Chapter 6

"SASABAY ka sa'kin Akira. End of conversation." 

Ito na naman siya sa pagiging desisyon niya. Paladesisyon talaga 'tong lalakeng 'to akala niya talaga pag-mamay-ari niya ako eh. Akala niya talaga utusan niya ako at hindi pinilit na asawa kung ganeto naman pala siya ka pala desisyon.

"Mag-ko-commute nga ako."

"Sasabay ka sa'kin."

"Mag-ko-commute."

"Sasabay."

Kanina pa kami nagtatalo dahil nga ayaw kong sumabay sa kanya. Pero mapilit din siya at gusto akong isabay.

"Susunduin ako nina Giya." pagdadahilan ko sa kanya kahit hndi naman.

"I don't care." sagot naman nito.

Nakakainis!

Binilisan ko na lang ang pagkain ko at agad pumunta sa kwarto para makuha ang back pack ko.

Nang makababa ay nakita ko si Luca na naka cross arm sa harap ng kotse niya sa harap ng bahay. Nakasandal ito na akala mo'y model na nagpapapicture.

Hndi ko ito pinansin at dinaanan lang ito, manigas siya diyan. Derideritso akong naglakad kahit ang totoo ay hndi ko alam kung saan pupunta. Mag-iisang buwan pa lang naman kase ako dito sa subdivision na 'to kaya hndi ko pa alam ang pasikot sikot.

Narinig ko ang ugong ng kotse ni Luca na sumusunod sa akin.

"Malelate kana Akira sakay na." saad nito pero hndi ko ito pinansin.

"Akira."

Deadma.

"Akira."

Deadma padin. Huh! Mamatay siya diyan.

"Bibilang ako hanggang tatlo, kapag hndi ka pa sumakay hahalikan kita."

Inuuto ka lang niyan Yvvone.

"Isa."

Magpakatatag ka.

"Dalawa."

Hndi niya gagawin 'yan.

"You leave me no choice." i scoff. Huh! Talaga lang.

Tama namang paglingon ko ay siyang paglapit ng labi namin sa isa't isa. Hindi ako nakagalaw dahil sa gulat. Nahimasmasan lang ako ng igalaw ni Luca ang kanyang labi kaya agad ko itong tinulak.

"How dare you!" inis kong sigaw sa kanya.

"Let me tell you this wife. I don't do bluffs, so if i say, i'll do." bluff mo mukha mo! "Now get in." get in mo mukha mo!

Wala akong nagawa kundi ang pumasok sa lintik na kotse niya. Teka nga! Simula ng lumipat ako ng bahay ni Luca ay palagi na akong nagmumura, sabagay kamura-mura naman talaga siya. Parang batang naiinis kong tinadyak-tadyak ang paa ko sa ilalim nang compartment nang kotse niya.

"Hey." tawag niya sakin.

"What?" iritang tanong ko. 

Hndi naman ito sumagot at tumawa lang ng mahina. Gago lang? Oo gago talaga siya!

Tahimik ang buong byahe namin hanggang sa mak-abot kami sa paaralan. Lumabas ako ng sasakyan ni Luca nang inis parin sa kanya at hindi padin ito pinapansin.

"Akira!" narinig kong tawag nito sa akin.

Bahala siya sa buhay niya!

Nang makarating ako sa room ay tahimik ang lahat na ikinataka ko. Umupo na ako saking upuan at kinalabit si Giya.

"Pssttt Giya." mahinang tawag ko sa kanya.

"What?"

"Anong nangyare, ba't tahimik sila? Ba't tahimik kayo na parang may namatay?"

"May namtay Aki. You don't know?" ang inis ko ay biglang nawala at napalitan ng gulat nang dahil sa sinabing iyon ni Giya. Lahat sila alam pero bakit ako hindi? Bakit hindi ako updated.

"Hindi, ano bang— POTA!" nagulat kaming lahat ng pabalibag na bumukas ang pinto at iniluwa non si Drake at ang gang niya.

"Yvvone!" tawag ni Drake sa akin, sigaw pala.

"Bakit?"

"Date me later at Deliciousa Restaurant, 7 PM sharp. Don't make me wait if—"

"I won't date you." pagpuputol ko sa sasabihin niya. Bobo ba siya?

"—hndi ka pumayag, papatayin ko ang kaisa isahang bestfriend mong lalaki." Sol!

"Gago kaba? Hindi nga ako makikipagdate sayo! May boyfriend na ako— no, may asawa na ako so back off!" wala sa sariling sigaw ko sa kanya dala nang iritasyon kaya ang kaninang atensyon ng mga kaklase ko na na kay Drake ngayon ay sa akin na.

Damn you Yvvone. Tangahan mo pa ha?

"I don't care—"

"Do you think being a friend of mine was a right choice? Then choice again before it's too late."

"My choice is still—"

"Hndi kaba makaintindi na may asawa na'ko?" ilaglag mo pa ang sarili mo Yvvone!

"As what i said earlier. I. Don't. Care."

