Hindi ko kayang makitang magpaalam si Don Mariano kay Juanito. si Don Mariano na sandali ko pa lamang nakilala at nakasama ngunit napamahal na siya sa'kin, ramdam ko din ang kabutihan at pagiging mapagmahal niya sa kaniyang pamilya at sa kaniyang kapwa.

Ngunit ngayon malapit na siyang magpaalam sa mundong ito.

"MGA REBELDE!" nagulat kami nang biglang may sumigaw mula sa labas, nakarinig kami ng ilang putok ng baril at nagtatakbuhang mga guardia civil. Agad akong nagtago sa isang pader at sa kabilang pader naman nagtago si Juanito.

"HALUGHUGIN NIYO ANG BAWAT SULOK! AT ARESTUHIN ANG MGA MAY KAKAIBANG KILOS!" narinig naming sigaw ni Heneral Seleno, at ilang sandali pa bigla siyang pumasok sa loob ng mga selda, agad siyang nagtungo kay Don Mariano at sinipa ang selda nito dahilan para mapatumba at mapagapang paatras si Don Mariano.

"Sinasabi ko na nga ba! May kinalaman ang mga rebelde mong kasamahan dito! Balak ka nilang itakas!" galit na sigaw ni Heneral Seleno. Nakatingin lang ng masama sa kaniya si Don Mariano.

"Ano? Hindi ka magsasalita? O baka gusto mong putulin ko ang dila mo tutal ilang oras na lang ang nalalabi sayo" sigaw pa ni Heneral Seleno.

ANO? MAMAYANG MADALING ARAW NA PAPARUSAHAN NG KAMATAYAN SI DON MARIANO?

"Hinihiling ko na hindi mangyari sayo ang ginagawa mo sa akin" mahinahong sagot ni Don Mariano habang nakatingin siya ng diretso sa mga mata ni Heneral Seleno.

"Hindi talaga dahil hindi ako duwag tulad mo!" sigaw pa niya sabay sipa ulit sa rehas. Bigla naman siyang napalingon-lingon sa paligid. At nakita niya ang ice peak na naiwan ni Juanito sa sahig.

Agad itong pinulot ng isang guardia civil at iniabot kay Heneral Seleno "Balak mo nga tumakas... nararamdaman kong narito lang taong ibig itakas ka" sabi pa ni Heneral Seleno at naglakad-lakad siya pabalik-balik sa tapat ng selda ni Don Mariano.

Nagulat ako nang bigla siyang mapatingin sa pader na pinagtataguan ko at dahan-dahang naglakad papalapit sa pader kung saan ako nagtatago.

Hindi na ako makahinga at naramdaman kong nanginginig na ang buo katawan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko? Anumang Segundo mahuhuli na ako ni Heneral Seleno.

Napapikit na lang ako at napayuko habang yakap-yakap ko ang sarili ko. "Aray!" nagulat ako nang marinig ang boses ni Juanito at nakahawak siya sa paa niya. bigla namang napalingon sa pinagtataguan niyang pader si Heneral Seleno at ang iba pang guardia civil. Agad silang tumakbo papunta sa pinagtataguan niya ""PAANO KA NAKAPUNTA DITO SA MAYNILA? AT PAANO KA NAKAPASOK DITO?!" gulat na gulat na tanong ni Heneral Seleno at agad niya sinapak sa mukha si Juanito dahilan para mapasubsob si Juanito sa lupa. Waaahh!

Lalabas na sana ako sa pinagtataguan ko upang pigilan sila kaya lang biglang tumingin sa akin si Juanito at sinenyasan ako na huwag akong lalabas.

"INUUBOS TALAGA NG PAMILYA NIYO ANG PASENSIYA KO AH! PWES! HUMANDA KA SA AKIN!" galit na sigaw ni Heneral Seleno at tinadyakan niya pa si Juanito, sinipa at sinuntok sa sikmura dahilan para mamilipit sa sakit si Juanito. sinenyasan naman ni Heneral Seleno ang mga tauhan niya na pagsisipain pa si Juanito.

Napahawak na lang ako sa bibig ko, hindi ko magawang sumigaw. Alam kong sinadya ni Juanito na magpahuli upang hindi ako mahuli nila Heneral Seleno.

Napapikit na lang ako at napaiyak habang pilit kong iniipit ang boses ko dahil hindi ko kayang makitang binubugbog nila ng todo si Juanito. "IKULONG IYAN!" utos pa ni Heneral Seleno at agad nilang kinaladkad papalabas si Juanito.


Nang makaalis na sila hindi naman ako matigil sa pag-iyak. "Carmelita Hija... lumabas ka na habang na kay Juanito pa ang atensyon nila" narinig kong sabi ni Don Mariano. Agad naman akong lumapit sa kaniya at hinawakan ko ang kamay niya.

