Chapter 20
DALAWANG ARAW na ang lumipas simula nong may nangyareng masama sa birthday ng kambal. Mukhang maayos naman na ang lahat, nasa presinto na si Drane pero si Sol nasa hospital padin nagpapahinga at nagpaparecover hanggang ngayon. Ang sabi daw ng doctor baka mga dalawa o tatlong linggo pa daw si Sol don. Muntik pang umuwi si Jake ng wala sa oras dahil sa katangahan niya.
"Ms. Nyxon?" napatingin ako kay Prof ng tawagin niya ang pangalan ko.
Nandito ako ngayon da paaralan dahil hindi naman natigil ang klase dahil lang sa nasa hospital ang isa nilang estudyante. Tunog masama naman ako don.
"Po?"
"Where's the list of the attendance for today?"
Kinuha ko ang listahan ng attendance ngayong araw sa klase ni Prof Veina sa bag ko.
"Ito po, Prof." bigay ko sa kanya ng pinunit kong isang page ng notebook ko.
"Good, thankyou Von." nginitian ko lang ito bago bumalik sa aking upuan.
"Okay, since walang absent ngayon hndi ako magpapaquiz." at dahil sa sinabi ni Prof ay agad naghiyawan ang mga hunghang kong kaklase.
"Naysssss!"
"Araw araw dapat kayong pumasok kahit mga bobo kayo bwahahahahahaha."
"Wala dapat umabsent para walang quiz."
"Yeheyyy!"
Kanya kanya nilang hiyawan kaya napailing na lamang si Prof Veina sa kanila.
"Enough, i'll give you an early dismissal because i have to go, bye students!" paalam ni Prof na mas lalong ikinalakas ng hiyaw nila.
"Thank you and goodbye, ma'am!" sabay-sabay na ani nang lahat. Masigla pa ang mga tono nito dahil sa wala na silang gagawin ngayon. Easy vacant ba naman.
Mga tamad talaga mag aral tapos kapag exam na, titingin tingin sa papel ng iba. Oo department namin 'yan.
"Ibon tara sa cafeteria nagugutom na 'ko." aya ni Giya na sinang ayonan naman ni Elise.
Sumunod ako sa kanila dahil nagugutom na din naman ako. At isa pa kailangan kong ispoil si baby, hehe.
"Tara, "
Habang papunta kami sa cafeteria ay hndi namin maiwasang magkwentuhan sa paparating na graduation. Kung ano ano daw ang plano, kung magsesettle na ba daw o magtatrabaho na agad.
"Ako magtatrabaho muna, alam niyo namang may anghel na akong kailangan tustusan diba? Baka madagdagan pa 'to ayaw ko namang iasa lahat kay Luca." saad ko sa kanila ng gusto kong gawin.
"Sinong magbabantay kay baby?" tanong ni Giya.
"Well, maghahired ng nanny? Oo ganon na nga." pwde din sigurong si mama? Charot.
Pero para sa akin, ayokong maghired nang nanny para sa anak ko. Gusto ko ako mismo ang magpalaki sa kanya. Siguro kapag talagang lumaki na siya ay doon lang kami kukuha na pwedeng magbantay sa kanya.
"Kaya naman kayong buhayin ni Luca Aki, tsaka sa kanya naman talaga ang trabahong 'yan. Siya ang padre de pamilia, at siya ang lalake kaya dapat siya din ang magtrabaho." giit pa ni Elise.
"Hndi naman porket siya ang padre de pamilia at ang lalake ay wala na akong karapatang tulungan siya, at wala na siyang karapatang hndi magtrabaho. Ayoko non, gusto ko pantay lang kami."
Alam ko namang mabigat ang papasanin ni Luca kapag nanganak na ako. Kaya gusto ko siyang tulungan sa pagtatrabaho.
"Bahala ka nga. By the way, paano na 'yong thesis na'tin? Sabi pala ng Prof ni Sol sakin kanina nong magkasalubong kami dependi daw sa magiging kalabasan ng thesis natin ang magiging score ni Sol. 'Yong lalaking 'yon kase pasikat. Sarap kaltokan ampota." shit 'yong thesis! Ba't ko ba nakalimotan 'yon?
