Chapter Nine
"The Architect"
.
Kristoff's POV
_
Kasalukoyan na akong pababa nang hagdan. Nang ma-amoy ko ang nakakagutom at nakakatakam na roasted beef with special flavor of smoke chilli garlic.
'Hhmmm... shit, ang sarap! Amoy pa lang nakakagutom na. Nakakainis!'
Nang langhapin ko pa ang nakakaganang aroma ng condiments ay lalong kumalam ang sikmura. Tuloyan bigla akong napahimas sa tyan kung humilab na sa gutom.
Sumilip ako sa may beranda at doon nakita ko ang hapagkainan na may nakahain na, na agahan.
"Wow fried rice, creamy butter crabs at iyong roasted beef." takam na takam kong saan habang kumukutitap ang mga mata ko sa favorite roasted beef na siyang nasa gitna at pinalibutan pa ng fresh pineapple slice. Sa amoy pa lang nito, so delicious and mouth watery na.
Tumingin ako sa paligid upang hanapin at alamin kung nasaan ang babaeng tigre. Nang masigurado ko, na wala siya sa paligid. Dali-dali akong lumapit sa dining table para kunin at iuwi nang walang pasabi ang faborito kong ulam.
"Yes, akin na toh." bulong ko.
Ngunit pagka-angat ng pagka-angat ko'y siya namang paglabas ng inahing tigre.
'ay anak ng Lolo mo!' kabang igtad ko.
"Hoy! Pusang masiba! Lumayas ka, letse!"
Sabay malakas akong binato ng sandok. Buti na lang agad akong naka-ilag at pa-upong kumobli sa silya. Matapos kumaripas na ako takbo habang tangay ko Ang plater na pinaglagyan ng ulam palabas ng bahay.
Dali-daling kung tinungo kotse ko't agad itong mina-obra saka nagpaharurot na ng takbo.
Habang tumatakbo na ang kotse ko'y kita ko pa mula reviewer mirror si KC baliw na pilit humahabol sa akin. Habang galit na galit na winawagayway ang kawaling hawak niya.
Sa itsura niya, mukhang balak ng may sayad na ito na, kung sakali man na maabotan nga niya ako ay talagang ihahampas niya sa akin ang hawak niyang kawali.
But sorry for her. Dahil wala siyang birtod para mahabol mo ang bagong kotse ko. At sa kotseng ito, hindi niya na basta basta mapapakialaman, gaya ng dati kong kotse, na nagawa niyang paki-alaman.
"H'wag ka ng bumalik dito! Bweset ka saltik kang kumag ka!"
habol niyang sigaw sa inis habang patuloy na kinukumpas sa ere ang kawaling hawak hawak niya. At kahit mang-gilaiti pa siya say galit sa akin. Pwes, wala na siyang magagawa. Hindi na niya ako mahahabol.
.
~***~
KC's POV
.
'Masiba talaga ang shongak na yon! Talagang ninakaw talaga ang ulam na niluto ko. Sarap niyang umbagin! Grrrr.' buong panggigil ko habang padamog akong bumalik sa mansyon.
"KC, ano ba 'yan ang aga aga, ang ingay muna. Nasaan na si KC Kristoff?"
Kunot noong salubong ni Ninong sa akin. Bumusangot ako at napakamot ng batok.
"Umalis na Ninong."
"Huh? Pinaalis mo? Bakit mo pina alis?"
Akusa pa niya na lalong kinasimangot ko.
"Hindi ko ho pina-alis, kusa ho siyang lumayas, Ninong."
pagkaklaro ko at padamog na akong bumalik sa loob ng kusina.
2 WEEKS LATER
Isang malapit na kaibigan ni Ninong ang e me-meet up ko today. At dahil naghihikahos na ako sa pera. Wala na akong choice kundi sunggaban na ang opportunity na ito at gamitin na ang diploma ko para magkapera.
Besides, matagal na panahon na rin naman akong nag walwal at sa mga panahong iyon. Lahat ng natirang savings ko ay na ubos at sinimot sa mga panahong iyon. Kaya this time, it's time to re-build myself, to be active.
Kailangan ko nang maghanap ng trabaho. Para magka pera or else, baka maging palaboy laboy na ako nito sa lansangan at manghihingi na lang ng barya sa lahat ng dadaan.
'Oooh noooo!' ngiwi ko sabay napapilig ng ulo.
Kaya bago pa ako aabot sa ganoon. Starting today, sinisimulan ko na ang bagong umpisa ng buhay ko. Total matalag na panahon na rin naman akong nagwalwal at sa mga panahong iyon na nasimot ang savings ko. Pwes ngayon, panahon na para pagkakitaan ko naman ang pagiging isang Architect at Designer ko.
