Kabanata 25
[Kabanata 25]
Napaupo na lang ako ulit at napasandal sa puno ng mangga. Pakiramdam ko sa mga oras na'to nag-iisa ako dahil wala na si Juanito.
Napayuko na lang ako at umiyak ng tahimik. Gusto kong sumigaw pero natatakot akong may makaalam ng totoong nararamdaman ko.
Ilang saglit lang, narealize ko na kailangan ko ng umuwi dahil baka malaman ni ama o ni ina na tumakas ako sa bahay. Kaya tumayo na ako, pinunasan ko na ang mga luha ko at gusto kong iwan na sa lugar na'to ang mga problema at sakit na dala-dala ng puso ko.
Magiging okay ka rin Carmela, Tiwala lang!
Nagtaklob ako ng belo sa ulo upang hindi ako makilala ng mga tao, napadaan ako sa isang maliit na talipapa at abala ang mga tao mamili ng mga maliliit na tuyong isda. Bigla akong napaatras nang mabangga ako ng isang aleng medyo may katabaan at unat na unat ang kaniyang buhok, may bitbit din siyang bilao at nagtitinda siya ng mga kakanin. "Pasensya na po" sabi niya, tumango na lang ako habang nakayuko para hindi niya makita ang itsura ko. Aalis na sana ako kaso may isa pang ale ang kumakaripas ng takbo papunta sa aleng nakabunggo sakin.
"Susana! Pabili nga ng suman" narinig kong sabi ng isa pang ale na kulot-kulot ang buhok at lumapit siya dun sa ale na nakabunggo sa'kin. "Mare! Alam mo ba hindi na tuloy ang kasal na magaganap sa mga anak ng pamilya Montecarlos at Alfonso" sabi nung ale. Napalingon naman ako sa kanila.
"Oh? Talaga? Bakit naman?" nagtatakang tanong nung aleng nakabunggo sa'kin. napa-pamewang naman yung ale na kachismisan niya. "Nahuli daw ni Don Alejandro na may kasamang ibang dalaga si Juanito sa ilalim ng tulay noong gabi ng pasasalamat sa patron"
"Seryoso ba yan? sino daw ang babaeng kalaguyo ni Ginoong Juanito Alfonso?" nabuhayan ng todo si aleng Susana yung nakabunggo sakin nang makasagap siya ng chismis. Parang may kung anong kirot naman akong naramdaman sa puso ko, Kalaguyo talaga?
"Hindi ko alam eh, walang nagsabi kung sino ang babaeng kasama ni Ginoong Juanito"
"Ano namang nangyare sa Montecarlos na mapapangasawa dapat ni Ginoong Juanito... si Cam...Carlelita... Carolina ba ang ngalan niya?" narinig kung tanong ni aling Susana. Napataas naman yung kilay ko. Gosh! hindi talaga peymus si Carmelita.
"Carmelita ang ngalan niya, siya ang bunsong anak ni Don Alejandro... may bali-balitang may napupusuan ding iba si Carmelita pero hindi rin malinaw kung sino" sagot naman nung ale.
"Nakapanghihinayang nga lang, namataan ko sila noong magkasama sa palengke sa kabilang bayan... mukhang bagay naman sila" dagdag pa nung ale. nagpatuloy na ko sa paglalakad, mas lalo lang akong malulungkot kapag naririnig ko ang pangalan ni Juanito.
Narealize ko din na may karapatan talagang magalit sa'kin si ama, dahil kalat na kalat na ngayon sa buong bayan ang tungkol samin ni Juanito.
Pagdating ko sa bahay, agad akong sinalubong ni Theresita. "Binibini... bakit ngayon ka lang?" nagpapanic niyang tanong. Nanlaki naman yung mga mata ko. "Nasa bahay na si ama?" tanong ko, napa-iling naman si Theresita.
"Wala pa po... pero..." nag-dadalawang isip na sabi ni Theresita, hinawakan ko naman ang magkabilang balikat niya. "Pero ano? Bakit? Anong meron?" Gosh! Nagpapanic na din ako.
"Kanina pa po kayo hinihintay ni... Ginoong Leandro" sabi ni Theresita at napayuko siya. "Huwag po kayo mag-alala Binibini, hindi naman po namin sinabi na pumunta kayo kay Ginoong Juanito" dagdag pa niya. hindi naman ako nag-aalala na malaman niya na nagpunta ako kina Juanito eh, ang pinoproblema ko ay kung anong sasabihin ko sa kaniya dahil dinahilan ko na mahal ko pa siya sa harapan nilang lahat nung isang gabi.
Nakita ko namang lumabas ng pinto si Leandro at agad siyang napangiti nang makita ako "Magandang umaga Binibini" nakangiti niyang bati, ngumiti na lang din ako. walang kasalanan si Leandro, wala rin siyang ginawang masama sa'kin o sa pamilya ko kaya hindi ko dapat siya sungitan kahit pa kinaiinisan ko ngayon ang tatay niya at mga kapatid niya.
"A-anong ginagawa mo dito? Akala ko nasa Cavite ka?" tanong ko, naglakad naman papalapit sa'min si Leandro at agad nagpaalam si Theresita na magtutungo lang sa kusina.
