Chapter 38

"WHERE THE hell are we really going Luca?" reklamo ko ng makita ang dinadaanan namin.

It looks scary, pakiramdam ko tuloy baka bigla na lang may humarang sa amin tapos killer pala. God! My freaking imagination again.

"Just sit back and relax love, h'wag kang masyadong maingay at baka lumabas sila."

"Lumabas sino?" taka kong tanong na may halong kaba.

Oh god! Mamaya may mga nakatirang bampira pala dito sa dinadaanan namin, tapos bigla na lang tatalon sa harap nang kotse namin at boom papasokin ang kotse namin at sisipsipin ang aming mga dugo—

"Don't tell me your imagining weird things again hon." putol ni Luca sa imagination ko.

"Well, a-h kind of." ani ko at nag iwas ng tingin. "Malay mo naman kase diba? Tsaka bakit ba ayaw mong sabihin kong saan tayo pupunta?"

"Pagsinabi ko sayo ede hndi na 'yon surpresa."

"Ede hndi na 'yon surpresa." i mocked.

"Babe, wait a little while okay? Malapit na tayo."

"Heh! Ewan ko sayo. Just be careful while driving i just take a nap muna." ani ko at hinilig ang ulo sa tabi ng bintana.

"Okay, sleep well hon."

I closed my eyes at pinilit matulog dahil nahihilo na ako at padilim nadin. Well, 4 PM pa lang naman pero dahil sa madaming puno ng kahoy sa dinadaanan namin kaya nagmumukha nang gabi.

Si Luca na ang nagdadrive ngayon at ako naman sa shot gun seat. Pinahinga muna namin si Mang Carding dahil namamanhid na daw ang kamay niya at baka maaksidente pa kami. Todo pa nga siya hinge ng pasensya kanina dahil kanya daw 'yong trabaho pero naipasa niya pa kay Luca. Sinabi pa niyang ibawas siya sweldo, naku talaga kahit maliit na bagay ay nababahala sila, kaya naman sinabihan nalang naming okay lang dahil mas importante padin ang kaligtasan naming lahat.

Tumakilid ako paharap kay Luca dahil hndi pa naman ako makatulog. Damn! I really felt dizzy but i can't sleep. What's wrong with me?

Sa posisyon kong 'to nakikita ko ang matangos na ilong ni Luca at  mahahabang pilik mata. He really look like a sex god kahit naka side view lang siya. Ang biceps niyang alagang alaga niya sa pag-gi-gym.

Hays, bumalik ako sa dati kong posisyon pagkatapos kong pagsawaang tingnan si Luca habang naka side view. Pinikit ko na lamang ulit ang mata ko at pinilit matulog. And thanks god unti unti na akong kinukuha ni god— unti unti nang bumibigat ang aking talukap.

Nagising ako sa isang mahinang tapik sa aking pisnge kaya namumungay mungay ang aking mga matang dumidilat para tingnan kung sino ang sumira sa mahimbing kong tulog.

I saw Luca staring at me while gently taping my cheeks.

"Hey, love we're here." anunsyo nito kaya agad akong napabangon.

Inayos ko ang aking damit na hndi gaanong napataas dahil siguro sa pagtagilid ko. Inalalayan niya akong bumaba ng sasakyan. Nang makababa kami ng sasakyan ay bigla na lang nagningning ang aking mga mata dahil sa ganda nito.

"Woah! It looks like a paradise."

From the flowers, sands, the clear water and the peaceful wind. It really looks like a paradise.

"A paradise indeed, love do you like it? Surprise!" malambing na tanong nito kaya natawa ako.

"Of course, i like it. How did you know this place by the way? It look likes— bakit parang patago siya? Bakit parang liblib? Sayang at ang ganda. Perfect tourist spot."

"This island owns by a friend of the twins. I don't know, he's too young to handle like this but i don't care, whatever." anito at umismid pa.

Magsasalita pa sana ako kaso may lumapit sa aming staff ata nila? Maybe, i don't know.

"Good morning, Sir, Ma'am. Welcome to Isla De Paradiso, enjoy your stay." magiliw na bati nito.

"Hello, thankyou. May i know if where can we stay?"

"Sure ma'am, this way. Follow me please." minuwestra nito ang daan bago mauna.

