Chapter 3

"MS. NYXON! Are you listening?" nagulat ako ng biglang magsalita si Luca kaya agad na nabaling ang atensyon ko sa kaniya.

"Yes Lu—I mean yes, sir." sagot ko naman dito. Sa isang linggo din kase kaming magkasama nasanay na 'kong tawagin siyang Luca dahil ayaw niya daw na pinu-po ko siya.

"Then answer the following in the board." utos nito kaya agad akong napayuko. Shit naman oh! Alam ko namang kaya kong sagotan 'yong nasa board, pero hindi ako handa.

"As what i see, you look like you're not listening to me. Ms. Nyxon." malamig ang boses na pagkakasabi nito.

Bigla namang tumunog ang bell hudyat na dismissal na kaya agad akong nakahinga ng maluwag.

"Wewss! Save by the bell." usal ko sa sarili ko.

"Okay, you can now proceed to your next class. Except for Ms. Nyxon." utos ni Luca kaya sinamaan ko ito ng tingin.

Lumabas naman na ang iba kong mga kaklase. Nakita ko ding pasimple akong tiningnan nila Giya at Elise pero nginitian ko lang ang mga ito na para bang sinasabing okay lang ako kahit hindi naman. Hndi pa nila alam ang tungkol sa amin ni Luca. At wala akong balak ipaalam. Hndi naman ako sang ayon sa gusto niya eh. Siya lang naman ay may gusto nito, siguro kapag nagsawa nadin naman siya sa pangti-trip niya sa akin ay titigilan niya na itong kahibangan niya. Nang makalabas na lahat ng kaklase ko ay agad na lumapit sa'kin si Luca.

"What?" tanong sa kanya.

"You're spacing out again babe. Any problem?" tanong nito at niyakap ako mula likuran. Ang clingy niya diba? Feeling close pa 'yan, akala mo talaga mag-jowa kami. Sa isang linggong lumipas ay ganyan din siya ka-clingy. Feel na feel niya na jowa niya ko eh no?

"Ano ba! Baka may makakita satin dito!" inis kong sabi sa kanya at pilit inaalis ang kamay niyang nakayakap sa akin. 

"So?" 

"So? Anong so? Ano na lang iisipin—" naputol ang sasabihin ko ng magsalita ito.

"I don't care." walang pakeng sabi nito.

"Malelate na ako." sabi ko sa kanya at tumingin sa relo ko. 10 minutes late na ko.

"Okay, i'll fetch you later before lunch." sabi nito at kumalas na sa pagkakayakap sakin at hinalikan ako sa noo. Teka wait! Ano daw? Before lunch?

"Wait! May klase pa ako niyan." pahabol ko sa kanya.

"No, you don't have classes this afternoon. All teachers will going to have a meeting in Crosxtantine University." paliwanang nito, kaya pala.

"Okay." nasabi ko na lang at naglakad na patungo sa next subject ko.

"Take care okay? And oh! Be careful." pahabol pa nito na tinanguan ko lang.

Habang naglalakad patungo sa susunod kong klase ay nakita ko si Sol, ang boy bestfriend ko na kasama ang gang ni Drake. Teka, bakit niya kasama ang gang ni Drake? Sumali ba siya?

"Sol!" tawag ko dito, napabaling naman ito sa akin.

"Yo, Von!" bati nito sa'kin at agad pumunta sa kinaroroonan ko.

"Wala ka bang klase? At tsaka bakit mo kasama ang gang ni Drake?" tanong ko dito at binulong lang sa kanya ang bandang huli, baka marinig ako eh.

"Vacant namin eh. Ikaw, wala kang klase?" balik na tanong nito at halatang iniwasan ang tanong ko tungkol sa kung bakit niya kasama ang gang ni Drake.

"Meron, may iniutos lang sakin si Sir." sagot ko naman dito. Nakita ko namang papunta sa gawi namin ang gang nila Drake.

"Umalis kana Von! Dali!" natatarantang utos nito.

"Ha, teka! Bakit?" nagtataka kong tanong.

"Basta—" naputol ang sasabihin nito ng magsalita si Drake na nakarating na pala dito samin.

"Hi, Yvvone!" nakangiting bati ni Drake at kinuha pa ang kamay ko, agad ko naman itong kinuha sa kanya kaya natawa ito. Problema ba nito?

"Hello. Sige, Sol alis na ako ah? Malelate na ko eh. Kitakits na lang." paalam ko at agad ng umalis ng biglang hawakan ni Drake ang palapulsuhan ko.

"Nagmamadali ka ata? Kakarating lang namin ah." sabi nito habang nakahawak padin sa pulsuhan ko.

