Chapter 9
Gary's POV
This woman have no idea how much I love her. Habang sinasabi ko yun, hindi ko maiwasang makaramdam ng takot. But then I will take the risk no matter what. Hindi kami uuwi hangga't di ko nasasabi kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. Its already 12 midnight noong nakatulog ako. Pinag-iisipan ko kung paano ako magtatapat .
Gising na gising ako. Its already 6:00 a.m. in the morning. Ano na kaya ginagawa niya? Bumangon na ako at naligo. After doing my morning routines, lumabas na ako. There I saw her, nag uunat ng braso niya. Mukhang kakagising lang nito. She's wearing a simple floral dress. Nang lilingon na siya, kunyari pumasok ako sa kwarto ko. Sumilip ako ng kaunti sa labas. Wala na siya. Nagdesisyon akong lumabas. I was walking when I hear my name.
"Gary! Sabay tayong kumain," its her calling me. Nilingon ko siya. Nakapulupot sa ulo niya ang towel. Nakasuot na ito ng black shorts at plain shirt na kulay white. She's so simple but gorgeous.
"Bakit? Masarap ka bang magluto," asar ko. Awtomatikong kumunot ang noo at tumaas bahagya ang kilay niya.
"Bahala ka dyan. Umalis ka nalang sa harapan. Naiinis ako sa mukha mo," nagtatampong sabi nito. She's doesn't have an idea that I'm so happy na niyaya niya akonko? kumain.
"Ang bilis mo naman sumuko. Nagugutom na din kasi ako," pumasok na ako sa kwarto niya.
There in a small table the breakfast was already served. Ang aroma ng morning coffee, fried egg and rice. Simple pero masarap.
"Nag order lang kaya ako. Hindi kaya pwede magluto dito. Maaga kasi akong nagising," medyo nadissappoint ako. But apart from that, I am overwhelm with this breakfast na kasama siya.
"Mabuti naman. Kasi baka lasunin mo Ako," asar ko ulit.
"Pumunta ka lang ba dito para sirain ang araw ko? Kasi alam mo, asar na talaga ako," reklamo niya.
Hindi na ako nagsalita pa baka sipain ako nito palabas.
"Matanong nga kita, doon sa sinasabi mong babae, bakit asar siya sayo?"
Hindi niya talaga alam. Siya kaya ang tinutukoy ko.
"Babastedin ka niya sigurado. As you have said last night, inis siya sayo. Ikaw naman kasi, akala mo lahat nadadaan sa biro," medyo seryoso niyang sabi. I do not know how I will react. Maybe she will reject me like what she said.
"Hindi naman. Mataas lang ang sense of humor ko."
"Sense of humor? TSS."
"Bakit ka ba nagagalit sa akin? Totoong mataas ang sense of humor ko. But then, I will take your words as an advice. I will not joke around," paliwanag ko.
She just continue and no words come out from her mouth.
Tumunog ang phone niya. Sinagot niya agad ito.
"Tatawag lang ba kayo para talakan Ako? I just want to be alone. Bye," sabay baba ng tawag. Sa tingin ko, her parents contacted her.
"Bakit?" She look at me annoyingly. Umiling lang ako.
"Wala na ba akong karapatan magbakasyon. Jeez, nakakapagod magkaroon ng nanay na palaging maingay ang bunganga," dagdag niya pa.
"Nag-aalala lang siguro siya. Hindi ka kasi nagpaalam."
Tumingin ito sa akin at sumubo. "You will understand soon," pagkatapos niyang malunok ang pagkain. Hindi ko namalayan tapos na kaming kumain.
Tinawagan niya ang staff at pinakuha ang pinagkainan namin.
"Thank you sa pagkain."
"Welcome," sagot niya.
"Can I ask you something serious," tanong ko. Tumango siya.
"May nanligaw na ba sayo," napatingin siya sa akin.
"Meron. Highschool. Nabasted ko siya dahil masyadong mayabang. Isa pa, bully yun," sagot niya. Ibig sabihin wala na nag attempt manligaw dito. Medyo natakot tuloy Ako.
"What if someone confess to you? Will you give it a chance?"
"No. Kasi wala naman nagconfess sa akin," simpleng sagot niya.
"Eh kung meron."
"Sandali nga, bakit ang chismoso mo sa love life ko?"
"Hindi ako chismoso. I just want to know. Malay ko ba, tomboy ka. Trip mo din girls," nasapok niya ako ng wala sa oras.
"Tss. I am not what you think. Kung may aamin man sa akin, I will keep it for myself. Hindi ko na ipapaalam sayo baka asarin mo pa ako."
"Talaga? Paano kung ako yun," nagulat yata siya sa sinabi ko. Kahit ako nagulat din. This is not what I have planned.
"Hahaha! Hahaha! Nakakatawa ka," akala ko pa naman okay na. Worst, sshe just laugh at me. Tumayo na ako para lumabas.
"Uy! Sandali lang," pigil niya sa akin.
"Nakakatawa lang kasi. Its unexpected for me to hear it from you."
"Kasi hindi ako seryoso," sabay tingin ko. "I am not always what you think Ginger. Kapag sinabi ko, Totoo," natahimik siya bigla. Tuluyan na akong lumabas . maybe I should stop this feelings. Its unhealthy.
#Confessions
#love
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top