At sa client na binigay Ninong, tiyak, ito na ang bagong simula. Simula ng pagyaman ko, at saka para mababayaran ko na rin ang mga nakapending na bills ko, na nag ngangawa na sa paniningil sa akin.
Kaya today, inagahan ko na ang paghahanda at pag-aayos sa sarili. Saka 30 minutes earlier, sa napag-usapan namin ni Ninong, ay nasa restautant na ako at maagang hinintay ang eme-meet up ko na kleyente. Para masabi niya na ganoon ako ka dedicated sa trabaho ko.
Kung last time, pink ang kulay ng buhok ko, ngayon naman ay kulay purple naman. At kung ano ang kulay ng buhok ko, yun din ang kulay ng lipstick, nail polish, maging sling bag at mga anik-anik ko. Ganoon ako magterno ng outfit.
Habang ako'y naka-upo sa two seater table, tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin na nasa tapat ko.
"Okey, Perfect maganda na mga ako." saad ko sa sarili at inayos ko ang pagkakaipit ng buhok ko sa magkabilang tanga ko. Saka kunting gulo-gulo ng tatlong bangs ko.
Nang bumukas ang pintuan ng naturang restawrant ay hindi ko mapigilan ang sarili ko lingunin kong ito na ba ang hinihinta ko. Ngunit apat na ang dumating. Pero malayo sa discription ni Ninong. Lumipas ang kalahating oras sa napag usapan namin. Nainip na ako at na-iinis.
'Saan na ba kasi ang hukloban na eme-meet ko?' busangot ko na habang hindi ko na malayang bali-bali na ang rosas na nasa vase sa harapan ko sa bagot.
Maya-maya may dumating na lalaking may kaedaran. Kasalukoyan itong pumasok at wari may hinahanap.
'Siguro ito na nga ang eme-meet up ko.'
Kaya inayos ko ang sarili ko, dahil mukhang yayamanin si boss. Pinatamis ko ang ngiti ko, saka sinalubong siya ng masigalang pagbati.
"Good morning sir, are you looking for someone?" Tanong ko sabay tayo. Saglit natahimik ang matanda, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Matapos larawan sa mukha niya ang pagtataka. Ngunit ngumiti ito at muli akong tiningnan sa mukha.
"Are you looking for someone too?" pabalik niyang tanong
Nagtaka ako sa tugon at mga tingin niya. Pakiramdam ko'y may mali sa matandang ito. Saka naamoy ko rin ang pagiging manyakis nang gurang na ito. Pero inisip ko na baka ganito lang talaga toh. Isa pa hindi ba sabi ni Ninong magkasingwapo raw sila. Eh mistesong matandang kulobot na rin ito gaya ni Ninong. Eh, di ito na nga iyon.
"Yes, I am." pagdadalawang isip na tango ko.
"Well, I like you."
pelyong ngiti nito sabay akong hinapit at bahagyang niyakap ng kutong lupang bastos. Sa bigla ko'y natulak ko ito palayo.
"Oh what's wrong? Hindi ba't your looking for me?" pelyong ngiti nito
'Ano ba 'tong friend ni Ninong, manyak?' ngiwi ko at kung hindi lang talaga ito kaibigan ni Ninong talagang lulumpohin ko ang ungas na ito. 'Pero para kay Ninong, relax ka lang KC.' huminga ako at pilit na ngumiti.
"Oh yes, so I guess, we must start to discuss about business proposal?" pagsisimula ko ng matapos na ang pag-uusapan namin.
"Oh proposal agad? Ang bilis naman." sagot nito sabay akong inakbayan payakap saka walang modo akong hinahapit at kinurot talaga ang pwet ko. 'Shit!' Halos umigtad ang kaluluwa ko saka nanlaki ang mga mata ko sa kalapastanganang ginawa niya.
Sa bigla ko ay awtomatiko akong napahugot ng lakas saka tinulak siya pagkuwan ay napahudyat ako ng isang malutong na sapak.
Ngunit bago ko pa mapadapo ang kamao ko sa pagmumukha ng ungasa, ay may na unang lumipad na sapak mula sa likuran ko at tumama ito sa mabutong panga ng matanda.
Sa lakas ng suntok na tumama sa matanda. Halos patilapon itong natumba at humampas sa sahig. Lupaypay na bumulagta ang kawawang matanda at deritsyo itong nawalan ng malay.
