❤ : Si Fourth : ❤

"HINDI NGA AKO SASALI NG SWIM CLUB!" Sigaw ng isang lalaking nakasalamin kay Nagisa. Ano ba yan. Pagpasok na pagpasok ko sigaw agad ang bumungad sakin. =___=

"Sige na Ryugazaki-kun!" Pagpipilit ni Nagisa sabay labas ng keychain na mukhang sisiw. Oo, mukhang sisiw. WAHAHAHAHA!

"Ayoko nga! At hindi ko rin tatanggapin yang keychain na yan!"

Tinigilan rin siya ni Nagisa at naglakad papunta samin. Lumong lumo ang bata. "Uwaaah~ Mako-chan, Haru-chan! Ayaw nilang sumali sa swim club natin!"

"Makakahanap din tayo ng pwedeng sumali satin." -Makoto

"Guys, guys!!" Sigaw ni Gou habang tumatakbo. Ano ba, puro sigawan?! =__=

"Ang iingay niyo!" Reklamo ko. Biglang ang sama ng tingin sakin ni Haru.

"Palibhasa kasi sa basketball club ka. Dun ka na nga. Alis." -Haru

"Sus, maliit na bagay beh! Tulungan ko kayo maghanap ng member, gusto niyo?" Alok ko sa kanila, at nabuhayan na naman si Nagisa. "Salamat Ranran!" -Makoto. Tumango lang si Haru.

"Bakit naman siya gusto mong maging member Nagisa?" Tanong namin kay Nagisa.

"Type mo no?" Tanong ko ng pabiro. Kasi naman, napapansin ko ng kinukulit niya talaga yung lalaking nakasalamin na to sa track and field club. Hahaha!

"Ran-chan naman! Hindi ah!" -Nagisa, nag-pout pa. Haha ankyuuut! :'3

"Nagbibiro lang naman yang si Ranran, Nagisa." -Makoto

"Di ka ba naiinsulto para sa kapatid mong si Ran pag tinatawag mo yang bwisit na yan ng Ranran?" -Haru

Aba..

"Bakit, mabait naman si Ranran ah." -Makoto

SIGE LANG MAKOTO PAGTANGGOL MO KO HUHUHU!

"Ewan ko lang din." -Haru

"Leche!" -Ranie

"Tignan mo nga." -Haru

At tinawanan na naman kami ni Makoto. Si Gou walang pake, may muscles na namang nakikita eh. Infairness, may yummy dito ha. XD I feel you, Gou. I feel you! Pero please naman kalma ka lang. Hahaha.

Pero mukhang di talaga siya maka-kalma. Kanina lang, tahimik lang siyang nakatitig...

"K-K-Kya...KYYYYYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!"

At that instant, naging center of attraction si Gou.

END OF STORY.

BYE.

JOKE. XD

Nadamay kami. Pati kami tinitigan.

"Sila yung nagbuo ng swim club di ba?" -usi no.1

"Eh bakit kasama nila yung manager ng basketball team?" -usi no.2

"Syota ni Araki yan di ba? Lalaki mga katropa? Bugbugan na desu!" -usi no.1

ANO DAW. SYOTA NI ARAKI?! NASA ITSURA KO BA YUNG TIPONG NAGSYOSYOTA?

ZAGU.

"Hindi naman daw syota ni Araki yan! Akin siya!" -usi no.3

Wow koya telege :v

At buong akala ko, ako lang ang nakakarinig ng usapan ng mga chismosong muscle-men na ito.

Akala ko lang yun.

Oo Ranie, akala mo lang yun.

Shunga ka talaga, eh ang lakas kaya ng boses nila.

EH BAKIT BA INAAWAY KO SARILI KO?

Malay ko din ba! T^T

*shake shake shake ng head*

"Uuuyyy ha Ran-chan! Boyfriend mo na pala yung kausap mo kanina!" -Nagisa

"Hindi ah!" Sagot ko naman. Lintik naman.. Na-issue pa ko. =___= Ano ba!

"Huu Ranran! Ganyan ka na. Pano na si Rin-chan?" -Makoto

Aba matinde. Si Rin naman ngayon. XD Sabagay kasi dati, nung mga bata pa kami. Inamin ko sa kanila na....

Nung katatransfer palang ni Rin, inamin ko sa dalawang mokong na to na crush ko si Rin.

Pero dati na yun. Nakngsampungpalaka.

Ako kasi guys naka-move on na, kayo ba?

"Tigilan mo ko Mako! Wala na kong crush! WALAAAA!!!" Pagwawala ko.

"Eskandalosa. Magpapakipot ka nalang ganyan pa." -Haru

Kung nakikita niyo lang sana ako ngayon... sige, imagine niyo nalang. HAHAHAHA.