"Sa bahay na lang siguro namin. Paniguradong doon naman tayo ni Luca papagawin ng thesis dh. Tsaka 'yong kay Sol, no problem 'yon."
"Nahihibang kana ba Ibon? Ang score na'tin ang magiging score din ng hinayupak na 'yon!" protesta ni Giya. Hay naku! Hndi ko alam kung bakit ang lalim ng galit ng babaeng 'to kay Sol.
Hindi ako galit kay Sol sa ginawa niya, nagtatampo? Oo. Pero hindi ako galit, alam ko naman kaseng sa loob nang lalakeng iyon ay siyang malambot niyang puso. Hindi ko lang alam kung anong klaseng pagmamanipula ang ginawa sa kanya ni Drane kung kaya't nagawa niya iyon. Pero alam ko naman na mabait iyon kahit loko-loko.
"Giya, baka nakakalimotan mong mas matalino pa si Sol sa atin? Nasa DL din kaya 'yon, mas mataas pa nga siya sakin eh."
"Ay oo nga pala. Pero wala parin akong pake, so kailan?"
"Next week na. Marami pa tayong dapat paghandaan sa exam. Magreview kayong dalawa ah? Baka ipag one seat apart na naman tayo."
"Ayoko nga." sabay nilang protesta at nagtawanan pa.
Napailing na lang din ako at nauna na sa pila. Bahala silang dalawa diyan, nagugutom na kami ni baby eh.
Pagkatapos naming maglunch ay pumunta na kami sa next class namin. As usual puro lang naman paalala na magreview sa exam at may mga maikling quiz lang din silang pinasagot. Hanggang sa last period sa hapon ay 'yon lang ang ginawa namin, review at short quiz.
Nang matapos na ang klase ay agad na kaming nag ayos ng gamit namin para umuwi.
"Ibon sabay ka samin?" tanong ni Giya sakin pero umiling lg ako.
"Susunduin daw ako ni Luca." pag imporma ko sa kanila.
Agad naman nila akong kinantyawan kaya napailing na lang ako.
"Sabay na lang tayong lumabas, kailangan naming masigurado na makakauwi ng ligtas ang mommy preggy namin." natatawang ani ni Elise kaya napatawa na lg din ako.
"Puro kayo kalokohan, tara na nga." aya ko sa kanila at sinukbit na ang bag ko.
Palabas na kami ng makasalubong namin ang grupo ni Drake, agad naman akong kinabahan hndi para sa akin kundi para sa baby ko. Ang alam ko ay nasa kulungan ito. Malamang sa malamang ay nagbailed ito para makalaya. Tinago ako ni Giya sa likod niya at hinarap ang grupo ni Drake.
"What do you need?" matigas na tanong ni Giya sa kanila.
"Scared? Wala pa nga kaming ginagawa." natatawang ani ng isa nilang kasamahan.
"Shaun." may diing tawag ni Elise doon sa lalakeng nagsalita ngayon lamang.
"Hi babe!" ngisi nitong bati sabay wagayway pa nang kamay kay Elise kaya agad na napakunot ang noo ko.
"Babe?" sabay naming tanong ni Giya.
"I-it's not true... N-na-nagsisinungaling lang—"
"Bakit ka nauutal? Elise you know i really really loath liars right?"
"O-oo naman."
"So bakit ka nauutal?"
Hndi nakasagot si Elise sa tanong ni Giya at bahagya lang napayuko. Akmang sisinghalan na ito ni Giya ng magsalita ulit 'yong Shaun.
"Enough! Ano ngayon kung kami ni Elise? Wala ka nang pakialam doon Giya, labas ka na sa kung anong meron kami."
"Of course we care! Bakit naman namin hahayang mapunta lang si Elise sa isang barumbado at walang alam na katulad mo! Isang patapon na walang future!" inis kong sigaw sa kanya.
"Yvvone! You don't have the rights to say that to Shaun. Yes, we're in a relationship. And so? What's wrong with that? Irespeto niyo na lang ang desisyon ko, namin."
