Chapter 7

"Sunny, mag-usap tayo."

Napatingin ako kay mama na mukhang tama ako ng hinala, narinig niya ang pag-uusap namin ni Enzo kanina sa living room.

"Marami tayong kailangang pag-usapan."

Nasa doorway siya habang nakatingin sa akin nang seryoso. Sinara ko na ang gate bago ko siya sinundan papunta sa living room.

"What happened? What do you mean by everybody's fooling you around?"

Bumuntong hininga ako. I don't want her to know the details because I know she'll freak out. Of course, she'll be disappointed and heartbroken at the same time knowing that her only daughter experienced an almost hideous crime. But it would hurt her more not knowing what happened to me.

"They planned to do something bad to me, ma. I don't know what exactly it was but they put me to sleep."

Nakita ko ang pamumula ng mata niya na para bang hindi makapaniwala sa narinig niya mula sa akin. Napatakip siya ng bibig at ilang sandali lang ay umiyak na siya.

"A-anong ibig mong sabihin? Kailan 'to nangyari?"

"T-that time when I locked myself in my room for three days—"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita kong nagngitngit ang mga ngipin niya.

"Sinong hayop ang gagawa sa 'yo niyan? Sino sa mga kaklase mo? Bakit nila gagawin iyon sa iyo? Wala ba silang kapatid na babae? Hindi ba nila alam ang salitang respeto?" sunod-sunod na tanong ni mama. Bakas sa mukha niya ang sobrang galit na animo'y handang pumatay para sa kaniyang anak.

Bumigat ang paghinga ko. Kahit ako'y nakakaramdam ng labis na pagkadismaya dahil hindi ko inaasahang gagawin iyon ng mga kaklase ko sa akin. Wala naman akong ginawang masama sa kanila.

"Sabihin mo sa akin kung sino sila. Sisiguraduhin kong makukulong ang mga gagong 'yon!"

Umiling ako. "Wala tayong ebidensya, ma, para makulong sila. At hindi rin naman natuloy ang nangyari dahil napigilan sila ni Enzo."

"Enzo? You mean, that guy who was with us earlier?"

Tumango ako.

Pinunasan niya ang mga luha niya. "Sunny, I want to talk to him again. Bring him here." Hindi ko inaasahan ang sasabihin ni mama.

"P-po? Bakit?"

"We should treat him for saving you."

Doon ko lang naalala na ni isang beses, hindi ako nakapagpasalamat sa ginawa niyang pagliligtas sa akin. I was so distracted by the thought na hindi ako magkaka-boyfriend dahil sa ginawa niya.

Tumayo siya. "And he's honest. Ang mga hindi mo kayang sabihin sa akin, sigurado akong sasabihin niya. I want to know who among your classmates planned to do bad things toward you, my only daughter. Hindi ako makakapayag na pagsamantalahan ka nila. Kung hinahayaan mong lapastanganin ka, akong ina mo, hindi. Kung hahayaan lang natin ang nangyari sa 'yo, mauulit 'yan katulad ng ikinatatakot mo. Kaya papuntahin mo si Enzo dahil gusto ko siyang makausap."

Tuluyan na siyang pumasok sa kwarto niya at naiwan ako sa sala habang nag-iisip. Saan ako kukuha ng mukha para humarap kay Enzo pagkatapos kong sabihin na lubayan niya ako?

Napasapo ako ng mukha.

Kinabukasan, maaga akong gumising para pumasok sa school. Bago pa ako tuluyang lumabas ng bahay ay ipinaalala sa akin ni mama ang utos niyang papuntahin ko si Enzo sa bahay. How can I approach him?

Laking pagtataka ko nang mapansing halos lahat ng estudyante ay pinagtitinginan ako. Anong meron?

Dumeretso na ako sa room at doon ko nalaman ang katotohanan kung bakit nila ako pinag-uusapan. Monica approached me.

