Chapter 15
Ilang sandali lang kaming bumiyahe at nakarating na kami sa Bulalo Capital. Nagpalit na ang liwanag at ang kadiliman. Napansin kong dumadagsa na rin ang tao sa loo. Makakakain pa kaya kami?
"Let's go inside," pagyaya sa akin ni Enzo. Agad naman kaming may naupuan na siyang ipinagtaka ko. "My half-brother owns this," sagot niya na para bang nabasa niya ang tanong sa isipan ko.
Napanganga ako. Grabe, gaano ba siya kayaman? I mean, ang pamilya niya. Nakabingwit yata ako ng milyonaryo pero how come he's so humble?
"What are you looking at?" tanong niya. Umiling ako. "Don't worry about the bill. It's on me."
Again, my jaw dropped in amazement. How come I am with a guy like him? I mean, what did I do to deserve this?
Hindi kami naghintay ng ilang minuto dahil agad na may inihain sa aming pagkain.
"Pinasasabi ng kuya mo na sa wakas daw ay may dinala ka ng babae rito. Akala niya mamamatay ka nang mag-isa habangbuhay," sambit ng babaeng naghain sa amin ng pagkain. Iba ang suot niya kumpara sa ibang naghahatid ng pagkain. Mukha siyang mayaman at maganda. Hindi kaya siya ang may-ari nito? Pusturang-pustura siya at ang ganda ng ngiti.
"Tell him to shut up."
Natawa naman ang babaeng iyon habang may gulat sa mukha ko. "Bahala nga kayong magkapatid! Ako ang nai-stress sa inyo!" Tumingin naman iyon sa akin. "Enjoy your food, hija."
Ngumiti na lang ako at tumango bilang sagot. Hindi ko naman mapigilang pagmasdan si Enzo habang nagsasandok siya ng mainit na sabaw ng bulalo.
"Why?" tanong niya sabay abot sa akin no'ng sabaw.
"Wala. I just wonder if that's how you show your love to people, mang-asar."
Ngumisi siya. "We were half-brothers on my mother's side. We rarely see each other because we're basically sick of each other. He is older than me dahil anak pala siya ni mom sa ex niya which is eventually nakabalikan ni mom. Pero maybe you were right, that's how I show my love to someone close to me. At mukhang sa kaniya ko namana 'yon noong mga bata pa kami. He always bully me and I ended up bullying him as well."
Somehow, his life became so interesting to me. Nagkaroon ng puwang sa puso ko na gusto ko pa siyang makilala nang buo, nang mas malalim pa. Kinukwento niya palang ang isang parte ng buhay niya, hindi ko na maiwasang humanga sa kaniya. How he talk, how he act, it was very clean and careful.
"Mukha nga," pagsang-ayon ko tsaka ako humigop ng sabaw at muntikan na akong mapamura. Ang sarap! Sakto talagang pampainit ng kalamnan sa malamig na lugar ng Tagaytay. Hindi ganito kasarap ang bulalo sa siyudad!
Napatitig ako sa kaniya nang marinig ko siyang sumupsop ng buto. I was shock and hindi ko alam kung bakit pinanood ko lang siyang kumain. How he lick and suck that bone marrow. Namumula ang mga labi niya at para bang sobrang tagal niya nang hindi nakakain ng bulalo kaya ganadong-ganado siya. Kahit ang tunog ng mahina niyang paghigop ng sabaw ay nagbibigay sa akin ng ibang sensasyon. Nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan. I need water! Utang na loob! Ano ba 'tong iniisip ko?
Napatakip ako sa tainga. Shit. Isa yatang pagkakamali ang magpunta kami rito. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa utak ko. Bakit nagiging ganito? Kasalanan niya 'to! Siya ang nagsimula nito!
"Are you alright?" tanong niya sabay punas ng pawis sa gilid ng kaniyang noo. Napalunok ako at napatingin sa leeg niya. Gumagalaw ang lalagukan niya. Shit. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Eh, kumakain lang naman siya ng bulalo! Maghunos-dili ka, Sunny!
Umiling ako. "O-oo naman. Bakit hindi?"
Ngumisi siya tsaka dinilaan ang labi na para bang sinisimot ang sabaw na napunta sa labi niya. Pinunasan niya pa iyon gamit ang likod ng kaniyang hintuturo. Huwag mong sabihing sinasadya niya ito?
Mabuti na lang at kinaya kong mag-focus sa pagkain ko. Tama. Hindi na ako tumingin sa kaniya dahil mukhang inaasar na naman niya ako. Nakikita ko talagang maginoo na medyo bastos ang pag-uugali ni Enzo. May part din na parang ang mature niya nang tingnan at kausapin pero nangingibabaw sa akin ang wild side niya. Kapag talaga ako hindi nakapagpigil, matitikman niya ang isang Sunny!
Nang matapos kaming kumain, napagpasiyahan na naming umuwi na. Saglit lang siyang nakipag-usap sa kuya niyang kasing gwapo niya rin. Grabe ang tangkad at ang laki ng katawan! Ipinakilala pa nga niya ako roon. Nakakahiya.
