//9//




Xyla's POV



     "Kuya, san ba tayo pupunta?" pagtatanong ko kase naman e. Kanina pa kami pa ikot ikot dito.

  "Walang tayo." ani niya. Wahhhh! Ang harsh naman non, awts.

"Kanina pa tayo paikot ikot dito. San mo ba talaga plano pumunta? I mean hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko sabay smile sa kanya pero dakilang snobber talaga kuya ko kaya hindi ako pinansin. Bwesit lang!

"Hoy babae!" biglang sigaw ni Kuya kaya nagulat ako don.

"Bat kaba nanggugulat kuya ha? Magkakaroon ata ako ng sakit sa puso." sabi ko.

"Makakauwi na sana ako ngayon kung hindi ka sunod ng sunod. Pakiusap lang please. Umuwi ka na." pagpapakiusap ni Kuya sa akin. Tatanggi na sana ako ng makita ko si Tepes sa may sanga ng puno. Nanlaki ang mata ko. Pupuntahan ko na sana si Tepes ng maalala ko si Kuya.

"Kuya. Hate mo na ba talaga ako?" seryosong tanong ko. Napaiwas naman ito ng tingin.

"Hindi naman sa ganon but I don't know you. Biglaan ka na lang sumulpot at lagi mong sinasabi na Kuya mo ako na hindi naman totoo dahil wala akong sister na katulad mo. Siguro kamukha ko yung kuya mo kaya akala mo siguro na ako yun pero sad to say na hindi ako yun kaya please lang....lubayan mo na ako." mahabang sabi niya na nagpatulo ng luha ko siguro nga hindi siya yung kuya ko. Siguro nga nagkamali lang ako pero ang sakit e. Bakit masakit?

"I don't need to comfort you and sana mahanap mo na yung kuya mo." dagdag niya pa sabay alis. Totoo namang di niya kailangang e comfort ako hindi ko naman siya kaano-ano.

Naglakad na ako palapit kay Tepes. Grabe yung luha ko ayaw tumigil sa kakatulo.  Habang naglalakad ako nakatitig ako kay Tepes. Sadista ata tong bestfriend ko. Hindi man lang ako dinamayan sa pag-iyak.

"Huwag ka ng umiyak diyan Xyla. Nagiging pangit ka e." pagkarating ko yun agad ang sinabi niya sa akin. Wow, grabe sinabihan pa akong pangit. Nag expect pa naman ako na ecocomfort niya ako. Hays.

"Grabe ka naman Tepes. Maganda pa rin naman ako diba?"  nakangusong sabi ko ngunit ang pusang galang iyon tinawanan lang ako.

"Mas lalo kang pumapangit." natatawang komento niya. Wee? Di nga? Ang cute ko kaya.

"Hindi ka cute Xyla." ani niya. I don't believe you. Sinungaling ka. Cute ako! Cute na cute na cute ako. Napakacute ko.

"Ingay mo! Sige na cute ka na." naiinis na wika ni Tepes. Diba? Inamin din. Hindi niya ma carry yung cuteness ko. Like oh my god!  " Teka! may susunod pa. Ito naman excited masyado." dagdag niya pa.

"Nako! Hindi na kailangan Tepes." sabi ko sabay flip ng beautiful hair ko. Wag ka nagsun silk  kaya ako. Have a great hair day!

"Certified ugly totally ew."  pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumawa siya ng tumawa ng tumawa hanggang sa makautot siya. Haha, joke lang.

"Wala akong narinig Tepes. San ba tayo titira ngayon Tepes?" Napachange topic na lang tuloy ako bigla.

"Sa abandonadong classroom na lang tayo pansamantalang tumira." Sagot ni Tepes. Hala! Sa abandonadong classroom?! Luhh ayoko don. May momo dun.


"No way! Ever!" Agad kong pagtatanggi.

"Wala na tayong ibang pupuntahan! Ang tanging choice na lang natin ay tumira muna doon at ano ba Xyla! Laking laki muna takot ka la rin sa multo. Fyi, immortal ka. Blood sucker ka! Bampira ka!" Pagsasabi ni Tepes sa akin. Galit lang ang peg? Galit na galit? Badmood?

"Huwag mo akong subukan Xyla. Mabilis akong magalit alam mo yan." nakakunot noong sabi ni Tepes sa akin.

"Joke lang. Halika na sa Abandonadong classroom!" pagkatapos kong sabihin yun ay kinarga ko si Tepes at tumakbo latungo sa aming destinasyon!




Nakarating na kami ni Tepes sa abandonadong classroom. Sa tingin pa lang masasabi mo talaga sa isipan mo na ayaw mong pumasok. Nakakatakot! Please lord kung may mangyari man sa akin  mamaya o kundi ngayon na. Pakiusap lang, pakiss muna kay kuya. Jokeeeee! maalala na ako ni Kuya. Oo, binbawi ko na po yung mga sinabi ko kanina na siguro hindi ko siya kuys etc. Kuya ko po siya Lord.


"Ewan ko sayo Xyla." Eh? panira moment tong si Tepes kahit kailan.

"Tepes, Are you not scared?" tanong ko.


"No. Bakit naman ako matatakot? Hindi ka naman madaling patayin."sagot niya. So bad mo Tepes.



"Nang sinabi mo yan. Natakot ako bigla sayo parang may plano kang patayin ako." natatakot kong wika sa kanya.

