Chapter 25
"Wow, nasa Pinas na nga tayo! Ang ingay at ang init na," komento ni Daisy nang makababa kami mula sa eroplano.
Dumeretso na kami sa office para makapag-report at para makauwi na kami sa kani-kaniya naming pamilya.
Nakaharap kaming dalawa sa salamin at parehong binubura ang make-up namin nang magsalita siya. "You know what? Kahapon ko pa gustong itanong 'to sa 'yo. How did that beautiful ring pops out on your finger?"
Hindi ko naman naitago ang mga ngiti ko sa kaniya. "Can you stop asking what's obvious?"
Huminga siya nang malalim. "You're always unbelievable, Sunny! You always get me surprised. Baka mamaya, magulat na lang ako may anak na kayo ni Enzo."
"Shh, matagal pa 'yon," sabi ko sabay siko sa kaniya.
"Matagal? Eh, mapupusok kayo."
"Huwag mo nga kaming pangunahan! Ikaw ba? Wala ka bang balak mag-asawa?" pag-iiba ko ng usapan.
"Meron, kapag nagkita kaming muli ng gwapong Croatian na 'yon," sambit niya.
Napanganga ako. May nakabangga kasi siya kahapong Croatian na kinuha ang pangalan niya at contact number. At ito namang si bakla, binigay! Ayaw magpahuli!
Pagkatapos naming mag-ayos at magpalit ng damit, lumabas na kami at tuluyang nagpaalam sa mga seniors namin. The day after tomorrow, babalik na kami sa Doha and sunod-sunod na naman ang flights namin. Lalo ngayon, malapit na ang holiday season.
Nagpaalam na si Daisy sa akin dahil sinundo siya ng family niya at dederetso raw sa staycation nila sa Batanes. Grabe lang, hindi pinatulog si Daisy. Kagagaling lang sa byahe, byahe na naman.
Nagkibit-balikat lang siya bago nagpaalam sa akin. Kawawa naman ang bessy ko. May jetlag na, mukhang maje-jetlag pa. Kumaway ako nang tuluyan na siyang nakasakay sa sasakyan nila.
I looked at my wristwatch. Time is ticking and my stomach is so hungry. I decided to wait for a taxi cab when suddenly, I felt someone's hand hold my waist. Of course, from his touch, I know who he is.
"You came earlier," bulong niya sa akin. Tsk. Mukhang sa dami ng flights na pinuntahan niya para sa 'kin, kabisado niya na kung ilang minuto ako bago lumabas sa office.
"I did."
"Let's go to my car. May parking space na ako rito sa airport dahil palagi akong sumasabay sa 'yo," natatawa niyang sabi. Parking space?
Kinuha niya ang bag ko at binitbit iyon tsaka niya hinawakan ang kamay ko papunta sa parking lot kung nasaan ang kotse niya. Namangha naman ako kung gaano kaganda ang sasakyang dala niya. Hindi naman niya ipinangangalandakang mayamang tao siya?
"Alam mo, nagtataka ako sa 'yo bakit lagi kang sumasama sa flight namin. Wala ka bang magawa sa buhay? Nagsasayang ka ng pera," saad ko nang makapasok na kami sa kotse niya.
"Hindi ah, bukod sa gusto kitang makita, pumapasyal ako to check architectures and structures also. I am an engineer, you see?" mayabang niyang banggit.
Napakamot na lang ako sa ulo ko. "Sabi mo, eh."
Nagsimula na siyang magmaneho. He is holding my hand the whole time. Wala naman kaming masyadong napag-usapan dahil hinayaan niya lang din akong umidlip saglit. At ilang oras lang ay nakauwi na kami sa bahay.
Wow, bagong pintura ang gate namin. Nagdoorbell na ako at maya-maya lang, sinalubong ako ni mama kasama ang nurse niya na si Cloud.
"It's nice to see you again, anak!" masiglang bati sa akin ni mama tsaka ako niyakap.
"I miss you, ma. Saka nga pala, may kasama ako."
Lumabas mula sa likuran ko si Enzo na siyang ikinagulat ni mama. Nagkaroon ako ng pangambang susungitan niya ito pero muntikan na akong maiyak sa tuwa nang yakapin niya si Enzo. "Enzo, it's been a long time! Halika, pumasok na kayo. Ipinagluto ko kayo ng masarap na tanghalian."
Nagkatinginan kami ni Enzo at hindi mawala sa labi niya ang nakakurbang ngiti. Wow, anong meron?
Nasa hapagkainan kami nang muli akong magsalita. "Ma, saka nga pala, may sasabihin kami ni Enzo sa 'yo," kinakabahan kong panimula.
