//5//
💮💮💮💮
Jake Mark's POV
Nandito ako ngayon sa bahay ng kaibigan kong si Kristian. Pupunta kasi kami ngayon sa bahay ng kaklase ko para gumawa ng group activity at aba naman ang baby damulag na ito! Kung kumilos parang babae, ang bagal! Ang daming ritwal na ginagawa. May pasabi sabi pang 'hello there handsome..' nyaa..parang tanga lang.
"Ano tian? Tapos ka na ba diyan sa ginagawa mo?" Nakapoker face kong tanong sa kanya.
"Hala! Kanina pa kaya ako tapos boy." Sagot nito. 'nyeta lang! Sarap magmura as in.
"Bakit hindi mo sinabi tian? Late na tayo oh! Papagalitan na naman tayo ng leader natin." Pagalit kong sermon sa kanya. Wala na,galit na talaga ako sa baby damulag na ito sarap ipatapon sa mars este kung saang lupalop na lang para sure na hindi na makakabalik tong kupal na ito.
"Nagtanong ka ba boy?" painosenteng tanong niya. May painosente pang nalalaman hindi naman mukhang inosente. Chicksboy!
"Urghh!! Bahala na. Tara na nga!" sabi ko.
Umalis na kami sa bahay niya at agad na pumunta sa bahay nila Kath. At sa mga oras na tumuntong kami sa balkonahe...... Nasa harap na namin ang mukhang baboy ramo na leader namin. 'Hala, Ginoo tabangi ko!' naisaad ko sa aking isip.
"Late na naman kayo ni Kristian, Jake! Bakit ba parati niyo itong ginagawa! I won't tolerate this action anymore. Isusumbong ko na kayo kay Prof. Sanchez." Pagsasabi nito sa aming dalawa. Kasalanan ng baby damulag ito parati na lang akong late sa mga group activities namin.
Natapos na ang mahabang lecture ni leader sa amin ay sinimulan na naming gumawa ng project. Naggugupit ako ng mga ginuguhit ng kapatid ni Kath na si Kate. Mahilig kasi siyang gumuhit ng mga bagay - bagay kaya pabor na din sa amin to. Sa totoo nga ang cute niya, lalo na yung cheeks niyang mataba. Kanina ko pa nga nakikita tong si Tian na sumusulyap kay Kate. May pagtingin ata ang Damulag na ito sa kapatid ni Kath.
"Ang cute niya no?" Saad ko sabay siko kay Tian. Tumingin naman ito sa akin na para bang nagtataka. May paakting-akting pa ang Damulag na ito, eh halata naman.
"Sino? Si Kate? Hala! Hindi no." Pagtatanggi niya. Tignan mo itong gagong to. Defensive... I like it.
" Hala! May sinabi ba akong si Kate yung tinotukoy ko? Diba wala?" Nakangising tukso ko sa kanya.
"Tsk. Nakatingin ka kaya sa kanya pagsabi mo, gago." Inis niyang sabi sa akin. Haha,pikon.
"Parang nakatingin lang yong tao. Kung tumulong ka na lang kaya." Wika ko.
Nagsimula na siyang maggupit ng kung ano-ano. Nakakunot ang noo niya habang ginagawa yun. Ang tagal naman makaget over ng Baby Damulag na to. Isinasapuso ang tukso ko.
"Hoy! Ayusin mo nakatingin si Kate sayo." Ani ko. Agad naman siyang tumingin kay Kate na busy sa pagguhit.
"Sarap mo upakan boy." Nasaad na lang niya sa akin.
Nalunod na kami sa mga ginagawa namin. Tahimik ang namayani sa isang oras hanggang sa tumayo ang leader namin. Pumunta sa mga tools na natitira sa box at naghuhukay doon. Tapos unti-unting kumokunot ang noo.
"Kath. Bakit kulang ang gamit natin? Saan yung iba dito?" Pagtatanong ni Kennethyl kay Kath.
"Baka nasa bodega. Kate, tignan mo nga kung nandoon." Utos ni Kath kay Kate.
Tumayo naman siya at umalis. Makalipas ang tatlong minuto ay bumalik na siya rito. Na walang dala. Wala siguro doon ang ipinaghahanap ni Leader.