" Duh, bakit naman kita papatayin? Nakalimutan mo na atang konektado buhay ko sayo. Kung mamamatay ka, ganon din ako at kung mamamatay ako wala lang sayo kaya unfair." pag-eexplain ni Tepes sa akin.


"Huwag kang mag-alala Tepes. Hinding hindi ako mamamatay lara sayo." nakasmile kong wika sa kanya. At dahil sadista iyang pusang yan hindi man lang natouch, tinalikuran lang ako.


"Ano kaya gagawin ko bukas?" out of the blue kong tanong.


"May pupuntahan ako bukas kaya wag kang magtataka kung wala ako pagka gising mo." sabi ni Tepes. Huh? San siya pupunta? Kaya kahit nagtataka ay tumango na lang ako.


"Muntik ko ng makalimutan! Huwag na huwag na huwag mong sasabihin sa kahit na sino na bampira tayo okay?" seryosong bilin niya sa akin. Buti na lang pala may bumato sa akin non kung hindi baka patay ako kay Tepes.


"Roger!" lagkatapos kong sabihin iyon ay nagsalut ako. Haha, feel ko tuloy isa akong sundalo. Harap sa kanan! Harap sa kaliwa! Handa harap!


"Baliw." komento ni Tepes. Nakalimutan ko na naman na nakakabasa pala ito ng isip si Tepes.



"Sorry." sabi ko.


"Ang ingay mo. Halika nga dito at tituruan kita kong pano magsara ng isip. Para naman hindi ko na marinig  iyan." sabi ni Tepes. Lumapit ako sa kanya.



"Okayyy." ako.



"Magrelax ka muna. Iwagayway mo ang mga kamay mo." utos niya na sinunod ko naman.


"Close your eyes at sabihin mo ang salitang Myalò Kontá Ekmageío." sabi ni Tepes.


"Ano ibig sabihin non?"  pagtatanong ko.


"Magfocus ka nga Xyla mamaya muna iyang mga tanong mo." Hala, nagalit na naman si Tepes.


"Nagtatanong lang naman. Galit agad." bulong ko pero mukhang narinig iyon ni Tepes napa peace sogn tuloy ako.


"Mind. Close. Cast." nakakunot noong sabi niya. Eh? No daw?



"Yun ba yang meaning?" tanong ko para sure. Tumango lamang siya.



" Sige gawin mo na yun." utos ni Tepes na sinunod ko naman. Mahirap na baka magbangis siya. At magiging leon haha.  "Focus." okayyyyy.



"Myaló Kontá Ekmageío!" wag ka sinigaw ko yun para feel niyo haha. Kailangan ko palang magfocus.



I can feel  the coldness of the night parang naka aircon lang. Oy! Bakit uminit? Luh, napatay aircon? Di joke lang. Aray! sumakit bigla yung heart ko. Anyare?



"Open your eyes dear." sabi ng isang boses. Idinilat ko naman ang mga mata ko.


"Eh?" react ko. Kasi nawala bigla si Tepes at bigla na lang babae ang nakita ko.



" Do you want to unlock me?" tanong nung babaeng mahaba ang puting buhok. Tangina lang. Ang ganda pre! Nakakatibo.

"Who are you?" tanong ko. Pasensya na uso kasi sa amin ang kapag nagtanong ka sasagotin mo ng tanong. Imba!


"I am you. You are me." sabi niya tapos nagsmile. Anong I am you, you are me? Hindi kaya white buhok ko. It's black.


"Ikaw siguro si Tepes. Pero babae si Tepes?" tanong ko.


"No, I'm not. I'm not Tepes. I am you. Do you wanna free me?"  mahinahong sagot niya na sinundan naman ng tanong.




"Eh? Nani?" Yon ow! Napajapanese ako bigla. Watashi wa tamago? Haha joke.



"Tangina naman oh. Palalayain mo na ba ako?" Hala nagalit. Yung kaninang mahinahon at mahinhin na babae napalitan ng amazona.


"Anyare?" react ko na naman.

"Anyway, just touch my hand." sabi nung babae. Oy, chansing.


"Gusto mo lang pala mahawakan yung kamay ko. Kung ano lang sinasabi mo diyan." Kinikilig kong sabi sa kanya. Tibo na ata ako.



Unti-unti akong lumapit sa kanya. Nakasmile pa rin siya. Ayiiieeee, kinikilig din siguro siya. Ikaw ah. Gusto mo pala ako. I reach out my hand and when my hand finally touches her. May kung anong light na bumalot sa akin. Anyare? Nasisislaw ako? Takot pa naman ako sa mga light baka mapaso pa ako diyan.



"Hoy Xyla!" isang sigaw ang nagpabalik sa akin. Aray, sakit non.



"Tinulogan mo lang ako." Eh? Tinu---tinulogan? Eh? Nani?


"I don't understand." sabi ko.

"Englisera ka na naman."  sabi ni Tepes. Ayy siguro panaginip lang yung lahat. Nakakahawa din kasi yung babae sa panaginip ko. English ng english.

"Umaga na. Aalis na ako." Pagpapaalam ni Tepes. Ay, oo nga pala. May lakad pala siya ngayon. San kaya yon pupunta? Baka may girlfriend na iyang si Tepes ha.


Pero weird talaga mg panaginip ko. Hindi ako makaget-over. Ano kaya ibig sabihin non? Ah basta. Bahala na nga yung panaginip na iyon. Busy ako kakaisip kong paano ko susuyuin ang Kuya Xenon ko. What to do?








To be continued........



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top