Chapter Fifteen
"The Make Over"
Kristoff's POV
_
Nang lingunin ko si KC upang ibigay sa kanya ang iba pang napili ko, ay anak ng tinapa. Bigla na lang siyang nawala.
"KC? KC!" tawag ko habang umikot ako sa kabilang sections ngunit hindi ko siya mahanap-hanap.
"Miss napansin mo ba 'yong kasama ko kanina?" tanong ko sa isang sales lady.
"Iyon po bang may kulay green na buhok?"
"Oo, 'yon nga."
"Nakita ko po siya na lumabas, Sir." tugon nito
"Sige salamat" saka binayaran ko na ang pinamili ko at hinanap ko na ang baliw.
Tamang tama rin na pagkalabas ko ay agad ko siyang namataan. May kasama siyang isang lalaki at nasa isang refreshing stool ng ice cream.
Napansin ko na may ginagawa na naman itong kabulastogan sa binatilyong mukhang tanga. At nang magkagulo na nga ang mag-jowa, ay pa simpleng nagwalk out ang maysayad na si KC.
Masayang masaya pa siyang lumalantak sa ice cream na hawak niya. Habang iyong dalawang ginulo niya ay halos magkarambulan sa perwesyong dulot niya.
'Sira ulo talaga. Pssh...' gigil kong turan sa isipan saka buong pikon na nilapitan ang baliw.
"Ano na nama ba ang ginawa mo, huh? Bakit mo ba pinakiki-alaman ang dalawang 'yon? Ganyan ka na ba ka bitter talaga, huh? Hindi ka lang talaga inggitera, disperadang kawawa ka pa." sitang sermon ko sa baliw na ito.
Napatigil siya sa ginagawa niyang pagdila sa natutunaw na ice cream. Pagkuwa'y sinamaan ako ng tingin sabay taas ng nagmumura niyang kilay.
"Bitter agad? inggitera agad? Hindi ba pwedeng gusto ko lang kumain ng ice cream?"
tanggol pa niya sa sarili.
"Grabe na talaga 'yang tama ng utak mo, anoh? Talagang sisirain mo relasyon nilang dalawa, para lang sa ice cream? Your really out of you mind."
Ngunit iniripan lang ako sabay sabi ng
"Whatever!" paikot eyeball ng timang saka umakma na ito sa pagwo-walk out. At bago pa ito tuloyang makahakbang ay mabilis ko siyang tinisud dahilan para ma-out of balance ito.
Natawa ako sa muntikang pagkatumba niya. Buti na lang at maagap siyang nakabawe ng balanse, kaya hindi siya natumba. Ngunit sa pagbawi niya ng balanse ay hindi niya inaasahang masusobsob pala ang mukha niya sa hawak niyang ice cream.
Sa nangyari halos magmukha siyang pandang tililing sa umbok ng ice cream tumaklap sa mga mata niya. Halos mapahagalpak ako ng tawa sa itsura ng baliw.
Tinapon niya ang cone saka inalis ang ice cream sa mga mata. Sinamaan niya ako ng tingin habang hindi ko maawat ang tawa ko.
"Nakakatawa pala, huh? Pwes!"
Pikon nitong saad habang ako ay napahagalpak pa rin ng tawa. Hanggang sa bigla na lang niyang pinunas sa mukha ko ang ice cream na nasa sahig at walang pakisabing hinilamos sa mukha ko. Matapos akong gantihan ay mabilis na nakatakbo ang timang.
"Shit! Ang lagkit lagkit!"
Sigaw ko sa inis at lalo akong na inis sa baliw.
"Ahhhgrrr... Kara Christiiiinnnnnneee!" hiyaw ko sa gigil at hinabol ko na siya.
'Ang sarap niyang kurotin ng pinung-pino. Nakakapikon at nakaka-asar talaga ang baliw na ito.'
Habol ko hanggang sa maabotan ko siya't mahawakan.
"Pwede ba, pagod na ako. Tumino ka na nga KC!" hablot ko sa braso niya.
"Aray! Oh siya, titino na nga e." busangot nito at napansin ko na andito na pala kami sa salon na siyang mag-aayos sa pagmumukha ng baliw na kasama ko.
Bubuksan ko na sana ang pintoan. Nang sakto namang lumabas si Zaphie at Acxies sa bago nilang business.
