Chapter 20

"Ladies and gentlemen, welcome on board Qatar Airways. As you find your seat, may we request that you place large items in the overhead compartments and smaller-sized belongings including duty-free bags and liquids under the seat in front of you. Our cabin crews are available to assist."

Napangiti sa akin si Daisy nang makita niyang ako ang nag-a-announce. Kinindatan ko lang siya.

"Ladies and gentlemen, as we are currently refueling the aircraft, please remain seated with your seatbelts unfastened. Mobile phones must remain switched off while refueling is in progress. As a reminder, smoking is not allowed at any time on board including the use of electronic cigarettes. Thank you."

Ilang taon na simula nang maka-graduate kami ni Daisy ng college with the course of Bachelor of Science in Tourism Management at dito na kami sa Qatar Airways nagtatrabaho. We never expected that we would be here. Dati, pangarap lang namin dito dahil maganda ang uniform but now, we're living our dreams.

After our duty, I made the announcement again informing our take-off to Croatia. Our superiors were smiling at me, even our two handsome foreign pilots. Maybe because it was my first time to officially take down that announcement. Pinaulanan din ako ng mga papuri ng mga kasama namin sa cabin kanina. I can't help but smile from ear to ear. My younger self would be really proud of me.

"You nailed it, Sunny! I am so proud of you!" bati sa akin ni Daisy nang makalabas na kami sa aircraft. Naka-uniform pa rin kami at hila-hila namin ang maliit naming luggage habang naglalakad na parang isang model. Feel na feel talaga namin ang maroon naming uniform and no one can stop us!

Binati kami isa-isa ng mga flight attendants na nakakasalubong namin. We also greeted them back with a genuine smile. This is one of our duty, to smile warmly despite tiredness.

"Thank you." I smiled at her. Grabe, I never imagined I would be in different countries so far from our hometown. Napuno na ng travel goals ang IG accounts naming dalawa ni Daisy. Who knows I will be with her for the past ten years now. I am so lucky she never leaves me. Kinaya kong walang boyfriend dahil kasama ko siya at nakatapos kaming dalawa ng pag-aaral. A lot of things have changed and this change is so much better.

Pagkatapos naming mag-report, dumeretso na kami sa hotel namin. May two days kasi kaming pahinga kaya makakagala kami rito sa Croatia. Nag-check na rin ako ng tourist spots na pwede naming pasyalang dalawa.

"Tumawag ka na ba sa mama mo?" tanong niya nang makapaghubad ng damit.

"Syempre, hindi pa. Kadarating palang natin sa hotel 'di ba? Parang hindi tayo magkasama, ah," sarkastikong sagot ko.

"Ang taray? May pinaglalaban 'yan?" Natawa siya sabay humilata sa kama. "I am so tired but I am so happy! I bet my younger self never imagined that we will live such a good life," komento niya pa.

"Paborito mo nang linya 'yan!" angal ko dahil palagi ko iyong naririnig sa kaniya kapag may chance na magkasama kami sa iisang flight. Hindi niya nakakalimutang bigkasin ang mga iyon na para bang walang katapusan ang pagpapasalamat niya sa mga magagandang nangyayari sa amin ngayon. Kahit naman ako, I am so thankful.

"Of course at hindi ako magsasawang sabihin 'yon dahil totoo naman. Look, how far we are now. Parang kahapon lang, eighteen years old palang tayo. Ngayon twenty-five na at wala pa ring jowa!"

Natawa ako sa sinabi niya. "Baka tayo talaga," banat ko na naging dahilan ng panlilisik niya ng mata. Wow, ha? Siya pa choosy.

"Baliw! Hindi tayo masasarapan sa isa't isa. Kadiri! Ew! Maghahanap na lang ako ng gwapo rito! May pag-asa pa!"

Mas lalo akong natawa sa reaksyon niya. Hihiritan ko pa sana siya nang pumunta na siya sa shower room. Pailing-iling naman ako habang hinihintay na sumagot sa video call ko si mama. Grabe, nakakapagod ang byahe. Kung may jetlag ang guests, mas lalo kami.