Sa tingin ko nga, mukhang sa ICU ang bagsak nang bastos na matandang ito.
Nang lingonin ko ang nagpakawala ng suntok.
'Ay sus me!'
"Kristoff?" nagulat ako sa napagsino ko.
Namumula ang mukha nito sa galit at susugorin pa sana ang kawawang matanda.
"Enough, bakit mo siya sinapak. Gago ka!"
sabay harang at tulak ko palayo kay Kristoff. Dahil mukhang gugulpihin pa sana niya ang matanda. Kaya pinigilan ko na siya. Bago pa matuloyan itong matandang ito at baka sa morgue na ang bagsak nito.
"Talaga bang nangangati na 'yang putcha mo at kahit matanda ay pinapatolan mo na rin? Ganyan ka na ba ka desperada sa buhay, huh?
Biglang nagdilim ang paningin ko at isang malutong na sampal ang nabitiwan ko na siyang dumapo sa makinis niyang pisngi.
"Don't you ever judge me without knowing the whole of me. Oo, minsan na tayong nagkita sa bar, minsan na kitang pinagtripan. But I'm not a bitch like what you are thinking of. Client ko siya sa trabahong matino. Hindi sa pagiging pokpok!" singahal ko.
Ngunit imbes matinag ang galit niya'y lalo itong napangising ulol.
"Siya client mo? Sure ka ba talaga na iyang pagmumukha 'yan ang client mo?"
"Bakit ano ba dapat ang pagmumukha nang magiging cliente ko, huh? Kailangan ba talaga may standard at criteria akong susundin para maging klyente ko? Saka paki mo ba!" gigil kong sagot sabay talikod ko at aakma ko na sana siyang iiwan. Ngunit hinila niya ako at pakaladkad pa akong na inilabas.
"Pwede ba let me go!" Piglas ko sabay hila ko sa sarili ko mula sa pagkakahawak niya
"Pwede ba, h'wag ka ng pumalag? Kailangan mong sumama sa akin para malaman mo kung sino talaga dapat ang kikitain mo!"
sabay tulak pa sa akin pasakay sa kotse niya. Ngunit imbes na pumasok ako ay nakipagtulakan ako sa kanya para makakalas mula sa pagkakahawak ng shongak.
"Pwede ba, wala na akong paki-alam kung sino mang kumag ang kleyenteng kikitain ko! I need to go home! So better let me go!" pagpipiglas ko.
"Hindi pwede, kailangan mong sumama sa akin dahil ako ang client mo!" saad niya na pagtigil sa akin.
"What! Ikaw?"
"Oo, bakit ako nga? Papalag ka?"
at talagang ipinagmamayabang pa niya ang sarili niya sa akin? Wow siya na ang may unlimited na kayabangan at hindi ko talaga lubos ma-isip kung bakit pagkaharap ko ang shongak na ito, mula pa noong mga bata kami at hanggang ngayon, ay talagang kumukulo na parang magma ang dugo ko, sa t'wing nakikita ko ang pagmumukha niya. Grrr... napakuyogpos ako habang binalingan siya na puno ng panggigil.
"Alam mo, kung ikaw lang din naman ang magiging client ko. Thank you na lang, I rather be a tambay at manlimos sa kalye, keysa pakisamahan ang lalaking gaya mo!" pagmumukha ko sa kanya
"Ni hindi ko nga maatim na makasama ka in just a whole day. A week pa kaya or a month? Woohh... that's gonna be a freaking nightmare to be with you in a long hours!"
papilig-pilig kong tangi.
***
.
KRISTOFF'S POV
Ang yabang talaga ng babaeng ito! At sa pagmumukha niyang iyan, siya pa talaga ang may lakas na loob na mag reject sa akin? Ang kapal ng pagmumukha ng baliw na ito! Anong akala niya sa akin si Freddy the nightmare?
tinapatan ko rin ang pagtataray at pagmamayabang niya.
"Ang yabang, grabe! Hooohh, ang lakas ng hangin." turan ko sabay lapit ko sa kanya
" Hoy, Miss Mayabang na Clown" saka kinaltok ko ang noo niya
"Para malaman mo, kung alam ko lang din na ikaw pala ang sinasabing interrior designer ni Ninong, hindi sana pina-cancel ko na ang appointment nating ito! Dahil for sure naman, wala namang kakwenta-kwenta iyang mga idea mo. Panigurado puro pangit lamang ang magagawa mong mga design! Kasing pangit ng pagmumukha mo!"
Dutdot ko na panghuhusga at sagarang pang-iinsulto ko.
