Special Chapter
💮💮💮💮
Third Person POV
"Hoy, sml? " sabi ng babaeng si Kate sa kausap niyang babae. Hindi naman maipinta ang mukha ng babaeng kausap niya.
"Kausap ba kita? " Naka arkong kilay na pagtatanong ng babae kay Kate. Napatawa naman si Kate ng malakas. Oo, malakas talaga siyang tumawa.
"Sml? " natatawa pa ring sagot ni Kate.
"Kainis! Sino bang nagpauso niyang Share mo lang ha? Sabihin niyo dahil pupugutan ko ng ulo. " naiinis na pagwiwika ng babae.
"Pff... Pikon! " nang-iinis na sabi ni Kate sa kausap nito.
"Tumahimik ka! " naisigaw ng babae. Agad namang napahinto si Kate sa pagtatawa at syaka ibinilak ang dating postura.
"Joke lang Krystal. Ito naman hindi mabiro. Nakikiuso lang ako. " maamong pagkasabi ni Kate kay Krystal, yung babaeng kausap niya.
"Heh. Famous ka na ba sa ginawa mo? " naiinis na wika ni Krystal. Sino ba kasing hindi maiinis kung pinutol yung dapat mong sasabihin tapos nakakainis naman talaga iyang Share mo lang.
"Duh. Millennials kaya tayo like hello we are the 21st century. " Arte na pagkasabi ni Kate. Napaikot mata na lang si Krystal.
Sa kabilang banda ay nag-uusap sina Xyla at Tepes. Klarong -klaro ang mukha ni Tepes na para bang hindi ito interesado sa mga sinasabi ni Xyla. Klarong-klaro din sa mukha nito na gusto ng manapak ng tao.
"..at alam mo ba Tepes. Nakakaloka talaga dahil sa sobrang bobo nung lalaki ipinasok niya mukha niya sa.... Teka. Ano bang tawag doon? Nakalimutan ko pero ilalarawan ko na lang. Para siyang kulungan tapos... Ah basta! Dumudugo utak ko sa kakaisip. Basta yun na yun. " mahabang pagkukwento ni Xyla kay Tepes. 'Hanga din ako sayo Xyla. May lakas ka pang manglait at tawaging bobo yung lalaki. Eh, bobo ka rin naman. ' pagkokomento sa isip ni Tepes kay Xyla.
"Hoy! Nakikini--------" bago pa matanong ni Xyla ang dapat niyang itanong ay pinutol na ito ni Tepes.
"Share mo lang? " naka poker face nitong sabi kay Xyla. Naks! Nakikiuso din ang pusa natin.
~*~*~*~ Next scene (A/N: charrotttttt )
At ito naman po ang iyong Otor naghahanap na naman ng away. At dahil ako ang pinakamabait na tao ay ako na lang ang manghihingi ng sorry sa inyo dahil Napaka slow po talaga ng update ng storyang ito.
(A/N: Oo na, gets ko na. Back to the story na tayo.)
Tunghayan naman natin si Jake Mark at ang baby damulag natin. Nasa Seawall sina Jake at Kristian gumagawa ng kanilang proyekto. Busy ang lahat ng biglang nautot si Kristian. Pooofffttt ang tunog ng utot niya. Naamoy naman ng lahat ang utot ni Kristian at agad nagtakip ng ilong. Maski nga ang mga dumadaan napatakip din ng ilong.
"P*ta ang baho." komento ni Kath at lumayo sa kanilang lahat. As in lahat talaga.
"Hoy, sino yung umutot? " tanong ni Syndie. Itinuro ng lahat si Kristian na painosenteng tumingin sa kanya.
"Hala! Hindi ako yun. " parang nagulat na pagtanggol ni Kristian sa sarili na obvious namang siya talaga ang umutot. Sa lakas kaya ng utot niya sino ang hindi makakarinig. 'Deny pa more. ' pag iisip ng lahat. O, diba? Pareho ang lahat ng iniisip. Wala ka ng takas ngayon baby damulag.
~*~Sa imahenasyon ni Kristian~*~
Nagkalat ang mga pulis sa Seawall dahil may huhulihin silang isang salarin. Nagkalat ang mga reporter sa paligid. May maraming taong nagproprotesta.
"Nagkalat po ang mga pulis at mga protestanti sa paligid. Di umano ay isang salarin ang sanhi nito. Ang salarin ay hinuli pa ng mga pulis. Nagkasala daw ito ng labag sa batas ang UTOT law. Nag-uulat Ted Failon. " sabi nung reporter.
Inilabas si Kristian sa isang abandonadong basement. Naipikit niya ang kanyang mata dahil nasilaw siya sa liwanag na dala ng kamera. Ang una niyang nakita ng mahimasan siya ay ang mukha ng pinakamamahal niyang si Kate. Naipinta sa mukha ng babae ang pangdidiri.
"Grabe, siya pala iyong nautot. Kadiri naman." sabi ni Kate at narinig naman iyon ni Kristian kaya napasigaw siya ng wala sa oras.
~*~ end of imagination~*~
"Waaaaaahhhhh! " sigaw ng kawawang Kristian. Nabigla naman ang lahat sa biglang pagsigaw niya. Kaya binatokan siya ni Jake Mark.
"Anong nangyare sayo? " walang ganang tanong ni Jake Mark kay Kristian.
"Ang bad ng imagination ko. Inaaway ako ng crush ko. " Pagsusumbong ni Kristian.
" Sml? " nakangising wika ni Jake. Nagulat naman ang lahat sa sinabi ni Jake. First time kasi nilang makitang nakikiuso ito. Nang mahimasmasan ay tumawa sila. Sa buong maghapon ay nag-uusap at nakalimutang deadline na bukas sa proyektong ginawa nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top