Chapter Eight
"Craziness Over Load"
KC's POV
Halos lumuwa na ang mga mata ng shongak kaka-ubo dahil tuloyan na nga itong nabila-ukan.
'How I wish, sana matuloyan na rin siya so that people will know, kung gaano siya ka takaw na tao para mamatay dahil sa kasibaan.'
ngiting demonyo ko habang masayang pinagmamasdan ang namumulang si Kristoff na patuloy na nasasamid.
"Anong nangyayari, KC? Talaga bang may lason ang pagkain na ito, huh?" galit na tanong sa akin ni Ninong, habang dinaluhan ang bakukang na si Kristoff
"Wala ho Ninong. Malanis po ang mga iniluto ko. Siguro po'y nalason lang ho siya, sa mga pinagsasabi niya kanina sa'kin. Lason na tawag ay KARMA!" giit ko sa huling salita
Matapos ay hindi na magkanda-ugaga si Ninong hagod sa likuran ni Kristoff hanggang sa isuka nito ang lahat ng kinai
'Yuck! Nagkalat pa ang damohong! Bweset!'
Tumingin ako sa hinayupak na bahagya ng nahihimasmasan sa ginawang katakawan niya.
"Tubig, kumuha ka ng tubig." utos sa akin ng matanda
Kaya inabot ko may lamang pitsel at sinalinan ng tubig ang basong nakalapag sa tapat nang bakukang na tokmol. Nang inabot ko'y agad naman niyang tinanggap at ininom.
Halos inubos niya ang tubig nito upang alisin ang bumarang pagkain na nasa lalamunan niya. Nang matagumpay nga niya itong nagawa, ay buong sayang napasandal ang kumag at napahingang malalim. Sa wakas nakaraos na ang matakaw na ungas.
"Nakakadiri ka. Yuck!" ngiwi ko na ikinahiya niya ng bahagya.
Matapos ang nakakadiring pangyayaring iyon. Lahat kami ay nawalan na ng ganang kumain.
"So, I guess watching fireworks diplay is nicer to do than staring this each other here?" basag ni Ninong sa pananahimik naming tatlo habang naka-upo sa hapagkainan at walang ibang ginawa kundi titigan lang ang pagkain.
"Yeah your right, Ninong. Besides, I already lost my appetite after all Ninong." segunda ko at na una ng umalis
"I'm so sorry Ninong," mahinang turan na narinig ko mula kay Kristoff
Ayon na nga, simulan na nga nila Ninong ang pagsisindi at pagpapalipad ng mga firework display na naging kasanayan na rin nila na gawain t'wing bagong taon.
At habang lumilipad ang makukulay at mga nag gagandahang fireworks sa kalangitan. Magkasamang pinagmasdan nina Ninong at Kristoff shongak ang naturang pangyayari habang sinabayan nila ito ng pag-inom ng alak.
Matapos maupos ng fireworks display ay nag patuloy ang dalawa sa kanilang ginagawa. Hindi maikakatwa na masayang masaya sila sa kanilang pinag-uusapan habang nilalaklak ang case ng beer.
Ako naman, andito sa tabi ng pool. Kasalukoyan kung ibinababad ang aking mga paa sa malamig na tubig. Limang dipa lang ang layo ko, mula sa kanilang dalawa, kaya kahit paano'y naririnig ko pa rin ang pinag-uusapan nila.
Tahimik kong pinapanood ang natitirang fireworks display mula sa kalapit na mga kabahayan habang palihim na pinapakinggan ang usapan ng dalawa.
"Ninong, si KC ba talaga 'yan?
narinig kong tanong nang shongak na hudyo saka sinulyapan ako
"Oo, ano ba akala mo, after this year matabang KC pa rin ang makikita mo?"
