Kabanata 19

[Kabanata 19]


"Carmelita? Ginoong Leandro?" gulat na tanong ni Sonya habang nakahawak siya sa bisig ni Ignacio Corpuz. Nasa likod naman nila si Helena at Juanito.

Ohmygoodness!

Napatingin si Juanito sa'kin sabay tingin din kay Leandro at binalik niya ulit yun tingin niya sa'kin. My gosh!

Bakit ba naman sa dinami-dami ng kainan dito sa Maynila dito din sila mapapadpad! Waaahh!


"Bakit naman hindi kayo nagsabi na lalabas pala kayo?!" pangeecheos pa ni Sonya tapos naglakad siya papunta kay Leandro. "Maligayang pagdating Ginoong Leandro, nabalitaan ko po na dumating na kayo sa Pilipinas noong nakaraang dalawang linggo" sabi ni Sonya at nag-bow siya kay Leandro.

"Inilihim ko ang aking pagdating upang surpresahin si Carmelita" nakangiting sagot ni Leandro. Shocks! pinilit ko lang din ngumiti. mukha na akong natatae na ewan dito huhu.

"Ngayon pa lang kayo nagkita ni Carmelita makalipas ang 7 buwan?" gulat na tanong ni Sonya, magsasalita pa sana ako kaso inunahan ako ni Leandro. Gosh! alam nga pala ni Sonya na may something noon si Carmelita at Leandro!

"Nagkita na kami sa San Alfonso noong isang linggo pagdating ko galing Cuba" sabi ni Leandro. Oh Noes! Why so Honest Leandro?

Gosh! napatingin naman ako kay Juanito na seryoso na ngayon, hindi niya pa din inaalis yung tingin niya sakin at kay Leandro.

"Sinasabe ko na nga ba! kaya hindi ka sa amin sumabay papuntang Maynila dahil hinihintay mo si Ginoong Leandro" pang-asar pa ni Sonya. Omygash! ano ba ituuuu!

magrereact sana ako kaso tumawa ng malakas si Sonya at inaasar-asar pa ko kay Leandro. My gosh! wala ba siyang balak tumigil? huhu.

"Oo nga pala! Helena nandito na ang kuya mo" sabi pa ni Sonya, napatingin naman kami lahat kay Helena. napayuko naman siya at ngumiti.

"Alam ko, pinuntahan na namin si kuya Leandro kaninang madaling araw ni Natasha sa Santa Mesa" sagot ni Helena. Omg! so alam na pala niya kanina na si Leandro yung naghihintay sa'kin.

Teka nga! bakit magkasama sila ni Juanito?

"Hindi pa nga dapat ako magpapakita kay Binibining Carmelita ngunit sinabi ni Helena na nananabik na raw sa akin ang aking sinta" sabi ni Leandro sabay tingin sa'kin. HUWAAAAT?

tinawag niya akong sinta sa harapan ni Juanito! Waahhh!

napatingin naman ako kay Juanito pero nakayuko na lang siya at binabasa niya yung menu.

parang wala naman siyang pake... haays! ano bang ineexpect mo Carmela? tsk.

napatingin naman ako kay Helena, ngumiti siya sa'kin. mukhang pinupush niya ako sa kuya niya.

"Maligayang pagdating Ginoong Leandro" bati naman ni Ignacio at nag-shake hands sila ni Leandro. Omg! akala ko ba magkaaway ang mga Flores at Corpuz ayon kay Natasha.

"Maraming salamat Ginoong Ignacio, ipinaaabot ko din ang pagbati sa matagumpay niyong kasal" sagot ni Leandro. mukhang okay naman sila ni Ignacio, baka mga parents lang nila with Natasha Flores ang enemies.

nagulat naman ako nang mapatingin si Leandro kay Juanito. "Ginoong Juanito Alfonso? Nagagalak akong makita ka muli" bati ni Leandro tapos inextend niya yung kamay niya sa harap ni Juanito para makipag-shakehands.

napatingin naman si Juanito kay Leandro at tumingin ulit siya sa'kin. bago tumayo at nakipag-shakehands kay Leandro. "Nagagalak din akong makita ka" sagot ni Juanito pero hindi naman siya mukhang nagagalak kasi nakasimangot siya.