"Hello, anak? Kumusta ka d'yan?" bating salubong sa akin ni mama.

Ngumiti ako nang makita ang buo niyang mukha sa screen ng ipad ko. "Okay naman po ako, ma. Ikaw d'yan?"

"Heto, nami-miss ka pero don't worry, mabait naman 'yong kinuha mong nurse para sa akin. Palagi niya akong kinukwentuhan. Pakiramdam ko, nandito ka rin."

Napasinghot ako. Mukhang iiyak na naman ako, ah. Nakikita ko kasi ang mga puting buhok ni mama. Patanda na talaga siya, hindi na pabata.

"Iniinom mo naman po 'yong maintenance mo, ma?" tanong ko.

"Oo naman. Ikaw ba? Kailan ang balik mo rito?"

"After two days ma, flight back na kami d'yan sa Pinas pero baka saglit lang ako d'yan, balik din kami agad sa Doha," sagot ko.

Ngumiti siya. "Looks like my daughter is having fun. I am happy for you, Sunny. I can see the happiness in your eyes. Proud ako sa 'yo, anak. Natutuwa akong na-e-enjoy mo ang trabaho at buhay mo. I can rest in peace," mahabang litanya niya na naging dahilan kung bakit nakaramdam ako ng kirot sa may bandang ilong ko. Naiiyak tuloy ako!

"Ma? Huwag ka namang magsalita ng ganiyan! Alam mo namang malayo ako sa 'yo, eh. Tsaka, bata ka pa, ma. Marami pa tayong papasyalan. Hintayin mo lang ang leave ko at pupunta tayo sa Maldives."

Tinawanan niya lang ako. "Mga bagong kasal lang ang pumupunta roon, anak."

"Eh, ano, ma? Bawal ba roon ang mag-ina?"

Muli ay tumawa siya. "Kailan ka ba mag-aasawa? Nasa tamang gulang ka na. Wala ka bang natitipuhang lalaki d'yan sa trabaho mo?"

Ako naman ang natawa habang umiiling. "Wala, ma! Wala na akong oras para roon. Masyado kong ine-enjoy ang buhay dalaga kung kaya't kahit may umaligid ay hindi ko pinapansin."

"Naku, baka tumanda kang dalaga niyan. Paano mo ako mabibigyan ng apo? Magkakaapo pa ba ako sa 'yo? Baka uugod-ugod na ako at hindi ko na sila malaro sa sobrang tagal."

"Ma, naman. Dadating tayo d'yan."

"Kapag dumating siya?"

Natigilan ako sa sinabi ni mama. Kahit hindi niya banggitin ang pangalan ay sigurado ako sa tinutukoy niya.

"Ma, matagal na 'yong sa amin. Siguradong nakalimutan niya na ako. Baka nga may asawa na rin 'yon, eh," sagot ko. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng kirot sa puso ko.

"Mukhang mamamatay akong wala kang kasama, Sunny."

Umiling ako. "Ma, don't worry too much about that. Kapag nakahanap ako, sasabihin ko sa 'yo agad. Nasa tamang edad na ako. Gusto mo pakasalan ko na rin kaagad para magkaapo ka na," biro ko.

"I want you to marry someone you really love, Sunny."

I smiled. "I will."

Ilang sandali pa kaming nagbiruan nang mapagdesisyunan na ni mama na ibaba na ang tawag. Mabuti na lang binibisita rin siya ni Kylie roon sa bahay. I eventually became friends with her after what happened so many years ago.

Nakita kong lumabas na si Daisy sa comfort room. Mukhang tapos na siyang maligo. Sakto, ako naman.

"Nga pala Sunny, I almost forgot to tell you. When I was rounding in our aircraft, when it was taking off here, I found something on one of those business class seats." Pinatutuyo niya ang buhok niya nang may kunin siya sa luggage niya. Nakaramdam ako ng kaba.

