//17//








 
















Xyla's POV




















                    ⭕  ⭕  ⭕  ⭕ ⭕

















        Nandito na ako ngayon sa kwarto ko. The party went well and I'm already tired. Humiga na ako sa kama ko. Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Kuya hanggang ngayon kinikilig pa rin ako. Tumingin ako kay Tepes na ngayon ay nakatitig sakin. Bakit? May mali ba sa mukha ko? Pangit ba ako ngayon?




   "Bakit?" tanong ko sa kanya.



     "Kailangan na nating bumalik Xyla." seryoso niyang wika sakin. Bakit naman? Malapit ng mafall si Kuya sakin. Hindi ako pwedeng umalis.



   "Why?" tanong ko. Nagpakawala naman ito ng hininga. Anong problema Tepes?


  "Nandito na sila." sagot niya. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko. Bakit ba ayaw nila akong pakawalan? Tumulo yung luha ko. Kung kailan okay na lahat. Nakita ko na ang reincarnation ni Kuya.



   "May isa pa tayong problema." bigla niyang sabi. May dumagdag pa? Ano bang buhay ito?


    "Ano naman yun?" tanong ko ulit sa kanya.



     "Muntik na akong mahuli ng mga luna na yan." sumbong ni Tepes. Ibig sabohin nandito na rin yung mga luna. Dapat na talaga akong mag-ingat sa mga kinikilos ko. Marami ng mga matang nagbabantay sa mga kilos ko.
Makatulog na nga muna. Unti-unti ng pumikit ang mata ko. Pagod na ako sa mga problemang to.
























                     ⭕  ⭕  ⭕  ⭕  ⭕














         Umaga na kaya bumangon na ako at naghanda. Kinuha ko na yung tuwalya dahil maliligo na ako. Pagod pa rin ako. Gusto ko pang matulog. Ang hirap kasing matulog ng gabi tapos gigising ng umaga. Tapos na akong maligo kaya kukunin ko na yung lotion ko. Wait, saan ko nilagay yun? Tumatanda na talaga ako. Inukay ko yung drawer pero wala akong nakitang lotion. Patay. Meaning ba nito hindi na ako pwedeng lumabas basta umaga? Hala! Hindi ko makikita si kuya ganern?






   "Nakalimutan mo na naman yung lotion mo sa sala." wika ni Tepes. Oy! Mabuti naman. Kinuha ko na ito at nilagyan na yung buong katawan ko. Malapit ng maubos yung lotion. Bakit kasi isa lang dinala ko? Bobo ko talaga kahit kailan.












          Lumabas na ako sa kuwarto at dumiretso sa kusina. Gutom na kasi ako. Ano kayang ulam ngayon? Ang bango naman. Pagkarating ko ay umupo agad ako at nilantakan na yung pagkain doon. Gutom na gutom ako kaya wala akong pakealam sa itsura ko ngayon. I'm beautiful whatever I do. Charot. Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Aleng Martes. Bakit nandito pa siya? Maaga ba akong gumising ngayon?







   "Bakit pa po kayo nandito Aleng Martes?" tanong ko kasi naman usually nandoon na siya sa karinderya.



    "May lakad kasi ako ngayon. Bukas pa ako makakauwi kaya ibibilin kita kina Jake." sagot niya. Saan naman kaya siya pupunta? Mukhang importanteng-importante talaga ang lakad niya.




    "Saan po kayo pupunta?" pagtatanong ko habang nguya-nguya pa yung pagkain.



   "Pupunta ako sa City." sagot niya. Sa city? Ang layo naman. Gusto ko tuloy sumama kasi napakaganda daw ng city nila dito. I wanna see for myself perowag na lang kasi sayang yung opportunity na magkasama kami ni Kuya. Kuya is more important.