Napatingin ako kay Enzo at bakas din sa mukha niya ang kaba pero hinawakan niya ang kamay ko na para bang sinasabing siya na ang magsasalita para sa amin.
"Ma'am..."
"Nakita ko na. Nakabalandra sa daliri ng dalaga ko. Mamaya na tayo mag-usap. Kumain muna tayo," litanya ni mama na siyang lalong nagpakaba sa akin. Galit ba siya? Nage-gets ko naman na pagagalitan niya ako. Umuwi ba naman akong engaged sa lalaking matagal ko nang hindi nakikita.
Napansin ko namang ngumingiti-ngiti si Cloud sa tabi ni mama habang tinitingnan kaming dalawa ni Enzo. Medyo bata pa siya kumpara sa amin ni Enzo dahil fresh graduate lang siya noong kinuha namin siya para mag-alaga kay mama. Gusto niya raw kasing kumuha ng masteral kaya ipinagsasabay niya ang pag-aaral sa kaniyang trabaho. Pero ang loka, umiiling na para kaming inaasar. Baliw ba siya? Mas lalo tuloy akong kinabahan!
Natapos na kaming kumain. Narito kami sa living room. Magkatabi kami ni Enzo habang si mama naman ay nasa harap namin, pinagmamasdan kami. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso na parang may kakaing buhay. Bakit kaya kanina okay naman siya? Niyakap pa nga niya si Enzo. Bakit ngayon parang ayaw niya na? Sa kaniya ba ako nagmana ng biglaang pagbabago-bago ng isip o natural lang 'yon sa babae?
"So, anong gusto niyong sabihin sa akin?" tanong ni mama na may seryosong tono. Grabe siya, daig pa niya si papa! Nakakatakot!
"Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa, Mrs. Alejandro. Gusto ko pong pakasalan ang anak niyo."
Lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Napag-usapan na namin 'to ni Enzo pero bakit iba pa rin ang epekto sa akin ngayong sinasabi niya ito sa magulang ko?
"Bakit?"
Napanganga ako. Anong bakit, ma? Kahit ako wala akong masagot. Bakit nga ba ako pakakasalan ni Enzo?
"Bakit ang anak ko ang pakakasalan mo?"
Napakagat ako sa labi. Sana pala hindi ako sumama sa usapan nila. Sana dumeretso ako ng tulog para nakapagpahinga na ako. Ayokong marinig ang pag-uusap nila! Nangliliit ako! Nahihiya!
"Because it's your daughter, Mrs. Alejandro. The moment I laid eyes on her, I knew she was the one who could make me happy and I wanted to make her happy too. She's the only girl I love for a very long time. Kahit hindi kami nag-uusap, kahit hindi niya ako nakikita. I still love her. I want to protect and cherish her. I never had the courage to face her before but now that I was given a chance again, I don't think I can stop now. She's all that I wanted. She is the one I want to love for the rest of my life. I want to marry her if you would just allow me."
Siningkitan ko siya at maging ako ay hindi napigilan ang mapaluha habang nakangiti. Para akong sira. So, this is how the feeling of being loved truly?
"Kaya mo bang i-handle ang anak ko? She's very emotional and aggressive. She might end up being the cause of your severe headache or worse your death. Are you prepared for that?"
Ngumiti si Enzo tila ba nawala na ang kaba sa dibdib niya. "I've been watching her since then, Mrs. Alejandro. I memorized it all, the way she thinks and acts. I know what she probably thinking right now. I already prepared myself for the worst-case scenario and I promise even if that happens, I will stay beside her."
Kinuha ni Enzo ang kamay ko. Kahit sa pagkapit niya lang sa kamay ko, nararamdaman kong mahalaga ako sa kaniya. Mahal ako ng taong ito. Kahit na alam niya kung gaano ako katanga noon at hindi ko kayang pahalagaan ang sarili ko. Hindi nagbago ang tingin niya sa akin. Hindi nawala ang respeto niya. "Please, give me your blessings to marry your only daughter."
Iniyuko ni Enzo ang ulo niya na para bang hinihintay niyang tuparin ni mama ang kahilingan niya. Maging ako'y pigil ang hininga habang nabibingi sa dagling katahimikan.
"Kapag kinuha mo ang anak ko, wala nang balikan 'yan."
Napatingin ako kay mama. Anong wala nang balikan? Anong ibig niyang sabihin?
"You see, matanda na ako, hijo. Kapag ayaw mo na sa kaniya, wala ka nang pagsosolian dahil baka wala na ako," wika niya na nagdulot ng kirot sa puso ko.
I gulped. How can she tell those words in front of my face? Na para bang nagpapaalam na siya.
"Make her happy. She already suffered enough so promise me this one thing, Enzo, never let her regret this decision you two made."