"P-patawad po..." yun lang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko, ngumiti naman ng mahinahon si Don Mariano at tinapik-tapik ang kamay ko. "Inialay na ng aking anak ang puso niya sa iyo, nawa'y pangalagaan mo ito" bilin pa ni Don Mariano at sinabihan niya ako ulit na tumakas na hangga't hindi pa nakakabalik sila Heneral Seleno at mga guardia civil.

Sinundan ko naman yung mapa na binigay samin ni Ginoong Valdez at ilang minuto lang nakalabas na ako sa Fort Santiago sa likod na lagusan. Naabutan ko si Ginoong Valdez at ang sampung mga kalalakihan na kasama niya na mga rebelde na nakadamit guardia civil sa labas.

Nagulat sila nang makitang ako lang mag-isa ang nakalabas. "N-nasaan si Don Mariano? S-si Juanito?" gulat na tanong ni Ginoong Valdez, napailing na lang ako at hindi ko na mapigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.

Lumapit naman si Ginoong Valdez at niyakap ako "Tahan na Hija" sabi pa niya habang tinatapik-tapik ang likod ko. kitang-kita ko sa itsura niya at sa mga kasama niya ang malaking pagkadismaya dahil hindi namin naitakas si Don Mariano at ngayon ay nahuli pa si Juanito.

Kasalanan ko ang lahat ng ito.



Madaling araw na at papasikat na ang araw. nandito kami ngayon ni Ginoong Valdez sa tabi ng isang puno at natatanaw namin mula sa di kalayuan ang Bagumbayan. Kung saan gaganapin ang pagpatay kay Don Mariano.

Umuwi na rin yung ibang mga rebelde dahil ipinagutos ni Heneral Seleno na hulihin ang mga taong may kahina-hinalang kilos sa paligid ng Fort Santiago at Intramuros.

Nakatayo lang kami ni Ginoong Valdez at nakatulala habang pinagmamasdan ang mga guardia civil na nagkalat sa buong paligid ng Bagumbayan at madami ring mga sibilyan ang gustong makapanuod ng mangyayari kay Don Mariano.

Natanaw ko ang isang kalesa na tumigil sa tapat ng Bagumbayan at bumaba si Ignacio habang akay-akay niya si Sonya na nanghihina na dahil sa pagdadalamhati.

"Naniniwala ako na hindi dito magtatapos ang aming layunin na tapusin ang kasamaan ng mga nasa katungkulan" narinig kong sabi ni Ginoong Valdez. Tapos hinawakan niya ang balikat ko.

"Bata ka pa upang masaksihan ang mga ito Hija, ngunit nais kong maintindihan mo na sa mundong ito may nagwawagi at may natatalo, ngunit hindi ibig sabihin na kapag ikaw ay nabigo ay hindi ka na makakabangon pa" sabi pa ni Ginoong Valdez.

Magsasalita pa sana ako kaya lang nagulat kami nang biglang nagsalita si madam Olivia na nasa likod na pala namin. "Carmelita... ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni madam Olivia at agad niya akong niyakap.

"Pasensiya na kung ngayon lang ako nakarating" sabi pa niya habang hinimas-himas ang likod ko. dahil sa yakap ni madam Olivia parang biglang bumuhos ng tuluyan ang lungkot na nararamdaman ko.

"Aalis na ako, may kailangan pa akong asikasuhin, maiwan ko na kayo" narinig naming sabi ni Ginoong Valdez at naglakad na siya papalayo.


ilang sandali pa, Natanaw naming dumating na si Don Mariano habang akay-akay siya ng mga guardia civil. Tulala lang siya habang patuloy na humahakbang papalapit sa kaniyang huling hantungan.

"Ama!" pagsusumamo ni Sonya, yayakapin sana siya ni Don Mariano kaya lang inutos ni Heneral Seleno na harangin sila ng mga guardia civil.

"Ama! Ama!" napalingon kami mula sa likuran at nakita namin si Juanito na paika-ika habang humahabol sa kaniyang ama. Puro pasa at duguan na ang kaniyang damit dahil sa natamo niyang bugbog kay Heneral Seleno at sa kaniyang mga tauhan kagabi. hawak-hawak din siya ngayon ng mga guardia civil.

"M-magpakatatag kayo mga anak ko... lagi niyong t-tandaan na gagabayan ko kayo saan man kayo m-magpunta" sigaw ni Don Mariano habang patuloy na pumapatak ang kaniyang mga luha.

Hindi na nakalapit pa si Juanito dahil sinipa siya sa likod ni Heneral Seleno dahilan para mapadapa siya sa lupa, agad naman siyang inalalayan ni Ignacio at Sonya na ngayon ay patuloy din ang pagdaloy ng luha nila.


