Kabanata 15
[Kabanata 15]
"Carmelita, ayos ka lang?" narinig kong tanong ni tiya Rosario, nasa kalesa na kami ngayon pabalik sa bahay nila dito sa Laguna. Tumango na lang ako sa kaniya.
Napatingin ako sa bintana, bumalik na din si Juanito sa Maynila, bago kami maghiwalay kanina hindi siya kumikibo, alam ko namang malungkot din siya sa nangyari sa pamilya nila Aling Trinidad pero parang alam niya na alam ko kung anong iniisip niya kanina.
"Magpahinga at Magpagaling ka na Binibing Carmelita, hanggang sa muli" yun ang sinabi niya sa'kin kanina bago ako sumakay ng kalesa, bakas sa mukha niya ang kalungkutan at poot.
Si Mang Nestor na asawa ni Aling Trinidad ay isang magsasaka sa aming Hacienda, at ayon din sa payat na matandang babae na bagong may-ari ng tindahan ni Aling Trinidad, nagnakaw daw si Mang Nestor ng isang kaban ng bigas sa hacienda ng mga Montecarlos.
Sino ba ang pinuno ng Hacienda at pamilya Montecarlos?
Walang iba kundi si Don Alejandro Montecarlos.
Biglang naalala ko yung sinabi sa akin ni Maria nung nagkausap kami sa labas ng bahay noong isang gabi...
"Hindi natin alam kung anong kayang gawin ni ama, minsan na niyang sinabi sa akin na masira na ang lahat huwag lang ang pangalan at dangal ng ating pamilya, kung kaya't natatakot ako na sabihin ang tungkol sa amin ni Eduardo" - Maria.
'Hindi natin alam kung anong kayang gawin ni ama'
Paulit-ulit yung tumatakbo sa isipan ko, naalala ko din noong kinausap ko si Don Alejandro nung sinabi ko sa kaniya ang pinapasabi ni Aling Trinidad...
"A-ama... kanina po sa palengke sa kabilang bayan may isa pong tindera ang nakiusap sa'kin na iparating sa inyo ang pakiusap nila na taasan daw po ang pasahod sa mga magsasaka ng ating lupain" - ako.
"Maari ko bang malaman kung sino ito? Mahalagang bigayng pansin at matugunan ang mga kahilingan ng ating mga manggagawa" - Don Alejandro.
"Si Aleng Trinidad po ng kabilang bayan" -ako.
"mabuti naman at inaalala mo ang kapakanan ng ating mga manggagawa, Bueno, itataas ko ang kanilang sahod sa sususnod na linggo" - Don Alejandro.
Bakit pala kailangan pang malaman ni Don Alejandro kung sino yung humingi ng pabor?
Pakiramdam ko tuloy may kasalanan din ako...
Binanggit ko ang pangalan ni Aling Trinidad kay Don Alejandro!
Pagdating namin sa bahay, magsisimula pa lang mag-tanghalian ang lahat, "Kanina pa namin kayo hinihintay, Kumain na tayo" sabi ni ina. Ngumiti naman si Tiya Rosario at agad naupo sa upuan.
"Carmelita, ano pang ginagawa mo? Halika na baka lumamig ang pagkain" sabi ni ina. Hindi ko alam pero naistatwa lang pala ako sa tapat ng pintuan. Nakatingin silang lahat sa'kin.
"May problema ba Carmelita anak?" narinig kong tanong ni Don Alejandro. Napatingin ako sa kaniya, sa totoo lang wala sa itsura niya ang pagiging mamamatay tao. at sobrang mapagmahal din siya lalo na sa kaniyang pamilya.
Kaya hindi ko magets kung paano niya magagawang ipapatay ang buong pamilya ni Aling Trinidad?
"Carmelita? Ayos ka lang ba?" narinig kong tanong ni Josefina. Bigla tuloy akong natauhan. "Uh---Oo naman" sagot ko na lang kahit pa mukhang husky yung voice ko at ibinaling ko ang paningin ko kay ina. "Ina, masama po ang aking pakiramdam, gusto ko po munang magpahinga" paalam ko. Napatayo naman si ina at hinawakan ang pisngi ko.
