Chapter 11
"Are you okay?" tanong sa akin ni Nathan. "I noticed, you're not in yourself. Are you worried na baka may gawin ako sa 'yong masama?" dagdag pa niya. Kasalukuyan kaming narito sa coffee shop a few steps away from our school. I just ordered a latte and a tiramisu cake samantalang kay Nathan ay cafe americano lang.
"O-okay lang ako. Why don't we start now so we can go home early?" sambit ko habang ikinukubli ang pagkailang sa kaniya.
Ngumisi siya. "Do you really want to go home now? Nakakasama ka naman ng loob. Hindi mo ba ako gustong kasama?"
He sipped his coffee before putting his elbows on the table leaning closer to me. "Say it, that night, you actually wished Enzo never came, right?"
Napalunok ako. Mabilis na rumagasa sa dibdib ko ang kaba. Muli ko na namang naalala ang muntikan nang mangyari sa amin noon.
"You wished something happened between the two of us. Rowel was right, right?"
Hindi ako agad nakasagot. Nakatitig lang ako sa mapanudyo niyang ngiti habang malalim ang tingin sa akin. Para bang hinuhusgahan niya ang buo kong pagkatao. Sayang ang mukha niya kung ganito niya ako itatrato.
"I know you're attracted to me. Why don't we go to a comfortable place and have some fun while we're doing our interview?" Diretso lang ang tingin niya sa akin habang kagat-kagat niya ang mapupula niyang labi. Nang-aakit. No one can resist this handsome gentleman in front of me. Kahit sinong piliin niyang maging kaniya, ay mapapasakaniya. Kaya niyang kunin ang kahit na anong gustuhin niya gamit ang kaniyang nakakahalinang salita. Bibigay kahit ang hindi mapagbigay.
Ngunit ayoko nang magpadala sa mga kalokohan niya. Hindi puwedeng palagi akong natatakot. Ngumiti ako tsaka ako lumapit sa kaniya. "Aren't you the one who's attracted to me?" Inilapit ko ang mga labi ko sa kaniya. Amoy ko ang mabango niyang hininga. "Why don't you tell me on our interview how you plan to rape me that night?"
Umatras siya at napasandal sa upuan niya habang hinihila ang necktie niya. Mukhang nabanas siya sa inasta ko.
"Actually, I am not that stupid, Nathan. I gave you a chance to prove me that you actually changed but you did not. Akala mo hindi ko mapapansin sila Charlon?" Tinuro ko ang mga kaklase naming nakaupo sa ibang table at minamanmanan kami. "Those installed cameras on your hotel room, those are the evidences you actually planned to rape me. Kung iba-backward ang footages, they will surely see who set those up. Pinagbigyan ko na kayo last time pero kung gagawin niyo ulit sa 'kin 'yong mga binabalak niyo, hindi na ako magdadalawang-isip na ipakulong kayo," mahabang litanya ko na may kasamang pagbabanta. Nakakunot ang mga noo niya habang nakatingin sa akin. Halatang inis at hindi makapaniwalang nilalabanan ko siya ngayon. Hindi na ako magpapaapi.
"So, you already knew but acted like a fool so you can fool me?" sigaw niya na naging dahilan upang mapatingin ang lahat.
Nawala na ang maaliwalas niyang awra dahil ngayon tila ba wala na siyang pakialam sa mga taong makakakita ng totoo niyang itsura. Na sa likod ng maskarang 'yon may masamang budhing nagkukubli.
Dinuro-duro niya ako at bawat masasakit na salitang sinasabi niya sa akin ay bumabaon hanggang buto maging sa kaluluwa ko. "Bakit? I thought you want to fuck every guy. Palagi kang lumalapit sa amin, eh. Aren't we doing you a favor? You'll experience the heaven even if your feet on the ground."
I was so speechless. How can he say those things in front of my face?
"You're an easy girl, Sunny. Don't hope that someone will love you if you act that way. No one wants to be with like you, a whore. Kabilang ka sa mga mababang klase ng babae. Hindi alam ang halaga o wala lang talaga."