"Ginoong Leandro magkakilala kayo ni kuya Juanito?" tanong ni Sonya, Omg! mukhang ngayon lang din niya nalaman na magkakilala pala sila.

"Magkaklase kami sa pagpipinta noong elementarya" sagot ni Leandro. wala namang reaction si Juanito.

"Nagpipinta ka pa rin ba Juanito?" tanong pa ni Leandro kay Juanito. Gosh! tumingin muna si Juanito sa'kin bago siya sumagot. Waahh! bakit ba siya tingin ng tingin saken? huhu.

"Hindi na, nawala na ang hilig ko sa pagpipinta" sagot ni Juanito sabay tingin ulit sa'kin. 

tatanungin pa sana ulit ni Leandro si Juanito pero inunahan ko na siyang magsalita. My gosh! di ko na keri na mag-usap pa sila ng matagal baka kung ano pang maisagot ni Juanito.

"K-kain din ba kayo dito?" tanong ko, napatingin naman silang lahat saken.

Omg! Carmela ano bang klaseng tanong yan?! malamang kakain sila dito kasi restaurant to, di naman to library. tsk. tsk.

"Oo matagal na kasi akong gustong dalhin ng aking mahal na asawa dito" kinikilig na sagot ni Sonya tapos pinipisil-pisil niya yung biceps ni Ignacio at naghaharutan sila. samantalang nakatunganga lang kami nila Leandro, Helena at Juanito sa landian moments nila.

Awkward.

"Papunta kami dito ni Ignacio nang madaanan namin si Ginoong Juanito at Helena na magkasama sa Plaza Santo Tomas... Nako! hindi rin namin alam na nagkikita rin kayo ng palihim" pang-asar pa ni Sonya kay Juanito at Helena.

Ouch! bakit parang sumikip ata yung dibdib ko nang marinig ko yung sinabi ni Sonya.

"Hindi bale masaya ako para sa inyong dalawa... hindi ko akalain na mapapalapit na rin kayo sa isa't-isa" pangeecheos pa ni Sonya kay Juanito at Helena. nag-blush naman si Helena at hindi naman nagreact si Juanito.

"Kaya nga nagpapasalamat kami kay Binibining Carmelita dahil pinaglapit niya kami ni Binibining Helena" sabi ni Juanito, napatingin naman kaming lahat sa kaniya bakit parang tunog sarcastic yung pagkasabi niya? o baka ako lang nakarinig nun?

Ouch naman! sa kaniya pa talaga nanggaling ang salitang yun.

di ko alam pero parang biglang umusok ata yung ilong ko. kaazar! inaaway niya ba ko? hmp!

"At masaya din ako sa inyong dalawa" narinig kong sabi ni Sonya sabay turo samin ni Leandro. "Sa wakas nagkabalikan na rin kayo" dagdag pa niya.

Huwaaat?

magrereact pa sana ako kaso biglang tumawa na silang lahat, at pagtingin ko kay Juanito naka-bitch face lang siya.

"Bueno, tara na kumain na tayo, sasalo na kami sa inyo Ginoong Leandro" sabi pa ni Sonya at nakiupo na silang lahat sa table namin.

Oh my gosh! awkwardness level 101.

Magkatabi na kami ngayon ni Leandro at nasa kaliwa ko naman si Sonya, nasa tabi naman niya si Ignacio at nasa tabi naman ni Ignacio si Juanito (na nasa tapat ko) samantalang nasa tabi naman ni Juanito si Helena at nasa tabi naman ni Helena si Leandro.

pa-round yung table namin. kaya kitang-kita namin ang isa't-isa. lalo na si Juanito nasa tapat ko lang siya! Waaaaahhh!

habang kumakain kami, di namin mapigilang hindi ma-distract sa landian, harutan at subuan ni Sonya at Ignacio.

"Sana ganyan rin tayo kapag mag-asawa na tayo" bulong ni Leandro sakin pero mukhang narinig nilang lahat kasi napatingin silang lahat samin.