Pinaluhod na sa gitna si Don Mariano at nakatalikod siya sa labindalawang guardia civil na babaril sa kaniya. Ang hatol sa kaniya ay kamatayan sa paraan ng firing squad.

Tatakbo sana ako papunta kina Juanito kaya lang biglang hinawakan ni madam Olivia ang kamay ko. "Carmelita... huwag na, mas lalo lang lalala ang sitwasyon kapag nalaman nila Heneral Seleno na nandito ka" sabi ni madam Olivia, wala naman akong nagawa kundi tanawin na lang sila mula sa malayo. Pero kahit nasa malayo ako, ang paghihinagpis na nararamdaman ngayon nila Juanito, Sonya at Ignacio ay ramdam na ramdam ko din.


"Sa ngalan ng inang Espanya at ng kaniyang anak na Pilipinas, bilang pagkilala sa hatol ng kataas-taasang hukuman, ikaw Don Mariano Alfonso ang nagsilbing Gobernador ng bayan ng San Alfonso sa loob ng dalawampu't limang taon ay napatunayang nagkasala sa pamahalaan at ngayon ay kinikilala bilang taksil na opisyal na sumusuporta sa grupong nais pabagsakin ang imperyo" sabi ni Heneral Seleno matapos niya basahin ang isang kasulatan mula sa gobernador-heneral.

"Malinaw na ang kabayaran ng iyong kasalanan ay ang iyong buhay, hangad namin ang ikakatahimik at ikapapanatag ng iyong kaluluwa" dagdag pa ni Heneral Seleno at sinenyasan niya ang isang pari na lumapit kay Don Mariano.

Pinagdasal naman ng pari si Don Mariano at matapos ang sampung minutong pagdadasal, bumalik na ang pari sa kaniyang kinatatayuan kanina sa tabi.


"Ihanda na!" sigaw ni Heneral Seleno, pumwesto naman ang labindalawang sundalo na nakatayo medyo malayo sa likod ni Don Mariano at itnutok na nila ang mga baril nila kay Don Mariano.

May isang guardia civil naman ang tumakbo papalapit kay Don Mariano at nilagyan siya ng blindfold sa mata. Saka tumakbo pabalik sa pwesto niya.

Nag-alay naman ng isang minutong katahimikan ang lahat. "Amaaaa!" sigaw pa ni Juanito pero tinadyakan siya ulit ng isang guardia civil sa likod. Samantalang nahimatay naman si Sonya at agad siyang sinalo ni Ignacio.


~Kung tayo'y magkakalayo
Ang tanging iisipin ko'y
Walang masayang na sandali
Habang kita'y kasama~

~Kung tayo'y magkakalayo
Maging tapat ka pa kaya
Ibigin mo pa kaya ako
Kahit ako'y malayo na~


Sa mga oras na ito, narito ako sa panahon kung saan nasasaksihan ko ang mga masasaklap na pangyayari sa ating bayan. Biglang umihip ang malakas na hangin habang sumisilip ang liwanag ng araw na papausbong pa lang.


"Ngayon na!" sigaw ni Heneral Seleno kasabay noon ang sunod-sunod at sabay-sabay na pagputok ng baril at pagtama ng bala sa likod ni Don Mariano.

Parang biglang bumagal ang takbo ng buong paligid habang dahan-dahang bumagsak sa lupa ang duguan at wala ng buhay na katawan ni Don Mariano.

"Hindeeee! Amaaaa!" sigaw pa ni Juanito at kahit puno ng sugat, pilay at pasa ang kaniyang katawan sinikap pa din niyang makalapit sa bangkay ng kaniyang ama. 

Gusto ko man damayan si Juanito, wala naman akong magawa. Naistatwa lang ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ang pinakamapait na nangyari sa pamilya ni Juanito, ang taong mahal ko.

Napalingon ako kay madam Olivia nang hawakan niya ang balikat ko, parang namanhid na ang buong katawan ko dahil sa nasaksihan ko ang pagkamatay ni Don Mariano "Carmelita... dapat maging handa ka, maraming bagay at buhay ang kailangang isakripisyo kapalit ng buhay ni Juanito" tugon pa ni madam Olivia.

Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng mga luha ko habang pinagmamasdan ang pagdadalamhati ni Juanito.


Dear Diary,

Hindi ito ang nakatakdang mangyari, hindi dapat mamamatay si Don Mariano.
Tuluyan bang nagbago na ang nakatakdang mangyari?
Dahil ba sa akin ay nagbago na ang nakatadhana?
Kung Oo, pwede bang ibalik mo na lang ako sa panahon ko.
Dahil ayokong masira ang buhay ng ibang tao.


Nakikusap,
Carmela


***************
Featured Song:
'Kung tayo'y magkakalayo' by Ogie Alcasid version


https://youtu.be/fszgtk7pdOQ

"Kung tayo'y magkakalayo" by Ogie Alcasid (version)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top