"Oh Kristoff, anong nangyari sayo, ba't ang dumi ng mukha mo?" kunot noong tanong nito ng maalala ko na may ice cream pala mga mukha namin.
"Wala 'toh nagkatuwaan lang." Punas ko sa mukha ko gamit ang likod ng palad. Kaya inabutan ako ng tissue box ni Acxies.
"How are you Dude? Is she's the one?" sulyap ni Acxies kay KC.
"Oh, before anything else. Si Kara Christine pala. KC, si Zaphie and Acxies." pakilala ko.
See magkaibigan na kami simula noong ikinasal sila. Doon din nagsimula ang maganda naming pagkakaibigan. And now, we're in good term. Naging malapit na rin kami ni Acxies sa isa't isa.
"I'm fine Dude. How about you guys, may little junior na ba?"
"Wala pa nga eh. But soon."
"Bilisan n'yo na kasi. Para maging Ninong na ako." biro ko
Bumaling ako kay KC.
"Zaphie, si KC nga pala ang kaibigan kong sinasabi ko sayo na kailangan e make over."
Ngumiting tipid si KC habang tiningnan siya ni Zaphie mula ulo hanggang paa. Pagkuwan ay napatango ito.
"Tama nga ang sinabi mo. Isa nga siyang desperate wanna be model." ngiwi ni Zaphie sa itsura ni KC.
"What? Anong desperate, huh?
napipikong angal ng baliw sa akin at siniko pa ako.
"Wala, what I really say is that, ang PANGIT mo!" tugon ko na nagpapalala pa sa panglalait ko.
"Pangit pala huh, kung umbagin ko kaya 'yang pagmumukha mong ungas, huh?" taas kamao ng baliw.
"Miss KC, totoo naman talaga na ang pangit ng dating mo. Well, forgive me if I often you. But honestly, I'm not a rude person. I'm just telling you the truth." pagsasabi ni Zapie na kinatahimik si KC.
"Eh sa ganito gusto ko eh."
palusot nito habang naisipan niyang punasan ang dumi sa mukha.
"So paano Zap, iiwanan ko muna si KC sayo at bibili muna kami ng ma-iinom ni Acxies." saad ko
"Buti pa nga Dude, Tara."
Pagkuwan ay nagpunta na nga kami sa Star Bucks
MASAYA kaming nagkwe-kwentohan habang humihigop ng mainit na brewd coffee. Madami kaming pinag-usapan hanggang sa hindi namin na malayan ang oras.
Matapos makapag-take out ng makakain para kay Zaphie at KC, ay bumalik na kami sa salon.
"Mukhang nahanap muna atah ang katapat mo, Dude ah."
Natatawang susog si Acxies sa akin sa napagkwentohan namin tungkol kay KC. Kung paano kami nagkakilala ni KC sa Bar at kung paano kami pagmagkasama. Tawang tawa si Acxies sa mga sinabi ko sa kanya.
"Naku Dude, kung sakali man na magkatuloyan nga kami. Naku lagot, ano na lang kaya ang mangyayari sa amin, anoh? Maybe everyday mag-aalmosal siguro ako ng boxing, lunch ng karati at dinner ng wristling?"
Sagot ko na tawa namin pareho, hanggang sa agawin ni Zaphie ang pansin namin.
"Guys, pwede ko bang maputol ang tawanan n'yo?" excited na salubong sa amin.
"Of course, what is that honey?"
"The make over is done... and let me introduce to you, the new---" pabitin na turan nito habang may ikinukubli pa niya si KC sa likuran niya.
"Meet the beautiful Kara Christine Zaavedra." dugtong niya saka humakbang si Zaphie sa kaliwa at sawakas ay ipakita na niya ang bagong KC na inayusan niya.
Pagka-alis ni Zaphie sa kinatatayoan nito, isang nagnining sa gandang babae ang nakita ko. Isang babae na muntikan ko ng hindi makilala dahil sa pambihirang ganda niya na nakatago sa baliw na itsura. At habang tinititigan ko siya, tila lalo siyang gumaganda. Sa bighani ko'y halos malaglag ang aking panga at napatulala ako.
Nang matameme ako ay biglang yumuko si KC at ni ayaw niyang tingnan ang sarili niya sa malaking salamin.
'What's wrong with here? Didn't
she knew that she's so gorgeous? Sa katunayan pa nga'y mas maganda pa siya kay Zaphie sa paningin ko.'
