Chapter 14

Napagpasyahan naming sulitin na ang pag-ditch ng klase at lumabas kami ng school sakay ng kotse niya. I remember the first time I was here. That day when I woke up here because I was so drunk the last night. Hindi ko inakalang makakasakay akong muli rito sa sasakyan niya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang makaupo siya sa driver's seat.

"Hmm...May chine-check ako last time na magandang puntahan sa Tagaytay. Gusto mo puntahan natin?"

"Tagaytay?" pag-uulit ko. "Seryoso ka? Ang layo ng gala natin!"

"Ayaw mo ba?"

"Syempre, gusto! Hindi pa ako nakakapunta roon, eh," komento ko. Kapag gala talaga, game ako.

Tumawa siya. "Alright, let's go there."

Tumingin siya sa akin habang nakangiti pero para bang may napansin siya. Nagulat ako nang lumapit siya sa akin.

"What's wrong?" tanong ko. Magkalapit ang mga mukha namin pero parang nasasanay na ako na ganoon siya kalapit sa akin.

"Pasaway ka. You need to fasten your seatbelt."

Kagat ko ang labi ko nang sumagot ako. "Sorry."

Nagsimula na siyang magmaneho. Puro daldalan lang ang ginawa naming dalawa. Nakakatuwa dahil parang komportableng komportable na kami sa isa't isa. At napagtanto ko na malakas siyang mang-asar at pikon pala ako kaya ayon, nakakatanggap siya ng hampas o di naman kaya'y kurot.

Ilang oras lang ay nakarating na kami sa isang coffee shop na sobrang aesthetic ng interior. Ruined Project 'yong name at sobrang ganda dahil kita mo ang lush islands sa Tagaytay. My heart was so overwhelmed. Kahit sobrang lamig sa lugar na ito, Enzo make me feel warm with his hand holding mine.

"After this, if you're still hungry we can visit Bulalo Capital. Para mainitan 'yong sikmura mo," he said. Woah. Hindi naman siya prepared for today? Can I say that this is a date? Of course, it is! We're a couple and we're going out here in an unfamiliar place making treasured memories.

"Sure, wherever you like," saad ko saka ko hinigop ang strawberry vanilla na binili niya para sa akin pero napatingin ako nang matagal sa drinks na iniinom niya. Nakita ko siyang kumurap na para bang ina-assess niya kung anong ibig kong sabihin.

Natawa siya. "Sure, go ahead." Ngumiti ako tsaka ko kinuha 'yong inumin niya at tinikman. "Ano 'to?" tanong ko.

"Iced Caramel Latte," sagot niya.

I pursed my lips and pouted. Muli, natawa na naman siya.

"I don't like strawberry," komento niya na para bang nagmamakaawa na huwag kong pagpalitin 'yong drinks namin.

"Sige na, mas masarap 'yong iyo. 'Di ba hindi mo gusto 'yong strawberry..." Inilapit ko sa kaniya 'yong drinks ko. "Why don't you give it a try? Malay mo magustuhan mo na siya ngayon."

"If I knew you'd act like this, I should have asked what you want," natatawa niyang sabi habang napapailing.

"Well, at least you know that I like strawberries. And I appreciate that. Thank you."

I started to eat Romesco Chicken Penne that he also ordered for me but ended up eating what he ordered for himself which is the Beef Tapa. Natatawa ako kasi nayayamot siya sa akin. Well, gusto ko lang din naman siyang asarin. Hindi ko na naman uulitin 'to.

"Now I know what you are," sambit niya nang makalabas kami sa Ruined Project. Tinatawanan ko pa rin siya. "I am not always like that, Enzo."

"Tsk. Lagot ka sa 'kin mamaya," bulong niya. What?

Nawala ang ngiti ko at siya naman ang nakangisi bago pumasok sa kotse niya. Anong lagot? Kinabahan naman ako!

Padabog akong pumasok sa sasakyan at mabilis na sinuot ang seatbelt.

"Pikon ka talaga," komento niya habang tumatawa. Inirapan ko siya. "Cute."

