//18//
Xyla's POV
⭕ ⭕ ⭕ ⭕ ⭕
Nandito ako ngayon sa school ni Kuya. Bibisitahin ko siya. Miss na miss ko na siya eh. Matapos noong pangyayare sa public market churva ay hindi na niya ako pinapansin. Naging cold nga siya sakin bigla. Bipolar lang. Naglalakad ako papuntang classroom nila ngayon. Kasama ko rin ngayon si Tepes. Wala daw kasi siyang magawa sa bahay kaya napagpasyahan niyang sumama sa akin. Hays, buhay nga naman.
"Xyla!" tawag sa akin ni Kate. Nginitian ko ito.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya ng nakangiti pa rin. Para kaming mga baliw ngayon.
"Binibisita ko lang si Kuya." sagot ko sa tanong niya. Kuminang naman bigla ang mga mata niya. May napansin ako sa kanya ngayon. OMG, sasabihin ko ba?
"Sasamahan na kita." nakangiti niyang sabi. Nakakadistract naman yung...sasabihin ko na lang.
"Kate. Ano kase. Yung ano mo." putol-putol kong sabi. Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba o hindi na lang. Aish, bahala na nga.
" Hoy! Ano na? Haha." natatawang sabi niya. Bakit ba palagi na lang siya tumatawa.
"May muta ka." sabi ko. Natigil naman ito sa pagtawa at agad kinuha yung muta na nasa mata niya. Namula naman ito at tumawa ulit. Baliw?
"Fish, nakakahiya." namumulang sabi niya. Ang cute talaga ni Kate. Bagay na bagay talaga sila ni Kuya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Ang ingay ng bunganga ni Kate sobra pero that's Kate. Nabanggit kasi ni Kuya Jake na napakatalkative daw nitong si Kate. Oo, binabanggit niya ito. Like duh. Joke lang. Gusto ko kaya si Kate. Siya yung kauna-unahang naging kaibigan ko. Sad but true. Wala kasi akong kaibigan simula pagkabata. Natatakot kase sila dahil daw galing ako sa pinakamakapangyarihang clan. Naiinggit nga ako sa ibang mga bata noon kasi malaya sila while me, libro lang ang naging kaibigan. Marami pang mga do's and don'ts. Nakakasakal kaya nga napag-isipang kong bisitahin ang mundo ng mga mortal noon kaya lang....ay basta yun na yun.
"Xyla." tawag sa akin ng isang boses kaya nagising ako sa malalim na pag-iisip. Lumingon naman ako kung saan nanggaling yung boses pero nakakataka dahil wala naamng tao doon.
"Hoy." tawag pansin ni Kate sakin. Hindi ko na lang pinansin yun at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
Nakarating na kame sa classroom ni Kuya pero sadly wala pala siya roon. Hindi naman alam ng mga kaklase ni kuya kung asan siya kaya umalis na lang kami ni Kate. Sayang naman. Ito kase si kuya ayaw magpakita. Iniiwasan niya ba ako? Hindi naman siguro. Sa ganda kong ito. Like duh. Pero kung iniiwasan nga niya ako. Bakit naman? Ano naman ang dahilan? Hays, nakakapagod mag-isip. Nawalan tuloy ako ng mood. Uuwi na nga lang ako. Hays, umiinit na naman yung katawan ko. Huh? Bakit naging dalawa si Kate? Bakit umiiko-------
"Xyla!" narinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. Bago pumikit ang talukap ng mata ko.
Kate's POV
Nabigla ako sa nangyare kase nga naman bigla na lang natumba si Xyla. Hindi ako nakareact agad. Agad namang lumapit si Kuya Jake kay Xyla at kinarga niya ito. Patakbo siyang pumunta sa clinic dito sa school. Nakakainggit naman. Sana mahimatay din ako. Kitang-kita ko kase sa mukha ni Kuya Jake na sobra ang pag-alala niya kay Xyla. Nataranta nga siya at nalimutan kung ano ang gagawin. Nakakaselos. Alam ko na kasi kung sino yung tinutukoy niyang babae na mahal niya. Kahit hindi niya sabihin sakin ay alam ko. Hindi naman kase ako bobo. Grabe din eh. Ang sakit sa heart. Nakakaiyak.
"Oh." bigla na lang sumulpot si Kristian at binigyan ako ng isang slice ng strawberry cake instead of handkerchief ay ang bingay niya sakin ay ito. Heh, gagu.
I took a bite. Ang sarap. My favorite. Well, favorite ko naman lahat ng foods pero pinakapaborito ko talaga ang mga cake. Nawala na bigla yung sadness na nadarama ko. Ibang klase din itong si Kristian eh. Kilala niya talaga ako. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Well, who would have known. Ang masasabi ko lang ngayon ay sa tingin ko may bago na akong crush. Hehe.
Xyla's POV
Pagkamulat ng aking magagandang mata ay agad kong nakita ay isang puting kisame. This time, alam ko na hindi siya langit. Syempre upgraded na ang pag-iisip ko. Nandito siguro ako sa isang ospital pero sa pagkakatanda ko ay sa school ako nahimatay kaya nasa clinic siguro ako. Feel ko lang naman. Bumukas yung pinto at pumasok si Kuya. As usual seryoso ang face nito. Karga niya si Tepes ngayon. Nilapag niya sa mesa ang dala niyang mga prutas at lumapit sakin. Palapit siya ng palapit tapos yung puso ko. Diyosko, ang lakas kong kumabog. Naririnig ko nga ito sa sobrang ingay. Kalma lang selp. Nilapit niya ang seryoso niyang mukha sakin dahilan para magwala yung puso ko. Gusto na niyang makawala. Naman ey. Bakit kase ang gwapo niya? Naipikit ko yung mata ko para naman makalma yung selp ko pero hindi epektib. Nagwawala pa rin ito. I felt his palm in my forehead. Eh? Minulat ko ang mata ko at nakita ko siyang nakasmirk. Whut? Bakit siya nakasmirk?
"Hindi ka na mainit. Mabuti naman at magaling ka na. " sabi niya. Huh? Hindi ko magets. Whut?
"Next time kase. Uminom ka ng maraming tubig at huwag kang magtagal sa araw. Iyan tuloy nagkasakit ka." sermon niya sakin. Shori kashe. Hindi ko naman alam. Grabe ka naman kung makashermown. Hmp.
"Ede shori. Hindi ko kase alam na magkakasakit ako." pagsasagot ko sa kanya. Umiling lang naman ito. Teka, wala bang planong bumaba si Tepes diyan? Mukhang nag-eenjoy pa talaga ito. Like duh. Sa oras na makauwi tayo Tepes ay lagit ka sakin.
"Aalis na ako. Bumalik na ka rin sa bahay niyo. Huwag kang masyadong magstay dito sa clinic dahil bali-balita na may multo daw dito. Hala ka." pananakot ni Kuya sakin. Waaaaaaaaaaaa. Like duh. Nue daw? Multo ba kamo? Tsk. Hindi naman siguro ako takot sa multo? At syaka multo lang naman yan.
"Wait! Paalis na naman ako. Hintayin mo na lang ako." sabi ko. Ngumiti naman ito ng nakakaloko at pinatay yung ilaw at syaka patakbong lumabas. Waaaaaaaaaaaaa. Kuyaaaaaaaaaaaa! What a bully! I hate you! Joke lang I love you Kuya.
To be continued.......
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top