Chapter 10
Kinabukasan, masaya akong pumasok sa school. Actually, sobrang aga. Hindi ko alam kung anong meron sa akin at bakit gusto ko na agad na makita si Enzo, eh, magkasama lang naman kami kagabi. Siguro, ganito ang feeling ng may boyfriend. Sa wakas! Akala ko, tatanda na talaga akong dalaga. Akala ko, wala nang magmamahal sa akin nang totoo.
Napangiti ako nang maalala ang nangyari kagabi. We end up sleeping in each other's arms. Walang kahit na ano pang nangyari bukod doon. It made me realized how much respect he has for me. Kahit pa noong nasa kubo kami, kahit na parang ibibigay ko na sa kaniya ang sarili ko, he chose to not take any advantage.
Kanina lang kami nakita ni mama sa storage room kasi madaling araw na rin daw siyang nakauwi dahil lumakas na naman ang ulan kaya nagpalipas muna siya ng gabi sa kaibigan niya. She also told us why she was nowhere to be found yesterday. It was because she went to the electrician to report our generator. She thought there would be a huge possibility of black out after the heavy storm so she checked it yesterday and it wasn't working. She went out to ask for help to repair it.
And she was a little bit surprised to see Enzo with me but I explained everything so she wouldn't have to worry. Nagkausap na rin sila ni Enzo but about our relationship, we chose to keep it a secret for now. Baka magulat si mama dahil parang kailan lang nang marinig niyang gusto ko lang maging kaibigan si Enzo and then malalaman niyang kami na, I think, she'll question it or not? I don't know. But Enzo agrees to what I want.
Pumila na ako sa flag ceremony na madalas hindi ko naaabutan kasi tanghali na akong pumapasok. Pinili kong pumuwesto sa likod ng mga kaklase ko. Tahimik lang akong nakikisabay sa panata at sa himno nang makita kong dumating si Enzo sa tabi ko. Magkabukod kasi sa pila ang girls and boys at heto siya, nasa likod din nakapuwesto. Katabi ko.
Napakagat ako ng labi dahil hindi ko maiwasang ngumiti lalo na nang magtagpo ang aming mga mata. Nagdikit ang likod ng aming mga kamay. Nakakakuryente. Gusto kong mamatay sa kilig nang hawakan niya ang kamay ko at mabilis na hinalikan.
"Good morning," bati niya habang suot ang mga mapanunaw niyang ngiti. Ang swerte ko talaga.
Tumango ako. "Good morning," I mouthed. Hindi ko talaga alam saan ilalagay ang kilig ko. "Bitiwan mo na ako, baka may makakita sa atin," bulong ko kahit na sa totoo'y ayaw kong magbitiw kaming dalawa.
"Pagbigyan mo na ako. Ngayon lang kita malalapitan. Mamaya sa room, matatanaw na lang kita," sambit niya na nagpapayag sa akin.
Katulad nga ng napagkasunduan ay hindi kami nagpapansinan sa loob ng room. Pinag-uusapan pa rin ng mga kaklase ko ang nangyari kahapon. Nasa hospital daw si Rowel dahil sa natamo nitong pasa at bugbog mula kay Enzo. Balak pa nga raw nitong kasuhan si Enzo pero mabuti na lang at naging saksi ang mga kaklase namin para ipagtanggol si Enzo at hindi natuloy ang kaso.
Tsk. Ang kapal naman ng mukha niya. Pagkatapos niya akong bastusin sa harap ng maraming tao, siya pa ang may ganang magsampa ng kaso. Kung siya kaya ang dinedemanda ko d'yan? Pasalamat siya, ayokong malaman ng buong mundo ang ginagawa nilang pananamantala sa akin.
"Okay ka na ba, Sunny?" tanong sa akin ni Daisy habang hinahagod ang likod ko. "You never told me what happened to you that time. Iyon pala ang totoo. Maging sila Monica ay galit sa mga kaklase nating lalaki. Kaya huwag kang mag-alala, hindi na nila mauulit sa 'yo ang pinaplano nila."
