//3//
Xyla's Pov
💮💮💮💮💮💮
Nandito na ako ngayon sa mundo ng mga tao. Grabe! Napakainit pala dito. At sobrang traffic. Gosh, nakakaloka. Buti na lang pala nagsunblock ako bago pumunta dito. Naglalakad kame papunta ni Tepes sa waiting shed.
"Grabe ang init dito Tepes. " Reklamo ko ng makarating na kame sa waiting shed.
"Masanay ka na Xyla. So saan tayo susunod na pupunta?" Tanong niya habang dinidilaan ang paws nito.
"Hindi ko alam. " Sagot ko sa kanya. Tumingin siya sa akin ng hindi makapaniwala.
"Teka... Alam mo ba kung saan nakatira ang Kuya mo?" Nagdududang tanong niya. Napahehe na lang tuloy ako dahil sa totoo lang wala akong kaalam-alam kung saan nakatira si Kuya Xenon ko.
"Eh... Ano... Uhm..? Hindi siguro?" Hindi siguradong sagot ko na sinabayan pa ng kamot sa batok. Ouyy.. Wala akong kuto ahh. Kailan ba kasi nagkaroon ng kuto ang batok?Tss.
"Nako naman Xyla. Ikaw ata magiging sanhi ng pagkakamatay natin eh." Naiinis nitong wika sa akin. Hinihilot niya ang noo niya. Bakit kaya? Tapos parang ang lalim ng iniisip niya. Lumipad ata ang utak nito patungo sa kabilang demensyon. Tinusok tusok ko ang tagiliran nito.
"Hoy! Hoyy.... Tepes. Bumalik ka na! Huwag mo akong iwan dito. Natatakot na ako! Tinitignan kasi nila ako. Tepes! " Sigaw ko sa kanya. Kasi naman eh... Tinitignan nila ako. Tapos yung tingin nila....ahh basta! Natatakot ako sa kanila.
"Baliw ata yung babae bro. Sayang maganda pa naman kaso baliw eh."Bulong nong lalakeng color red ang buhok. Pero rinig na rinig ko naman.
"Oo nga pre. Baliw nga yung babae." soo... Iyon hindi na bulong kasi nga nong sinabi iyon ng lalake parang nakasigaw. Siya ata yung baliw eh. Sino kaya ang tinutukoy nila na baliw. I need to know! Baka saktan pa ako nong baliw na iyon. It's torture!
"Meow... meow. " Hala! Saan galing iyon? Lumilinga ako pero wala talaga akong makitang pusa eh.
"Meow! " Parang galit na ata yung pusa. Pero wala naman talaga akong makitang pusa.
"Meow! Meow!" At sa gulat ko dahil biglang tumalon si Tepes patungo sa akin. Nakasigaw tuloy ako.
"Okay ka lang ba Miss?" Sabi nong tao sa akin. Kuyaa!! ....Napaiyak tuloy ako sa takot kasi lumapit yung lalake sa akin eh. Tinapik tapik niya ang shoulders ko. Mas lalong lumakas ang pag -iyak ko. End of the World for me. Hays.... Sorry kuya. Hindi man lang kita nahanap.
"Okay ka lang ba? Miss? " Nakita ko ang saglit na pag-aalala sa mata ng lalaking iyon. Bigla akong nagtaka. Napatahan niya kasi ako. Matagal akong tumitig sa mukha ng lalake. Ngayon ko lang napagtanto na kamukhang-kamukha niya ang Kuya Xenon ko.
"Hoy Jake! Halika na.. Aalis na ang bus oh. Baka maiwan pa tayo." Sigaw nong isang lalake sa kamukha nitong Kuya Xenon ko.
"Ayy... Oo nga pala. Bye Miss. " Sabi niya sabay kaway sa akin.
"T.. Teka lang."Nauutal na sigaw ko ngunit hindi man lang siya lumingon. Kaya Sinubukan kong habulin siya.