Hinawakan niya ang kamay ko at nagpatuloy na sa pagmamaneho ng sasakyan. Agad namang nawala ang pagka-badtrip ko sa kaniya nang buksan niya ang bubong ng kotse niya. Wow, convertible car pala 'to! Grabe, kita ko nang mas maganda ang view ng Tagaytay at sumasalpok sa balat ko ang lamig ng simoy ng hangin. Such a great experience!

"Let's go," sambit niya nang makapag-park siya. Hawak niya ang kamay ko nang magsimula kaming maglakad.

"Saan tayo?" tanong ko.

"Picnic Grove," simpleng sagot niya tsaka ako iniwan saglit para magbayad ng entrance fee. Napanganga ako nang matanaw agad ang malaking ferris wheel. Muli ay naramdaman ko na naman ang kamay niya sa kamay ko. Tsk. Wala na. Kinikilig na ulit ako sa kaniya.

Napanganga ako nang makakita ng mga kabayo. Pwedeng mag-horseback riding?

"Huwag ka na d'yan. Mas masarap sumakay sa 'kin," bulong niya. Napabitaw ako sa kamay niya dahil sa gulat. The hell! Manyak pala ang isang ito! Mali ako ng sinamahan!

Tumakbo ako palayo sa kaniya.

"Hoy, biro lang! Doon na kasi tayo sa nature trail!" Tsk. Balak niya ba akong patayin sa kaba? Kanina pa siya, ah!

Sinabayan niya ako sa paglakad. Wow. Napakaganda naman ng mga pine trees dito. Sobrang romantic ng ambience. I never thought na makakapunta ako rito na may kasamang lalaki. Dati, pangarap ko lang maglakad-lakad sa gabi habang nagkukwentuhan dahil pakiramdam ko late night talks are different and will make your relationship deeper and now, here I am nae-experience ko na. Although, hindi pa naman gabi pero iba na ang dulot na saya sa puso ko.

Namangha ako sa mga tanawin. Hindi ko alam na may ganito pala kagandang lugar sa Pilipinas. Ang sarap sa mata ng mga dahon, halaman at puno na malimit ko lang makita sa siyudad. It was a breather, indeed. Sobrang ganda. I feel the nature and the love of it for us.

"It was an advantage that we visited during weekdays. Hindi masyadong matao," sambit ni Enzo nang huminto kami sa paglakad. Tama siya, siguro kung weekend kami pumunta, hindi ganito ang mararamdaman ko kasi for sure maingay. Hindi katulad ngayon na sobrang at peace.

"Thank you for bringing me here, Enzo," wika ko.

Ngumiti siya. "The day is not yet done for saying that, Sunny. Do you want to try that zip-line?" Tinuro niya ang mataas na toreng 'yon.

"Sure!"

"Alright. Let's do it together."

Mukhang excited na siyang masubukan 'yon. Akala ko ba introvert itong isang ito pero bakit parang ang adventurous niya?

"I never tried it once. So, bare with me if I do something weird," pagpapauna niya. What the hell? First time niya? Hindi halata, ah. Siya pa 'tong may lakas ng loob na magyaya when naturally someone who do not experience it might be scared. Well, I tried it before with Daisy noong nag-fieldtrip kami. And dahil sa sinabi ni Enzo na hindi niya pa ito nasusubukan, that also confirms na hindi siya sumama noon. Loner talaga! Mabuti na lang, nandito na ako.

Napatingin ako sa kaniya. Woah. Bakit ang gwapo pa rin nito kahit mukha siyang life guard dahil sa vest na suot niya? Hinawakan niya ang kamay ko. Nasasanay na siyang kinukuha ang kamay ko nang walang paalam, ah.

Ngumiti siya sa akin. Nasa ere na kami at hindi binibitiwan ang isa't isa.

"Look, sobrang kaba ko," sambit niya sabay pinadama sa akin ang dibdib niya.

"Hindi halata," sagot ko. Hindi naman kasi talaga. I don't know how he can maintain that face and never show any expression kapag kinakabahan siya pero kapag nalulungkot o nagmamakaawa, kitang-kita ko sa mga mata niya.

"Ikaw? Hindi ka ba natatakot?" tanong niya.

"Hindi. Bakit?"