Ipinalibot ko nga ang paningin ko sa mga kaklase ko. Iwas nga ang mga babae kong kaklase sa mga lalaki. Siguro'y natatakot na silang magaya sa akin. Napansin ko ang mga masasamang tingin sa akin nila Kenneth. Tsk. Hindi pwedeng kaya-kayanin niyo lang kaming mga babae.
"I feel like it's also my fault since I became so attached to guys. And hindi ko naman din maikakaila na part of my mind wanted something to happen since I was so desperate to have a boyfriend," malungkot na litanya ko. Daisy heaved a sigh while she patted my head.
"Lahat naman tayo nagkakamali. We ought to learn from it. Pero ang mahalaga ngayon ay ligtas ka na. Ingatan mo na lang din ang sarili mo. Huwag kang masyadong maglalapit na sa kanila dahil mga animal 'yang mga iyan. Naghihintay ng biktimang lalapain," pagpapaalala ni Daisy.
"Balang araw makukuha rin nila ang ganti ng mga ginagawa nila sa akin. Mabuti na lang talaga, naroon si Enzo kahapon para ipagtanggol ako dahil kung hindi, baka natuluyan na," saad ko.
"Mabuti na lang talaga. Oo nga pala, anong nangyari sa inyo kahapon? Saan kayo pumunta? Biglang lumakas ang ulan, eh. Hindi ko na kayo nahabol," siwalat niya.
Agad na namula ang pisngi ko nang maalala ko ang nangyari. Siguro, mas makabubuti kung may isang nakakaalam ng nangyari sa aming dalawa ni Enzo. In fact, she's my best friend. She deserves to know.
"The truth is..." Lumapit ako sa tainga niya para ibulong ang balitang makapagpapairit sa kaniya nang malakas. "I gave him a chance."
Agad niya akong hinampas at nanlalaki ang mga mata niya. "Totoo? Kayo na?"
Tumango ako habang napapakamot sa ilalim ng tainga dahil sa hiya.
"What the hell? Paano nangyari 'yon? Wait, huwag mong sabihing siya 'yong nagbigay ng almonds? Tae ka, Sunny! Almonds lang pala ang katapat mo!"
Tinakpan ko ang bibig niya dahil lumalakas na ang boses niya. May mga kaklase na kami rito sa room dahil malapit nang magsimula ang morning class. Naghihintay na lang kami ng teacher.
"Shh, ikaw palang ang nakakaalam. I don't want everybody to know it yet. Alam mo naman ang sitwasyon ko baka kung anong isipin nila. Lalo na, iniisip ng marami na inisa-isa ko lahat ng kaklase nating lalaki. I don't want Enzo to be hurt," sambit ko.
Tumango-tango siya. "I see, I get your point. But honestly, iba ang naiisip ko. I am worried not about Enzo, but about you, Sunny. Parang ang bilis naman kasi yatang naging kayo. May gusto ba talaga siya sa 'yo kaya natin siya nahuli last time na nakatingin? Pero kahit na, parang ang bilis mo naman yata siyang sinagot."
"Hindi naman siya nanligaw," sagot ko na ikinagulat niya.
"What? Are you crazy? Paanong naging kayo kung hindi ka niya niligawan? Are you sure?"
Tumango ako. "Walang ligawang nangyari. Umamin lang siya, tinanggap ko, kasi nahuhulog na rin ang loob ko sa kaniya."
"What? Wait. Hindi ka niya nilagawan? Seryoso ka? Umamin lang siya and then naging kayo na? Hindi ko maintindihan, Sunny."
"Uso pa ba ang ligaw? Paulit-ulit niya akong nililigtas, ipinagtatanggol. Siya lang naman ang gumagawa no'n para sa 'kin. Saksi kayo sa ginawa niya," sambit ko.
