Chapter Twelve
Napaisip ako saglit at napagtanto sa sarili ko na hindi kaya si Axel ang tinutukoy ni Manong? Hindi kaya si KC at Axel sana ang ikakasal?
'At ano naman kaya ang possibleng dahilan kung bakit hindi na tuloy ang kasal nila? Dahil kaya kay Leslie?' sa isip-isip ko
'Possible ngang ganoon.'
"So, paano Sir, aalis na ho ako." pamamaalam ni Manong na umagaw sa pansin ko.
"Oh sige ho Manong, Salamat ulit huh,"
Pagkuway tumalikod na ito saka umalis na.
Napahinga ako ng malalim sa nalaman ko at muli kong nilingo ang natutulog na si KC. Mula sa kinatatayuan ko napagtanto ko na mas maswerte pa pala ako, dahil hindi ako umabot sa puntong ganoon. At buti na lang, kahit paano'y nakapag-move on na rin ako kay Zaphie, bago siya ikasal.
Sinara ko ang pintuan at muli kong nilapitan ang tulog na timang. Paluhod akong dumukwang sa kanya para ituloy ang pagpunas sa mukha niya. Kinuha ko ang makakapal na make up niya, pagkuwa'y ng umaliwalas na ang itsura niya.
Napatigil ako at saglit siyang pinagmasdan.
This time I saw her pretty clear face. May angking ganda naman talaga ang timang na ito. She have a smooth fair skin. Mestisa siya, kaya hindi kataka-taka na may matangos siyang ilong, tamang hugis ng mata na tulad ng italiana, rosy lips at pinkish cheeks.
Bukod doon iyong natural wavy eyelashes niya ang talagang nakaka-akit sa kanya. I really thought na fake ito but now na nalaman ko na tunay pala ito. I was so amaze.
Napaisip tuloy ako kung bakit iniwanan siya ni Axel, gayong hindi naman ganoon ka gwapohan si Axel. Well, yes his a hunk and have a good look but not enough to be perfectly match to this baliw KC.
'Or baka namam talaga kami ang nakatakda ni KC.' biglang nagsink in sa utak ko.
"No way!" kontra ng conscious ko
'But why not? Impossible naman hindi ba? Dahil una, magkababata kami. Pareho rin kaming ina-anak ng Ninong. Saka lage pa kaming magkasabay na lumalayas pag may problema noon sa aming mga buhay. Saka doon pa kami magtatago kina Ninong pareho. Tapos para pa kaming aso't pusa noon kung mag-away. Tapos ito pa, pareho KC ang acroname namin.' pamimilit ng kabilang utak ko
"No way! It can't be, dahil I'm sure kung maging kami. Well, we're going to have a freaking nightmare relationship."
natatawang pilig ko sa nagtatalong utak ko.
" At kung ikaw man ang magiging forever ko, naku forever din ata akong bogbog sarado sayo." Anas ko sa tulog na si KC at natatawa na lang ako sa sarili ko.
Pero hindi ko maitatangi sa sarili ko na napapalapit na nga ang loob ko sa baliw na ito. Everytime I remember her craziness lage akong natatawa.
.
***
KC'S POV
_
Isang masarap na amoy ang siyang gumising sa akin, kaya naman napabalikwas ako sa pagkakahiga at napa-upo.
'Hhmmm salpicao and garlic fried rice. Wow, nakakagutom naman.' Langhap ko sa nakakatakam na amoy at napapapikit pa ng mata habang ninanamnam ang aroma ng masarap na pagkain.
'Wow amoy pa lang ulam na, pero bakit parang papalapit ng papalapit ang amoy?' Pikit mata kong pagtataka saka biglang may kabuting bumati sa akin ng
"Good morning! Breakfast in sofa," napadilat ako ng mga mata at sumalubong sa paningin ko ang mukha ng nakangiting shongak.
"Heto oh tomato juice para sa hang over na bweseta." riing turan sa huling salita ng saltik saka inilapag niya ang food tray sa center table na naglalaman ng salpicao at garlic fried rice sa harapan ko.
'Wow ang sarap,' takam ko ngunit paano pala nakapasok ang shongak na ito sa condo ko? Napakunot ako ng noo habang sinamaan siya ng tingin.
"So what are you waiting for? Kumain kana, ano gusto mo pa bang subuan pa kita, huh?" pang-aasar pa niya.
'Anong ginagawa ng timang na ito sa condo ko? Abah, hanggang dito ba naman sa bahay ko? Mukhang hindi na atah ako nito titigilan ah. ngitngit ko sa kanya
"Anong ginagawa mo dito?" umiinit kong singhal
"Wooohw, ikaw pa talaga ang may ganang magtanong ng ganyan sa'kin? Hindi ba dapat ikaw ang tatanongin ko, kung ano ang ginagawa mo dito sa CONDO KO?" ganting tanong niya sa akin kaya nagulohan ako.
