Chapter Fourteen
KC's POV
_
Umagang-umaga, isang notice of disclosure ang natanggap ko galing sa management ng home owner ng condo ko. Nakasaad sa notice nila na kailangan ko raw mag force evacuate sa araw na ito dahil nag over due na ang palugit nila sa akin.
At kung hindi ko mababayaran ang mga bills ko hanggang tanghali ay mapipilitan na silang pwersahin ako paaalisin.
Ganoon paman, ay binigyan pa rin nila ako ng 15 days to settle my obligations at kapag na settle ko na ito ay saka pa nila ibabalik ang unit ko.
But for now they we're ordering me to move out all my stuff. Ganoon sila ka strict at walang pasensiya sa kagaya kong nagigipit. Wala akong matitirhan kapag nagkaganoon kaya nagmakawa na ako sa manager ng building. Ngunit talagang tigang ang puso nito at ayaw nila akong pakinggan.
At ito pa, talagang pinadalhan pa talaga nila ako ng mga crew para tulongan daw ako sa pagliligpit at labas ng mga kagamitan ko. Halos hindi ako magkanda-ugaga kakapigil at kakabalik sa mga kagamitan ko na inilabas na ng mga crew.
"Manong, please naman oh. Sabihin n'yo naman po sa manager n'yo, na babayaran ko naman talaga 'yang mga bills ko. Ilang araw pa na palugit oh. Please naman," pagpapa-awa effect ko habang karga ko ang isang storage box.
"Kailan pa po Maam? Lage naman pong ganoon ang sinasabi n'yo Ma'am eh." Kamot pa nito sa ulo na tila naririndi sa sinasabi ko
"Manong sabihin n'yo po sa management n'yo na gipit lang talaga ako ngayon. But for sure makakabayad naman ako. H'wag silang atat!" na-iinis kong paki-usap.
"Ma'am pasensya na ho, ngunit kailangan n'yo na talagang umalis. At pasensya na ho dahil sumusunod lang kami sa utos ng management."
Lalo akong napikon sa sinabi niya. Sa inis ko padamog kong inihulog ang karga kong storage box.
"Ba't ba ang hirap n'yo pong kausapin, huh?" uminit na ako sa mga bobong hindi makaintidi.
Sa gulat ng lahat, napatigil sila at napalingon sa akin. Umuusok sa galit ko silang pinasadahan ng tingin.
'Hhmmm, ganito lang pala kayo tatakotin eh' kaya sisindakin ko pa sila lalo.
Magagasalita na sana ako ng biglang may sumingit na tanong sa
"Dude anong problema?"
Sounds familiar at ng lingonin ko. 'Bweset si Kristoff. Nakakahiya!'
"Si Ma'am ho kasi ang lak---"
agad kong nilapitan at tinakpan ang bibig ng madaldal na crew. Talaga bang ipapangalandakan nito ang kahihiyang inabot ko ngayon, huh. Grabe talaga ang mga walang hiyang itoh.
"Wala, walang problema, okey na lahat. Hindi ba?"
Pinagdilatan ko ng mga mata ang madaldal na crew maging ang dalawa pang nasa tapat ng kinatatayuan namin ng tabi kong crew. Matapos ay pa senyas ko silang pinagbataan.
Ngunit talagang ang lakas nang loob ng tipaklong na crew. Bigla niyang kinuha ang kamay ko na nakatakip sa bigbig niya at walang habas itong tumalak at tuloyan akong sinumbong.
"Si Ma'am ho kasi ang laki na ho ng bills niya Sir. Ilang buwan na ho siyang hindi nakapagbayad ng mga obligation niya dito. Kaya't kailangan na Hong kunin ng home's owner ang condo ho niya."
Ayan laglag ng tipaklong. Halos sumabog ang kilay ko sa sobrang asar.
Kristoff glance at me and then, bumaling muli sa crew.
"Ganoon ba?" Saka may dinudukot sa bulsa niya.
"Here's my credit card. E-charge n'yo na lang lahat ng bills niya d'yan."
Abot niya sa Universal card niya. Lalo akong nahiya sa ginawa nito.
"Hindi na bale, okey na kaya h'wag na, Kristoff. Mababayaran ko rin yan mamaya." namumulang tanggi ko sa hiyaat pinigilan ko si Kristoff sa pag-abot ng card niya sa crew.
Kaya naman nagdalawang isip ang crew kung tanggapin ba niya ang alok ni Kristoff.
