Chapter 17
Nagising ako sa tunog ng cellphone sa paligid. Someone is calling. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko roon sa dulo ng kama si Enzo. Hawak niya 'yong phone niya at may kausap.
"No, I forgot to set up a camera. No, I did what I needed to do. So, stop messing with me anymore."
Napapikit akong muli. I acted like I did not hear anything. Hindi ko alam ang context ng narinig ko so I won't be concluding things.
Naramdaman ko ang halik niya sa noo ko. Iminulat kong muli ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang mukha ni Enzo. He is smiling from ear to ear.
"Good morning," bati niya saka ako hinalikan sa labi.
"Morning," sagot ko.
"Does it feel sore down there?" pag-aalalang tanong niya sabay haplos sa pisngi ko.
Tumango ako. "It feels weird."
Tumawa siya. "I overdo it again. I'm sorry."
"Kaya nga, eh. Parang ayokong maniwalang first time mo," komento ko.
"Why?" Ngumisi siya tsaka pinagmasdan ang katawan ko na puno pa rin ng pagnanasa. "Am I that good?"
"Tsk. Ang yabang, ha?"
Napakamot siya sa batok na para bang nahihiya. "My brother called me and he said, the car is fixed. Should we go back to the city now?" pag-iiba niya ng usapan.
"Sure, baka nag-aalala na rin si mama dahil hindi pa ako umuuwi," tugon ko.
"Don't worry. Nasabi ko na sa kaniyang uuwi na tayo ngayon."
Nasabi rin ba niyang may nangyari sa amin? Napakagat ako sa labi ko habang pinipigilan ang kilig dahil naaalala ko ang nangyari sa aming dalawa. I never thought that something will happen to us. Hindi ko rin inasahan na hindi naman pala ito ganoon kasama. Sa una lang pala talaga at pagkatapos ay hahanapin na ng katawan mo.
Tumango ako at nagbihis. Kumain muna kami sa kalapit na restaurant bago nagdesisyong umuwi.
Hinawakan niya ang kamay ko habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa manibela. I still can't believe that I gave myself to this guy and he is mine now. Kapag naiisip ko ang nangyari, hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Hindi ko pa rin makalimutan ang bawat eksena, posisyon na ginawa namin, maging ang mga salitang namutawi sa aming mga labi habang nag-iisa ang aming mga katawang lupa. I never thought that Tagaytay would be this memorable for me.
Ilang oras lang ay nakarating na kami sa bahay. Katulad ng ipinangako niya ay humingi siya ng paumanhin kay mama dahil ngayon lang kami umuwi. Nang makaalis na si Enzo, panay naman ang usisa sa akin ni mama kung may nangyari ba sa aming dalawa ni Enzo. Syempre todo kaila ako.
Kinabukasan, excited akong pumasok sa school dahil ngayon din ang araw kung kailan ipe-present 'yong project namin. Imagine, dalawa kami ni Enzo sa harapan ng klase, ibinibida ang isa't isa. Pakiramdam ko, marami akong masasabi. Nakilala ko maging ang tinatago ng uniporme niya.
Pero nawala ang saya sa mukha ko nang hindi ko siya makita sa loob ng klase. Hinintay ko pa siya hanggang matapos ang morning class, pero hindi siya pumasok. Nasaan kaya siya?
"Oh, bakit ka malungkot?" tanong ni Daisy nang makarating kami sa cafeteria. Nagkibit-balikat lang ako. "Nag-break na ba kayo?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi, 'no! Hindi kami magbe-break!"
"Talaga? Bakit? Na-sort out mo na ba 'yong feelings mo sa kaniya?"
Napaisip ako. "Hmm... I think I'm getting there."
Pinalo niya naman ako. "Ano ba 'yan? Pero kapag ibang lalaki ang bilis bumigay, ha?"
"Alam mo? Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko sa 'yo! Sabi mo, real feelings are hard to confess kaya hindi agad ako naniwala kay Enzo. Tapos sasabihin mo, bakit hindi ako naniniwala gayong he's giving everything and nate-take ko siya for granted. You advised me to think about my feelings, but you're pressuring me. Ano ba talaga?" inis kong asik sa kaniya.
"Eh kasi naman! Why is it easier for you to believe lies than truth? Hindi mo ba kayang i-sort out kung alin 'yong totoo sa hindi?" nayayamot niyang tanong.
