Chapter 12

"May problema ba kayo ni Enzo?" tanong sa akin ni Daisy. Nandito kami sa library at tumatambay. Malapit na rin kasi ang final exam kaya todo hiram na si Daisy ng mga fictional books dahil baka raw hindi na siya makabisita rito kapag naka-graduate na kami. Dapat reference books ang binabasa namin, eh! Anong isasagot niya sa exam? Umiigting na panga?

"Bakit?" tanong ko nang muling maalala na binanggit niya ang pangalan ni Enzo.

"Mukhang hindi kayo nagpapansinan, eh. Well, kung dahil sa sinabi ko 'yan, that's not what I meant, Sunny. Of course, hindi ko gustong masaktan kang muli but I also just want you to be sure of your feelings para hindi ka rin nakakasakit ng tao," paliwanag niya.

"Hindi naman kami totally nag-away. Hindi ko lang siya kinakausap dahil may iniisip lang ako," sambit ko.

"Bakit? Anong iniisip mo? At kailan pa?"

"Three days na yata."

Kumunot ang noo niya at tumingin nang masama sa akin. "Three days mo na siyang hindi kinakausap? Baliw ka ba? You know what? I'll take back what I said about him. Parang ikaw ang red flag sa inyong dalawa," nanggagalaiti niyang pahiwatig sa akin.

Ako naman ang kumunot ang noo. "Red flag?"

"Oo, well, I do not have the right to judge anyone pero napapansin ko, you're taking him for granted, Sunny. Everytime na nakikita ko siya, hindi ko sinasadyang mapatingin sa kaniya pero ang nakikita ko sa kaniya he's so miserable trying to approach you but then he couldn't because he can't let everyone know your secret relationship. I want to cry for him. You're such a red flag, Sunny."

Huminga ako nang malalim. Binalikan ko ang mga nagawa ko para sa kaniya. Maaaring maisip niya ngang pinaglalaruan ko siya. But, I am not doing it on purpose. I am just—I sighed.

"What should I do? I was just bombarded with things that Nathan said to me that night."

"What did he say?" nakakunot noo niyang tanong sa akin na para bang narinig palang niya ang pangalan ni Nathan ay kumukulo na ang dugo niya. "Kayo ba 'yong pinag-uusapan ng lower years na gumawa ng eksena doon sa coffee shop?"

"Maybe."

Napahawak siya sa sintido niya. "You know what? Tutal, mukhang nasa cool off naman kayo ni Enzo, try to use this time to sort out your real feelings toward him and kung mahanap mo sa sarili mo na hindi mo pala talaga siya gusto, just tell him so he can be with someone else deserving of his love."

Bakit tila ba nakaramdam ako ng takot?

"Honestly, I think you were just overwhelmed by his feelings but I don't think you love him. Kasi kung mahal mo siya, hindi mo siya hahayaang mag-isang nasasaktan. At kita mo, naaapektuhan ka pa sa sinasabi ng iba. If you really love that guy, that guy should only be the man in your mind not anyone else."

Natigilan ako sa sinabi niya. Para bang may tinamaan sa loob ko kaya sumakit iyon nang todo. Para akong nilalamon ng kung ano at naiiwan ang sakit sa puso ko. Muli kong naalala ang mukha ni Enzo. Naawa ako. I think, tama si Daisy, I should sort out my feelings. Do I really have feelings for him or I was just happy that someone is looking over me?

"Sunny." Napatingin ako sa tumawag sa akin. Hindi ko inaasahang kauusapin ako ng taong ito.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

Napatingin ako kay Daisy. She just shrugged.

"Sure, Kylie. Saan mo gustong mag-usap?"

"Doon sa tayong dalawa lang."

Tumango ako bago sumunod sa kaniya. Pumunta kami sa likod ng library. Walang tao roon maliban sa aming dalawa.

"Anong gusto mong pag-usapan?" tanong ko habang nag-aalangan.

Tumingin siya sa mga mata ko. Seryoso ang mukha niya. Actually, nakakaramdam ako ng kaunting kaba dahil unang beses lang namin magharap. Sa buong taon na magkaklase kami, ngayon lang kami nagkaroon ng pag-uusap. Bukod sa tahimik siya, nararamdaman ko kasing may lihim siyang galit sa akin kaya hindi ko siya kinakausap.

"Tungkol kay Enzo."

