Chapter 5
"See? Nasaan d'yan ang sinasabi mong madali kang makuha? Matagal na 'kong nahihirapan!"
Natigil ako sa paglakad lalo na nang mapansin kong may mga estudyante nang nakapansin sa pagtatalo naming dalawa ni Enzo. Nilingon ko siya para makitang nasa likod ko na pala ang lalaking kanina pang humahabol sa akin.
"Hindi naman kita pinaglalaruan," dagdag pa niya. Bakas sa mukha niyang naaalibadbaran siya sa kinikilos ko at maging sa mga sinabi ko.
Huminga ako nang malalim. "Then, why are you doing this? Dahil ba alam mong desperada akong magka-boyfriend before college? Kaya, you're doing some charity work to fulfill my needs?"
"I'm doing this because I like you!"
I gasped. Those words left me speechless pati na rin sa mga taong nakarinig sa sigaw niya. Wala na akong rebuttal. Tang ina, kung nagsisinungaling siya, ang galing niya dahil napapaniwala niya ako.
"I am clearly offering myself. Kaysa maghanap ka ng iba tapos lokohin at gaguhin ka, bakit hindi na lang ako? Hayaan mong patunayan ko sa 'yo kung gaano ka kahalaga sa akin. Matagal na kitang gusto, Sunny. I don't care kung hindi ka naniniwala, pero sa ayaw at sa gusto mo, papatunayan ko sa 'yo."
Napalunok ako. Ilang beses pa akong kumurap habang nakatingin sa kaniya. Is he for real? Lasing ba siya? Is he confessing his feelings in front of so many students? The hell.
Napaatras ako. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Maging ang mabilis na pagtibok ng puso ko ngunit mas pinili kong umiling habang nakatingin sa sinsero niyang mukha.
"Hindi ako naniniwala."
I walked out from him. Hindi ko kaya ang pag-aalburoto ng puso ko dahil sa mga sinabi niyang iyon. Daig ko pa ang bulkan na parang sasabog sa lakas at bilis ng tibok ng puso ko.I can't believe it. Why can't I believe it? Nasa harap ko na ang taong may gusto sa akin at willing maging boyfriend ko pero bakit hindi ko siya magawang tanggapin? Bakit natanim na sa puso ko ang pagdududa na wala nang magmamahal sa akin nang totoo?
Hindi na ako bumalik sa klase sa halip pumunta ako sa lugar na matagal ko nang gustong puntahan. Maingay pero hindi nakakabuwisit dahil lahat ng mga tao ay nagsisigawan sa saya... Nagtatalunan sa galak. Nagsasayawan kasabay ng malakas na tugtog na nakakabingi. Iba't ibang kulay ng mga ilaw ang kaliwa't kanang humahampas sa hangin. Isa lang ang pumasok sa isip ko, magpapakalunod ako sa kalasingan para sa ganoon ay makalimutan ko lahat ng nararamdaman ko maging ang mga iniisip ko. Maraming nangyari at hindi ko na alam paano i-sort out.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ng bar. Maraming tao pero alam mong malaya kang gawin ang mga bagay na gusto mo. Walang pakialam ang iba at wala ka ring pakialam sa kanila basta masaya. Kahit maghalikan sila roon sa gilid, kahit magsayawan sila ng malalaswa, walang pakialam ang mga manonood. In short, wala akong pakialam.
"Beer please," utos ko sa lalaking nasa harap ko.
Hindi naman nagdalawang isip ang bartender na bigyan ako ng alak kahit mukhang bata pa ako. Makakapasok ba ako rito kung hindi ako dyesiotso? Hello?
Ininom ko 'yon nang isang lagukan. Hindi naman 'to kaagad tumama sa lalamunan ko. Malakas ang tolerance ko sa alak kaya hindi na gumuguhit ang kahit anong matapang na alak sa lalamunan ko. Sana ganito rin ang pag-ibig, kahit gaano kasakit o kasama, kaya kong i-handle pero hindi, eh.
Ilang baso pa ang nainom ko at doon ko napansing umiikot na rin ang paningin ko. Tama, ito ang dahilan ng pagdayo ko rito. To be wasted.
Napakagat ako sa labi ko tsaka tumingin sa hawak kong bote ng beer na siyang kanina ko pa nilalaklak. Sumuko na ako sa pagbabaso-baso dahil nabibitin ako kaya roon na ako sa mismong bote uminom.
"Alam mo ba beer, maraming lalaking nagsasabing gusto nila ako," pautal-utal kong salita dahil sinisinok na ako sa kalasingan. "Ha? Hindi ka naniniwala? Maganda kaya ako, pero ayon nga, mga sinungaling sila, pa-fall, kasi balak nila akong pagsamantalahan para pagkakitaan."
Muli akong suminok.
