Chapter Sixteen


"And the crown goes to..."


AT THE RESORT.

"Wow, ang ganda! Ang ganda ganda dito, grabe!" manghang turan ni KC habang na mimilog ang mga mata niya sa taglay na kagandahan ng kapaligiran.

"At iyong buhangin Kristoff oh. Parang powder lang ng orange juice. Naku ang galing!" tuwang-tuwang daklot niya sa maala pulbong buhangin na kulay at inilagay pa sa bulsa niya.

"Hoy ba't mo inilagay 'yong buhangin sa bulsa mo, oi." kaltok ko sa kanya. Sumimangot ang baliw at tinaasan ako ng kilay.

"Anoh ba! Kaunti lang naman it at pang-remembrance 'toh. Katunayan na nakapunta ako sa orange na resort. Paki-alam mo ba!" sungit niyang tugon saka
tumakbo ito dalampasigan para pagsawaan ang kahil na buhangin.

'Ignoranteng baliw tagala. Pssh.' napapa-iling kong turan habang pinapanood ko siya naparang batang tuwang-tuwa.

Habang abala ang isa. Ako naman ay pinagmasdan ko ang bagong  Paradise Resort na pagmamay-ari ni Miguel Alaya. Kasalokoyan pa itong inaayos ngunit malapit na ring buksan para sa publiko.

Tunay ngang nakakamangha ang resort na ito. Dahil bukod sa makapigil hiningang ambience ang masasaksihan mo sa t'wing sunrise, sunset at sa t'wing gabi , ay tatak natural na kalikasan rin siyang bibighani sayo.

Sa katunayan nga'y para itong isang harden na nasa tabi dalampasigan na pinamumugaran ng iba't ibang foreign at local ornaments pati mga bulaklak.

Napaka relaxing ng scenery ng naturang lugar. Dito, you can feel that you are in the enchanted paradise.

"Pwede bang magbakasyon na lang muna tayo dito, kahit 1 week lang?" tanong na umabala sa'king pagmamasid.

Paglingon ko, na nakangisi na ang babaeng abosada.

'Ang kapal rin ng mukha!
Sarap talagang batukan.'  hilaw na ngiti ko siyang binalingan.

"Bakit may pambayad ka, huh?"pasuplado kong tanong

"Wala eh," ngisi pa ng mapagsamantalang baliw.

"Pwes galingan mo sa pag kombinsi sa may-ari nito na ikaw ang kunin nilang designer, kung gusto mo na makapag- staycation sa resort na ito ng libre." saad ko sa tanga niyang mukha.

"Oh dito pala 'yon? Panigurado 'yan mapapa-Oo ko ang kaibagan mo, ako pa." hangin niyang sagot

"Siguroduhin mo lang, kundi lagot ka sa'kin." pananakot ko

"Sure 'yan, ako pa ba." yabang pang ngiti nito saka na una pa itong naglakad patungo sa entrance ng hotel habang ako ay iniwanan.

' Grabe kung maka-aboso ng kabaitan ah. Matapos niya akong pagmaniho-in ng kotse at yatch, papunta sa isla na ito. At maka asta-asta siya kanina na parang VIP na patulog-tulog lang sa kahabaan ng byahe. Ngayon naman ay na gawa niya akong pabayaan at hayaang magdala sa mga baggage namin. Talagang sumusobra na siya ah.' napipikon kong protesta saka padamog kong binitiwan lahat ng dala kong baggage saka iniwanan.

Matapos pumasok na nga kami sa looby ng naturang resort at doon isang special welcome blash ang ibinigay nila sa'min at may cirtrus drinks pa sila na pampaalis ng init.

"Dude, welcome to Paradise Resort." ngiting bati ni Miguel at bahagya niya akong niyakap sabay tapik sa balikat ko sa paraang panlalaki.

"Congrats Dude, this place is such wonderful." tugon ko.

"By the way I would like you to meet, KC. She's the one I was telling you, Miguel."

"Oh, hi KC nice meeting you." kamay niya at nakipagkamay naman ito ng matino saka ngumiti. Pagkuwan ay muling bumaling si Miguel sa'kin at umiba ang timpla ng mukha.

"But Dude, we have a little bit problem regarding with the approval of your proposal." alala nito.

"Anong problema ba 'yon Dude?"

"Iyong mommy kasi ni Rica may ini-rekomenda rin siya na I&E designer. And actually nandito na rin sila. They we're expecting na sila na nga ang kukunin namin." nahihiyang paalam nito.

"Hhmm, ganoon ba?" tango ko at napatingin ako kay KC na bakas sa mukha niya ang pagkabigo.

"So ano uwian na ba dahil may nanalo na?" nawawalang siglang niyang turan.

Natahimik ako at napabaling kay Miguel.

"No, stay for a while, dahil hindi pa naman totally fix ang lahat. We are still undecided. At kung ako lang talaga ang masusunod kayo talaga ang pipiliin ko. But of course Rica will be the one to decide if who's gonna be the final E&I designer." pigil naman nitong paliwanag.