"Namumutla ka nga anak, halika sasamahan na kita" sabi niya, pero bigla kaming napatigil nang nagsalita si Don Alejandro. "Ingatan mo ang iyong sarili anak, Sige na magpahinga ka na, bukas na lang tayo babalik sa San Alfonso" sabi ni Don Alejandro.
Napayuko na lang ako at inalalayan ako ni ina pabalik sa kwarto. "Gusto mo bang magpatawag ako ng doctor?" tanong ni ina habang inaalalayan ako humiga. Keri ko naman humiga mag-isa kaya lang parang mas masaya kapag inaalalayan ni Donya Soledad.
Napailing naman ako "Oh baka mas gusto mong si Juanito Alfonso na lang ang tumingin sa iyo?" narinig kong pang-asar ni ina tapos binigyan niya ako ng ayieee-kinikilig-siya-look. Hindi ko alam pero bigla na lang ako natawa.
"Sinasabi ko na nga ba, nahuhulog ka na rin kay Juanito" sabi pa ni ina at dahil dun binigyan ko siya ng what-are-you-talking-about-look.
"Kagabi, habang sumasayaw kayo ni Juanito sa gitna, nakita kong kumikislap ang iyong mga mata habang nakatingin sa kaniya, madalas ka na rin nakangiti nitong mga huling araw" paliwanag ni ina habang nakangiti siya ng todo at hinihimas niya ang buhok ko.
Napalunok na lang ako bigla. Gosh! Ganun ba ako ka-obvious kagabi sa party? Oh baka naman ineecheos lang ako ni ina.
"Isang napakabuting tao ni Juanito Alfonso, kung kaya't masaya ako na siya ang makakatuluyan mo" sabi ni ina. Napapikit na lang ako, tama nga si Donya Soledad, mabuting tao si Juanito... kaya nga di ko maitindihan kung bakit may gustong pumatay sa kaniya sa araw ng kasal namin.
Kinabukasan, maaga akong ginising ni Maria. nakabihis na siya, mukhang pabalik na kami ng San Alfonso. Haaays. Wala ako sa mood ngayong araw. at ayoko pang bumalik ng San Alfonso.
"Carmelita! Hindi ka ba babangon? Magagalit si ama" narinig kong sabi pa ni Maria. tama! I think its time para malaman ko kung paano magalit si Don Alejandro Montecarlos.
Hindi pa rin ako bumangon, lumabas na si Maria sa kwarto at ilang sandali lang kasama na niya si Don Alejandro, ina, Tiya Rosario at Josefina.
"Carmelita anak, masama pa ba ang pakiramdam mo?" narinig kong tanong ni Don Alejandro at lumapit silang lahat sa'kin. nakataklob pa din ako ng kumot.
"Tiningnan ko na siya kanina, mukhang maayos naman ang kaniyang kalusugan" narinig kong sabi ni ina sa kanila. May boses na din pala ako, sana nga paos pa din ako ngayon eh.
"Carmelita, mahuhuli tayo sa pagdating ng barko kailangan nating-----" hindi na natapos ni ama yung saabihin niya kasi bigla na akong bumangon. Parang familiar sa akin ang scene na to, ganto kami magtalo ni daddy.
Sana si daddy na lang ang kasama ko ngayon... na-mimiss ko na siya.
"Hindi ako sasama" yun lang yung sinabi ko, nagulat namang silang lahat. "Carmelita, ano bang pinagsasabe mo? Hindi maari" narinig kong sabi ni ina at hinawakan niya ang balikat ko.
"Bakit ayaw mo sumama?" narinig kong tanong ni Maria napaupo na din siya sa kama ko. "May problema ba Carmelita?" tanong naman ni Josefina. Napa-iling lang ako.
"Bakit bigla ka na lang nagkaganyan Carmelita?" narinig kong tanong naman ni Don Alejandro, seryoso siya ngayon. Tapos bigla siyang tumingin kay Tiya Rosario "Donya Rosario, ano bang nangyari sa pagpunta niyo sa simbahan at pagpasyal niyo ni Carmelita kahapon?" tanong ni Don Alejandro kay Tiya Rosario.
