//16//
Xyla's POV
⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫
I went to sleep but may isang bagay ang nanatili sa aking isipan 'Ang birthday ni kuya.' Excited na talaga ako para bukas. I was waiting for the night to end and the party to begin. Ang tagal naman ng oras. Ano kayang isusuot ko para sa party. Dapat yung bongga. Dapat mamangha si kuya sa king ganda para naman marealize na niya na love na love na love niya ako. Hehe. Pereng tenge! Siguro matutuwa si kuya sa regalo ko para sa kanya. Narinig ko kase kay Kristian na mahilig magbasa si Kuya kaya perfect lang tong regalo ko. I'm so excited na talaga.
Sumikat na ang araw and it is also my time to shine na. Bumangon na ako at naligo. Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis. Pumunta na ako sa karinderya. Nandoon naman na kase si Aleng Martes. Mas maaga pa yung bumangon sakin. Haler, I need time to make myself pretty kaya. I know na maganda na talaga ako pero dapat maging mas maganda pa ako para mapansin ako ni Kuya. Feel.ko kasi binibigyan niya ako ng cold shoulder. Huhuhuhuhu. Ang bad na ni kuya sakin. I can't take it. I need to go all out para magpapansin sa kanya kahit ang creepy ng mga ways ko. Oh well. Hindi ko napansin na nakarating na pala ako sa karinderya.
"Aleng Martes." bati ko sa kanya. Ngumiti naman ito sakin at binati rin ako.
"Iha. Mabuti namang nandito ka na. Halika at tulungan mo ako." sabi niya. Lumapit naman ako at tinulongan siyang magserve. Pansin ko lang na ang daming tao ngayon.
"Aleng Martes, ano po bang meron ngayon?" tanong ko sa kanya. Ngumiti namam ito at kinamot ang ulo.
"Ewan ko lang din pero grasya ito." sagot ni Aleng Martes sa aking tanong. Hindi na lang kumibo at nagoatulou na saking gawain.
Maaga kaming nagsara ngayon. Mga alas diyes kaming nagsara. Hindi man lang pinaabot sa lunch break ni kuya. Nakakasad. Gusto ko pa namang makita siya at babatiin ko siya ng happy birthday. May party pala ngayong gabi sa bahay nila Kuya. Kami yung magluluto ng mga pagkain doon. Joke, si aleng martes lang pala kasi hindi ko alam kung paano magluto. Assistant lang niya ako. Invited din naman kami sa party doon sa bahay nila kasi nga friend sina Aleng Martes at ang mama ni Kuya Jake. Tutol pa nga si Kuya sa party na gaganapin pero wala siyang ibang magagawa. Nagtataka nga ako kasi sabi ng mama ni kuya na hate na hate daw ni kuya ang mga parties pero sa nalalaman ko noon gusto ni kuya yang mga parties. Siguro nagbago na taste ni kuya? Nakakaloka!
"Iha, maiwan ka na lang kaya dito." bigla niyang sabi. Huh? Maiwan ako dito? Bakit?
"Bakit po?" nagtataka kong tanong.
"Bantayan mo na lang tong bahay. Babalik naman ako dito para magbihis. Mga 5:30 siguro. Okay lang ba sayo yun?" wika niya.
"Okay po." sabi ko. Umalis na si Aleng martes at ako? Hehe. Puounta ako sa school ni kuya. Alam kong ang hirap makapasok pero may mahirap ba sakin? Hehehehe.
Kinarga ko na si Tepes at pupunta na kami sa school ni Kuya. Walking distance lang naman ang bahay namin at ang school ni kuya. Dumaan ang ilang oras at nakarating na ako sa school ni kuya. Eleven na pala kaya lunch break na ni kuya. Bumukas na yung gate at nagsilabasan na yung mga estudyante. Hinanap naman ng mga mata ko si kuya. Oy, ang gwapo nung singkit ah. Shet, bakit ang daming baby boys at fafa boys dito? Hmmmm. Yummy! Joke lang kay kuya lang mata ko pero ang gwapo naman nila.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ng isang malamig na boses. Kilala ko yung boses na yun kay Kuya yun! Heh.
"Hinahanap ka?" hindi siguradong sagot ko. Kumunot naman ang noo nito.
"Ako? Nagpapansin ka lang siguro sa mga lalaki dito." masungit niyang sabi sakin. Hindi kaya. Hinahanap ko naman talaga siya. Nadistract lang ako sa mga naggwagwapuhang nilalang.
"Tsk." singhal ni kuya at hinila ako. Anyare doon? May ginawa ba akong dapat niyang ikagalit?
⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫
Nandito kami sa anong tawag sa lugar nato? Sorry, hindi ko alam kung ano to dito. Basta yellow yung paint tapos may mga emoji. Kainan ba to? May nakita akong mga babaeng pinipicturan yung sarili nila. Selfie? May nagpapapicture din. Ano ba tong lugar na to? Photo shop? Photo booth? Ambooth? Joke. Kaway-kaway sa mga bisayang nagbabasa.