"Do you want to die kid?" malamig na tanong ni Luca na nasa likod ni Drake kaya lahat kami ay gulat na napatingin sa kanya.

"L-luca." alam kong gulo na naman ito.

Nakakatakot ang mga tingin na ibinibigay niya. Napakalamig din nang kanyang boses na parang yelong mahirap basagin.

"Sir Luca, i'm just asking my girlfriend to date me later why so grumpy?" kailan pa ako nagkaroon nang gagong boyfriend? "Lately, nanotice ko Sir, you're always meddling with my business. Ano kaya ang rason, hmm?"

"Your so called girlfriend is my lovely wife kid. I think it's a better idea if i'll ellimenate you right?" nakakatakot ang ngisi na binitawan ni Luca pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Luca!" saway ko dito. Hindi niya ba alam na nakikinig ang buong estudyante niya?

Nakita kong napalunok si Drake nang dahil sa sinabi ni Luca. Dahan-dahan din itong lumapit kay Drake at may ibinulong sa kanya na hindi ko alam. Pero sa pagkakakita ko nang expresyon at pamumutla niya ay mukhang hindi maganda ang ibinulong nito. Hindi ko man marinig, halatang delikado si Drake ngayon sa kamay ni Luca. Idagdag pa ang kanyang nakakatakot na aura.

"Okay class go back to your seats. Let's start our day with a positive one." nakangiti nitong saad. Weird.

"S-sir." tawag ng kaklase kong si John habang nakataas ang kamay.

"Yes?"

"A-asawa niyo po ba talaga si Yvvone?" agad akong kinabahan nang dahil sa tanong niya. Paanong natatandaan niya pa iyon?

"No."

"Yes."

Sabay naming sagot ni Luca. Baliw ba siya? Gusto niya ba talagang ipahamak ang sarili niya?

"Kung mag asawa po kayo, ede ibig sabihin non hindi na po kayo pwdeng magturo dito kase bawal po 'yon hindi ba?" langya 

"Yea i know, that's why i will resign. And i'll ask you to do not touch my woman." hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Talaga ngang nahihibang na siya!

"I'm not your woman. Hindi kami kasal, palusot ko lang 'yon kay Drake na siyang sinakyan niya lang siguro."

"Eh ano 'yang singsing sa kamay mo?" bakit ba napaka-pakealamero nito?

Inirapan ko lang ito at hindi na sumagot. Humalukipkip na lang ako sa aking upuan at nagpakahalumbaba.

Discuss lang ng discuss si Luca ng nga bagay na hndi ko naiintindihan. Nagiging bobo na ako. Napansin ko iyon lately, mukhang hindi na active ang mga brain cells ko.

Dumating ang uwian, wala pa ding imik si Giya at Elise. Ewan ko kung ano ng nangyare sa magpinsang 'yan. Mukhang may problema ata sila, sa bahay ba? Family problem o lovelife problem? Pero malabo naman iyong panghuli dahil wala naman silang mga jowa.

"Giya—"

"Don't talk to me." malamig na pagputol nito sa aking sasabihin. Sa akin ba sila galit?

"Elise—"

"Bakit mo tinago samin 'yon Aki? Wala ka bang tiwala samin ha? Best friend mo kami eh, bestfriend mo kami pero bakit parang hindi kami updated sa buhay mo. Bakit ang sekreto mo sa amin. Kaya ba palagi kang hatid sundo ni Sir Luca? Sagotin mo ako Aki! Sumagot ka!" galit na galit si Elise habang binabato ako nito nang mga tanong.

"Alam ko namang magagalit kayo eh, at tsaka ayaw ko din kayong mag-alala. May kanya-kanya tayong mga buhay, at ayaw ko din kayong dinadamay sa kung anong mga problema at gulo ko sa buhay. At syempre diba, we also need to set boundaries to each other. We need privacy, kahit gaano pa tayo ka close, kahit gaano pa tayo ka tagal na magkakaibigan kailangan padin natin ng privacy, kailangan padin nating magset nang boundaries."

"You are unbelievable Aki! How can you say that ha?" tumataas na ang tono nang boses ni Elise.

"Pwde bang pag usapan natin 'to sa walang masyadong tao? Private place?" tanong ko dito imbis na sagotin ang hinanakit niya.

"Okay, follow us." sagot niya naman.

Lumabas kami ng room at dumeritso sa parking lot na siyang ikinataka ko. Dito ba nila gustong mag-usap? S a dinamidami talaga nang pwedeng lugar na mag-usap kami dito pa?

"Anong— bakit tayo nandito?"

"Dinala ni Giya ang kotse niya." 

Pinatunog naman ni Giya ang kotse nito para mahanap agad. Nang mahanap namin ay agad niya kaming pinapasok. Ang lamig padin nang pakikitungo nila sa akin. Alam ko namang sirado pa ang utak nila dala nang magkahalong pagtatampo at galit eh.

"Get in." 

Nang makapasok ay naisipan kong kausapin na ito.

