Chapter 4
"NASAAN tayo? Tsaka kaninong bahay 'to?"
"It's mine." sagot niya na ikinanganga ko.
Weh? For real? Gusto kong itanong sa kanya pero hndi ko na lang itinuloy.
"Sayo 'to? Grabe ang ganda." manghang sabi ko habang nililibot ang paningin. "Eh bakit mo nga pala ako dinala dito?"
"Simple, because starting today you will be my lovely wife." nakangiti nitong saad, teka! Hndi maiproseso ng utak ko.
"Teka, Luca nong isang linggo mo pa lang akong niyayang maging girlfriend mo tapos ngayon asawa naman? Aba! Nahihibang kana ba? Hndi mo ba alam na may mga pangarap pa akong gustong matupad? Gusto ko pang makatapos nang pag-aaral ko at makahanap ng desernting trabaho." mahabang lintanya ko sa kanya na ikinatawa niya. Ano? Tatawa tawa lang siya? Aba! Lahat na lang ba talaga sa kanya ay biro?
"Hindi na ako natutuwa sa mga pangti-trip mo Luca, i am not a toy na aangkinin mo na lang na parang sayo. Na gagawin mong pagmamay-ari mo. Pinalagpas ko ang gusto mong maging girlfriend mo ako dahil ang akala ko ay matatapos at magsasawa ka din sa pangti-trip mo sa akin. Pero this is too much Luca. Ang pag-aasawa ay hindi minamadali, ang pag-aasawa o ang pagiging mag-asawa ya para lamang sa dalawang taong totoong nagmamahalan. Hindi kagaya nitong set-up natin. We are not in love to each other!"
"Don't over react babe, makakapag aral ka pa naman, matutupad mo pa naman ang mga pangarap mo. The only difference is, you're going to live in the same house as mine. We will live together, eat together, i'll share what's mine to you and you will do the same to me." paliwanang nito sa akin na akala naman nito ay papayag ako. "And oh i forgot, of course we will shower together to preserve water." nakangising sabi nito at kumindat pa.
Nawawala na nga siguro ang utak neto, teka nga at hanapin ko.
"Luca i am not joking. Please magseryoso ka naman!"
"I am not joking either hon. Do you think i'm joking or do you think i'm just teasing you? No i am not! I am serious as hell Akira."
"Ewan ko sayo Luca, ang kitid talaga nang utak mo eh no? Teacher ka paman din tapos simpleng mga pinagsasabi ko hindi mo maintindihan. Paano ang nanay ko ha? Ano na lang ang sasabihin non na maaga kong pinawara ang sarili ko dahil lang sa mayamang lalake? At isa pa ayaw kitang maging asawa. Hindi ako nag-agree na maging asawa mo. At hinding-hindi iyon mangyayare Luca." mahabang lintanya ko na ikinadilim nang kanyang aura.
"About your mother, she will going to live with us. Andyou will be your wife whether you want it or not. Whether i have your permission or not. The moment you let me touch you and make you mine, you really are mine." walang emosyong saad nito at agad pumanik sa taas. Naiwan tuloy akong mag isa dito at nakatanga nang dahil sa sinabi niya.
Wala na talagang pag-asa ang lalakeng 'yon. Baliw na talaga siya, ang sarap niyang bigwasan. Sana man lang makaramdam siya sa mga sinabi ko. Sana man lang pagbalik niya dito ay marealize niya nang hindi talaga kami pwede dahil teacher ko siya at estudyante niya ako. Sana isipin niya iyon para naman hindi siya mukhang tanga na pinipilit ako sa lahat ng mga bagay na gusto niya at involve sa buhay niya. Nagmumukha siyang kulang sa aruga at atensiyon nang mga magulang niya dahil sa ginagawa niyang ito.
Umupo na lang muna ako sa malaki at magarang sofa niya na parang ayaw ko pang idikit ang pwet ko dahil baka mamaya eh madumihan ito. Nagpalinga-linga hanggang sa may narinig akong door bell sa labas. Tiningnan ko naman si Luca kung pababa na pero wala parin kaya napagdesisyonan ko na lang na tumayo at buksan ang pinto.