May animated vein na sa noo kong malapad. OO NA MALAPAD LECHENG HARUKA TO.

PIGILAN NIYO KO.

KUNG AYAW NIYONG MAMAGA YUNG NOO NG GWAPONG BAKLA NA ITU.

"Easy lang, Ranran." Pinigilan ako agad ni Makoto and he also pats my head. Ang kalmado talaga nito. Narerelax ako. Haaay.. Buti nalang mabait tong bestfriend mo Haru kundi nako! Baka matagal ka nang bulok sa ilalim ng lupa!

Teka nga... May napapansin na ako eh.

"Guys di ba andito tayo para mang-recruit sa club niyo?" -Ranie, at talagang madiin yung pagkakasabi ko dun.

"Uhh.. Ran-chan, ayaw mo ba talaga sumali samin?" Tanong ni Nagisa, malungkot ang tono. Damang dama ko.

Gusto kong mag-quit sa basketball club para sa club nila pero... ewan ko ba. Mahal ko din naman kasi ang basketball. Eto talaga sport ko eh. Kasi para sakin naman, di man ako member ng swim club nila, hindi man ako nagswiswimming kasama nila, pero kaibigan ko pa rin sila at importante pa rin naman sila sakin.

Di pa ba sapat yun?

:/

May nararamdaman akong mainit-init na parang tubig na tumutulo galing sa mata ko. Na maalat-alat. (Tinikman pa pala. Balahura din talaga. XD) Ay, luha pala yun?

Shit.

Ang babaw talaga ng luha ko.

Biglang humarap sakin si Haru at pinunasan yung mukha ko ng panyo niya. Ang sakit nga lang magpunas. Masyadong madiin. Nyeta talaga tong baklita na to. Bat ba pagdating sakin hindi siya gentle!

"Hoy ano ba ang sakit mo naman magpunas!"

"Choosy ka pa. Tahan na. Alam naman naming mahal mo rin ang basketball. Wag mo pilitin. Naiintindihan namin." Sagot niya sakin. In fairness ha.

Makoto messed with my hair and gently pats it habang sinabi niyang, "Okay lang, Ranran."

"Sorry, Ran-chan. Naiintindihan naman kita. Pero kasi mas masaya sana kung member ka rin. Pero okay lang naman. Di ko naman intensyon na--" -Nagisa

At niyakap ko nalang si Nagisa sa sobrang guilty ko. Mangiyak-ngiyak na din eh. Ako kasi. T^T

Sorry na prends! Kung napaiyak ko ang cute na nilalang na itu. /shots self/

R.I.P. Hayakawa Ranie

.

.

.

.

.

.

"Ah-arayy... Ra..Ran-chan? Ack.."

Ay. Sorry ulit. XD Muntik ko na pala mapatay si Nagisa. HAHAHA.

Bigla akong bumitaw sa kanya. Natulala, nadala ng emosyo. Huhu. Sorry naaaa mga Nagisa fans! Di na po mauulit! T^T

"Ay sorry sorryyyyy!!!" -Ranie

"Tsansing. Tsk." -Haru

"Hoy!" -Ranie

"Hahaha. Okay lang Ran-chan." -Nagisa

"HOY ANO BA PANSININ NIYO NAMAN AKOOOOOO!!! WALA PA TAYONG NAHAHANAP! RANIE-SENPAI NAMAN EH TAMA NA ARTEEEEEEEEE!!!" Ang pagrarage ni Gou.

Ay shit. Oo nga. Lol

"Ay hahahaha! Gou, nanawa ka na sa mga muscles?" -Ranie

"ANO BA SENPAI NAMAN EH!!!" -Gou

"Kalma lang Gou-chan. Eto na hanap na tayo." Kalmadong sabi ni Makoto.

"Arte kasi." -Haru

BUSET TALAGA TO!

Pero sige na nga. Yun naman talaga sadya namin dito eh.

Pero pinanuod muna namin sila. Mukhang nagcacalculate pa yung type ni Nagisa. lol pumupisiks! Enebeyen. :v

Nasa itsura namang nerd eh. lol di na kagulat-gulat

Pero shet.

Ang weird.

HAHAHAHAHA kklk~

*insert pitik sa noo sfx here* XD

"ARAY NAMAN BEH!" -Ranie

"Parang ka kasing tanga." -Haru

Tae. Ano ba problema nito?

"Meron ka ba ngayon?!" -Ranie

*moment of silence*

"HAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Halos lahat ng nakarinig tumawa. Ang lakas pala ng boses ko...

Shit.

Ranie: *running for her life*

"Ack...!! ARAY KOOOO!!!"

Tangina. Hahaha. Kabobohan! Tumakbo ako dun sa field at...

nabunggo yung tatalon na sana na nerd.