"Papasakay na sana kami ng barko papuntang Maynila kaninag madaling araw ngunit naisip ko na hindi dapat kita iwan... lalo na ngayong alam kong may mabigat kang pinagdadaanan" sagot niya, napahinga naman ako ng malalim. Teka! Alam niya na? na may gusto ako kay Juanito?
"Nagpaalam ako kay Heneral Sergio at pumayag naman siya na magpaiwan muna ako dito sa San Alfonso kahit ngayong araw lang... bukas na lang ako susunod sa kanila sa Cavite" sabi pa niya. napatango na lang ako.
"Alam kong nalulungkot ka sa mga oras na to kung kaya't gusto kong makasiguro na bago ako umalis bukas ay nasa maayos na ang kalagayan mo" tugon pa niya tapos nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. napatingin naman ako ng diretso sa mga mata niya na kanina pa nakatitig sa'kin.
"Huh? pano mo nalaman na-----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla siyang ngumiti, hindi ko alam pero bigla akong napangiti dahil nakikita ko sa mukha niya ang itsura at mga ngiti ni Juanito.
"Alam kong nagdadalamhati ang iyong kalooban ngayon dahil... galit ang iyong ama sa iyo ngunit huwag kang mag-alala kakausapin ko siya at ipapaliwanag ko sa kaniya na wala naman tayong ginagawang masama... at kung sakali kapag humupa na ang tensyon, hihingiin ko na ang kamay mo sa iyong ama" sabi pa niya at nanlaki yung mga mata ko dahil sa sinabi niya. Ano? Hala! Pano ko tatakasan to?
"Binibini... gusto ko marinig muli sa iyo ang mga sinabi mo noong isang gabi" sabi pa niya, napakunot yung noo ko. Anong ibig niyang sabihin?
D-dahil si L-leandro po talaga ang m-mahal ko.
Nanlaki yung mga mata ko nang maalala ko kung ano yung gustong marinig muli ni Leandro na sinabi ko nung isang gabi. Gosh! Oo nga pala ginamit ko siyang dahilan para hindi sisihin ng lahat si Juanito. Waaahh!
"Huh? ah---eh ano kase---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang may nagsalita mula sa likod namin.
"Marahil ay parehong nagsasaya ang inyong mga puso, masaya ako para sa inyong dalawa" narinig naming sabi ni Kapitan Flores na naglalakad ngayon papasok sa bahay namin at nasa tabi niya si ama. Agad naman akong napabitaw sa pagkakahawak ni Leandro sa kamay ko at ganoon din si Leandro, mukhang nagulat din siya dahil nahuli nila hawak niya ang kamay ko.
"M-magandang umaga po Don Alejandro, hindi ko po intensyong madiliin ang inyong anak" sabi ni Leandro at nakayuko siya sa harap ni ama. Hindi naman nag-react si ama at lumingon lang siya kay Kapitan Flores.
"Tayo na sa loob" sabi ni ama kay Kapitan Flores at hindi na niya kami pinansin pa ni Leandro. Mukhang Malaki talaga ang galit sa'kin ni Don Alejandro.
"Sandali lang Binibini, kakausapin ko lang si Don Alejandro" paalam sa'kin ni Leandro at agad niyang sinundan si ama. Napatigil naman sa paglalakad si kapitan Flores at ngumiti siya sa'kin.
"Magandang umaga Binibini... ipagpaumanhin mo ang naging asal ko sa iyo kahapon sa aming tahanan humihingi ako ng paumanhin, hindi ko lang matanggap na nagdadalamhati ang aking anak na si Helena, nawa'y maintindihan mo sana" nakangiti pa niyang sabi, wala akong gana pakipagsagutan sa kaniya kaya napatango na lang ako.
Aalis na lang sana ako kaso nagsalita pa siya, "Binibining Carmelita... sandali lang" sabi pa niya, napalingon naman ako sa kaniya at humakbang siya papalapit sa'kin. "Nais ko sanang magpasalamat ng taos puso sa iyo" bulong pa niya, napataas naman yung kilay ko, pero ngumiti lang siya. "Dahil iniligtas mo ang pamilya ko sa panganib" dagdag pa niya. magsasalita sana ako kaso bigla na siyang tumalikod at pumasok na sa loob ng bahay namin. Anong ibig niyang sabihin?
Kinabukasan, maaga akong bumangon at nagluto ng almusal, niluto ko ang paboritong ulam ni ama na Kaldereta ala Montecarlos style bilang peace offering sa kaniya, nalaman ko din na okay na ang pakiramdam niya kaya makakasabay na siya sa'min ngayon kumain sa hapag-kainan.
pagkatapos namin magdasal kumain na kami. Alam kong galit pa din sa'kin si ama kasi hindi siya tumitingin sa'kin habang kumakain kami.
"Ano kaya kung maligo tayo sa ilog mamaya? Mukhang maganda ang sikat ng araw ngayon!" pagbasag ni Josefina sa nakabibinging katahimikan namin.
"Magandang ideya yan!" nakangiting sabi ni Maria at napangiti din si ina, tumingin naman si Maria sa'kin "Carmelita! Turuan mo ulit kami lumangoy, sobrang nakakatuwa--------" hindi na natapos ni Maria yung sasabihin niya kasi biglang nagsalita si ama.