         Lumabas na ako sa bahay. Napalingon ako kay Aleng Martes na mukhang nag-aalala. Okay lang ba siya? Bakit kaya siya pupunta sa city. Gusto ko sanang itanong yan pero judging from her face mukhang personal. I'm not in the place to question her. I just hope na magiging okay lang siya. Hinatid na niya ako kina kuya at dumaan ang ilang oras ay nakarating na kami. Pinagbuksan kami ni kuya ng pinto.





"Magandang umaga po sa inyo Aleng Martes at sayo din." nakangiti niyang bati sa amin. Binati niya ako. Yieeeeeeee. Ngumiti naman ako sa kanya. Tumango lang ito at tumalikod na.






    "Hindi na ako papasok, iho. Nagmamadali kasi ako." sabi ni Aleng Martes. Napatingin naman ako sa kanya.




   "Okay lang po. Huwag po kayong mag-aalala. Aalagaan ko po itong si Xyla." sabi niya. Ngumiti naman si Aleng martes.




  "Hindi na ako magtatagal. Ipagpaalam mo na lang ako sa mama mo Jake at ikaw Xyla. Wag mong bigyan ng sakit ng ulo ang kuya jake mo ha." bilin nito sa amin. Okay po. Tumango naman ako at ngumiti sa kanya.





  "Masusunod po. Bye." paalam ko sabay wave. Sumakay ito ng tricycle at tuluyan na itong nawala sa paningin namin.










        Pumasok agad ako sa bahay nila kuya jake at humiga sa sofa. Tumingin naman iti sakin ng hindi makapaniwala. Anong problema niya? Nagagandahan siguro sakin si Kuya. Indeed, ang ganda ko ngayon. Bigla naman itong umiling. May problema nga sa brain ni Kuya. Umupo na din ito sa sofa. Kinuha niya yung libro at binasa ito.




   "Binabasa mo ba yung librong binigay ko?" tanong ko kasi baka wala siyang balak basahin yun. Nakakalungkot naman sa heart.

   "Babasahin ko pa." sagot niya. Babasahin pa daw. Alam ko namang design niya lang yun sa kwarto niya. Wala siyang balak basahin.



      "Liar." pagmamaktol ko. Tumingin naman ito sakin. Tumayo ito at pumasok sa kwarto niya. Luh, tignan mo. Hindi man lang ako pinansin. Ang bad niya.






       Binuksan ko yung tv dahil manunuod na lang ako ng cartoons. Lumabas naman ito sa kwarto niya at lumapit sakin. Anong gagawin niya?  Matagal niya akong tinitigan. Ano ba yan? Baka mag-assume na naman ako. Tigilan mo nga yan. Matutunaw na ako sa mga titig mo kuya. Inlove ka na ba sa kin.





        "Ano ba!" sigaw ko. Kasi naman hindi ko na kaya iyang mga umaapoy niyang titig sakin. Tumawa naman iti at ipinakita sakin yung librong binigay ko sa kanya. Isasauli niya sakin? Gagu pala siya.





   "Babasahin ko na po, kamahalan." sabi niya. E? Oh, okay? Iyan lang palang sasabihin niya.


  "Gagu." komento ko. Grabe, ang pula na ng mukha ko. Ang init na! Bwesit. Umupo naman ito sa sofang hinihigaan ko. Kailangan dito talaga?
Tiningnan ko ito at ang seryoso naman niya sa pagbabasa pero guwapo pa rin. Bakit ang gwapo ng kuya ko?





  "Tumutulo laway mo." sabi niya ng nakatingin pa rin sa libro. Ay, shet. Nakakahiya. Pinunasan ko ang laway ko. Hala, totoo nga. Bakit ba tumulo yung laway ko. Wala namang pagkain.










         Lumipas ang ilang oras at hapon na. Napag-utusan kami sa mama ni Kuya na bumili ng isda at iba pa doon sa public market kaya ayon nandito na kami. Ang baho naman dito. Ang dami  pang mga tao. Nakakatakot naman ang mga tao dito. Amg cruel nila. Tinadtad nila yung baboy at manok. Waaaaaaaaaaaaaa. Ayoko na dito. I'm scared. Hinihila ko yung manggas ng shirt ni kuya. Nilingon naman ako nito.




