Chapter 1

"Daisy! Daisy! Tingnan mo daliii!" sigaw ko nang makita ko ang best friend ko. Hinila ko siya at inilapit ko ang bibig sa tainga niya. "Tingnan mo, nakatingin sa akin si Enzo," bulong ko sa kaniya habang humahagikgik.

"So?" mataray niyang tanong.

"Anong so?" Hinampas ko siya. "Iba siya makatingin sa akin. May na-se-sense ako."

Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Ano? Na may gusto na naman sa 'yo? No'ng una si Ben tapos si Cris, sunod si Oliver, si Kenneth, si Miggy, si Edgar, si Charlon... Teka baka may nakalimutan pa ako. Hmm...ah si Rowel, si Jeoffrey, si Jimmy, si Joel, si Nathan tapos ngayon si Enzo naman? Nababaliw ka na ba talaga friend? Lahat na lang ng kaklase nating lalaki feeling mo may gusto sa 'yo!"

"Iba 'to. Promise," sambit ko sabay taas ng kanang kamay na para bang nangangako. Muli kong idinako ang aking mga mata kay Enzo ngunit nawala na siya sa paningin ko.

Saan kaya pumunta 'yon?

"Oh? Saan ka pupunta?" tanong ni Daisy nang mapansing tumayo ako.

"Ha? Magsi-c.r. lang. Bakit? Bawal?" pamimilosopo ko sa kaniya.

"Ewan ko sa 'yo! Bumalik ka, ha?" kagat-labi niyang pagbabanta.

Tumango na lang ako at nagkunwaring pupunta sa comfort room pero ang totoo ay hahanapin ko si Enzo. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at basta na lang akong napadpad malapit sa swimming pool.

Birthday kasi ngayon ng classroom president naming si Monica at nagpa-party siya rito sa mansyon niya. And beside, katatapos lang ng midterm exam namin kaya nagse-celebrate din kami. Hindi ko palalampasin ang pagkakataon kong mag-relax at manilay sa mga pogi kong kaklase.

Mabalik tayo kay Enzo, ngayon ko lang siya napansin, as in. Siguro dahil ngayon lang siya sumama sa ganito. Tuwing may nagpapa-party kasi sa mga classmates namin, hindi ko siya nakikitang sumisipot kahit anong pilit sa kaniya ng mga kaklase namin. Actually, hindi ko rin siya maramdaman even sa class. As in, ngayon lang. Ngayon ko lang napansin na cute pala siya.

Maya-maya lang ay natanaw ko na si Enzo. Kumuha siya ng isang rock glass mula sa waiter...Wait! What—? Was that a brandy?

Nang malapit na sa dako ko 'yong waiter ay kumuha rin ako at tinikman. Shet! Empi ba 'to? Sakit sa organs, ha!

Tinanaw ko si Enzo ngunit muli na naman siyang nawala sa paningin ko. Sa totoo lang, para siyang kabute. Biglang lilitaw, biglang maglalaho. Para akong nakikipaglaro sa kaniya ng taguan.

Lumiko ako sa may gilid para i-check kung nandoon ba siya. Parang likod 'to ng bahay nila Monica. Madilim na sa part na 'to kaya medyo nagsisisi ako kung bakit ko ba naisipang pumunta rito. May mga halaman pang dumadampi sa balat ko tapos ang kati pa.

Halos mapasigaw ako nang may nagtakip ng bibig ko pero dahil nga may nagtakip ng bibig ko ay hindi ako nakasigaw ng tulong. Rape ba 'to? Hoy! Utang na loob! Tulong! Pero nawala ang atensyon ko sa nagtakip sa bibig ko nang may maaninagan ako sa malapit. T-teka—si Monica ba 'yon?

Halos manlaki at lumuwa ang mata ko nang makita ko kung anong ginagawa ni Monica at ng isa naming kaklase na si Rachel. I know it's not a big deal and I am open with the idea that they are both women. No, they are bi base sa nasasaksihan ko. Hindi ako nadidiri but the thought of making out here in the middle of the night, that surprised me. I know there's nothing wrong since it was a party after all but what would everyone think about her kapag may ibang nakakita sa kanila? Considering that she is our classroom president. Judgmental pa naman ang mga tao ngayon. I am not against it but they should be careful.

Napaiwas ako ng tingin at napapikit nang malihis ang atensyon nila sa amin. Ngayon ay nakaharap na ako sa kung sino man ang nagtakip ng bibig ko kanina. Mas nagwo-worry ako kung nakita ba kami ni Monica.

Narinig ko ang malakas na tawa ng classroom president namin na tila ba ay lasing na.

"Oh gosh! They're also making out! Hah!" natatawang bulalas ni Monica na sapat lang para marinig ko. Mukhang kami ang tinutukoy nila.

"Sino kaya sa mga kaklase natin 'yan?" rinig kong tanong ni Rachel. Naku po! Mukhang lalapit pa ata itong mga 'to sa amin na tila ba hindi rin sila takot madiskubre ng lahat ang relasyon nila.