'Condo niya? Anong ibig niyang sabihin?'
Nilibot ko ang paningin sa paligid at pansin ko nga na hindi sa akin ang naturang silid ito.
Natahimik ako sa hiya, pero ayokong magmukhang kawawa, kaya kailangan kung magdahilan.
"Eh kung nong ganoon, anong ginawa ko rito? Paano ako na punta rito? Anong ginawa mo sakin, huh? May balak kang masama sa'kin anoh?" alarma kong tanong saka napahanda ng depensa.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko at mukha ngang may nagbago sa sarili ko. Parang gumaan ang pakiramdam ko na parang may nawala.
'Nawala? Anong nawala sa akin?' taranta kong kapa sa sarili ko dahil pansin ko may kakaiba na nga sa'kin. At ng tinganan ko ang katawan ko, lalo akong pinanlakihan ng mata ng mapansin ko na iba na ang suot ko.
'Bakit iba na ang damit ko? Bakit T-shirt na suot ko? The hell who change my dress?' na-alala ko naka whole dress ako then this?
Tapos biglang sumagi sa utak ko na baka ginahasa ako ng mokong na ito.
"Shit! Did you rape me?" buong gimbal kong tanong sabay napatutop sa bibig.
"WHAT? Your totally insane. And for you to know, hindi ako manyak para patusin iyang katawan mong walang ka-alindog at hindi rin ako pumapatol sa isang gaya mong sira ulo!" sagot nito na itinaas ng kilay ko.
'Wow, talaga lang huh? Walang ka alindog? Hhmmm, as what I remember noon sa bar, para ka ngang asong nagkukumahog na matikman ako. Pssh, napaka denial talaga ng shongak na ito.' irip ko habang tinitingnan siya.
"So sino ang nagpalit ng damit ko? Don't tell me ikaw?"
"Nope, I call a crew to that for you. Asa ka pa!" irip pa sa akin ng mayabang.
Ngunit pakiramdam ko talaga may kulang sa katawan ko ngayon. Parang may nagbago talaga kaya tumayo ako at naghanap ng salamin, pagkuwan ay tiningnan ko ang mukha ko.
Doon sa magarang salamin, Doon ko nakita kung ano ang nawala at nagbago sa itsura ko. At sa nasilayan kong pagbabago sa itsura ko, biglang sumabog ang nakatagong tupak sa utak ko.
"Anak nang, Kristofffff! Bakit mo pinaki-alaman ang mukha ko!"
gigil kung bulyaw sa galit sabay hablot at bato ko sa nahawakan kong figurine sa kanya.
Lumipad ito patungo sa kanya at buti na lang ay maagap niya itong nasalo.
"Hey don't you ever dare to touch my stuff, bitch!" galit niyang saway.
Pero hindi ako nagpapapigil bagkus ay lalo akong nakalimot. Sa nakita kong ako ay tila na buhay ang nag-uumapaw na galit ko sa puso ko. What he did to may face is unforgivable. Kaya hinila ko ang kasunod na picture frame saka humugot ng lakas upang ihahagis ito sa kanya.
"Hey! Put that down or else—"
"—Or else what?"
" Or else papatolan na talaga kita. Tandaan mo nasa pamamahay kita." takbo niya palapit sa akin sabay agaw niya sa hawak kong frame. Nagka-hilaan pa kami hanggang sa makuha na nga niya ito. Sasapakin ko pa sana siya ngunit na-ilagan niya ito at nahawakan ng timang ang kamao ko matapos ay buong lakas akong hinila pa punta sa kanya.
Mabilis niya akong napihit patalikod habang hawak niya ang dalawang kamay ko. Pagkuwan pa'y ni-leegan pa ako.
"Sige subukan mo pang manlaban or else talagang hindi ako magdadalawang isipa na halikan ka!" buong panggigil pang pananakot ng shongak sa akin.
"Let me go! You bastard!" malakas kong piglas sabay pasipang apak ko paa dahilan para mamilipit siya sakit at mabitiwan ako.
At nang makawala na ako mula sa pagkakahawak niya, ay agad ko siyang hinataw ng tadyak sa may bayag nito. At sa lakas ng pinakawalan kong sipa, napasapo ang shongak sa egg bulls niya habang namimilog ang mga mata sa sobrang sakit.
"Shit! Fuck! Dammit shit!" igtad niya sa sobrang sakit sabay patalon-talon na tiniis ang pamimilipit nito.
Kinabahan ako sa ginawa ko dahil kita ko sa mukha niya na napasobra atah ang nagawa ko sa kanya. Pero buti nga iyan sa kanya nang sa ganoon ay magtanda siya. Psssh.
