Chapter 12

Ginger's POV

"Oh, ano magtitigan nalang ba tayo?" Nagising ang diwa ko ng magsalita si Myra. Pinapunta ko siya sa bahay dahil sa di ko malamang dahilan.

"Ano,uhm,kase," naghihintay siyang magsalita ako. Ikinumpas pa niya ang kanyang kamay para sabihing ituloy ko.

"Si Ano?"

"Ano nga?"

"Si Gary."

"What about him?" Ano ba sasabihin ko dito?

"Kayo na."
Tiningnan pa niya ako. Yung mapang asar. Kaibigan ko ba talaga siya.

"Hindi ah. Ano kasi? Kasi ang weird niya."

"Nalalabuan ako sa inyo. May contest ba ng taguan nang feelings ?"

Sana di ko nalang siya pinapunta.

"Taguan ng feelings? Asa kapa."

Hindi din naman ako sure kung may feelings si Gary sa akin. Baka pinagtripan lang ako nun.

"So ano nga?"

Naihilamos ko ang kaliwang kamay ko sa mukha ko. Naguguluhan na talaga ako.

"Uy babae! Umayos ka. Magsabi ka nga ng totoo. May nangyari sa inyo sa Davao?"

Nabatukan ko tuloy siya ng wala sa oras. Ano akala niya sa akin? Easy girl?

"Wala! As in wala!" Pasigaw Kong sabi.

"Defensive mo. Ano ba talaga problema mo? Tell me now, I'm not good in guessing," atat talaga siya.

"He kiss me." Awtomatikong nakangiting mapang asar ito.

"How did it go? Masarap ba? "

"Oo." Hala! Sinabi ko ba talagang masarap siya humalik. OMG! Sana lamunin nalang ako ng sahig.

"Really? Your not virgin anymore. Congratulations! " sinabayan pa niya ng palakpak.

"Baliw. Manyakis lang talaga siya," naiinis pa din Ko sa lalaking yun. How come he took advantage of my virgin lips? Argh! Papatayin ko talaga siya.

"Ayoko na!"

Mababaliw na yata ako.

"Myra, help me please."

"Makipag usap ka sa kanya."

"Ano sasabihin ko?"

Nakahawak pa ito sa chin na parang nag iisip talaga. Para talaga siyang timang.

"Yung hidden desire mo sa kanya," binatukan ko siya ulit. Anong hidden desire? Hindi talaga siya nakakatulong. Mas lalo tuloy along naguluhan.

"Kidding aside. Just talk to him. Maybe he had an explanation why did he kiss you? "

"So ako ang mag initiate? Hindi ko yata kaya yun? "

"Hindi na USO si Maria Clara ngayon. Kaya tawagan mo siya at kausapin."

Ang galing din niyang mag advice . Hindi ko yata talaga bestfriend ito. I just found myself dialing his number in Myra's phone. Ayokong isipin ng gagong yun nagkakainteres ako sa kanya.

"Myra, I'm not in a mood to talk you." Nagdrama pa ang gago.

"Its me."

"Uhm, Gin,akala ko si Myra."

"Pwede tayo mag-usap?/Can we talk?"

Kailangan ba talagang sabay kami?

"Ladies first," sabi pa nito.

"Magkita tayo bukas k-kung pp-pwede s-sayo?"

Bakit ba ako nauutal?

"Sure. I have something to tell you too."

"LOVE CAFE. 9:00 a.m. Huwag kang malalate." At pinatay ko agad ang tawag pagkatapos sabihin yun. Ayokong humaba pa usapan namin. Binigay ko ang phone Kay Myra.

"Sana talaga may progress na kayo. I'm looking forward for it." Habang sinasabi niya yun she's smiling like an idiot.

"Lumayas ka na nga. I hate you."

"Love you too!"

Sabay takbo palabas. Baliw na talaga kaibigan ko. Iniisip ko pa lang na magkikita na kami I suddenly felt nervous. Hay naku! Binagsak ko ang katawan ko sa kama. Nakakapagod din pala mag isip.

--------------------

Another chapter guys!!!!

#HiddenDesire
#TrueFeelings

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top