❤ : ...ng nadarama. : ❤

RANIE


"Ran-ran! Gising ka na, may pasok tayo."


Hnngghh...


"Ran-raaaan~ malalate ta—"

"Ayaw niya edi wag. Hayaan mo na siya Makoto."


Ginigising na ko ni Makoto pero ayoko pang bumangon. Nagsungit na naman tuloy yung baklita. Tss.


Pwede bang matulog nalang forever? Ayy~ wala nga palang forever. </3


"SUNGET! ETO NA BABANGON NA!!!" Sumigaw ako kasi nasa labas na sila. Duh. XD

Parang ayokong pumasok. May kahihiyan naman kasi ako noh. Hahaha.


So kagabi, may nakakita samin ni Makoto habang nag-eemote ako. Akala kumekerut kaming dalawa. Na-explain naman namin pero sadyang marami yata talagang chismoso't chismosa sa Iwatobi. Tapos nung pagbalik namin kela Haru ayaw niya kong kausapin hanggang sa matapos yung chorva namin sa school. Di ko alam kung bakit. Haaayy... -_____-




-flashback-



"Di niyo pa sinabi agad sakin na magdadate lang pala kayo." Bungad samin ni Haru pagpasok namin sa bahay nila.


Huh?


"Sinasabi mo jan? Selos ka ba? Hahaha! Sayong sayo bespren mo di naman kita aagawan!" Sabi ko sa kanya nung lumapit ako sabay akbay. *ehem* dejoke lang walang malisya, di kami talo. Haleerrrr~??


Tinanggal niya yung braso ko na naka-akbay sakanya. "Bakit di niyo man lang ako sinabihan na kayo na? Sa iba ko pa nalaman..."


Nagkatitigan kami ni Makoto, tapos tingin kaming pareho kay Haru.


Wat daaa?! Ano yun, kalat agad? Agad agad??? O_O


"Grabehan?! Chismis agad??"

"Ha-Haru, hindi totoo yun!!!"



-end of flashback-



Mahaba-habang pag-uusap at explanation ng nangyari ang naganap, na kinatamaran nang i-elaborate ni author. Naintindihan naman ni Haru, pero di pa rin niya ko kinakausap hanggang ngayon. While okay naman sila ni Makoto.

Siguro nga, selos siya....



Sa akin. EH DI KO NAMAN SIYA AAGAWAN! -w- (i-push ang yaoi author-san hahaha)



So eto kami ngayon, kumakain. Silang dalawa nag-uusap, pag magsasalita ako si Makoto lang pumapansin sakin. Parang hangin lang ako dun sa isa. Nakakabadtrip na talaga! -_-"


Tumayo na ko kahit di ko ubos yung pagkain. "Salamat sa pagkain. Mauuna na ko."


Mauuna na talaga ako. Ayokong kasabay sila. Nakakainis lang.

Napatayo rin si Makoto habang kinuha ko yung bag ko, palapit na ko sa pinto.


"Ha? Di mo pa naman ubos yung pagkain mo ah. Tsaka bakit di mo pa kami hintayin?"

Nilingon ko siya at nginitian nalang bago ko buksan yung pinto. "Hindi na Mako. Byeee~" At tuluyan na kong nag-exit sa bahay nila Haru.


Walang pansinan? Sige, peste! -w-



Natapos ang klase sa buong araw nang di ko sila kasama. Nung lunch, solo flight. Nung walang teacher sa isang subject kasama kong lumabas yung beki friend ko.


At eto ako ngayon, pauwi na. Mag isa. Hindi ko na sila hinintay at ayoko na silang hintayin, maiirita lang ako lalo sa pag iinarte ni Haru. Seryoso. Ano ba problema nun?!


Hindi pa naman madilim sa daan, wala akong club activity dahil wala na rin naman ako sa baskteball club so eto...



Hanggang sa makauwi na ko. Wala sila mama at papa ngayon, business trip daw. Nasa Russia sila.


Kinuha ko yung phone ko at...


*compose new message*


To: Hipag-chan, Makob3h, Nagisacchi, Nerdyy, Harub3h

Guys~ wanna come over here sa bahay?? Ako lang mag-isa eh. Dinner lang. Labyu mga b3—


*erase erase*


Oo nga pala. Yung isa galit sakin. *sigh*




Bumaba ako para kumain. Mag isa. Hahahaha ako malungkot?? *sniffs* hahahahahaha *sniffs* maliit na bagay sus mag isa lang kakain eh ano naman *soft crying*


Joke.




——


"Ha-Haru?! Gabi na ah, bakit— Haruuu!! Saan ka pupunta? Wai-"


Tumigil si Haru sa paglakad, lumingon sandali sa kaibigan niyang akala mong nananahimik na sa bahay nila sa hatinggabi kung makatanong.