"Walang lalabas sa bahay na'to ngayong araw" seryoso niyang sabi, napatahimik naman kaming lahat, parang natrauma naman ako dahil sa sigaw ni Don Alejandro/ama. "At huwag puro laro ang nasa isipan niyo! Hindi na kayo bata para magpakasaya at maglaro ng ganyan!" suway pa ni niya pagkatapos agad siyang tumayo at umakyat sa opisina niya.
Nagkatinginan naman kaming lahat "Hindi mo na dapat inungkat pa Josefina ang tungkol sa ilog" sabi ni Maria kay Josefina, napakunot naman yung noo ni Josefina. "Ikaw kaya ang nag-ungkat tungkol sa paglalangoy" banat naman niya kay Maria. at mukhang magsisisihan sila pero buti na lang agad silang sinuway ni ina. "Tumigil na kayong dalawa... gaya nga ng sabi ng inyong ama hindi na kayo bata para magbangayan ng ganyan" suway ni ina sa kanila, napatahimik naman si Maria at Josefina.
Kinahapunan, nakatanaw lang ako sa bintana ng kwarto, narealize ko na sa panahong to dahil hindi pa uso ang tv, laptop, cellphone, video games etc. mas nagkakaroon ako ng time sa sarili ko, marami akong oras para mag-isip-isip at mag-refresh ng mga pangyayari. Haaays. Parang kelan lang halos mabaliw ako kakaisip kung pano ko malalagpasan ang bawat araw sa panahong to... pero ngayon napapangiti na lang ako sa tuwing naaalala ko yung mga nakakatawa at nakakahiyang nangyari sa'kin dahil sa kashungaan ko. whew!
Bigla ding pumasok sa isipan ko si Juanito... sa totoo lang walang minuto na hindi siya sumagi sa isipan ko. hindi ko pa rin matanggap ang pamamaalam niya kahapon, at ako naman si tanga na hindi man lang nasabi sa kaniya ang totoong nararamdaman ko. Haays! Kahit kelan duwag ka talaga Carmela!
Hindi ka na natututo! Hindi ka pa ba nadala nung nawala si James Gilbert sayo dahil wala kang lakas ng loob aminin sa kaniya ang nararamdaman mo?! At ngayon... si Juanito naman ang pinakawalan mo.
Ughh! At dahil sa inis ko sa sarili ko agad akong napalundag sa kama at tinakluban ko ng unan ang mukha ko at napasigaw dahil sa sobrang inis.
Kaya lang napatigil ako ng biglang pumasok si Theresita sa kwarto ko. "Binibini... maaari ko po ba kayong maabala?" tanong niya habang nakalitaw yung ulo niya sa pinto. Napatango na lang ako, agad naman siyang pumasok at naglakad papalapit sa'kin.
"Alam ko pong hindi ko na dapat gawin ito dahil ginagawa niyo na ang lahat upang kalimutan si Ginoong Juanito ngunit... naniniwala po ako na kahit papaano ay may pinagsamahan din po kayong dalawa kung kaya't mas mabuting itago niyo po ito bilang alaala sa mga masasayang sandali na magkasama po kayo" sabi ni Theresita at may inabot siyang brown na maliit na baul sa'kin. Agad ko namang kinuha iyon at pagbukas ko, nanlaki ang mga mata ko nang makita ang laman ng maliit na baul na iyon...
Ang tulang isinulat ni Juanito para sa'kin pero punit-punit na ito.
"Ipinadala po ni Laura kaninang umaga ang baul na iyan at sinabi po niyang ibigay ko daw po sa inyo dahil kayo naman po ang tunay na may ari niyan" dagdag pa ni Theresita. Parang may kung anong kirot naman akong nararamdaman habang unti-unti kong binubuo yung punit-punit na papel.
Kung nabasa ko lang siguro agad ang laman ng sulat na ito, Hindi ko sana nasaktan ang damdamin ni Juanito. Alam na niya na nagsinunggaling ako sa kaniya na nabasa ko ito, at nagsinunggaling din ako sa lahat na si Leandro ang mahal ko.
Magsasalita pa sana ako kaya lang bigla kaming nagulat dahil biglang bumukas ang pinto sa kwarto ko "CARMELITA!" nagpapanic na sigaw ni Maria at agad-agad siyang tumakbo papalapit sa'kin at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko, nakasunod naman sa likod niya si Josefina.
"Bakit? Anong nangyari? Bakit ganyan ang mga itsura niyo?" nagtataka kong tanong sa kanilang dalawa, para kasing nakakita sila ng multo dahil gulat na gulat ang mukha nilang dalawa. "Wag kang mabibigla... ngayon lang din namin nalaman mula kay Eduardo" sabi naman ni Josefina.
Bigla akong kinabahan... bakit pakiramdam ko parang may masamang mangyayari.
"Ano ba kasi yun?" tanong ko pa, napailing-iling naman si Josefina at napahinga naman ng malalim si Maria at saka tumingin siya ng diretso sa mga mata ko.