Sumunod naman kami habang nagpapalinga linga. Ang ganda talaga ng islang ito. I wonder sino kayang may ari nito? If friend ng kambal masyado ngang bata, how he can handle this island? It's too perfect.

"Mom! Ang ganda dito, sana magstay tayo dito ng isang buwan." natawa ako dahil sa sinabi ni Luvi.

"Grabe naman ang isang buwan anak, you know why where here right?" makahulugang ani ni Luca bago guluhin ang buhok ng anak na ikinasimangot nito.

What is he talking about? Curiosity kills, right.

"What do you mean, Luca?" i ask him and look directly in his eyes. I saw him avoiding his gaze to me pero hinawakan ko ang panga niya upang humarap ito sa akin.

"Vacation Mom, what else?" si Luvi ang sumagot kaya pinaningkitan ko ito ng mata.

"Kapag nag uusap ang mga bata h'wag kang sasali na matanda." sarkastiko kong ani kaya natawa ang mga kaibigan ni Luca pati nadin ang staff kaya napasimangot naman si Luvi.

Hinatak nito si Camia at naunang maglakad sa amin kasabay ng staff. Nang makapasok kami sa isang malaking building, i think for receptionist. Nauna pa sina Luvi at Camia. Tinawag ko ito pero hndi ito nakinig at dumeritso lang talaga. Nagtatampo na naman ang spoiled brat na anak ni Luca.

"Naku! Ang batang talaga 'yon napakatigas ang ulo." naiiling kong sabi.

"Ouch!" napatingin ako kay Luvi ng nakaupo ito sa sahig at sapo sapo ang kanyang noo.

Oh god! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

Naglakakad ako papunta sa kanya at sa taong nakabungguan nito.

"Hey," tawag ng binata kay Luvi at tinulungan itong tumayo pero tinabig lang ni Luvi ang kamay niya kaya napapikit ako ng mariin.

Ang tigas ng ulo!

"Don't touch me."

"I'm sorry, next time don't run para hndi ka na makabunggo nang kung sino. Be careful." ani ng binata kay Luvi at hndi pinansin ang pagmamaldita nito sa kanya.

"I said, don't touch me. Are you deaf, mister?" pagmamaldita pa nito at tinabig muli ang kamay ng binata ng makatayo na ito.

Nilapitan ko na lang tuloy ito dahil baka mapikon pa ang binata sa kamalditahan niya.

"Luvi," i called her name. Napatingin naman sa akin ang binata kaya binigyan ko ito ng maliit na ngiti.

"I'm sorry for the trouble my daughter cause. Are you okay?" tanong ko sa kanya na tinanguan niya lanf.

"Luvi." ulit pa nita sa pangalan ng anak ko. "Nice name."

"Nice name." Luvi mocked which make the boy chuckled.

"Sir!" tawag ng staff kanina kaya kumunot ang noo kong tumingin sa kanya.

"Aira,"

"Ah Sir, nandito na po ata ang VIP costumers natin. Nandito na kase sina Ma'am Faze at Sir Gaze."

Oh, so he's the owner? Grabe ang bata pa talaga niya.

"That's good where are they?"

"Ayon—"

"Hey dude."

"Yo, Vyx wazup?"

Sabay na bati ng kambal sa binata at nakipag fist bomb pa dito.

"Ang tagal niyo ding dumalaw ulit ah?" tanong ng lalake.

Nilapitan naman ito ni Faze at may binulong na kung ano kaya napangisi ang lalake.

"All set. Ako pa ba?" mayabang—

"Yabang ng kapre." napatingin ang lahat kay Luvi dahil sa sinabi niya.

"Luvi, kapag nagsasalita ang mga bata—"

"Whatever, kuya Gaze. Kanina pa ako nangangalay, hndi pa ba tayo uupo o magpapahinga man lang? Saan na ba ang kwarto natin?"

"Luvi." napatingin naman si Luvi kay Luca at napayuko.

I smiled. Even though she's spoiled by Luca hndi padin mawawala ang pagkastrikto ni Luca sa kanya. Hndi din nawawala ang disiplina nito. Good thing, Luca knows his limitations to Luvi.

Lumapit naman ito sa akin at yumakap sa bewang ko. Ah-ah, nagpapalambing na naman siya, naghahanap ng kakampi. Aba!

"Mommy, i'm tired." anito sa mababang boses.