"Kay Ranie. Jan ka nalang, ako nalang. Gabi na rin kamo di ba?"

"Teka kasi! Bakit ka naman pupunta sa kanila? Baka nga tulog na yun eh."

"...Wala daw magulang niya. Duda akong kumain na yun."


Maglalakad na sana ulit si Haru para puntahan ang hilaw nilang kaibigan sa bahay nila nang humuni si Makoto na parang nagtataka, nagbabaka sakali na may iba pang dahilan.


Bakit ba kabisadong kabisado mo ako, Makoto...


"Hm?"

"...Magsosorry na rin ako sa kanina."

"Sorry?" Minsan nagsisisi akong naging bestfriend kita.

"...Oo, kasi nagseselos ako. Aalis na ko."


——






Bukod sa nakakalungkot kumain mag isa, eh nakakaiyak talaga ngayon. Mag isa ako sa bahay at hindi ako sanay mag luto. Pero siguro pwede na tong slightly sunog omelette??


At 11:09pm na, ngayon palang ako kakain. Kasi omelette nalang sinearch ko pa sa google kung paano lutuin yun ng maayos at tumawag pa ko sa mudra ko para sure, tapos nagmuni muni pa ko.


Minutes after, kakain na sana ako. Nang biglang...


*tok tok tok*


Ang courteous na magnanakaw o killer o magnanakaw ulit, kumakatok!!



Dahan dahan akong tumayo sa kinauupuan ko, dahan dahang lumakad paakyat sa kwarto para kumuha ng itak, dahan dahang bumababa at lumakad papunta sa pinto, at biglaang binuksan ang pinto at tinutok ang itak sa isang lalaking hindi ko maaninag ang mukha kasi madilim, shadow lang ang nakikita ko dahil sa liwanag ng buwan.


Dahan dahan lang, oooh~ dahan dahan lang~ HAHAHAHAHA ge baliw baliwan mikmik pa more!



"UMALIS KA DITO KUNG GUSTO MO PA UMUWI NG BUHA—"


Familiar...


Umiwas siya agad sa tutok ng itak na hawak ko, nagawi yung mukha niya sa side kung saan mas kita ang liwanag ng buwan kaya ako natigilan ako.


"O-oi... ikaw lang pala..."


Huminga siya ng malalim. "Praning."




-loooooooooooooooooooooooooong silence-




Kumibo na ako kasi awkward na.


"B-bakit ka andito...?? Tsaka ano yang mga dala mo..."

"Saba." sagot niya ng walang alinlangan, agad agad.

"Uh... okay?? Pa-pasok ka... text ko nalang sila mama na pumunta ka dito."


Inabot niya sakin yung dala niyang saba in a tupperware at umiling, "Hindi na. Ma...may sasabihin lang rin sana ako sayo..."


Hindi ko maexplain kung gano kalakas yung kabog ng dibdib ko, kung gaano kainit yung nararamdaman kong init sa mukha at tenga ko. Ewan, kinakabahan ako.


Pakicheck naman kung dumudugo na yung ilong ko??


Me trying to be cold be like: "Ah— a-ano ba yun? Gabi na umalis ka na bukas nalang."

But failed. -.-


Hinawakan niya bigla yung dalawa kong kamay, nakatitig sakin. Di ko alam ano ba to...


"O-oi..!!"

"Hayakawa Ranie. Makinig ka."


*dug dug*

*sweat drop*

*wide eyes*


"Ranie... may... ah y-yung feelings ko kasi.. Sana wag mo to sabihin sa iba. Sa sweet at gentle na ngiti kahit minsan reckless at medyo makulit na medyo OA—"


At sa puntong ito, napatigil siya dahil napapisil ako sa kamay niya at napalakas ata?


Hindi ko alam ang sasabihin ko.


Oo, madalas ko siyang binibiro sa iba. Tanggapin ko man tong naririnig ko pero di ko yata kaya. Nakakadurog.


First time kong ma-in love....


At dapat siguro maging masaya ako.



"Ha-Haru..??!!! Ss-sssi-si Ma...Mak-Makoto... mahal mo..?? Gusto mo siya anosagotmahalmobawillingakongtulungankasweari'malwayshereHarususuportahankokayo!!!!"


*Wide-eyed Haru*


"H-hello?? Har—"

"Ah... uhm oo... Please Ranie... Wag mo sabihin sa iba...."


At sa tanan ng buhay ko, ngayon ko lang siya nakita ng ganitong sobrang nahihiya at pulang pula.

At eto ako, nga nga nalang yata talaga forever.



Author-san: both are dumbfounded by the confession, thank you. *bows and runs for her life*




[A/N: hi hello sorry ngayon lang ng nag update huhu kaiyak po mag aral omg bye and thanks!! ;w;]


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top