Umiling ako. "Hindi. Mapaniwalain ako, eh."
Napasapo siya sa mukha niya. "Right, kahit na sabihin mong may trust issues ka, deep inside napapaniwala ka pa rin. Poor, Sunny, my friend." Tinapik niya ang balikat ko. "Well, I can understand. People nowadays are hard to believe. Some are fake and pretending to be nice when they all have a hidden agenda. Hindi talaga ako pabor sa walang maloloko kung walang magpapaloko. Hindi kasi lahat matalino at kayang i-identify kung sino ang nagsasabi ng totoo sa kasinungalingan. You can't blame the victim because they chose to believe, the sinner is at fault because they chose to lie and deceive you. So, if ever you encounter someone like this again, Sunny, I don't want you to blame yourself."
Ngumiti ako. "As long as Enzo is here with me, I will never experience that. He'll protect me no matter what."
Ngumiti rin siya. "Good for you. I'm happy you finally found someone who will take care of you the best. Worth it din pala 'yong mga paghihirap mo kila Nathan dahil makikilala mo siya."
Napahinga ako nang malalim nang marinig ko na naman ang pangalan ni Nathan. Kumukulo talaga ang dugo ko kapag naririnig ko ang pangalan niya. Nagsisisi akong naging interesado ako sa kanila dahil puro sila manloloko. Mabuti na lang may matinong naligaw at naging boyfriend ko.
"Mukhang tuloy na tuloy na ang pagka-college mo, ah. Tuloy na ba ang college goals natin? Tourism?" she asked while the glimpse of excitement is on her face.
Natawa ako. "Oo nga pala, 'no? I almost forgot about it. That was our dream back then, being a flight attendant at mapuno ang IG stories natin ng travel goals."
"Right! I should be thankful to Enzo for existing and saving you from despair. Sa wakas, may makakasama na ako sa college!" kinikilig niyang sabi.
Natapos ang buong araw na hindi pumapasok si Enzo. Ganoon din ang ginawa niya tatlong araw na. Hindi siya nagpapakita. What's happening? Is he alright? Pagkatapos naming maghiwalay doon sa bahay after ng Tagaytay getaway namin ay hindi ko na siya nakitang muli.
"Ma, do you have Enzo's number? Can I have it? It's been days since he attended our class," sambit ko kay mama nang makita ko siyang naghuhugas ng pinggan sa kusina.
Umiling siya. "No, I don't. Why would I have his number?"
Kumunot ang noo niya pero mas lalo ako. "Hindi ba't nagkakausap kayo ni Enzo, ma? Nagpapaalam siya sa 'yo, 'di ba? Noong pumunta kami sa Tagaytay?"
She shook her head in confusion. "Hindi, ah. Nalaman ko lang na pumunta kayo ng Tagaytay noong umuwi kayo rito."
Nakaramdam ako ng kakaiba. So, Enzo lied to me?
"Bakit mo naitanong? May nangyari ba sa inyo ni Enzo doon sa Tagaytay? Buntis ka ba?" Bakas sa tono ni mama ang pagkadismaya habang pinupunasan niya ang kaniyang kamay dahil tapos na siyang maghugas ng pinggan.
"Hindi ako buntis, ma. I swear and I am sorry na hindi ako nakapagpaalam dahil panatag akong nagsabi sa 'yo si Enzo," paliwanag ko.
"Bakit siya magsasabi sa akin? Kayo ba? May relasyon ba kayo?"
Tumango ako bilang sagot. Kita ko sa mukha ni mama na pinipigilan niyang magalit sa akin dahil marami akong nililihim sa kaniya. Ramdam kong pinipili niyang intindihin ako dahil mas kilala niya ako, marupok at mabilis mapaniwala. Mukhang alam niya na kung anong sitwasyon ko.
"Honestly, I don't like him for you, Sunny." Napatingin ako sa kaniya. "That time when I had a conversation with him, I had a feeling that he's too good to be true. I never tell you this because I might be wrong. But based on the reaction of your face, mukhang tama ang hinala ko, anak. He did something that made you feel anxious now. With that, hindi siya mapagkakatiwalaan."
Umiling ako. "No, ma. It's too early to conclude things. He might have a reason. He won't fool me. He loves me."