Umusbong lalo ang kaba sa dibdib ko.

"Anong tungkol sa kaniya?" tanong ko. May bakas ng pangamba sa boses ko pero sana hindi niya 'yon nahalata. Pangalan palang ni Enzo ang narinig ko, marami na akong naiisip na dahilan. Ang isa doon ay mukhang tama ako.

"Umamin ako sa kaniya ng nararamdaman ko."

Bumigat ang paghinga ko. Nanunuot ang inis sa buong sistema ko.

"Ano namang kinalaman ko sa pag-amin mo?" Hindi ko na naitago ang inis.

"He told me you two were in a relationship already. But I don't think he is receiving the love he deserves so I am here to ask you nicely to break up so I can take care of him."

Napabuga ako. "Nicely asking me to break up with him? Are you serious?"

"Yeah. Don't you think you're too much for him?"

Nagngitngit ang mga ngipin ko. Kung pwede ko lang siyang sabunutan, ginawa ko na. I know, I am still in doubts about my feelings for Enzo but isn't it wrong to be disrespected this way?

"Anong meron sa 'yo para sa isang Enzo? At isa pa, halos lahat ng kaklase nating lalaki, kinuha mo na. Hindi mo ba alam kung bakit pinagti-trip-an ka nila? Dahil you ruined their relationship with the girl they want! Lagi kang ume-epal. And now, you're doing it again. You're taking Enzo away from me," galit niyang litanya sa akin. Mas napabuga ako dahil hindi ko inaasahang ganito siya magsalita. Sa likod ng hindi makabasag-pinggan niyang pisikal na anyo, nagtatago ang sakim.

"Away from you? Aren't you the one being too much? We are in a relationship and yet you're telling me to break up with him na para bang ikaw ang may kontrol sa buhay ko. Ano bang pakialam mo sa relasyon naming dalawa?" galit kong tanong. Pakiramdam ko puputok na ang litid sa leeg at noo ko.

"Because you're so selfish, Sunny! If you seriously love him, why are you keeping your relationship away from the public? Is that the way of telling him na ikinakahiya mo siya? You see, he doesn't deserve it. He doesn't deserve you! So, ibigay mo na siya sa 'kin! Ako ang magpapasaya sa kaniya! Hindi ikaw ang para kay Enzo! Kung hindi ako!"

Hindi ko napigilang sampalin siya. Anong karapatan niyang pagsalitaan ako nang gano'n?

"Sunny, what did you do?!"

Napalingon ako sa lalaking nagsalita. It was Enzo. He saw what I did and looked so surprised. Mabilis siyang lumapit sa amin at kinuha ang kamay ko na para bang hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Lumalim ang paghinga ko dahil sobrang bigat ng loob ko. Nakarinig na ako ng mga masasakit na salita, nakita pa ako ni Enzo sa hindi kaaya-ayang tagpo.

Nagngingitngit ang mga ngipin ko nang tumingin ako sa kaniya. "You should ask me 'why' I did that! Not 'what' did I do!" Inalis ko ang kamay niya tsaka ako umalis sa harapan nila. Tsk. Hindi ko naman sinampal si Kylie dahil gusto ko lang. Hindi ko lang maatim ang mga sinasabi niya! That was too much! She deserved a slap from me!

"Sunny!"

Kusa akong napatigil nang isigaw niya ang pangalan ko na para bang alam na nito ang boses ng kaniyang amo

"I'm sorry! I was wrong!" Agad niyang kinuha ang kamay ko nang maabutan niya ako. Hinila niya ako papunta kung saan.

"Pwede na ba tayong mag-usap ngayon?" tanong niya. Bakas ang inis sa mukha niya pero mukhang sinusubukan niyang kumalma para sa 'kin. Ako, naiinis pa rin ako. Bakit sa lahat ng pagkakataong makikita niya ako ay ang sampalin pa ang ibang tao? What would he think of me?

Napahinga ako nang malalim tsaka ko siya pinagmasdan. Ngunit isang pagkakamali ang tingnan siya. Agad na nawalan ako ng hininga. Malaki ang pinagbago ng mukha niya. Parang ang payat niyang tingnan ngayon lalo na't maitim ang ilalim ng kaniyang mga namamagang mata at maging ang mapupula niyang labi ay nanunuyo na at namumutla. Hindi ba siya kumakain? Hindi ba siya natutulog? Ibang-iba siya sa itsura niya noong unang beses ko siyang mapansin. Anong nangyari? Ako ba ang may gawa nito sa kaniya?