"Here, oh," pagtukoy niya sa isang bote. "I don't think I should put this sa lost and found since it was so familiar."

Ibinigay niya sa akin ang boteng iyon na madalas ko ring nakikita kapag naka-assign ako sa catering personnel sa flight. Kung saan saan ko 'yon natatagpuan. And this time, akala ko nagsawa na siyang bigyan ako pero iba lang pala ang nakakita. Tsk. Bakit niya ba ito ginagawa? Bakit hindi na lang siya magpakita sa akin para nakakasiguro akong tama ang hinala ko?

"Almonds," sambit ko sabay bukas at kinain iyon. Ngumiti naman si Daisy habang nakikisalo sa akin.

"Iba talaga siya. Hindi nga nagpapakita pero ang lakas pa ring magparamdam," komento nito tsaka ako siniko.

"Huy, baka assuming lang tayo. Mamaya baka hindi 'to para sa atin," pagde-deny ko pa.

"Kasi para lang sa 'yo."

Pinagpapalo niya naman ako sa kilig. Tsk. Ano ba? Parang tanga 'to.

"Grabe 'no? After all these years, ikaw pa rin pala," dagdag niya pa na naging dahilan para mamula ang pisngi ko. Hindi ko mapigilang ngumiti.

"Huy, paano ka nakakasiguro? Huwag ka nga! Tsaka, mamaya iba pala ang nagbibigay nito?"

"Huwag mo nga akong lokohin! Bakit mo kinakain kung hindi ka sigurado? Huwag mo nga akong ine-echos d'yan, Sunny! Grade twelve tayo noong binigyan ka ni Enzo nito! Exactly this one! And up to this now, binibigyan ka pa rin niya. I think, pwede ka nang mag-assume ngayon. Kasi sinong tangang gagawa nito sa loob ng ilang taon?"

Napatakip ako ng tainga. "Huwag mo ngang banggitin ang pangalan niya!"

"Tsk. Kapag nakita ko talaga 'yong mokong na 'yan, hihilahin ko talaga siya at itutulak sa 'yo. Utang na loob, magbalikan na kayo! Huwag na siyang magtago! Mahal niyo pa rin naman ang isa't isa!"

Natahimik ako. Tsk. How can she say that? Is it so obvious?

Muli kong tiningnan ang bote ng almonds na hawak ko. Walang note. Walang pagkakakilanlan na sa kaniya nga galing ito pero hindi ko alam bakit meron sa puso ko na naniniwalang siya nga ang nagbibigay nito. Kasi kung isang beses lang, malamang, aakalain ko lang na naiwan ito ng pasahero pero paulit-ulit niya itong ginagawa sa bawat flight kung nasaan ako. Para bang nasa paligid ko lang siya, nakatingin sa akin. Katulad ng sinabi niya noon na ginagawa niya. Always so distant watching over me and here I am, katulad ng dati, hindi ko nakikita kung nasaan siya.

And because of this bottle of almonds, I never love anyone else.

I decided to take a bath and sleep because I was so exhausted from our flights. Medyo masakit din ang paa ko dahil sa mataas naming heels na kailanman hindi na ako nasanay.

***

I woke up so early to officially start my day and our itinerary. Ginising ko na si Daisy pero naramdaman kong mainit siya.

"Daisy, okay ka lang? Nilalagnat ka ata."

Narinig ko siyang umungol at kasunod no'n ay ang marahang pag-ubo. "Mukhang hindi ako makakasama sa 'yo ngayon, Sunny. Ang sama ng pakiramdam ko. Homesick ata 'to."

I gasped. "Ganoon? Hindi na lang ako tutuloy. Babantayan kita," saad ko.

"Baliw! Sasayangin mo ang araw. May bukas pa naman. Bukas kapag gumaling na ako, doon tayo gumala nang magkasama pero ngayon sulitin mo muna ang sarili mo dito sa Croatia," pagtataboy niya sa akin.

"Sigurado ka?"

"Oo nga! Kaya ko ang sarili ko, Sunny. Sige na, tumatakbo ang oras."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top