"Sunny! How was it? Sabi na nga ba't may gusto sa 'yo si Enzo! Kayo na ba? Balita ko, umamin siya sa 'yo kahapon," saad niya. Agad kong hinanap sa paligid si Enzo pero wala pa siya. "Imagine, he confessed in front of so many students. I never thought a silent man could shout his feelings that bravely."

Muli ko na namang naalala ang nangyari kahapon—ang pag-amin ni Enzo sa nararamdaman niya para sa akin—kung bakit niya ako patuloy na tinutulungan. Totoo ba talaga? Na may nararamdaman siya para sa akin?

"So, sila 'yong nakita natin last time? Making out sa party mo?" giit ni Rachel na mukhang tuwang-tuwa sa nalaman niya.

"Making out?" sabat naman ni Daisy na nanglalaki ang mata. "Kaya ba ang tagal mong nawala dahil nakipagharutan ka kay Enzo?" naiinis nitong banat sa akin at pinagkukurot ako sa singit.

Paulit-ulit akong umiling habang lumalayo sa kaniya. "Hindi! Walang katotohanan ang sinasabi nila Monica! Hindi kami nag-make out. Bakit ko naman gagawin 'yon? Nagtago lang ako kasi ayokong malaman ni Monica na nakita ko siyang nakikipaghalikan kay Rachel!"

"Bakit naman?" singit ni Monica habang nakakunot ang noo.

"Baka kasi ayaw mong may makakita sa inyo," sagot ko.

"Ha? Bakit naman? Proud ako na may relasyon kami ni Rachel."

Napanganga ako lalo na nang maghawak-kamay sila sa harap ko. Napatingin ako sa mga kaklase ko. Walang bahid ng pagkagulat sa mga mukha nila na para bang matagal na nilang alam ang kasarian ng presidente namin. So, ako lang ang walang alam?

"Ikaw? Hindi ka ba proud sa relasyon ninyo ni Enzo? There's nothing wrong naman kung may something kayo, eh. Tsaka hindi mo na maitatanggi sa akin ang lahat. You immediately get my scarf that night para kay Enzo, meaning you also cared about him. Your feelings are mutual," mahabang usal niya.

Umiling ako. "W-wala akong nararamdaman kay Enzo! Magkaibigan lang kami!"

Agad na natahimik ang lahat at napansin kong ang atensyon nila ay napunta sa pintuan. Lumingon ako roon at doon ko nakita si Enzo na papasok sa room namin. Kakaiba ang itsura niya at mukhang narinig niya ang sinambit ko. Pero bukod roon, napansin ko ring tila ba nakainom siya. Saglit niya akong tiningnan bago siya lumabas at piniling pumasok sa room gamit ang kabilang pintuan doon sa likod. Nagdere-deretso lang siya sa upuan sa dulo bago yumuko at natulog. Balak niya bang matulog lang sa klase? Bakit pa siya pumasok kung gano'n?

"Kung sino-sino naman kasi ang sinasamahan niyan ni Sunny."

Napatingin naman kay Kenneth ang mga kaklase ko. Maging ako ay napasulyap sa kaniya na ngayo'y nakatayo malapit sa bintana habang nakahalukipkip.

"Last time, she was with Nathan. They were together para magreview. Pumunta pa mismo si Sunny sa hotel room ni Nathan. Who knows what happened? Baka hindi lang review ang ginawa nila?" dagdag pa nito na siyang ikinainis ko.

"Kenneth, can you shut up?" sigaw ko.

"Bakit? Totoo naman, ah? Bago pa si Nathan, halos lahat kami rito na-link sa 'yo, eh. Hindi ka ba nahihiya? Ngayon naman si Enzo?"

Nakanganga ang mga kaklase ko. Kapwa nakatingin sa akin. Anong pinapalabas niya? Na malandi ako? Eh, sila nga 'tong unang nagbibigay ng motibo sa akin tapos iiwan nila ako sa ere.