Napatingin naman sa'kin si Tiya Rosario. Parang nag-aalangan siya magsalita. "W-wala naman Don Alejandro" sagot ni tiya Rosario. Pero mukhang hindi kumbinsido si Don Alejandro. "Alam kong mayroon, kung kaya't huwag niyo nang subukan itago sa akin" seryosong tugon ni Don Alejandro.
Natatakot ako na baka magalit si Don Alejandro kay tiya Rosario dahil ayaw magsalita nito kaya nagsalita na ako. "Pumunta ako sa sementeryo, walang kasalanan si tiya Rosario hinintay niya lang ako sa kalesa" sagot ko. Halos nanlaki ang mata ng lahat.
"A-anong ginagawa mo doon anak?" narinig kong tanong ni ina, halatang natatakot siya na baka pagalitan o parusahan ako ni Don Alejandro.
"Sinong nagdala sa iyo sa sementeryo?" narinig kong tanong ni ama. "Hindi ko pwede sabihin" sagot ko na lang. I've learned my lesson, sinabi ko sa kaniya noon na si Aling Trinidad ang humingi ng pabor pagkatapos niyon ay may masamang nangyari sa pamilya nila at ngayon kapag sinabi kong si Juanito ang kasama ko sa sementeryo, hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa kaniya.
"Bakit ka nagpunta sa sementeryo?" tanong ni Don Alejandro, mukhang gets na niya na ayoko sabihin kung sino ang kasama ko.
Parang bumilis yung daloy ng dugo sa katawan ko, parang sasabog din ang dibdib ko. Hindi ko napigilan pero tiningnan ko ng diretso si Don Alejandro sa mata. "Bakit mo pinapatay ang buong pamilya ni Aling Trinidad?!" seryoso kong tanong sa kaniya. Nanlaki naman ang mata ng lahat except kay Don Alejandro, wala siyang reaction.
Napatakip naman sa bibig si ina, Maria, Josefina at tiya Rosario.
"Carmelita! Mag-hunos dili ka!" sabi ni Maria.
"Carmelita, huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang iyong ama!" suway sa akin ni ina. At agad siyang lumabas ng kwarto, sinundan naman siya ni Maria at Josefina.
"Kung ayaw mo na akong makasama, naiintindihan ko, dumito ka na muna" sabi ni Don Alejandro. "Alam kong kumakalat na ang balitang iyan, pero hindi ko akalain na ang sarili kong anak ay maniniwala sa isang kasinungalingang para lang masira ang kaniyang ama" sagot ni Don Alejandro at may luhang namumuo sa kaniyang mga mata at tuluyan na siyang umalis.
Naiwan naman akong tulala, agad na lumapit sa akin si Tiya Rosario at niyakap ako.
Bakit ganun? Bakit hindi siya nagalit sa'kin?
Dapat ko pa bang pagdudahan si Don Alejandro?
Nang araw ding iyon, umalis na sila Don Alejandro, ina at Maria. sasama naman ako kay Josefina pabalik ng kumbento, gusto kong makausap si Madam Olivia. Kinabukasan, hinatid kami ni Tiya Rosario sa Maynila.
Pagdating namin sa tinutuluyan naming dormitoryo sa Colegio de Santa Isabel. Agad kaming sinalubong ni Madam Olivia. Hindi ko alam pero bigla na lang ako napatakbo papalapit sa kaniya at niyakap siya. matagal ko na rin hindi nakausap at nakasama si Madam Olivia, siya lang ang nag-iisang tao na nakakakilala sa totoong ako.
Sa kwarto muna ako ni Madam Olivia tutuloy hanggang hindi pa gumagaling si Helena sa bulutong niya. si Josefina naman ay makikishare ng kwarto kina Natasha.
Gabi na pero nakaupo lang ako sa kama habang hawak ang diary at nakatanaw sa bintana. Hindi ko naman namalayan na dumating na pala si madam Olivia.