"Wala?" Takang tanong ni Kath sa kapatid. Napakamot naman ito sa ulo.
"Ewan? Hindi kasi ako nakapasok kasi....ano.....ang dilim kasi eh." Utal niyang pagkasabi habang nakanguso. Ang cuteeee.... Tinignan ko naman si Tian na ngayon ay pulang pula ang mukha pati na iyong tenga niya.
"Bumalik ka nga doon. Ang tanda mo na para matakot sa dilim. Kristian samahan mo nga iyang kapatid kong matatakutin." Sabi ni Kath. Haha, tignan mo nga itong Damulag na to. Parang nilayasan ng kaluluwa sa katawan.
"Ha? Si boy na lang. Ayoko!" Agad niyang pagtanggi.
"Bakla ka ba Kristian? Huwag mong sabihing takot ka din sa dilim?" Naiinis na sabi ni Kath kay Tian. Napabuntong hininga na lang si Tian at tumayo pagkatapos ay sumunod kay Kate.
Bumalik agad kami from what we are doing at sinimulan ng pagdikit dikitin ang mga parts. Malapit na naman kaming matapos kaya tiis muna. Hindi nagtagal ay dumating na sina Tian at Kate dala ang isang malaking parte na si Tian lang ang nagdala. Pagentle man pa ang gago.
"Mabuti naman at nandito na kayo. Guys! Double time. Tapusin na natin to para makauwi na tayo dahil maggagabi na." Wika ni Kennethyl sa amin.
Hindi ko namalayan na maggagabi na pala. Kaya binilisan ko ang kilos ko. Seryoso!!Gusto ko ng umuwi. Hays, pagod na pagod na ang katawan ko. Lumipas ang ilang oras ay natapos na namin ang project. Kaya agad kong kinuha ang bag ko at nagpaalam.
"Tian! Halikana, gabi na oh." Pagyaya ko kay Kristian.
"Ah...ahm...Kuya Jake!" Tawag ni Kate sa akin. Lumingon naman ako at nginitian siya.
"Bakit?" Tanong ko.
"A..ano. Ingat ka sa pag uwi." Nauutal na naman nitong wika.
"Salamat. Sige, bye." sabi ko at nagtungo na sa bike na nakaparada sa may gilid ng gate.
Umalis na kami at agad na tinungo ang daan pauwi sa mga bahay namin. May kalapitan kasi ang bahay namin ni Tian kaya magkasabay kaming umuwi. Habang nagdadrive napansin ko ang tahimik nitong si Tian. Nakapapanibago nga datirati kasi kahit nagbabike kami ang ingay niya kaya tuloy nasisita kami ng mga tao.
"Hoy! Anong problema mo?" Pasigaw kong tanong sa kanya.
"Wala boy." maikli niyang sagot sa akin.
"Bahala ka nga. Nandito na ako kaya bye." sabi ko na may kasamang salute. Tanging tango lamang ang iginanti niya sa akin. Naks! May problema yon. Sure ako. Pero ano bang paki ko friends lang naman kami. Labas na ako doon.
Pumasok na ako sa bahay at nagbless kay mama. Kumakalam na ang sikmura ko. Hahays perks of being gutom. Dumiretso agad ako sa dining pagkatapos kong ilagay ang bag sa sofa.
"Nagabihan ka ata Jake." Wika ni Mama sa akin.
"Natagalan kasi kami sa paggawa ng project nay." sabi ko habang kumukuha ng plato at kutsara.
"Ah..ganon ba? Hala, sige kumain ka muna at natitiyak kong gutom ka na." Saad ni mama at umalis sa dining.
Agad ko namang nilantakan ang pagkaing nakahain sa mesa. Grabe, ang sarap talaga ng mga pagkaing niluluto ni mama pero walang mas sasarap sa luto ni..........Teka. Luto nino? Bakit parang ramdam kong may nakalimutan akong isang bagay na pinakaimportante sa akin. At ano yun? Bakit di ko maalala? Hindi ko namalayan na tumulo pala ang isang butil ng luha sa aking mata. Bakit nalulungkot ako? Napatingin ako sa nagliliwanag na buwan sa bintana.
'Asan ka na ba?'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top