Sumalubong sa akin ang malamig na ihip ng hangin nang makalabas kami sa restaurant. Grabe, gabing-gabi na. Anong oras na ba? Mukhang inabot na kami ng dis-oras dito sa Tagaytay. Nakalimutan ko pang magpaalam kay mama.
Kinuha ko ang cellphone ko at akmang magme-message na kay mama nang maalala kong hindi ko pa nga pala napapaalam sa kaniya ang tungkol sa amin ni Enzo. Sandali, sa pagkakaalala ko may binanggit sa akin si Enzo kanina na baka pagalitan daw siya ni mama. So, nagpaalam siya?
"Enzo, alam ba ni mama na magkasama tayo ngayon?" mahinahon kong tanong nang makapasok na kami sa kotse niya.
Tumango siya. "Nagsabi ako." Napangiti naman ako at tila ba nabunutan ng tinik. Mabuti naman at nakapagpaalam pala siya. Wow, ang close naman nila kaagad.
"Bakit mo naitanong?"
Umiling ako. "Hindi kasi ako nakapagpaalam," pag-amin ko.
"Don't worry, ihahatid naman kita sa inyo. I'll tell her everything that happened today." Ngumiti ako. Wala nang kaba sa dibdib ko. Panatag talaga ako kapag kasama siya. Para bang nasa tama ang lahat.
"Thank you, Enzo."
"You're welcome."
He started the car but it wasn't responding which made his forehead wrinkle. He tried it again but still, it wasn't working.
"What's wrong?" tanong ko.
"It wasn't starting. Sandali, titingnan ko sa labas," sambit niya bago lumabas ng kotse at sinuri ang makina.
Nandito pa kami sa parking lot ng Bulalo Capital at mukhang may naghihintay na nga rin mag-park sa puwesto namin. Naku, mukhang napagod ang kotse ni Enzo sa kagagala naming dalawa.
Nakita kong may tinawagan siya at kasunod no'n ay ang pagdating ng kuya niya. Mukhang nag-uusap sila tungkol sa sasakyan. Should I go out and check what they are talking about? Naku-curious na rin ako kung anong problema.
I decided to get out of the car.
"You should stay here. Baka bukas pa dumating ang mag-aayos ng sasakyan mo dahil gabi na," sambit ng kuya niya. "Mukhang luma na kasi, bumili ka na ng bago!"
"Sira! Ngayon lang 'to nagkaganiyan. May kasama pa naman ako," komento ni Enzo na halata sa mukha ang pagkadismaya.
"Ayaw mo no'n? You'll spend the night with her." Okay? Sana hindi na lang ako lumabas.
"Baliw. I'm a conservative guy and I prefer marriage before sex."
I pursed my lips. I felt my cheeks turn red.
"Hindi ka sure. Don't you know that bulalo is an aphrodisiac?"
I gasped. No way. Kaya ba ganoon na lang ang pakiramdam ko kanina noong kumakain ako ng bulalo? Ibig sabihin ba noon ay pareho kami ng pakiramdam ni Enzo?
Napatingin akong muli sa kanilang dalawa at nakita ko silang nakatingin sa dako ko. Bahagyang nagtagpo ang mga mata namin ni Enzo, ngunit sandali lang iyon dahil iniwas niya ang tingin niya.
"If you do not wish to sleep in my house, you can check into the hotel nearby," suggestion pa ng kuya niya na siyang ikinaalarma ko. Takte. 'Yong puso ko, sobra sobra na sa paghuhurumentado.
"H-hotel? Matutulog kami sa hotel?" pag-uulit ko.
"Yeah. Malalaki na naman kayo and hindi naman siguro kayo mag-re-rent for a single room so why feel anxious?"
Wow. Mukhang pati ako inaasar na rin ng kuya niya. But it makes sense, wala akong dapat ikatakot lalo na kung ookupa naman kami ng magkabukod na kwarto.
"Alright. Here is my key. Tawagan mo na lang ako kapag okay na," sagot at utos ni Enzo.
"Okay, kuya!" pag-aamok ng kuya niya rito. Natawa naman ako. Paano ba naman kasi kung magsalita parang hindi kuya ang kausap. Tumingin naman ito sa akin tsaka ngumisi, "Enjoy."
Kumunot ang noo ko pero hinila na ako ni Enzo paalis sa lugar na 'yon. Napalunok ako. So, we end up sleeping here at Tagaytay? Malamig pa naman ang gabi. Ay shet! Sunny, tumigil ka! Magkabukod kayo ng kwarto! Inuulit ko lang!
"Okay lang ba sa 'yong magstay dito sa Tagaytay ngayong gabi o gusto mo mag-commute na lang tayo pauwi?" tanong niya na mukhang nag-aalala sa lagay ko kung komportable ba ako sa set-up namin o hindi. Iba talaga siya.
"Eh, paano ang sasakyan mo?" sambit ko.
