//4//





Xyla's POV

   

                           💮💮💮💮

Nakaupo't nakatulala sa gawing kanan ng Karinderyang ito habang nag-iisip kung ano ang gagawin ko. Hays..gagawin ko ba iyon? Nihindi
nga ako marunong maghugas ng plato. What to doooo??? Nababaliw na ako sa kakaisip kung ano? Ano ang gagawin ko. Huhu, naiiyak na ako.

"Maghugas ka na lang ng plato Xyla. Tuturuan na lang kita kung paano." sabi ni Tepes na sanhi ng pagsaya ko.

"Tepes.." Nasisinok na ani ko.

Tumayo ako at dumiretso patungo sa lababo kung saan nakalagay ang tambak-tambak na hugasin. Hahays..nalula lang ako sa pagtingin kung gaano karami ang huhugasan ng mga maliliit kong kamay. Nagtataka siguro kayo kung paano ko napapayag ang Ale no?

~*~*~*~*~

"Yan! iyan ang babaeng ayaw magbayad. Hala sige ikulong niyo na yan!" utos ng Ale sa mga kawal. Sarap kagatin ng daliri niyang nakaturo sa akin. Nakikikain lang naman ako ah.

Lumapit patungo sa akin ang mga nakablue na kawal. Hala! Why me?  Nakooo!! Sarap kalbuhin ng  matandang ale na kulubot ang mukha. Pero actresss mode muna ako ngayon. Wag ka! Ayokong makulong. Bali-balita sa amin na mabaho daw ang mga kulungan.

"Aleng maganda!! Huwag please. May mga kapatid pa akong pinapakain tapos huhu yung mama ko may sakit. Ang kuya ko pa nawawala. Huwag niyo po akong ipakulong!! Maawa kayo sa akin. Ano na lang mangyayari sa mga kapatid ko pati sa mama ko. Pahugasin niyo na lang ako. Maganda naman po kayo diba? Sige na po..Pahugasin niyo na lang ako ng gaano karaming plato,baso,mga kutsara,tinidor basta Huwag niyo po akong ipakulonggggg!!" Mahabang pakikiusap ko sa Ale na ngayo'y tinaasan lang ako ng kilay. Kaya nagpuppy eyes ako sa harapan niya.

" Hindi uubra sa akin iyang mga palusot mo iha. Alam ko na yang mga galawang iyan. Ano akala mo sa akin? Uto-uto? Bwesit kang bata ka!" so harsh naman pow pero mukhang immune na ata siya dito eh.

Hinarap ko ang pulis at saka dun ng puppy eyes. Nakakatakot yung tingin nila sa una pero lumambot naman ng sinabayan ko ng teary eyes,haha. Tsundere na ako!! Ajejejejeje.

"Madam maawa ka naman sa bata baka nahold-up lang siya  tapos gutom na gitom na siya pero wala siyang pera. Kung ikaw napunta sa sitwasyon niya, anong mararamdaman mo?" wika ni kawal 1 kay aleng kulubot,hmp.

"Oo nga naman madam. Palagpasin niyo na muna ito sa ngayon. Sabi naman ng babae na maghuhugas daw siya ng mga pinggan eh." dagdag naman ni kawal 2.  #charmness rises to 100. ^3<

~*~*~*~*~

  So ayun nga nangyari kaya eto ako ngayon nanghuhugas habang yung Ale nakangising nakatingin sa akin. Upakan kita diyan eh. Kalma pretty Xyla! Stay clam dont mind her.

....you'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try....

"*coughs* Huwag ka kumanta! Kay panget ng boses nito." panglalait ng ale sa magandang boses ko na kasing lamig ng gabi dahil nakakalma ito. For real i don't need her comment. I already know my voice isn't that good but okay lang naman siyang pakinggan. Ewan ko lang sa kanya! Sira ata tenga niya eh.

" Bilisan mo diyan at marami ka pang huhugasin." sabi niya saka umalis. Huhu.. Bakit po lord? Maganda naman po ako diba? Pero okay na rin ito kasi nagmumukha akong si Cinderella tapos yung evil stepmother yung Ale. Hahahaha!!! Ganda ko talaga at saka malay mo may susundo sa aking prince dito at.... at....at baka si Kuya yun!!! So nakakakilig.

(A/N:Si Xyla po ay isang babaeng may pagtingin sa kuya xenon niya kaya hindi niya ma accept ang fact na wala na kuya niya. Sorry nakakimutan kong idagdag sa //2//)

Ay punyetang author na yan eh. Panira ng momentum ko. Nakakabwesit! Kitang-kita na nagmo-moment ako. Anyways, where are we? Are we still on earth? Joke! Lol hindi naman nakakatawa eh. Waley joke ko sa inyow na hurt tuloy peylings kow.