Pagbukas ko nang pinto ay iniluwa nito si mama na agad akong niyakap habang humihikbi kaya agad ko naman itong niyakap pabalik. Nag-aalala kung bakit siya umiiyak at kung paanong napunta siya dito.
"Ma ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo? May ginawa ba sila sa iyo? Bakit ka po umiiyak?" sunod sunod na tanong ko kay mama sa sobrang pag-aalala.
"Ikaw na bata ka! Bakit hindi mo sinabing kasal kana pala ha? Alam mo bang laking gulat ko ng pumunta ang mga lalaking ito sa bahay natin at sinabi sa aking lilipat na daw tayo ng bahay dahil iyon ang utos ng asawa mo?" sermon ni mama sa akin na siyang ikinatanga ko. Giniya ko muna ito sa sofa upang paupuin, baka mamaya ay bigla na lamang itong mawalan ng malay dahil sa mga nalaman niya.
Ano itong ginawa mo Luca? Ano na lang ngayon ang sasabihin ko kay Mama neto, na napilitan lang din akong magpakasal sa lalakeng may ari nang bahay na ito kahit hindi paman din kami tuluyang kasal? Na siyang pinilit niya lang ang ikasal sa kanya, na gawing asawa niya? Isang kabaliwan iyon!
"Anak, kanina pa kita kinakausap." nagising ang aking wala sa sariling diwa nang marinig ko ang boses ni Mama sa aking tabi.
"Pasensya na ho ma, biglaan lang din po kase." mahinang sabi ko kay mama.
"Anong biglaan?" taka nitong tanong.
"Ah basta po, mahirap ipaliwanag at mahaba. Basta ang importante po diba magkasama parin tayo? Tsaka mabait naman po si Luca Ma, he will provide all the things we need you don't even have to scrub for us. He will take care of that, i am totally his wife and what's his is mine. Mapagkakatiwalaan natin siya ma, mabait siya. Mabait na laging namimilit." lies.
Lies. Everything i said was just a lie. Hindi ko alam kung pro-provide-dan niya kami ni Mama nang mga kailangan namin, hindi ko din alam baka sa future ay gawin niya lamang kaming ulila dahil dito na kami natira ni Mama sa kanya. He can toy me, but i will never let him hurt my Mom. Si Mama na lang ang mayroon ako, kaya hindi ko kakayanin kung apti siya mawala narin sa akin. Mawala na ang lahat huwag lang si Mama.
"He will really pay for what he did, he will pay for playing with me."
"Ano iyon anak?" tanong ni mama na inilingan ko lang.
"Good evening, Madame." nabaling ang tingin namin ni amma kay Luca na kakababa lang. Nakabihis na ito nang simpleng short at plain t-shirt. "Are you hungry?" magalang na tanong nito. Wow!
"Ikaw ba ang asawa ng anak ko?" imbis na sagotin ang tanong ni Luca ay matigas niya itong tinanong pabalik.
"Yes, madame. And sorry for not inviting you to our wedding, it's just simple and-" kahit niputol ni Mama ang kanyang sinabi ay ngumite parin ito.
"Bakit biglaan ang kasal niyo?" napatingin naman si Luca sa akin dahil sa biglaang tanong na iyon ni Mama. Para bang nanghihinge nang saklulo, at kapag hindi ko siya sinaklulohan ay pareho kaming patay kay Mama.
"Ma, kumain na lang ho muna tayo. Nagugutom narin ho kase ako." sabi ko kay Mama para maiwasan ang tapiko.
"Oh siya, at ako'y kanina pa din naman nagugutom dahil sa paglalako ng aking paninda." sagot naman ni Mama kaya mukhang nakahinga naman ng maluwag si Luca.
"Nay Pasing." tawag ni Luca sa kung sino mang Nay Pasing na iyon.
"Bakit ho, Senyorito?" magalang na tanong naman ng ginang na nag-ngangalang Pasing.
"Paki dala ho muna si Mama Glaiza sa dinning at pake asikaso nadin." utos ni Luca dito na siyang magalang niya din namang sinunod. At teka, ano daw? Mama Glaiza? How did he know my Mom's name?