Nakita ko siyang sumakay na ng sasakyan. Kaya napabilis ako ng habol sa kanya. Sumigaw-sigaw nga ako ng itigil ang kasal. Eh kaso hindi pa rin tumitigil yung sinasakyan ni Kuya eh.
Ayy Teka... May nakalimotan ata ako eh. Ano kaya?...... Hindi na importante iyo....... n? Si Tepes! Hala nakalimutan ko si Tepes. Sorry kuya...pero si Tepes kasi eh. Babalikan kita. Huwag kang mag -alala. Hahanapin kita ulit.
"Tepes! " Sigaw ko ng makabalik na ako doon sa may waiting shed.
"Baliw ka Xyla! Iwan ba naman ako dito tapos hindi pa gets kong sino yung Meow ng Meow! Ang Slowpoke mo talaga! Nakakainis tapos late na kung makapag react. Ang Bobo pa talaga.. Mahahabol mo sana ang bus na iyon kong ginamit mo ang vampire speed mo dahil wala namang makakapansin. Baliw ka! Baliw ka!" Pagsesermon ni Boss Tepes sa akin. Ang haba non ahh... Kaya palakpakan natin siya. Deserve niya daw kasi. "Muntik ko ng makalimutan... Meron pa gaga! Sino ba naman kasi ang tangang driver ang hihinto kung ang Isinigaw mo ay Itigil ang kasal!" Dagdag niya pa. Pagkatapos ay Hinihilot niya ang noo niya sa pagkastress.
"Manok ka ba Tepes?" Tanong ko bigla sa kanya. Napalingon naman ito sa akin at binigyan ako ng nakakamatay na tingin.
"Bobo o Gaga ka lang?" Tanong din ni Tepes sa akin. Bumuntong hininga muna siya bago sagotin ang tanong ko. "Pero mukhang wala ka talagang magawa sa buhay mo ay sasagotin ko na lang. Hindi ako Manok. Pusa ako. Vampire's Cat. Gets?" Ahh Okay.
"ehh Bakit potak ka ng potak?" Tanong ko ulit sa kanya na sanhi ng pagwalk-out niya. Ayyy.... Anyare ?
"Hoy ! Sandali lang. Wait me Tepes ! " Habol hiningang tawag ko sa kanya. Iwan ba naman ako dito.
"Gaga ka talaga Xyra." iyon lang ang sinabi niya at tumalon sa lap ko. Tumawa naman ako at nagpasenaya sa kanya. Syempre Good girl kaya ako. Hayssss.... Sana magkita ulit kami ni kuya. Miss ko na siya ng bongga, hahah-----
***Growl !!!! *** (insert Exo growl)
Napatigil ako sa pagtawa sa isip dahil tumunog si Mr. Belly. Ang bilbil ko. Gutom na ang mga butete ko sa tiyan. Pagkain, Saan ka na ba ?Huhu, gutom na akoooo.
"May pera ka Tepes ?" Tanong ko sa kanya sabay himas ng tiyan ko. Huhu, gutom na talaga ako.
"Wala. Magtrabaho ka na lang para magkapera ka. Alam ko naman sa gagang mong iyan. Hindi ko nagdala ng pera." Sabi niya. Ouyyyyy...... Maydala kaya ako 4 golds lang. Kasya kaya ito ?
" four golds lang dala ko Tepes. Kasya kaya ito sa ating dalawa ?" Sabi ko kay Tepes. Ngumiti siya sa akin. Mukhang Kasya ahh.
"Gaga. Hindi iyan kasya. Tignan mo nga doon sa pinanggalingan natin kailangan. 5 golds sa Isa ka tao. Kulang ng isang gold iyan eh." Sakit talaga magsalita nitong si Tepes. Hindi niya ata ako mahal. Huhu, foreber aloneeeee.