"Malelate na kase ako." pagdahilan ko naman at pilit inaagaw ang kamay ko. Pero sadyang malakas ito.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" inis kong sigaw sa kanya habang inaagaw parin ang kamay ko.

"Shhh! Huwag ka ngang sumigaw. Gusto ko lang naman makipag usap sayo ah." nakangiti nitong sabi at pilit akong nilalapit sa kanya.

"Ano ba! Bitaw nga sabi eh! Tulonggg! Tulongan niyo ko!" hndi ko na napigilang mapasigaw dahil kinakabahan na ako. Tumingin naman ako kay Sol pero naka iwas lang ito ng tingin habang hinahawakan ng mga kagrupo ni Drake.

Anong ibig sabihin ito? Na-under talaga siya ng grupo nila Drake? Na sumali talaga siya. Akala ko pa naman ay hindi niya iyon gagawin dahil alam namin pareho, alam nang lahat ng estudyante dito sa Venom U kung gaano ka hayop ang grupo nila Drake.

"What's happening here?" nagulat kami ng may malamig na nagsalita kaya nabaling ang atensyon namin dito.

"L-luca?" gulat na tanong ko ng makita ko ito. Bakit siya nandito? Akala ko ba umuwi na siya?

"What are you all doing to her?" malamig ang boses na pagkakatanong nito at hndi pinansin ang pagtawag ko sa kanya. Maski ako nagulat sa itinawag ko sa kanya. Damn!

"Nothing sir, nagbibiruan lang po." nakangiting sagot ni Drake habang hndi parin ako binibitawan. Nakita ko namang napatingin dito si Luca kaya kinabahan ako dahil mas lalong dumilim ang kanyang mukha.

"Really? Then let her go. " alam kung anytime ay mapupugto na ang pasensya niya. Knowing how impatient he is.

"Oh this?" sabi nito at pinakita ang nakahawak na kamay niya sakin. "We're having a LQ sir, don't mind us. Normal lang naman 'yon sa mga mag-shota diba?" bobo talaga itong si Drake, istupido!

"Do you know who's that woman kid?" tanong nito kay Drake, at bago pa makapagsalita si Drake ay nagsalita na si Sol.

"Sir hndi po 'yon totoo! Hina-harass po ni Drake si Yvvone!" sumbong ni Sol kay Luca.

"What—" bago pa matapos ni Drake ang sasabihin nito ay bumagsak na ito sa damuhan kaya nagulat ako.  Hndi pala, nagulat kami. Lahat nakatingin kay Luca dahil hndi pa siya nakontento at sinuntok pa ulit si Drake.

Lahat ng kagrupo ni Drake ay nakatitig lamang sa kanya habang sinusuntok ni Luca. Walang nagtangkang tumulong. Dumudugo na ang mukha nito dahil sa mga binibitawang suntok ni Luca kaya agad ko na itong inawat. Baka mapatay pa niya si Drake sa ginagawa niya eh. Makakasuhan pa siya kapag nagkataon.

"Luca! Tama na! Mapapatay mo na siya!" awat ko dito at pilit hinihila.  Pero parang wala lang itong narinig. Pinagkukumpulan na kami ng mga kapwa ko estudyante pero parang wala lang siyang nakikita.

"Luca! Please... tama na... " humihikbing saad ko dito.

Mukhang natauhan naman ito kaya pumunta ito sa kinaroroonan ko at agad akong inalalayan patayo, inakay na sa kung saan man na siyang hindi ko alam dahil sa malabo ang aking mag mata dulot ng luhang kumakawala dito. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero bago pa kami makalayo nang tuluyan ay lumingon muna ito kay Drake na nakahiga parin sa damuhan, mukhang wala na itong malay dahil hindi ito gumagalaw. Napapalibutan naman ito nang kanyang mga kagrupo, tinutulungan yatang iahon ang kaibigan nila.

"Once you touch my woman again. I'll make sure to all of you! You won't see the sun rise again." banta nito at agad na akong inalis sa lugar na 'yon. Mukhang nagulat naman sila sa sinabi ni Luca kaya napapikit na lang ako. Sino bang hindi magugulat sa sinabi niya? Ipinagsigawan lang naman niya sa mukha nang mga estudyante nito na babae niya ako, oo woman daw eh.

Tumingin namanako kay Sol pero agad na itong tumakbo. Hndi ko alam kung saan siya pupunta. Saan nga ba? Wala naman akong alam na pwede niyang puntahan o mga kaibigan namin na mapupuntahan niya. Tsaka hindi naman ako galit sa kanya, kung 'yon ang iniisip niya.

"Saan tayo pupunta?" takang tanong ko ng mapansing mukhang sa office kami papunta. Pero hndi ito sumagot at derideritso lang ang lakad.