"Giya—" 

"Don't you know what kind of man is Luca Yvvone." hindi ko alam kung talaga ngang nakakatakot ang tono ng boses ni Giya ngayon o talagang nagtatampo din siya sa akin nang grabeng-grabe.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.

"It's not my story to tell. He's a friend of my new freaking bodyguard."

May nalalaman kaya siya tungkol kay Luca na hindi ko alam? Kung mayroon man, ano kaya iyon?

"Giya... About don kay Sol... Matutulungan mo ba ako?"

"Yea i can... Hindi alam ni dad, you know me. But, my bodyguard will be with us." sabi nito kaya napatango tango na lang ako.

May bago na naman siyang bodyguard? Parang nong kailan lang 'yong bago ah. As usual nga walang nagtatagal sa kanya, sana itong huli ay magtagal na. Kahit masama ang loob at hindi pa kami nagkaka-usap nang maayos ay nagmaneho lang si Giya hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Bumaba kami at pumasok sa loob upang doon mag-usap.

Pagpasok namin sa bahay nila ay napayuko ako dahil sa dami ng kalalakihan, pero 'yong dalawa derideritso lang kaya sumunod na lamang ako. Nang mapatingin ako sa sofa nila ay laking gulat ko ng makita si Luca dito. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito? Bakit alam niya ang bahay nina Giya? Totoo nga kayang may alam si Giya tungkol kay Luca na siyang hindi ko alam?

Kahit nagtataka ay hinayaan ko na lamang ito at sumunod na kina Giya at Elise sa taas. Hindi mo makikitaan nang gulat ang mukha ni Luca na para bang ini-expect niya nang pupunta ako dito.

"Now speak." utos ni Giya ng makarating kami sa kwarto niya.

"Hindi ko alam kung saan ko uumpisahan." nakayuko kong sabi sa kanila.

"From the very start Aki." saad naman ni Elise.

Huminga muna ako ng malalim bago ikwento sa kanila ang nangyare.

"—tapos ayon, noong una girlfriend lang tapos nong nagalit siya kay Drake mag-asawa na daw kami. Binigyan niya din ako ng singsing."

"Saan kayo ikinasal? Sa pari o sa judge?"

"Walang nangyaring ganon, simple lang ang nangyare. Sinabi niya lang na asawa niya ako, pinakuha si Mama sa bahay at 'yon mag-asawa na kami.

"Tangina, matalino ka diba? Bakit hindi mo naman ginamit utak mo!" si Elise na galit na galit.

"Naniwala ka naman? God Aki! That man is a fucking psy—" hndi natapos ang sasabihin nito ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at iniluwa non ang lalaking hindi ko kilala. Pero kulay asul ang mga mata nito. Ang ganda.

"What the hell Blue?" galit na sigaw sa kanya ni Giya.

"Don't try." matigas na sabi ng lalaking nagngangalang Blue.

"I will. Concerned ako sa bestfriend ko kaya gagawin ko ang gusto ko at ang alam kong tama!" asik naman ni Giya sa kanya.

"He will surely kill you!"

"I don't care! He can kill me freely if he want, it's my pleasure tho. Pero kailangang mailayo ko ang kaibigan ko sa baliw na 'yon Blue."

"Damn! Giya... Please listen to me, hindi siya ganoong klaseng tao, kung ano man 'yang nasa isip mo huwag mo nang ituloy. Just don't meddle with his business."

Pabalik balik ang tingin ko sa dalawang taong nagbabangayan sa harap ko. Hindi alam kung anong pinag-uusapan nila.

"Mag-asawa naman na sila wala ka nang magagawa!"

"Mag-asawa? Nahihibang ka narin ba kagaya niyang kaibigan mo? Nababaliw ka narin ba ha? Hindi sila kasal sa papel, hindi sila kasal sa batas at mas lalong hindi sila kasal sa mata nang diyos! Kasal lang sila sa bibig ni Luca. Kasal lang sila sa salita nang gagong' yon!"

"Nilalagay mo lang ang sarili mo sa kapahamakan Giya!"

"I don't care! I don't care! I don't care!"

Nakakarindi ang sigawan nila, bakit ba pinag-uusapan nila kami at ang gawa-gawang kasal ni Luca?

"TUMIGIL NGA KAYONG DALAWA!" sigaw ko na nagpatigil sa kanila.

"What's happening here?" tanong ng bagong kakadating na si Tito. Ang papa ni Giya.

"Anong nangyare?" tinagalog lang ng lalaking hindi ko kilala, hala! Sige.

"Why the three of you are shouting?" si Luca na nagtataka na din.

Maski isa sa kanila ay walang sinagot si Giya, tumingin lamang ito sa ama bago magsalita.

"Dad, i need your mens right now. I guess around 50 is okay—"

"What are you going to do princess?" 

"Just give me your mens Dad."

"For what?" pakikisali naman ni Luca.

"None of your business." mataray na sagot naman ni Giya dito.

"We need your mens Tito, my friend is in... danger."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top