My gosh! di naman ganun kalakas yung bulong ni Leandro ah! ang tinde naman ng mga tenga nila huhu.

"I-ipagpaumanhin niyo ang aking inasal" sabi ni Leandro, bigla namang napatawa ng malakas si Sonya. "Huwag kang mag-alala Ginoong Leandro, sanay na rin kami sa kapusukan paminsan ni Carmelita" sabi ni Sonya sabay tawa at tumawa din silang lahat, wala namang reaction si Juanito at busy siya sa pagkain.

Omg! may pagka-landi din si Carmelita? My gosh! kaya naman pala ang aggressive din neto ni Leandro kasi alam niyang maharot din sa kaniya si Carmelita haaays.

pwes ako... naiirita na huhu.

Haays buti na lang ang sasarap ng pagkain sa resto na to at least kahit papano nababawasan ang stress ko. "Dahan-dahan lang sa pagkain mahal" narinig kong sabi ni Leandro at dahil dun inasar na naman kami ni Sonya, Gosh! wala na bang itatahimik ang buhay ko?

"Sandali! Carmelita sino ang nagbigay sa iyo ng singsing na iyan?" gulat na gulat na tanong ni Sonya tapos kinuha niya yung kamay ko at pinagmasdan yung diamond ring na suot ko. Shocks! bakit pa kasi ngayon ko sinuot to? Waaahh! malay ko bang makikita ko ngayon si Leandro. huhu.

"Ako ang nagbigay sa kaniya ng singsing na iyan, tanda iyan ng pangako ko na hindi na kami magkakahiwalay pa at mamahalin ko siya habambuhay" sabi ni Leandro sabay tingin sa'kin. Gosh! bakit ba ang vocal niya sa pag-express ng feelings niya saken huhu. di ba siya aware na kakainin na ako ng lupa sa kahihiyan.

nagulat naman kami nang biglang nilagyan ni Juanito ng Lasagna yung plato ni Helena. "Kumain ka ng mabuti Binibining Helena" nakangiti niyang sabi kay Helena tapos ngumiti naman pabalik si Helena sa kaniya at nagtitigan silang dalawa.

WAAAAHHHH!

feel ko bigla akong magtatranaform at magiging Godzilla tapos tatapakan ko silang dalawa! Ughh!

at dahil kumukulo na ang dugo ko, kumain na lang ako ng kumain. Don't Mind them Carmela! Ma-iistress ka lang sa kanila!

"Ayieeee! Helena! Kailan mo ba balak sagutin si kuya Juanito?" pang-eecheos ni Sonya, Bigla namang nagblush si Helena at napayuko, napaiwas naman ng tingin si Juanito at pinagpatuloy yung pagkain niya.

"Ang totoo niyan... gusto ko na siyang------" hindi natapos ni Helena yung sasabihin niya kasi bigla akong nagsalita. OMAYGASH! HINDI KO NA KAYAA!

"T-tubig!" pakiusap ko. Nabulunan ako, Omg! Na-stock sa lalamunan ko yung piraso ng french bread na di ko nanguya dahil sa inis kay Juanito kanina.

dali-dali namang napatayo si Leandro at tinapik ng malakas yung likod ko.

"Carmelita! Ayos ka lang? Kailangan mo ng tulong!" pagpapanic ni Sonya tapos aligaga na rin sila ni Ignacio, Naistatwa naman si Helena sa kinauupuan niya. At napatingin din samin yung iba pang mga tao na kumakain dito sa resto.

My Gosh! kahihiyan na this!

"Sandali... Mali yan!" narinig kong sabi ni Juanito tapos bigla niya akong niyakap patalikod at pinush niya yung tiyan ko para maluwa ko yung bara sa lalamunan ko.

tumalsik yung piraso tinapay sa mesa na galing sa bibig ko. Ewww!

"Ayos ka na Carmelita?" nagaalalang tanong ni Juanito tapos hinimas-himas niya yung likod ko. hindi naman agad ako nakasagot sa kaniya kasi napa-ubo pa ako at hinahabol ko yung paghinga ko. Whew! Grabe! muntik na kong mamatay dun.