"Huwag mong alalahanin 'yon. Ikaw? Ano bang mas gusto mo? Gusto mo na bang umuwi?"
Huminga ako nang malalim. "I'm sorry, Enzo. If I didn't insist on going there at the Bulalo Capital baka nakauwi na tayo ngayon," wika ko.
"It's fine!" Tumawa siya. "Don't blame yourself. Kung hindi tayo nagpunta rito, baka sa daan tayo nasiraan ng sasakyan."
Napanganga ako. What a mindset. Is this how he approaches things?
"Tell me, do you want to spend the night here?"
Sandali akong tumingin sa kaniya. Sa isang banda, tiwala naman akong nasa mabuti akong kamay. "I think we can do that as long as we will be in separate rooms."
Tumango siya. "Of course."
Hinawakan niya ang kamay ko bago kami nagpatuloy sa paglakad para maghanap ng pinakamalapit na hotel na pwede naming pagtuluyan ngayong gabi. We occupied two separate rooms na magkatapat lang.
"So, are we going to say goodbye now?" tanong niya nang makarating kami sa kani-kaniyang pinto ng kwarto. Ngumiti ako bilang sagot.
"Just for tonight, Enzo. See you tomorrow," saad ko. "Thank you for this day," dagdag ko pa bago ako lumapit at halikan siya sa pisngi.
Para naman siyang nagulat sa ginawa ko kung makangiti. Sumulyap siya sa akin. "No, it was me who should be thankful. You make my birthday happier."
My eyebrows met. "Birthday? It was your birthday today?"
Tumango siya.
"What? Why didn't you tell me?" naiinis kong tanong. Buong araw kaming magkasama pero ni isang pagbati ay hindi ko nasabi sa kaniya dahil wala akong ideya na birthday niya pala ngayon.
"Because I don't want you to treat me to something special. I want you to show who you really are and enjoy this day with me," paliwanag niya.
I pouted as I showed how displeased I am. "I'm sorry, I did not know. Happy birthday, Enzo." Niyakap ko siya. "Sige na, pasok ka na," sambit ko. "Mukhang pagod ka na rin sa haba ng araw at dami nating pinuntahan. Hindi mo kinaya ang pagiging lakwatsera ko." Ano ka ngayon? May pasabi-sabi ka pa d'yang lagot ako, ha?
"Ikaw, pumasok ka na, papasok na rin ako," sagot niya naman.
"Mauna ka na, papasok na lang naman ako after mo," giit ko. Mukhang hindi kami matatapos ngayong gabi.
"Sige na, pumasok ka na. Mamaya may mangyari pa sa 'yong masama." Natawa ako.
"What? OA ka na."
"Dali na, pumasok ka na," utos niya. Tsk. Wala, siya pa rin ang boss.
"S-sige na nga." Muli ko siyang tiningnan at napagdesisyunan ko nang sundin siya. Kumaway pa ako bago pumasok sa loob.
Dumeretso ako sa banyo para maglinis at isuot ang bathrobe. Wala naman kasi akong pamalit. Sana pala nagdala ako ng extra clothes. Kung alam ko lang!
Dumeretso na ako sa kama at doon humilata. Hindi maalis sa labi ko ang mga ngiti lalo na't naaalala ang nangyari sa amin buong maghapon. Ang sarap sa pakiramdam na makasama ang isang taong espesyal sa 'kin.
"Kisame, bakit parang gumugwapo ka yata?" tanong ko.
Wait. Anong oras na ba? Sinilip ko ang orasan sa side table. 11:50 p.m. Malapit nang matapos ang araw ng birthday ni Enzo, wala man lang akong nagawa para sa kaniya.
Lumapit ako sa telepono at nag-request ng birthday cake at champagne. Tulog na kaya ang isang 'yon?
Sinindihan ko na ang cake bago ko napagdesisyunang lumabas sa kwarto ko. Hawak ko rin ang isang bote ng champagne na balak kong inumin. I should do something like this. Hindi ako papayag na puro tanggap lang ang gawin ko mula sa kaniya, gusto ko rin kahit papaano ay makapagbigay. Makapagsukli ng pakiramdam na ipinaparamdam niya sa akin.
I hope he like this cake kahit na strawberry flavor ang in-order ko. Natawa ako. Well, baka hindi naman niya 'to kainin so ako rin ang makikinabang kaya it was a very good idea to order something I like and also champagne para hindi naman siya makatulog agad. Baka sukahan niya na naman ako. I was about to hold the door knob and open it when I saw him in front of me.
I was shocked to see how his wet hair added hotness to his aura. Some water is still dripping from his hair to his neckline. Nagmadali ba siyang pumunta rito pagkatapos niyang maligo? I mean, why?
"E-enzo? I was about to go to your room. Why are you here?"
Lumakas ang tibok ng puso ko nang titigan niya ako nang ganoon. I gulped.
"I can't sleep," he stated. It was as if he hated that fact. Does my existence bother him?
"Can I come in?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top