Pareho niya kaming tiningnan habang nangingilid ang mga luha.
"I promise with all my heart," tugon ni Enzo. Tuluyan nang bumagsak ang maraming luha ko. Gaano ako kaswerte na siya ang mapapangasawa ko? Alam ko, parang mabilis dahil kailan lang kaming nagkitang muli pero heto kami ngayon, magpapakasal na agad na para bang wala na kaming kailangan pang i-consider. "I promise, I won't let her regret this. Hindi ako gagawa ng bagay na magiging dahilan ng pagsisisi niyang pakasalan ako."
I sniffed. Ako rin. Hindi ako gagawa ng bagay na magiging dahilan ng pagkakahiwalay naming dalawang muli.
Mahal ko siya. Mahal na mahal. Sigurado ako sa puso ko dahil sa lumipas na maraming taon, wala akong hinayaang lalaki na makalapit sa akin. Akala ko nga, wala na akong balak mag-asawa pero heto, nakita ko lang siya, tumibok nang muli ang puso ko. Siya lang ang hinihintay ko. Siya lang ang sinisigaw ng puso ko at katulad niya, siya lang ang gusto kong pakasalan at makasama habangbuhay.
Mom opened her arms. It seemed like she wanted us to go to her and embrace her. That's what we did. "Thank you, ma," sambit ko tsaka ko siya niyakap. Umaagos sa pisngi ko ang mga maiinit na luha na hindi pumapatak dahil sa lungkot kung hindi dahil sa tumpak na ligaya.
"You're finally getting married, anak. I'm happy for you. I can leave at peace." Hinaplos niya ang buhok ko.
"Why would you say that, ma? You're too young to rest. You will still see your grandchildren. We'll make a lot so you won't be alone," sambit ko. Tumawa naman si mama.
"Narinig mo 'yon? You need to stay intact, Enzo. My daughter reserved her energy for you."
Napakagat naman ako sa labi ko at napasulyap kay Enzo na ngayo'y ang lapag ng ngiti.
"I reserved a lot too, Mrs. Alejandro." Nagtawanan naman silang dalawa.
"You can call me 'ma', Enzo, anak."
Nakita kong nangilid ang luha ni Enzo. "Thank you, m-ma," he said as he embraced my mother too.
"Thank you for loving my daughter. Magpakaligaya kayo. You two deserve to be happy."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Enzo at sa pagkakataong iyon, muli ko na naman siyang nahuling lumuluha. Hindi talaga ako makapaniwalang may isang lalaking iiyak para sa akin. Hindi ko maiwasang mag-isip na baka sa mismong kasal namin, imbes na ako ang maging emosyonal, mas dadaigin niya ako. Ganoon ba talaga ako kamahal ng lalaking ito? Kitang-kita ko sa mga mata niyang mahal na mahal niya talaga ako.
Hindi ko siyang napigilang yakapin kahit na nasa harap kami ni mama. Labis akong nagpapasalamat sa Panginoon dahil sa kabila ng lahat ng nangyari sa akin, dumating siya. Akala ko talaga noon, wala nang magmamahal sa akin pero narito lang pala siya. Hindi ko lang nakikita.
Naramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ko. Umalis na rin pala si mama sa sala at hinayaan na lang kaming dalawa. At huli na nang malaman kong umiiyak na rin pala ako.
"Why are you crying, my love?" bulong niya.
Umiling ako. Paano ko iisa-isahin sa kaniya na sobrang suwerte kong mahal niya ako?
"Umiiyak ka rin kasi," sagot ko na naging dahilan ng mahinang pagtawa niya.
"Hindi ko kasi inaasahan na darating ang araw na ito."
"Ako rin."
Inilayo niya ako sa pagkakayakap ko sa kaniya at pinunasan niya ang luha sa pisngi ko.
"Akala ko'y titingnan na lang kita sa malayo habangbuhay," dagdag pa niya. Mas lalo tuloy akong napaluha. "Hindi ko alam na puwede naman pala kitang pagmasdan sa malapit."
Hinaplos ko ang pisngi niya. "Ako rin. Gusto kong palaging masilayan ang mukha mo, Enzo. Sa bawat araw na ibubukas ko ang mga mata ko, gusto ko, ikaw ang una kong makikita. Unang sasalubungin ko ng yakap. Ang hahagkan ko at ang sasabihan ko palagi ng mahal kita."
"Mahal din kita, Sunny. Mahal na mahal."
Pareho kaming lumuluha habang nakatingin sa mga mata ng isa't isa. Pakiramdam ko, kung mayroon mang pinakamasayang tao sa araw na ito ay iyon ay ako.
"Magpakasal na tayo."
Wakas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top