"Carmelita gusto mo bang dalhin kita sa hospital?" tanong ni Leandro at hinawakan niya ang balikat ko dahilan para mapaatras si Juanito.

"Huwag po kayong mag-alala, maayos na po ang pakiramdam niya, pasensiya na po" narinig kong announcement ni Sonya sa mga echeosera't echeoserong nakikiecheos sa near death experience ko kanina haaays.

"G-gusto ko ng umuwi" sabi ko na lang, bigla naman akong inakbayan ni Leandro at inalalayan tumayo.

"Sige mauna na kami, ihahatid ko na si Binibining Carmelita, maraming salamat sa oras niyo, masaya ako dahil nakapagkwentuhan tayo... at Maraming salamat din Ginoong Juanito sa pagligtas mo sa aking mahal" sabi ni Leandro. My gosh! nagawa niya pang mag-closing speech ah. At bakit ba tinatawag niya akong mahal?!

"Mag-iingat kayo" paalam ni Sonya at Helena. napatingin naman ako kay Juanito, agad niyang iniwas yung tingin niya sa'kin.

Haays. di man lang siya nag-bye bye. kelan ko pa kaya siya ulit makikita? tsk.


7 pm pa lang nakahiga na ko sa kama at nakatulala sa kisame, nandito na ulit ako sa kwarto namin nila Helena, si Natasha muna ang kashare namin sa kwarto kasi may bulutong si Josefina at doon siya nagkalat ng sakit sa kwarto ni Natasha nung nakiki-share pa siya sa kaniya.

buti na lang wala si Natasha ngayon, bumyahe daw siya kanina pauwi ng San Alfonso dahil death anniversary ng nanay nila, 5 years ng patay ang asawa ni Kapitan Flores dahil sa sakit, di naman nakasama si Helena dahil isa lang sa kanilang dalawa ni Natasha ang pwede umalis ayon kay madam Olivia.

Nagpaalam naman sa'kin si Leandro na babyahe siya pa San Alfonso bukas ng umaga, sinabi niya sa'kin yun kanina pagkahatid niya sa'kin dito sa dormitoryo.

ilang saglit lang may narinig akong pagdating ng kalesa. hmm.. sino kayang dumating?

at dahil dakila din akong echeosera agad kong sinilip sa maliit na butas ng bintana yung bagong dating na kalesa sa ibaba.

sinalubong naman ito ni Madam Olivia.

parang nadurog yung puso ko nang makita na si Helena at Juanito pala yung sakay nung kalesa, sandali muna silang nag-usap ni madam Olivia kaso di ko marinig kung anong pinag-uusapan nila.

Nakita kong nag-bow na si Juanito sa kanila at bigla siyang tumingala sa bintana kung saan ako nakasilip Waahhh!

at dahil sa panic agad akong napayuko at nauntog tuloy ako sa mga libro na nasa gilid ng kama ko. Awtsuuu!

napagulong-gulong ako sa sakit. Omg! magkakabukol ata ako neto eh huhu.

ilang saglit pa nagulat naman ako nang biglang bumukas yung pinto, dumating na si Helena Omg! ang bilis naman niya!

agad akong nagtaklob ng kumot. Gosh! wala ako sa mood makipagchikahan ngayon... lalo na't nalaman ko na nagdadate pala si Juanito at Helena ng palihim. tsk.

kaya pala hindi ako sinundo ni Juanito sa date sana namin kanina ah! yun pala may iba siyang ka-date. haays.

Teka nga! bakit ginabi na sila?

sinilip ko naman si Helena habang nakataklob ako ng kumot. nakangiti siya habang sinusuklay niya yung buhok niya.

mukhang mapupunit na rin yung mukha niya sa kakangiti ah. baka bigla na rin siyang liparin sa sobrang kilig. haays. samantalang ako eto, #feelingbetrayed #brokenhearted at #magkakabukolpa

"Carmelita... gising ka pa ba?" narinig kong malambing na tanong ni Helena. My gosh! baka nakita niya akong sumisilip sa bintana kanina Waaah!

at dahil dun bigla akong nag-hilik-hilikan.