"Bakit gising ka pa Carmela?" tanong niya. tapos napaupo siya sa kama ko. Parang tumatanda si Madam Olivia, naiistress siguro siya dito.
"Hinihintay ko po kayo madam Olivia, may gusto po sana akong itanong sa inyo" sabi ko, napatango naman si madam Olivia. At nakatanaw na din siya ngayon sa bintana.
Half moon ngayon pero maliwanag pa din ang gabi. Maraming ring bituin sa langit. "Nagtataka lang po ako madam Olivia, Ako po ngayon ang nasa posisyon ni Carmelita... kung ganun, nasaan po ang totoong Carmelita ngayon?" tanong ko, napahinga naman ng malalim si madam Olivia.
"Nandito lang siya, hawak mo siya ngayon... hawak mo ang kapalaran niya" sagot niya sabay turo sa diary. Omg! Nasa loob ng diary si Carmelita?
Dahil sa gulat bigla ko tuloy naihagis sa kama yung diary, Gosh! After all this time ang lapit-lapit niya lang pala sa'kin. Waaahh!
"Huwag kang matakot, natutulog lang si Carmelita at ang kaniyang diwa at kaluluwa ay nananahan sa diary na iyan, Hindi ka niya sasaktan dahil bago ka mapunta sa panahong ito alam na niya na darating ka upang tulungan siya" paliwanag pa ni madam Olivia tapos kinuha niya yung diary at hinimas-himas iyon.
Ano daw? Alam na ni Carmelita na dadating ako?
"Bago magpakamatay si Carmelita dumaan muna siya sa simbahan at nagdasal, isang linggong patay na noon si Juanito, nang araw na iyon nagdadasal din ako, narinig ko ang kaniyang panalangin, kaya pagkatapos niyang magdasal sa simbahan sinundan ko din siya palabas, desisdido na siyang magpakamatay dahil wala na si Juanito, inalok ko naman sa kaniya ang isang kasunduan na maaaring magpabago sa kanilang kapalaran ni Juanito, at ito ay sa pamamagitan ng pag-ulit muli nang nakaraan ngunit hindi siya ang magbabago nito, isang babae na magmumula din sa kanilang lahi ang mabubuhay na kamukhang-kamukha niya at siyang magsusulat muli nang kanilang kapalaran sa pamamagitan ng diary na ito" sabi ni madam Olivia. Nanlaki ang aking mga mata, hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko.
"Ang babaeng iyon ay magmumula sa lahi ni Maria kung kaya't bago mamatay si Carmelita ipinakiusap niya kay Maria na isunod sa kaniyang pangalan ang magiging anak ni Maria, ganoon rin ang kaniyang magiging apo at apo ng kaniyang apo, hanggang sa mabuhay ang babaeng itinakdang magbago ng kapalaran ni Juanito at Carmelita, at walang iba kundi ikaw iyon Carmela" sabi pa ni madam Olivia tapos hinawakan niya ang pisngi ko.
Napalunok lang ako at parang hindi ako makahinga. Tama nga si Lola Carmina, Ako nga ang magbabago ng kapalaran ni Carmelita.
"P-pero bakit po nagpakamatay pa din si Carmelita?" tanong ko, napahinga naman ng malalim si madam Olivia. "Bilang kapalit ng kasunduang iyon kailangan niyang isakripisyo ang kaniyang sarili" sagot ni madam Olivia. Gosh! Bigla akong napaatras. Hindi pwede!
"So ibig sabihin... patay na si Carmelita? Ma-tratrap na ko dito forever?" nagpapanic kong tanong, Waaahh!
Bigla namang hinawakan ni madam Olivia ang magkabilang balikat ko at hinarap niya ako sa kaniya. Napansin niya sigurong nagpapanic na talaga ako. "Huminahon ka Carmela... kailangang magpakamatay ni Carmelita upang matuloy ang pagtakbo ng panahon, si Carmelita ay hindi patay siya lamang ay natutulog ngayon sa diwa ng diary na ito, at sa oras na magtagumpay ka sa misyon mo makakabalik ka sa panahon mo at magigising muli si Carmelita, ngunit hindi niya na maaalala ang lahat" paliwanag ni madam Olivia. Bigla namang napakunot ang kilay ko.
