//1//






Jake Mark's Pov




Hello sa inyo!  Ako nga pala si Jake Mark Perez isang mag-aaral sa isang private school. Matalino ako, Gwapo at Mabait sa taong mabait. Matatawag niyo akong isang normal na mag-aaral lamang. Hindi naman ako gaano ka famous pero maraming nakakakilala sa akin dahil nga sa matalino ako. Marami din ang nagkakagusto sa akin. Aaminin ko ang gusto ko sa mga babae ay matalino katulad ko ayaw ko sa mga bobo, Slowpokes at flirt.


"Hoy Jake Mark!  Natapos mo na ba ang report mo sa English?" tanong nitong katabi ko na si Syndie Llerma Escasinas.

"Tapos na. Eh ikaw?"  sagot ko sa tanong ni Syndie.

"Hindi pa eh. Pero malapit na." Nakangiting sagot naman nito sa tanong ko. Gumanti ako ng ngiti tapos itinuon ko na ang aking mata sa librong binabasa ko.


I closed the book that  i read nang pumasok ang teacher namin sa math.  I really love math. Magaling kaseng magturo  si Sir Pangan eh. At besides sa fact na, I like taking challenges! Gusto ko talaga yung nakakatriger sa mind ko.

"Morning Sir!" Bati naming lahat kay Sir. Tumango naman si Sir bilang sagot.

"Alberio, John Rheo. "Pagtatawag ni Sir kay John.

" Present!" Sagot ni John habang nakataas ang kamay.  Nagchecheck kasi si Sir ngayon sa Attendance. Haha,  yan tuloy nagmumukha kaming kindergarten.

Makalipas ng isang oras. Natapos na din ang lecture sa Math kaya ang susunod naman ay subject sa Science. Hays, Nakakapagod makinig. Ang boring naman kase. Nakailang buntong hininga ako bago matapos ang Subject na iyon. Hehe, buti hindi ako sinita.



**Ringgg!!!! **

Hay sa wakas natapos na din ang Science at vacant na!!!  Magdiwang mga kapatid, kapamilya, kapuso.  Gutom na gutom na talaga ako. Hindi kasi ako nakakain ng umagahan. Pumunta agad ako sa canteen at bumili ng saging. Hays, Bakit ang mahal naman ng saging sa panahon nating mga millennials. Tahimik kong tinahak ang daan patungo sa classroom.



"Hoy Jake Mark!  Pumunta  ka sa bahay nila Kath para gumawa ng project natin sa filipino. Huwag mong kalimutanDahil Group Project yun." Pagsasabi sa akin ni Kennethyl.

"Oo, pupunta ako. Kailan ba?" Sabi ko habang ngumonguya ng saging.  Napaisip naman siya. Makalipas ng isang minuto wala talaga siyang naisagot sa akin tinawag nya na lang si Kathlen. Lumapit naman sa amin si Kath.

"Kailan pala kami pupunta sa inyo?" Pagtatanong ni Kennethyl kay Kath. Napahawak naman si Kath sa baba niya.

"Sa Friday na lang. Wala naman tayong pasok diba?" Sagot niya sa amin.

"Sige. Sa Friday. " Pagsang-ayon ni Kennethyl.  Ngumiti naman si Kath sabay balik sa upuan niya. Tumingin naman siya sa akin. "Narinig mo iyon, Jake." Dagdag pa niya. Tumango na lang ako at bumalik sa upuan ko.

Natapos na akong kumain ngunit wala pa ring teacher na pumasok kaya nagwattpad na lang ako. Oo, nagbabasa din ako ng Wattpad at alam iyon ng kaklase ko. Kaya sa naghahanap diyan ng boy wattpader, I'm here.


"Oy Pareng Jake! Serious natin ah."  Pagbibiro sa akin ni Kristian. Nakapoker face ko siyang binalingan ng tingin.  At ang Baby Damulag na ito tinawanan lang ako.

"Huwag ako Kristian. Huwag. Ako." Pagkatapos kong sabihin iyon ay pinagpatuloy ko na lang ang pagbasa. Nasa epilogo na sana ako ngunit paepal talaga itong school bell na ito! Tutulo na sana ang luha ko. Pero agad na bumalik ng tumunog ang bell.

"Lunch Break na!!!!" At aba!  Nangunguna pa talaga sa paglabas si Rogel Rogie aka Rogrog.

Kinuha ko na ang bag ko at tinungo ang Karinderya. Hindi kasi ako sanay na kumain sa classroom kaya heto ako ngayon naglalakad mag-isa. Mailap kasi ako na tao. Let's say na Marami-rami ang friends ko pero hanggang friends lang yun. Wala akong Bestfriend. Pero wag ka hindi ako loner at mas lalong hindi malungkot ang buhay ko. Pinasasaya kaya ako ni Crush at Wattpad.


"Aray! " Sabi ng maliit na boses.  Yumuko ako at doon ko nakita si Kate ang kapatid ng kaklase kong Si Kath.

"Sorry Kate! Hindi kita nakita." Paghihingi ko ng paumanhin. Tumingin ito saglit sa akin pero lumaon iniwas din naman ang tingin.