"Who knows? Let's get out of here na, Rachel! We better leave them alone!" Narinig ko ang mga pagkaliskis ng dahon na nanggagaling sa mga halamang dinadaanan sa gilid. Siguro'y umalis na nga sila at iniwan kami.

Napabuntong-hininga ako. Muntikan na ako roon, ah. Iminulat ko na ang dalawa kong mata at akmang titingnan ang dako nila Monica nang iba ang nakita ko. Tama, doon ko lang naalala na nakaharap na nga pala ako sa taong kumuha sa akin kanina para magtago sa paningin ng dalawa kong kaklase.

Hindi ako agad nakakilos nang tumunghay ako para makita kung sinong hinayupak ang nagtakip ng bibig ko dahil...napadikit ang labi ko sa labi niya. Nagtama ang mga mata namin at alam kong sa mga oras na 'to ay hindi ako humihinga. Lumayo ako nang mapagtanto ang mga nangyari. Napatingin ako sa labi niya. Shit! Ang first kiss ko!

"E-enzo? A-anong ginagawa mo rito?" naghuhurumentado kong tanong. Hindi ko inaasahan na sa unang encounter ko palang sa kaniya, magtatama na agad ang mga labi namin.

He smirked. Shit! His smile is tempting me. Bakit kailangan niyang ngumisi?

But then he rolled his eyes and what happened next is what I did not expect. Nabasag ang basong hawak niya dahil nabitiwan niya ito at bigla na lang siyang nawalan ng malay. T-teka, wala ba talagang malay o knocked out na siya dahil sa na-take niya ng alcohol? Weak pala ng alcohol tolerance nito eh! Teka, ang bigat!

Pero mas ikinagulat ko nang parang may basa akong nararamdaman sa damit ko. Napasigaw ako sa inis nang mapagtantong sinukahan niya ako.

"Utang na loob, Enzo! Bakit?!" iritableng sigaw ko.

Gusto ko siyang itulak ngunit mas lalo niyang ipinapasa ang bigat niya sa akin. Bakit? Bakit sa lahat ng gagawin mo pagkatapos mo akong halikan ay sukahan ako?

Halos maduwal ako nang makita kung anong ginawa niya sa damit ko. Napaka-classic! Amoy alak na din tuloy 'yong damit ko!

Napabuntong hininga ako at napailing. Wala naman akong nagawa kundi akayin ang isang ito sa paglakad kahit na mukhang tulog na tulog na siya.

Nakarating kami sa may bench at doon ko siya pinaupo pero natumba lang din siya. Napahawak ako sa sintido ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa isang ito.

Tiningnan ko ang paligid. Wala akong kaklase rito siguro'y dahil nandoon sila sa garden at nag-iinuman. Mabuti na lang dahil nakakahiya! Tiningnan ko ang sarili ko. Ang baho! Pinaghahampas ko siya sa asar.

"Nakakadiri ka! Grabe!" sigaw ko sa kaniya kahit na alam kong hindi niya naman ako naririnig.

Never did I expect that he would do this to me. Pinag-iinteresan ko pa naman siya kanina. Ngayon wala na. Na-turn off na 'ko.

Muli kong tiningnan ang sitwasyon ng lalaking kasama ko. Napahilamos ako sa mukha ko. Hayst, ba't ko ba kasi 'to sinundan? Imbes na nagsasaya ako roon... Teka, ba't nga ba nandito pa ako?

Biglang tumunog ang cellphone ko. Nako, tumatawag na si Daisy!

"Hello?" sagot ko sabay kagat sa labi. Mukhang pagagalitan ako ng isang ito, ah.

"Ano na, Sunny? Mamumuti na ang mata ko kakahintay sa 'yo! Nasaan ka na? Nasa c.r. ka ba talaga? Kasi ako kanina pa ako rito pero walang lumalabas at nagpapakitang Sunny!"

Nilayo ko ang phone sa tainga ko. Napakaligalig talaga ng isang 'to.

"O-oo pap-papunta na," sagot ko na lamang para tumigil na siya.

Binaba ko na ang tawag at tumayo na. Hahakbang na sana ako palayo nang hindi ko napigilang tingnan muli ang lalaking kasama ko. Ilang minuto pa akong nakatingin sa kaniya bago ko napagdesisyunang iwanan na siya roon. Tsk.

Nakita ko nga si Daisy na naghihintay sa tapat ng comfort room. "Aba't saan ka galing, maaraw?" pang-aasar niya sa pangalan ko. Minsan lang niya ako tawagin ng ganoon at iyon ay kapag naiinis na siya. Dumeretso ako sa loob ng c.r. para maghubad at linisin ang damit ko. Sinundan niya naman ako at mukhang nagtataka siya sa ginagawa ko.

"D'yan lang. Uuwi na ba tayo?" tanong ko habang abala sa paghawhaw ng damit ko.