"Mukhang mahimbing na ang tulog mo... kaya hindi na kita gigisingin pa" tugon niya pa. Halatang may ngiti sa labi niya habang sinasabi niya ang mga salitang yun, sabagay sobrang hirap naman talaga itago ang kilig na nararamdaman ng isang tao.

lalo na kapag kasama mo ang taong gusto mo...

"Ngunit kahit tulog ka na... hayaan mong magkwento ako sa iyo, Hindi ko na kaya sarilinin pa ang sobrang saya na nararamdaman ko ngayon" kinikilig na tugon ni Helena. kahit pa naghilik-hilikan ako, tinuloy niya pa din yung kwento niya.

"Hindi ko akalaing darating ang araw na magagawa kong makausap, malapitan at matingnan siya ng diretso sa mata" panimula ni Helena, sinilip ko ulit siya kahit nakataklob ako ng kumot. nakadungaw siya ngayon sa bintana at nakangiti ng todo habang pinagmamasdan yung mga bituin sa langit. Okay so siya na ang inlove... at ako naman ang broken hearted huhu.

"Sa loob ng halos limang taon, nagawa kong pagmasdan siya mula sa malayo at pangarapin siya araw-araw" patuloy niya pa.

So 5 years na pala siyang may secret crush kay Juanito.

"Parang kelan lang noong una ko siyang nakita at agad nahulog ang loob ko sa kaniya... Hindi ko alam pero bigla na lang tumibok ng malakas yung puso ko noong gabing iyon"

napahawak naman ako sa dibdib ko. Ako rin, hindi ko rin maintindihan kung bakit tumitibok to sa lalaking hindi ko naman dapat magustuhan.

"Limang taon na ng nakararaan nang una ka siyang makita, Pista ng pasasalamat noon sa San Alfonso,nakapikit siya habang hawak niya ang kandila nang gabing iyon sa labas ng simbahan, Nandoon rin ang buong pamilya namin, ang pamilya Alfonso at ang buong pamilya niyo Carmelita"

Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot, naiinggit talaga ako kay Carmelita, Marami siyang alaala na kailanman ay hindi ko maaalala.

"Sabi mo sa akin Carmelita na sa oras na patayin ko ang sindi ng kandila, ibulong ko sa aking sarili kung anong bagay ang gusto kong hilingin dahil sasama usok ng kandila ang kahilingan ko at maglalakbay ito papuntang kalangitan"

Talaga? sinabi ni Carmelita yun, ngayon ko lang narealize na sobrang ganda pala talaga ng friendship ni Carmelita at Helena.

kaya lang... ano kayang naramdaman ni Carmelita nang malaman niya na si Helena ang gusto ni Juanito?

malamang pareho lang kami ng nararamdaman ngayon... haays.

"Alam mo ba kung anong hiniling ko ng mga oras na iyon? Hiniling ko sa langit na sana makatuluyan ko ang lalaking tinatanaw ko ng gabing iyon... at ang lalaking iyon ay si Juanito Alfonso"

"Kaso pagmulat ko ng mata matapos humiling kasabay ang pagpatay ng sindi ng kandila, nakita kong nakatingin din siya sa akin... hindi man namin nagawang kausapin ang isa't-isa... alam ko sa pagkakataong iyon magkasabay ang pagtibok ng puso naming dalawa"

Bigla ko tuloy na-imagine na nakatitig sa isa't-isa si Juanito at Helena nang mga oras na iyon.

Parang bigla ata sumakit yung tiyan ko huhu.

"Hiniling ko agad kay ama na kausapin si Don Mariano at ipagkasundo kami ni Juanito, kaso nalaman ko na balak mag-aral ni Juanito ng medisina dito sa Maynila kaya binawi ko ang pakiusap ko kay ama"

Nakita ko namang biglang may luhang pumatak sa mga mata ni Helena. sinara na niya yung bintana at humiga na rin siya sa kama niya. nakatulala siya ngayon sa kisame.