Wala akong masabi dahil ayoko naman paaasahin si KC. Mommy ni Rica kasi ang nag-recommend so I guess baka ito na nga ang pipiliin nila.

"Ahm...anyway let me introduce to you to that persons." saad niya at kinawayan ni Miguel ang waiter saka binulongan.

Nang bumalik ang inutusang waiter ni Miguel kasama na nito ang sinasabi niyang panauhin. At nang mapagkilanlan ko, kung sino ang mga tinutukoy ay nagkatinginan agad kami ni KC.

"Oh no," anas kong mahina saka napalipat ng tingin kay KC at sa dalawang bagong dating.

Bakas sa mukha ng baliw ang inis sa hindi inaasahang makikita niya at habang papalapit na nga sina Leslie at Axel ay kita ko kung paano nagpupuyos ang damdamin ni KC. Napakuyom kamo ito habang  nagliliyab sa sama ng loob na sinalubong ng tingin ang mag-asawa.

"Guys, meet Axel and Leslie. Axel, Leslie si Kristoff, a friend of mine and his---" baling sa akin ni Miguel.

"---My fiancee." pangunguna kong dugtong na kinagulat ni Miguel ngunit balaha na dahil iyon ang alam ng mag-asawa ito.

'Shit! Sa danami-dami ba naman ng I&E designer sa bansa. Bakit sila pa talaga ang magiging ka kompetinsya ni KC? Lintik na!'

"Si Leslie pala ang ni reffer ng mama ni Rica." pabulong na sabi ni Miguel saka napatango ako.

"Hi, it's nice to see you again." bati ni KC at nginitian niya ito.

'Ano toh? Ba't mukhang nagtatapang-tapangan ang isang ito?'

Pagtataka ko at kita ko sa kanya kung paano niya sinusubukang h'wag maging talonan sa harapan namin. Umasta siya na parang isang professional at tinabi muna ang nararamdaman niyang galit sa dalawa.

Tumugon ng matipid na ngiti ang dalawa habang kita ko kung paano na gulat at napapatitig si Axel sa panibagong ayos ni KC ngayon.

"Well Dude, if you let my Babe do the job. I can grantee you that we can done it efficiently and effectively at the right cost." pagpapalakas ko agad kay Miguel para kay KC.

"And if ever you need more services. Like consultation with the enhancement, idea and more improvement para sa resort. Well, KC is the right choice. Because, besides that she's an I&E designer, an Architect and she's good in landscaping too. Kaya hindi mo na kailangang maghanap pa ng ibang gagawa noon. Dahil lahat na kailangan mo naka all in one package na." pagmamayabang ko pa at nabigla si KC doon dahil sa sinabi ko na talagang nag effort akong imbestigahan ang personal data niya.

"Well, Mr. Miguel Alaya. If you choose us to take this project.  I can assure you that you're investment is at good hand. Because as you know, we're already proven and tested. We have a lots of evidence that we can show you that our services is not only at it's fine quality. But also in good quantity too and we can meet deadlines or even finish it as earlier as expected." singit na yabang ni Axel.

" And Leslie is a legit and has a literal proof that we're really in this kind of business. We have suppliers, a man power and offices to continue our customer relationship to our clients, in case if you need us or if have any complains regarding with our services." turan ng hinayupak na para bang sinasabi niya sa amin na scammer kami?

Napa-tiim baga KC at gigil na napakuyom kamao.

"If you don't mind Mr. Alaya, you can visit our web page profile, then you can see all the achievement that she's been through. Beside the only thing you need is an I&E designer. Di n'yo naman siguro ipapa re-construct itong resort n'yo for you to find more than you actually needed, 'di po ba? So I guess, Architect and landscaper is no longer needed. Am I right?" dagdag nito.

Natahimik ako sa pinangtapat ni Axel sa mga sinabi ko at tuloy naubusan ako ng masasabi. Sinipat ko si KC at siniko. Seninyasan ko siya na kailangan niyang e-defend ang sarili niya.

Yumango si KC at umayos.

"But that's the point. Beside of being an I&E designer. With the use of my skill, as an Architect, a landscaper, more. I can go beyond what the I&E designer can only do." Taas kilay niyang panimula.

"Having a sole skill. Ideas is just limited. And internet will be your tool to gather data and idea, right?" paglalatag nito sa istilo ng mag-asawa.

"So if this is so. Where's the originality of your works? At ano ano pa ba ang maipagmamayabang mo o maipagmamalaki ng resort na ito kung puro inspired... or shall i say plagirize naman mga gawa ng I&E designer, di ba? " swabeng taray na turan ng KC baby ko.

"And Mr Marquez,  being a successful I&E designer doesn't define with a tons of projects you have done. But rather, you make this master piece with passion and with a unique worth. That if everyone see it. They will assurely delighted. Not like what you say. " prangkahang turan ni KC sabay ismid.

And this time, nag-iba ang aura ni KC. She look fiercer and sexier  when she act this way. May palakad-lakad pa siyang nalalaman habang hindi maalis ni Axel ang paningin niya sa tumatapang na si KC.