Nagngitngit ang mga ngipin ko at nasampal ko siya. Hindi ko na napigilang sigawan siya sa galit na dumadaloy sa sistema ko. "Bakit, Nathan? Masama bang umasa? Masama bang umasa na baka isa sa inyo, magustuhan din ako?" Pinigilan kong maluha kahit na nag-uumapaw na sa sama ng loob ang puso ko. "Ha? Masama ba? Masama bang umasa na baka meron sa inyong nagsasabi ng totoo? Masama bang humanap ako ng lalaking magmamahal sa akin dahil kahit minsan hindi ko naranasan kahit sa tunay kong ama? Sabihin mo, masama ba?"
I can't control myself now. My tears are flowing and I can't seem to stop even if I hold them back. Hinahampas ko at tinutulak-tulak ko siya dahil gusto kong sabihin niya sa akin kung masama ba ang umasa. Ang sakit sakit. Inggit na inggit ako sa mga taong may mga kani-kaniyang nobyo. Wala ba talagang para sa akin? Iiyak na lang ba ako palagi? Aasa at masasaktan? Wala ba man lang kukuha ng sakit na 'to? Kahit isang araw lang, oh.
"Kaya walang nagmamahal sa 'yo, ang hilig mong gumawa ng eksena. You're such a shame."
Itinulak niya ako dahilan para mapatama ako sa sahig. Mali. Hindi ako nahulog sa sahig dahil may isang taong sumalo sa akin.
Lalo akong napaiyak nang makita ko ang mukha niya. Narito si Enzo. Nakakahiya. Nakakahiyang nakikita niya akong ganito. Dito pa sa harap ng maraming tao.
"Sunny..."
Mas lalo akong napahagulgol nang tawagin niya ang pangalan ko.
Imposible. Imposible talagang nagkagusto siya sa 'kin. Tama si Nathan, kabilang ako sa mababang uri ng babae at hindi ako karapatdapat sa kahit na sinong lalaki. Sino nga ba naman ako? Isa lang naman akong asyumerang palaka na akala ko may prinsipeng tatanggap sa akin. Dapat pala noong una palang, hindi na ako umasa. Kasi ang mga bagay na imposible, kahit anong mangyari, hindi magkakatotoo. Katulad ng pangarap kong mahalikan ng isang prinsipe dahil sa pagmamahal...Wala...Kahit isa, wala. Kahit si Enzo, hindi sasaya sa piling ko. Puro kahihiyan lang ang maidudulot ko sa kaniya.
Iniwas ko ang mga tingin ko sa kaniya. Tama, hangga't maaari hindi ko siya titingnan dahil isang kasalanan ang magkaroon ng pagtingin sa isang prinsipe. Isang kasalanan na hindi ko dapat gawin kahit kailan dahil hindi lang ako ang masasaktan kundi pati siya. Isang kasalanan na umasa at maghintay na baka isang araw may magligtas sa akin sa mundong ito.
Pinunasan ko ang mga luha ko at nagdesisyong umalis sa coffee shop nang walang pasabi. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Masyadong mabigat ang loob ko. Maging ang mga mata ko'y nanlalabo na dahil sa mga luhang umaapaw.
"Sunny!" Rinig kong tawag niya sa pangalan ko. Lalo akong napapaluha dahil sa paraan ng pagtawag niya sa akin na para bang nagmamakaawa.
Paano ba siya napunta sa lugar na 'to kung nakita ko siyang kasama ni Kylie kanina? Paanong mangyayaring palagi siyang naroon kung kailan kailangan ko siya? Paano?
"Sunny! Hintayin mo ako!"
Isang pakiusap na hindi ko tinugon.
Hindi ako lilingon dahil ayokong sa paglingon ko ay umasa kang babalik ako.
Patuloy lang ako sa pagtakbo. Kahit saan. Kahit saan ako dalhin ng mga paa ko.