I sighed and look at Luca.

"Excuse me miss? 'Yong sistay-yan namin?" tanong ko ulit dito.

"Go, assist them, Aira." tinapik nito ang kambal sa balikat at may sinabi pa bago umalis. "We'll talk later about the UG."

Tinanguan lang naman ito ng kambal at sumunod nadin sa amin.

Hndi padin nawawala ang paghanga ko sa mga tanawin dito. Nakakahanga talaga ang ganda nito.

Dinala kami ng babaeng nagngangalang Aira sa aming cabin. Dinala niya din ang iba sa kani kanilang cabin. Si Luvi, Camia at Giya iisang cabin lang dahil ayaw humiwalay ng dalawa. Ayon no choice kami kundi ibigay lahat ng sakit ng ulo kay Giya. Kami ni Luca ay iisang kwarto lang, ganon din sina Zia at Gun, ang natirang mga walang asawa at girlfriend ay iisang kwarto talaga dahil ayaw daw nilang makatabi ang isa't isa. Kadiri daw 'yon, grabe naman sila makakadiri parang mga tanga.

Nag ayos muna kami ng cabin namin, nilagay muna namin sa mini closet na nandito ang mga damit namin at mga essentials. Pagkatapos mag ayos ng lahat ay nagkita kita kami sa isang malaking cottage na kasya kaming lahat, dahil sa dami namin ang pinakamalaking cottage talaga ang kinuha namin.

Gabi na kami nakarating dito kaya 10 PM na ang hapunan namin. Nagsalo salo kami sa isang mesa para daw mas masaya. Kagaya ng sabi nila masaya nga ang hapunan namin, hanggang sa sirain ito nina Xevi at Luis.

"Napakatakaw mo talaga, Xevi. Ubusin mo na lang kaya lahat ng manok sa pinggan ko pati diyan sa serving dish." inis na sabi ni Luis at tinangkang ibubuhos sa plato ni Xevi ang pagkain niya.

"Oh sige ibuhos mo, akin na." panghahamon ni Xevi at ngumisi pa ang loko.

"Tadyakan kita sige."

"Tadyakan din kita oh, oh."

Habang nag aasaran ang dalawa ay palihim namang kinukuha ng dalawang bulinggit ang mga manok sa pinggan nila dahil nilapag na nila ito sa mesa at nag ambahan ng suntok.

Humagikhik ang dalawa at nag apir pa kaya natatawang napailing na lang din ako.

Nang bumalik na sina Xevi at Luis upang kumain ay nagsalubong ang mga kilay nila kaya pinigilan kong matawa.

"Sinong kumuha ng manok ko?!" sabay na inis na sabi pa ng dalawa at nagkatinginan pa.

Nagpatay malisya naman ang dalawang bulinggit at animo'y seryoso pang kumakain.

"Grabe ang takaw niyo talaga, nasa pinggan na ng iba kinukuha niyo pa." parinig ni Xevi at kumuha ng panibagong manok.

Sakto namang 'yong kinuha niya ay kukunin din ni Luis kaya nag umpisa na naman silang magbangayan.

"Ano ba kayo, ang dami daming manok nag aagawan kayo sa isa." saway sa kanila ni Giya at kinuha 'yong manok na pinag aagawan nila.

"Aba't—" magrereklamo pa sana si Xevi pero pinutol na ito ni Giya.

"Oh may angal ka ha?"

Napakamot na lang ito sa kanyang ulo at labag sa loob na kumuha ng panibagong slice.

Pagkatapos non ay naging payapa na ang hapunan namin. Pagkatapos ng hapunan ay napagpasyahan nilang gumawa daw ng bonfire habang nagpapatunaw ng kinain don at syempre magchill chill daw at uminom.

Gumawa nga nang bonfire ang mga lalake habang kaming lima naman ay nakatingin lang sa kanila. Nang matapos nilang gawin 'yon ay umupo na kami ng pabilog. Pero agad ding tumayo si Clark at End upang umalis, pagbalik nila ay may dala na silang dalawang malaking cool jar na mukhang alak ang laman dahil sa laki nang ngisi ni End.

"Oh inoman na, saktong pampatunaw." ani Xevi at kumuha ng inomin. Binigyan niya din sina End at Luis na nasa tabi niya.

