Chapter Eleven
"Si Christine." mahinang tugon nito at sapat na para marinig ng lahat.
Then Kristoff look at me like he so impress
"Really?" hindi makapaniwalang turan ng shongak. At hindi ako nagpa-apekto sa flattery reaction niya. Dahil I'm sure drama lang ito. All I do is to stare at him with all the anger in my face.
"Kaya pala ang ganda ganda eh, may pinagmanahan pala ang design ng bahay."
puri o pang-aasar niya sa akin.
"Alam mo Babe, mukhang hindi naman ang bahay ang may problema dito, kundi ang taong nakatira sa bahay na ito. Nasa bahay naman ang lahat, ngunit sadya lang talagang bulag ang nagmamay-ari nito. Sayang dahil hindi nakita ang kahalagahan at kung anong meron ang bahay na ito." matinong turan niya na nagpa-antig sa puso kong nagpupuyos sa galit. Napa-angat ako ng mukha at napatingin kay Kristoff.
Huminga ng malalim si Axel at aminado siya na natamaan siya sa sinabi ni Kristoff.
"Pwede na ba tayong magpermahan na lang? So we can settle down and close the deal?" pagmamadali na niya
"Okey nang sa ganoon ay mailipat na rin sa'kin ang mahahalagang bagay na dapat ay iningatan." second strike pa nito.
Walang masabi si Axel kundi tumamlay at tumalima sa paghahanda sa mga dapat na pepermahan na mga kontrata.
Hindi ko nga sukat akalain na pati sa properties na binili namin noon ni Axel ay nagawa niyang agawain lahat ng share sa akin. Na kaya niyang ipangalan lahat ng ari-ariang napundar namin, sa pangalan niyang na naging conjugal property na nila ni Leslie.
At habang nagpepermahan na sila Axel at Kristoff ng mga papeles, muli kong naramdaman ang sakit sa puso ko. Tila bawat pahina na pinipermahan ni Axel ay wari puso ko na winawasak at pinupunit. Hindi ko maatim na panoorin si Axel sa ginagawa niyang pagbibinta sa property na pinaghirapan namin noon.
Gusto ko siyang sapakin at wasakin ang makapal niyang pagmumukha. Iyong tipong ipapakain ko sa bunganga niya ang hawak niyang dokumento, nang sa ganoon ay malasahan niya kung gaano ka pait ang lahat ng mga pangako niya noon sa akin. Iyong tipong ipapalasap ko sa kanya kung gaano pumakla ang lahat na matatamis na sinabi niya noon sa akin na puro kasinungalingan.
Ang bigat pa rin pala. Akala ko nawala na lahat. Akala ko nakapag move on na ako. Ngunit hindi pa pala. sumabog na ang puso ko sa pagtitimpi at bago pa ako maubos ng pasensya, ay padamog na akong tumayo sa kinauupo-an ko.
Patakbo akong lumabas, papalabas na ako sa gate, biglang may pumigil sa braso ko. Di ko nilingon dahil alam ko si Kristoff lang naman ito.
"Utang na loob Kristoff bitiwan mo ako. Gusto ko ng umuwi, pwede ba!" singhal ko habang hindi ko siya nilingon at tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko.
"Christine!"
bigkas nito at doon ko napagtanto na si Axel pala ang pumipigil sa akin.
"I'm sorry if I hurt you. I'm sorry for all the pain that I cause to you. Oo, aaminin ko, kasalan ko ang lahat. Pero kailangan na nating mag-move on. May Kristoff kana, may asawa na rin ako. Wala ng halaga ang bahay na ito, dahil may kanya kanya na tayong mga buhay, Christine." malumong saad niya sa akin.
Ngunit kahit ano pa ang sabihin niya. Hinding hindi niya ako madadala sa paawa effect at goodie looks niya. Co'z what he did is a bullshit boom in my life!
Ramdam na ramdam ko ang galit na yumayanih sa kalamnan ko. Halos mamula na ako sa tindi ng pagkamuhi ko sa kanya. Buong panggigil ko siyang hinarap at sinumbatan.
"Ang kapal kapal ng pagmumukha mo para sabihin sa akin na wala ng halaga ang bahay na ito! Bakit, ikaw lang ba ang may-ari nito, huh? At napaka walang hiya ng pagmumukha mo, para sabihin sa akin na mag move on ng ganoon kadali matapos ng lahat?" buong panggigilaiti kong singhal sa kanya.