'Hanep! That's my girl!' ngiti ko sa pagiging palaban nito. Saka tama siya. Marami na ngang nagawa sila Axel pero ang papanget at common na ng mga desinyo nila.

"At ilang taon na nga ba si Leslie as an interior designer? 2 or 3 years? Tama ba?" taray na pagpapatuloy ni KC habang sinulyapan ng kay maldita si Leslie.

"Ilan na ba na gawa niya? 8 ? 10 ? 15? Bakit hindi ko naririnig pangalan niya sa magazine, Lifestyle channels, newspaper?" angas niyang tanong.

Napa-ismid ang mukha ni Axel saka mabigat ang aura ng mukhang tumuon kay KC.

"Hindi na susukat sa kasikatan ang galing ng tao Christine. Kundi sa dedikasyon at tibay ng puso. Kung magagawa nga ba niya ito hanggang dulo. Hindi ba Christine?" makahulogang riin ni Axel kay KC sa sinabi niyang TIBAY NG PUSO.

Nagdilim ang mukha ni KC at lalong napapatiim baga.

"Puso? Bakit may puso ba kayo? I guess not." taas kilay na ganti niya.

Kaya na alarma na si Miguel sa nangyayaring komosyon.

"Guys enough, you both getting too personal. Seryoso na ang bangayan n'yo ah. C'mon, calm down and I will let you both sides, stay. Until makapag-decide kami ni Rica kung sino sa inyo ang kukunin namin. Is that okey with you guys?" awat na tanong ni Miguel.

Walang gustong magsalita at ang tangi naming nagawa ay ang magpataliman at tagisan ng tingin sa isa't isa.

"But, if ever anyone would like to decline. Just say it now." nahihiyang turan Miguel para bigyan daan kung may aatras man.

"No! We will still. Until the decision is made." sagot ni Axel.

"So as we," si KC.

"Then, good luck may the best I& E Designer win." pagtatapos ni Miguel.

.

~***~


KC's POV

_
KINAGABIHAN nagkaroon kami ng pool party at sa gabi ring ito, ay dito na nga hahatol kung sino sa amin ni Leslie ang siyang gusto maging official I&E Designer nila.

Hindi ko alam kung anong gagamiting basihan ni Rica para sa pagpili niya. Maybe it could be by credentials or referral?

'Lagot talo ako kung maging ganyan. Ah, bahala na nga.' Suklay ko sa buhok ko habang nakabusangot sa iniisip na pwedeng gamiting basihan. Dahil lamang na lamang nga si Leslie sa akin kung sakali man na referal ang maging basihan.

Ganoon paman kailangan ko pa rin magbakasali dahil lagot ako kay Kristoff nito kung hindi ko mapanalo ang negosasyon na  ito. Baka alipustain na ako noon habang buhay. Nooo!

At ito na nga... dumating na nga kami ni Kristoff sa pool party at doon kita ko ang nakakabighaning si Leslie na naka bikining itim. Bagay na bagay sa kanya ang suot niya Lalo tuloy gumanda  a hubog ng katawan ng bruha. Habang si Axel naman ay naka swim wear attire rin. Mukhang pinaghandaan nila masyado ang gabing ito. Effort na effort.

Napalunok ako't napatingin sa suot ko. Gusto kong maiyak dahil awang-awa ako sa sarili. Kasi naman e, ito naman kasing si Kristoff, talagang pinagpipilitan sa akin na itong klaseng outfit na ito ang pisusuotin ko.

Nakakahiya. Ang sagwa!

'Ano ba itong pinasuot sa'kin. Ang chaka! Ang badoy! Parang pang-summer labandera dress lang, bweset!' busangot ko.

'Hindi ba dapat naka-bikini rin ako ng makalaglag panga. Para sa ganoon, pagnakita ako ng huklobang si Axel na 'yan ay hindi lang panga niya ang malalag. Kundi pati brief niyang maluwang malaglag. Shit!' gigil na himutok ng utak ko.

Ngunit wala e. Para akong manang sa suot kong daster na kurtina. Tsss.

Sinamaan ko ng tingin si Kristoff habang ngitian lang ako ng hinayupak.

'Talaga bang para ito sa business proposal o talagang pinagtitripan lang ako nito?' umuusok kong daldal sa utak ko habang buong singkit ko siyang sinipat

"Relax, just trust me okey?" bulong pa sa akin at kinuha ang kamay ko para alalayan sa paglalakad.

Tuloy lalo akong nagmukhang senior citizen nito. Putik na!

Ayon kasi kay Kristoff. Dapat ito raw ang suotin ko, kung gusto ko raw na pumanig si Rica sa akin. Kaya heto, wala akong choice. Ito na ang suot-suot ko.

____________________________________

Write's Note

Good Evening everyone two three four five... Hehehe kumusta  naman pag aabang n'yo? Bitin ba? Pasensya na huh. Hindi ko ma post ng full. Nag iisip pa kasi ako ng kasunod. Char... Okey. Enjoy my spy readers.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top