"No, what I mean Ninong, how come na 'yong mabait, iyakin, understanding at balat sibuyas na KC na kilala ko noon, ay magiging wild, out of the box, dangerous at war freak na, na tao ngayon?" paglilinaw ko
biglang natahimik si Ninong at sinulyapan ako sa saka tumingin sa kausap niya
"May pinagdadaan ba siya Ninong?" dagdag usisa pang nang chismoso. Ngunit imbes na sagotin siya ay nilaguk ni Ninong ang natirang alak sa baso nito saka muling binalingan ang kausap
"Alam n'yo, napagtanto ko, mukhang kayo atang dalawa ang pinagtadhana sa isa't isa. Parehong pareho kasi kayong dalawa eh. Mga bigo, mga war freak, mga bitter."
Saad ni Ninong na nagpatawa isip-isipan ko, pero 'di ako nagpahatala na natatawa nga ako dahil baka malalaman nilang nakikinig pa pala ako sa usapan nila
Natawa ang shongak na si Kristoff.
"Ninong naman. Kung 'yan lang rin ang babaeng itinakda sa akin, siguro po'y mag pa-pari na lang ako o di kaya'y mas maging maging dakilang matandang binata na lang kaysa makasama ang isang huklobang baliw na 'yan."
May palingo-lingo pa siya as if papatulan naman papatul ako sa isang timang na kagaya niya. 'Shit, never! Sarap niyang bigwasan. Ako pa talaga ang tinawag na hukloban? Wow, ang kapal ng mukha! Nakakakulo siya ng dugo! Ongas talaga siya! Ongas! Grrr...'
"Alam mo 'yang si KC pag nakilala mo ng husto I'm sure hinding hindi mo na 'yan pakakawalan pa. Believe me Kristoff, she's a good catch. She's right choice to be with for the rest of your life. Look-" putol niya sa sasabihin niya at nilingon ako saka lumapit siya ng kaunti kay Kristoff. Tila ayaw ni Ninong na marinig ko ang sasabihin niya.
Ninong talaga oh, binubugaw na ako sa timang na masiba.
"Magaling magluto iyan, maalaga, matalino, maputi, maganda-"
"May kulorete ang mukha, may sayad sa utak, daig pa ang colorwheel sa pabago-bagong kulay ng buhok, may sayad sa utak, pikonin, palaway at higit sa lahat bulinaw laman ng utak."
Nagawang dugtong ng hinayupak sa good compliments nang Ninong ko.
'Abah, letse ka!' gusto ko ng sumingit para supalpalin ang hambog pero h'wag muna.
"Alam mo, bawat isa kasi sa atin, ay may kanya-kanyang paraan ng pag o-over come ng mga problema sa buhay," matinong tugon ng matanda.
"Iba iba ang paraan ng pagmo-move on, ng pagpapahilom, o paraan para makalimut sa mga masasakit na nakaraan natin, Kristoff. Iyong iba madali para sa kanila. Habang iyong iba mahirap para sa kanila." paglilinaw ng matanda
"Kanya-kanya tayo pagdating sa mga bagay na ganya. Kaya h'wag natin siyang husgahan kung anong itsura niya ngayon. Kung bakit siya ganyan ngayon, dahil hindi natin alam kung ano talaga ang napagdaanan niya. Kung gaano ito kasakit para sa kanya."
Kaya kung ano man ang ginagawa niya ngayon, siguro 'yun yong paraan niya upang malagpasan niya ang lahat na masasakit na alala ng kahapon niya." kinalungkot kong saad ni Ninong dahil tama ang lahat ng sinabi niya
"Yon lang? Tapos nagkakaganya na siya?" natatawang ismid nang hinayupak
"Eh ako nga Ninong eh. Bestfriend ko na minahal ko ng mahabang panahon. Pero ayon... nagawa niya parin akong saktan at iwan." papiling-piling sa ulong pagkakasabi. Na tila ba'y gusto niyang ipamukha na mas kawawa siya.
"Hindi ko nga lubos akalain na makakaya nga niya akong ipagpalit sa isang lalaking kakakilala lang niya, that istead of me who's always there for here mula high school hanggang sa college. But then, pinagmukha niya lang akong gago." simulang hinaing niya.