"C'mon Mr Crew, umalis ka na. Susunod na ako doon sa billing section n'yo. Just give me 20 minutes para makapagbanlaw withdraw." dahilan ko para masita ko ang ipal na tipaklong.
"No, Kunin muna ito at umalis ka na bago ka pa masipa ng malditang ito." Sabay bigay ni Kristoff sa card niya sa crew at tinulak pa niya ito palayo sa akin. Pagkuwan ay sumunod na rin ang dalawang kasamahan nito. Paglingonin ko kay Kristoff ay kasalukoyan na itong papasok sa condo niya.
"Don't worry babayaran kita. Double pa, para naman hindi mo isipin na inaaboso kita."
habol kung saad bago pa niya maisara ang pintoan. Ngunit tumigil siya at muli siyang lumabas, matapos hilaw itong nakangisi sa akin.
"Talaga lang mababayaran mo ako? Saan ka naman kukuha ng pera? Sa paracket racket mo? Ilang peso lang ba ang nahihita mo d'yan sa racket mo? Paano 'yon hulogan? Kailan naman matatapos? Months? A years, a century or forlife?"
Sarcastic niyang saad.
"Well, problema ko na 'yon, basta babayaran kita. Akala mo sino kang mayaman ah." himutok ko pa.
"Anong ipambabayad mo, 'yong perang galing illegal? Ano magbibinta ka ng katawan mo?"
Insulto na naman niya.
"Abah bastos!"
"Ako bastos? Bakit sa ginagawa mo sa sarili mo? Hindi ba mas kabastos bastos ang mga kalokohan at trip mo?" insultong sagaran ng timang.
Natahimik ako dahil may punto naman siya. Saka, paki ba niya kung ganito ko patakbuhin ang buhay ko. Kung ganitong paraan ako makakapag-move on sa nakalipas ko.
Naiinis ako sa sarili ko at na-aawa dahil ganoon na pala ang itsura ko sa iba. Ano na bang nangyayari sa akin kasi? Gusto ko lang naman takasan ang mapait at masakit na nakaraan ko . At sa paraang ito, nakakapagtago ako sa katotohanang sumusugat ng paulit-ulit sa pagkatao ko.
Namataan ko siyang nakatingin sa akin at mukhang napansin niya ang biglaang pagtahimik at pamumula ng mga mata ko. Kaya napahinga siya ng malalim.
"Sige tutulongan kitang mabayaran mo ang utang mo sa akin. I will refer you to a friend who owns hotel and resort. They need an exterior and interior designer. Malaki rin ang kikitain mo doon, almost 2 million for just a weeks."
Offer nito at magpapakipot pa ba ako? Kaya e gra-grab ko na.
"Sige go! Kahit ibibigay ko sayo ang 25 percent na TF ko, para hindi naman ako magmukhang user sayo." Pagba-bargain ko pa.
"Hindi, 'wag na dahil mas kailangan mo 'yan hampas lupa!" harsh nitong tugon
"Ouch! Pero okey fine! Para sa ekonomia!"
'Kapalan ko na ng pagmumukha. Bahala siya!'
"7 pm sharp, lets meet up at the lobby."
Bigay agad ng instructions na umaakto pa na parang boss.
"E me-meet agad natin?" React ko pa.
Sinmaan niya ako ng tingin, pagkuwan ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Matapos muling tumingin sa mukha ko.
"Hindi, ipapaayos ko muna 'yang pagmumukha mo. Dahil sa itsura mo pa nga lang, wala ng credibility! How much more na maniwala siya sayo na may potential ka?"
Prangkang tugon nito at padamog pa niya akong pinagsarhan ng pintoan.
.
~***~
Kristoff's POV
_
Wala pa ngang 7 pm nasa baba na ako ng lobby at nag-aantay kay KC. Ngunit dumating ang batugan ng 7 am and 50 seconds. Grabe ang tamad niya, ang bagal talaga na baliw.
Sinalubong ko siya ng masamang tingin. Dahil ang kupad kupad niya talaga. So irresponsible.
"Your late!" mabigat kong sabi
Tumingin ito sa wear watch at napa-irip
"7 pm pa naman ah."
"Bare this in mind, KC! First rule, dapat time on time ka. Pagsinabi ko ng 7 pm. 7pm sharp, not 7 pm and 50 seconds."