    "Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni Kuya.



     "Naaawa kasi ako sa mga hayop." mangiyak-ngiyak kong sagot kay kuya. Nabigla naman ito.


    "Patay na naman yan sila eh." sabi niya sakin. Patay na tapos tinatadtad pa nila. So cruel.


    "So cruel. Hindi na ako kakain ng baboy at manok." sabi ko. Napahilot naman ito sa noo niya.

   "Tumigil ka na sa pag-iyak. Ang dami na nating audience." sabi niya. Huh? Lumilinga ako at tama nga si kuya. Tumingin naman ako kay kuya. Ayaw ni kuya ng attention. Pinunasan ko na yung luha ko.










         Pagkatapos ng eksenang iyon ay pumunta na kami sa vegetable area. Mas marami ang mga tao dito kaysa doon sa meat kaya ang resulta napabitaw ako sa shirt ni kuya. In short nahiwalay ako kay kuya. Hahahahahahaha. Save me. Wala oa naman akong sense of direction. Hindi oa nga ako nakapunta dito. Wala pa akong load. Salamat na lang talaga at nadala ko yung phone kundi tuluyan na akong mawawalan ng pag-asa. Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na may tumatakbo pala sa harapan ko. Wala na akong time para makaiwas kaya nagkabangga kami ng kung sino mang taong ito.  Awtsu. Ang sakit ng pwet ko.






      "Sorry Miss."paghihingi niya ng tawad sakin. Inabot naman niya yung kamay niya para tulungan ako tumayo kaya hindi ko ito yinanggihan kasi naman. Ang hirap makatayo.



    "Nandoon siya!" sigaw ng isang mamang nakablack. Napamura naman itong katabi ko ng wala sa oras.




    "Sh*t." mura niya at hinila niya ako sabay takbo. E? Bakit niya ako hinila? Takas siguro siya kaya hinahabol siya ng mga nakablack tapos dinamay pa niya ako. Oh no!













        Nang makalayo na kami ay saka lang siya tumigil sa pagtakbo. Mukhang nailigaw niya yung humahabol sa kanya. Good for him. Ang tanong ko lang takaga ay bakit kailangan pa akong hilain kaya ayan tuloy nadamay tuloy ako. Tinignan ko siya ng matalim. Pamilyar yung mukha niya pero I don't care. Dinamay pa rin niya ako and that's the fact.


          

    "Okay ka lang ba?" tanong niya. Mukha ba akong okay? Gagu ka.


    "Hindi." naiinis kong sagot. Tumingin naman ito sakin at ngumiti. Ew, yak. Adik!


    "Hindi ka pa rin nagbago Xyla." sabi niya. Kilala ko ba siya? Baliw. Don't tell me stalker ko siya?

         "Bakit mo ako kilala?" tanong ko.

     "Seryoso? Nakalimutan mo na ako? Ang sakit naman." tanong niya sabay arte na parang nasasaktan.


    "Sino ka ba ha?" naiirita kong tanong sa kanya.

     "I'm John. Sounds familiar right?" sabi niya. John? Oh, siya pala yung damuhong nang-iwan sakin.


  "Ikaw pala yung nang-iwan sakin. Mabuti na lang hindi ako narape." naiinis kong sabi sa kanya at pinaghahampas siya. Gusto ko mang baliin ang leeg niya pero hindi ko magawa kasi naman may kaunting utang na loob ako sa kanya.





    "Hindi  kita iniwan. Bumalik kaya ako doon pero nawala ka. Umalis lang naman ako kasi may binili lang ako." pagpapaliwanag niya sakin. Ow, so kasalanan ko pa kasi unalis ako?