"Kuya. Ano bang gagawin natin dito?" tawag pansin ko sa kanya.
"Kakain." sagot niya.
"Bakit sila picture ng picture?" tanong ko ulit. Inikutan naman ako nito ng mata.
"Sikat ang lugar nato. Nagpipicture sila para mapromote tong kainan nato." sagot ni kuya. Ah. Kinuha ko naman yung cellphone ko at ginaya sila. Tumingin naman si Kuya sakin at natawa.
"Anong ginagawa mo?" natatawa niyang tanong. Luh, bakit siya tumatawa? May nakakatawa ba?
"Ginagaya sila." inosente kong sagot.
"You don't need to do that. Napaghahalataan kang first time pumunta dito. You're making yourself look funny." nakasmirk niyang pinaalam sakin.
"Pero first time ko naman talagang pumunta dito." sabi ko sa kanya at nagpout. Ano bang masama pagfirst time?
"Bahala ka." sabi niya. Okay. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko. I don't care what people think as long as hindi ako nag-iisa.
"Ano nga palang pangalan ng lugar na to?" natanong ko bigka sa kanya.
"Happy we." sagot niya.
Dumating na yung mga pagkaing inorder ni kuya at nagsimula na kaming kumain. Nilantakan ko talaga yung adodong manok. Masarap pero mas masarap yung luto ni Aleng Martes. Don't get me wrong. Opinion ko lang naman yun. Pagkatapos kong nilantakan yung adodong manok ay mga desserts na naman yung nilantakan ko kagaya na lang ng carbonara. Ang sarap naman nito. Favorite ko na to, for real.
"Parang bata." sabi ni kuya. Kumuha siya ng tissue at lumapit siya sakin tapos pinahiran niya yung malapit sa lips ko. E? Naalala ko tuloy yung pakeng syet. Namula ako bigla. Natigilan naman ito at itinapon sa mukha ko yung tissue.
"Tapos ka na bang kumain?" tanong niya ng hindi makatingin ng diretso sakin.
"Huh? I mean. Oo! Ta...tapos na." nauutal kong sagot. Tumayo na ako at naunang maglakad sa kanya. Nakakahiya. Ano ka ba Xyla?
"Ihahatid na kita sa inyo." alok niya sakin. Sinagot ko naman ito pero hindi ko siya nilingon. Namumula pa kasi ako.
"Huh? Ay hindi na. Kaya ko na. Baka malate ka pa. Hehe." tanggi ko sa alok niya.
"Okay." reply na. Awkward namna diz.
Makalipas ang ilang oras ay nakarating na kani sa school niya at ako naman ay dumiretso na sa bahay. Mukha pa rin akong kamatis ngayon. Red na red yung face ko. Oh my god! Yung ano kasi eh. Bakit ba ako naninisi sa kiss? Ginusto ko naman yung kiss diba? Ano bang nangyayari sakin? Hindi naman ako usually ganito ah. Nabaliw na ata ako. Hala! Nakalimutan ko si tepes.
"Kamusta naman ang pag-iwan sakin Xyla?" bungad ni Tepes sakin. Okay lang naman as far as I know. Ay joke, nababasa pala ni Tepes yunh nasa isip ko.
"Hehe. Hindi ko sinasadya." sabi ko.
"I don't care. I just want you to know na you need to be careful. Nandiyan na sila." pagpapaalala ni Tepes. Nandito na pala sila. Hays, ang hirap ng life. Makatulog na nga muna.
"Xyla, iha. Gising na. Late na tayo para sa birthday ng kuya jake mo." paggigising nibAleng Martes sakin sabay yugyug. Gusto ko pang matulog. I need 15 minutes.
"15 minutes." sabi ko pero yinuyugyog niya pa rin ako.
"Kanina mo pa sinasabi yan. 6:30 na. Late na late na tayo. Hinihintay ka na ng kuya jake mo sa sala." sabi niya. Whut? Napadilat tuloy ako ng wala sa oras at dumiritso sa sala. E? Wala naman.
"Aleng martes naman." nakapout kong sabi sa kanya. Tumawa lang ito at sinabihan akong magbihis na kaya wala akong ibang magawa kundi magbihis.
⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫
Nandito na kami sa bahay nila kuya. Ang daming tao sa bahay nila. Halos lahat ng taga GJFS ay nandito at mostly mga babae. I don't care about them though. Hinahanap na naman kase ng mga mata ko si Kuya. Nasaan kaya yun? Nahagip ng mata ko si Kate kasama ng ibang mga kababaihang hindi ko kilala. Ang cute naman niya. Dahan-dahan ko siyang nilapitan para bumati.