"Balak mo talagang lahatin kami hanggang makahanap ka ng lalaking mahuhulog sa patibong mo, 'no?"

Ano?

How can he—?

Ramdam ko ang mapanghusgang mga mata ng kaklase ko. Tingin nila sa akin ay marumi. Nakakadiri. Nakakakilabot. Unti-unti silang lumayo sa akin na parang may nakakahawa akong sakit.

"He just asked you to help him sa pagre-review pero what you did was out of imagination. You were so obsessed, desperate to have a boyfriend before college. You put sleeping pills on your glass para pagbintangan si Nathan na may balak siyang gawin sa 'yo when it was all your doings."

"Hindi totoo 'yan!" sigaw ko. "Huwag kayong maniwala sa kaniya! They were the ones who planned something toward me. They were planning to rape me! They put me to sleep!"

Pero walang umani ng simpatya ko maliban kay Daisy na ngayo'y hindi makapaniwala sa naririnig. Lalapitan niya sana ako nang magsitayuan na sila Charlon, Miggy, Cris at Rowel para patunayan ang sinabi ni Kenneth. Pinagkakaisahan nila ako. Binabaliktad nila ako.

"Rape? Was that a big speculation to make, Sunny? Or sobrang assuming mo lang?" wika ni Rowel.

Nanliit ako sa mga sinabi niya. Nanginginig ang mga kamay ko. Lahat ng mga mata ay nasa akin. Sobrang assuming ko nga lang ba?

"Why would we plan to rape you?"

Naglakad si Rowel papalapit sa akin. Napaatras ako.

"Sino ka ba sa akala mo?" Nakita kong itinaas niya ang kamay niya para sapakin ako.

I was about to shut my eyes when I saw someone grab his collar. "Ikaw? Sino ka ba sa akala mo? Baka nakalimutan mong alam ko ang totoong nangyari."

I gulped. Enzo, what are you doing?

"Kung hindi niyo pa titigilan si Sunny, baka makita mo kung anong hinahanap mo." Marahas niyang binitiwan si Rowel. Napaatras naman sila Charlon.

"Bakit? Sino ka ba? Sino ka ba para ipagtanggol si Sunny? Boyfriend ka ba niya?" tanong pa ni Rowel. "Sunny, boyfriend mo ba 'tong ungas na 'to?"

Hindi ako nakasagot.

"Hindi ka naman pala boyfriend! Bakit kung umasta ka parang pagmamay-ari mo si Sunny? Kahit ikama namin siya, wala kang pakialam—!"

"Gago!" Malakas na sinuntok ni Enzo si Rowel. Napasinghap kaming lahat. "Anong ikama? Putang ina mo pala, eh!" Sunod-sunod ang pagsuntok niya kay Rowel na para bang hindi siya makakapayag na hindi ito dudugo.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pinipigilan siya ng mga lalaki pero hindi siya paawat. Naririnig ko pa siyang nagmumura. "Kita mo? Lumabas na rin mismo sa bibig mo na gusto mong makaisa! All of you planned to rape her!"

"Sunny! Pigilan mo na si Enzo! Ano ba?" sigaw ng marami pero hindi kaagad iyon pumasok sa kokote ko dahil para akong naestatwa. Hindi ko alam ang gagawin. Naiiyak ako sa takot.

"Sunny!" Nabalik ako sa reyalidad nang makita ko si Daisy sa harap ko habang hawak ako sa magkabilang balikat. "Kunin mo na si Enzo. Kami nang bahalang magpaliwanag sa prof. Umalis na muna kayo rito!" Hinila niya ako palapit kay Enzo at katulad ng sinabi niya ay hinawakan ko ang kamay nito. Napatingin naman siya sa akin dahil napigilan ko ang muling pagsuntok niya sa mukha ni Rowel na ngayo'y bumabaha na ng dugo.

"Stop it now and come with me," sambit ko bago ko siya tuluyang inalis sa lugar na iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top