//20//
Xyla's POV
⚪ ⚪ ⚪ ⚪ ⚪
Gabi na ngayon at tanging mga ilaw lang ang nagpapailaw ng daan. Walang moon dahil umuulan at heto ako ngayon naglalakad pero may payong naman ako kaya hindi ako nabasa ng ulan. Kabibili ko lang ng snacks sa seben eleben. Marami-rami din ito. Natitiyak akong tataba ako nito. Bakit kasi ang sarap ng mga pagkain ng mga tao parang ako.
Ang lamig ng gabi parang siya. Ang lamig niya kasi sakin. Iniiwasan na naman ako dahil siguro sa nangyari kanina. Ang clumsy ko kasi. As the cold wind blows ay mas lalo akong nanlamig. Kakaiba ang feeling nato. Parang familiar sakin. Sumisinghot ako at tama nga ang hinala ko. May bampira sa paligid. Napakalakas nito, isang royal vampire. Sinundan ko ang amoy at nakaamoy ako ng dugo? Bakit may dugo? Sinaktan ba siya ng mga tao? Yung mga luna? Bumilis ang paglakad ko gayun din ang puso ko at dahil ito sa kabang hindi ko maipaliwanag kung bakit. Bakit nga ba? Narating ko ang isang masikip at napakadilim na eskinita. Salamat na lang talaga at may night vision ako. Kaya nakikita ko pa ang daan.
Iniwan ko ang payong dala ko. Hinayaan kong mabasa ako ng ulan. Is this real? Totoo ba to? No! Hindi ko matanggap. Kinusot ko ang aking mata. No, this can't be. Hindi maari. N..nakita ko si Kuya Xenon ko na kinakain ang isang duguang babae. Nabalot ng dugo ang uniporme nito. Tumingin naman si Kuya sakin na nagpasikip ng puso ko.
'Kuya, bakit?' natanong ko sa aking isip. Bakit mo kinakain yung babae. Diba ikaw mismo ang nagsabi sakin na sila ay hindi dapat saktan at dapat silang alagaan. Anong ginagawa mo? Bakit ka nagkaganyan? Galit ka ba sakin?
"K..ku...ya?" tanong ko sa taong nakaharap sakin ngayon. Magkamukhang-magkamukha sila pero baka nagkakamali ako. Hindi ako titignan ng ganyan ni Kuya.
"Isa ka ding bampira." wika nito sa akin. Nakatulala lang ako sa mukha nito. Hindi siya si Kuya Xenon ko dahil si Kuya Xenon ay si Kuya Jake. Nililito lang ako ng tadhana.
"Bakit mo kinain yung inosenteng babae?" instead of replying to him ay tinanong ko agad siya. Ngumisi naman ito.
"In order for us to live, we need blood. Don't you know that? Sa oras na pumunta ka dito sa mundo ng mga mortal. Nabibilang na ang oras mo." pagpapaliwanag niya. Bakit hindi ko alam yun?
" Pero inosente pa rin naman yung babae." sabi ko. Tumawa naman ito ng napakalakas.
"Nope, she's not innocent. Marami na din siyang napatay na mga inosenteng tao. She deserves to die." sarkastikong sabi nito sakin. Kuya, bakit? No, she's not Kuya Xenon. Wake up Xyla!
"Smells familiar." komento niya nang amuyin niya ako. Biglang nalungkot ang mukha nito.
"Who are you?" I asked him. Limilingon naman ito sa paligid.
"Sen." sagot niya at napatsk. Naramdaman ko din yung presensya. May parating at marami sila.
"Sh*t. I need to go. Tumakas ka na din dahil mamamatay ka kapag nanatili ka pa rito." seryosong sabi niya. At bigla na lang nawala sa paningin ko. Napaluhod naman ako. I felt weak. Umiyak ako nang umiyak. Why is it so hard? Nalilito na ako. He smells like him at kamukhang-kamukha niya talaga si Kuya Xenon ko. I shouldn't cry at this moment at kailangan kong tumakas but I don't know. Hindi ko alam kung bakit parang naglue ako doon at hindi makatayo. Parang nawalan ako ng lakas. Basang-basa na ako ng ulan. Malapit na sila. Kailangan ko ng tumakas pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Anong nangyari dito? Bakit hindi ko magalaw? Bwesit. Nagdrama ka pa kasi Xyla. Tignan mo tuloy, kamatayan mo na. Bwesit. Bakit ba ang weak ko?
"Xyla. Pakawalan mo na ako." sabi ng isang boses. Sino yun?