"Wow, your so gorgeous." hindi ko mapigilang anas.
Ngunit ewan ko ba kay KC bakit ayaw niyang magtaas ng paningin. Nakikita ko sa mga mata niya ang kalungkutang humaharang sa ganda niya ngayon.
Nilapitan ko siya at inangat ko ang mukha niya.
"Look at your self in the mirror, ang ganda ganda mo pala KC."
totoong puri ko.
.
~***~
KC's POV
_
Hindi ko talaga maatim na tingnan at muling masilayan ang mukha na minsan nang naging tanga. Itong mukhang ito na paulit-ulit niloko at ginago. Sa mukhang ito na matagal na palang pinagkaisahan. At sa mukhang ito ay na ala-ala ko ang lahat lahat na katangahang nangyari noon sa buhay ko.
Ayoko nang mahina, ngunit heto muli nila itong pina-alala sa akin. Mabigat man sa kalooban ko ngunit kailangan ko rin ang trabahong inaalok ni Kristoff Kaya pagbibigyan ko sila.
Tinaas ko ang paningin ko at nagbabakasakali na wala ng sakit na mararamdaman. Ngunit ng tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Muling nanumbalik ang lahat ng kahapon ko. Sumiklab na naman ang galit ko at muling bumugso ang poot at pagkamuhi ko sa taong sumira sa buhay ko.
Gusto ko nang basagin ang salamin na nasa harapan ko, dahil narieito pa rin pala lahat ng sakit. Nakikita ko na naman ang tangang Christine, ang mahinang Christine na ginago, niluko, sinaktan, tinakbuhan, iniwan. Ang Christine na umani nang kahihiyaan sa buong angkan.
"Alin ang maganda d'yan? Ang pangit pangit ng taong yan. Tanga ang taong yan! Tanga!"
Biglang pang gigilaiti ko sa galit at napapaluha na ako sa sobrang sakit.
Kumuha ako ng tissue at binura ko ang lahat ng make up sa mukha ko, pagkuwa'y padamog akong nag-walk out sa kanilang lahat.
.
~***~
Kristoff's POV
_
Nagulat kami sa reaksyon at sa inasal ni KC. Pipigilan ko sana siya, ngunit pinigilan ako ni Zaphie at sinabihang pabayaan ko na lang muna ito.
"I guess hindi sa itsura niya ang may problema Kristoff. You need to fix her broken heart. Yon ang dapat mong bagohin sa kanya and the rest will be follow." malungkot na payo ni Zaphie.
Yumango na lang ako saka sinundan si KC dahil baka ano na namang kahibangan ang gagawin ng baliw.
Buti na lang hindi naman siya masyadong lumayo at agad ko siyang nahanap. Nasa mini garden siya ng mall. Umiiyak at habang nakatingin sa fountain.
"KC ano ba!" pihit ko sa kanya paharap.
"Pwede ba, h'wag mo nang paki-alaman ang itsura ko! Kung napapangitan ka at hindi ako pasado bilang interior designer para sa kaibigan mo. Okey fine! Hindi ko na ipipilit ang sarili ko." singhal pa sa'kin.
Hindi ba nakaka-inis siya. Siya na nga itong tutulongan, siya pang may ganang magrekramo.
"Alam mo, napakakitid talaga ng utak mo." kaltok ko sa noo niya. Inis na inis na ako. Sagad na ang pasinya ko sa babaeng ito.
"Bakit, mapapalamon kaba ng pagiging broken hearted mo, huh? Maswe-sweldohan ka ba ng mga nakalipas na ala-ala mo? Mabubusog ka ba d'yan sa pagiging bitter mo sa buhay, huh?!" singhal ko rin sa galit.
Napatahimik si KC dahil may point ang sinasabi ko. Pagkuwan ay umayos ako at pormal ko siyang kinausap.
"You must have to move on! You must have to work, for you to earn your own money, to pay your bills at para d'yan sa tiyan mong nagugutom." napapataas kamay kong sermon sa kanya hindi siya umimik
"Hindi lang puso mo ang kailangang sumaya at pakainin KC. Mas mamatay ka, kapag wala kang kapera-pera sa buhay. Iyan ang isaksak mo sa kukuti mo!" pagsiksikan ko sa kanyang kukote.
Napatingin siya sa akin na mukhang guilty.