"Ano bang akala mo sa nararandaman ko, huh? Sakit lang na nawawala ng isang pain reliever? Na isang sinat lang at kinabukasan ay mawawala na lang? How dare you! How could you decide to sell this house with out my consent Axel! How could you drag me deep down the grave! Just for what? Just for your own good sake! Damn you! Fuck you!" singhal na pagmumura ko sa tindin ng galit ko sabay paghahampas ko sa dibdib niya.
Hindi niya ako pinigilan pinabayaan niya lang akong mag wala at saktan siya.
"Kasi alam ko mahihirapan ka lang, masasaktan ka lang. Sa t'wing makikita mo ang bahay na ito KC. Ibibigay ko naman sayo ang kahalating parte ng pera. Hindi ko ito so-solohin. At makakatulong 'yon sayo para ibangon mo ang sarili mo."
naluluhang saad pa niya, na para bang pinapamukha niya sa akin na napaka-miserable na ng buhay ko at wala na akong ka-kwenta kwentang tao simula ng mawala ako sa tabi niya.
"Talaga bang mahalaga sayo ang pera, huh? Ganyan ka ba talaga kababaw, huh Axel?" bulyaw ko sabay malakas kong hampas sa dibdib niya
Huminga siya ng malalim.
"Wala ng halaga ang lahat KC." pagtatapos niya na mas lalong dumurog sa puso ko.
Lalo akong pinanghinaan at napahugot ng isang malutong sabay pakawala sa pisngi niya. Pagkuwan ay, deritsyo na akong tumalikod at pumasok na sa kotse ng tuloyan.
Nakita ko sa side mirror si Kristoff na na lumapit at kinakausap si Axel.
.
***
Kristoff's POV
_
Ngayon alam ko na kung bakit nagkaganito si KC, may dahilan pa pala siya kung bakit nagre- rebelde siya sa buhay niya. At kahit hindi sabihin kung ano ang punot dulo nito. Alam ko na kung ano ang dahilan dahil naranasan ko na ito.
Hindi ba ang sakit magmahal sa taong 'di ka naman mahal?
Nahabag ako kay KC at naiinis din ako kay Axel. Kung pwede lang sana bigwasan ang letseng ito, sinapak ko na ang pagmumukha ng kumag na si Axel para kay KC. Ngunit pinigilan ko ang sarili ko at umakto ng naayon sa profession.
Tinapik ko sa balikat si Axel.
"I'll just let my Attorney handle all settlement in this negotiation Axel. But for now, we need to go. Have a great day ahead, dude."
pormal kong pamaalam sa kanya na tinugunan niya ng pagtango habang may bahid ng kalungkot sa kanyang mukha. Pagkuwan ay lumulan na rin ako sa kotse at agad na ring umalis.
HABANG pauwi na kami, 'di ko magawang awatin ang mga luhang kumakawala sa mga mata ni KC. And seeing her like this is not so easy. Parang nasasaktan rin ako na ewan.
Ni hindi ko rin alam paano siya kakausapin sa ganitong sitwasyon. Ang hirap pala kung tahimik siya habang nasa malayo ang tingin at tuloy tuloy sa pagpapakawala ng mabibigat na patak ng mga luha.
Bukod pa roon, wala rin akong naririnig na hikbi o ngawa sa kanyang mga labi. Ngunit iyong luha niya'y bukod tanging kakaiba. Kakaiba dahil sa bawat patak nito'y dama ko ang sakit, bigat, paghihirap at galit. Kaya't pinabayaan ko na lang muna siya.
Narating namin ang kahabaan ng Edsa ng walang kibuan. At kung saan badtrip na badtrip si KC, ay siya namang paglala ng traffic. Sa haba at usad pagong na takbo ng traffic ay halos masuya ka sa tagal at bagal. Dagdagan pa ng nakakabulahaw na busena ng mga sasakyan, na tila lahat nagmamadali.
"This traffic is a shit!" namura ko at napansin ko si KC na iimberna na rin sa kinalagyan namin.
Mukhang inis na inis na siya at parang sasabog na ang ulo niya sa sobrang ingay at bagal. Hanggang sa bigla na lang siyang bumaba at tumakbo papalayo.
"KC saan ka pupunta?" sigaw ko at pipigilan ko pa sana siya, ngunit 'di ito nagpapigil.
Dali-dali akong bumaba upang sundan siya.