At bago pa niya ako magantihan, dali-dali na akong tumakbo palabas. Nilingon ko pa siya at nakita ko kung paano siya sobrang nasaktan. Halos gumulong-gulong na siya sa sahig sa tindi ng sakit. Ngunit anong magagawa ko. Nangyari na ang nangyari, kaya sorry na lang sa future angkan mo.
Pagkalabas ko, agad kong tiningnan ang unit na pinanggalingan ko at Oo nga, mali nga ang pinasukan ko dahil nasa tapat nga naman ang unit ko.
So meaning magkatapat lang pala kami ng ugok!
'Shit! Ang tanga tanga ko talaga! Tsss.' tapik ko sa noo ko. Pagkuwa'y bubuksan ko na sana ang pintoan ngunit naalala ko, wala pala akong susi.
'Hala ang swipe card ko nasa bag. Lagot, paano na 'toh?' na-iinis kong kaltok sa noo ko.
" Ang tanga mo talaga KC. Paano ko ba 'yon babalikan? Baka pag babalik ako sa loob, baka sakalin ako ng shongak na 'yon sa ginawa ko sa kanya." kausap ko sa sarili ko at napakagat labi.
"Pero bahala na nga! Basta kailangan ko 'yong makuha. Dahil nagugutom na ako." pagpapalakas loob ko sa sarili saka paatras abante na lumapit sa pintoan ng timang.
Hinahawakan ko ang door knob.
"Kaya ko 'toh." matapos pinihit ko na at binuksan. Sumilip muna ako ng biglang bumungad sa akin ang namumula sa galit na galit na si Kristoff.
"WHAT?" singhal niya sa'kin habang nanatiling nakahalukipkip habang sapo ang na injur niyang bayag.
Napa-atras ako sa takot ngunit kailangan kong makuha ang bag ko. Kaya mabilis kong pinasadahan ng tingin ang paligid saka doon sa may couch, doon ko nakita ang bag ko.
"Ano? Ano pang kailangan mo?" bulyaw nito ulit
Hindi ako umimik at walang pasabi ko nang tinakbo ang bag ko saka pahilang kinuha at muling tumakbo palabas
"Itong bag ko lang, manyakis!" turan ko sabay pa damog na sinara ang pintoan.
'Yes success!'
.
***
Kristoff's POV
_
'Wala talaga siyang utang na loob. Matapos ko siyang alagaan at ipaghanda ng pagkain. It pa talaga ang ginanti sa akin. Letse na baka ma pornada pa ang Junior ko nito. Bweset'
himutok ko habang pilit tinatayo ang sarili para kumuha ng ice bag para sa nasapol kung bayag.
Halos pa ika-ika kong tinungo ang kitchen room at kumuha ng ice bag.
"Kapag ako talaga hindi makapag timpi sa baliw na iyon. Talagang papatulan ko na siya!" buong panggigil ko habang nilalapatan ko ito ng yelo.
'Hahamonin ko talaga siya ng sparing ng magtanda siya! Akala niya porquet babae hindi ko siya papatulan. Pwes makikita ng baliw na iyon.' tiim bagang pagwawala ng inner thought ko at ng idiin ko ang ice bag halos mapahiyaw ako sa biglang pagkirot.
"Damn you shit! You gonna pay for this you, bitch!"
Mura ko sa tindi ng sakit na halos ikapanghina ko.
HATING gabi ng makatanggap ako ng txt galing kay Ninong. Sumama raw ang pakiramdama ng matanda, kaya agad akong tumalima sa pagpunta sa kanya. Buti na lang at okey na ang pakiramdama ko.
Pagkabukas ko sa pintoan ay sabay rin bumukas ang katapat na pintoan. Mula roon inuluwa ang letseng mortal kong kaaway.
Nag-abot ang tingin namin at galit na galit ako sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin, habang siya ay tinapunan ako ng tingin matapos ay nauna itong lumakad palabas.
'Bakit ba kasi naging magkatapat pa ang unit namin? Sa dinami-dami ba naman ng condo sa Manila. Bakit dito pa talaga siya tumira.' sa isip-isipan ko habang nakasunod ako sa kanya patungong elevator
'Siguro sinusundan ako ng baliw na impakta na ito. Dahil panigurado naman, na ako ang na unang tumira dito. It's been 10 years since I owned my unit. So I'm sure it's me who came her first at siya, siguradong kakalipat lang rito.' dugtong ng utak ko
'Hindi kaya Psycho killer ang baliw na ito?' hula ko sa personality niyang ewan.
Pagkabukas ng elevator ay agad ko siyangasapakin inunahan. Ngunit nakipag-agawan sa akin ang timang. Walang gustong lumabas kaya nagkaunahan kami ng pagpindot. Sa pag-aagawan namin ay sabay naming napindot ang button ng parking area.