Napamaang kami ni Giya sa sagot niya. Napakabobo niya naman para pumatol kay Shaun. Well, kaibigan ko siya, oo. Pero... Really?
"What the fuck is happening to you Elise? Are you out of your mind? Baka nakakalimotan mong isa siya sa mga nagtangkang i-harass si Aki. O baka naman gusto mo ding magpaharass sa kanya?" pagak na tumawa si Giya pagkatapos niyang sabihin iyon.
"Let me correct you Giya, si Drake lang ang nang-harass kay Yvvone. Hndi sila Shaun o isa sa mga kaibigan nila."
"Wow ha? Wow, just wow. Ipagpipilitan mo talagang isalba 'yang kagagohan ng boyfriend mong walang alam at walang laman ang utak? Sa dinarami rami ba naman ng lalake sa mundo Elise diyan ka lang sa kanya mapupunta? Sa isang walang kwentang lalaki? Sa isang patapon na walang pakialam sa future niya? Alam kong matalino ka, Elise. Pero napakabobo mo naman kung ganon, pinalaki at pinag aral ka ng mabuti ng mga magulang mo para kapag nakapagtapos ka isang magandang buhay ang bubungad sayo. Pero ngayong hndi kapa nga nakapagtapos mapupunta kana sa lugmok na pamumuhay. Hndi na ako magtataka kung sa huli ikaw ang magpapalamon diyan sa lalakeng 'yan." napasinghap ako ng lumapat ang kamay ni Elise sa pisnge ni Giya pagkatapos ng mahaba niyang lintanya.
"How dare you to insult him in front of me? Wala kana ba talagang respeto Giya? Wala ka sa lugar para pagsalitaan siya nang ganyan. Grabe naman kayo makapag-underestimate. Akala niyo ang gagaling niyo ah!"
"Ikaw wala kana bang natitirang dignidad sa katawan mo? O kahit utak man lang diyan sa kokote mo? Napakabobo mo para magpakatanga at magpaikot diyan sa lalakeng 'yan. Gagamitin ka lang niyan Elise, peperahan ka lang niyan, at pagkatapos ka niyang gamitin idedespatsya kana niyan. Alam mo naman siguro kong anong ginagawa niyan sa mga babaeng natikman na niya diba? Saan ba sila napupulot kung hndi sa basurahan. Kaya kung ako sayo ngayon pa lang hiwalayan muna 'yang barumbadong 'yan. Wala 'yang magandang maidudulot sayo Elise. Buksan mo nga ang mata at isip mo."
Nakikinig lang ako at palipat lipat ang tingin sa salitan nang salita ng dalawa pero ako ang naiistress. Sirado na ang utak ni Elise kaya hndi niya maintindihan ang ibig sabihin ni Giya. Mabuti nga at hindi ni Giya ginantihan nang sampal ang pinsan, baka magsabunutan ang mga ito dito.
"Tama na 'yan Giya, hayaan na lang natin si Elise sa kung saan siya masaya." pag awat ko kay Giya bago harapin si Elise. "But remember this Elise, once you've hurt by that asshole, don't you dare na bumalik sa amin habang umiiyak-iyak dahil sinaktan at ginamit ka lang niya."
"Talaga lang, h'wag talaga siyang babalik balik sa atin habang umiiyak dahil baka masapok ko siya nang wala sa oras." inis na inis na ani ni Giya.
"Tinatak—" pinutol ko na si Giya dahil baka hndi pa kami matapos dito sa kababangayan nila ni Elise.
"Tama na 'yan, tara na." aya ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya para siguradong susunod siya sa akin.
Umalis na kami sa lugar na 'yon at tinungo ang gate para umuwi.
Sakto namang nandon na si Luca ng makarating kami kaya nagpaalam na ako kay Giya at agad na akong sumakay sa sasakyan niya habang walang imik. Narinig ko pa siyang binati ako pero hndi ko na ito pinansin.
Sinandal ko na lamang ang aking ulo at pumikit. This day is tiring.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top