"B-bakit hindi niya na maaalala ang lahat? Paano naman yung ginawa niyang sakripisyo para kay Juanito? Magigising lang siya na parang wala lang nangyari? Hindi na niya maaalala si Juanito?" sunod-sunod kong tanong binigyan naman ako ni madam Olivia ng chill-ka-lang-look.
"Alam mo na siguro ang katotohanan na si Carmelita lamang ang umiibig kay Juanito, unang beses pa lang nakita ni Carmelita si Juanito sa kaarawan ni Helena agad umibig si Carmelita kay Juanito, at kahit pa alam ni Carmelita na si Helena ang gusto ni Juanito pinili pa rin niyang mahalin ang binata kahit hindi siya mahal nito, at nang mamatay si Juanito sa araw mismo ng kasal nila, para kay Carmelita wala na ring saysay ang buhay niya dahil na wala si Juanito" sagot ni madam Olivia. Hindi ko namalayan na nakanganga pala ako the whole time na nagkwekwento si madam Olivia. Shocks! ang saklap naman huhu.
"Ipinagtapat sa akin ni Carmelita na mas gugustuhin niyang mamatay, maghintay ng matagal sa pagdating mo Carmela at makalimutan si Juanito sa oras na magising siya kaysa mamatay si Juanito habang siya ay patuloy pa ring nabubuhay at araw-araw ay hahabulin siya ng alaala at pag-ibig niya kay Juanito" dagdag pa ni madam Olivia.
"Omg! So ibig sabihin ang unang pagkikita talaga ni Juanito at Carmelita ay nung birthday ni Helena. Pero bakit sa UST kami unang nagkita ni Juanito? at dito rin sa dormitoryo una kaming nagkausap? " tanong ko, Grabe!
"Pinigilan kita noong gabing iyon diba? Ngunit hindi ka nakinig kaya ngayon hindi ko na alam kung ano pang ang susunod na mangyayari... mukhang nabago mo na nang tuluyan ang mga nakatakdang mangyari" sabi ni madam Olivia, seryoso na ang itsura niya ngayon.
Shocks! Kasalanan ko to huhu.
"P-pero yung taong gustong pumatay kay Juanito... hanggang ngayon ba yung taong yun, siya pa din ang papatay kay Juanito?" tanong ko. Kainis! Bakit kasi hindi ko binasa yung diary ni Carmelita nung binigay yun sakin ni Lola Carmina at least may idea sana ako ngayon kung anong mga susunod na mangyayari huhu.
"Marahil ay nagbago na nga ang takbo ng sitwasyon pero ang mga taong nasa likod ng pagpatay kay Juanito nakakasiguro akong sila pa rin iyon" paliwanag ni madam Olivia. Gosh!
"Sila? As in marami sila?" gulat kong tanong. Waaahh!
"Alam naman nating hindi makakagalaw ang isa kung walang tulong ng iba" dagdag pa ni madam Olivia. Sabagay, may point naman siya.
"Omg! Madam Olivia what should I do?" nagpapanic kong tanong. Tapos hinawakan ko yung braso niya. "Feel ko kasi si Don Alejandro ang master mind" sabi ko sa kaniya, bigla namang nanlaki ang mga mata ni madam Olivia at sinabihang wag lakasan ang boses ko. Agad niyang sinarado yung pinto at mga bintana.
"Sigurado ka ba Carmelita? SI Don Alejandro ay ang ama ni Carmelita, siya rin ay isa sa pinakamakapangyarihan at maimpluensiyang tao dito sa panahong ito" sabi ni madam Olivia, mukhang hindi rin siya makapaniwala na gagawa ng kasamaan si Don Alejandro.
"Kasee... feel ko may kinalaman si Don Alejandro sa pagkamatay ng buong pamilya ni Aling Trinidad" sabi ko sa kaniya, napailing-iling naman si madam Olivia.