Mabilis akong lumabas ng bahay para pumasok sa school hoping na ngayong araw, makikita ko na si Enzo at makakausap. I want to clarify things. Why did he lie to me?
Mabigat ang loob ko sa bawat hakbang papunta sa room. Para akong mawawalan ng hininga. Naalala ko ang narinig ko noong nasa Tagaytay kami. Ayokong maniwala na tungkol 'yon sa akin pero bakit pakiramdam ko, tama ang hinala ko? Niloloko niya ba ako? Pinaglalaruan?
Nangilid ang mga luha ko. Kasabwat ba siya nila Nathan? Pinlano ba nila itong lahat?
Nakapasok na ako sa room at kitang-kita ko ang mga tingin ng mga kaklase kong lalaki. Kapwa sila nakangisi. Naroon din si Enzo na nakikipag-usap sa kanila, nakikipagtawanan. Ako ba ang pinag-uusapan nila?
"No, I forgot to set up a camera. No, I did what I needed to do. So, stop messing with me anymore."
Bumuhos na ang mga luha ko. Hindi ko na napigilan. Nanginginig ang tuhod at kamay ko sa galit. Nanghihina. Parang gusto kong sumabog. Bakit? Bakit kailangan mong gawin 'to sa 'kin? Ano bang ginawa ko sa inyo?
Nagtama ang mga mata namin ni Enzo pero ibang-iba na siya kung tumingin sa akin. Lalo akong nangliit sa sarili ko. 'Yong mga sinabi niya, ipinakita niya, kasinungalingan lang ba 'yong lahat? 'Yong nangyari sa amin, wala lang ba 'yon sa kaniya? Sabi niya, mahal niya 'ko 'di ba?
Lakas loob ko siyang pinuntahan at kita ko sa mga mata niyang hindi siya makapaniwalang tatayo ako sa harapan niya. "Can we talk?" I asked.
"No," he rejected as he tried to ignore my gaze.
Napansin naman ng mga kaklase ko ang pag-uusap namin at sandali silang tumahimik.
"What do you mean 'no', Enzo? Wala ba akong karapatang kausapin k-ka?" Nabasag ang boses ko. The hell, why do I feel like I am belittled.
"Wala tayong kailangang pag-usapan."
Tumayo siya bago lumabas ng room. I tried to run to him. "Anong wala, Enzo?" I shouted in the middle of the corridor. "Tang ina mo pala, eh! Ano? Gano'n gano'n na lang?"
Hindi siya sumagot kaya mas lalo akong na-disappoint. I can't believe this. I felt so deeply hurt. Tuluyan na akong lumisan sa lugar na pinaka akong nasaktan. Hawak-hawak ko ang puso ko na parang napipilas sa sobrang sakit. Pakiramdam ko mag-isa na lang ako. Mas lalo ko lang napapatunayan na totoo ang mga naiisip ko dahil hindi niya ako hinahabol na madalas niyang gawin kapag tumatakbo ako palayo.
My eyes are clouded with tears. So, kaya siya naroon noon. Naiintindihan ko na. Kaya siya naroon sa hotel kung nasaan kami ni Nathan, of course, dahil kasabwat siya. Kung bakit bigla na lang siyang nasa coffee shop para ilayo ako kay Nathan dahil kasama 'yon sa plano nila. It was all their plan—to convince me that he is my knight in shining armor para makuha ako. At nakuha na nga ako ni Enzo nang gano'n gano'n na lang dahil napaniwala niya ako sa matatamis niyang salita. Akala ko totoo na. Akala ko seryoso na.
Hindi ko alam kung saan ako papunta. Basta sinusunod ko lang ang paa ko kung saan niya gustong pumunta. Walang halong puso o isip. Parehong pagod nang magamit ng mga taong walang ginawa kung hindi lokohin ako.
***
I was in the middle of the road crying when I saw a little girl with his dad. That girl wanted to have some ice cream. I know his dad wants to give her one but based on his poor face, he doesn't have enough money.
Tumingin ito sa wallet niya na para bang may kinukwenta sa isip.
Hindi ko mapigilang maawa at maalala ang panahong maliit pa ako... kasama ko si papa palagi. Masaya kaming pareho kahit na naglalakad papasok at pauwi. Kahit mahirap lang kami noon, ang mahalaga magkakasama kami.