"Sa malamang 'di ba? Ang paalam lang natin sa mama mo ay hanggang alas diyes. Alas onse na, oh!" Turo niya sa relo niya. "Ano bang nangyari sa 'yo? Uminom ka ba? 'Di ba sabi ni Tita, no drinks and drugs? Huwag mong sabihing sinukahan mo rin ang sarili mo?" sunod-sunod niyang tanong. Minsan, naiisip kong mas grabe pa siya magbunganga kaysa sa nanay ko. Baka siya talaga ang nanay ko?

Napapikit na lang ako. Binanlawan ko na ang suka ni Enzo na siyang nanuot sa maganda kong damit. Yak! Nakakakilabot talaga sa diri! Hindi ko talaga mabura sa isip ko ang nangyari.

Pinagpagan ko na lang ang damit at sinuot nang muli. Wala naman akong choice na suotin iyon dahil last na pamalit ko na ito. Magsasampay na lang ako ng tuwalya sa katawan ko para hindi ako masyadong lamigin.

Hinila niya na ako papunta sa garden nang maayos ko na ang sarili ko at nakita ko nga ang mga kaklase ko at si Monica sa may cottage. Naroon din si Rachel at ang iba pa naming mga kaklase. Kumakain sila at nagkukuwentuhan. May iba namang kumakanta sa videoke. Ngunit wala roon ang isip ko. Muli ko na namang naalala ang nasaksihan ko kanina pati na rin ang nangyari sa amin ni Enzo.

"Oo, alam niyo ba may nakita ako!" sigaw ni Monica na nakakuha ng atensyon ng lahat. "May nagme-make out doon sa gilid! Sinong wala rito ha? Sigurado akong sila 'yon!"

Napaiwas ako ng tingin. Kami siguro ang tinutukoy niya. Eh, hindi naman kami nagme-make out ni Enzo. Sinukahan niya ako! 'Yon ang katotohanan!

"Si Enzo, wala rito," komento ng isang lalaki. Kaklase ko rin siya pero nakalimutan ko na 'yong pangalan. Baka kasi tinanggal ko na siya sa prospects ko kaya hindi ko na siya kilala.

"Tsaka si Kylie."

Nagkantyawan naman ang mga kaklase ko.

"Uy! 'Yong dalawa pa talagang tahimik sa klase ang nawawala. Anong meron?" nagtatawanan nilang sabi. "Pagbalik natin sa school, usisain natin 'yong dalawa! Issue! Issue! Issue!"

Siniko ko na si Daisy para sabihing magpaalam na siya para sa amin. Tama lang naman na umuwi na kami dahil baka hinihintay ako ni mama. Napatingin naman sa akin si Daisy at mukhang gets niya na ang ibig kong sabihin. Kapag ako kasi ang nagpaalam, siguradong hindi naman nila ako pakikinggan at aasarin lang nila ako.

"Monica, uwi na kami!" paalam ni Daisy. Nagsitahimikan naman ang iba at ang majority nagsibalikan na sa kani-kanilang kasiyahan.

"Ha? Bakit naman? Maaga pa, ah," malungkot nitong tanong.

"Hinahanap na kasi kami sa bahay, eh." Kahit hindi naman.

"Oh sige, sige, text niyo 'ko kapag nakauwi na kayo ha? Ingat!" sambit niya. Tumawa siya at nag-wave sa amin. Ganoon din ang iba naming mga kaklase. Bigla namang sumanggi sa isip ko si Enzo. Kasama niya kaya talaga si Kylie? I mean, iniwan ko siyang natutulog kanina. Nakita kaya siya ni Kylie roon? Inaalagaan kaya siya? Hays, bakit ba ako concern? Eh, ako nga 'tong dapat isipin ang sarili ko dahil kanina pa ako nakakaramdam ng lamig dahil sa basa kong damit.

Papaalis na kami nang makita ko ang scarf na suot ni Monica. Agad ko iyong kinuha.

"Pahiram."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad akong tumakbo sa lugar papunta kung saan ko iniwan si Enzo. Narinig ko pang sumigaw si Daisy at tinatawag ako ngunit hindi ko siya pinansin.

Nagpalinga-linga muna ako bago ko nilapitan si Eang kawawang lalaking nangangatog sa lamig. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang walang tao roon maliban sa kaniya dahila ayoko nang ma-issue pa. Pagkatapos ng mga nangyari!

Nakahiga siya sa may cottage. Tsk. Hindi ko alam anong sumagi sa isip ko bakit binalikan ko pa ang isang ito.

"Pasalamat ka, mabait ako!" asik ko sabay kumot ko sa kaniya ng scarf na kinuha ko kay Monica. Maalala niya kaya 'yong ginawa niya sa akin ngayong gabi? Pambihira. Kahit 'wag na dahil ayoko nang makasalamuha pa siya.

Tsk. Pero bakit ang cute niyang matulog?

Ay ewan! Bahala na siya sa buhay niya! Basta pagkatapos ng gabing 'to, hindi na ako interesado sa kaniya!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top