Napahawak siya sa magkabilang balikat ko. "I don't know what to say. I don't want to hurt your feelings but how can you be so sure of it when you are so easy to get? Ni hindi mo man lang kinilala 'yong tao, sinagot mo na? Ang nakakabahala pa, hindi naman nagtatanong. Hindi nanliligaw."
I bit my lip. I don't know what to answer. "I don't want you to overthink but what if katulad din siya ng ibang mga lalaki? Hindi ba mukhang nagpadalos-dalos ka na naman, Sunny?"
That's my dilemma before pero ilang beses nang napatunayan ni Enzo na karapatdapat siyang mabigyan ng pagkakataon.
Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Sa pagkakataong 'yon nagkaroon ako ng duda. Nadala na naman ba ako ng bugso ng damdamin ko? Hindi na naman ba ako nag-iisip?
Tiningnan ko sa likod si Enzo. Nakangiti siya habang nakatingin sa kaniyang telepono. Nilapitan siya ni Kylie at parang nagkaroon sila ng sandaling pag-uusap. Walang pagdadalawang-isip na tumayo si Enzo para sundan si Kylie.
I gulped. What the hell is happening? Bakit sila magkasamang lumabas gayong mag-uumpisa na ang klase?
"Nakita niyo 'yon? Lumabas si Enzo at Kylie nang magkasama! Narinig ko mukhang sabay silang pupunta sa canteen! Hindi kaya magbe-breakfast sila together?"
Nagkantyawan naman ang mga kaklase ko. Ang iba ay napatingin sa akin. Maging si Daisy ay lumingon para tingnan ako.
"Sunny, wala ka ba talagang gusto kay Enzo? Tingnan mo, mukhang mauunahan ka na ni Kylie!" banat ni Monica habang kahawak-kamay niya si Rachel. Napaawang ang bibig ko.
"Don't worry, Sunny has me."
Lahat kami ay napatingin sa may pintuan kung saan nanggagaling ang boses na 'yon. It was Nathan. Bagong kulay ang buhok niya. Dating black, ngayon ay dark brown na. Nag-iba rin ang pagkakaayos nito. Nagmukha siyang mabait na tao. Tsk. How I wish, hindi niya na ako pagdiskitahan.
Lumapit si Nathan sa akin kasabay ang paghawak niya sa baba ko. "Miss me?"
Inirapan ko siya.
"I heard what happened and I want to apologize on behalf of Rowel for what he did and said to you. Sana napatawad mo na kami," saad niya.
Huminga ako nang malalim. "Basta huwag niyo nang uulitin."
Ngumiti siya tsaka niya pinatong ang kamay niya sa ulo ko. "I knew it. That's why I like you, Sunny. So what did I miss out? Can you tell me about it?"
I shrugged.
"May project tayo na kailangang maipasa this coming Friday." Si Daisy na ang sumagot para sa akin. Kumunot ang noo ko. May project kami? Bakit hindi ko alam 'yon?
"May project tayo?" pag-uulit kong tanong sa best friend ko.
"Ha? Hindi ko ba nasabi sa 'yo? Oh, right, I forgot, last time no'ng absent ka, sinabi 'yong project sa subject this term. Sorry, Sunny, nakalimutan kong sabihin sa 'yo," saad niya.
"Eh ano nga 'yong project?" The hell. Ilang araw na lang at Friday na. Paano ko pa matatapos 'yon?
"Madali lang naman. You just have to interview anyone in our class about his or her problem. It is not exactly an interview but some kind of talk, to save him or her. Alam mo naman, suicide is so common nowadays kaya isa rin 'tong way to save them," paliwanag ni Daisy. Nabunutan ng tinik ang dibdib ko. Hindi naman pala ganoon kakomplikado.
I nodded and tried to understand what she said. "So, puwede nating gawin mamaya?" tanong ko. Kumunot ang noo niya pero tila ba alam niya na ang ibig kong sabihin.