"Oh? Bakit hindi ka nagsasalita? Nalulungkot ka rin ba? Hindi mo inakalang magagawa sa akin 'yon, 'no? Wala, eh, marupok kasi ako. Teka, bakit ang dami mong bula? Lason ka 'no?" Ininom ko iyon upang tikman. "Hala! Nainom kita! Mamamatay na ba ako? Bubula na rin ba ang bibig ko? Inumin nga kita para mawala na ako sa Earth."
I drank the beer until the last drop before I confront it again.
"Hala! Bakit nawala? Sinong uminom ng beer ko? May magnanakaw! Sino? Sinong uminom sa 'yo, beer ko?"
Nagsimula na akong umiyak lalo na nang may kumuha ng hawak kong alak.
"Beer kooooo! Pati ba naman ikaw, hindi pwedeng maging akin? Lahat na lang kinukuha sa akin!" Natigilan ako sa pagluha nang may magbalik sa kamay ko ng alak. May laman na.
"Aha! Beer ko! Nandito ka na ulit! Shabi kashi nila hindi ka na raw babalik pero shabi ko babalikan mo 'ko. I love you, beer!"
Hinalikan ko pa ito bago lagukin.
"Ano? Huwag kitang inumin?" tanong ko na puno ng pagkagulat. Inilapit ko ito sa tainga ko. "Ha? Bakit? Mahal kita? Oo naman, pero 'di ba mahal mo rin ako? Kaya papayag kang inumin kita. Hindi? Bakit? Hindi mo ako mahal?" Sumimangot naman ako habang binubungangaan ang bote ng beer na hawak ko.
"Bakit hindi mo ako mahal? Manloloko ka! Shabi mo mahal mo 'ko, beer! Pagkatapos ng pinagsamahan natin? Iiwan mo lang ako? Hmph! Akala mo ha! Iinumin na kita!"
Nilingon ko ang bartender bago nagsalita. "Ibigay mo sa 'kin lahat ng beer! Iinumin ko!" utos ko ngunit napansin ko siyang hindi sinusunod ang sinabi ko.
"Oh? Bakit hindi ka kumikilos?" tanong ko sa kaniya na puno ng pagtataka. "May pambayad ako kuya, huwag kang mag-alala."
Ngumiti ako bago ko ipinakita sa kaniya ang wallet ko.
Napansin kong hindi siya nakatingin sa 'kin kaya napatingin ako sa likod ko. Bastos talaga 'to, kinakausap, sa iba tumitingin.
Ha? Wala naman akong makita nang lumingon ako sa likod. Tumingala ako at doon ko napagtantong nasa harap ko pala ay ang tiyan ng isang lalaki. Natawa ako habang nakatunghay sa isang anghel na nakatingin din sa akin na puno ng pag-aalala. Teka. Isang anghel na bumaba sa lupa para sunduin ako? Patay na ba ako?
Napapikit ako at saka dumilat muli. Tila ba nabalik ako sa wisyo nang makilala ko siya. Si Enzo! 'Yong umamin sa akin kanina. Napangiti ako.
"Uy, kilala kita, ah. Inom tayo." Tinawanan ko siya tsaka ako lumingon sa lalaking nasa harap ko. "Bigyan mo pa kami ng beer! Ang damot mo naman, eh. Sabing may pambayad nga ako. Bilhin ko pa lahat 'yan, eh! 'Di ba, Enzo?"
Kinuha ko ang kamay niya. "Halika dito. Dito ka sha tabi ko."
Hinila ko siya paupo sa tapat ng counter. Kinuha ko ang isang baso ng beer at ibinigay sa kaniya. "Pusta, tumba ka na pagkatapos mong inumin 'yan," pang-aasar ko sabay hagalpak ng tawa habang pumapalakpak pa ngunit napatigil ako nang maramdamang nahihilo na ako. Napahawak ako sa sintido ko habang tinatapik-tapik ito.
"O-okay ka lang?" tanong niya na. Tumingin ako sa kaniya pati na rin sa baso ng alak na ibinigay ko sa kaniya. Hindi pa rin niya iyon iniinom at nakatingin lang siya sa akin.
"Bakit ayaw mo pang inumin? Natatakot ka ba? Pusta, pagkatapos mong inumin 'yan, susukahan mo 'ko," pangangantyaw ko pa.
Napapikit akong muli nang uminda ang ulo ko. Nakailang baso ba ako? Nahihilo na ako at pakiramdam ko tutumba na rin ako pero hindi ko puwedeng sukuan ang isang ito. Gusto ko pa siyang asarin.
"Pusta, pagkatapos mo niyan..." Nakita ko siyang ininom lahat 'yong laman no'ng baso. Natawa ako. Hindi ko alam na iinumin niya talaga 'yon. Masyadong masunurin. Masyadong good boy. Nilapitan ko ang mukha niya para tingnan kung okay lang siya. "Ano? Kumusta? Masarap?" nakangisi kong tanong.
Lumingon siya sa 'kin at tiningnan niya ako nang malalim. "Mali ka, hindi mo nahulaan ang gagawin ko pagkatapos kong inumin 'yan."