"Kate." tawag ko sa kanya. Lumingon naman ito sakin at ngumiti.
"Ikaw pala Xyla." sabi ni kate. Ngumiti din naman ako sakanya pabalik. "Guys, si Xyla pala. Friend ko." pagpapakilala niya sakin. Nagwave naman ako sa kanila.
"Nenia." pagpapakilala sakin nung babaeng kulot ang buhok at may kalakihan ang mata.
"Ginevie nga pala." sabi ng babaeng naka eyeglass. Straight yung buhok niya at maputi ang makinis niyang balat. Maganda din siya.
"Mikee here." sabi nung pandak na babae.
"Zyrah. Haha." sabi naman ng babaeng nakapink. Matangkad ito at slim yung balingkinitang katawan niya. Maputi din ito pero weird lang kasi bigla lang siyang tatawa tapos tatawa din yung nenia tapos sisitahin sila nung ginevie. Ang weird naman ng mga friends ni Kate.
"Hindi ka pa ba nakapaggreet kay kuya jake?" tanong niya sakin. Tumango naman ako kasi tama siya.
"Samahan na kita. Ibibigay ko na din kasi kay Kuya yung gift ko." sabi niya. Napangiti naman ako kasi hindi na ako masayadong loner. Si tepes kasi palagi ng umaalis.
"Sure." reply ko at pumasok na kami sa bahay nila kuya. Binati ko naman yung mama ni Kuya dito sa mundo ng mga tao mg madaanan namin ito.
"Hi Kuya Jake!" bati ni Kate sa guwapong taong nandito sa harapan namin.
"Hello." bati niya din kay Kate at syaka tumingin sakin. Nginitian ko naman ito pero siya dedma. Bwesit.
"Happy Birthday Kuya." bati ko ng nakangiti. Tumango naman ito sakin. Ay, ang bad.
"Regalo ko pala sayo Kuya Jake." sabi ni kate at iniabot kay kuya ang isang maliit na bag.
"Libro? Salamat Kate." pasasalamat ni Kuya kay Kate. Libro din pala yung regalo niya. This means na oarehas yung regalo namin. Hindi naman siguro niya alam na gusti ni kuya yung mga harry potter. It's my win pa rin.
"Alam ko kasing mahilig kang magbasa kaya binilhan kita ng mga wattpad books. Diba gusto mo yung mga mystery/ thriller?" tanong ni kate. Masaya namang tumango si Kuya kaya natawa ng kaunti si Kate. "Tamang-tama lang ang mga librong binili ko para sayo." nakangiting sabi ni Kate kay Kuya. Ngumiti din naman pabalik si Kuya. Awtsu. Ang sweet nila. Naiinggit ako.
"Xyla." tawag sakin ni Kate. Tumingin naman ako sa kanya. "Okay ka lang ba?" tanong sakin ni Kate. Binigyan ko siya ng pilit na ngiti.
"Okay na okay." sagot ko.
"Ibigay mo na yung gift mo kay Kuya Jake." Sabi niya. Huh? Gift? Ay, oo nga pala. Tinago ko sa likod ko yung gift ko para hindi niya makita pero nakita niya pa rin kaya wa epek. Tumingin naman si Kuya sakin at inilahad yung kamay niya ng nakasmirk. Bwesit siya! Hindi si Kate kundi yung kuya ko yung bwesit.
"Oh." sabi ko sabay abot sa kanya yung gift ko. Inukay niya ito at tinignan niya yung gift ko.
"Harry Potter? Seriously? Anyways. Thanks." sabi niya. Tumingin naman si Kate sakin. Bakit? May problema ba sa gift ko?
"Mukhang hindi mo gusto yung gift ko kaya babawiin ko na." naiinis kong pahayag at kukunin ko na sana sa kanya yung gift ko kaso pinigilan niya ako.
"Sinong nagsabing hindi ko gusto? Gustong-gusto ko!" nakangiti niyang wika kaya napangiti din ako. Akala ko nagchange na naman yung taste niya pero hindi pala. "Puntahan ko na muna si Kristian. You two have fun." pagpapaalam niya. Ow, okay. Hehe. Nang makaalis na siya ay nagsalita si Kate.
"Strange. As far as I know. Hindi type ni Kuya yung mga harry potter." sabi niya. Huh? So hindi pala gusto ni Kuya ang gift ko. Umaasta lang ba siya? Gagu din siya.
"Bumalik na tayo." wika ni kate. Pupuntahan ko pa si Aleng Martes at tutulongan ko pa siya sa mga trabaho doon.
"May pupuntahan pa kasi ako." rason ko kay Kate. Ngumiti naman ito sakin.
"Okay lang basta nandoon lang kami sa may Cake. Lalantakan na namin yung mga pagkain." paalala niya sakin. Napatawa naman ako.
