Chapter Thriteen
Kristoff's POV
_
Matapos ko siyang pagmukhain na walang kwenta, ay natameme ang baliw at na mukhang nagising sa pagiging mayabang niya. Kaya't bago pa siya maka-bawi ay inunahan ko na siya sa pagpasok sa mansyon saka iniwan na naka nga-nga.
KASALUKOYAN kong tinitingnan kung ano na ang kalagayan ni Ninong at basi sa aking pagsusuri ay isang simpleng panic attact lang ang naranasan niya. Bukod d'yan, everything is fine and okey. Ang kailangan lang niya ngayon ay kumalma at magpahinga ng maayos.
"Kristoff nasaan si KC?" tanong nito habang kinukuhanan ko siya ng BP.
"H'wag n'yo na ho 'yong aalalahinin Ninong, okey lang siya. And as usual, nand'yan lang ho iyon at abala sa paghahasik ng kasamaan sa paligid. So don't mind her, okey? Baka kasi lala lang ang stress n'yo po." birong payo ko na kinangiti ni Ninong.
Inangat ng matanda ang kamay niya at tinapik ako sa balikat.
" You have to take good care of her, okey? Alam mo, may sakit kasi siya sa puso, kaya kailangan niya ng isang tulad mo, Kristoff. Ikaw lang ang tanging makakatulong sa kanya." seryusong nitong saad.
"Ano 'yon Ninong literal o emotional?"
"Both." ngiti nito
"You think Ninong Doctor sa puso ang kailangan niya? Hindi kaya sa utak?" patanong kong pagtatama
"I guess that's just her mechanic defense, Kristoff. If you will know her better. I can assure that she's a good and a sweet kind hearted woman."
"Oh siya Ninong, kailangan n'yo na pong magpahinga. Padadalhan na lang kita ng maiinit na sopas dito kay Manang Sela, para mainitan ang sikmura, okey?"
"Wala pa rin ang Yaya Sela mo. Hindi pa rin bumabalik hanggang ngayon at gusto ko si KC ang gumawa ng pagkain ko."
tugon ng matanda.
And speaking of the baliw. Biglang bumukas ang pintoan at iniluwa ang hinahanap ni Ninong. May dala itong pagkain.
At kung makapagtiming pa, parang may telepathy sa utak. Dahil talagang chicken sopas ang dala niya. Ang bango bango pa, nakakatakam. Shit!
"Ninong heto na ho 'yong food niyo." masigla nitong lapit kay Ninong saka inilapag ang tray ng food.
Biglang sumigla ang matanda at umayos agad ito sa pagkakaupo.
"Ay salamat at dumating ka. Akala ko hindi ka pupunta KC. Alam mo bang gutom na gutom na ako at miss ko na ang luto mo." turan pa nito at nagsimula ng kumain.
"Naku, ikaw talaga Ninong oh. Ang sabihin n'yo po gusto mo lang makita ang pinakapaborito mong inaanak." riing pagmamayabang ng baliw sa sarili saka nagtawanan ang dalawa.
Iniripan ko ang sinabi niya at mukhang hindi na ata ako kailangan dito.
"Ninong paano po, lalabas ma ho ako, ah. Basta tandaan mo 'yong bilin ko, huh? H'wag masyado papagod and take a rest. Saka uuwi na rin po ako dahil mukhang may mag-aalaga naman atah sayo dito. Hindi ba?"
Ligpit ko sa mga kagamitan ko.
"Kristoff I want you to stay, pwede ba na dito ka na lang magpalipas ng gabi. Dahil masama pa rin ang pakiramdam ko and anytime pwede akong atakihin ulit ng alta presyon ko, so I still need you." pigil ni Ninong sa akin kung kaya't napayango na lang ako.
HATING gabi ng magising ako at naramdaman ko ang biglang pagmalat ng lalamunan ko. Napabangon ako sa uhaw na nararamdaman. At dahil walang mini ref ang guest room ni Ninong ay kailangan ko tuloy bumaba. Kaya kahit antok na antok, ay napilitan akong tumungo sa kusena.
Madilim ang loob ng kabahayan at tanging sa labas lamang may ilaw. Sapat para hindi ko na kailangang buksan pa ang ilaw dito sa loob.
Matapos kong uminom ng tubig. Mula sa tahimik at malalim na gabi. Isang kaluskos ng gitara ang siyang lumalatag sa katahimikan ng gabi. Napalingon ako sa salamin ng binatana at napasilip sa abot tanaw na harden.
Minabuti kong labasin at alamin kung sino itong ng haharana ng des oras ng gabi.
Mula sa mayabong na halaman, tumigil ako at napakubli ng bahagya.
Sinilip ko kung sino itong nagsye-syesta at nang pagsino ko kung sino ito ay hindi ko maiwasang mamangha.