"Sino ka?" Naalerto naman ako ng may nagsalita sa likod ko. Nandito na sila. Nanatili akong nakatalikod. Ayokong humarap.
"Isang bampira, pinuno!" sigaw ng isang lalaki.
"Looks like. We got here on time." saad ng isang boses.
"Ang vampire slayer!" namamanghang sigaw ng karamihan. Tsk. What a life! Ito na siguro ang katapusan ko. Haharap na sana ako nang biglang sumikip ang puso ko. Ang sakit! At talagang ngayon pa talaga siya sumakit ha. Nays tayming. Napahiga ako sa sakit dahil hindi ko na kaya.
"Kuya." naibulong ko sa hangin. Nahihirapan na akong huminga. Ang sakit. Parang sasabug ang puso ko.
"I...I..k..kuya." nahihirapan kong sabi.
"Anong nangyari sa kanya bossing?" tanong ng isang boses.
"We don't know. Baka magtratransform iyan kaya lumayo muna kayo." utos ng isang boses at sa tingin ko iyon yung leader nila.
"Huwag natin hintaying matapos siyang magtransform. Let's kill her dahil binigyan na tayo ng oras. Lead." galit na sabi ng isang boses at kahit nahihirapan ay sinubukan kong tawagin ang alam kong tutulong sakin.
Flashback~
"Basta Xyla ha. Always remember. When you need help tapos wala ako. Bigkasin mo lang ang katagang ito.
'Ad virtutem lunae quæ data est mihi.' okay?" sabi ni mom. Nagtaka man ay tumango pa rin ako.
"Ad virtutem lunae quæ data est mihi." nakangiti kong sabi kay mama. Tumawa naman ito sakin at pinugpog ako ng halik.
"Tepes dicitur: Ecce, lunae ac siderum custos est." nakangiti niyang wika.
"Pati pa bo yan?" nakapout kong sabi kasi ang hirap memorize.
"Yes, darling." malumanay niyang sagot sa tanong ko. I really like being called darling by mom.
"Tepes dicitur: Ecce, lunae ac siderum custos est." paguulit ko sa utos ni mama. At biglang umilaw ang puso ko at lumabas doon ang isang pusang may markang buwan sa noo niya. Napakacute nito parang tubol.
"Ang cute naman niya." komento ko. Pero bakit siya lumabas sa puso ko?
"Mom, bakit po soya lumabas sa puso ko. Anak ko po ba siya?" naiiyak kong tanong kasi hindi ko gustong maging ina. Tumawa naman ito.
"Parang ganun na nga kaya alagaan mo siya ha." pagtatanda sakin ni mama at dahil doon ay isang linggo akong umiyak. Hindi ko kasi matnggap si Tepes.
End of flashback~
"Ad virtutem lunae quæ data est mihi," sabi ko. Unti-unti namang umiilaw ang puso ko at mas lalong nanikip ang puso ko. Hindi ko ininda ang sakit."Tepes dicitur: Ecce, lunae ac siderum custos est." pagpapatuloy ko. Umilaw ng isang napakasilaw na liwanag at gumuho doon ang isang babae. "Protect me." nang bigkasin ko ang huling kataga ay nahimatay ako. Hindi ko na alam ang nangyare doon.
Third person POV
⭕ ⭕ ⭕ ⭕ ⭕
Nabalot ng isang napakasilaw na liwanag ang lugar at lumabas doon ang babaeng may mahabang buhok. Umaalon ang itim nitong buhok at may markang buwan sa noo. Kamukha nito si Xyla. Kaya naman ay nasurpresa si John. Hindi niya kasi mawari kung bakit nakikita niya si Xyla. Maraming mga katanungan ang bumabagabag sa loob niya. Napatitig ulit siya dito at napaisip siya na baka ang babaeng gusto niya ay isang bampira.
"Ano pang ginagawa niyo? Kill them!" utos ng kanilang leader na agad din namang sinunod nga mga ito maliban kay John na nakatulala lang. Pinipilit tanggapin ang eksena.
"Anong ginagawa mo? Tulungan mo sila." galit na pagsasabi ng leader kay John nang mapansing parang wala ito sa sarili. Kumilos naman si John at dumiretso sa kamukha ng babaeng gusto niya.
"Xyla, tigilan mo na ito." mahinahon ngunit nagbabantang sigaw ni John. Napataas naman ng kilay ang babaeng kaharap nito na kamukha ni Xyla.
"I'm not Xyla." tanging komento nito bago magpakawala ng isang napakalas na pwersa. Tumilapon naman ang lahat nga bagay.
