Chapter 8.

Ginger's POV
Medyo nadissappoint ako sa sinabi niya kanina. Lakas ko mag assume na pumunta siya dahil sa akin. What I am thinking?

Nakaupo ako sa may tabing dagat. Medyo malilim dahil hapon na. Ilang oras din akong nakaupo at nagdesisyon bumalik sa kwarto.

Nakasalubong ko siya ulit.
Diretso ang lakad. Wag lilingon Ginger.

"Iniiwasan mo ba ako? Kung oo, tell me. Ayoko lang na di tayo nag uusap," sabi niya sa akin. Hindi ako makasagot. Takot akong sabihin ang totoong dahilan. Nakatitig pa rin ito sa akin. Nakaharang tuloy kami sa daan.

"Hindi."
Maikling sagot ko.

"Then why?"

"Gusto ko lang magbakasyon gaya mo," pangit ng sagot ko.

"Nag-alala ang parents mo. Nandoon sila sa bahay namin. I didn't tell them na nandito ka. I don't want to ruin your vacation," lagot na! Pero thank you din sa kanya dahil di niya sinabi.

"Pwede mo ba ako samahan," tanong niya sa akin. Bakit ba bigla nalang iba ang nararamdaman ko? Mamatay na siguro ako. Wag naman.

"Okay lang kung ayaw mo."

Nandito na siya sa harapan ko. Tatanggi pa ba ako?

"Hoy! Wag nga kayong humarang dito," sabi ng isang lalaki. Akala mo naman gwapo. Panira ng moment.

Kapwa kaming napangiti.

"I miss your smile," tila may nagrarambulan sa tiyan ko. May bulate na yata ako. Patingin na lang siguro ako sa doktor.

"Di ba sabi mo magpapasama ka,"pag-iiba ko ng usapan.

" yeah."

Nakahawak na pala siya sa kamay ko. May kung anong kuryente akong naramdaman. Diretso itong nakatingin sa daan at ako nakatitig sa kanya. Inaamin ko ang gwapo nito sa malapitan. Those thick eyelashes, matangos na ilong at heart shape niyang lips na parang hindi mo siya kayang pintasan. Lumingon naman agad ito sa akin. Bigla yata tumalon ang puso. Ang sexy niya kasing tumingin.

"Are you okay," natauhan ako sa tanong niya. Isa pa itong mata niya na parang nakikipag-usap lagi. Parang nakita niya yata buong kaluluwa ko.

"Oo naman."

Hindi na ito magsalita pa. Narating namin ang baybayin. Saktong palubog na ang araw. Sinadya yata ito ng pagkakataon. Sa romantic movies ko lang nakikita ang ganitong pangyayari pero heto nagawa ko sa personal.

"Ang ganda," sabay tingin sa akin.
Parang nagtatambol na naman ang puso ko. Bumitaw na ako sa kamay niya.

"Alam mo, matagal na din hindi ako nakakita ng sunset. It was long ago with my first girlfriend. Napakaromantic ng time na yun. We even had a picnic. Its our first anniversary. But we broke up. She choose her life in Korea. Madami daw opportunity doon. I let her go not because I have to but its because I love her. Ganun naman talaga sa pag-ibig you are willing to give up just to make that someone happy," ang haba nang sinabi niya. But I feel his sadness though wala pa akong experience sa pag-ibig. Kahit pala nakakainis siya I realize na may kakaibang side siya.

Sandaling katahimikan ang namayani sa amin.

"Sa ngayon, Masaya ang puso ko dahil sa di malamang dahilan. Takot lang ako sabihin sa kanya. Kahit Hindi maganda ang pagkikita namin," dagdag pa niya.

"Bakit hindi maganda," hindi ko maiwasang itanong. Hindi ko din maiwasang umasa na ako yun.

"Asar yun sa akin. Mayabang daw ako at mahangin ako. Naalala ko pa kung paano tumaas ang kilay nito pag nagkasalubong kami. But I admit I find it beautiful. Like her face."
Habang sinasabi niya yun nakatingin ito sa akin. Nang aasar ba siya? Nanahimik na lang ako. Baka may masabi pa ako. Ang swerte naman ng babaeng yun. Kahit ganun siya, minahal pa din ito ni Gary.

"Ang swerte naman niya," sabi ko. Bakit tunog bitter ako? Hay! Ano ba itong iniisip ko?

"Oo naman. Sa gwapo kong to pagtitiyagaan siya," nakangiting sabi nito.

"Magpapahinga na ako. At saka nagugutom na din ako," reklamo ko. Hindi ko na yata kakayanin kung ano pa ang sasabihin niya. Aaminin ko na masakit marinig ang lahat ng papuri niya sa babaeng yun.

"Tamang tama nagugutom na din ako. Lets eat," sabay hila sa akin. Heto naman ako nagpapatangay sa kanya. Inaasar yata ako ng tadhana. Ang galing niya!

"Magkakabit ba bituka natin at nagugutom ka na rin," medyo naiinis kong sabi. Gusto ko magalit dito dahil ayoko ng palalain ang nararamdaman ko.

"Yeah. We have this certain connection in our stomach," sabay ngiti nito. Punitin ko kaya labi niya.

"Masarap daw seafoods dito," sabi niya parang takam na takam.

Hindi na ako nagsalita.

"Nakakamatay daw ang hindi pagsasalita. Galit ka ba sa akin," tanong niya. Hindi ako pa rin nagsasalita. Naupo nalang ako sa bakanteng table. Umupo naman ito sa harapan ko. Hinawakan niya ang pisngi ko. Sinipat niya pa ako. Ano bang ginagawa niya?

"Bakit bigla ka nalang tumahimik? Did I offend you," tanong niya habang nakahawak pa din sa magkabilang pisngi ko. Yung halos kurutin niya nga ako.

"Tsansing ka lang eh. Bitawan mo nga pisngi ko," reklamo ko.

"Sorry. Bakit ka nga biglang tumahimik? Ayaw mo ba magkasama tayo." Ang daldal din niya pala. Pero common na ito sa kanya.

"Oo. I mean, hindi naman sa ayaw. Pagod lang siguro ako kasi naglibot din ako kanina," palusot ko. Sana naman convince na siya.

"Hindi ko yun alam. Wag kang mag-alala pagkatapos natin kumain, makapagpahinga ka na. Hindi ka naman pwedeng matulog na di kumakain," pumunta na siya sa counter para mag order ng pagkain.

Makalipas ang ilang sandali NASA harapan ko na ang nagsasarapang pagkain. Nagkatotoo yata bigla ang gutom. Pinaghimay niya ako ng hipon. Maingat niya itong binalatan.

Tahimik kaming kumain. Napaghalataan yata niya na ayaw kong magsalita.

After almost 30 minutes, tapos na din kaming kumain. Hinatid din niya ako sa kwarto ko. Nagpaalam na din ito. Matapos ko itong maisara doon ako nakahingang maluwag. Kakaiba ang araw na ito.
Bilang lang ang sinasabi ko. Pahinga ko nalang siguro ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top