Nakaramdam ako ng bigat sa loob ko. Pakiramdam ko, mas lalo pa akong maiiyak dahil sa nakikita ko. I missed him so much. My father. How I wish he was here. Siya lang ang kakampi ko. Kung narito sana siya, hindi ko mararanasan ang lahat ng ito. Hindi ako aasa sa ibang lalaki na poprotektahan ako dahil mayroon akong isang ama na gagawa noon para sa akin kahit hindi ko hilingin.
Tumingin muli ang ama sa batang babae at ngumiti. "Gusto mo ba no'n, anak? Ibibili kita."
"Talaga, 'tay?" nakangiti ring tanong ng bata. Pareho silang pumunta sa mamang sorbetero at bumili ng ice cream. Ibinigay iyon ng ama sa kaniyang anak.
"Bakit ikaw tay, wala?" tanong ng musmos na bata. Hindi ko mapigilang umiyak sa sitwasyong nakikita ko.
"Nako, kumain na ako niyan kanina."
Tinikman naman ng bata ang ice cream na 'yon. Halos makalahati niya na ito bago siya magsalita. "Tay! Hindi naman masarap, eh! Ayoko na! Iyo na lang!"
Napahawak ako sa bibig ko. That's what I always do when I want to share some food with my dad. I really missed my dad.
Hindi ko namalayang nasa tapat ko na pala si papa. Dito ako dinala ng tadhanang siya rin ang naging dahilan ng pagkawala ng taong pinakamamahal ko, si papa.
Napaluhod ako. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Gusto kong magalit at sabihing madaya siya. Sampung taon kong dinala sa loob ko ang bigat na 'to nang iwan niya ako. Ngayon lang, ngayon ko lang mailalabas lahat. Walang taon lang kaming nagsama pero iniwan niya na kaagad ako. Mas matagal 'yong wala siya sa piling ko... Ang sakit.
"Ang daya mo, ang daya daya mo pa," sambit ko sa pagitan ng mga hikbi.
"Sana narito ka para hindi ko na kailangang maghanap ng magmamahal sa akin." Hinaplos ko ang pangalan niya sa kaniyang lapida. "Papa, bakit mo 'ko iniwan?"
Naramdaman ko ang paghampas ng hangin sa balat ko para bang may humahagod sa likod ko at nagpapatahan sa aking pag-iyak. Hindi ko namalayang nakatulog ako sa damuhan, katabi niya.
"Papa! Saan ka pupunta?"
"Sa trabaho, anak."
"Paano na ako?"
"Dito ka lang anak, kasama mo ang mama mo."
"Bakit ako walang pasok ngayong Sabado? Bakit ikaw may pasok papa?"
"Ganoon talaga anak, kailangang pumasok si papa para meron kang kakainin, meron kang ipambibili ng damit, ng mga kailangan mo."
"Okay lang pa, kahit wala. Dito ka na lang."
"Gusto man ni papa na palagi kang kasama ngunit kailangan. Kailangang magtrabaho ni papa. Bukas, bukas walang pasok si papa. Okay lang ba na bukas na lang tayo magkasama?"
"Pangako? Bukas, hindi ka papasok, papa?"
"Oo naman, bukas. Pangako. Aalis na ako, ha? Alagaan mo ang mama mo habang wala ako. Sumunod ka sa mga inuutos niya."
"Opo papa. I love you."
"I love you too, anak."
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko ngunit kahit nasa reyalidad na ako ay kitang-kita ko pa rin sa alaala ko ang buong nangyari noon. Kahit maliit palang ako, hinding-hindi ko malilimutan ang narinig at nasaksihan ko. It became my core memory.
"Ikinalulungkot po namin ang nangyari, nahulog po ang asawa niyo sa construction site. Nabagsakan din siya—"
"A-ayokong marinig... H-hindi 'yan totoo! Nasa'n ang asawa ko? Ilabas niyo ang asawa ko!"
"Pananagutan po namin ang nangyari. Mapatawad niyo sana ang aming pagkukulang, Mrs. Alejandro."
"Pagkukulang? Patawad? Maibabalik ba niyan ang buhay ng asawa ko?"
"Paano na ang anak ko?!"
"Bakit mama? Anong nangyari kay papa?"
Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha ko. Pinunasan ko iyon at pinilit tumayo. Muli kong sinulyapan ang puntod niya.
"Papa, I should be with you soon."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top