"Hinalughog ng mga guardia civil ang mansyon ng pamilya Alfonso kani-kanina lang... ayon kay Eduardo nagkakagulo ngayon sa hacienda Alfonso kung kaya't agad siyang bumalik dito upang ibalita sa atin ang nangyari" sabi ni Maria at bakas rin sa mga mukha nila ang pagkatakot at kaba.
Nanlaki naman yung mga mata ko dahil sa narinig ko, mas lalo akong kinabahan. "Ha? B-bakit naman nila hahalughugin ang bahay nila Juanito?!" kinakabahan kong tanong, parang sasabog na ang dibdib ko.
"May dumating na utos galing sa Gobernador-Heneral na halughugin ang bawat sulok ng bahay at lupain ng pamilya Alfonso at arestuhin si Don Mariano kapag may mga nakuhang ebidensya mula sa kaniya na nagpapatunay na sinusuportahan niya at tinutulungan ang mga rebeldeng pumatay kay Don Diosdado Valdez at lumalaban sa pamahalaan" sabi naman ni Josefina.
ANOOOOO?
"Imposible! Mabuting tao si Don Mariano at ang pamilya niya... Teka! Kailangan nating humingi ng tulong kay ama para iligtas ang pamilya Alfonso!" sabi ko at balak kong puntahan si ama sa kwarto niya kaso bigla akong pinigilan ni Maria.
"Dumalo sa isang pagpupulong si ama sa kabilang bayan kaninang tanghali at gabi pa siya makakauwi, pero nagpadala na kami ng taong pupunta sa kaniya ngayon upang iparating ang balita tungkol sa pamilya Alfonso" sabi ni Maria. napapikit naman ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Pero kailangan na nila ng tulong ngayon bago mahuli ang lahat... Tama! Pupuntahan ko sila!" sabi ko pipigilan pa sana ako nila Maria, Josefina at Theresita pero agad akong lumabas ng kwarto at tumakbo pababa. Napalingon naman sa amin si ina na nasa salas ngayon at abala sa pagtatahi. Agad siyang napatayo at narinig kong hinarang niya si Theresita para tanungin.
Pero wala na kong pake, agad akong tumakbo papunta sa labas at buti na lang nandoon ang kabayo na may kariton na lagayan ng mga ginapas na dayami, "Binibini... ano pong----" hindi na natapos ni Eduardo yung sasabihin niya kasi bigla na kong sumampa dun sa kariton na hila-hila ng kabayo. "Dalhin mo ko kina Juanito!" utos ko sa kaniya, nanlaki naman yung mga mata niya at mukhang hindi siya papayag pero nagulat ako ng biglang sumampa din si Maria at Josefina sa kariton. "Sige na pagbigyan mo na ang aming kapatid" sabi ni Maria, napatingin naman si Eduardo kay ina na ngayon ay tumatakbo papalapit sa'min.
"Haays. Ako bahala sayo! Dali na!" sabi ko pa sa kaniya. Tapos nakita kong binigyan siya ni Maria ng are-you-going-to-disobey-me-look kaya wala na siyang nagawa kundi paandarin na yung kabayo.
"Patawad ina pero kailangan po naming gawin to!" paalam ko kay ina habang umaandar ang sinasakyan namin papalayo sa kaniya. Nakasunod naman kay ina si Theresita at napatigil silang dalawa sa paghabol sa'min ng marealize nila na malayo na kami.
Pagdating sa hacienda Alfonso, nagulat kami nang makita ang dami ng tao na nagkukumpulan papasok malapit sa bahay nila Juanito. "Carmelita! Sandali lang" narinig kong sigaw ni Maria pero hindi ko na siya nilingon, hindi ako makakampante hangga't hindi ko nakikita na nasa mabuting kalagayan si Juanito. Sumingit ako sa mga tao hanggang sa makarating ako sa harap.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakaluhod sina Don Mariano, Donya Juanita, Angelito at... Juanito sa lupa sa labas ng bahay nila habang pinapalibutan sila ng mga guardia civil na may dalang mahahabang baril at may tusok ito sa dulo.
ang daming guardia civil sa buong paligid at pabalik-balik sila sa loob ng bahay ng mga Alfonso at pingtatapon din nila sa labas ang gamit ng mga Alfonso.
"Anong ginagawa ni Heneral Seleno dito?" narinig kong gulat na tanong ni Josefina na nasa tabi ko na pala. Napalingon naman kami ni Maria sa kaniya.
"Sino si Heneral Seleno?" tanong ni Maria, tinuro naman ni Josefina yung isang matangkad na lalaki na na nasa 40 yrs old na at sobrang puti ng kulay balat nito, Sa unang tingin pa lang ay malalaman mo na may dugo siyang Kastila. May bigote rin ito at makapal ang kilay niya, maayos ang kaniyang uniporme at matalim talaga siya kung tumingin.
"Siya ang pinakamalapit na Heneral at lubos na pinagkakatiwalaan ng Gobernador-heneral" sagot ni Josefina.
Ano? bakit naman pupunta dito ang kanang kamay ng gobernador-heneral?