So tama nga ako, sa deans office ang punta namin. Nagulat ako ng padabog niyang buksan ang pinto, pati ang dean ay nagulat din. Sino lang ba ang hndi magugulat principal namin 'yan tapos ginaganeto niya lang.

"Mr. Rouseff,  you startle me! What's the problem?" gulat na tanong ni dean sa kanya. Napatingin naman ito sa akin kaya yumuko na lang ako.

"Expelled all those bullshits who harass my wom— i mean Ms. Nyxon!" galit na sigaw nito sa dean. Napapikit ako dahil bakit kinakaya-kaya niya lang ang principal namin, bakit sinisigawan niya lang ito. Hindi ba siya takot na mapaalis dito sa paaralan namin?

"Pero sino sino ba sila? At tsaka—" hndi na natapos nito ang sasabihin ng magsalita ulit si Luca.

"We have witnessed! End of conversation! If you're  not going to expelled those fucking bullshits, i will never help your godamn school again!" sigaw nito ulit, mukhang natakot naman ang dean kaya walang nagawa na sumang ayon na lamang ito.

"O-o-okay, d-don't worry ako ng bahala sa kanila." nauutal na sabi nito. Hndi naman ito pinansin ni Luca at hinila na naman ako. Putcha! Ano ako lubid? hinihila-hila lang ganon?

"Aray! Dahan dahan naman, saan na naman ba tayo pupunta? Susunod naman ako eh. Hindi mo naman ako kailangang hilahin ng hilahin." sabi ko dito habang binabawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"I'm sorry. Follow me." sabi lang nito at naglakad na. Tamoto wala talagang manners and right conduct! Magsosorry na nga lang hndi pa sincere!

Sumunod na lang ako dito wala naman akong magagawa eh, wala naman akong choice. Palagi lang naman akong walang choice, hanep na buhay 'to oh. Nakarating kami sa parking lot ng school, nakita ko namang dumeritso agad siya sa kotse niya kaya sinundan ko na lang ito. Pinanganak lang talga siguro ako para maging sunod sunoran. Nagmumukha na nga akong langaw na sumusunod sa tae eh. Oo papayag akong langaw ako basta siya ang tae.

"Get in." utos nito habang pinagbubuksan ako kaya sumakay na lamang ako. May magagawa ba 'ko? Wala naman eh, palagi lang naman.

Pumasok na din siya sa sriver seats at agad nang pinaharurot ang sasakyan niya sa direksyong hndi ko alam. Hndi ko alam kung saan kami pupunta dahil hndi pamilyar ang dinadaanan namin. Mukhang hndi ko pa ito na pupuntahan. Halata naman.

Pumasok kami sa isang iskinita, hndi kagaya ng iskinita papunta sa bahay namin. Parang pangsosyal na iskinita dahil marami namang matataas at magagandang bahay. Nang makalabas kami ng iskinita ay isang malawak na villa ang sumalubong sa amin.

Maraming magaganda at malalaking bahay, hndi kagaya nang mga bahay sa iskinita kanina. Mas maganda ang mga bahay dito sa loob ng villa.

"Ang gaganda naman ng mga bahay dito. Kilala mo ba kung sino sinong may ari nito? O baka ikaw ang isa sa mga may ari?" hndi ko na maiwasang matanong kay Luca habang nasa labas ng bintana ang aking paningin.

Hndi ko naman kase maiwasang hndi mamangha dahil ang ganda at ang lalaki ng mga bahay dito. Ngayon lang kase ako nakakita ng mga bahay na ganeto ka laki. Malaki naman ang bahay nina Giya, mansiyon na iyon eh, tsaka ilang beses na din naman na akong nakapunta doon. Pero mas malaki pa din ang mga ito kumpara sa bahay nina Giya. Kung mansiyon iyong kina Giya, ito Super mansiyon.

"Yes i know those owners, one of them are my friends. The rest are some of my business partners." he said and then shrugged his shoulders.

"Ah kaya pala ang gaganda at malalaki dahil mga milyonaryo din ang may ari."

Sumandal ako sa upuan ng sasakyan ni Luca dahil naboboring na ako. Saan ba talaga kami pupunta? Nagitla ako ng masuyo niyang hawakan ang kaliwang kamay ko.

"I'm sorry..." mahina pero sensiro nitong ani.

"Anong hinihinge mo nang tawad wala ka namang kasalanan sa akin." nakakunot noong tanong ko sa kanya.

"I'm sorry if you see that behaviour of mine a while ago. But i'm not sorry for bringing you here in my place." binitawan nito ang kamay ko at inihinto nag sasakyan.

Bumaba ito at umikot upang pagbuksan ako ng pinto. Saktong pagbaba ko ay siyang pagsabi niya ng mga katagang—

"Welcome to my place hon."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top