//21//







Xyla's POV







Bilog na bilog ang buwan ngayong gabi. Delikado, sobrang delikado. Sa tuwing sumasapit kasi ang kabilugan ng buwan ay hindi ko makontrol ang aking sarili. Natatakot ako para sa sarili ko at sa mga taong posibleng mabibiktima ko. Ilang araw na din ng umalis ako sa bahay nila Aleng Martes at ilang araw ko na ding hindi nakikita si kuya. Nandiyan lang kasi ang mga luna sa paligid kaya hindi ako makalapit kina Aleng Martes dahil kung lalapit ako ay baka madamay sila. Hindi ko gusying mangyari iyon kaya mas mabuti pang lumayo muna ako. Alas onse na, unti-unti ko nang nararamdaman ang sakit. Malapit na. Kailangan kong maghanap ng lugar upang mapagtaguan. Nag-umpisa na akong lumakad palayo. Ang init ng nararamdaman ko ngayon para ako nitong pinapaso. Ilang butil na rin ng pawis ang tumutulo. Unti-unti na akong nahihilo. Hindi ito maaari, hindi pa ako nakahanap ng mapagtataguan. May masasaktan ako pagdito ako nahimatay at ayoko nun. Ayokong may masaktan. Napahilot ako sa aking ulo nang maramdaman ko ang  sakit. Hindi ko na kaya lang pigilan. Naiiyak na ako sa sakit. Unti-unti akong napaluhod.



"H...hin..di pwede..d...dito." Nauutal kong sambit. Ang sakit talaga pero dapat kong kayanin.

    

     Nahihirapan man ay tumayo ako. Dapat may mahanap na akong pagtataguan dahil sa pagsapit nang alas dose, hindi ko na alam ang gagawin sa sarili ko. Kuya, tulong. Blurred na ang vision ko. Hindi na din ako makapag-isip nang maayos. Umiiyak na ako sa sobrang sakit. Parang pinipiga ang utak at puso ko.  Nakarinig ako ng footsteps. No, please huwag kang pumunta dito. Huwag kang lumapit, pakiusap.


"Xyla?" pasigaw na tanong nang isang pamilyar na boses. Hindi ito maaari. Bakit siya pa?


"K..ku..ya Jake." sambit ko sa pangalan nito. Oo, si kuya lamang ang nakakita sa akin.

"Anong nangyare sayo?" nag-aalalang wika niya. Ang bango. Ang bango ng dugo niya. Nakakatakam. No! Hindi pwede.

"Lumayo ka! Umalis ka na kuya." sigaw ko. Itinipon ko ang aking lakas upang itaboy siya. Mahirap pero kinaya ko. Ayokong masaktan siya kaya please lang kuya, umalis ka na. Huwag muna ngayon. Wrong timing ka naman eh.

"No, hindi kita iiwan dito Xyla. Ano ba kasing nangyari sayo at nagkaganito ka?" pasigaw niyang tanong. Gusto ko mang kiligin sa oras na ito pero hindi ko kaya. Ang tigas talaga ng ulo ni kuya.

"Please k..kuya. Iwan mo m..mu..na a...ako." hinihingal kong pakiusap sa kanya. Hindi ko na talaga kaya. Itinulak ko siya sa abot ng aking makakaya pero nagkamali ako. Hindi ko dapat ginawa iyon.


"Aray." komento ni kuya at seryosong tinignan ako. Nasugatan siya. Nasaktan ko si Kuya Jake.


"Sorry." paghihingi ko ng patawad. Halos wala ng boses ang lumalabas. Nauuhaw ako. Umiling ako kasi hindi pwede. Tatakbo sana ako kaso nahawakan ni kuya ang kamay ko kaya natumba ako. Agad naman niya akong ikinulong sa mga braso niya. Wala akong sapat na lakas upang makawala. Umiiyak na ako dahil anumang oras ngayon ay pwede kong saktan si kuya. Tukso siya. Tukso ang dugo niya.


"Huwag ka ng manlaban Xyla. Dadalhin kita sa ospital." matigas niyang utos sa akin. Ang bango. Ang bango niya. Nilingon ko siya at nakita ko siyang nakangiti saakin. Huwag kang ngumiti kuya. Napatingin ako sa leeg niya.  Gusto kong....