"Okay lang Kuya jake. Sanay naman ako." Namumulang wika niya. May ibinulong siya pero hindi ko iyon narinig.

"Sigurado ka ba?" Pag-uusisa ko sa kanya.

"O..Okay lang talaga ako Kuya Jake." Nautal niyang wika sabay takbo."Bye!" Dagdag pa niya habang kumakaway. Weird talaga ng kapatid ni Kath. Hays, makalakad na nga.

Narating ko na ang Karinderya. Agad akong umorder ng pagkain. Umupo muna ako habang naghihintay matapos magserve si Ate. Fast forward na muna tayo tinamad si Author eh. Pagkatapos kong kumain ay bumalik na agad ako sa School. Mahirap na baka malate ulit ako.


So ang bilis ng oras noh?  Sensya na tinatamad lang talaga ang author. Magtiis na lang kayo kung matagal  mag-update ang story. Nandito ako ngayon sa school. Malapit na ang uwian at ngayon lang ako nakabalik sa pagbabasa sa epilogo na hindi ko natapos.  Grabee!!  Ang sad naman pala ng ending sa story na binabasa ko ngayon.


"Nagbabasa ka na naman ng Wattpad Jake." Pagtatanong ni Syndie.  Pake mo ba?  Di Jowk lang.  Ngiti lang ang naiganti ko. Hindi ko nalang pinansin ang tanong niya dahil biglang nagbell ang epal na school bell.  Tumayo na ang mga kaklase ko tapos nagsimula na ang prayer. At kung minamalas ka nga naman. Kame pala ang cleaners ngayon. Hirap talaga ng buhay. 

Nagsimula na akong maglinis. Una kinuha ko ang trashcan at tinapon ang nasa loob nito Pagkatapos ay isauli sa pwesto nito.  Lumipas ang ilang minuto. Kailangan ko na talagang umuwi.


"Uwian na pala. Una na ako Syndie." Yun lang ang nasabi ko at agad na lumabas sa classroom. Sorry nagmamadali lang. Maraming trabaho sa bahay.

Nakarating na ako sa bahay ng tahimik at matiwasay. Walang tao pagkarating ko. Nasaan ba sila Mama at Kuya. Pumunta ako sa kusina. Wala  pang lutong kanin at ulam. Mas minabuti kong magluto muna. I'm a good cook kaya girls mainlove na kayo sa akin. I sounded like Kristian aka Baby Damulag ang dakilang chicksboy. Charrott may pina english na akong nalalaman dito. Natapos na akong magluto ng makauwi na sina Mama at Kuya.

"Saan kayo galing Kuya?" Pagtatanong ko kay Kuya. Ibinaling naman niya sa akin ang tingin.

"Tinatanong pa ba iyanAlam mo na ang sagot Jake. Matalino ka naman diba?" Sagot niya sa akin. Napakamot na lang ako sa ulo kasi hindi ko talaga alam ang sagot. Malay ko ba kong saan sila nanggaling hindi naman kase ako nainform.

"Hindi ko nga alam ang sagot Kuya." Wika ko sabay irap. For your info readers hindi ako bakla. Bakit babae lang ba ang nang-iirap?

"Nabagok ba ulo mo,Kapatid?" Nag-alalang tanong niya sa akin. Kuya naman Nakakairita.

"Hindi naman nabagok ito kaya sagotin mo na lang tanong ko." This time nakapoker face na ako. Hala hah Kuya.

"Nanggaling ako sa tiyan ni Mama. Si Mama naman sa tiyan ni Lola." Seryosong saad nito. Iniwan ko na lang siyang nakatunganga doon. Tss... Wala pa lang saysay kausap ito. Kay Mama na lang ako magtatanong.

"Saan kayo NAGPUNTA ma?" Tanong ko na diniinan ang pagkakasabi sa Nagpunta. Ngumiti naman ito bago sinagot ang tanong ko.

"May binili lang kami ng Kuya mo sa SM nak." Agarang sagot ni Mama.

"Hays, buti pa si Mama may sense kausap. Hindi gaya sa iba dyan." Pangririnig ko kay Kuya. Tumingin ito sa akin.

"Yor Road, you know?"Panggagaya nito sa You're road meme.

"What?  Whats the matter?" Pagsasabay ko sa kalokohan nitong ugok na ito.

"Yor Road." Ulit pa nito sa akin. At aba na gaya nya ang boses ng babae. Iba talaga itong si Kuya.

"What?  Whats the matter?..... I'm Old?" At ako bilang si Jake Mark. Sinabayan ko na talaga si Kuya.

"Yor acting layk a....ked." Baliw na ata talaga siya. Makalayo nga. Mahirap na baka mahawaan pa ako. Tiyak kong maraming iiyak na babae.

"Yow don't have respect." Sabi pa nito at kunyareng naiiyak na. Pagkatapos non ay sabay kaming tumawa. And there you have it guys. This is me, This is Jake Mark Perez. Bukas na lang ulit!!










                                                                                                                                             
Sorry, kung meron mang typos ,wrong spelling at wrong grammar sa story na ito. Don't criticize me. Bata pa po si Author. Intindihin nyo na lang, Okay? Echosss......
                                                                                                                                             












Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top