"Sinasabi ko na sa inyo! wala kaming kasalanan! wala kaming ginagawang mali!" sigaw ni Don Mariano, napatumba naman si Donya Juanita buti na lang naalalayan agad ni Juanito ang likod niya. Hala! mahina pa man din ang puso ni Donya Juanita, Agad akong napatakbo papalapit sa kanila "Carmelita! Bumalik ka rito!" narinig kong sigaw pa ni Maria at Josefina pero huli na ang lahat dahil nakatakbo na ako, kaso nagulat at napatigil ako nang bigla akong tutukan ng baril ng mga guardia civil na nakapalibot sa pamilya Alfonso.
Naistatwa lang ako sa kinatatayuan ko, Hindi ko alam ang gagawin ko, First time kong maranasan ang matutukan ng baril. Gulat namang napatingin sa akin sila Don Mariano, Donya Juanita, Angelito... at Juanito. "Senor por favor dejala ir" (Sir please let her go) narinig kong pakiusap ni Juanito, pero hindi pa rin ibinaba nung guardia civil yung baril niya na nakatutok sa akin.
Napatingin din sa akin si Heneral Seleno at ngayon ay mukhang papatayin na niya ako dahil sa tingin niya. "Binibini... huwag ka nang mangialam pa dito" seryosong tugon ni Heneral Seleno. Nagtagalog siya pero ang slang ng dating.
"Hindi dapat kayo-----" hindi ko na natapos yung sermon ko sana kay Heneral Seleno kasi biglang sumingit si Josefina at hinawakan ang braso ko.
"Ipagpaumanhin niyo po ang inasal ng aking kapatid, bata pa po siya hindi pa po niya masyado alam ang kaniyang sinasabi" sabi ni Josefina kay Heneral Seleno, kumunot naman yung noo ni Heneral Seleno.
"Parang namumukhaan kita? Usted es un estudiante de madam olivia derecho?" (You're a student of madam olivia right?)" tanong ni Heneral Seleno kay Josefina, napayuko naman si Josefina.
"Sí señor" (Yes sir) sagot ni Josefina. hindi ko man maintindihan yung usapan nila pero pakiramdam ko ay hindi ito maganda.
sandali namang hindi nagsalita si Heneral Seleno pero nakatingin pa din siya sa amin. "Bueno, Tama ka...Masyado pa ngang bata ang kapatid mo para malaman niya kung kailan dapat at hindi dapat manghimasok sa tungkulin ng isang opisyal ng bayan" seryosong sagot ni Heneral Seleno, sasagutin ko sana siya kaya lang biglang tumakbo na rin si Maria papunta sa tabi ko at hinila ako pabalik sa pwesto namin kanina sa kumpol ng mga tao.
"Tumigil na kayo! Ang mga babae ay dapat ginagalang at hindi hinihiya sa publiko!" sigaw ni Don Mariano kay Heneral Seleno, kahit papaano ay siya pa din ang Gobernador ng San Alfonso.
"Tapat naman ako sa gobyerno... hindi tulad mo at ng pamilya mo!" banat naman ni Heneral Seleno kay Don Mariano, magsasalita pa sana si Don Mariano kaso may pitong guardia civil na galing sa loob ng bahay nila Don Mariano at may bitbit silang mga malalaking kahon.
"Heneral Seleno, nakita po namin ang mga baril na iyan na nakasilid sa ilalim ng kama ni Heneral Sergio Alfonso at mayroon din pong mga baril sa kwarto ni Don Mariano" sumbong nung isang guardia civil agad namang tinaktak ni Heneral Seleno ang mga kahon at nagkalat sa lupa ang mga baril at basyo ng bala.
Parang nabuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko, hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko. Ganoon din ang pamilya Alfonso gulat na gulat din sila.
"Para saan ang mga baril na ito Don Mariano?" seryosong tanong ni Heneral Seleno. tumingala naman at tumingin ng diretso si Don Mariano sa mga mata niya.
"Ang aking panganay na anak na si Sergio ay isang Heneral----"
"NGUNIT hindi nararapat na magmay-ari siya ng ganyang kadaming mga baril at armas pandigma... maliban na lang kung may iba siyang pagagamitan nito!" galit na sabi ni Heneral Seleno, namula naman sa galit si Don Mariano.
"SINASABI MO BANG MAGTATAKSIL SA GOBYERNO ANG ANAK KO?" galit na sigaw ni Don Mariano dahilan para ilapit pa lalo ng mga guardia civil ang baril na nakatutok sa kanila.
Naglakad naman papalapit si Heneral Seleno kay Don Mariano. "Por que no? (Why Not?) Kaya nga ako nandito upang maghanap ng katibayan na magpapatunay sa inyong kataksilan sa ating pamahalaan!" sigaw ni Heneral Seleno dahilan para masindak yung mga tao na nakikiusyoso sa nangyayari ngayon.
"ISA KANG----" hindi na natapos ni Don Mariano yung sasabihin niya kasi biglang may nagmamadaling tumakbo kay Heneral Seleno na grupo ng mga guardia civil at may hila-hila silang madaming kariton na puno ng mga sako ng bigas.