Hinabol ko ito ngunit ang bilis niyang tumakbo at nang makaliko siya sa may eskenita, ay agad na akong nalingat at nawala na siya sa aking paningin.
Agad kong tinawagan si Ninong para hingin ang number ni KC at ng matawagan ko't masundan kung saan siya papunta.
Hindi naman pinagdamot ni Ninong ang number. Kaya agad kong tinawagan ito. Sa umpisa nagre-ring pa ang phone ng dalaga, ngunit nang tumagal, out of courage area na ito.
Hinanap ko siya kung saan saan, at maghapon kung ginalugad ang kabuohan ng syudad dahil baka nasa paligid lang siya. Ngunit gumabi na lang 'di ko siya mahanap-hanap.
Maghahating gabi na ng makauwi na ako sa condo. Hindi ako mapalagay habang nasa balcony ako at kita ko ang lawak ng metro Manila. Hindi ako mapakali at makatulog sa pag-alala kung ano na kaya ang kalagayan ni KC. Hindi ko maalis sa isipan ko na baka nagpakamatay na iyon ng tuloyan. Kaya sa sobrang pag-alala ko halos maubos ko na ang isang buti ng alak.
'Asaan na kaya ang timang na 'yon? Baka ano pa ang gagawin ng babaeng iyon sa sarili niya. Tsss.'
Himutok ng utak ko habang tinutungga ang bote ng alak. Naku-konsensya ako para sa kanya, dahil baka magpakamatay nga siya't ako pa ang masisi.
Habang palakad lakad ako sa kinalalagyan ko na gulat pa ako sa malakas na sunod sunod na katok sa pintoan ko.
Wala akong inaasahana na bisita kaya hindi ko agad ito pinagbuksan. Ngunit habang tumatagal ay lalong lumalakas ang kalampag sa pintoan ko. Lalo akong na inis sa letseng bastos na panauhin. Buong bigat akong nagmartsa papunta sa pintoan saka padamog na pinagbuksan ito.
Pagkabukas ko sa pintoan, isang babaeng nangangamoy alak ang bumungad sa akin at bigla pa itong nabuwal papunta sa akin. Buti na lang at maagap ko siyang nasalo paakap. May kulay royal blue na buhok ito at hindi ko siya mapagsino.
"Hey, who are you?" tanong ko habang pilit ko siyang pinapatingala.
"Hhmm ano ba bitiwan mo ako." lasing nitong turan at sa boses niya mukhang familiar. Kaya paakap ko siyang inangat at
hinawi ang buhok niya saka doon ko napagsino ang gaga.
"KC?" gulat kong anas
"Saan ka ba ng galing, huh? At paano mo natonton ang condo ko?" pagtataka ko. Pero dahil lasing siya hindi ito kumibo. Bagkus pa'y itinulak ako at pasuray-suray na pumasok at deritsyong humilata sa sofa ng living room ko.
"Ang init init, paandarin mo nga 'yong aircon, electricfan, refrigerator, frezzer at lahat na pampalamig, bilis!" utos pa ng baliw sa akin sabay wala sa sariling tinanggal ang butones ng long sleeve niya.
"KC ano ba kababae mong tao nag huhubad ka sa harapan ko." awat ko bago pa niya tuloyang mabuksan lahat ng butones.
"Bakit ayaw mo ba, huh? Hindi ba sabi mo pa nga kanina fiancee na mo ako? Oi ikaw ah, may gusto ka sa'kin ano? Crush mo ako 'noh? Love mo ako 'noh? Naku naku, tsek tsek," ngisi ng baliw habang may papilig-pilig pa sa ulong nalalaman.
"Alam mo Kristoff, kung ako sa'yo 'wag ako ang mahalin mo dahil for sure masaktan ka lang. Kasi ako iyong tipong tao na hindi naniniwala sa pag-ibig. Dahil in real life, forever never exist." dudot niya sa daliri niya sa pisngi ko
"Lahat ng taong mamahalin mo ay sasaktan ka lang at iiwanan kanang luhaan. Dahil sa mundong ito lahat nagbabago lahat naglalaho, kaya tanga na lang talaga ang naniniwala sa forever oi," daldal niya sabay tulak niya sa mukha ko gamit ang isang palad niya.
Matapos ay napatagilid sa paghiga saka napakamot sa katawan niya na parang hindi mapakali.
"Ang init," lekramo niya habang nakapikit ang mata. Mayamaya bigla niyang pinagtatanggal ang suot niya.