'So bestfriend pala niya ang bumasag sa puso niya? Hhmm. Bakit kaya? Siguro dahil sa ugali niyang mukhang gago rin.'
At nagpatuloy siya sa pagiging paawa victim
"At hindi ko pa maintindihan, Ninong, kung bakit niya ito nagawa? All I just did is to love her and gave everything just to make her realize that I am more than enough."
"Pero bakit... bakit kulang parin? All I want and All I just did to her... ay mahalin siya, alagaan siya, protektahan siya. Pagkatapos, ano?" sentimento ng lasing
"E susumbat lang niya sa akin na hindi raw ako marunong magmahal, na sobra na ako't nakakasal na ang pagmamahal na ibinuhos ko sa kanya. Eh kung totoosin nga, ibingay ko na ang lahat lahat, ngunit hindi pa rin naging sapat. Putang ina niya!" gigil niyang mura saka binuksan ang isang bote ng alak at nilagok iyon.
Hindi kumibo si Ninong. Ganyan siya pagnagsasabi ka ng problema. Hahayaan ka niyang ilabas lahat ng hinanaing mo para raw maalis lahat ng laman at nang mabuhosan naman niya ng mga payo na ikakabuti mo.
"Ano po bang problema niya, Ninong? Pinagpalita ba siya sa iba, iniwanan, niloko?" usisa ng tokmol
"Dapat kasi sa kanya, tanggapin na lang niya at masanay na siya na ganoon talaga. H'wag na rin siyang o.a kasi hindi naman talaga niya pag-aari ang mundo para titigigil ito sa t'wing mabibigo ang puso niya."
turan nito na nagpamukha sa akin kung gaano kakitid ang utak ko. Nainis man ako ay may point rin naman ang pagmamarunong niya.
'Abah! Nagmamarunong ka pa talaga sa problema ko! Akala mo happy ang lovelife niya. Sarap umbagin ng mukha niya.'
Tumayo ako at pa simple ko silang nilapitan, hanggang sa hindi namalayan ni Kristoff nasa likod na pala niya ako. Pakuyogpos akong tumayo sa likuran niya
"Abogado ka ba talaga, huh? O FBI ng mga lovelife? Bakit ba ang dami mong tanong sa lovelife ko, huh? At ano bang paki mo kung iniwanan o sinaktan ako ng ex ko, huh?"
turang ikinagulat ng timang. Napa-igtad pa siya sa gulat ng pagsulpot ko.
"War freak ka talagang kabuti ka! Kaya ka siguro iniwan ng boyfriend mo, kasi maluwang na iyang turnilyo sa utak mo. Palibhasa kasi inakyatan na 'yang utak mo ng rabis at titano, kaya't unti-unti ka ng nababaliw."
panglalait niyang na kina-igting sa pandinig ko. Siningkitan ko siya ng tingin at napapatimbaga sa pinagsasabi niya.
"Baliw baliw baliw, KC baliw," parang batang susog sa akin habang paikot ikot pang kinukumpas ang hintuturo niya sa sintido niya dahilan para iyong pagtitimpi ko'y nagawa niyang sagarin.
"Talaga? Ako baliw? Pwes, hetong sayo!"
Hugot ko ng malakas saka binitiwan ang isang malutong na sapak. Ngunit sa liksi ng kumag ay nagawa niya itong ilagan. Saka ng maka-bawi ay umakto itong makikipagbuno-an sa akin.
Dahil lasing na si Ninong, wala na itong nagawa kundi ang humilik at matulog sa kina-uupoan. Ngayon mas magugulpi ko ang tokmol na ito. Lagot ito sa akin ngayon.
"Hindi mo ako kaya, kaya't kung ako sayo. H'wag muna akong subukan Baliw." pangisi-ngising daldal nito habang pasuray-suray.