Lalong namula ang kanyang mukha at umusok ang ilong niya sa panglalait ko.
"Pangit pala huh," buong sama niyang saad at lalo ko pa itong nahamon.
"Sige payag na ako sa gusto mo at ipapakain ko sayo yang pinagsasabi mo na pangit. Makikita mo." nahahamong pangigilaiti niya.
Sa sobrang inis pa nito'y, lalong sumingkit ang mga mata niyang magaganda ngunit natatago ito sa makapal niyang make up.
...
HABANG lulan na kami sa kotse at kasalokoyang tinatahak ang daan patungo sa bahay na bibilhin ko sa araw na ito. Pa simple kong sinusulyapan si KC mula sa reviewer mirror.
Natatawa ako sa itsura at style niyang bulok. Hindi ko kasi lubos ma-isip kung saang inspired ang fashion style niya.
"Bakit ka dyan ngumingiti ngiti, huh? May nakakatawa ba sa itsura ko?" antipatikang sita niya sa akin. Napabawi ako ng tingin at umayos.
"Hmmm, I just find you cute when you look so angry. Na-alala ko kasi sa'yo si Angry bird."
dahilan ko na mas lalong kinainis na naman niya. Ngunit bago pa siya sumabog sa pikom, biglang tumunog ang phone ni KC at may tumatawag, tingin ko si Ninong ito.
Mabigat niya itong sinagot.
"Hello Ninong, anak ng palaka!, bakit hindi n'yo po sinabi na isa palang hinayupak na kumag ang kleyenteng kikitain ko? Eh di sana pinaghandaan ko ng buldoser at pison ang pagmumukha nito. Nang umayos naman ang malubak lubak na kayabangan ng bweset na ito."
brutal pa niyang turan. Talagang harapan harapan niya akong pinariringgan.
"Relax KC, client pa rin si Kristoff. Kaya treat him very well, okey? Customer is always right remember?"
mahinahong paalala ni Ninong na naririnig ko, dahil napaka-scandalosa ng phone nang baliw. Naka loud speaker talaga.
'Bingi ba ito?'
At sa sinabi ni Ninong ay lalong sinakloban ang pagmumukha niya at sinamaan pa ako ng tingin.
"Right right, Eh kung baliin ko na lamg kaya itoh ng right?"
galit pa niyang sagot at pagdadamog na pinatayan ng phone si Ninong. Ang bastos talaga, tssk
Pagkuway muli niya akong tiningnan kaya't napatingin ako sa daan at assuming na hindi ko siya tiningnan at pinapansin.
"Hoy timang! Saan tayo pupunta?" pang babastos pa niyang tanong. Hindi ako umimik at patuloy lang sa pagbibingi-bingihan.
Nang hindi ko siya pinapansin ay natahimik ma rin siya. Maya-maya, binuksan niya ang side window ng kotse saka napatingin-tingin sa paligid.
Matapos matingnan ang dang tinatahak namin. Bumaling ito sa akin na akala mo sinong astig.
"Parang familiar 'tong lugar na ito ah? Asan ba kasi ang bahay na sinasabi mo?"
may inis sa boses nitong tanong. Kaya't na kulitan na ako sa pag-aasta niyang parang sino.
"Malapit na tayo relax ka lang. Actually hindi ko pa talaga nabibili ang unit. Ngayon ko lang siya bibilhin. Gusto ko sana, na ipakita muna sayo para malaman ko, kung anong maisa-suggest mo. Kung anong pwedeng bagohin. Kung gaano ka laki ang magagastos at kung worth it ba na bilhon ko pa ang bahay or do I have to make my own brand new house." matino kong tugon.
Ngunit nang balingan ko siya'y nakita ko sa itsura niya, na parang nababalisa siya. Wari panay tingin niya sa labasan.
"Ako pa talaga ang tatanungin mo? Ano ba ako asawa mo? Gf mo, fiancee mo? Paki ko ba sa bahay mo!" pilosopong turan niya.
'Hai naku! Ganito ba talaga ugali nito?'
"Interior designer at engineer ka hindi ba? Kaya I need your opinion professionally!"
giit ko sa kaswapangan niya saka tama rin na nasa tapat na kami ng bahay na sinabi ko. Kaya padamog kong inihinto ang kotse. Dahilan para maalog siya ng bahagya.
"Aray ko!" sapo sa ulo niyang na untog sa unahang upoan.
"C'mon, where now here,"
____________________________________
Writer's Note
May nagbabasa pa ba nito? Yooohooo??? Do I need to continue or not? Anyone answer me in the comment section?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top