"Ano ba Sunny?!" May humila sa braso ko at iniharap ako sa kaniya. Huli na nang mapansin kong naabutan na pala ako ni Enzo. Kita ko sa mukha niya ang galit maging sa kung paano niya ako hawakan. "Muntikan ka nang masagasaan, oh!" bulyaw niya sa akin. Hindi ko napansing papatawid pala ako at muntikan na akong masagasaan ng truck. Ngayon lang umuulit sa alaala ko ang mga nangyari.
"Kanina pa kita tinatawag, bakit hindi mo ako pinapakinggan?" Para akong batang pinagagalitan ng aking ama. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko na para bang hindi niya ako hahayaang magpumilit na bitiwan ko siya.
"Ang tigas ng ulo mo!" Hapong-hapo siya at namumula ang mukha habang pinagsasabihan niya ako. "Muntika ka nang mawala sa akin."
Pinigilan ko ang sarili kong muling umiyak ngunit nakikita ko palang ang mukha niyang mapagpasensiya ay napanghihinaan na agad ako ng loob.
"Puwede na ba tayong mag-usap?" giit niya.
Umiling ako. "Pagod ako. Bukas na lang tayo magtalo," sambit ko tsaka ko inalis ang kamay niya at nagpatuloy sa paglakad.
"Utang na loob, Sunny! Wala ba akong halaga sa 'yo?"
Napatigil ako sa paglakad dahil sa sigaw niya pero saglit lang ay ipinagpatuloy ko na ang paglayo ko.
"Sunny! Isa! Bakit hindi mo ako nililingon? Palagi na lang ba kitang hahabulin? Hindi ka ba hihinto para sa 'kin?"
Napayuko ako. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin. Gusto kong huminto pero mas pinangungunahan ako ng takot sa kung anong iisipin niya sa akin. Nakita niya ba ang nangyari? Punong-puno ng kahihiyan ang dibdib ko. Narinig niya ba ang lahat?
"Sunny!" Hinablot niyang muli ang kamay ko at pinuwersa akong humarap sa kaniya.
"Look at me," sambit niya na may diin sa bawat salita. Nanatili akong nakayuko. "I said, look at me. Ilang beses ko bang kailangang ulitin para pakinggan mo 'ko?"
"I can't let you see me like this, Enzo."
"Why? Tell me why. Wala pa rin ba akong karapatang makita ka kahit sa ganitong pagkakataon kung kailan mas kailangan mo ako?"
Muling pumatak ang mga luha ko. I bit my lip. Bakit natutunaw ang takot sa puso ko kapag nariyan siya?
"I am angry, really mad, Sunny, but I chose to let it go. Kahit pa mas pinili mong makasama si Nathan kumpara sa akin, I tried to understand. Baka kako, hindi mo lang alam na hinihintay kong matapos ang araw para alukin ka sa project. Kasi hindi kita pwedeng kausapin sa room dahil malalaman ng lahat ang tungkol sa 'tin. Pero ngayon, ilang beses kitang tinawag. May pagkakataon na tayong kausapin ang isa't isa pero bakit pinapahirapan mo pa akong hagilapin ka? Pinahihirapan mo ako when we can fix the problem together."
"Enzo, please not now." Tumunghay ako upang makiusap sa kaniya. "Naiintindihan ko kung saan ka nanggagaling pero baka puwedeng bukas na lang tayo mag-usap? Sobrang daming tumatakbo sa isip ko. Gusto kong mapag-isa. Can you please leave me alone?"
Nakita kong kumislap ang mga mata niya. Muli akong napayuko. Those are tears. I don't want to see him crying. It pains me a lot and I can't seem to handle it. Pero anong magagawa ko? Ayokong masaktan. Ayokong makasakit. Ang tanging magagawa ko ngayon ay lumayo pansamantala para hindi ko siya labis na masaktan. Siguro bukas, mahaharap ko na siya. Ngayon, kailangan kong ayusin ang sarili ko.
"Hayaan mo muna ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top