     "Ewan ko sayo." singhal ko. Bigla namang nagring yung phone ko. Tinanaw ko ito at tumatawag pala si Kuya kaya sinagot ko ito.



     "Kuya!" tawag ko.

     "Nasaan ka bang babae ka?"  galit na tanong ni Kuya sa phone.


     "Nasa may sakayan ata to." sagot ko.


     "Hintayin mo ako diyan. Papunta na ako."  utos niya. Oh, okay po.


      "Okay." sabi ko at ibinaba na no kuya yung tawag. Tinignan ko naman itong lalaking John na to.

     "Librehan mo nga ako ng kwek kwek. Nagugutom na ako." Utos ko sa kanya. Nasa gilid lang kasi namin yung kwek kwek.




    "Masusunod po." sarkastiko niyang sabi sakin. I just rolled my eyes at him.

  



          Naluto na yung kwek kwek at nagsimula na akong kumain. Bigla namang dumating si Kuya kaya nakain ko tuloy ng buo yung itlog na maliit. Napaubo naman ako at inabutan ako ng coke ni John. Nagpasalamat naman ako at nilapitan na si Kuya na ngayon ay hindi maipinta yung mukha. Okay lang ba itong si Kuya?  Walang pasabi si Kuyang hinila ako at isinakay sa tricycle. Awtsu. Ang higpit kasi ng pagkahawak niya sa kamay ko.




  

   "Are you okay?" tanong ko pero di niya ako nilingon. Nakarating na kami sa bahay pero wala pa rin siyang kibo. Anyare don? Bad mood na lang bigla. Diretso lang siya sa pagpasok habang hila-hila pa rin ako.




"Ano ba! Masakit na talaga siya." singhal ko sa kanya. Muihang natauhan naman ito ng kaunti at binitiwan na ako. Matalim itong tumingin sakin. Grabe naman siya kung makatingin para naman akong may sala sa kanya. Wala nga akong ginagawa sa kanya. Siya lang iyong biglang nanghila. Anyare ba aa kanya?




    "Labas." utos niya. Huh? Labas daw? Siya nga itong kinaladkad ako sa kuwarto tapos bigla na lang akong utusang lumabas daw. Ano ito? Gaguhan lang?




       Lumabas na ako sa kuwarto ng bipolar na yun. Paiba-iba ng mood
Di ko tuloy siya magets. Kumuha lang ako ng cupcake sa ref na linuto ng mama niya. Pumunta na agad ako sa sala at binuksan yung tv nila.  Wala na akong pake sa kanya. Ginagago niya ako. Tahimik ko lang na kinakain yung cupcake ng bigla siyang lumabas sa kwarto niya. Napaayos naman ako bigla baka kasi sitahin ako. Lumabas din naman sa kusina yung mama ni kuya.





     "Mabuti namam at nandito na kayo." sabi sa amin ng mama ni kuya. Ngunit tumango lang kaming dalawa. Nagtaka naman ito sa kinikilos namin.




     "Balita ko dito kay Jake. Nagkahiwalay daw kayo sa public market." sabi niya sakin. E? Oh?





     "Oo po. Naligaw nga po ako eh." reply ko sa mama ni Kuya jake. Tumingin naman si Kuya sakin. Anong problema niya?




     "Hindi po siya naligaw. Naabutan ko pa nga siyang nakipagdaye doon sa hindi kilalang lalaki." sumbong niya at ladabog na pumasok ulit sa kuwarto niya. Huh? Nakipagdate? Ako? Haler, kanino naman kaya?




       "Anong nangyari doon?" nakakunot noong tanong ng mama ni kuya. Tumingin naman ito sakin at ngumiti ng nakakaloko. Huh? Ang creepy naman niya.



  "Ewan." sagot ko. Binalewala ko na lang yung creepy na ngiti niya sakin. Inaantok ako. Makatulog na nga muna. Dito na lang ako sa sala nila matulog at tuluyan ng natulog ang diwa ko.












                              To be continued.....






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top