"Talaga lang huh, pwes hetong sayo!" sigaw ko at nang malingat ko siya'y agad ko siyang tinulak papuntang pool at deritsyo itong sumimplang at humampas na nahulog sa tubig.
"Happy new year, ulol!"
bati ko sa kanya sabay walk out ko habang siya naman ay parang palaka na pakapa-kapa sa tubig.
KINAUMAGAHAN, naabotan kong nakahilatang natutulog si Kristoff sa sofa ng sala.
'Kadiri ang taong 'toh ang pangit pag lasing.'
Lalo pa akong na badtrip ng mapansin ko ang nagkalat na mga bote ng alak na walang laman. Lahat ng pinamili kong wine ay talagang inubos niya. Kung makahilik pa ito'y ang ingay atblakas. Akala niya'y pagmamay-ari niya ang buong mundo.
ismid ko sa kagwapong meron siya sabay pasipa ko siyang ginising
"Hoi gising batugan!"
"Tayo d'yan, gising! Bumangon ka na dyan at bayaran mo 'yang nilaklak mong alak. Dahil pera ko ang pinambili ko dyan!"
bulyaw ko at nang 'di ito umubra, tinapik ko na ang shongak sa pisngi niya.
"Ano ba gising na lasingo! Tanghali na!"
"Ano ba, ang ingay-ingay! Kita mo pa ngang inaantok 'yong tao eh. Istorbo naman oh!" na-iinis nitong kamot sa ulo habang bahagyang iminulat nito ang mfa mata.
"Gumising ka na kasi d'yan!"
Sabay hampas ko ng unan dahilan pa mapabalikwas siya ng bangon at inis na inis itong sinangga ang hampas ko sabay hila niya't agaw sa unan.
"Ano ba, huh? Napaka-nagger mo talaga! Siguro, kaya ka iniwanan ng boyfriend mo, dahil umagang umaga pa nga lang, ang ingay ingay muna. Nakakabulahaw na iyang bibig mong parang pwet ng manok!"
asik ng shongak na kinainit na naman ulit utak ko. Bakit ba kasi parang plakang sira ang tokmol na ito? Pa-ulit ulit ino-okray ang love life ko. Ano siya alarm clock ng kamalasan ko? Daig pa niya ang konsensya kong na nahimik.
Kaya napahawak ako sa isang throw pillow at binuhos ko lahat ng panggigil ko sa tipaklong na ito.
"Paulit-ulit talaga, huh?"
Sabay bato ko ng throw pillow sa shongak. Nang 'di siya madala malambot na bagay ay hinablot ko na ang abot kamay na flower vase at buong gigil itong hinawakan.
Nang makita niya ito na hawak ko, tila binuhusan ang timang ng malamig na tubig at buong diwa itong nagising. Sa takot niya'y deritsyo itong napabalikwas ng tayo.
"Hey! H'wag yan! Masakit yan!"
lingo-lingong sigaw ni Kristoff sabay takbo at nagtago sa likod ng sofa.
Ngunit sa ginawa niya mas lalo pa akong ng gigil na batohin ang timang na kagaya niya. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang panggigil ko at tuloyan na ngang lumipad ang flower vase patungo kay Kristoff.
Wasak itong tumama sa pader hanggang sa bigla na lang akong nadala ng bugso ng damdamin ko't nadampot ko na ng sunod-sunod ang mga palamuting figurin saka nagsiliparan na patungo sa pinagtatangol nang duwag na shongak.
Habang inuulan siya ng kung anag ano-anung mahawakan ko'y sumigaw rin ito ng
"Tama na! Hindi ako ang ex mo okey? Hindi ako ang ng iwan sayo, ng oto sayo, nagsira sa virginity mo!"
rinig kong sigaw niya na lalong magpasabog sa naglalagablab na galit ko sa kahapon at ngayon.
'Aaahhhggggrrrr!' gigil ng kaloob-looban ko at talagang lahat ng nakalipas na pangyayari ay tila biglang naging sari sa puso at isip ko.