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin. "Bakit? Ano bang gagawin—"
Para bang nawala ang kalasingan ko nang ma-realize ko ang ginawa niya. Hinalikan niya ako. Muli na namang dumampi ang malambot niyang labi sa mga labi ko. Nakakakuryente. Nakakatangay. Napahawak ako sa balikat niya at hindi ko na napigilang tumugon sa mga halik niya. Hindi ko mapigilan. Nadadala ako. Ang sarap niyang humalik. I closed my eyes as we shared passionate kisses that felt like a secret way to a passage to another universe.
Hinawakan niya ang batok ko na para bang mas gusto niya pang lumalim ang paghahalikan namin. Lasap na lasap ko ang magkahalong pait at tamis ng alak na ininom niya. Nakakaubos ng hininga. Nakakalunod. Animo'y wala kami sa maingay na lugar dahil tanging lakas lang ng tibok ng puso ko ang naririnig ko.
Nagulat ako nang mapadpad ang kamay niya sa dibdib ko pero agad niya iyong inalis at bumitaw siya sa mga halik namin.
"I'm sorry," panickly he said. Napayuko siya at tila ba hindi mapakali. "Don't make me drink again, Sunny. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko."
Ngumisi ako. "Bakit? Sino bang pumipigil sa 'yo?" mapanudyong tanong ko.
"Marami ka nang nainom," sagot niya sa akin. Ayaw niya nang patulan ang pang-aasar ko sa kaniya. Natawa naman ako. "Pero mas lasing ka sa ating dalawa."
Tinuro ko siya pero hinawakan niya lang ang kamay ko. Ramdam kong any moment now, bibigay na siya. Pustahan, hindi 'to tatagal.
At tama nga ako dahil kung hindi ko pa siya nasalo ay plakda na siya sa sahig. Napayakap siya sa akin pero mukhang sinamantala niya iyon para yakapin ako. Mahigpit.
"I was supposed to drive you home," he said to my ears na para bang hinang-hina. "I was supposed to take care of you." Nakikiliti ako dahil tumatama ang paghinga niya sa tainga ko.
Hindi ako agad nakapagsalita lalo na nang maalala ko ang nangyari kanina. Ang mga narinig ko mula sa mga kaklase ko, pati na rin ang mga sinabi ni Enzo na tumatak sa isip at puso ko na gusto kong balewalain pero hindi ko magawa. He wants to take care of me.
Akala ko'y maaalis ng alak ang lahat ng mga iniisip ko pero dahil lang sa mainit na halik ni Enzo, nawala ako sa kalasingan. Naalala ko na naman lahat at kahit pilitin kong huwag nang isipin pa, mas lalong lumalago sa isip kong hindi ako karapatdapat sa lalaking ito. Gusto kong maniwala, pero hindi ko magawa. May pumipigil.
Yakap niya pa rin ako habang nakatayo kami at pinakikiradaman ang isa't isa. Lumalalim na rin ang paghinga niya. Napapikit ako. Ayokong bumitiw sa mahigpit na yakap na ito. Para bang nararapat ako sa mga bisig niya, malapit sa puso niya. Hindi ko kayang kumawala. I feel safe.
"Sunny..." pagtawag niya sa pangalan ko.
"Hmm?"
"I don't want you to hate me." Naramdaman kong umiiling siya na para bang isang bata. He really has a low tolerance for alcohol. It was just a beer but he's being like this. Ni hindi ko nga alam saan nagmumula 'yong mga sinasabi niya. Bakit ko naman siya kamumuhian? "But I can't find myself to leave you alone. Now that you noticed me, I couldn't let go of that chance. I'm sorry."
I heaved a sigh and caressed his back. "There's nothing for you to be sorry about, Enzo."
Ngunit para bang hindi niya narinig ang sinambit ko. "Don't hate me, Sunny," paulit-ulit niyang wika sa akin. Lasing na nga ito. "I just want to protect you. I can't stand seeing you broken hearted. Please, don't hate me if I'm being like this."
"I won't, so come on and walk with me," I begged bago ko inalis ang pagkakayakap niya sa akin. Kinuha ko ang braso niya para iangkla sa balikat ko. Akala ko'y magiging malaya ako sa pagpunta ko rito sa bar. Ang ending pala ay mag-aasikaso ako ng lalaking mababa ang tolerance sa alak. Anong oras na ba?
Tiningnan ko ang relo niya sa kamay na nakasakbit sa balikat ko. Almost seven in the evening. So ang tagal kong nakababad sa bar?
"Promise me you won't hate me," he mouthed.
"Shush. Alright, I promise."
Medyo nakulitan na ako at dagling sumakit na naman ang ulo ko. Parang babagsak na rin ang katawan ko. Idagdag mo pa ang bigat ng isang ito na nasa akin.
"I will keep your promise here in my heart," nakangiti niyang tugon.
Muli niya akong niyakap. "Dito ka lang."
Napapikit ako at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top