"Carmela bukod sa kailangan mong mapagtagumpayan ang misyon na ito, mukhang kailangan mo ring ingatan at ipagtanggol ang pamilya Montecarlos lalo na si Maria, ang lahi ni Maria ay inyong pinagmulan, dahil sa oras na may mangyaring masama kay Maria..." hindi na tinapos ni madam Olivia yung sasabihin niya kasi alam niyang gets ko na yung gusto niyang sabihin...
Na sa oras na mamatay si Maria at hindi siya nagkaanak, kami nila Lola Carmina, mommy, Jenny at Emily ay hindi na mag-eexist sa future.
Waaaahhhh!
Ngayon ko lang narealize na sobrang mahalaga pala at dapat kong seryosohin ang misyon na to! Goooshh!
Kinabukasan, parang lutang ako sa ere. Grabe! Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pinagtapat sa'kin ni madam Olivia kagabi. Mukhang mas lalo akong maiistress nito huhu. Kaya pagkatapos namin magtanghalian pinuslit ko yung isang bote ng red wine sa cabinet ni madam Olivia at nilaklakan yun sa rooftop dito sa building namin. Syempre baka may makakita sa'kin at ayoko din mag-share sa iba haha.
6 pm na at naubos ko na yung isang bote ng red wine, Grabe! Hindi naman ako madaling malasing dati pero baka masyadong matapang ang alak na to. Sinubukan kong tumayo pero parang umiikot ang paligid ko at na-out balance pa ako buti na lang may humawak sa waist ko para hindi masubsob yung mukha ko sa sahig.
T-teka! Mag-isa lang naman ako dito sa rooftop ah...
paglingon ko sa likod, agad bumungad sa harapan ko ang mukha ni Juanito... at nakangiti siya?
"Carmelita, gising na!" nagulat ako nang biglang sumigaw si Josefina sa tenga ko. Waahh! At dahil dun napabangon agad ako. Ouch! Grabe! Ang sakit ng ulo ko...
Teka! So ibig sabihin hindi panaginip ang lahat? Bakit nahihilo ako?
Inamoy ko din ang sarili ko at amoy alak ako. "Kapag nalaman nila ama at ina na naglalasing ka, siguradong mapapagalitan ka" babala ni Josefina tapos inayos na niya yung higaan ko.
"Huh? naglasing ba talaga ako?" tanong ko, para kasing panaginip lang ang lahat, wala rin akong maalala.
"Eh anong ibig sabihin nito?" sabi ni Josefina at ipinakita niya sa'kin yung isang bote ng red wine at baso na nasa panaginip ko.
WAAAHHH! SO IBIG SABIHIN TOTOONG NAGLASING AKO?
GOSH! NANDUN SI JUANITO SA PANAGINIP KO------ IBIG BANG SABIHIN TOTOO DIN YUN?
"Hindi ko akalaing umiinom ka Carmelita, Ano na lang ang iisipin sa iyo niyan ni Ginoong Juanito? Na isang lasenggera ang mapapangasawa niya" sabi pa ni Josefina. Grabe! Parang tumitibok ang ulo ko huhu.
"Ano namang kinalaman ni Juanito sa paglalasing ko?" sarcastic kong sabi, Ohmyy! Nakalimutan kong mas matanda pala si Josefina sa'kin waahh!
at dahil dun napapamewang naman si Josefina at hinarap ako "Si Ginoong Juanito lang naman ang nagdala sayo dito, lasing na lasing ka kaya kagabi at kung ano-ano lang naman ang pinagsasabi mo sa kaniya" sarcastic na sagot din ni Josefina. Waahh! Seryoso?
"P-paano nalaman ni Juanito na nasa rooftop---ah! Este nasa taas ako?" tanong ko, Gosh! Hindi pa rin pala natatapos ang kahihiyan ko kay Juanito huhu.
"Dumating siya kahapon at hinahanap ka niya, nakita naman kitang umakyat papunta sa itaas kaya sinabi kong nandoon ka" sagot ni Josefina. Waaahh!