"You must be early than 7 pm, not late ng 50 seconds o 1 second. Mas mabuti pang it's too early than to be late. Kaya ka naging batugan at hampas lupa ka dahil d'yan sa ugali mong kukupad-kupad." sermon sa akin at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Saka nanlaki ang mata habang napapa-ngiwi ng mahagip ng paningin niya ang bagong tattoo art ko na nagbigay ganda sa buong braso ko.
"What the hell! Anong bang nakain mo't nagpatatoo ka, huh? What a moron!" mura nito sabay hablot sa braso ko para tingnan ito.
Nang makita niyang fake tattoo lang ay napakalma siya. Nakakatawa, para siyang boyfriend kong paranoid.
"My gush, it's just a fake. Relax." natatawa kong turan.
"Ano ba talagang laman ng utak mo, huh? Para kang disperadang clown na parang palpak na magician sa carnaval iyang mga datingan mo. At nagawa mo pa talagang palitan ng kulay green 'yang buhok mo. Ang sagwa sagwa talaga ang itsura mo!"
lait ko sa itsura niya.
"H'wag ka na ngang dumada d'yan, pwede? Paki-alam mo ba sa style na gusto ko. Saka pwede ba, tama nah! Hindi mo naman ako pakakasalan, kaya't tumahimik ka at itikop mo na iyang bunganga mong putak ng putak!"
Malditang angal niya at hinila pa ako palabas.
AT THE MALL
Pinapili ko siya ng matinong damit. Iyong damit na pang pormal at na aayon sa pagiging profession niya bilang architect raw. Ngunit ewan ko ba, kung saan inspired ang out fit niyang ito. Mukha siyang timang alien sa suot niya. Ang badoy!
Tapos noong utusan ko siyang palitan ang suot niya. Holy cow! Mas lalo pang lumala ang napili niya. Kung kanina mukha siyang tanga. Ngayon para siyang ukay ukay na naging tao.
Magsuot ba naman ng malalaking eyeglasses tapos may pa summer hat pa siyang nalalaman, with a match of terno loose na damit na naka boots pa. Tapos, kung lumakad pa parang feel na feel na ang ganda ganda niya.
"Ano baga ba sa'kin? Alam mo ito ang bagong uso ngayon. A fashion style inspired by werdie nerdie look." Pruject pa nito sa harapan ko.
"Ano pang world class 'di ba?" yabang pa nito na kinunutan ko ng noo.
"Ano ba 'yang taste mo ang pangit!" sita ko sa pang 20 times na niyang papalit-palit.
Bumusangot ang mukha niya at napagod sa kakapili at palit ng damit.
"Anong pangit? Ang sabihin mo hindi mo alam ang salitang FASHION STYLE. Kaya pana'y ka d'yan reklamo ng reklamo pero wala ka namang ka-alam alam. Susko naman!"
napipikon nitong himutok habang ginigiit pa niya sa akin ang kaalaman niya sa FASHION STYLE.
'Wooww! Saan ba toh nag aral at kay hangin hangin mag salita.' natawa ako sa pinagmamayabang niya saka sinamaan ko siya ng tingin. Sobra kasi siyang nakakapikon.
Nilapitan ko siya ng kaylapit. Sapat para tapatan ko ang mukha niyang tanga.
"Ako pa talaga ang walang ka alam alam sa FASHION STYLE?" pagak kong tawa saka napatimbaga sa pikon ng kayabangan niya
"Para malaman mo, I AM A FREELANCE MODEL for about 8 years. And take note, sa PARIS pa 'yon kaya h'wag mong ipagmayabang sa'kin 'yang sinasabi mong FASHION STYLE na nalalaman mo sa'kin baliw!" pagmumukha ko sa kanya.
Napatutop ng bibig ang mayabang saka nahiya at tumahimik.
"Akin na nga 'yan lahat!"
Hablot kong kuha sa mga damit na napili niya at tinapon ko sa tabi.
"Ako na ang pipili para sayo. Nang saganoon hindi ka magmukhang ingot sa style mong bulok."
Matapos ay ako na ang umikot sa mga naka-display na damit saka kinuha ang mga desinting damit na nababagay sa kanya. Hindi ko na pinasusukat pa sa kanya. Bawat matitipohan kong damit ay tinatansya ko lang. Saka isang tingin ko lang sa katawan ng babae ay alam ko na ang vital statistic nito.
"Ano ba iyang mga damit na iyan. Ang papangit." protesta niya pero hindi ko siya pinakingga.