"Sige ho senyorito."
"What to do?" agad na tanong nito sa akin ng makaalis ang ginang.
"Anong what to do?" balik na tanong ko naman sa kanya.
"Anong gagawin natin?" ay tinagalog lang nang anak ng tilapya.
"Trinanslate mo lang Luca." sarkastikong sabi ko sa kanya.
"I'm serious hon. Anong gagawin natin? I mean anong sasabihin natin sa Mama mo?" natataranta nitong tanong.
"Sino ba kase ang may tamang pag-iisip na pilitin ako na maging asawa niya ha? Sino ba kase ang baliw na pala desisyon sa buhay ko na akala mo pag-aari niya ako." sinamaan niya ako nang tingin nang dahil sa aking sinabi. Oh, tamo, siya pa ang may ganang magalit. Nakakainis!
"Tsk!" asik nito sa'kin.
"Sabihin na lang kaya natin ang totoo? Hindi naman siguro magagalit si mama. Sabihin na lang nating mahal nga talaga kita. Oh hindi kaya ay prank lang itong ginagawa natin, happy april fools day kahit hindi pa april."
"Hndi mo 'ko mahal?" sa dinami nang sinabi ko, iyon lang talaga ang nanotice niya?
"Syempre-"
"Syempre?" pag putol nito sa'kin.
"M-ma-mahal." nauutal kong sagot. Mahal ko nga ba siya? Alam ko naman sa sarili kong napipilitan lang akong pakisamahan siya dahil sa pabago-bago nang kanyang modo.
"Bakit ka nauutal? Hindi ka sigurado?" tanong nito kaya umiwas na lamang ako ng tingin sa kanya dahil feeling ko, ano mang oras ay manlalambot ako sa titig niya. "Oh bakit ka umiiwas?" dagdag pa nitong tanong.
"Nakakatakot ka kaseng tumingin." pag amin ko sa kanya.
"I'm sorry." sabi naman nito sa mahinang boses."I'm sorry if i scared you."
Huminga na lang ako ng malalim at inaya na itong kumain. Wala naman na akong magagawa, anong laban ko sa kanya?
"Kumain na lang tayo." aya ko sa kanya at para iwasan na din ang topikong ito.
Nagpakawala din ito nang isang malalim na hininga bago sumang-ayon sa akin. "Okay, let's go." saad nito at hinawakan ang aking kamay at sabay kaming pumunta sa dinning ng bahay niya.
"Oh mga anak, kumain na kayo. Kanina ko pa kayo inaantay pero ang tagal niyo namang dumating kaya nauna na ako." saad ni Mama nang makita niya kami ni Luca.
"Mga anak. Ang sarap pakinggan." bulong ni Luca sa'kin.
"Tse! Tumahimik ka nga!" asik ko na kanya lamang na ikinatawa.
"Tapos na po ba kayong kumain Ma?" tanong ni Luca kay Mama habang nilalagyan nito ng pagkain ang plato ko.
"Oo hijo tapos na." nakangiti namang sagot ni mama.
Salamat naman at mukhang nakalimotan nito ang tungkol sa kasal daw namin ni Luca. Sa gawa-gawang kasal ni Luca.
"Gusto niyo na po bang magpahinga o matulog?" tanong ulit ni Luca dito.
"Saan ba ako pwdeng magpahinga hijo? Pagod na rin kase ako eh." sagot naman ni mama sa kanya. Wow close na sila agad? Ang traidor naman ni Mama.
"Nay Pasing, paki hatid naman po si Mama sa guest room." utos ni Luca kay Nay Pasing na sinunod naman ng ginang.
"Sige ho senyorito. Dito ho tayo ma'am." sabi nang ginang at inalalayan si Mama papunta sa taas.
Pag-alis naman nila Mama ay tinuloy lang namin ni Luca ang pagkain namin habang walang imik. Walang gustong magsalita saming dalawa. Hindi na lang din ako nagsalita at kumain lang ng kumain kahit na wala naman akong gana.
From now on, i will just brace my self for up-coming deluge in my life.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top