"Heneral Seleno, natagpuan po namin ang mga sako ng bigas na ito na nakabaon sa ilalim ng lupa sa pundasyon mismo ng imbakan ng mga lumang gamit ng mga Alfonso" sabi nung isang guardia civil, naglakad naman si Heneral Seleno papalapit sa mga kariton, kinuha niya ang balisong sa kaniyang bulsa at binutas ang isa sa mga sakong iyon.
Natapon yung mga bigas sa lupa at agad itong hinawakan ni Heneral Seleno at kinilatis "Ang bigas na ito ay hindi pangkaraniwan... isa itong uri ng bigas na nagtatagal sa mahabang panahon umulan man o umaraw ay maaari itong kainin" sabi ni Heneral Seleno. Pagkatapos lumapit ulit siya kay Don Mariano.
"Ngayon ipaliwanag mo sa akin Don Mariano... bakit ka nagiimbak sa pinakatagong-tagong lugar ng mga ganitong klaseng bigas?" pag-uusig niya pa kay Don Mariano. Napapikit naman sa galit si Don Mariano.
"Bakit pa ko magpapaliwanag sa iyo? Alam ko namang hindi mo ako pakikinggan... dalhin mo na ako sa korte at doon ko ipaglalaban ang katotohanan!" seryosong sagot ni Don Mariano habang nakatitig sa mga mata ni Heneral Seleno. Tiningnan naman ni Heneral Seleno ang kaniyang mga hukbo.
"ARRESTENLO! (Arrest Him!) Wala na tayong magagawa pa sa makasalanang ibig pang panindigan ang kaniyang pagkakasala!" galit na utos ni Heneral Seleno sa kaniyang mga guardia civil. Agad namang dinakip si Don Mariano.
"Sandali! Walang kasalanan ang aking ama! Wala kayong karapatan gawin ito!" sigaw ni Juanito at hinawakan niya ng mahigpit si Don Mariano para pigilan ang mga guardia civil na hilahin ang kaniyang ama.
"Mayroon akong kapangyarihan at basbas mula sa Gobernador-Heneral na imbistigahan ang pamilya ninyo!" buwelta ni Heneral Seleno, sasapakin sana siya ni Juanito kaya lang hinarang at pinigilan siya ng mga guardia civil. "At sino naman ang gumawa ng kasinungalingang ito! Walang ginagawang masama ang pamilya namin!" banat pa ni Juanito. kitang-kita ko ngayon ang galit sa mga mata niya.
"Hindi lahat ng gawang masama ay nakikita... minsan kailangan mong kilatising mabuti ang bagong aning bigas upang lumitaw ang mga bato at dumi na nakahalo dito" sagot ni Heneral Seleno at tinalikuran na niya si Juanito, agad namang itinulak ng mga guardia civil si Juanito sa lupa.
"Ikulong sa kanilang tahanan ang pamilya ni Don Mariano!" utos pa ni Heneral Seleno at sumakay na siya sa kalesa niya. pero bago niya isara ang pinto napatingin pa siya sa'kin. hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng takot nang magtama ang mga paningin namin. Hindi ko maipaliwanag pero alam koong hindi ito maganda.
bigla namang nahimatay si Donya Juanita, buti na lang nasalo siya ni Angelito at Juanito. agad naman akong tumakbo papunta sa kanila pero hinarang pa din ako ng mga guardia civil na naiwan upang bantayan sila na hindi makatakas.
"Ina! Ina! Gumising ka!" pagsusumamo ni Juanito habang tulala naman si Angelito at patuloy na pumapatak ang kaniyang mga luha. "Juanito... mas mabuti kung dalhin niyo na siya sa loob, tatawag ako ng doktor----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang sumingit sa harap ko yung isang guardia civil.
"Hindi maaari! Walang doktor o kahit sinumang manggagamot ang maaaring pumasok sa loob ng bahay ng mga akusado!" seryoso niyang sabi. Magrereklamo pa sana ako pero nagulat ako ng biglang dumating ang isang kalesa at ang sakay niyon ay si ina at ama.
Dali-dali silang bumaba. Kitang-kita ko ang galit at nanlilisik na mata ni ama, "MARIA! JOSEFINA! CARMELITA!" sigaw niya, agad namang napatakbo si Maria at Josefina sa tabi ni ina at humingi sila ng tawad, inalalayan naman sila ni ina papasok sa loob ng kalesa, samantalang naiwan naman akong nakatayo doon habang nakahandusay sa lupa si Donya Juanita at pilit siyang ginigising nina Juanito at Angelito.
"Ipagpaumanhin niyo na, iuuwi ko na ang aking anak" paalam ni ama sa punong guardia civil na naka-assign sa pagbabantay sarado sa pamilya Alfonso. Napatango naman yung punong guardia civil at tinulungan din niya buhatin si Donya Juanita papasok sa bahay nila. Napalingon naman sa'kin si Juanito sa huling pagkakataon at nagulat ako nang bigla siyang mag-thumbs up sa'kin.
So ibig sabihin okay lang siya...
"CARMELITA! UWI!" sigaw ni ama. Napayuko na lang ako at sumakay na rin sa kalesa. "Ayos lang iyan Carmelita, marami namang alam sa panggagamot si Juanito kung kaya't siya na ang bahala sa kaniyang ina" sabi ni Maria at hinawakan niya yung kamay ko. kahit papaano napanatag naman yung loob ko, tama nga si Maria, isang magaling na doktor si Juanito at siguradong aalagaan niya ng mabuti ang kaniyang ina.