"KC, what are you doing shit!" awat ko ng i-angat niya ang damit pang itaas niya at bago pa niya mahubad ang longsleeve niya ay kumuha na ako ng kumot sa kwarto.
Five seconds lang ako umalis, pagbalik ko ay nakadapa na baliw na saplot ay bra at panty short na lang.
'Napakahalay talaga ng baliw na ito. Tsss.' lingong turan ng utak ko saka tinakpan ko na siya ng kumot.
'Pasalamat ka baliw ka mabait ako ngayon. Kundi talagang kanina ko pa nilapastangan iyang nakaka-akit mong katawan baliw kang bweset ka!' gigil ko sa inis sa kanya.
Hilik na hilik pa ang may tiriring habang kahit hindi ko siya nilalapitan ay umaalingasaw ang maasim niyang amoy na may halong panis na alak. Yuck! Kamot rin siya ng kamot, tila nangangati siya sa mainit na pandama niya.
Kaya kahit labag man sa kalooban ko ay pinilit ko na lang sarili ko na kumuha ng pamunas. Para kahit paano'y gagaan ang pakiramdam niya at nang luminis naman ang pagmumukha niyang parang inamag na GRO na inabot na ng expiration date.
"Fuck! I never did this before! Kung hindi ka lang talaga inaanak ni Ninong, talagang sinipa na kita palabas, baliw ka!" himutok ko habang pinunasan ang mukhang tangang baliw.
Malapit na akong matapos sa paglilinis sa maasim niyang katawan ng biglang tumunog ang door bell ng unit ko ng paulit-ulit. Kung makapag-door bell parang ngayon lang ito nakakita at nakapindot door bell. Tsss.
Padamog kong tinungo at pinagbukasan ang istorbong panauhin at ng mapagsino ko, isa pala itong taxi driver.
"Sir bag po ni maam Christine, naiwanan niya sa taxi ko." bungad sa akin sabay abot sa'kin sa bag.
'Talagang ang burara ng baliw na babaeng 'yon at buti na lang matino ang driver na ito't ibinalik pa ang bag niya. Tsss. Napakapasaway talaga niya, grabe!'
Binalingan ko ang driver.
"Kilala mo si KC, ikaw ba naghatid sa kanya dito, Manong?"
"Oo sir,"
Yumango ako at dinukot ko ang wallet sa bulsa para abutan ito ng pera
"Okey, ito oh tip ko sayo, Manong." abot ko sa pera.
"Naku Sir 'wag na ho. Nakasanayan ko na hong ihatid si Maam Christine dito nang lasing. Saka ho, malaki ho ang naitulong ni maam sa amin noon, kaya malaki ho ang respeto ko d'yan kay Ma'am." ngiting tanggi ng maykaidarang lalaki.
"Ganoon po ba, saan mo ba siya natagpo-an, Manong?"
"Doon 'yan nag la-lage sa Ma'am Christine sa foreverstreet. Doon sa harapan ng malaking simbahan, Sir. Kapag lasing na lasing na ho siya doon ho iyan pumupunta." salaysalay nito na nagpatigil sa'kin dahil may na-alala ako sa lugar na binanggit niya.
Forever Street? Hindi ba doon ako nakasagasa ng isang babaeng ikakasal sana two years ago?' na-alala ko.
"Wala siyang ibang ginagawa kundi angumiiyak ng umiiyak. Doon na rin ho iyan nagpapalapas ng umaga. Kaya pag nadadaanan ko ho siya ay nagkukusa na lang ho akong ihatid siya dito. Minsan nga rin po napapapaulan ho iyan doon. " dugtong kwento niya na napatigil sa akin.
"Ganoon po ba manong?" balik ko sa pansin sa kanya
"Opo Sir, kaya paki alaga na lang ho sa kanya, huh? H'wag po kayong tumulad sa lalaking noo'y pakakasalan sana niya po, huh?" ngiting biliin pa ng matanda sa akin na pabiro. Per teka
'Papakasalan? Si KC ikakasal sana?' nabuklod ko.
'Siya nga ba ang bride nasagasaan ko 2 years ago?'
____________________________________
Writer's Note
Sana ay nagustohan n'yo ang update. Just leave your comment and reaction sa story ko or sa update na ito. Para naman alam ko naman ang tanaw n'yo sa takbo ng story. Hehehe. Okey, have a good day.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top