Chapter 8

"SO? IYON NA 'YON? Anong plano mo?" tanong sa akin ni Giya matapos kung ikwento ang nangyare kagabi.

"Ewan, hindi ko alam." matamlay kong sagot at nagkibit balikat.

Matapos ko kaseng maikwento sa kanila iyong kagabing ganap ay ito sila, sinesermonan ako na daig pa si Mama.

"Hindi pwedeng hindi mo alam ibon, umalis kana lang kaya diyan kay Luca? Tsaka i'm sure libangan ka lang niyan, and that fucking marriage? Oh c'mon i think palabas lang din 'yan. Paniguradong pinagti-tripan ka lang nang gagong 'yon." ani Giya.

Possible kayang libangan niya lang talaga ako? Of course i am.

"And Aki, we also know how innocent you are, that's why he's capable of manipulating you. He's one of those manipulative man." nag-aalalang saad ni Elise.

Yeah right, i'm one kind of those innocent and easy to manipulate.

"Pero si Mama nandon din sa bahay niya. Paano kami makakaalis doon? Anong sasabihin ko kay Mama? Alam din kase ni mama na kasal na 'kuno' kami kase sinabi 'yon ni Luca sa kanya. Pinasundo pa nga siya sa bahay namin eh." ani ko sa kanila.

"Magditch muna tayo ngayon araw, dala ko ang sasakyan ko. Pumunta tayo sa bahay ni Luca at kunin ang mga gamit niyo ni Tita. I'm sure nasa opisina 'yon." ani Giya at binitbit na ang bag.

"Sige tara." pagsang ayon ko at sinukbit na ang aking bag at lumabas ng room.

Pumunta kami sa parking lot dahil nandon ang kotse ni Giya. Hndi ko alam kung bakit madalas na niyang dinadala ang kotse niya. Panigurado dahil ito sa bago niyang bodyguard at sa Papa niya. Napansin kong bumabalik din siya sa dating siya.

Natigil ako sa pag iisip ng bumusina si Giya sa harap namin ni Elise.

"Sakay, my bodyguard told me that Luca is in his office."

"Sinong bodyguard? Tsaka pano niya naman nalaman? Magkaibigan—"

"Blue, and yes magkaibigan sila." putol ni Giya sa sinasabi ko. Oo nga pala, magkaibigan nga pala sila. "At bilisan lang daw natin, i ask him a little help at nililibang niya si Luca." dagdag pa nito habang nagmamaneho.

At kagaya nga noon ang bilis niya pading magdala ng sasakyan, parang pinapalipad niya lang ang kotse niya kaya palihim na lang akong nagdasal na sana makaabot kami sa pupuntahan namin nang buhay padin at ligtas mula sa ano mang kapahamakan. Ilang minuto lang ang byahe namin papunta sa bahay ni Luca.

Nang makarating kami ay agad na kaming bumaba at dali daling pumasok sa loob na sana'y hindi na lang namin ginawa. Nagulat ang lahat ng tao sa loob ng bahay nila Luca. Maraming tao, dalawang matanda at isang maputi at supistikadang babae, maganda siya at mukhang anghel. Nakaupo sila sa kabilang sofa. Sa kabila naman ay sina Luca at mga kaibigan niya na nakita ko kina Giya.

Narinig ko ang malutong at sunod sunod na mura ni Luca.

"A-a-ah s-s-sory p-po s-sa i-istorbo m-may k-kukunin l-lang p-po—"

"Luca who's that girl?" putol ng isang babaeng mukhang nasa 40's o 50's sa sinasabi ko.

Who's this girl. Napatawa ako nang pagak sa aking isipan nang dahil doon. Bakit hindi ko ba iyon naisip noon pa, kilala na siya ni Mama pero ako kahit ni minsan sa mahigit magdadalawan naming pagsasama ay hindi niya ako nagawang ipakilala man lang sa mga magulang niya even through phone man lang. Bakit hindi ko pa naisipang magtaka noon? Siguro nga ay iniisip kong masyado pang maaga para doon. Pero dahil sa mga nakikita ko ngayon ay mukhang alam ko na kung bakit hindi niya nagawa ang bagay na iyon.

Tiningnan ko siya, mata sa mata pero hndi man lang siya makatingin sa akin.

"Kasambahay po ako ni Sir Luca." kahit kinakabahan ay nagawa kong buuin ang aking salita.

Nagulat naman sina Giya sa sinabi ko at agad akong nilapitan at hinawakan ang kamay ko. Alam kong iyon ang daan nila para sabihing nasa likod ko lang sila. Susuportahan nila ako sa mga bagay na gagawin ko.