"Naghintay ako ng halos limang taon, at sa loob ng mahabang panahong iyon, tuwing pista sa San Alfonso at pasko ko lang nakikita si Juanito... kahit pa pinilit ko si ama na pag-aralin ako dito sa kumbento sa Maynila kasama ni Natasha. Halos isang beses lang kada-buwan ko makita si Juanito kapag nagdadasal siya sa simbahan dito, ayos lang sa akin iyon, masaya na ako habang pinagmamasdan ko siya sa malayo at unti-unti niyang nakakamit ang mga pangarap niya"

Tuluyan nang pumatak ang mga luha ni Helena. Grabe. hindi ko akalain na may katulad pa niya na kayang maghintay at magpaka-martyr ng ganun katagal.

"Kaya lang ang pagpapantasiya kong iyon ay biglang naglaho nang mabalitaan ko na ipinagkasundo kayong dalawa ni Juanito"

magrereact sana ako kaso naalala ko na nagtutulug-tulugan pala ako. Shocks!

"Kaya nga labis ang tampo at pagdadalamhati ko ng mga panahong iyon... buti na lang isa ka pa ring tunay na kaibigan at tinulungan mo kaming mapalapit ni Juanito sa isa't-isa" tugon pa ni Helena at nakita kong tumingin siya sa direksyon ko at ngumiti sa'kin.

Akala ko okay lang sa'kin na mapalapit sila sa isa't-isa. Hindi ko naman inaasahan na magiging iba ang nararamdaman ko para kay Juanito.



Halos isang linggo na rin ang lumipas mula nung huli kong makita si Juanito. mas okay na rin yun at least hindi na nagugulo ang puso at isipan ko. Kaya lang hindi ko maintindihan kung bakit parang namimiss ko siya------Stop! Carmela! Pigilan mo na yang nararamdaman mo hangga't maaga pa haaays.

Sabi nga nila 'Prevention is better than cure!'


Nag-reply na din si Don Alejandro sa sulat ko, sinabi niyang umuwi daw kami sa San Alfonso sa susunod na tatlong araw para sa pista ng pasasalamat sa patron ng San Alfonso. Pumayag naman si Madam Olivia at sasama din siya.

Bumyahe din kahapon si Helena pabalik sa San Alfonso, hinihintay ko pa ang paggaling ni Josefina, tatlong araw pa ang kailangan niyang pahinga bago kami umuwi.

Pagkatapos ng tanghalian, ako yung naka-assign mag-hugas ng plato. Gosh! First time ko maghuhugas ng plato Omg!

Never ako pinahugas ni daddy ng plato sa bahay at may dishwasher naman kami at kasambahay. And never din akong pinahugas nila Don Alejandro at Donya Soledad ng plato sa bahay nila, kung sabagay mag-tatatlong buwan pa lang naman ako sa panahong to.

"Oh? Carmelita... balak mo bang titigan ang mga hugasin buong araw?" pangeecheos ni Nenita. My gosh! At dahil expected ng mga tao dito na sobrang expert sa gawaing bahay ang mga kababaihan wala akong magagawa kundi... maghugas nga ng plato huhu.

Halos isang oras ako nanghugas ng plato at nakabasag ako ng limang plato at dalawang baso, buti na lang ako lang mag-isa dito sa kusina kaya tinapon ko agad yung mga basag na plato at baso sa basurahan. Whew! Nalinis ko na ang mga ebidensya bwahaha!

Kaso pagtalikod ko nagulat ako nang makita si madam Olivia na nakatayo sa likod. Shocks! Nakita niya ko?

"M-madam Olivia... Hi" bati ko sa kaniya tapos bigla kong tinakpan yung basurahan. "M-may kailangan po ba kayo?" tanong ko pa. Omg! Carmela bisita ka lang sa panahong to tapos nakabasag ka pa ng mga gamit. haays.

"Magbihis ka, may pupuntahan tayo" matipid at matamlay na sabi ni madam Olivia, magsasalita pa sana ako kaso tumalikod at umalis na siya.

Bakit kaya hanggang ngayon ang tamlay-tamlay pa din ni madam Olivia? Chineck ko naman yung health status niya... okay naman siya. Ano kayang problema?