Kanya kanya naman kaming kuha ng amin dahil malayo kami sa kanila. Actually pinatulog muna namin ni Giya ang dalawang bulinggit bago kami pumunta dito, mabuti nga't nag volunteer ang kaibigan nila Faze at Gaze na magpapadala daw ng bantay sa mga bata para masigurado ang safety nila.

Naka indian seat ako ng upo ganon din ang iba. Nilagok ko ang hawak kong beer dahil nakaramdam ako ng lamig. Gusto kong magpainit, shit! Unti unti na ding nawawala ang apoy kaya kumuha na naman muli ang mga lalake ng mga panibagong kahoy, this time niramihan na talaga nila dahil tamad na daw silang bumalik.

Puro lang kami kwentuhan about business. Naboboring ako kase na-a-out of place ako minsan. Wala naman kase akong alam sa business na 'yan.

"Hay naku, ang boring." ani Giya at nagpahalumbaba.

Tumawa ako at nag agree sa kanya.

"True," ani ko at humikab.

"What if we play?"

"Ano ka bata?" pambabara sa kanya ni Xevi kaya agad niya itong sinamaan ng tingin.

"Gago! Bata lang ba pwde maglaro? Tsaka truth or dare naman lalaruin natin eh. Oh ano game?"

"Common na 'yang laro na' yan, wala na bang iba?" ani naman End pero binato lang ito ni Giya nang masamang tingin.

"Ano namang mga mechanics?" i ask.

"Simple lang naman, since popular na 'yong paikot ikot ng bote, kumanta na lang tayo habang magkahawak ang mga kamay natin, tapos 'yong kanang kamay itatap mo sa kamay ng katabi mo, tapos ganon din gagawin niya and so on hanggang sa matapos ang kanta, tapos kung kanino matatapos 'yong kanta siya 'yong tatanongin ng truth or dare, tapos kapag hndi niya nagawa 'yong dare ang consequence ay iinom ng dalawang boteng beer, buttoms up." paliwanag ni Giya na ikinatango tango ng lahat.

"Pamatay ka naman magpainom, Giya." angal ni Xevi.

"Ede huwag kang sumali!"

"Oh right, kanino mag uumpisa?" tanong ko.

"Kay Giya na lg since siya naman nakaisip, at para mademo niya din." suggest ni Zia.

"Osige ako na."

A|N: Ganeto pala 'yong pagkasunod sunod ng pabilog nina Yra.

Giya, Yra, Luca, Gun, Zia, Luis, Xevi, End, Clark

Note: Imagine-nin niyo na lg na pabilog sila HAHAHA basta ganyan 'yong pagkasunod sunod nila.           

Kay Giya nagsimula ang kanta, siya din ang pumili dahil wala pa kaming naiisip.

A|N: You can play 'Enchanted To Meet You' para dama niyo 'yong lyrics ng kanta.

'This is me praying that'

'This was the very first page'

'Not where the story line ends'

'My thoughts will eco your name'

'Until i see you again'

'This are the words i held back'

'As i was leaving too soon'

'I was enchanted too meet you'

Kay End tumigil ang kanta kaya agad nila itong kinantyaw.

"Ohh lagot ka talaga pre, si Giya mag-tatanong eh." natatawang ani ni Xevi.

"Alright, sige game na. Truth or dare, End?"

"Truth, baka ano pa ipagawa mo sakin eh." nakangising tanong nito. Nawala lang ang kanyang ngisi dahil sa tanong ni Giya.

"Do you still love her?"

Hndi ito nakasagot. Alam ko kung sino ang tinutukoy ni Giya dahil naikwento na din 'yon sa akin ni Luca, at kahit si Giya naikwento niya din.

Umiwas ito ng tingin at nilagok nag dalawang beer nang walang pag aalinlangan.

Natahimik ang lahat at sinamaan naman ng tingin ni Gun si Giya pero nagkibit balikat lang ito.

"What?" inosente nitong tanong.

"Shut that freaking mouth of yours, Giyannie." malamig na turing ni Gun pero hndi nito napatinag si Giya.

"I thought—"

"Giya," pigil ko sa kanya kaya natahimik ito.

"Okay, okay, ano ba 'yan sinisira niyo ang moment eh, Giya kase." saad ko at pilit na tumawa.

"Oh ano na? Let's back to our game, si Yra na."