'Si KC? Marunong pala siya mag gitara? Wow impressive.' manghang ngiti ko
Kasalukoyan siyang naka-upo sa garden seat at seryusong nag syesista. Sinilip ko siya at minabuting pakinggan at alamin kung talagang may boses ba talaga siyang maipagmamayabang sa akin.
🎶🎵🎶 I need to move on
And learn go on
It's hard to let you go
Co'z you know I love u so
Its scared me to death but I still need to breath
Coz the voice of truth,
Is beneath my wings
Keep telling me,
Nothing is missing
No reason for ending
Hhmmm..."🎶🎵🎶
Puno ng lungkot na kanta niya. Mula roon, ramdam ko ang hirap na meron ang puso niya at sa kantang inaawit niya na naglalaman ng self encouragement ay sapat na para malaman ko ang sitwasyon na meron siya.
Dahan-dahan akong lumapit sa kinalalagya niya.
"Ang lalim ng hugot ah." kaswal kong saad na ikinagulat niya sa biglang pagsulpot ko. Saka napatigil siya sa pagkanta.
Saglit kaming nagkatingin matapos ay tumayo siya at pumihit patalikod. Aalis na sana siya kaya nagsalita na ako.
"Alam mo, bawat problema na dumadating sa atin. Lahat sila ay may kanya-kanyang dahilan. Minsan, para ilayo ka sa malaking kapalpakan na magagawa mo, minsan naman para dalhin ka sa taong nakatakda sayo." unang turan ko para pigilan siya at napigil ko nga naman siya. Ngunit mukhang nagdadalawang isip pa siya kung babalik siya o tuloyan na ba akong tatalikuran. Kaya dinugtungan ko na ang payo ko.
"Lahat ng bagay may rason, hindi ba? Kaya kung ano man ang nangyari sa nakaraan mo. Tanggapin muna na lang ng buo at magtiwala ka na may mas maganda pang mangyayari sa buhay mo." payong kaibigan ko na nagpalingon sa kanya sa akin.
"Hindi mo ba na-iisip na baka, may iba pa palang lalaki na nakatakda para sayo, kaysa lalaking gagong 'yon?" patalinghaga kong saad sa kanya na kinabusangot ng mukha niya at nagpasama tingin nito.
"Councelor ka ba o life coach?"
bweset na bweset niyang pabalik na tanong sa'kin.
Huminga ako ng malalim at nginitian siya.
"Halika nga dito at akin na 'yang gitara mo." sabay kuha ko sa gitara niya at giniya ko siya paupo sa tabi ko.
"Dito ka at pakinggan mo ang awit ko para sa'yo." ngiti ko habang may pataas baba pa ng kilay.
At buti na lang at napapayag ko siya't tumabi naman sa akin. I act as her friend and forget the fact that I hate her since from the day that we've met.
Tahimik lang siya habang nakatingin sa kalawakan. Umigham ako at umusod ng kaunti palapit sa kanya.
Nang makita kong wala namang problema sa kaya ay
nag-isip na ako kung anong kanta ang aawitin ko. At unang ang pumasok sa utak ko ay ang kanta ni TJ Trinidad. Kaya 'yon na agad ang tinimpla ko.
Nang makuha kuna ang tamang timpla at tyempo sa napiling kanta, ay swabe ko na utong sinimulan
🎵🎶🎶🎶
Hawakan mo ang
Kamay ko
Nang mag magkahigpit
Bigla siyang lumingon sa akin at larawan sa mukha niya ang pagkagulat.
Bakit kaya? Dahil ba na gulat siya sa maganda kung boses?
Pakinggang mo
Ang tinig ko
Oh di mo ba pansin
Na ikaw at ako
Ooh ooohhh
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
Ooh oohhm
Di na muling mgakakalayo
Bigla siyang pinamulhan ng mukha saka kita ko ang biglang pagbigat ng mukha niya. Dahan -dahan ring umiipon ang luha niya sa mga mata.
Nang hindi na niya magawang pigilan ang paglaya ng luha niya. Umiwas siya ng tingin sa akin saka muling tumingala sa langit. Naisin man niyang ibalik ang mga luha niya ngunit huli na't nagsitakasan na ito sa mga pisngi niya.
Yumuko ako at ipinagpatuloy ko lang ang pagkanta. Maybe in this way she can release all the pain and hatred na sobrang over due na sa puso niya.
Sa twing kasama ka
Wala ng kulang iba
Mahal na mahal
Kang talaga...🎶🎶🎶🎵
~***~
KC's POV
_
Sa unang linya pa lang ng letseng kanta na napili ni Kristoff. Bigla kong nardaman ang biglang pagpilipit ng puso ko. Parang biglang binuksan ang puso ko at muling pina-alala sa akin ang lahat ng sakit.
Gusto ko man siyang pigilan sa kanyang kinakanta ay hinayaan ko na lang siya. Dahil baka masabihan pa ako ng shongak ma ito na ang babaw-babaw talaga natao. Para pati kanta ay pagdidiskitahan ko pa.