Nauntog ako sa pole na hawak niya.

Oh di ba? Say niyo sa katangahan ko?

"Ah.. sorry miss! Sorryyyyy~!!!" -nerdy

"Ran-chan!" Tumakbo palapit sa kinalalagyan ko si Nagisa na sinundan na rin nilang lahat.

"Nasaktan ka ba?" -Gou

"Ay hindi. Ang sarap nga mauntog eh." -Ranie

Napa-pout si Gou. Lol ankyutkyut muuu parang kuya muuu. <3 hihi londeee!

"Bakit ba kasi ako trip mong isali jan sa club niyo?! Pwede namang iba!" -nerdy

"Kasi pambabae din pangalan mo. Fated tayong apat. Hehe~ tsaka... Basta please!" -Nagisa

Napabuntong-hininga nalang ng pagkalalim-lalim so deep si koya. Sumama nalang siya sa pool para makita niya ang dapat niyang makita: muscles nung tatlo at fangirling ni Gou sa kanila. loljk

Naglakad na kami papuntang pool. Sumama muna ako kasi magagaling na naman ang basketball team namin. HAH! *flips hair*

Pagdating na pagdating namin sa pool, alam niyo na. Si Haru. Ayun. Langoy agad. Lintik to. Hinihintay ko yung araw na maiin-love ka rin sa isang babae. <3 Gusto kong subaybayan ang magiging love story nitong mokong na to! XD

Habang pinapanuod ko sila kasama si nerdy, na ang pangalan pala ay Ryugazaki Rei, umahon bigla si Makoto. Kumaway saming tatlo nila Gou at Rei si Mako pero di nila pinansin. Dahil si Rei ay amaze na amaze sa paglangoy ni Haru, si Gou naman... bukod sa pag-oobserve sa performance nila, tutok din siya sa muscles. XD

Nagpunas lang si Mako tapos hinarap ako. "Ranran, pwede ba tayo mag-usap?" Si Haru na paahon palang, napatingin kay Makoto. Ano na naman tong tinginan game na to. Manghuhula na naman ba ako? -____-

"Sige, ano ba yun?" -Ranie

"Uhm... wag dito. Sa locker room sana. Importante lang." -Mako

Tumingin ulit siya kay Haru na tinanguan lang siya. ANO BA KASI TO.

"Uhm kasi... Ranran..." -Mako

"Alam mo, kayong dalawa... lagi nalang kayong ganyan! Derechuhin mo na nga ako! -3-" -Ranie

"Sorry, hehe. Kasi... may di kami sinasabi sayo. Nung isang gabi lang naman yun..."

And I was like O___O

ANO. MAY NANGYARI NA SA INYO NI HARU?!

"Uy Ranran di yun yung iniisip mo!" -Mako. Lol yung totoo may ESP ba kayong dalawa? Lagi niyo kong nababasa eh.

"Ano ba kasi yun? Kasalanan niyo rin minsan kung bat ako midorimind eh." -Ranie

"Sorry na! Eh kasi... pumunta kaming tatlo nila Nagisa at Haru sa abandonado nang swim club namin. Tanda mo ba yun?" -Mako

*nod nod*

"Nakita nami si Rin..." -Mako

O____O

"HUWAT? NAKAUWI NA SIYAAAA???? KAMUSTA NA SIYA AHM ANO SABI NIYA BAT SIYA ANDUN ALAM BA NIYA NA PUPUNTA RIN KAYO DUN OMG OMG BAT DI NIYO KO TINAWAGAAAAN! HUHU~"

"Eh kasi Ranran gabi na rin eh. Sorry. Sabi samin ni Gou tinext daw niya si Rin na pupunta kami dun pero di nagreply. Kasasabi lang niya yun samin kanina. Eh pumunta rin pala siya. Pero... may iba sa kanya eh." Sagot ni Makoto na malungkot. Ano ba kasing nangyari?!

"Iba siya eh. Basta kung makikita mo siya malalaman mo." -Mako

"Eh problema wala ako dun. -3- ano ba kasi nangyari?" -Ranie

"Hinamon niya si Haru mag-race, kaso walang tubig yung pool eh. Kaya kinabukasan pumunta kaming Samezuka--"

Samezuka?! Bakit hindi siya dito nalang. </3

"Hinintay naming matapos yung training ng swim team nila tapos alam mo na, si Haru lumangoy na naman. Biglang dumating si Rin. Pinapaalis nga kami eh. Pero hinamon naman siya ni Haru ng freestyle race......

.....

...."

Sa haba ng storytelling niya, isa lang ang malinaw sakin. Nagbago si Rin.

Pag yung lalaki na yun nakita ko, yari siya.

[A/N: lol sabawww XD]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top