Lalo akong dala sa panggigilaiti hanggang sa hindi ko na, na pigilan at biglang nagdilim ang pangingi ko. Tuloyan kong nakalimutan na tao ang kaharap ko.
"Ahhhgrrrr!"
buong gigil kong sigaw saka pinagdadampot lahat ng kagamitan sa paligid at bawat mahawakan ko'y binabato ko sa kanya hanggang sa silya na lang ang tanging malapit sa akin.
Sa tindi ng galit ko'y nakalimutan kong maging matino. Tumalima ako sa pagbuhat sa silya saka walang takot binuhat at isinugod kay Kristoff para ihampas ito pagmumukha niya.
Gigil na gigil na ako at buong lakas na bumwelo sa paghampas nito sa kanya. Ngunit bago ko pa magawa ang karumaldumal na nais ay biglang sumigaw si Ninong ng
"H'wag!" makapangyarihan niyang pigil na sigaw at nagising ako sa kahibangan ko. Nginig na nginig ako sa takot.
Hindi ko lubos akalain na nagagawa ko ang mga bagay na ganito. Nagiging halimaw na nga ako lately. Shit! This is not me!
pilig ko sa ulo ko at pabagsag kong inilapag ang upoan saka napahingang ng malalim.
"Sos maryusep, KC! Magsitigil kayo! Para—"
"Mamamatay-"
"Kristoff ! Tama na h'wag ka ng magsalita utang na loob!" buong panggigil na awat ni Ninong sa sasabihin sana ng hinayupak.
"Sige ituloy mo, na ano? Na sana mamatay na ako, huh?"
singhal ko sa kanya at grabe ang bugso ng galit na nararamdaman ko, umaapaw hanggang sa ulo ko. Tila bahang lumulunod sa katinuoan ng pag-iisip ko.
"For Good sake-" naputol na turan ni Ninong saka biglang napahawak sa ulo.
Mukha siyang inaataki ng altapresyon.
Nagtaas ng kamay si Kristoff ng makita niya si Ninong na tila may dinaramdam ito.
"Okey, I surrender. Sige ikaw na, ikaw na ang reyna, ang biktima ng mga taong paasa, reyna ng broken hearted, nang mga bitter, ng lahat lahat na!" nagawa pang-pang-aalaska sa akin
"Ang pangit pala maging bitter at maging broken hearted, anoh? Nakakabakulaw. See yourself kulang na lang sa'yo sungay at buntot at certified demonyeta ka na."
hindi matawarang pang-aasar ng malignong ito. Shit! Bweset talaga siya!
Nanggigilaiti ang panga ko at muli na namang dumilim paningin ko sa kanya.
"Hindi mo ba talaga ako titigilan, huh? Ayaw mo ba talagang tumigil sa pang-aasar mo sakin?"
nanginginig ko sa galit
"Huh? Ahh.. wala, surrender na nga ako, oh. Ito na oh, nakataas na ang mga kamay ko at aalis na ako. Uuwi na ako, bago pa masira ang taon ko at mahawa sa dala mong sakit sa utak, baliw!"
sagot nito sabay karipas ng takbo matapos niya akong sabihan na baliw. Sa inasal niya, para siyang hinahabol ng halimaw sa banga.
"Duwag pala toh, eh. Supot!"
pikon na pikon kong sigaw sa kanya habang hinahatid ko ng tingin ang papalayong timang na bahag ang buntot.
____________________________________
Writer's Note
Kumusta kaya itong mga readers ko? Hindi kaya zombie na ang mga to? Walang ni ha he hi ho hu e 😫 Tahimik nila ano? Masaya kaya sila habang binabasa itong story ko??? Hhmmm?
Ano kayang nararamdaman nila o na-iimagine nila habang binabasa nila itong story ko? I'm so much curious. May sasagot kaya? Hello? Hi? Hola?
Ah baka Alien sila? "Dat dat dedot... Det dat dot... dot derededot??? 🤓
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top