"Xyla!" sigaw niya. Nabalik ako sa realidad at ngayon ko lang napagtanto na sinisipsip ko na ang kanyang leeg. Mabuti na lang at hindi ko nakagatan. Napatingin naman ako kay kuya. Namumula siya. Oh my god! No time to be flattered Xyla. Tumakas ka na!



   Tumayo ako at agad na tumakbo nang marinig ko ang tonog ng kampana. Alas dose na! Unti-unti kong naramdaman ang pagbabago sa akin. More powerful pero hindi ko ito gusto. Mas lalong humaba ang aking buhok at humaba din ang aking pangil. Naging pula ang aking mga mata at mas lalo akong naging sabik sa dugo.



"Xyla!" tawag sa akin ni Kuya. Nakita niya. Nakita niya ang tunay kong pagkatao. Kuya hates me now. Why life is so cruel to me? Nakita ko ang gulat at takot sa kanyang mga mata. Takot na si kuya sa akin. Hindi pwede.

       Nagsimula akong lumakad papunta sa kanya pero paunti-unti din siyang lumalayo, lumalayo sa akin. Nanginginig ang kanyang katawan. Tinuro niya ako habang may takot sa kanyang mga mata. Nasasaktan ako kuya. Nasasaktan ako. Huwag please. Huwag mong sabihin sa akin ang katagang iyon.


"Isang--" natatakot niyang sabi. Hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko naman ang sasabihin niya. Tatawagin niya akong isang halimaw, isang mamamatay tao, isang kampon ni satanas at isang bampira.



     Takbo lang ako ng takbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nagpadala lang ako sa aking mga paa hanggang sa maligaw ako. I should have known na ganoon ang magiging reaksyon niya. All humans hate vampires dahil sa kadahilanang we feed on their bloods but why? Alam ko naman na ang resulta ay magiging ganito diba? Matagal ko ng alam. Iba na si kuya ngayon. Isa na siyang normal na tao at kinamumuhian na niya ang lahi ko. He hates me pero ang sakit. Masakit siya. Ang sakit sakit. Napahawak ako sa aking puso dahil kumikirot ito. I know. Nabibilang na ang buhay ko. I only have 1 week left. Nanghihina na din ako. I know the fact na once I step into this world. My days are numbered at manghihina ako. So that's why vampires living in this world need blood. In order to survive, you need to drink blood but I don't want to. Hindi ko gustong makapanakit ng tao because of kuya.


     Narating ko ang isang kagubatan. Pumasok ako sa kweba. Dito muna ako titira. Mahahanap naman ako ni Tepes. I'm sure of that. We are interconnected. Tepes is a part of me. A part of my soul. Hays, pagod na ako. Pagod na ang isip at puso ko inshort the whole me is tired. I need rest. Ipinikit ko ang aking mga mata.









~•~•~•~•~•~•~




        Iminulat ko ang aking mga mata. Nandito pa din ako sa kweba. Sinubukan kong tumayo pero natumba ako. Wala pa akong lakas. Mahina pa ako. Nasaan na ba si Tepes? By now, dapat nahanap na niya ako pero wala namang bakas ni Tepes akong nakikita. Tepes, where are you? Tumayo ulit ako pero this time ay nakatayo naman ako. Lumabas ako sa kweba. Maghahanap muna ako ng makakain. I'm starving.  Lumipas ang ilang oras ay wala pa rin akong mahanap. Nakarinig ako ng rumaragasang tubig. Nay talon malapit dito. Agad ko naman iyong tinungo at tama nga ako may talon nga. Hindi lang yun ang nakita ko. Nakakita din ako ng prutas. Puno ng mangga, bayabas at mansanas. Salamat naman. Agad akong kumuha ng mansanas at walang pasabing kinagat ko ito. Gutom na gutom na talaga ako. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Kumuha ako ng marami at ginaya ko din sa iba pang prutas. Pagkatapos kong mamitas ay agad kong sinuong ang tubig. Ang lamig. Nagstay ako ng maraming oras hanggang sa magsawa ako at umahon na. Agad ko namang binaybay ang daan patungong kweba dahil baka nandoon na si Tepes.

     Nakarating na ako sa kweba pero wala pa ring bakas ni Tepes akong nakikita. Why? Nasaan na ba siya? Nag-aalala na ako. Kinuha ko na yung mga panggatong na nakita ko sa daan. Maggagabi na. Asan ka na Tepes?  

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top