Ngunit 'di ko rin maiwasang humanga sa boses niya. Sa paraan ng pagkanta niya.
🎵🎶🎶
Wala ng kulang iba
Mahal na mahal
Kang talaga🎶🎶🎵🎵
At nang bitiwan niya ang katagang 'toh. Nakadama ako ng pagka-asiwa dahil bukod sa ramdam ko ito ay tila para sa akin talaga ang mga salitang ito. Lalo pa akong naloko ng mamasdan ko ang dalawang mapupungay niyang mga mata na malagkit na nakatitig sa akin.
'Shit! You're eyes is so damn!'
Lalo pa akong kinabahan at na windang ang puso ko ng humugis sa labi niya ang nakakamatay na ngiti na sinamahan ng makalaglag na tingin ng kumag.
'Shit! He's making me fall in love with this kinda shit scheme. Ito ba ang sweet revenge niya sa'kin? Dammit shit, umi-ipik sa akin ah.' daldal ng utak ko
At habang patuloy lang sa pagkanta ang timang. Muli kong binigyan pansin ang kantang isinumpa ko na mula ng malaman ko na ang kantang ito rin pala ang ginawang theme song ng mag-asawang ahas na nanloko sa'kin.
Ganoon ka inggitira si Leslie. Lahat lahat inagaw niya sa'kin. She was my very best friend but all of the sudden. She ruin toke everything from me and she hurt me more that I can imagine.
Halos malunod din ang puso ko sa mapait na alalang na nagfla-flash back sa utak ko. Ngunit wala na, tapos na. All I can do now is patatagin ang sarili at mag-umpisa na lamang.
Noon, when I heard this song. Parang mamatay ako sa mga masasakit na ala-ala. Ngunit ngayon parang sa bawat salitang binibitiwan ni Kristoff, ay wari mga susi na nagpapalayas sa bawat hinanakit ng kahapon ko. Sa bawat salita na kanyang binibigkas ay wari laman tumapal sa naghihingalo kong puso.
Pakiramdam ko na gagawa niyang pahilomin ang puso ko at nang muli ko siyang sulyapan ay nagpang-abot ang paningin namin. At sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Then suddenly, I feel the sensation of being attracted with this ugok.
🎵🎶🎶🎶
Ikaw at ako
Ooh ohhmm
Di na muling magkakalayo
Ikaw at ako...🎶🎶🎵🎵
While he continue singing.
At bago pa ako tuloyang mahulog sa timang na ito. Agad kong hinawakan ang kwerdas ng guitara upang pigilan siya sa pagkanta. Kinubli ko ang nagwawala kong puso at kunwari galit ako sa kanya. Pasulyap kong tiningnan ang katawan niya. And shit! He's so hot ! Pero 'di ako pinahalata.
"Pwede ba! Magdamit ka nga, talagang pinagmamayabang mo pa talaga sa akin, 'yang abs at bysep mo!"
Dahilan ko na lang at honestly kanina pa ako deni-distruct ng katawan niyang makalaglag panga. Kaya't bago pa tuloyang magwala ang pelya kong utak. Agad akong tumayo upang iwan siya at ikubli ang kaba at 'di ko maipaliwanag na damdamin.
~***~
Kristoff's POV
_
Napangiti na lang ako sa inasal ni KC dahil halatang distracted siya sa akin. Kita ko pa nga kung paano siya pinamulhan ng pisngi. Napaka maldita talaga niya. But I can't deny it, she look sexier when she act like a bitch.
KINAUMAGAHAN pagkababa ko sa hapagkainan, nandoon na si Ninong at may nakahanda na ring agahan.
"Ninong si KC?" tanong ko nang mapansin kong dalawa lang ang set of plate na nakahanda sa lamisa.
Napangiti si Ninong at napatingin sa akin na may kapelyohan sa mukha.
"Mukhang hinahanap-hanap mo na siya ah." susog nito
Napangiti ako sa inasala niya dahil kung kiligin siya ay parang teenager lang ang itsura.
"Ninong, nagtatanong lang po ako dahil baka may lumipad na namang kalan o kaldero sa ulo ko nang 'di ko namamalayan."
Bumulalas ng tawa si Ninong.
"Umuwi siya ng maaga dahil may importe raw kasi siyang gagawin." tugon ni Ninong at napatango na lang ako matapos ay kumain na kami.
Hindi rin katagalan ay umuwi na rin ako sa condo ko. Aalamin ko kung okey lang ba siya o baka magwawal-wal na naman at maglalasing.
____________________________________
Writer's Note
Hi guys kamusta na? Salamat pala sa nag-iisang tao na nag vote sa Chapter 12 ng story na ito. Saka salamat na rin sa mga spy readers d'yan na mukhang bz sa life.
Kailan kaya sila mag co comment e no? Hhmmm...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top