Hindi kami pinansin buong gabi ni ama, hindi rin siya sumabay sa hapunan at ayaw rin niya kaming makausap. Nakatambay kami ngayon nila Maria at Josefina sa balkonahe. At pare-pareho kaming tulala.
"Humingi tayo ng tawad kay ama bukas ng umaga, kahit anong mangyari mali pa rin ang ginawa nating pagtakas, sinabihan na niya tayo na walang lalabas ng bahay ngunit sinuway natin siya" sabi ni Josefina. Napatango na lang si Maria at hindi naman ako nagreact.
Ilang saglit lang, nagulat kami nang biglang sumulpot si Theresita sa likod namin "Mga binibini... may dapat po kayong malaman!" sabi niya at dahil dun agad kaming nagtungo lahat sa kwarto ni Maria.
"Ayon kay kuya Eduardo hindi sa korte sa bayan dinala si Don Mariano kundi sa Maynila, bumyahe sila Heneral Seleno kasama ang bihag nilang si Don Mariano kanina papuntang Maynila at nalaman namin na sa Fort Santiago ikukulong si Don Mariano habang didinggin pa sa Real Audencia ang kaniyang kaso" nagpapanic na sabi ni Theresita. Parang biglang nanghina ang mga tuhod ko dahil sa narinig ko, dahilan para mapaupo ako bigla sa kama.
"Sigurado ka ba riyan? Siguradong malaking kaso ang kakaharapin ngayon ni Don Mariano" sabi ni Josefina. Napatulala din naman si Maria.
"Kailangan maipagtanggol ni Don Mariano ang kaniyang sarili, sigurado namang marami siyang kaibigang abogado ang tutulong sa kaniya" sabi ni Maria. napailing-iling naman si Theresita.
"Ang masama pang balita, si Ginoong Ocampo ang abogadong ibinigay ni Heneral Seleno dahil walang sinumang abogado ang nais kumuha ng kaso ni Don Mariano" sabi pa ni Theresita.
"Ano? Si Ginoong Ocampo ng kabilang bayan? Delikado si Don Mariano... hindi naipagtatanggol ni Ginoong Ocampo ang mga kliyente niya" sabi pa ni Josefina. Halaaaa!
At dahil sa mga nangyayari bigla akong napatayo, buo na ang desisyon ko. kakausapin ko si ama. Dali-dali akong lumabas ng pinto, hinabol naman nila ako upang pigilan pero wala ng makapipigil sa'kin.
Kumatok pa ko sa kwarto nila ama at ina pero walang sumasagot kaya binuksan ko na yung pinto at pumasok. Nadatnan ko namang nagbabasa ng libro si ama, samantalang nagtatahi naman si ina.
"Carmelita!" puna ni ina sa'kin pero dire-diretso lang akong naglakad papalapit kay ama at nag-bow muna sa kaniya. "Kung tungkol sa pamilya Alfonso ang sasabihin mo... mas mabuting itikom mo na lang iyang bibig mo at matulog ka na" sabi ni ama nang hindi tumitingin sa'kin, abala pa din siya sa pagbabasa ng libro.
"Pero hindi po ako makakatulog hangga't hindi napapanatag ang loob ko na nasa panganib si Don Mariano" sagot ko, hindi naman nag-react si ama patuloy pa din siya sa pagbabasa.
"Ama! Tulungan po natin sila... alam ko pong may magagawa kayo para iligtas si Don----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang sinara ni ama yung librong binabasa niya at tiningnan niya ako ng masama.
"At bakit ko gagawin iyon? Naputol na ang ugnayan namin sa isa't-isa... wala na akong pakialam sa kaniya o sa pamilya niya" seryosong sabi ni ama.
"Pero kahit papano naging magkaibigan naman po kayo... paano na yung pinagsamahan niyo, hahayaan niyo na lang bang----" bigla akong napatigil sa gulat nang maramdaman ko ang malakas na pagsampal ni ama sa kaliwang pisngi ko.
"Alejandro!" narinig kong sigaw ni ina, agad siyang tumakbo papalapit sa'kin at niyakap ako. "Anong ginawa mo?! Huwag mong pagbuhatan ng kamay ang iyong anak!" reklamo pa ni ina. Naramdaman ko namang niyakap din ako ni Maria at Josefina.
"Ama patawarin niyo na po si----" hindi na nila natapos yung sasabihin nila kasi biglang sumigaw si ama. "Huwag niyong kakalimutan na ako ang ama ng tahanang ito! Ginagawa ko ang lahat upang protektahan at ingatan ang pangalan ng pamilya natin... ngunit ngayon dahil sa ginawa mo kaninang panghihimasok sa trabaho ni Heneral Seleno at pakikipagkasundo kay Juanito at Helena upang hindi matuloy ang kasal... Nilagay mo sa kahihiyan at alanganin ang pamilya natin!" sigaw sa'kin ni ama. Hindi ko alam pero sa mga oras na yun. napatulala na lang ako sa kaniya at hindi ko na napigilan pa ang mga luhang namumutawi sa aking mga mata.