Napakapit ako sa dibdib ko. Ganito ba ang dulot ko sa taong nagmamahal sa akin? Bakit? Bakit ako ganito?

"Sunny, can we talk about what happened last night? About what's bothering you because it bothers me too," nagmamakaawang tanong niya.

Huminga ako nang malalim. "Maghiwalay na tayo, Enzo," saad ko.

"A-ano?" Kumunot ang noo niya. "Anong maghiwalay? Bakit?" Bakas sa tono ng boses niya ang pagkabahala. Hinawakan niya ang kamay ko. "Bakit ka makikipaghiwalay sa akin? May nagawa ba akong mali? Kung gusto mo pa ng oras para mapag-isa, bibigyan kita. Huwag muna tayong mag-usap ngayon, sige. Hindi kita pipilitin. Pero ang maghiwalay? Ayoko, Sunny. Kakalimutan ko ang sinabi mo na parang walang nangyari."

Umiling ako. "I think we should end this, Enzo." Napakagat ako sa labi ko. I can notice what Daisy is talking about. I am turning into a walking red flag. He's been apologizing even though I was the one who did wrong. I was being selfish and greedy. I don't know. It was as if everybody was right. I am not deserving of the love he can give and provide me. All I can do is destroy him.

"Bakit? Hindi ka pa rin ba naniniwalang mahal kita?" puno ng pagsusumamo niyang giit.

Ang mga salitang 'yon. Hindi ko inaasahang mamumutawi sa labi niya. Mahal niya ako? Namuo ang luha sa gilid ng mata ko. Nasasaktan akong nakikita siyang ganito na para bang kailangan niya pa akong pilitin. Hindi naman dapat. Ano bang problema ko?

"Hindi ka ba naniniwalang seryoso ako sa 'yo? Bakit tayo maghihiwalay? Hindi mo na ba ako gusto? Kailan palang tayo nabuo, Sunny, gusto mo na agad makipaghiwalay. Hindi ba pwedeng pag-usapan muna natin? Ayusin muna natin kung may hindi tayo pagkakaintindihan?"

Nanikip ang dibdib ko. Why am I always hurting this guy? Why am I this bad? Why can't I just let myself be happy with him? Kanina lang naiinis ako sa pinagsasasabi sa akin ni Kylie but it ends up, she's right. I am clearly hurting this guy without realizing it. Daisy was right, I am taking him for granted because I know he likes me and I just do what pleases me. What should I do now? I feel like I am torn between staying and leaving. If I leave, I will definitely hurt Enzo but if I stay, I will become so full of myself.

"Enzo, look what I have done to you. Do you think I am worthy of your love? Sino ba ako? Ano lang ba ako? Everybody's telling me I am just taking you for granted na sa tingin ko'y nagagawa ko nga. Enzo, I am starting to question myself about my feelings for you and I am considering baka nadala lang ako ng bugso ng damdamin or maybe I was just really overwhelmed that's why I accepted you. It would be really unfair for you. You don't deserve that kind of love. I feel like I am being toxic. Would it be beneficial for you to continue this all along? I don't think so."

"Then, let's figure it out together!" he shouted. It was the first time he raised his voice for me and I can understand why. It was because of me to hear him. "Why are you making decisions as if you're in the relationship alone? I am here! Don't just decide for me. I would be the one telling you if you're becoming a toxic partner. I would be the one telling you if you're becoming too much. Don't conclude things on your own! I want us to stay. Please. Don't break things that were meant to be together."

Napakagat ako sa labi ko. Lalo na nang yakapin niya ako. Muli, para na namang nawala sa akin ang lahat ng pag-aalala. I am being occupied again by his warmth. "Please, never ever mention breaking me up again. If you need time to figure out your real feelings toward me, sure. I don't mind waiting but let's keep our relationship, okay?"

Tuluyan nang tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Even I don't like myself, why would someone like me?

"Why? Why do you like me this way?" mahina kong bigkas habang nanunuot sa puso ko ang kalungkutan na siyang tinatabunan at tinatalo niya ng mainit niyang pagmamahal.

"Because it's you, Sunny. I'm being like this because it's you. I like you because it's you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top