"Oh? I thought Luca hates maids?" sabi naman ng babaeng supistikada. Halata ang accent sa pananalita nito.

"Ah opo ayaw niya nga po kaya finired niya agad ako. Hindi ko po ata siya nasatisfied. Tsaka ngayon na nga po ang alis ko eh, hndi ko lang alam na may bisita si Sir ngayon." ang galing ko ng magsinungaling grabe, gusto ko nang palakpakan ang sarili ko.

"And the other girls? Who is it? I know Giyannie Villamor of course who wouldn't be, daughter of Mr. President. But the one—"

"She's my friend, and for all due respect, please excuse us. My friend needs to pack her things because we have to attend our classes after this." putol ni Giya sa mga sasabihin pa ng ginang.

Matalim ang tingin na binato ng ginang kay Giya.

"You may pack your things. You're wasting our time to make chitchats—"

"We didn't told you to have chitchats with us. You're the one who have so many questions here."

"You have no respect! Is your father know what your attitude is? I bet not. Hindi ko alam na may kaibigan palang hampaslupa ang mga Villamor." galit at nanunuyang tono na saad ng ginang.

"Giya tara na—"

"Don't you dare na isali si Daddy dito! Ni wala ka pa nga sa kalingkingan nang ama ko. And also, i give my respect to who deserve it." may diing sabi ni Giya sa ginang.

"So you're saying that i don't deserve your respect?" hndi makapaniwalang tanong ng ginang.

Tumawa si Giya ng nakakaloko bago magsalita. "Yes." nakangisi niyang sabi.

"You!—"

"Enough!" galit na sigaw ni Luca na nagpatigil sa dalawa.

"Son—"

"Mom i said enough, and the three of you get out." matigas na saad ni Luca kaya tiningnan ko ito sa kanyang galit na mga mata at sinalubong niya naman ito.

Matalim ang titig niya sa akin na para bang ako ang may kasalanan. Wala ding emosyon ang kaniyang mukha. Hindi kagaya ng Luca na nakasanayan ko. Hindi kagaya nang Luca na ginusto ko.

"We're not done yet—"

"Anak?" tanong ni Mama na pumutol sa sasabihin sana ni Giya. Pababa si mama ng hagdan, tumingin naman ang mga tao dito sa sala sa kanyang kinaroroonan.

"G-glaiza?" gulat na tanong ng lalakeng mga nasa mid 40's or 50's. Baka ito na 'yong papa ni Luca.

"Herman?" balik na tanong naman ni mama.

"Luca what's the meaning of this? Are you—"

"Mom! Just shut the fuck up! Arghhh! This is frustating fuck!" frustated na sabi ni Luca at agad pumunta sa kinaroroonan ko.

Napaatras naman ako dahil wala pading emosyon ang kaniyang mga mata.

Nang makadating siya sa pwesto ko ay agad niyang hinawakan ang aking pulsuhan at hinila palabas. Agad naman akong nagpumiglas dahil hndi ko pa nakukuha ang mga gamit ko.

"Sandali!" pigil ko sa kanya. "May kukunin pa ako sa loob, aalis din kami pagkatapos."

Hndi ko na hinintay ang sasabihin ni Luca at bumalik sa loob. Ang kanilang tingin sa akin ay ganoon padin katalim. Maliban nga lang sa mga kaibigan ni Luca. Hindi ko na lang pinansin ang mga ito at dumeritso sa taas.

Kinuha ko ang bag ko at pinasok lahat ng damit na pwde kong ipasok. Pumunta din ako sa kwarto ni mama at kinuha din ang mga damit niya. Pagkatapos kong makuha lahat ng gamit at damit namin ni mama ay bumaba na ako. Nagtataka naman akong tiningnan ni Luca na nakaharang sa baba ng hagdan, paakyat na sana siya pero nakita niya ako kaya napatigil ito.

"Where the hell are you going Akira?" matigas nitong tanong na hndi ko pinansin.

"Ma, aalis na ho tayo dito tara na." sabi ko kay mama at hinawakan ang kamay niya. Nagtataka naman ako nitong tiningnan.

"Akira!" sigaw ni Luca kaya hinarap ko ito.

"Sir, salamat sa lahat ng tulong—"

"Sir? Akala ko ba ay asawa mo si Luca anak?" putol ni mama sa'kin.

"Asawa?" takang tanong naman ng ginang kanina.

"Luca! I told you not to marry other women while Izra is with us!" galit na sigaw ng ginang kay Luca.