"I mean, you come with me. Hindi ka ba natatakot na may gawin akong masama sa 'yo?"

"Bakit ako sasama sa 'yo kung wala akong tiwala. Why would you bring it up? May gagawin ka bang masama sa akin?"

"Maybe tonight."

Hinampas ko siya. "Kanina ka pa! Akala ko ba pagkatapos ng kasal?"

"So, gusto mong magpakasal sa akin?"

What! Nahuli niya na naman ako. What the hell!

Tinawanan niya lang ako.

Napasigaw na lang ako nang dumausdos na kami sa ere pero nawala ang kaba ko nang marinig kong nagmumura si Enzo at walang humpay na sumisigaw sa takot. Tawa ako nang tawa sa buong oras na nasa zipline kami. I never expected that he'll act that way! Sa wakas, nakaganti rin ako sa pang-aasar niya sa akin. I am the karma.

Hindi ako matigil sa pagtawa kahit nakababa na kami mula sa zipline. Paano ba naman? Mukhang tinakasan ng buhay itong lalaking kasama ko.

"Ano? Kaya pa?" pang-aasar ko naman sa kaniya habang inaayos ang buhok niya. "Ayan kasi, asar nang asar. Nakarma ka tuloy."

Tiningnan niya ako nang masama. "Isa pang tawa mo, hahalikan kita d'yan," pagbabanta niya.

"Puro ka naman salita, ayaw mong gawin!"

At nagsisi ako sa sinabi ko nang sunggaban niya ako ng halik.

Tinutulak ko siya nang marahan dahil nagulat ako sa ginawa niya. "E-enzo, m-maraming taong nakatingin." Ayaw niyang paawat.

"Dapat lang 'yan sa 'yo," saad niya habang nakatingin sa mga mata ko. He sticks his tongue out and walks away. Pero tumigil din naman siya para ilahad ang kamay niya na nagsasabing hawakan ko at maglakad kami nang sabay. Kakaiba talaga 'tong lalaking 'to! Marami pa yata akong kakaining bigas bago makuha ang ugali niya.

Pagkatapos ay pumunta naman kami sa Queen's Strawberry Farm. Daig pa namin ang may itinerary ngayong araw. Iisipin ko na talaga na pinagplanuhan niya 'to. Well, hindi ko alam na may nag-e-exist palang farm dito sa Tagaytay kung saan ang bida ay 'yong favorite fruit ko. Ang lakas talaga ni Enzo. Nakukuha niya na talaga ang loob ko. I know he's not a fan of strawberries but here he is, having fun while helping me bake strawberry cakes. Nakakatuwa kasi literal na puro strawberry ang nakikita ko maging mga pagkaing sine-serve nila rito ay may kasamang strawberry.

"Sinama kita rito para masawa ka na sa strawberry," komento niya na alam ko namang binibiro niya lang ako. Ayon nakatanggap siya ng kurot.

Hindi ko rin pinalagpas ang pagpitas ng mga sariwang strawberries para ipasalubong kay mama at kay Daisy.

"Tara na, mag-aalas sais na pala," saad niya habang nakatingin sa relo. "Aabutan na tayo ng traffic."

"Uuwi na kaagad tayo?" tanong ko dahil parang gusto ko pang mag-stay nang ilang oras.

Natawa naman siya. "Bakit? Hindi ka pa ba pagod? Gusto mo pang gumala?"

Tumango ako na parang bata habang ini-sway ang magkahawak naming kamay. "Sabi mo, pupunta tayo sa Bulalo Capital. Nandito na rin lang tayo sa Tagaytay, bakit hindi pa natin sulitin? Sakto, gutom na 'ko."

"Ano? Kakakain mo lang, ah," reklamo niya.

"Dali na kasi. Ako magbabayad. Tara na ro'n," utos ko sa kaniya. Sayang naman kasi, narito na kami sa Tagaytay. Sakto malamig, kailangan ng pampainit ng tiyan.

"Pagagalitan ako ng mama mo, eh," saad niya habang napapakamot sa ulo. Nagrereklamo pa, sinusunod niya naman ako. Ano kaya 'yon?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top