"Madam Olivia saan po tayo pupunta?" tanong ni Nenita, nasa kalesa kami ngayon, magkatabi kaming dalawa at nasa tapat namin si madam Olivia na nakapikit lang ang mata sa buong byahe.

"Ssshh... wag ka maingay, natutulog ata si madam Olivia" bulong ko kay Nenita. Kahit alam ko na hindi naman tulog si madam Olivia mukhang gusto lang niyang mapag-isa.

"hindi kaya----" hindi na natapos ni Nenita yung sasabihin niya sa'kin kasi biglang nagsalita si madam Olivia kahit nakapikit siya. "Naririnig ko kayo" banta niya at dahil dun napatahimik kami at napa-stiff ng upo. My gosh!

Ilang sandali pa tumigil na ang kalesang sinasakyan namin sa tapat ng isang malaking bahay "Sumunod kayo sa akin... at kumilos kayo nang naaayon sa tamang kilos ng mga kababaihan" bilin pa ni madam Olivia sabay tingin sa'kin, mukhang para sa'kin yung huli niyang sinabi. Gulp!

Bumaba na si madam Olivia sa kalesa at sinalubong siya ng isang matandang babae na nakasuot ng itim at ni Ginoong Valdez. Napangiti naman ako nang makita si Ginoong Valdez, balak ko sanang mag-hi sa kaniya kaso binigyan ako ni madam Olivia ng kumilos-ka-Carmela-ng-maayos-look.

At dahil dun napayuko at nag-bow na kami ni Nenita. "Maraming salamat sa inyong pagdating, tamang-tama ang pagdating niyo, maaari na ba nating umpisahan ang padasal?" tanong nung matandang babae, namamaga pa yung mata niya at mukhang wala din siyang tulog.

Tumango lang si madam Olivia at saka naglakad papasok sa loob ng bahay. Omg! Bakit di man lang niya kami pinakilala ni Nenita? Gosh! baka kilala na kami nung matandang babae.

Pagpasok namin sa loob, agad bumungad sa amin ang ilang kababaihan na nakasuot din ng itim at may ilang kalalakihan din ang nakaupo sa isang tabi. Nanlaki naman yung mga mata ko nang makita kung bakit kami nandito...

May burol.


Isang beses pa lang ako nakaattend ng burol at yun ay nung namatay si mommy. hindi ako tumingin sa kabaong ni mommy dahil natatakot ako at ayokong maalala yung mukha niya na nasa loob ng kabaong na yun.

Pero ngayon kitang-kita ko yung patay na matandang lalaki na na nakaburol sa gitna ng bahay, may tali yung baba niya at may bulak yung ilong niya. Oh! Oo nga pala, hindi pa uso ang formalin sa panahong to. 24 hrs lang ang burol at ililibing na kaagad kinabukasan.

"Carmelita... ano pang tinatayo mo diyan? Lumuhod ka na" bulong sa'kin ni Nenita tapos hinila niya ako papaluhod. Ouch! Yung tuhod ko huhu.

May inabot din siyang maliit na notebook sa'kin at nagsimula na kaming magdasal para sa patay. Whew! Buti na lang naka-tagalog form yung dasal kaya nababasa ko yung nakasulat sa notebook at nakakasabay din ako kina madam Olivia.

8 pm na ng matapos yung padasal, pakiramdam ko nabalian ata ako ng tuhod sa tagal ng pagluhod namin huhu. Nakaupo na kami ngayon ni Nenita sa isang sulok at binigyan kami ni Ginoong Valdez ng kape at biscuit. Samantalang, nag-uusap naman si madam Olivia at yung matandang babae na umiiyak kanina.

"Buti na lang at nakarating kayo rito mga Binibini" sabi ni Ginoong Valdez, napangiti naman kami ni Nenita. "Ginoong Valdez, ano po bang nangyari kay Don Diosdado?" tanong ni Nenita. Ohh! So magkakilala din pala sila ni Ginoong Valdez. Ayy oo nga pala, chief librarian si Ginoong Valdez baka nanghihiram siya dati ng books sa kaniya.