"Mom i told you i don't like Izra—"

"Really Luca? Alam ba niyan ang kalagayan—"

"Shut the fuck up! Mom, Dad, Izra leave please. I have to talk to my wife... That woman is my wife. So please leave i won't marry Izra, I will never do that because i am already married." pumunta ito sa gawi ko pagkatapos niya iyong sabihin. "This is Yvvone Akira Nyxon— Rouseff. My wife, my home, my beloved. And if you want it or not, if you wether accept our marriage or not i don't give a care, you can leave now." dagdag pa nito at hinawakan ako sa bewang.

"I can't believe this! This is insane!" heristikal na sabi ng babaeng maganda, iyong nangngangalang Izra.

"Congratulations to the both of you. Son? We'll talk tomorrow. I'll visit your company." nakangiting saad ng ama nito na tinanguan lang naman ni Luca. 

Hindi ko alam kung talaga bang tanggap ako nito, kung talaga bang tanggap nito ang sitwasyon namin ni Luca o hindi kaya ay nagpapanggap lang ito. Kaya naman minabuti kong manahimik at hindi umimik, maski tingnan ang ama nito ay hindi ko magawa.

"Really Herman? Kukonsentihin mo ang anak mo? Ganyan mo ba ka mahal si Glaiza para sumang ayon ka na maging mag-asawa ang anak natin at anak niyang dati mong kabit?" ano daw? Kabit? Si Mama dating kabit... naging kabit?

"Mom watch your mouth!" asik ni Luca sa kaniyang ina.

"Hndi ako kabit ni Herman, Alexa! Sadyang makitid lang iyang utak mo kaya mo iniisip na kabit niya ako. Magkaibigan lang kami ni Herman pero ikaw itong gumagawa ng sariling kwento diyan sa utak mo! Baliw ka kase! Baliw! Pinakasalan ka lang naman ni Herman dahil sa kabaliwan mo. Nagpabuntis ka sa kanya para hndi siya makawala sa iyo." may ibubulgar pa ba sila? Ang daming nabulgar ngayong gabi. Ang daming rebelasyon and i think, i can't take it anymore.

"Hindi ka niya kabit, really? Lagi kayong magkasama—"

"See? Ang kitid talaga ng utak mo."

"Enough with this bullshits! Mom, Mamka Glai we don't care about your past, hndi ba pwdeng isa inyo niyo na lang 'yan? Mom, kung ayaw niyo kay Akira i don't care. I love her, and she's my wife now. Wala na kayong magagawa doon. Now, go home. Magpahinga na kayo, and Izra please stop pestering me." matigas na sabi ni Luca at huminga ng malalim. "We can talk about this, hndi niyo kailangang mag-sigawan. Tomorrow dinner, i'll invite you here in my house mom, dad. We're going to talk about me and Akira and of course ayusin niyo din ang past niyo. And please, don't bring Izra tomorrow."

"Really son? You are insane! Hnding hndi ko matatanggap ang babaeng yan!" galit na sigaw ng ina nito at agad ng tumalikod samin na sinundan naman ni Izra.

"We'll going here tomorrow son, don't mind your mother. She's just shock. Congratulations again, we're leaving." saad naman ng ama nito at tinapik ang kaniyang balikat.

"Thanks dad." ani Luca sa ama.

Nang makaalis ang mga magulang ni Luca ay nagpaalam din ang nga kaibigan niya at sina Giya't Elise. Nandito padin ako sa kinakatayuan ko mula pa kanina, kinuha ni Luca ang mga bag sa kamay ko at dinala ito muli sa taas. Tumingin naman ako kay mama pero ngumiti lang ito ng pilit.

"Magpahinga kana anak, mag uusap tayo bukas." sabi nito at humalik sa aking pisnge bago pumunta sa taas.

Sumunod naman ako sa kanya at nag paiwan sa kwarto namin ni Luca. Nadatnan ko si Luca na binabalik ang nga damit ko sa closet namin. Nang tumingin ito sa akin ay agad akong umiwas. Narinig kong napa buntong hinanga ito.

"Rest wife, we'll talk tomorrow." sabi nito pagkatapos ibalik ang mga damit ko.

Hndi ako umimik, humiga lang ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Nakakapagod ang gabing ito grabe. All the rebelations i've heard, sana naman huwag nang madagdagan pa bukas nang gabi. Sobra na 'to eh, sobrang-sobra na.

"Sleep well, wife." dinig ko pang sabi nito bago ko marinig ang pag-bukas at pag-sara ng pinto.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top