"So now, are you still interested or not?"
"Oh siya, e treat muna na nga lang ako. Gutom na gutom na kasi ako eh, kanina pa." baliw nitong tugon.
Oh di ba nakakasar siya. Parang walang nangyaring pagwo-walk out at singhalan. Kanina malungkot siya, ngayon naman okey na siya at magpapalibre pa. Hanep ang takbo ng utak. Tsss.
"Si Rodora X ka ba, huh? Daig mo pa kasi ang sinto-sintu kung pabago-bago ng takbo ng utak eh. Hay naku!" kamot ulo.
Maya-maya pumasok na nga kami sa isang fastfood.
"D'yan ka lang, 'wag kang umalis baka ano na naman gawin mo eh." bilin ko.
"Guards!" Kaway ko sa dalawang gwardyang napadaan.
"Yes sir!"
"Bantayan n'yo siya. H'wag n'yong hayaang lumabas o umalis sa iyan kina-uupan niya. Dahil pag iyan nawala. Sisante kayo." pagbibigay utos ko dahil baka kung saan na naman ito magsusuot.
10 minutes after, bumalik na ako dala ang one try na order ko. Nang makita ko na nandoon lang si KC sa kina-uupoan. Seninyasan ko na ang gwadya na umalis na.
Nang makita na ako ng baliw na papalapit. Biglang bumusangot ang mukha niya habang nakatingin ito sa food try na dala ko.
"Iyan lang inorder mo? Anak ng tipaklong! Eh hanggang lalamonan ko lang naman 'yan eh." lekramo ni KC sa ilapag kong burger at soda. Grave ang babaeng ito, makakain parang jurasic lang.
"Ang takaw takaw," anas ko saka sininyasan ko ang tatlong crew at para dalhin ang 3 full loaded na order ko.
Nang makita niya ay nanlaki sa tuwa ang mga mata ng baliw.
"Iyan ang order, parang fiesta."
manghang saad ng matakaw.
At habang kumakain kami, kwentohan kami ng kwentohan tungkol sa kung ano anu. Habang walang paki si KC sa pag yunga at sunod-sunod na subo ng mga malalaking piraso ng pagkain.
Sa dami ng kweninto niya ay hindi ko namalayan na na-uubos na pala namin ang pagkain at busog na busog na pala kami.
"Ayon bigla na lang isang araw nagising ako. I woke up like this na. Matakaw, war freak, maganda at sexy." pagtatapos niya sa kwento niya dahil ubos na rin kasi ang pagkain na nilalantakan niya.
"Ako nga rin eh, alam mo ba noon, ang sama-sama kong tao. But after I was being hurt, nag-mature na rin ako at na-realize ko na hindi lahat ng mahal mo ay mapapasayo. Minsan kailangan mo ring magparaya." seryuso ko pang sabi
"Ganoon ba? Ang lungkot naman."
"Oo malungkot talaga ang buhay ko."
"Hindi buhay mo, kundi 'yong pagkain, ubos na kasi. Waiter pa order ng king size burger at combo pizza, please."
sigaw pang utos nito at talagang gutom pa siya? Isang order lang ang naubos ko at sa kanya na ang iba. Saan niya 'yon inilagay? Satalampakan niya?
"Ano hindi ka pa busog sa lagay na 'yan?" panlalaki ng mga mata ko sa hinirit nito
"Okey na, take out ko 'yon. Hindi lang naman ngayon ako kakain eh, may mamaya at bukas pa. Nang libre ka na eh, kaya susulitin ko na."
'Hanep makasagad ang baliw.'
"Grabe ka talaga! Sinasagad mo hanggang buto." napapalingo kong saad.
"Okey lang iyan, mayaman ka naman."
"Abosada ka na naman." sagot ko
At nang umuwi na kami. Ako na nga 'yong sumagot sa pagme-make over niya, sa pagkain at sasakyan. Ako pa talaga ang ginawa niyang taga bitbit ng lahat ng pinamili namin para sa kanya. Ganoon siya kung makasagad ng kabaitan ng tao. Grabe, critical!
____________________________________
Writer's Note
Hello good pm... Salamat pala sa tatlong magagandang readers ko na sumusubaybay sa novel na ito. Sana magparamdam kayo sa comment dahil baka multo kayo ah. Hahahaha.
Don't forget to vote ah? Salamuch!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top