Kumanta kami ng kantang sinuggest ni Zia, 'yon daw kase ang wedding song nila ni Gun at namimiss niya na daw 'yong pakinggan.

Easy on me.

Kinanta namin 'yon hanggang sa kay Xevi huminto ang kanta. Dare ang pinili niya kaya nakaisip ako ng kalokohan.

"Sumisid ka sa dagat habang humihinga." natatawa kong utos kaya agad itong nagreklamo.

"Papatayin mo ba ako, Yra? Ang laki ata ng sama ng loob mo sa akin." umarte pa itong humawak sa dibdib niya na para bang nasasaktan.

Tumawa kami dahil sa kabaliwan niya. Syempre joke ko lanf 'yong unang utos ko.

"Joke lang, ito na talaga."

"Osige, ano? ano?" excited nitong tanong.

"H'wag ka ng huminga."

Humagalpak kami ng tawa ng sumimangot si Xevi.

"Pinagtitripan niyo talaga ako no?"

"Biro lang, ito na talaga promise." natatawang ani ko.

"Pag 'yan katarantaduhan na naman itatapon na talaga kita sa dagat at—"

"Try Xecrane Virous."

"Woah, woah easy dude i was just kidding. Kapag talaga ako ang binubully walang nagtatanggol pero kapag ang mga asawa niyo, walang pag alinlangang gusto niyo akong patayin." pag iinarte nito kaya agad siyang binatukan ni Luis na agad niya ding tiningnan ng masama.

"Gago ang arte, kadiri." Luis.

"Oh, Yra ano na 'yon?" tanong ni Xevi.

"Wow ah, bumait?" pang aasar ko pa na ikinanguso nito kaya natawa ako.

"Ano na nga?"

"Easy, ito na. Sumayaw ka ng sexy dance."

Humagalpak ulit sila ng tawa na pinangungunahan ni Luis kaya tiningnan sila ng masama ni Xevi.

"Yra, naman eh!" pagmamaktol nito.

"Oh ano? Dare naman 'yon ah, tsaka ano na namang masama don?" inosente kong tanong.

"Sasayaw ka o sasayaw ka?" tanong ni Giya na ikinatawa namin.

"Bobo pareho lang 'yon!"

"Bobo kadin sumayaw ka na lang!"

"Iinom na lang ako, baka mainlove pa kayo sakin eh."

"Inlove my ass, tsk!" asik ni Luca at Gun kaya natawa sina Luis at ang iba.

"Sayaw ka na lang Xevi."

"Sasayaw na 'yan."

"Sasayaw na 'yan."

"Go Xev!"

Nicheer nila si Xevi para sumayaw ito kaya nakigaya nadin ako. Gusto ko din kase siya makitang sumayaw.

"Go Xev, sayaw na!" pagcheer ko din.

Napaigtad ako sa gulat ng pumulupot ang dalawang kamay ni Luca sa bewang ko. Pinatong nito ang baba sa balikat ko at bumulong sa akin.

"I love you, love. Iwill always love you." bulong nito at hinalikan pa ang leeg ko sa likod.

Ngumiti lang ako sa kanya at sumandal sa matitipunong dibdib nito.

Tawa kami ng tawa dahil sa kalokohan ni Xevi. Sumayaw nga kase siya ng sexy dance, at halos sumakit ang tiyan namin kakatawa dahil ang tigas tigas ng katawan nito. Hinubad pa nito ang damit at pinaikot ikot pa sa ere. Enjoy na enjoy itong sumayaw na akala mo naman kung maganda.

"Pota hahahahaha... Tama na hahahaha... Hndi ko na kaya hahaha gago, Xev..." putol putol na ani ni Luis dahil sa kakatawa.

"Gago ang laswa!" segunda naman ni End at malakas na tumawa.

Sumimangot si Xevi at bumalik na sa pagkakaupo dahil siguro na pagod na din ito.

Sumandal muli ako sa dibdib ni Luca dahil sa hilo.

Pinatuloy padin namin ang laro hanggang sa lahat kami ay nalasing. Hndi na namin alam ang mga pinanggagawa namin hanggang sa hndi nadin namin namalayang nakahandusay na pala kaming lahat sa buhangin.

"Ang hihina niyo naman. Tangina, last man standing!" rinig kong sigaw ni Xevi bago rin bumagsak sa buhangin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top