Nagkatinginan kami na parang mga lion at tigre. Pagkuwan ay nagka-iripan saka deadmahan. Pagkabukas ng elevator ay nag-unahan pa kami sa paglabas. Mabilis akong naglakad at napansin ko na nakasunod pa rin siya sa akin.
'Nang iinis ba talaga ang baliw na ito?' napipikong pagtataka ko sa patuloy niyang pagbuntot.
Tapos ng lumiko ako ay lumiko rin siya. Napupuno na ako sa kahibangan niya hanggang sa na komperma ko nga na ginagaya niya ako, kung saan man ako pupunta ay doon din siya. Hanggang sa marating ko ang kotse at nakasunod pa rin siya.
Sa puntong ito na ubos na ang pasensya ko kaya hinarap ko siya ng buong sama.
"Ano bang problema mo huh? Ba't ka ba buntot ng buntot sa akin, huh?" bulyaw ko sa sobrang pikon.
Tumingin siya sa akin at tinaasan lang ako ng kilay. Matapos may dinukot siya at nang i-angat niya ito. Isa pa lang key remote ng sasakyan at nang pindotin niya. Tumunog ang Honda Gourgette na kotse na katabi lang rin ng kotse ko.
'May kotse siya?' taka ko at napalunok ako sa maling akala
"So satisfied? Minsan kasi 'wag masyado assuming gwapong gwapo sa sarili? Oo gwapo ka nga, pero shongak ka naman." taray na pang-aasar sa akin saka lumulan na ito sa ivory white niyang kotse.
Lalo akong nakunsome sa natamo ko.
'Bweset, nakakainis! Nakaka-alibadbad talaga ang pagmumukha ng baliw na ito! Grrr.' panggigil ko sa inis.
Padamog akong sumakay sa kotse matapos ay pina-anadar ko ang makina ng sasakyan. Pagka pa-ugong ko ay nakipagsabayan ng ugongan ang baliw sa akin.
Nilingon ko siya at ang tindi ng tupak. Binaba nito ang side window niya at hinahamon ako ng timang. Malakas niyang pina-ugong ang makina ng sasakyan niya. Talagang nanghahamon ang baliw ng karerahan ah.
Kaya't hindi ko siya inatrasan. Akala niya basta basta itong bagong kotse ko? Pwes ngayon ipapakain ko sayo lahat ng alikabok sa daan. Pagkuwan ay inapakan ko ang gasolinador saka deritsyong pinatakbo ang kotse't nagpaharorot ng takbo.
Hanggang sa nag-uunhanan na nga kami sa paglabas sa exit at tuloyang nakipagpaligsahan at bilisan ng takbo. Wala kaming paki-alam kung may nakabantay na owtoridad sa daan na tinatahak namin hanggang sa marating na nga namin ng magkasabay ang bahay ni Ninong.
.
***
KC's POV
_
'Ay talagang naghahanap ata ng gulo ang shongak na ito ah! Talagang hanggang dito ba naman sinusundan pa rin ako? Ano ba talaga ang gusto nito?'
buong paniningkit ng mga mata ko sa sobrang pikon sa ugok na ito. Kaya't padamog akong lumabas at bumaba sa kotse. Pagkuwan ay padamog na lumapit sa timang.
"Ano ba, sinusundan mo ba ako?"
asik ko sa kaipalan niya.
Napatawa pa ng hilaw ang shongak.
"Ano bang akala mo sa sarili mo maganda? Para buntotan kita kahit saan ka magpunta?" panglalait pa niya sa itsura ko.
"Bakit sinabi ko ba na maganda ako? Saka bakit ka ba nandito, huh? Bakit ka ba sunod ng sunod kung nandito ako andito ka rin?"
napipikong pagtataray ko.
"Para malaman mo, hindi kita sinusundan at isa na lang talaga e- de demanda na kita ng physical abuse." pandidilat niya sa akin
"At para malaman mo. I'm a doctor, I am here to give a medical assistance to Ninong's health. Eh, ikaw, ano naman ang gagawin mo dito, huh? Manggugulo?" pagmumukha pa niya sa akin.
Hindi ako maka-imik
"Kaya't kung ako sayo, umuwi kana! Doctor ako, kaya ako mas kailangan dito, So better go now. Dahil wala ka namang magagawa, ni maitutulong dito. So go and get lost!" taboy sa akin.
Nakadama ako ng pagka-insulto sa sinabi niya kaya't natahimik ako.
____________________________________
Writer's Note
How are my Readedetz 🤓... Kumusta na kaya itong mga spy readers ko. Nag-enjoy kaya ang mga 'toh? Ang tihimik nila mashadow. Serious kayo mga teh and kuya? Ohwkie kahyouh lahmeh kahyouh??? 😁😁😁
Well, hope you can hit the ⭐ for me. Thank you.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top