"Bahala ka nga d'yan!" napipikong lekramo niya sabay ibingay sa sales lady ang mga damit na inabot ko sa kanya. Matapos ay tuloyan itong na badtrip at padamog na lumabas sa HerShe's department store.
.
~***~
KC's POV
_
'Akala mo sinong marunong, eh 'di wow! Siya na. Bahala ka d'yan!' walk out ko at lumabas na ako sa lady's department.
'Nakakapagod, halos 25 times akong pinapalit ng damit ng mokong na 'yon ah. Tapos sa dami ng sinuot ko, talagang ni isa, wala siyang nagustohan?'
napipikon kong himutok.
'Bweset talaga! Ang brutal talaga ng shongak na iyon. Talagang pinahirapan ako ng sobra.' napipikon kong kamot sa batok saka napa-upo sa bench na nakita ko. Pagkuwan ay nakadama ako ng gutom na sinundan ng pagkulo ng sikmura ko.
'Anong oras na ba kasi? Mag a alas 10 na pala ah. Kaya pala nagugutom na ako.' himas ko sa tyan ko kaya tumingin ako sa paligid para maghanap ng makakain.
Kinapa ko ang bulsa ko at sa kamalasan 20 pesos lang ang pera ko. Mukhang hanggang cornetto lang mabibili nito ah. Talagang namumulubi na nga ako ngayon. Lagot na!
Napansin ko ang sweet na love birds couple sa tapat. Iniwanan saglit ng lalaki ang gf niya para bumili ng yummy cream. Isang special ice cream na paborito ko. Ngunit 100 pesos ang pinaka less sa ice cream na ito. Hindi kasya 20 pesos ko.
Napabusangot ako habang hawak ang kaperanggot na pera. Nag-isip ako, matapos ay napangiti saka tumalima ako sa paglapit sa naturang lalaki.
Bahagya kong inayos ang sarili ko saka pinagmukhang cute at kaakit-akit ang sarili saka tinabihan ang lalaki.
"Hi, masarap ba ang ice cream?" pelyang ngiti ko.
Bumaling ang lalaki saka napatingin sa'kin. Saglit itong napatitig sa mukha ko saka pinasadahan ang maalindog kong katawan. Halos tumulo ang laway nito habang muli akong tiningnan sa mukha.
See? Ganyan kalakas ang karisma ko. Oh 'di ba tulala si bagets. Mukha siyang na love at first sight sa ka-dyosahan ko. Napanganga pa si bagets habang hindi niya maalis-alis ang mga mata niya sa akin pinasabik. Nilandi ko siya at pinakitaan ng kagat labi sabay pacute with beautiful eyes.
Yumango ito.
"G-gusto mo?" napapalunok nitong alok.
"Talaga bibigyan mo ako?"
landi ko habang lumapit pa ako sa kanya saka inabot ang pisngi niya't marahang hinaplos. Halos nginigan sa kiliti ang lalaki.
"Yeah, sure!" ngiti nitong turan at inabot sa akin ang ice cream.
Agad ko namang tinanggap. Ngunit ang kunti naman mukhang hanggang lalamunan ko lang ata ang ice cream na ito eh. Kaya hihirit pa ako ng para umabot naman, hanggang bituka ko.
"Pwede bang tatlo na lang para i love you?" kapal kong sabi sabay kindat at flying kiss sa kanya.
Muli itong napalunok at namutla sa gigil.
"I love you?" Pinapawisan ang lalaki at napapunas sa leeg niya. Pagkuwan ay may malakas na batok ang siyang lumipad sa ulo ng lalaki.
"Manluluko, palakiro, break na tayo!" bulyaw ng boses babae mula sa likuran namin. Nang lingonin ko isang babaeng namumula at umuusok sa galit ang nakita ko.
'Patay jowa ni Bagets, lagot na!'
ngiwi ko sabay layo ko agad.
"Opps sorry! Wala talagang forever. But thanks for the ice cream, enjoy the moment of truth for the both of you!"
takbong sigaw ko para sa dalawa with a devil smile. At bumalik na ako sa bench na dala-dala ang tatlong flavor ng ice cream. Habang iyong lalaki ay kasalukoyan ng binubugbog nang gf niya't nagkagulo na rin sila.
____________________________________
Writer's Note
Hello, good morning! Ano na mga guys? Kumusta mga life n'yo d'yan? Naku, swerte buhay ah. Pabasa-basa lang. Sana e vote n'yo rin story ko ah? Hehehe... Okey bye tell next chapie Readedetz.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top