"Hays, Eh paano iyan ?..." Saglit akong napahinto para mag-isip. "Alam ko na. Share na lang tayo. Halikana... Huwag kang mag-alala Tepes. Basta sumunod ka lang sa akin." Sabi ko sabay punta sa kainan. Sana walang papatay sa akin doon.
💮💮💮💮💮💮
Nakarating kami sa bahay kainan dito sa mundo ng mga tao. Grabe.... Takam na takam na ako sa mga pagkaing nakikita ko ngayon. Hinihimas ko ang tiyan ko dahil kumakalam na talaga ang sikmura ko. Alam ko naman na makakakain talaga kami ni Tepes dahil minsan ko na itong nakita sa mga palabas. Kaya lang may konting problema tayo eh. Bahala na si batman.
"Kakain ka ba ija ? Tamang-tama. Masarap ang mga pagkain dito. Halika." Pag-aanyaya nung tindera sa akin. Tumango naman ako at umupo sa upuan.
"Mag-order ka na Xyla. Bilis. Gutom na talaga ako." Bulong ni Tepes sa akin. Atat na Atat lang bes. Hahays.... Pumunta naman ako don sa tindera. Oorder na ako.
"Ahm.... D..dalawa nga nito at ito din, A..ale. At dalawang r..rice." Nauutal kong sabi sa babae. Natatakot kasi ako eh. Nakangiti naman ang babae kaya lang takot talaga ako eh at mukhang n'a halata iyon ng ale. Salamat na lang binalewala niya. Hahays layp nga naman ngayon.
Pagkatapos kong kumuha ng food ay dumiretso na ako kay Tepes. Nagniningning ang mga nito pagdating ko. Ayyy.... Natouch ako dahil saglit lang akong nawala miss na niya ako. I love you Tepes.. Huhu. Ang OA ko sobra !
"Kainan na !!!!" Yon lang at linantakan ko na ang pagkain. Ang sarap !!!!
"Ang sarap nito Xyla." Naluluhang puri pa ni Tepes. Haha, iyakin. Pero totoo naman talaga ang sinabi nito dahil napakasarap talaga ng pagkain dito. Hays sana marami akong pera para araw-araw may pagkaing ganito kasarap. Paano kaya nila ito ginawa ?
***Burp***
Napahawak ako sa tiyan ko hindi dahil sa gutom kundi ay dahil sa kabusugan. Ang laki ng tiyan ko para akong buntis nito. Bilog na bilog dahil sa kalakihan. Kalokohan ! Tumayo na ako sabay bitbit kay Tepes. Paalis na sana kami ng----
"Hoy ! Bayad mo." Sita sa amin nong Ale. Patay ! "Yung bayad mo. 567 pesos." Sabi nito sabay lahad ng kamay na umano'y naghihingi ng pera. Pakshytttt ! Kalimutan mo na yon Ale. Past is in the past, diba ? Pleaseeeeee.
Tumikhim muna ako bago nagsalita sa harap ng Aleng nakataas na ang kilay. Napahawak ako sa batok sabay hehe kay Ale at nagpeace sign sa kanya. Nakakatakot na tingin ang ibinigay niya sa akin.
"Pwede bang maghugas ng pinggan kapalit ng mga nakain ko ?" Isang himala ang nangyari dahil hindi ako nautal. Hahaha , magdiwang !!
"Huwag mong sabihin sa akin na wala kang pambayad ija ?" Huhu, Mo-there ? Fa-there ? Pakeng Tepes tulungan mo akoooo.
"Ahh... Ehh..... Eiiiiii..... Ohhhh.... Ouuuuuuu.." Napamemowrize na lang ako ng Vowel letters ng di oras.
To be continued.....
Sa mga nagbabasa nito. Salamat dahil binasa niyo ang panget kong story. Grabe talaga guys! Ang sakit magsalita ng Ate ko. Nilait ba naman... Pero Huwag kayong mag-alala dahil pagpapatuloy ko pa rin ang story na ito. Bahala sila.. Hehe yun lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top