"Dalawang araw nawala si kuya Diosdado, at kaninang umaga lang natagpuan ang kaniyang bangkay sa harapan ng pintuan dito sa kanilang bahay... ang kaniyang asawa na si Donya Julieta pa ang nakakita sa kaniyang walang buhay na katawan" malungkot na sagot ni Ginoong Valdez, namamaga rin ang mga mata niya pero ginagawa niya ang lahat para pigilin ang pagpatak ng luha niya.

Napatingin ako dun sa matandang babaeng kausap ni madam Olivia, Ohh! So siya pala si Donya Julieta ang asawa ng nakaburol ngayon na si Don Diosdado na kapatid pala ni Ginoong Valdez. My gosh! Akala ko kanina asawa ni Ginoong Valdez si Donya Julieta... Whew! Buti na lang na-control mo ang careless mong bibig Carmela haaay.

"Po? Paano naman po nangyari iyon? Sino naman po ang gagawa ng ganoong klaseng krimen? Bakit naman po may magtatangka sa buhay ni Don Diosdado?" dire-direstong tanong ni Nenita. Mukhang kilala ni Nenita yung mga tao dito kaya mas magiging safe ako at maiintindihan ko lahat ng nagyayari. Basta tatahimik lang ako para less panganib.

"Sigurado kami na ang grupo ng mga rebelde na nais makaganti sa aking kapatid ang may gawa nito, kakatapos lang ng serbisyo ni kuya Diosdado sa gobyerno bilang taga-singil ng buwis dito sa Maynila noong nakaraang buwan... hindi namin akalain na papatayin siyang parang hayop ng mga makasalanang iyon" sagot ni Ginoong Valdez at nanginginig na siya sa galit, agad ko naman siyang inabutan ng baso ng tubig na nasa tabi ko at pinakalma din siya ni Nenita.

Kawawa naman si Ginoong Valdez at ang pamilya ng kuya niya. ilang sandali lang, nahimasmasan naman si Ginoong Valdez, kinuha ko na yung baso sa kaniya at pumunta sa kusina para iabot sa kasambahay nila yung baso ng tubig at tasa na pinagkapihan namin ni Nenita kanina.

Kaso nagulat ako at napatigil sa paglalakad nang makita ang isang pamilyar na lalaki na nakatalikod at nakatingin sa bangkay ni Don Diosdado. Humakbang ako dahan-dahan papaatras at balak kong magtago muna sa kusina para hindi niya makita kaso nagulat ako ng bigla siyang magsalita.

"Hindi mo na kailangan pang magtago... " narinig kong sabi ni Juanito at dahil dun naistatwa ako sa kinatatayuan ko.

Dugdug. Dugdug.

Napatulala naman ako sa kaniya nung bigla siyang lumingon sa'kin "Dahil kahit saan ka man magpunta... makikita at makikita pa rin kita" sabi pa niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.


~Magkalayong agwat
Gagawin ang lahat
Mapasa'yo lang ang
Pag-ibig na alay sa'yo~


~Ang awit na to ay awit ko sa'yo
Sana ay madama
Magkabila man ang ating mundo~



~Kahit nasan ka man
Hindi ka papalitan
Nag iisa ka lang
Kahit na langit ka at lupa ako~


~Ang bituin ay aking dadamhin
Pag naiisip ka sabay kayong
Nagniningning~



~Dito ay umaga at dyan ay gabi
Ang oras natin ay magkasalungat
Ang aking hapunan ay
Iyong umagahan~


~Ngunit kahit na anong mangyari
Balang araw ay makakapiling ka~


OH MY GOODNESS!

I KENNAT!


Dear Diary,

Gustuhin ko man magtago bago niya ako makita.
Tumalikod man ako bago siya magsalita.
Ibahin ko man ang aking mga kilos at gawa.

Ngunit alam ko sa sarili ko na hindi ako makaliligtas sa katotohanang... nahuhulog na ako sa kaniya at hindi ko na kayang itago pa.

Nagtatapat,
Carmela


*******************

Featured Song:

'Magkabilang Mundo' by Jireh Lim


https://youtu.be/Fuph57ZSp10

"Magkabilang Mundo" by Jireh Lim

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top