"Baket mo sinabe? Waahh" sigaw ko, bigla namang natawa si Josefina, mukha kasi akong batang nagtatantrums ngayon huhu.
"Malay ko bang naglalasing ka, at isa pa nakatakda kayong ikasal kung kaya't ayos lang na magkita kayo kahit anong oras niyo gusto" sagot ni Josefina. Omygaaaashh!
Agad kong tinaklob yung unan sa mukha ko at napasigaw ako. Mababaliw na ata ako dito huhu.
Kinahapunan, buong araw akong hindi lumabas ng kwarto kaso pinilit ako ni madam Olivia lumabas dahil magdadasal kami pagkatapos mag-dinner.
Pagkatapos mag-dinner aakyat na sana ulit ako sa kwarto kaso inutusan ako ni Josefina na itapon yung basura sa likod sa labas ng kusina.
At dahil mas matanda siya sa'kin wala akong magawa kundi sumunod. Kawawa pala talaga maging bunso, naiintindihan ko na ngayon si Jenny at Emily huhu.
Pagkatapos ko itapon yung basura babalik na sana ako sa loob kaso biglang may humawak sa wrist ko at kinaladkad ako papalayo sa building namin. Sisigaw sana ako kaso narealize ko na si Juanito pala yung humihila sa'kin.
Waaaahh! Kikidnapin niya ba ako?
"Teka----Saan mo ba ako dadalhin?" reklamo ko sa kaniya habang umakyat kami sa hagdan Gosh! Grabe! Napagod ako sa pagakyat sa hagdan, sana talaga may elevator sa panahong to haays.
Pagdating namin sa isang balkonahe binitawan na niya ang wrist ko. "Ano bang ginagawa natin dito?" reklamo ko pa ulit, kanina pa ako nagrereklamo sa kaniya pero di siya nagsasalita.
Napapikit siya at napangiti habang finefeel yung hangin dito sa tuktok, nasa 3rd floor lang naman kami ah, akala mo naman nasa bundok siya tss.
"Gusto ko lang ipakita sayo ang paborito kong lugar dito" sabi niya, napakunot naman ang noo ko. Bakit di niya sinabi sa'kin kanina? Muntikan pa akong mapaos ulit kakareklamo sa kaniya kanina eh.
napatingin naman ako sa paligid. kahit nasa 3rd floor lang kami, natatanaw pa din namin yung malawak na lupain sa di-kalayuan at ang nakapalibot na pader ng Intramuros.
Magrereact sana ako kaso nagulat ako nang bigla siyang naglakad papalapit sa'kin. "May gusto sana akong ibigay sa iyo" sabi pa niya tapos nagulat ako nung bigla niyang hinawakan ang kamay ko at may nilagay siya doon.
~Nang makita ka
Ay di na magawa
Nakalimutan at lagi isipin na
Araw araw ay naghihintay sayo
At sana minsan pa ay makasama mo~
~Oh, ang mga titig mo
Ay di na mawala sa isipan
Ahh aking nadarama ay paano kaya maiintindihan~
~Dito sa puso ay napapansin na naroon ka na
Maging sa panaginip
Ay patuloy at lagi kasama ka
Di maawat ang puso na ibigin ka~
Nang binuklat ko ang kamay ko, bumungad sa'kin ang isang kuwintas na may bilog na pendant sa gitna at gawa ito sa kahoy, may nakasulat doon sa kuwintas----
Biglang nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko kung anong nakasulat sa kuwintas...
Carmela
Teka! Baka naduduling lang ako? bakit Carmela ang nakasulat dito sa kuwintas?
"Nagustuhan mo ba... Binibining Carmela?" tanong niya habang nakangiti. Napatulala lang ako sa kaniya.
What-The-Heck.
Dear Diary,
Paano nalaman ni Juanito ang totoong pangalan ko?
WAAAAAHHHH!
Help me!
Nagugulumihanan,
Carmela
***********************
Featured Song:
'Dito sa Puso' by Lovi Poe
https://youtu.be/VTk4Pf42SBg
"Dito sa Puso" by Lovi Poe
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top