Halos tatlong araw din akong hindi lumabas ng kwarto, never pa ko napagalitan ng ganun sa buong buhay ko kaya ang sama talaga ng loob ko. never akong sinampal o sinaktan ni daddy at never din niya akong sinigawan ng ganun. Ilang saglit lang, biglang dumating si Maria, Josefina at Theresita sa kwarto ko at bihis na bihis sila. "Magbihis ka Carmelita, aalis tayo" sabi ni Maria. at ngumiti silang tatlo.
Nasa kalesa na kami ngayon at hindi ko alam kung saan kami pupunta, hindi rin naman nila sinasabi kung saan kaya napagod na din ako sa kakatanong, ilang saglit lang tumigil na yung kalesa, nagulat ako nang makita na nasa daungan na kami.
"Sige na Carmelita... hindi ka namin pipigilan kung gusto mong sumunod at tulungan si Don Mariano at iligtas din ang pamilya Alfonso" sabi ni Maria. napatitig naman ako sa kanilang tatlo, nakangiti lang sila sa'kin. naalala ko na, sa panahong to kapag nakasuhan o nasira ang pangalan ng isang tao madadamay din ang kaniyang buong pamilya.
At sa mga oras na to kung hindi ko tutulungan si Don Mariano... siguradong malalagay din sa panganib si Donya Juanita, Sergio, Sonya, Angelito at... Juanito.
Kailangan kong iligtas si Juanito! iyon ang dahilan kung bakit ako napunta sa panahong to.
"Binibini...Heto na po ang iyong mga gamit, inayos ko na po iyan para sa ilang araw na pananatili niyo sa Maynila" sabi naman ni Theresita at may inabot siya sa'king isang bagahe.
"Huh? pano si ama? Hindi ba----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla akong hinawakan ni Josefina sa magkabilang balikat. "Huwag mo nang alalahanin si ama, ipinaalam ka ni madam Olivia kahapon, sinabi niyang kailangan mong manatili sa kumbento upang makapag-isip-isip at malayo sa mga problema na kinakaharap mo ngayon... kaya lang ang pagkakaalam ni ama sa Sugbu (Cebu) ka pupunta" sabi ni Josefina. Nanlaki naman yung mga mata ko. Whuuut?
"Pero ang hindi alam ni ama at ina sa Maynila ka talaga pupunta, huwag kang mag-alala maaari ka namang mamalagi muna kina Sonya, hindi naman siya idinamay sa pagkakaaresto sa tahanan nila ni Ignacio dahil isa na siyang Corpuz at hindi pa naman napapatunayan na may kasalanan talaga si Don Mariano" sabi naman ni Maria.
Hindi ko alam pero sa pagkakataong iyon parang biglang nawala ang bigat ng kalooban ko at niyakap ko silang tatlo, Grabe! Hindi ko akalain na magagawa nilang ilagay sa panganib ang buhay nila para tulungan ako. "M-maraming salamat" bulong ko sa kanila at nag-group hug pa kami.
"Oo nga pala, nakausap na namin si Don Buencamino, nangako naman siyang ililihim niya ang pagpunta mo sa Maynila" sabi pa ni Maria. napatango na lang ako at napangiti, hindi ko rin mapigilan ang mapaluha, tears of joy naman.
Kinuha ko na yung bagahe ko at naglakad na papalayo pero nagulat ako nang bigla akong tinawag ulit ni Josefina. "Carmelita... Oo nga pala! May ibig sumama sa iyo papuntang Maynila" sabi niya sabay turo sa likod ko, nagtaka naman ako at napalingon sa likod.
~Ang pag tingin ko sa iyo'y wagas
Kahit saan ika'y ililigtas
Aplas sa'kin ng 'yong mga kamay
Kasing lambot ng ulap na kumakaway
Nagkakawat sa aking isipan
Busilak ng iyong katauhan
Hindi ko maiwasang tumingin
Sa'yong matang may tulis ng bituin~
~Hinihiling ko sa may kapal
Na ika'y maging kasintahan
Kahit saan ika'y aking papakasalan~
~Sa'yo lang ako, saksi ang mundo
Sana'y mabatid na ito'y totoo
Huwag kang mangamba aking sinta
Lahat nang ito'y para sating dalawa~
Bigla kong nabitawan yung bagahe na dala ko at naistatwa ako sa kinatatayuan ko nang makita ang lalaking gustong-gusto ko nang makita...
si Juanito.
at nakangiti siya ngayon.
biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko at biglang lumiwanag ang buong paligid.
Dugdugdugdug.
Dear Diary,
Ngayon naniniwala na ko na minsan ang mga bagay na hindi mo inaasahan ay kusang dumadating.
Basta't huwag ka lang mawalan ng pag-asa, dahil may solusyon din sa mga problema.
Parang kelan lang hindi ko mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko
Pero ngayon hindi ko naman mapigilan ang pagngiti,
Dahil nandito na si Juanito muli sa tabi ko.
Nagmamahal,
Carmela
***********************
Featured Song:
'Kasintahan' by Jireh Lim.
https://youtu.be/gFOOu-xqiK8
"Kasintahan" by Jireh Lim
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top