"Bwesit. Don't let her get away!" naiinis na utos ng kanilang leader. Kahit nahihirapan mang tumayo ay pinilit nila ang kanilang sarili. Ang main goal nila ay patayin ang halimaw sa kanilang paningin.
Hinabol nila ang babae pero sadyang napakabilis nito at nawala lang ng parang bola. #ghosting. Nainis naman ang kanilang leader at kinompronta si John.
"Narinig ko iyon kanina. Kilala mo ang bampirang iyon!" galit na wika ng kanilang pinuno. Nagulat naman ang ilan at binigyan ng nambibintang na tingin si John.
"Yes lead. Ang pangalan niya ay Xyla. Siya yung kinukwento ko sa iny------." naputol ang sasabihin ni John nang sinunggaban siya ng suntok ng kanilang pinuno. Napahiga naman si John.
"Pinakawalan mo ang bampirang iyon dahil mahal mo siya!" nambibintang na sigaw kay John ng kanilang pinuno.
"Hindi yan totoo! Ginamit ko ang lakas ko pero napakalakas niya talaga. I can't stop her neither do you. We all can't stop her!" pagtatanggol ni John na sinang-ayunan naman ng ilan.
"Saan siya pwedeng magtago?" tanong ng kanilang pinuno kay John. Napaisip naman ito.
"Sa bahay nila. Follow me." seryosong wika ni John.
Makalipas ang ilang iras ay narating na nila ang bahay ni Aleng Martes. Nadatnan nila doon ang Ale na parang hindi mapakali. Tumingin naman si John sa kanilang pinuno at tumango. Signaling them na siya na lang ang bahala doon pero sadyang nawalan na ng trust ang pinuno nila kay John ay sumunod siya kay John.
"Aleng Martes!" tawag pansin ni John kay Aleng Martes. Kumakaway pa ito.
"Ikaw lang palang bata ka." sabi ni Aleng Martes.
"Bakit po nandiyan kayo sa labas?" tanong ni John.
"Hindi pa kasi umuuwi si Xyla. Inutusan ko lang naman ang batang iyon na bumili ng snacks at iba pang pagkain pero hanggang ngayon hindi pa rin siya umuuwi. Pasado alas dose na. Ano na kayang nangyari sa batang iyon?" nag-aalalang wika ni Aleng Martes.
"Hindi pa po siya umuwi?" tanong ng kanilang pinuno.
"Oo, kanina pa yun. Nag-aalala na ako baka narape na yun." sagot ni Aleng Martes.
"Tulungan ko na po kayong hanapin siya." pagpresenta ni John. Lumingon naman dito si aleng martes.
"Aba'y syempre naman." nakangiting sabi ni Aleng Martes.
"Saan po ba siya pwedeng pumunta?" tanong ng kanilang pinuno.
"Sa karinderya o kina kuya jake niya." sagot ni Aleng Martes.
"Nasaan po ba yung bahay ng Jake na sinasabi niyo?" pagtatanong ni John.
"Samahan ko na lang kayo." pagpresenta ni Aleng Martes.
Nakarating na sila sa bahay ni Jake. Patay na ang lahat ng ilaw doon kaya nagdadalawang isip si Aleng Martes na kumatok dahil baka makadisturbo daw sila. Pero parang wala namang narinig yung pinuno at kumatok ng napakalas.
"Ano ka bang ginagawa mo? Nambubulabog ka!" pinagalitan ni Aleng Martes ang kanilang pinuno.
Bumakas ang pinto at nakita nila ang nakabusangot na mukha ng mama ni Jake. Lumiwanang naman ang mukha nito nang makita si Aleng Martes at inanyayahan na pumasok sa kanyang tahanan.
"Bakit po kayo naparito Aleng Martes?" nagtatakang tanong ni Jake. Pinalo naman ng kanyang ina ang braso nito.
"Hindi pa kasi umuuwi si Xyla. Nagbabakasakali lang ako na baka pumunta siya dito o dumaan man lang." mahinahong pagpapaliwanag ni Aleng Martes.
"Nawawala po si Xyla?" sigaw ni Jake. Tumango naman ang Ale.
"Kailangan natin itong sabihin sa mga pulis para matulungan tayong hanapin siya." wika ng mama ni jake.
"Sige. Iyan din ang iniisip ko pero nagbabakasakali kasi ako na baka nalate lang yung pagbalik niya." reply ni aleng martes.
'Xyla, kung nasaan ka man ngayon ay sana okay ka.' sabi ni Jake sa kanyang isip. Hindi pinahahalata ni Jake pero sa kaloob-looban niya ang nag-aalala siya sa kaligtasan ni Xyla.
To be continued......
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top