Back to the topic na tayo. Mukhang timang tuloy ako na nakikipag-away sa otor nito. Hala! Baka di na niya tapusin tong story na ito. So back to the topic na talaga tayo. Here i am to the point na magcocolapse na ako. Ang init sobra tapos tinatamad na akong maghugas.

"Xyla, Nihindi ka pa nga nagsisimulang manghugas. Huwag mo ngang lokohin ang readers." Masungit na pag susuway ni Tepes sa akin.

" Tepes naman e. Huwag ka munang epal please. Maawa ka sa  magandang babae na ito." nakangusong wika ko.

"A...husto na! Magsimula ka na lang maghugas para maka alis na tayo sa mabahong lugar na to."  E... ang bad ni Tepes sa akin. Pero sanay naman ako sa ugali niyang iyan. Maghuhugas na muna ako mga readers at baka sitahin pa aketch ng Ale na iyon.



~*~*~*~



At last! Finally natapos na ang paghuhugas ko sa mga pinggan na iyon. Naaawa nga ako sa maliliit kong mga kamay kasi namumula mula siya tapos ang hapdi pa.


"Ang sakit ng mga kamay ko grabe." reklamo ko sa Ale na ngayon ay nasa harapan namin na nakakunot ang noo.

"Anyare diyan sa kamay mo?" pagalit niyang tanong. Feel ko galit siya eh kasi nakakatakot siyang tumingin.

"Ah..e..namumula?" hindi siguradong sagot ko kasi naman hindi ko talaga alam ang isasagot kasi hindi ko alam ang nangyari dito basta-basta na lang namumula tapos humahapdi pa.

"Tsk...sumunod ka sakin." at gaya nga ng sabi ng ale ay sumunod ako.

Pumasok kami sa isang silid na puro white. Nagtataka nga ako kasi pagpasok ko puro white yung nakikita ko as in lahat ng gamit dito puro white. Grabe! Obsess ata yung Ale na hindi ko alam ang pangalan sa color na puti. Lumapit ang Ale sa akin pagkatapos ay inabutan ako ng ale ng isang...? Teka hindi ko alam kung ano ang pangalan nito.

"O..ilagay mo sa kamay mo."  Ingratang utos sa akin ng Ale.

"Ano po ito Ale?" tanong ko.

"Gaga. Ointment yan ilagay mo sa mga namumulang parte ng palad mo. Ignorante na babaeng ito." Nakangiwing pahayag ng Ale. Grabe..para maka-tanong lang eh nagagalit agad.

Ginawa ko nga ang  sinabi niya. Napangiwi nga ako kasi una ang lamig nito sa palad ko mayamaya lang ay humahapdi na ito. Napaiyak tuloy ako sa sakit. Sorry.. Pirst taymer pa kasi si ako.

"Para  kang bata. Pagkatapos mo diyan dumeretso ka na sa pag-uwi. O eto gamitin mo yan." sabi ng ale pagkatapos ay inabutan ako ng papel na kulay skyblue.

"Salamat po. Uuwi na po ako." pagkatapos kong magpasalamat at nagpaalam ay umalis na ako sa lugar na iyon.

Naglalakad lakad lang ako sa kalsada. Sayang akala ko pa naman dadating yung Kuya Xenon ko. Ang sakit umasa. Hays, pait naman ng buhay.

"Tepes ano pala ito?" tanong ko sabay kuha sa binigay ng Ake sa akin.

"Iyan ata ang pera dito Xyla." sagot niya.

"Ano naman kaya ang mabibili ko sa perang ito?" grabe ang sakit na ng utak ko kakaisip sa susunod author wag niyo muna akong pag POV ha.


(A/N: tignan natin okay? Akala mo ikaw lang yung nagdudugo ang utak ako rin malapit na exam namin tapos marami pang mga group at individual activities na ibinilin ng teacher namin.)


Manahimik ka author wag kang mag putak dito dahil hindi ka manok. Anyways huwag mong intindihin yung pinagsasabi ng author na iyon.

"Nagugutom ulit ako Tepes." sabi ko sabay himas ng tiyan.

"Ede bumili ka ng pagkain. Paki ko ba kung gutom ka." grabe ang bad ni Tepes sa akin, always na lang.

"Okay." kunwareng nagtatampong wika ko sa kanya. Yung pusang iyan sarap gawing siopao, di joke lang.Love ko kaya si Tepes. Okay byr na mga readers kita na lang tayo sa next episode ng istoryang ito. Continue to support it until the end kahit slow ang update kasi tamad po kasi ang author na ito.






To be continued...


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top