"Sige." sabi ko. Pumunta na agad si Kate doon kina Nenia. Hays. I'm feeling heavy. I don't know why.
Nandito na ako ngayon sa kusina. Ang busy naman ng mga tao dito. Tutulungan ko na lang sila sa mga hugasin since doon lang naman ako magaling. Instant tagahugas kaya ako sa karinderya. Nakita ko si Aleng Martes doon na pinagpapawisan. Pagod na pagod na siguro siya. Nilapitan ko naman ito at inilalayan umupo.
"Aleng Martes. Bakit po ba kasi kayo tumutulong sa trabaho dito. Guest po tayo." pagmamaktol ko. Choice kasi niyang tumulong kaya ito siya ngayon.
"Nakulangan kasi ng tao kaya tumulong na lang ako." rason naman niya. Nagpout naman ako sa harapan niya. Kinuha ko siya ng tubig.
"Uminom ka po muna." sabi ko. Uminom naman siya."Tutulong din po ako sa trabaho dito." alok ko sa kanya. Tumingin naman ito sakin.
"Naku! Wag na iha dahil mapapagod ka lang." pagtanggi ni Aleng Martes.
"Aleng Martes. Ang bored po doon kaya tutulong na lang po ako dito." dahilan ko. Tumawa naman ito at ginulo ang buhok ko.
"Sige. Ikaw bahala." sabi niya. Yes! Papayag din naman. Pinatagal pa. Joke. Hahahaha.
Pumunta na ako sa likod at sinimukan na ang paghugas. Hubby ko na ang paghuhugas simula ngayon. Naalala ko pa noon na hate na hate ko si Aleng Martes kasi pinahugas ako. Wala kasi akong maibayad sa lagkain ko noon. Naguilty tuloy ako bigla. Sino kaya yung anak ni Aleng Martes at nasaan na kaya yun? It's so nice to be happy. Sha la la la la. Hugas lang ako ng hugas dito. Walang katapusang panghuhugas. Decision ko naman to kaya panindigan.
"Bakit ka nanghuhugas?" tanong ng isang malamig ngunit malambing na tinig saking likod? Nilingon ko ito at nakita si Kuya. E? Ginagawa niya dito?
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Bumalik na ako sa ginagawa ko. Ang sakit ng kamay ko. Ang hapdi na kasi. Kanina pa ako hugas ng hugas dito. Bakit ba kasi ang daming bisita at taga suporta ni Kuya?
"Nagpapahangin." maikli niyang sagot. Ah, okay. Hindi na siya oinansin kasi busy ako.
"Bakit mo ginagawa yan? Tumigil ka na nga." tanong niya. Tumigil naman ako at hinarap siya.
"Tinulongan ko si Aleng Martes." sagot ko na hindi man lang kumurap. Tumikhim naman ito at pansin ko lang ang red niya.
"Uminom ka ba?" tanong ko.
"Oo." sagot niya. Oh, kaya pala. Akala ko kinilig siya sa mga titig ko. Ang feeler ko naman. Hindi na ata ito healthy. Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko.
"Namamanhid na ang kamay mo." komento niya. Totoo nga pero kaya naman to kasi may gamot naman. Gagamutin ko na lang to, pagkatapos.
"I know." reply ko. Sorry, kanina pa talaga akong wala sa mood kasi nga dahil doon sa gift ko.
"Gusto ko lang sabihin na gusto ko yung gift mo." sabi niya. Saglit akong natigilan.
"Liar. Okay lang naman sakin kung hindi mo gusto. Sinabi sakin ni Kate na hindi mo daw gusto yung mga harry potter churva na ganyan. It's okay, actually. You don't need to lie na gusto mo yun because I know." litanya ko. Bakit feel kong umiyak? Sa gift lang ba talaga ang dahilan o ang fact na ang sweet nilang dalawa ni Kate? Nagseselos ba ako? Tuloyan na talaga akong naging bobo.
"Actually, kahit ano pa iyang mga eregalo mo sakin ay gusto ko kasi the fact na ikaw yung nagbigay makes me so very happy." pahayag niya. Tumigil naman ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya.
"Bakit ka umiiyak?" nagtataka niyang tanong. Huh? Ay, umiiyak pala ako.
"Gagu." komento ko sa kanya at niyakap siya. Gusto kong yakapin siya eh. Pake niyo ba. Niyakap niya din naman ako pabalik.
Now this is the real definition of sweet. Atleast, para sakin. Yieeeeeeeeeeeeeeee. Oh my god. I'm so teary eyed. Si kuya kasi. Naman! Pinapakilig ako. Habang yakap-yakap ko si kuya makes me think of some things. I really fall hard sa reincarnation ng Kuya ko. I don't know if this is right or not. I mean hindi na naman kami kadugo but tao siya at bampira ako. Things got even messier.
To be continued.........
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top