"No, hindi na 'ko puwede. May nag-interview na sa 'kin so dapat maghanap ka na ng iba pang pwede mong ma-interview sa mga kaklase natin."
"Gano'n?" Sinamaan ko siya ng tingin. Best friend niya ako 'di ba? Anong klase naman 'yon at naghanap siya kaagad ng iba? "Sino naman kaya ang pwede? Mukhang lahat sila may mga na-interview na rin." Tiningnan ko ang mga kaklase ko. Kapwa sila may kaniya-kaniya nang mundo. Ganito naman palagi kapag wala pang teacher.
"What if ako na lang?" Napatingin ako kay Nathan na nasa harapan ko pa rin pala. I almost forgot about him and his existence.
Lalong lumapad ang mga ngiti niya. "Sabay na tayong lumabas mamayang uwian. May naisip na akong lugar para sa gagawin nating interview," sambit niya pa habang hindi mawala ang mga ngiti sa labi. Napatingin na lang ako kay Daisy na mababakasan sa mukha niya ang pag-aalala.
"Sige, magkita na lang tayo mamaya," sagot ko.
"Yes!" Niyakap niya ako. Tsk. Kung wala namang choice hindi ko siya kauusapin o hahayaang makalapit pang muli sa akin. But, I am giving him the benefit of the doubt na hindi niya na gagawin pang muli ang binalak niya sa akin noon. At isa pa, para ito sa project.
Ikinalas ko ang mga yakap niya sa akin. Siniko ako ni Daisy kaya napatingin ako sa tiningnan niya. I saw Enzo standing on the doorway looking at us while holding that strawberry yogurt juice. Bakas ang pagkadismaya sa kaniyang mukha nang makita niya kami ni Nathan. Napatingin siya sa hawak niyang juice bago siya huminga nang malalim at ibinigay iyon kay Kylie tsaka siya naglakad papunta sa likuran.
My forehead immediately twitches. Sinundan ko siya ng tingin pero ang hindi nakaligtas sa mga mata ko ay ang malawak na ngiti ni Kylie na para bang kinikilig habang tinitingnan ang hawak niyang strawberry yogurt juice.
I gulped. Parang may kumirot sa dibdib ko. Hindi ako makahinga.
***
Maagang natapos ang klase dahil hindi kami pinasukan ng isa naming prof. At katulad nang napagkasunduan, heto si Nathan at kinukuha ang bag ko.
"Tara na, excited na ako," sabi niya pa at iginigiit na kuhanin ang bag ko pero hindi ko ibinibigay sa kaniya. Napatingin ako kay Daisy. Can she help me?
"Nathan, hindi naman yata kailangan na ikaw pa ang magdala ng bag ni Sunny. Ano ka? Boyfriend?" mataray na asik ni Daisy na nagpabago ng itsura ni Nathan.
"I'm trying to be a gentleman." Tuluyan niya nang nakuha ang bag ko.
"Enzo! May partner ka na sa interview? Wala pa kasi ako. Okay lang ba?"
Napatingin ako kay Kylie nang marinig ang boses niya. Hinahabol niya si Enzo. So, wala pa palang partner si Enzo. Dapat hindi na ako pumayag na maka-partner 'tong si Nathan. Mas gugustuhin kong makasama ang boyfriend ko kaso paano?
"Saan mo gusto? Sa coffee shop na lang tayo malapit dito sa school? Doon na lang tayo mag-interview?" tanong ni Nathan sa akin na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Ngayon ko lang napagtanto na nauna na pala si Daisy na umuwi, wala ako sa sarili no'ng nagpaalam siya at pumayag ako.
Napabuga ako. Wala na ba akong choice?
"Sige," rinig kong sagot ni Enzo kay Kylie. Agad na namuo ang paninibugho sa dibdib ko.
Napayuko ako. So, magkasama sila?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top